Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Quarantine Life

Pitong-buwan. Pitong-buwan na at hanggang ngayon nasa bahay pa. Nagtataka kung ano
ang ginagawa. Pagod na pagod kakaikot sa loob. Kailan kaya ito matatapos. Ito ang tanong ko sa
sarili.

Noong una’y kay-saya pa ng pakiramdam ng nasa loob ng bahay; gigising, kakain,


maliligo, maglalaba, magpi-peysbook. Iyan ang madalas ginagawa ko habang nasa quarantine
life. Ngunit kalaunan, nagiging boring na ang lahat, nakakamis pumasok sa paaralan, nakakamis
pagalitan ni titser kasama ang buong tropa dahil hindi nakagawa ng takdang aralin, inuna pa ang
mga hindi mahahalagang bagay, nakakamis maglibang kasama sila, mga tawanang abot
hanggang langit, at iba pa. Habang nasa quarantine life, sinanay ako ni ina sa pagtatanim para
daw malibang ako. Kaya nagtanim kami ng mga gulay, prutas, at iba pa. Iba’t ibang libangan ang
nagagawa, at maraming bagay ang nagagawa na hindi nagagawa noon. Isa na rito ang bonding
ng pamilya, mas napapalawak ang samahan ng mga magulang at mga anak. Iba’t ibang aral din
ang nakukuha habang nasa quarantine life. Una, oras. Mahalaga ang oras, kaya huwag kang
pabagal-bagal. Maraming gagawin, maraming hahabulin, maraming aasikasuhin, kaya halika na,
bilisan ang pagkilos. Pangalawa, halaga. Pagtoonan nang pansin ang mga bagay na mas
mahalaga kaysa sa iba, upang hindi maabutan ng deadline. Pangatlo, positibong pag-iisip. Iwasan
ang mga negatibong pag-iisip, hindi ito nakakatulong, maraming mahahalagang bagay / gawain
na dapat isaisip at unahin, huwag maging negatibo, huwag maging tamad, kung ayaw mong
mahuli, bilisan ang pag-usad, bilisan ang pagkilos. May pasok ka pa, kaya gumising ka na. !

Neyoh

You might also like