Grade 10 FilipinoV2 Mod1!7!181pages

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 181

10

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Mito mula sa Iceland
(Panitikang Kanluranin)

CO_Q2_Filipino 10_Module 1
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Mito mula sa Iceland (Panitikang Kanluranin)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha
ang pahintulot sa paggamit ng materyal. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Justin Carlos G. Villanueva


Editor: Luisito V. Libatique Alvin D. Mangaoang
Tagasuri: Arabella May Z. Soniega Virgilio C. Boado
Gina A. Amoyen Editha T. Giron
Tagaguhit: Rodel R. Rimando Charles D. Mabalot
Tagalapat: Alvin D. Mangaoang Daniel C. Tabinga, Jr.
Tagapamahala: Tolentino G. Aquino Atty. Donato D. Balderas Jr.
Arlene A. Niro German E. Flora
Gina A. Amoyen Virgilio C. Boado
Editha T. Giron Alejo R. De Sesto

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region I


Office Address: Flores St., Catbangen, City of San Fernando, La Union
Telefax: (072) 682-2324; (072) 607-8137
E-mail Address: region1@deped.gov.ph
Alamin

Kumusta mahal kong mag-aaral? Ako ay nagagalak sapagkat ikaw ay


makakasama ko sa panibagong paglalakbay at pag-aaaral sa asignaturang Filipino!
Labis akong humahanga sa ipinakita mong dedikasyon at husay sa nakaraang
modyul. Inaasahan ko na ipagpapatuloy mo ito sa mga susunod pang mga aralin.
Ito ay isang patunay ng iyong kasiglahan at sigasig upang matuto. Alam kong handa
ka na sa susunod pang aralin, kaya ipagpatuloy mo ang iyong pagkatuto.
Para sa Modyul 1 iyong matutuklasan ang isa na namang uri ng mitolohiya
na matatagpuan sa bansang Iceland; ang mitolohiyang Norse. Isa ito sa mga kilalang
mitolohiya sa buong mundo. Sa pagtatapos ng modyul na ito, mas lalo mo pang
mabibigyang pagpapahalaga ang natatanging mitolohiya ng bansang Iceland at kung
papaano ito naiiba at kahalintulad ng mitolohiya ng ating bansa.
Sa araling ito, inaasahang malilinang ang mga Pinakamahalagang
Kasanayang Pampagkatuto (MELC) na:
1. Nailalahad ang mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang
usapan ng mga tauhan. (F10PN-IIa-b-71)
2. Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan
(collocation). (F10PT-IIa-b-71)
3. Nakabubuo ng sistematikong panunuri sa mitolohiyang napanood. (F10PD-
IIa-b-69)
4. Naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa mitolohiyang
Pilipino. (F10PU-IIa-b-73)

1 CO_Q2_Filipino 10_Module 1
Subukin

Bago tayo magsimula sa ating aralin, sagutan mo muna ang paunang


pagtataya upang malaman ang iyong inisyal na kaalaman sa aralin.

PAUNANG PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin at unawain mo ang diyalogo. Isulat sa iyong sagutang papel ang
letra ng tamang sagot.

At nang makarating sa tahanan ni Venus si Pscyhe, agad nitong


kinausap ang diyosa. “Mahal na diyosa, ako ay nagkasala sa iyo at sa inyong
anak. Lahat ay gagawin ko upang mapatawad ninyo ako.” Buong
pagmamakaaawang wika ni Psyche. “Ako ay labis na namumuhi sa iyo mortal!
Ngunit sige, kapag nagawa mo ang aking mga ipapagawang pagsubok,
papatawarin kita at baka sakaling mapatawad ka rin ng aking anak na lubhang
nasaktan dahil sa iyo.”

_____ 1. Sino sa dalawang tauhan ang tagapagpadaloy ng usapan?


A. Psyche C. Parehong A at B
B. Venus D. Wala sa nabanggit

_____ 2. Sino sa dalawang tauhan ang tagatanggap sa usapan?


A. Psyche C. Parehong A at B
B. Venus D. Wala sa nabanggit

_____ 3. Ano ang sitwasyon sa nasabing usapan?


A. Pagpunta ni Psyche kay Venus.
B. Paghingi ng tulong ni Psyche kay Venus.
C. Dumalaw si Psyche kay Venus upang makausap ang anak nito.
D. Paghingi ng tawad ni Psyche kay Venus.

_____ 4. Patungkol saan ang usapan ng dalawang tauhan?


A. Si Venus ay may galit kay Psyche at humihingi ito ng kapatawaran.
B. Pagpapakumbaba ni Psyche sa diyosa upang tulungan siya nito.
C. Nais makausap ni Psyche ang kaniyang asawa upang humingi ng
kapatawaran.
D. Pagpapakita ng pagnanais ng dalaga na matanggap siya ni Venus
para sa kaniyang anak.

2 CO_Q2_Filipino 10_Module 1
B. Panuto: Ilapat ang angkop na salita para mabuo ang kahulugan ng sumusunod
na mga salita. Piliin ang salita sa loob ng kahon. Isulat ito sa sagutang papel.

ningas panakip palaka nakaw sulong


pagong patay bukid bisig kilay
akyat

___________________ 1. ______________-butas (Pamalit o pansamantala lamang)


___________________ 2. Nagsusunog ng _____________ (Masipag mag-aral)
___________________ 3. Kapit-______________ (Pagkakaisa)
___________________ 4. _____________-bahay (Magnanakaw)
___________________ 5. _____________-tingin (Pagsulyap sa isang tao na hindi
nito nalalaman)
___________________ 6. Dalagang-______________ (Isang uri ng isda)
___________________ 7. Boses-______ (Sintunado o wala sa tono kung kumanta)
___________________ 8. __________-gutom (Palaging gutom o matakaw)
___________________ 9. Lakad-____________ (Mabagal maglakad)
___________________ 10. Urong-____________ (Nahihirapang magdesisyon)

Mahusay! Binabati kitang muli at nagawa mo nang buong husay ang paunang
pagtataya. Tiyak kong nakatulong nang malaki ang natutuhan mong kasanayan at
kaalaman sa nagdaang mga aralin kaya naman nagawa mo nang buong husay ang
paunang gawain. Sa pagpapatuloy ng ating aralin, sinisiguro kong lalawak pang lalo
ang iyong kaalaman.

3 CO_Q2_Filipino 10_Module 1
Aralin
Mitolohiya ng Iceland
1 Panitikan: Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante

Ang Modyul 1 ay tungkol sa mitolohiya ng bansang Iceland. Ang Iceland ay


kabilang sa mga lahing Nordic na matatagpuan sa Hilagang Europa. Ang mga
Eskandinaba ay mga lahi na nagsasalita ng Germanic Languages (Norse). Kabilang
dito ang Sweden, Norway, Denmark, Finland, Greenland, Faroe Island at Iceland.
Pinaniniwalaan na ang unang mga nanirahan sa Iceland noong ika-9 na siglo ay ang
mga “Papar” o mga Irish monks. Nang umalis ang mga papar, nag-iwan ang mga ito
ng mga libro na naging basehan ng mga akdang pampanitikan ng bansang Iceland.
Sunod na nanirahan ang mga Norse sa pangunguna ni Naddador at tinawag itong
“Snow land” dahil kasalukuyang may niyebe nang sila ay nakarating. Ang pangalang
Iceland ay ibinigay ng sumunod na nanirahan sa isla na si Flóki Vilgerðarson isang
Viking. Pinangalanan niya itong Iceland dahil sa nakita niyang mga iceberg o
malalaking tipak ng yelo.

Ang mitolohiyang Norse ay nagmula sa lahing Eskandinaba na nagsimula


noong panahon ng mga Viking na nanirahan noon sa Iceland. Hindi nailathala ng
mga Viking ang kanilang mitolohiya dahil ito ay pasalitang ipinapasa sa
pamamagitan ng pagkukuwento lamang kung kaya naman maraming bahagi ng
mitolohiyang Norse ang hindi nabigyang linaw.

Dahil walang nakalimbag na mga kalipunan ng mga tula, awit at mga kuwento
ng mga diyos at diyosa ang mga Viking, si Snorri Sturlurson ay lumikha ng isang
akda na pinamagatang Prose Edda o mas kilala bilang Edda na siyang
kinapapalooban ng mga kuwento ng mga diyos at diyosa. Ito ang nagbigay anyo sa
mitolohiyang Norse. Dahil sa Edda, mas nakilala ng mundo ang kultura ng mga
Viking at ang kanilang mga paniniwala.

Ang madalas na tema ng mitolohiyang Norse ay ang paglalakbay ng mga diyos


at ang pakikipaglaban nila sa mga higante na mahigpit na kalaban ng mga diyos.
Ilan sa mga kilalang diyos ng mitolohiyang Norse ay si Odin, ang pinuno ng
mga diyos sa Asgard na tahanan ng mga diyos at diyosa. Ang pinakatanyag na diyos
ng mitolohiyang Norse na si Thor ang diyos ng kidlat na siya ring pinakamalakas na
diyos. At si Loki, ang mapanlinlang na diyos. Ilan lang sila sa mga diyos at diyosa ng
mitolohiyang Norse na makikilala mo sa ating tatalakayin.

Handa ka na ba mahal kong mag-aaral? Kung handa ka na, maaari mo nang


umpisahan ang aralin at mga gawain.

4 CO_Q2_Filipino 10_Module 1
Balikan

Bago ka tuluyang pumalaot sa iyong paglalakbay, subukin mo muna ang


iyong sarili kaugnay sa iyong natutuhan sa nagdaang aralin.

Gawain 1: Isang Kahon, Isang Sagot!


Panuto: Balikan ang akdang Troy mula sa Modyul 7 sa unang markahan at ibigay
ang mga hinihinging impormasyon sa loob ng kahon. Isulat ito sa inyong sagutang
papel.

Troy

Mga Tauhan: _______________________________________________________________

_______________________________________________________________

Tagpuan: __________________________________________________________________

__________________________________________________________________

Paksa ng Kuwento: ________________________________________________________

_________________________________________________________

Aral: _______________________________________________________________________

________________________________________________________________________

Magaling! Natapos mo ang unang gawain. Binabati kita at patuloy kang


lumilikha ng positibong pagganap sa mga gawain kaugnay sa ating aralin. Sa
pagkakataong ito, ihanda mo na ang iyong sarili at sasamahan kita sa iyong
paglalakbay sa mundo ng mitolohiyang Norse.

5 CO_Q2_Filipino 10_Module 1
Tuklasin

Ang mga Scandinavian, ang lahi na pinagmulan ng mga Viking ay kilala hindi
lamang sa larangan ng pakikidigma bagkus sila rin ay kilala dahil sa kanilang mga
kuwento patungkol sa kanilang mga diyos at diyosa. Ang mitolohiyang Norse ay isa
sa mga kilalang mitolohiya sa mundo na nagsimula dahil sa pasalin-dilang kuwento
ng mga matatandang Viking na siyang naging inspirasyon ni Snorri Sturlurson para
ipakilala sa mundo ang natatangi nilang mitolohiya na hanggang sa kasalukuyan ay
buhay at kilala saan mang sulok ng daigdig.

Tampok sa modyul na ito ang isa sa mga kuwento sa librong Prose Edda ni
Snorri Sturlurson na “Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante”. Aalamin mo ang
kahalagahan ng pagtitiwala sa sariling kakayahan at ang kahandaan sa pagharap
sa kahit anomang hamon. Inaasahan na sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay
makasusulat ng isang panunuri sa isang mito batay sa elemento nito at
paghahambing nito sa iba pang mito.

Basahin at unawain mo ang kuwento dahil ito ang magiging batayan mo sa


sa susunod mga gawain.

Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante


(ni Snorri Sturlurson)
(Muling isinalaysay ni Justin Carlos G. Villanueva)

Si Thor, anak ni Odin ay nagpasiya para


maglakbay patungo sa Utgard na matatagpuan
sa Jotunheim, ang lupain ng mga higante na
kalaban ng mga diyos. Kasama niya sa
kaniyang paglalakbay si Loki at ang
magkapatid na mortal na sina Thjalfi at Rosvka.
Sa kanilang paglalakbay ay nakilala nila ang
isang higanteng si Skrymir. “Hindi ba’t ikaw si
Thor, sadyang ikaw ay kilala at kinatatakutan
sa lupaing ito dahil sa iyong angking lakas.
Ikagagalak ko na samahan ka sa iyong
paglalakbay.” “Ngunit ako ay hindi basta-basta
nagtitiwala lalo na sa isang higante” Pag-
aalinlangang sagot ni Thor. “Huwag kang mag-
alala, wala akong gagawing masama, nais ko
lamang kayong gabayan patungo sa inyong
pupuntahan, saan ba kayo pupunta?”. “Sa
kaharian ni Utgard-Loki” sagot ni Thor. “Kapag ako ay isinama niyo, tutulungan
ko kayo upang makarating kayo roon ng mabilis.” “Kung ikaw ay talagang nais
kaming samahan, sige ako ay papayag na.” Pumayag naman si Thor. Inilagay ni
Skrymir ang kanilang mga gamit at pagkain sa loob ng kaniyang sisidlan at itinali
ito. Sa layo ng nilakbay nila ay napagod sila kaya minabuting magpahinga muna
at ituloy ang paglalakbay kinabukasan.

6 CO_Q2_Filipino 10_Module 1
Hindi makatulog si Thor dahil sa lakas ng paghilik ng higante. Dala ng
gutom at pagod, sinubukang buksan ni Thor ang sisidlan ngunit hindi niya ito
mabuksan. Nagalit si Thor kaya tatlong beses niyang pinalo ng malakas sa ulo si
Skrymir gamit ang kaniyang maso na mjolnir ngunit sa tuwing nagigising ang
higante ay inaakala nitong siya ay nahuhulugan lamang ng ensina at dahon sa
ulo.

Kinabukasan, nang magising sila ay nagpaalam na si Skrymir sa kanila.


“Sa ilang sandali na lang ay mararating na ninyo ang kaharian ni Utgard-Loki
ngunit huwag na huwag kayong magpapakita ng pagmamalaki sa kaniya.” Habilin
ng higante sa grupo nina Thor at sila ay nagpatuloy na sa paglalakbay. Sa wakas
ay narating nila ang malaking kaharian ng Utgard. Bumungad sa kanila ang isang
napakahabang bulwagan at sa dulong bahagi ay nakaupo sa malaking trono ang
hari na si Utgard-Loki. Agad niyang nakilala si Thor. “Ikaw ay malakas kaysa tingin
ko lamang. Anong kakayahan na mahusay kayo?” wika nito.

Upang patunayan na sila ay mahusay sa kanilang mga angking kahusayan,


hinamon niya ang mga ito. Bawat isa sa kanila ay nagsabi ng kanilang kakayahan.
Sumagot si Loki.

“Ako ang pinakamabilis kumain sa buong mundo at walang sinoman ang


mas mabilis pa kaysa sa akin.” “Kung gayon, aking itatapat sa iyo ang aking alagad
na pinakamabilis kumain sa aking kaharian.” Tinawag ni Utgard-Loki ang
kaniyang alagad na si Logi. Pumuwesto ang dalawa sa magkabilang dulo ng isang
mahabang lamesa at pinuno ito ng mga karne. Mabilis na kinain ni Loki ang karne
at buto na lamang ang natira ngunit nang sila ay nagtagpo sa gitnang bahagi ng
lamesa laking gulat ni Loki na walang natira ni kahit na isang buto at maging ang
lamesa ay kinain ni Logi. Malinaw na si Logi ay ang nanalo sa paligsahan.

Sumunod naman si Thjalfi. “Nais kong subukan ang aking angking bilis sa
pagtakbo. Ako ang pinakamabilis na tumakbo sa mga mortal.” “Kung gayon, aking
itatapat ang pinakamabilis na tumakbo sa aking kaharian.” Wika ni Utgard-Loki.

Tinawag ni Utgard-Loki si Hugi. Sa unang laban, malayo ang naging agwat


ni Hugi kay Thjalfi. Sa ikalawang beses ay nadikitan nito si Hugi. Naulit ito nang
tatlong beses ngunit hindi talaga maabutan ni Thjalfi si Hugi dahil mas mabilis
talaga ito kaysa sa kaniya. “Labis akong bumilib sa iyong ipinamalas na galing!
Ngayon lang ako nakakita ng isang mortal na mabilis tumakbo.” Magkasunod na
natalo ang mga kasamahan ni Thor.

“Ako naman ang iyong subukin! Wala nang mas gagaling pa sa akin sa
larangan ng pag-inom!” buong pagmamalaking hamon ni Thor sa hari ng mga
higante. “Mukhang ikaw nga ay sadyang mahusay Thor, kung kaya naman nais
kong inumin mo ang laman ng tambuling ito. Ang aking mga alagad ay kayang-
kayang lagukin ito ng dalawa hanggang tatlong lagukan at ito ay nauubos nila
ngunit alam kong kakayanin mo ito dahil nga tulad nang iyong sinabi mo ikaw ay
sadyang magaling.” Pinakuha ni Utgard-Loki ang isang tambuli na naglalaman ng
alak na gawa sa tubig at pulot (mead). Sa unang lagok ni Thor tila ba walang
nababawas sa laman ng tambuli. Ganito rin ang nangyari sa ikalawa at ikatlong
lagok ngunit konti pa rin ang nabawas sa laman ng tambuli.

7 CO_Q2_Filipino 10_Module 1
“Thor, mukhang hindi ka kasinlakas tulad ng inaasahan ko” wika ng
pinuno ng mga higante. Nagdilim ang paningin ni Thor sa sinabi ng pinuno ng
mga higante. “Ako ay galit na! Ipapakita ko sa inyo kung gaano ako kalakas!”
“Kung gayon, ipapagawa ko sa iyo ang isang madaling pagsubok. Paboritong
libangan ng mga bata sa aking kaharian ang pagbubuhat sa aking alagang pusa.
Hinahamon kitang buhatin mo ang aking alaga. Alam kong kakayanin mo ito dahil
sadyang ikaw ay may pambihirang lakas.” Wika ng higante kay Thor. Binuhat ito
ni Thor nang buong lakas ngunit umarko lamang ito at ang tanging naiangat
lamang niya ay ang paa nito.

“Ako ay galit na, hinahamon ko ang kahit na sino sa inyo na makipagbuno


sa akin!” pasigaw na wika ni Thor. “Kung gayon, iyong kakalabanin ang aking
matandang katulong sa larangan ng wrestling.” “Ako ba ay iniinsulto mo? Hindi
mo ba naisip ang maaaring mangyari sa iyong matandang katulong? Kung ikaw
ay disidido sa iyong hamon, hindi ako magdadalawang-isip na ibuhos ang aking
buong lakas!” Buong-buo ang kompiyansa ni Thor na kakayanin niya ang
pagsubok dahil siya ang pinakamalakas na diyos sa lahat.

Tinawag ni Utgard-Loki ang matandang katulong na si Elli. Kahit na ang


babae ay mukhang mahina ay hindi siya nagawang pigilan ni Thor sa larangan ng
pakikipagbuno. Buong lakas na nagpumiglas si Thor ngunit siya ay nanghina at
napaluhod sa isang tuhod. Di-hamak na mas malakas ang matanda kaysa kay
Thor kaya siya ay natalo.

Ang tatlo ay nakahanda nang umalis, bigo at mapagkumbaba ngunit bago


sila paalisin ng hari ay sinabi niya na wala sa kastilyo ang lahat ng pangyayari.
Ang lahat ay mga ilusyon lamang na kagagawan ni Utgard-Loki. Si Loki ay natalo
sa paligsahan sa pagkain dahil ang kaniyang kalaban ay isang mapaminsalang
apoy na kayang sunugin ang kakahuyan. Ang kinalaban naman ni Thjalfi ay ang
isipan at walang kahit na anong aksyon ang mas bibilis pa kaysa sa kanyang isip.
Si Elli na kinalaban ni Thor ay sumasagisag sa pagtanda na nagpapahina sa kahit
na sino pa man. Ang tambuli na siyang ininuman ni Thor ay nakadugtong sa dagat
kaya hindi niya ito nagawang maubos ngunit namangha pa rin ang hari dahil halos
nasaid ang dagat dahil sa ginawang pag-inom ni Thor. Ang pusa na binuhat ni
Thor ay hindi pusa kundi isang malaking ahas na miogaro na sapat ang haba para
yakapin ang daigdig. “Naiangat mo ito ng mataas na halos maabot na ang langit.”

Si Skrymir ay si Utgard-Loki rin mismo dahil siya ay may kakayahang


magbago ng anyo. Sa bawat hampas ni Thor sa kaniyang ulo ay may nabubuong
lambak. “Ngayong alam na ninyo ang aking sikreto, huwag na huwag na kayong
babalik. Dahil sa ipinakita mong lakas at galing, hinding-hindi ko na ulit
gugustuhing makalaban ka. Ito na ang huling beses nating magkikita.” Dama ang
takot sa boses ng hari habang sinasabi ito. Dahil sa mga nasaksihan ni Utgard-
Loki ay natakot siya kaya bigla na lamang siyang naglaho at sa tulong ng kaniyang
mahika, sinigurado niyang hindi na muli pang makabalik si Thor sa kaniyang
kaharian. Sa isang iglap, naglaho si Utgard-Loki kasama ang kaniyang buong
kaharian at ang tumambad sa kanila ay isang malawak na lambak.

Panoorin rin ito sa link na ito:


https://www.youtube.com/watch?v=gm3SXPap1U4

8 CO_Q2_Filipino 10_Module 1
Matapos mong mabasa ang akda, marahil nagkaroon ka ng pag-unawa sa
mitolohiyang Norse. Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Kung oo, maaari mo nang
sagutin ang mga gawaing nakahanda para sa iyo. Kung hindi naman, maaari mo
uliting basahin ang akda para mas maunawaan ito.

Gawain 2: Pag-unawa sa Binasa


Panuto: Suriin mo ang mga mahahalagang pangyayari sa akdang Sina Thor at Loki
sa Lupain ng mga Higante sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang ikinagalit ni Thor kay Skrymir?


2. Ano ang nangyayari kapag hinahampas ni Thor ng kaniyang maso si Skrymir?
3. Isalaysay ang mga paligsahan na nilahukan nina Thor sa kaharian ni Utgard-
Loki?
4. Ano ang ipinagtapat ni Utgard-Loki kina Thor bago umalis sina Thor sa
Utgard?
5. Ano ang hindi magandang katangian na ipinakita ni Utgard-Loki sa kanilang
pag-uusap ni Thor nang natapos ang mga patimpalak? Patunayan.
6. Batay sa salaysay tungkol kay Thor, ano ang ipinakita niyang kahinaan?
Ipaliwanag.

Gawain 3: Opinyon ko, mahalaga!


Panuto: Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong.
1. Kung ikaw si Thor, ano ang mararamdaman mo kapag nalaman mong ikaw
ay dinaya ng ibang tao?
2. Sino sa mga tauhan sa mito ang labis mong hinahangaan. Anong katangian
niya ang nagustuhan mo?
3. Sa iyong paniniwala, ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kahusayan sa
isang kasanayan o larangan? Ipaliwanag ang sagot.
4. Ano-ano ang naging kahinaan ni Thor sa kuwento na dapat iwasan sa totoong
buhay? Pangatuwiranan.
5. Anong mensahe ng binasang mito ang natutuhan mo?

Gawain 4: Diyalogo-kahulugan!
Panuto: Sumipi ng dalawang diyalogo mula sa binasang mitolohiya at tukuyin ang
pangunahing ideya ng napiling usapan.

Diyalogo 1: ______________________________________________________________________
Pangunahing Ideya: ______________________________________________________________
Diyalogo 2: ______________________________________________________________________
Pangunahing Ideya: _____________________________________________________________

9 CO_Q2_Filipino 10_Module 1
Alam mo bang…
para matukoy ang pangunahing ideya o paksa sa isang usapan sa pagitan
ng dalawang tao, mahalagang matukoy ang tagapagpadala at tagatanggap ng
mensahe. Bukod rito, mahalagang malaman ang sitwasyon na pinag-uusapan ng
dalawang tauhan.

Halimbawa:

“Ako ang pinakamabilis kumain sa buong mundo at walang sinoman ang mas
mabilis pa kaysa sa akin.” “Kung gayon, aking itatapat sa iyo ang aking alagad na
pinakamabilis kumain sa aking kaharian.” Tinawag ni Utgard-Loki ang kaniyang
alagad na si Loki.

Pansining maiigi na may dalawang pangungusap na nagpakita ng diyalogo


mula sa dalawang tauhan o nag-uusap. Mahalagang matukoy ang tagapagdala at
tagatanggap sa usapan. Mahalaga ito upang malaman ang pangunahing paksa ng
usapan.
 Tagapagdala-Loki
 Tagatanggap-Utgard-Loki

Pagkatapos, bigyang pansin ang bagay o pangyayari na pinag-uusapan ng


dalawang tauhan. Suriing maiigi ang diyalogo ni Loki at Utgard-Loki. Si Loki ay
naglahad ng kaniyang kakayahan sa mabilis na pagkain at ito ay tinugunan ni
Utgard-Loki ng pagtatawag ng kaniyang alagad na may kaparehong kakayahan gaya
ng kay Loki.

Samakatuwid, ang pangunahing ideya ng usapan ng dalawang tauhan ay ang


pag-uusap kung sino ang pinakamabilis sa larangan ng pagkain.

Gawain 5: Pangunahing Ideya, Tukuyin mo!


Panuto: Mamili ng isa sa mga diyalogo sa binasang mitolohiya na nagpakita ng pag-
uusap ng dalawang tauhan. Basahin mo ito nang malakas o kaya ay humingi ng
tulong sa magulang o kapatid upang basahin ang usapan. Batay sa iyong
napakinggan, sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.
1. Sino ang tagapagdala sa napiling diyalogo?
2. Sino ang tagatanggap ng mensahe?
3. Ano ang sitwasyon sa usapan ng dalawang tauhan?
4. Ano ang mensahe ng usapan ng dalawang tauhan? Ipaliwanag ang kasagutan.

Alam mo bang…
Ang collocation o kolokasyon ay ang pagsasama ng dalawang magkaibang
salita upang makabuo ng bagong salita na may ibang pagpapakahulugan.

Halimbawa: anak + araw= anak-araw (maputi ang balat)


tainga + kawali= taingang-kawali (nagbibingi-bingian)
puso + mamon= pusong mamon (busilak ang kalooban)
nagdilim + paningin=nagdilim ang paningin (nagalit)
Halimbawang pangungusap: Nagdilim ang paningin ni Thor sa sinabi ng
pinuno ng mga higante.

10 CO_Q2_Filipino 10_Module 1
Gawain 6: Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Dugtungan ng isang salita ang punong salita upang makabuo ng iba pang
kahulugan. Ibigay ang kahulugan ng nagawang bagong salita at gamitin ito sa
pangungusap. Sagutin ito sa iyong sagutang papel.

Halimbawa: Tubig. Bagong salita: Tubig-alat =dagat/karagatan.

1. Kuwento + _________________________________________________________________
Kahulugan: ________________________________________________________________
Pangungusap: _____________________________________________________________
2. Mata + ____________________________________________________________________
Kahulugan: ________________________________________________________________
Pangungusap: _____________________________________________________________
3. Balat + ____________________________________________________________________
Kahulugan: ________________________________________________________________
Pangungusap: _____________________________________________________________
4. Bantay + __________________________________________________________________
Kahulugan: _______________________________________________________________
Pangungusap: _____________________________________________________________

Suriin

Sa pagpapatuloy mo, mas makikilala mo pa ang katangian ng mitolohiyang


Norse. Matutuklasan mo rin ang mga elemento na bumubuo sa isang mitolohiya at
kung papaano mo ito susuriin. Inaasahang masasagot mo ang pokus na tanong na –
bakit mahalaga ang panunuri upang magkaroon ng malalim na pag-unawa at
pagpapahalaga sa mitolohiya?

Alam mo bang…
Ang Mitolohiya ay isang tradisyonal na salaysay na isinilang mula sa
sinapupunan ng kultura ng tradisyong oral? Ang mitolohiya ay isang natatanging
kuwento na kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala at ang
kanilang karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao. Maaaring nagsimula ang
mitolohiya mula nang magtanong ang mga tao tungkol sa pagkakalikha ng
mundo at ano ang kanilang tungkulin dito. Mahalaga ang mitolohiya dahil
nakapaloob dito ang mga sinaunang paniniwalang panrelihiyon at kultura ng
isang bansa at kapupulutan din ito ng aral. Ang mga ito ay maaaring iugnay sa
pagtukoy sa pangunahing ideya o paksa ng usapan sa isang akdang
pampanitikan.

11 CO_Q2_Filipino 10_Module 1
Panunuri ng Mitolohiya
Ang pagsusuri ay isang kasanayan na siyang nagbibigay-buhay at diwa sa
isang likhang sining. Sa panunuri ng isang akdang pampanitikan, naipapakita ang
pagpapahalaga at pagbibigay puri sa akda at pamumuna sa kahinaan nito. Sa
pamamagitan ng panunuri, lumilitaw ang mga mensahe na hindi gaanong lantad sa
akda na siyang makatutulong sa mga mambabasa upang mas maunawaan ang
akda, at mas mabigyang pagpapahalaga ang kultura ng lugar kung saan ito
nagmula.
Kinakailangang maging patas sa panunuri upang mas lumitaw ang bisa,
kagandahan, at kahinaan ng isang akda na siyang magiging tulay sa mas malawak
at komprehensibong pag-unawa sa nilalaman ng isang akdang pampanitikan.

Mga Dapat Tandaan sa Panunuri ng Mitolohiya


Upang maging sistematiko ang panunuri ng isang mitolohiya, kinakailangang
bigyang puna ang mga elemento ng mitolohiya batay sa kahinaan at kalakasan nito.
Mahalagang naunawaan mo ang iyong binasa upang ikaw ay makasuri. Mainam din
ang paghahambing nito sa iba pang mitolohiya upang mas mapalabas ang mensahe
ng akda at ang kultura ng lugar na pinagmulan nito.
A. Tauhan
 Ang mga tauhan sa mitolohiya ay kadalasang mga diyos at diyosa na
kinikilala at sinasamba ng mga tao dahil sa taglay na kakaibang lakas
at kapangyarihan.
 Suriin ang pangunahing tauhan batay sa kaniyang pisikal na anyo,
ugali, paraan ng pananalita, at kung paano siya nakisalamuha sa iba
pang mga tauhan sa kuwento.
 Maaaring gawing batayan ang mga diyalogo ng mga tauhan upang
malaman ang pangunahing ideya o paksa na nais iparating ng tauhan
sa akda. Makatutulong rin ang mga linya o diyalogo upang mapalabas
ang damdamin ng tauhan na nagsasalita sa susuriing akda.
 Bigyang pansin rin ang tungkuling ginampanan ng tauhan sa kabuoan
ng kuwento.
 Bigyang-puna ang mga naging kalakasan at kahinaan ng tauhan na
nakaapekto sa kaniyang suliranin sa kuwento.
 Tandaan: Ang ganda at bisa ng isang akda ay nakasalalay sa
paglalarawan at pagbibigay-buhay sa mga karakter ng kuwento kung
kaya naman mahalagang maunawaan ang mga ikinilos at ginampanan
ng tauhan upang mas maunawaan ang mensahe ng akda.

B. Tagpuan
 Mahalagang maunawaan mo ang ginampanan ng tagpuan na
nakaapekto sa kalagayan ng tauhan sa kuwento.
 Ilarawan ang lugar batay sa pisikal na anyo nito, mga kilos at gawi ng
mga tao o nilalang na naninirahan dito. (Mahalaga na may kaalaman
ka sa kultura ng mga taong naninirahan sa bansang pinagmulan ng
binasang akda dahil may kaugnayan ito sa tagpuan ng kuwentong
binasa).
 Bigyang-puna ang kasiningan ng paglalarawan ng may-akda sa
tagpuan.

12 CO_Q2_Filipino 10_Module 1
C. Banghay
 Alamin kung ano ang mga naging tuon ng mga pangyayari sa akda.
Tukuyin ang pangunahing suliranin na siyang dinanas ng tauhan sa
mitolohiya.
 Suriin ito na may pagpapaliwanag sa naging kahalagahan ng
pagkakaayos ng mga pangyayari sa kuwento. Naging malinaw ba ito?
 Bigyang puna kung papaano sinimulan at winakasan ang mitolohiya.
Mas mainam kung bigyang pagpapaliwanag ang mga natatanging mga
pangyayari sa kuwento batay sa bisa at kahalagahan nito at kung
papaano ito maaaring maihambing sa totoong buhay.

D. Tema
 Suriin kung ano ang tema ng binasang mitolohiya batay sa kung ano
ang naging tuon nito.
 Bigyang paliwanag ang mga aral ng kuwento, maging ang mga hindi
kanais-nais na mga pag-uugali ng mga tauhan upang makatulong sa
mas malalim na pagpapakahulugan sa mitolohiya.
 Mainam na magbigay repleksyon sa bisa at kahalagahan ng mensahe
at aral ng akda sa kung papaano ito nakaapekto sa iyong sarili at
lipunan.

Narito ang halimbawang pormat sa paggawa ng isang panunuri o suring-basa:

Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante


(Isang Panunuri)

I. Tauhan
a. Thor-Anak ni Odin. Ang pangunahing tauhan sa akda. Batay sa
kuwento, siya ang pinakamalakas na diyos. Isa sa kaniyang katangian
ay ang pagiging magagalitin. Matipuno ang kaniyang pangangatawan.
b. Loki-Ang diyos na mapanlinlang. Siya ay may angking galing sa
pabilisan ng pagkain. Kinakitaan rin siya ng pagmamataas sa kuwento.
c. Thjalfi-Isang mortal na naging alagad ni Thor. Taglay niya ang husay at
bilis sa pagtakbo.
d. Utgard-Loki-Ang hari ng mga higante na may taglay na mahika na
kayang lumikha ng mga ilusyon.
e. Skrymir-Isang higante na tumulong sa grupo nina Thor na siya ring
balat-kayo ni Utgard-Loki.

Ipinakita sa kuwento ang katangian ng mga Viking sa pamamagitan ni


Thor. Taglay ni Thor ang pagiging matapang at pagiging palaban ng mga Viking.
Kung ihahambing ang tauhang si Thor sa ibang mitolohiya, halimbawa sa
mitolohiya ng bansang Greece, napakatipikal na ang tema o ang mga tauhan
ay nagtataglay ng kakaibang lakas at husay. Malaki ang ginampanan ng
tauhang si Thor sa akda dahil bukod sa kaniya umikot halos ang buong
kuwento, nagkaroon tayo ng ideya kung ano ang kultura ng mga Eskandinaba
o Vikings noong unang panahon.

13 CO_Q2_Filipino 10_Module 1
II. Tagpuan
Bago magpunta sina Thor sa kaharian ni Utgard-Loki, siya muna ay
dumaan at nanuluyan sa tahanan nina Thjalfi. Ipinapakita lang nito ang
paggalang at takot ng mga sinaunang tao sa mga pinaniniwalaan nilang diyos
at diyosa. Kung ihahambing ito sa mga mitolohiya sa buong daigdig,
kadalasang naipapakit ang debosyon at pagkatakot ng mga mortal sa mga diyos
at diyosa bilang paggalang sa kanila. Sa kaharian naman ni Utgard-Loki, mas
naipakita ang pagiging palaban ng mga Viking sa anomang mga laban.
Sinalamin ng mga diyos at nang mga paligsahan ang katangian ng mga Viking.
Nakatulong ang tagpuan ng kuwento upang palitawin ang natatanging
katangian ng mga taga-Iceland.

III. Banghay
Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
Malinaw ang pagkakalahad ng mga pangyayari at malaki ang tulong ng mga
diyalogo sa kuwento upang mas maunawaan ang paksa. Tahasang naipakita
ng mitolohiya ang pagiging palaban ng mga diyos ng Norse. Kung ihahambing
ito sa ibang mitolohiya, may pagkakatulad ito sa kuwento ni Hercules sa
mitolohiyang Greece na kung saan dumanas ng mga pagsubok at hamon ang
tauhan na kalaunan ay naglalaman pala ng mga pandaraya. Ang kaibahan nga
lamang, naipakita sa mitolohiyang Norse na maging ang mga diyos ay
naiisahan rin ng kanilang mga katunggali. Malinaw na nailahad ang suliranin
ng mitolohiya sa tulong ng maayos na pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.

IV. Tema
Ipinamalas ng mitolohiya ang natatanging ugali na dapat iwasan nating
mga tao. Una ay ang pagiging mapusok at emosyonal tuwing tayo ay nagagalit
na siyang nagiging dahilan upang maging padalos-dalos sa ating mga disisyon.
Pangalawa ay ang pagiging mapagmalaki natin sa angkin nating mga talento.
Madalas, masyadong lumalaki ang ating mga ulo dahil na rin sa mga papuri na
natatanggap natin mula sa ibang tao. At panghuli, ipinakita ng kuwento ang
pagiging mapanlinlang at mapanlamang ng mga tao. Ipinakita sa katauhan ni
Utgard-Loki ang tipikal na tao na upang magtagumpay, gumagawa ng mga
paraan upang hindi magtagumpay ang kaniyang kapwa. Nais tayong turuan ng
mitolohiya na magtiwala sa ating sariling mga kakayahan. Tulad na lamang ni
Hercules sa mitolohiyang Greece. Ipinamalas niya ang kaniyang lakas at ang
pagiging matatag sa lahat ng pagsubok. Higit sa lahat, nagtiwala siya sa
kaniyang sariling kakayahan. Sabi nga sa kasabihan na ang kapatid ng
magnanakaw ay ang mandaraya dahil nagagawa nating hilahin pababa ang
isang tao.

V. Konklusyon
Sa kabuuan, masasabi kong mahalaga ang mitolohiya upang hubugin
ang ugali ng isang indibidwal. Bagama’t sa kasalukuyan, hindi na tayo gaanong
naniniwala sa mga diyos at diyosa, malaki ang naiaambag ng pagbabasa ng
mga mito upang mahubog ang kagandahang-asal sa isang indibidwal. Kapana-
panabik rin ang tagpo at bukod pa rito, maaaring maiugnay ang ilang
mahahalagang mga kaganapan mula sa mito sa totoong buhay. Kung kaya
naman, mahalagang pag-aralan ang mitolohiya upang di lamang matuto sa
kultura ng ilang bansa kundi mahubog ang mga wastong pag-uugali ng isang
indibidwal.

14 CO_Q2_Filipino 10_Module 1
Kung susuriin ang isang mitolohiya batay sa isang pelikula o video clip na
inyong napanood, mahalagang masuri ang napanood batay sa mga sumusunod
na mga impormasyon:
 Linaw o quality ng video.
 Malinaw at nauunawaan ang diyalogo ng mga gumanap na tauhan o
pagsasalaysay.
 Tignan kung may mga tagpo sa video na wala sa orihinal na akda.
 Bigyang puna kung nabago ba ang mensahe ng orihinal na akda kaya
siguraduhing nabasa at naunawaan ang akda bago ito panoorin.

Pagyamanin

Basahin mo ang mitolohiyang Pilipino na pinamagatang, Rihawani. Sikapin


mong ihambing ito sa mitolohiyang Norse. Inaasahan na sa pagtatapos ng modyul
na ito ikaw ay makagagawa ng isang sistematikong panunuring naghahambing sa
mitolohiyang Pilipino at mitolohiyang Norse.

Rihawani

Sa isang kagubatang maraming bundok sa isang lugar ng Marugbu, isang


liblib na pook, ang mga naninirahan doon ay may pinaniniwalaang isang diyosa o
diwata ng puting usa. Ito ang kuwento ng kanilang mga ninuno na unang
nanirahan doon.
Ang Diyos raw na ito ay tinatawag
na Rihawani. Kung minsan ay nagpapalit
daw ito ng anyo bilang isa ring puting usa.
Ang mga naninirahan sa liblib na pook na
ito ay ingat na ingat at takot na takot na
magawi o maglagalag sa kagubatan,
pinananahanan ni Rihawani, kahit alam
nilang dito sila maraming makukuhang
mga bagay na maaari nilang magamit o
mapagkakitaan. Mga prutas, mga hayop-
gubat, mga halamang- gubat, at iba pa.
Sang-ayon sa kanila, may nakakita
na kay Rihawani. Isa sa mga taong
naninirahan din doon. Minsan daw, nang
maligaw ito sa pangunguha ng mga kahoy
at prutas ay napadako ito sa pook ni
Rihawani. Nakita raw at nasumpungan
nito ang diyosa. Kahit sa malayo ay
kapansin-pansin ang angking
kagandahan nito, habang nakikipag-usap
sa ilang mga usang puti na nasa kaniyang
paligid. Nang maglakad ang mga ito sa dakong patungo sa kinaroroonan ng mga

15 CO_Q2_Filipino 10_Module 1
tao ay mabilis na humangos itong tumalilis dahil sa takot na makita ni Rihawani,
ang diyosa. Nang makarating ito sa bahay ay hindi magkumahog sa pagbabalita
sa kaniyang nasaksihan. Mula noon ay lalo nang naging katatakutan ang
kagubatang iyon.
Isang araw ay may mga dayuhan na dumating doon na ang pakay ay
mangaso o mamaril ng hayop-gubat. Nagtanong-tanong daw ang mga ito kung
saang gubat marami ang mga hayop o ibon na maaaring puntahan. Itinuro nila
ang gubat ngunit isinalaysay rin ang kasaysayan nito na pinanahanan ni
Rihawani. Itinagubilin ding huwag ibiging puntahan ang pook na iyon. Para sa
ikatitiyak ng lakad ay ipinagsama ng mga ito ang isang tagagabay. At lumisan ang
mga ito patungo sa gubat na pupuntahan. Pagdating sa paanan ng isang bundok
ay napagkasunduan ng mga itong maghiwa- hiwalay at magkita-kita na lamang
sa isang lugar sa dakong hapon. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, ang isa ay
nagkainteres na dumako sa gubat na pinanahanan ni Rihawani. Hindi nito
pinakinggan ang tagubilin ng nakatatanda sa lugar na iyon. Nang makasapit na
ito sa dakong itaas ng bundok ay naglalakad-lakad naman at nagsipat- sipat ng
mababaril na hayop. Naisip nito ang puting usa na sinasabi ng matanda. Nang
mapadako ito sa tabing-ilang, napansin niya ang isang pangkat ng mapuputing
usa. Nang maramdaman ng mga hayop na may tao, nabulabog ang mga ito at
nagtakbuhang papalayo. Hinabol nito ang isa at tinangkang barilin, ngunit walang
matiyempuhan. Hanggang sa may makita ito sa dakong kadawagan ng gubat, agad
inasinta at binaril. Tinamaan ang puting usa sa binti at hindi na nakatakbo. At
nang lalapitan ng mga mangangaso ang puting usa may biglang sumulpot sa
likuran na isang puting-puting usa na malayo sa hitsura ng nabaril. Lalo siyang
namangha nang ang usa ay mag-iba ng anyo at naging isang napakagandang
babae. Sinumbatan nito ang mangangaso. Sa ginawang iyon ng dayuhan, umusal
ng sumpa ang diwata at ang lalaki ay naging isang puting usa at mapabilang na
sa mga alagad ni Rihawani.
Nang dakong hapon na, hinanap ito ng mga kasamahan. Tinawag nang
tinawag ang pangalan nito ngunit walang sumasagot. Napaghinuha na lamang ng
lahat lalo na ng kasamang gabay na sinuway nito marahil ang tagubilin, tuloy
nabilang sa sumpa ni Rihawani. Mula noon, bukod sa naging aral na sa mga
nandoon ang pangyayaring iyon, ay pinangilagan na ng mga nangangaso ang
dakong iyon ng kagubatan.

- Mula sa Panitikang Filipino (Pampanahong Elektroniko), (Arrogante et. al, 1991)

Matapos mong basahin ang akda, sagutin mo ang mga sumusunod na mga
gawain.

16 CO_Q2_Filipino 10_Module 1
Gawain 7: Pag-unawa sa Binasa
1. Sa pamamagitan ng Venn diagram paghambingin ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng mitolohiyang Norse sa mitolohiyang Pilipino.

Sina Thor at Loki sa


Lupain ng mga Rihawani
Higante

2. Kumpletuhin ang hinihingi ng talahanayan sa ibaba.

Tauhan Tagpuan Banghay Tema

Isaisip

Lahat tayo ay may angking galing at kahusayan sa iba’t ibang larangan.


Mahalaga na gamitin ng tama ang mga taglay na kahusayan upang higit mong
mapalago ang iyong sarili at upang makatulong sa ibang tao. Huwag maiinggit at
ikokompara ang sarili sa iba dahil lahat tayo ay magkakaiba. Iwasan ang pandaraya
kung higit na mas magaling sa iyo ang isang tao bagkus, mahalin ang sarili at
ipagmalaki ang sariling kakayahan.

Batid kong naunawaan mo ang mensahe ng binasang mito. Upang mas


mabigyan mo ito ng pagpapahalaga, gawin mo ang gawaing ito.

17 CO_Q2_Filipino 10_Module 1
Gawain 8: Nalaman Ko!
Panuto: Sagutin ang tanong gamit ang graphic organizer. Kopyahin ito sa sagutang
papel.

Naunawaan ko na ang
pagsusuri ng mitolohiya
ay mahalaga dahil…

Napakahusay! Nagawa mo ang gawain. Sa pagkakataong ito batid kong ikaw


ay handang-handa na para sa gagawin mong pangwakas na gawain para sa modyul
na ito. Sa ipinamalas mong kahusayan sa mga gawain, tiyak kong kakayanin mo ito
mahal kong mag-aaral!

Isagawa

Upang matiyak mo kung talagang naintindihan ang araling ating tinalakay sa


mga nagdaang araw tungkol sa mitolohiya gawin mo ito. Gawin mong batayan sa
iyong gagawing panunuri ang pormat sa Aralin 1.1 Suriin.

Goal Ikaw ay makasusulat ng isang suring-basa ng nasaliksik na mitong


Pilipino at ihambing mo ito sa mitolohiyang Norse. Paghahambingin
at suriin mo ito batay sa mga elemento nito. Gamitin mong gabay
ang pormat ng panunuri sa pahina
Role Ikaw ay magiging isang manunulat at manunuri.
Audience Guro, mga kapwa mag-aaral.
Situation Ipagpalagay na ikaw ay nasa isang paaralan at naatasan kang suriin
ang isang mitolohiyang Pilipino batay sa elemento nito.
Product Sariling-gawang suring basa ng nasaliksik na mitolohiyang Filipino.
Standards A. Malinaw na nilalaman…………………….……………….… 40 puntos
B. Estruktura ng pagkakasulat
at paggamit ng salitang naghahambing……....…….…….... 40 puntos
C. Dating sa mambabasa.…....…………………..……….….. 20 puntos
Kabuoan.……….…………..………………..…..............….100 puntos

18 CO_Q2_Filipino 10_Module 1
Tayahin

Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa parteng ito. Tiyak marami kang
natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon, ating tatayahin ang
iyong kaalaman sa nakalipas na aralin.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na katanungan. Isulat sa
patlang bago ang bilang ang letra ng tamang sagot.

_____ 1. Si Thor ay ang pinakatanyag na diyos ng mitolohiyang Norse. Ano ang


tawag sa kaniyang sandatang maso?
A. Excalibur B. Frejlord C. Mjolnir D. Vili

_____ 2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng banghay ng isang


mitolohiya?
A. Tumatalakay sa pagkalikha ng mundo.
B. Ipinapakita ang ugnayan ng mga tao at ng mga diyos at diyosa.
C. Salat sa aksyon at tunggalian dahil nakatuon lamang ito sa iisang
tauhan.
D. Nakatuon sa mga suliranin at kung papaano ito malulutas.

_____ 3. Ano ang tawag sa lugar kung saan nakatira ang mga diyos ng
mitolohiyang Norse? ___________.
A. Asgard C. Ragnarok
B. Jotunheim D. Ygdrassil

_____ 4. Ano-ano ang mga naging paligsahan na pinaglabanan nila Thor sa


kaharian ni Utgard-Loki?
A. Pabilisan sa pagkain, pabilisan sa pagtakbo, padamihan ng maiinom
na alak.
B. Pabilisan sa paglangoy, pabilisan sa pagputol ng malaking puno,
pagpapaamo sa mabangis na tigre.
C. Pagpapatulog sa alagang pusa, paggawa ng kastilyo, pagbuhat sa
malaking bato.
D. Pagalingan sa pagkanta, patalasan ng isip, pagkumpuni sa nasirang
damit ni Utgard-Loki.

_____ 5. Bakit hindi nagtagumpay sa mga pagsubok ni Utgard-Loki sina Thor?


A. Dahil lubhang napakahirap ng mga pagsubok na inihanda ni Utgard-
Loki.
B. Dahil sa pagiging mainitin ng ulo ni Thor kaya siya nagkamali sa mga
pagsubok.
C. Gumamit ng mahika si Utgard-Loki upang mandaya dahil batid
niyang malakas na kalaban si Thor.
D. Pinagkaisahan sina Thor at ang kaniyang mga kasamahan ng mga
alagad ni Utgard-Loki upang di sila manalo.

19 CO_Q2_Filipino 10_Module 1
B. Panuto: Ilapat ang angkop na salita para mabuo ang kahulugan ng sumusunod
na mga salita. Piliin ang salita sa loob ng kahon. Isulat ito sa sagutang papel.

Ningas Panakip Palaka Nakaw Sulong


Pagong Patay Bukid Bisig Kilay
akyat

_________________ 1. ______________-butas (Pamalit o pansamantala lamang)


_________________ 2. Nagsusunog ng _____________ (Masipag mag-aral)
_________________ 3. Kapit-______________ (Pagkakaisa)
_________________ 4. _____________-bahay (Magnanakaw)
_________________ 5. _____________-tingin (Pagsulyap sa isang tao na hindi nito
nalalaman)
_________________ 6. Dalagang-______________ (Isang uri ng isda)
_________________ 7. Boses-______ (Sintunado o wala sa tono kung kumanta)
_________________ 8. __________-gutom (Palaging gutom o matakaw)
_________________ 9. Lakad-____________ (Mabagal maglakad)
_________________ 10. Urong-____________ (Nahihirapang magdesisyon)

Karagdagang Gawain

Batid kong malalim na ang kaalaman mo sa mitolohiya at sa paghahambing.


Sa pagkakataong ito’y paiigtingin pa natin ang iyong pagkatuto sa pamamagitan ng
karagdagang gawaing pampananaliksik.

Panuto: Panoorin ang video ng mitolohiyang “Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga
Higante” at suriin ito. Gamiting gabay ang mga sumusunod na mga katanungan.

 Bigyang puna ang quality ng pinanood na video. Malinaw ba ito?


 Nauunawaan ba ang audio nito? Malinaw bang naririnig ang mga diyalogo?
 May naidagdag ba o nabawas na tagpo? Tukuyin ito at kung ano ang naging
epekto nito sa kabuuan ng kuwento.
 Napanatili ba ng video ang mensahe ng orihinal na kuwento?

Lubos na Mahusay! Ang galing mo! Binabati kita sa matiyaga


mong pagsama sa pagtalakay sa mga aralin. Alam kong
nakapapagod maglakbay ngunit sulit naman dahil
matagumpay mong natutuhan ang mga dapat mong
malaman sa Mitolohiya ng Iceland at kung paano ito
nagkaiba at nagkatulad sa ating sariling Mitolohiya sa
pamamagitan ng paghahambing. Ihanda mo ang iyong sarili
sa kasunod na modyul – Modyul 2 (Dula ng England).

20 CO_Q2_Filipino 10_Module 1
CO_Q2_Filipino 10_Module 1 21
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. B.
1. Panakip
1. C 2. Kilay
2. C 3. Bisig
3. A 4. Akyat
4. A 5. Nakaw
6. Bukid
7. Palaka
8. Patay
9. Pagong
10.Sulong
11.
PANIMULANG PAGTATAYA
I. II.
1. A 1. Panakip 6. Bukid
2. B 2. Kilay 7. Palaka
3. D 3. Bisig 8. Patay
4. B 4. Akyat 9. Pagong
5. Nakaw 10. Sulong
Aralin 1.1
Gawain 1: Balik-tanaw Iba-iba ang sagot
Gawain 2: Pag-unawa sa Binasa Iba-iba ang sagot
Gawain 3: Opinyon ko, Mahalaga Iba-iba ang sagot
Gawain 4: Diyalogo-kahulugan Iba-iba ang sagot
Gawain 5: Pangunahing Ideya, Tukuyin mo! Iba-iba ang sagot
Gawain 6: Paglinang ng Talasalitaan Iba-iba ang sagot
Gawain 7: Pag-unawa sa Binasa Iba-iba ang sagot
Gawain 8: Nalaman Ko! Iba-iba ang sagot
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
 Ambat, V.C., et.al (2015). Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal
Group, Inc. pa. 169-177

 Chapman, M (ND). The History of Iceland. Nahango noong Hunyo 3, 2020 mula
sa https://guidetoiceland.is/history-culture/history-of-iceland#who-were-the-
first-settlers

 Groeneveld, E (2017). Norse Mythology. Nahango noong Hunyo 3, 2020 mula sa


https://www.ancient.eu/Norse_Mythology/

 Mandal, D (2018). 15 Major Norse Gods, Goddesses, And Their Family Tree.
Nahango noong Hunyo 3, 2020 mula sa
https://www.realmofhistory.com/2018/01/29/12-norse-gods-goddesses-facts/

 The Nine Worlds in Norse Mythology. Nahango noong Hunyo 3, 2020 mula sa
https://norse-mythology.net/the-nine-worlds-in-norse-
mythology/#:~:text=There%20are%20nine%20worlds%20in,%2C%20Alfheim%2
C%20Svartalfheim%2C%20Helheim.

22 CO_Q2_Filipino 10_Module 1
10
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Dula mula sa England,
United Kingdom
(Panitikang Kanluranin)

CO_Q2_Filipino 10_Module 2
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Dula mula sa England, UK (Panitikang Kanluranin)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha
ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Apple C. Apilado


Editor: Luisito V. Libatique Alvin D. Mangaoang
Tagasuri: Arabella May Z. Soniega Virgilio C. Boado
Gina A. Amoyen Editha T. Giron
Felipa T. Regaspi Rebecca R. Viloria
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Alvin D. Mangaoang Daniel C. Tabinga, Jr.
Tagapamahala: Tolentino G. Aquino Atty. Donato D. Balderas Jr.
Arlene A. Niro German E. Flora
Gina A. Amoyen Virgilio C. Boado
Editha T. Giron Alejo R. De Sesto

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region I


Office Address: Flores St., Catbangen, City of San Fernando, La Union
Telefax: (072) 682-2324; (072) 607-8137
E-mail Address: region1@deped.gov.ph
Alamin

Magandang araw sa iyo mahal kong mag-aaral. Handa ka na bang matuto at


mamulat sa mga bagong kaalaman? Alam kong sabik na sabik ka na sa mga bagong
kaalamang iyong matutuhan sa ating araling tatalakayin, kaya ikaw ay maghanda
na at tayo’y magsisimula na.

Sa dulang Sintahang Romeo at Juliet, mababatid mo ang kanilang pag-iibigan


na hindi mapaghihiwalay kahit pa ng kamatayan. Sa pamamagitan ng mensaheng
ito ng dula ay malalaman mo ang kulturang nasasalamin sa bansang pinagmulan
nito at maihahambing sa kultura ng ibang bansa.
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang malilinang ang mga kasanayang ito:

Mga Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)


1. Nailalahad ang kultura ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-bayan/dula
sa napakinggang usapan ng mga tauhan. (F10PN-IIa-b-72)
2. Naihahambing ang kultura ng bansang pinagmulan ng akda sa alinmang
bansa sa daigdig. (F10PB-IIa-b-75)
3. Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita batay sa pinagmulan nito
(etimolohiya). (F10PT-IIa-b-72)
4. Naipaliliwanag ang katangian ng mga tao sa bansang pinagmulan ng
kuwentong-bayan/dula batay sa napanood na bahagi nito. (F10PD-IIa-b-70)
5. Naisusulat nang wasto ang sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling
kultura kung ihahahambing sa kultura ng ibang bansa. (F10PU-IIa-b-74)

Subukin

Ngayon ay aking susubukin ang iyong dating kaalaman hinggil sa akdang


tatalakayin. Galingan mo ang iyong pagsagot.

PAUNANG PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng
napiling sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
_____ 1. Ang mga sumusunod ay hiram natin sa salitang Kastila maliban sa
____________.
A. Panyo B. Keyk C. Hulyo D. Puwersa
_____ 2. Hindi maituturing na dula ang isang binasang pagtatanghal kung hindi
ito _______________ ng ibang tao.
A. nababasa B. nakikita
B. napapanood C. nasusulat
_____ 3. Ano ang anyo ng salitang hampaslupa?
A. Payak B. inuulit C. Tambalan D. Gana

1 CO_Q2_Filipino 10_Module 2
_____ 4. Isang akdang pampanitikan na ang pinakalayunin ay maitanghal.
A. Nobela C. Maikling Kuwento
B. Dula D. Pabula

_____ 5. Ang salitang keyk ay hiram natin sa wikang _______________.


A. Espanyol C. British
B. Kastila D. Ingles

_____ 6. Ito ang pinakakalulwa ng isang dula.


A. Iskrip C. Tagadirehe
B. Aktor D. Manonood

_____ 7. Isang uri ng dula na karaniwang nagwawakas nang malungkot.


A. Komedya C. Parodya
B. Melodrama D. Trahedya

_____ 8. Ano ang katumbas ng salitang Kastila na calendario sa wikang


Filipino?
A. kalendaryo C. Kalendario
B. Calendaryo D. Calendario

_____ 9. Ang mga sumusunod ay paraan ng pagbabago ng salita maliban sa


_______________.
A. Pagsasama ng mga salita
B. Hiram na mga salita
C. Morpolohikal na pinagmulan
D. Kasingkahulugan at kasalungat

_____ 10. Ito ang pag-aaral ng kasaysayan ng salita at kung paano nag-iiba ang
kanilang anyo at kahulugan sa paglipas ng panahon.
A. Etimolohoya C. Ponolohiya
B. Morpolohiya D. Sintaks

Mahusay! Binabati kita sa iyong pagsagot sa paunang pagtataya. Ngayon ay


may idea ka na sa ating pag-aaralan. Huwag kang mag-alala kung mababa man ang
iyong nakuhang iskor. Pagkatapos mong mapag-aralan ang kabuoan ng modyul na
ito, tiyak na tataas ang iyong iskor. Huwag panghinaan ng loob at tayo ay
magpapatuloy pa.

2 CO_Q2_Filipino 10_Module 2
Aralin
Dula mula sa England
1 Panitikan: Sintahang Romeo at Juliet

Ang Sintahang Romeo at Juliet ay isang dula mula sa bansang England. Ang
England o Inglatera ay isang bansa na bahagi ng United Kingdom, at ang kabisera
nito ay London. Kahangganan nito ang Scotland sa hilaga at Wales sa kanluran.
Sakop ng bansa ang higit sa gitna at katimugang bahagi ng pulo ng Gran Britanya
na nasa Hilagang Atlantiko at higit 100 maliliit na pulo gaya ng Isles of Scilly at Isle
af Wight. Isa ang England sa mga unang Europeong bansa na nakapagkamit ng
pambansang pagkakaisa.

Naglalaman ang modyul na ito ng “Sintahang Romeo at Juliet” na hango sa


“Romeo at Julieta” ni Gregorio C. Borlaza sa orihinal na akdang “Romeo at Juliet” ni
William Shakespeare. Matutunghayan mo rito ang wagas na pag-iibigan nina Romeo
at Juliet na sinubok ng kani-kanilang mga pamilya dahil galing sila sa dalawang
magkalabang angkan.

Balikan

Ngayon ay ating babalikan ang ating nakaraang tinalakay kung saan iyong
natunghayan ang kahiwagaan ng lakas ni Thor sa mitolohiyang “Sina Thor at Loki
sa Lupain ng mga Higante” at ang mga elementong nakapaloob sa isang mitolohiya.

Gawain 1: Balikan Mo!


Panuto: Sa nagdaang aralin ay nais patunayan ni Thor sa lahat na siya ang
pinakamalakas kaya lahat ng hamon sa kaniya upang mapatunayan lamang ang
kaniyang sarili ay ginawa niya. Kagaya ni Thor, nasubukan mo na bang patunayan
ang iyong sarili sa kahit na sino o sa kahit na anong paraan? Sa loob ng papel, isulat
ang iyong naging suliranin kung bakit kailangan mong patunayan ang iyong sarili
at ang mga hakbang na iyong ginawa upang mapatunayan ang iyog sarili.

3 CO_Q2_Filipino 10_Module 2
Mahusay! Natapos mo ang unang gawain. Likas sa tao na patunayan ang
kanilang sarili lalo na kung sila ay mayroong pinaglalaban sa buhay o kung sila ay
may nais na patunayan. Kadalasan ay pinapatunayan natin ang ating sarili sa ibang
tao upang tayo ay kanilang magustuhan o upang tayo ay kilalanin ng iba. Sa araling
ating tatalakayin ay papatunayan rin nina Romeo at Juliet na wagas ang kanilang
pagmamahalan. Maninindigan si Romeo na mahal niya si Juliet kahit na sila man
ay nagmula sa magkalabang angkan.

Tuklasin

Ang pag-ibig na dapat sanang makapaghihilom sa lahat ng mga suliranin sa


pagitan ng kanilang angkan ang nagdulot sa mga pangyayaring humantong sa
kamatayan. Sundan mo kung paanong ang dalisay na pagmamahalan ay nauwi sa
masaklap na trahedya. Basahin at unawain ang dula sa paglalarawan ng tradisyon
at kultura ng isang bansa.

Sintahang Romeo at Juliet


Mula sa Romeo and Juliet ni William Shakespear
Isinalin sa Filipino ni Gregorio C. Borla
(Muling isinalaysay ni A.A. Apilado)

Sina Romeo at Juliet ay galing sa


magkalabang angkan. Si Romeo ay galing sa
angkan ng mga Montague samantalang si
Juliet naman ay sa angkan ng mga Capulet.
Subalit sa kabila ng hidwaan sa kanilang mga
angkan ay nabihag ng pag-ibig ang puso ng
binata at dalaga.

Nagsimula ang pag-iibigan nina Romeo


at Juliet dahil sa isang pagtitipong inihanda
ng mga Capulet. Dumalo rito si Romeo nang
hindi inaasahan at sa sayawan niya nasilayan
ang kagandahang taglay ni Juliet. Simula
noong nakita ni Romeo si Juliet ay umibig na
ang binata sa kaniya, ganoon din ang naging
tugon ng dalaga. Nakita ni Tybalt si Romeo sa pagtitipon at siya ay nagalit dito.
Gusto niyang patayin si Romeo subalit pinigil siya ng kanyang tiyuhin. Doon
lamang napagtanto ni Romeo na si Juliet ay isang Capulet. Hindi lingid sa
kaalaman nina Romeo at Juliet ang hidwaan sa kanilang mga pamilya kaya
nakaramdam si Romeo ng pagdadalamhati sa kanyang nalaman. Nagpalitan ang
dalawa ng kanilang pangungusap at hinalikan ni Romeo si Juliet. Sa kabila ng
ganitong kalaking hadlang sa kanilang pagmamahalan ay hindi natinag ang
dalawa sa hangaring sila’y magkasama. Nagplano ang dalawa na muling magkita
at doon ay gagawin nila ang kanilang pag-iisang dibdib. Gagawin nila ang planong
ito sa araw ng kasal ni Juliet kay Paris na ipinagkasundo lamang ng kaniyang
mga magulang upang kaniyang mapangasawa. Humingi sila ng tulong ng Padre

4 CO_Q2_Filipino 10_Module 2
at ito naman ay malugod na tumugon. Ramdam ng Padre ang wagas na
pagmamahalan nina Romeo at Juliet kaya pinayuhan niya si Juliet ng kaniyang
gagawin. Plinano ng Padre na pumayag siyang pakasal kay Paris subalit sa araw
ng kasal ay iinumin niya ang ibinigay na alak ni Padre. Epekto nito’y titigil sa
pagtibok ang puso ni Juliet at animo’y patay at magiging ganoon ang kalagayan
sa loob ng apatnapu’t dalawang oras. Si Juliet ay nagbihis nang magarang
kasuotan pagkatapos ay nahiga. Nakita siya ng nars sa anyong iyon at siya’y
nagsisisigaw sa pag-aakalang si Juliet ay patay na.

Sa kabilang banda, inutusan ni Padre si Juan na ibigay ang liham kay


Romeo na naglalaman ng kanilang balak subalit sa kasamaang palad ay hindi ito
nakarating kay Romeo at hindi nabatid ang balak ng Padre at ni Juliet. Ibinalita
ni Baltazar kay Romeo ang kasawiang sinapit ni Juliet, sinabi niya rito na si Juliet
ay patay na at nakahimlay sa tumba ni Capel. Agad niyang tinungo ay nasabing
lugar at nakita niya si Juliet sa anyo ng kamatayan kaya naghanap siya ng lasong
kikitil sa kaniyang buhay. Bumili siya ng lason sa isang butikaryo, kahit pa na ito
ay ipinagbabawal, pinilit ni Romeo ang butikaryo na siya ay pagbilhan. Ininom ni
Romeo ang lason at siya ay namatay sa tabi ni Juliet. Nang magising si Juliet ay
labis ang kaniyang hinagpis na nadama nang makitang patay ang kaniyang
pinakamamahal na Romeo kaya kumuha siya ng punyal at sinaksak ang kaniyang
sarili.

Maaari mo ring panoorin ang kuwento sa link na ito:


https://www.youtube.com/watch?v=4FHpmn-KYec.

Tunay at wagas ang pag-iibigan nina Romeo at Juliet. Hahamakin ang lahat
kahit hanggang sa kawakasan. Naunawaan mo ba ang iyong binasang buod? Kung
oo, magpatuloy ka ngayon sa paglinang ng talasalitaan sa pamamagitan ng
pagbibigay-kahulugan sa isang salita gamit ang etimolohiya.

Dagdag kaalaman…

Ang etimolohiya ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng salita at kung paano


nag-iiba ang kanilang anyo at kahulugan sa paglipas ng panahon. Hango ang
salitang etimolohiya sa salitang Griyego na etumologia na ang ibig sabihin ay
may ibig sabihin o may kahulugan.

Maaaring magbago ang anyo ng mga salita sa pamamagitan ng pagsasama


ng mga salita – hampaslupa, bahaghari; hiram na mga salita (salitang banyaga)
– computer sa wikang Ingles at kompyuter sa wikang Filipino, economia sa wikang
Kastila at ekonomiya naman sa wikang Filipino; at morpolohikal na pinagmulan
kung saan nagpapakita ito ng paglihis mula sa ugat ng salita. Tumutukoy din ito
sa pag-aaral sa pagbabago ng anyo at istruktura ng mga salita gaya ng salitang
karimlan na ang salitang-ugat ay dilim.

5 CO_Q2_Filipino 10_Module 2
Gawain 2: Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Tukuyin ang pinagmulan ng mga salitang nakadiin. Isagawa ang hinihingi
ng bawat bilang.
1. Hahagkan ko iyong mga labi.
Salitang-ugat: ______________________ Kahulugan: _______________________
2. Sa paglimot, di mo ako ma’aring turuan. Ano ang buong pagkakabaybay ng
nakadiin na salita? ______________________
3. Ang salitang iho sa pahayag na “Pagtitiyagaan siya. Bakit iho?” ay hiram natin
sa ibang wika.
Hiram sa wikang: _____________________ Kahulugan: ______________________
4. Ang ganitong panghihimasok, mapait na lubos.
Salitang-ugat: _______________________ Kahulugan: ______________________
5. Ang pagdadaop-palad ay parang halikang banal.
Kahulugan ng pinagsamang salita: ___________________________

Gawain 3: Pagsusuri sa Tauhan


Panuto: Gamit ang talahanayan sa ibaba, ilarawan ang mga tauhan sa dula sa
pamamagitan ng pagbibigay ng kani-kanilang katangiang ipinamalas sa akda.
Magtala ng pangyayari sa akda bilang pagpapatunay ng katangiang inilahad.
Ipaliwanag din kung ang mga nabanggit na katangian ay dapat bang tularan o hindi.

Mga Tauhan Katangian Pagpapaliwanag


Romeo
Juliet
Padre
Tybalt

Gawain 4: Pagsusuri sa Akda


Panuto: Suriin ang katangian nina Romeo at Juliet batay sa mga mahahalagang
pangyayari sa dula sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gabay na tanong.
1. Ilarawan ang pag-iibigan nina Romeo at Juliet. Ano ang nakita nilang balakid
sa kanilang pag-iibigan?
2. Paano ipinaglaban nina Romeo at Juliet ang pag-ibig nila sa isa’t isa?
3. Ano-anong mga katangian ang litaw sa katauhan nina Romeo at Juliet sa
larangan ng pag-ibig?
4. Anong pagkatao ang masasalamin kay Romeo batay sa kaniyang ikinilos nang
makita niya si Juliet na nasa anyong kamatayan? Ipaliwanag ang iyong
kasagutan.
5. Anong pagkatao ang masasalamin kay Juliet batay sa kaniyang ikinilos nang
makita niya si Romeo sa kaniyang tabi na patay na? Ipaliwanag ang iyong
kasagutan.
6. Paano pinadalisay nina Romeo at Juliet ang konsepto ng pag-ibig?
7. Anong kultura ng mga Inglatero ang nabatid mula sa dula at sa ikinilos ng
mga tauhan?

6 CO_Q2_Filipino 10_Module 2
Suriin

Basahin at unawain mo ang ilang mga tala tungkol sa dula at sa dulang


trahedya. May mga tala rin tungkol sa dulang Romeo at Juliet, ito ay iyong
magagamit para sa mas malalim na pag-uanawa sa akdang babasahin upang
masagot mo ang katanungan ukol sa akda.

Alam mo bang…
 Ang dula ay hango sa salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang
gawain o kilos?
 Ang dula ay isang akdang pampanitikang ang pinakalayunin ay itanghal.
Sinasabing ito ay paglalarawan sa madudulang bahagi ng buhay.
 Taglay nito ang katangiang umiiral sa buhay ng tao gaya ng pagkakaroon ng
mga suliranin o mga pagsubok na kaniyang pinagtagumpayan o kinasawian.
 Ayon kay Aristotle, ito ay isang sining ng panggagaya o pag-iimita sa kalikasan
ng buhay. Ipinakikita nito ang realidad sa buhay ng tao gayundin ang
kaniyang mga iniisip, ikinikilos, at isinasaad.
 Ang trahedya ay isang dulang ang bida ay hahantong sa kabiguan o
malungkot na wakas. Mayroon ding mga uri ng ganitong dulang may
malungkot ngunit makabuluhang wakas. Nagsimula ang ganitong uri ng
drama mula sa sinaunang Gresya. Kabilang sa mga maagang mga bantog na
tagapagsulat ng trahedya sa Gresya ay sina Aeschylus, Sophocles, at
Euripides.
 Trahedya rin ang dula kapag ang tema nito’y mabigat o nakasasama ng loob,
nakaiiyak, nakalulumos ang mga tauhang karaniwang nasasadlak sa
kamalasan, mabibigat na suliranin, kabiguan, kawalan, at maging sa
kamatayan. Ito’y nagwawakas nang malungkot.
 Ang Romeo at Juliet ay isang dulang isinulat ni William Shakespeare tungkol
sa dalawang maharlikang mga angkan na nagkaroon ng alitan kung kaya’t
naging magkaaway. Nakabatay ang balangkas ng dulang ito sa isang kuwento
mula sa Italya na isinaling wika upang maging taludtod bilang “The Tragical
History of Romeus and Juliet” (Ang Kalunos-lunos na Kasaysayan nina
Romeus at Julieta) ni Arthur Brooke noong 1562 at muling isinalaysay na
nasa anyong tuluyan o prosa sa Palace of Pleasure (Palasyo ng Kaluguran) ni
William Painter noong 1567.
 Isang layunin ng may akda na ipakita ang kadalisayan ng tunay at wagas na
pag-ibig sa pagitan ng dalawang taong nagmamahalan. Ipinakikita rin ng may
akda ang magiging bunga kung ang isang tao o mga tao ay walang ganap na
pag-intindi sa mga bagay-bagay. Ang kanilang kamatayan ang naging bunga
ng hidwaang walang tigil sa pagitan ng dalawang pamilya.

7 CO_Q2_Filipino 10_Module 2
Mga Elemento ng Dula
 Iskrip – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula. Ang lahat ng bagay na
isinasaalang-alang sa dula at nararapat na naaayon sa isang iskrip.
 Gumaganap o Aktor – sila ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip. Sila
ang nagbibigay ng dayalogo, nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at
pinapanood na tauhan sa dula.
 Tanghalan – anomang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula
ay tinatawag na tanghalan. Tanghalan din ang tawag sa kalsadang
pinagtatanghalan ng isang dula o silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral
sa kanilang klase.
 Tagadirehe o Direktor – siya ang nagpapakahulugan sa iskrip. Siya ang
nagpapasya sa hitsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan, hanggang sa
paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumedepende sa
interpretasyon ng director sa iskrip.
 Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtatanghal
kung hindi ito mapapanood ng ibang tao.

Gawain 5: Kilalanin Mo!


Panuto: Kilalanin ang kultura ng lugar na pinagmulan ng dula batay sa sumusunod
na pangyayari.

1. Si Juliet ay ipinagkasundo ng kaniyang mga magulang na pakasal sa isang


lalaking hindi niya mahal at hindi lubusang kilala. Ipnakikita ng pahayag na
ito ang kultura ng mga taga-England na:
2. “Ito sa tinig ay marahil isang Montague. Bakit naparito ang aliping itong
mukha’y di mapinta? Upang kutyain lamang ang ating pagsasaya? Sa ngalan
ng lipi at dangal ng aking angkan, ang patayin siya’y hindi masasabing
kasalanan.” Anong katangian ang ipinakikita ni Tybalt sa pahayag na ito?
3. Kahit batid ni Romeo na ang kaniyang pinakamamahal na si Juliet ay galing
sa kanilang kalabang angkan, ipinagpatuloy pa rin nito ang wagas na pag-
ibig sa dalaga. Ipinakikita ng pahayag na ito ang isang kaugalian ng isang
mangingibig ang pagiging:
4. Batid ni Padre ang wagas na pagmamahalan nina Romeo at Juliet kaya
naman tinulungan niya ang dalawa. Bumuo sila ng plano ni Juliet upang
hindi matuloy ang pag-iisang dibdib niya kay Paris. Ipinakikita ng pahayag
na ito ang:
5. Binigyan ng isang butikaryo si Romeo ng isang malakas na lason kapalit ng
apatnapung ducado kahit na alam nitong ipinagbabawal ang pagtitinda ng
lason. Ipinakikita ng pahayag na ito ang kaugaliang:

8 CO_Q2_Filipino 10_Module 2
Pagyamanin

Binabati kita sa iyong puspusang pagsagot sa mga katanungan. Pinatunayan


mo na ikaw ay hindi sumusuko sa mga pagsubok dahil ikaw ay nakarating sa
bahaging ito ng ating pag-aaral. Makikita na ikaw ay may malalim nang pang-unawa
sa ating akdang tinatalakay. At sa bahaging ito, alam ko na iyo nang nauunawaan
ang mensaheng nais ipahatid ng akda. Huwag mawalan ng pag-asa at huwag
hayaang masira ang iyong pokus sa mga susunod pang mga gawain.

Basahin mo nang may pag-unawa ang susunod na teksto mula sa dulang


trahedya na akda ni Rogelio R. Sicat na “Moses, Moses”. Tiyak na makatutulong ang
kaalamang matututuhan mo rito upang maikumpara ang dula sa Pilipinas at sa
bansang England. Tungkol din ito sa pag-ibig ngunit sa ibang anyo.

Moses, Moses
ni Rogelio Sicat
Ibinuod ni Eric O. Cariño

Pinag-uusapan ng magkapatid na Ana at Regina Calderon ang tungkol sa


kalagayan ni Aida na ginahasa ng anak ng isang politico. Nasa gayon silang
pagkukuwentuhan nang tumambad sa pintuan ng kanilang apartment ang Alkalde
at ang konsehal. Naparoon sila upang magdiskargo. Pinakiusapan nila si Regina
na iurong niya ang kasong isinampa laban sa anak ng alkalde at upang ihingi ng
tawad ang ginawa nito sa kaniyang anak. Dahil isang malaking kaabalahan di
umano ang ginawa ng anak ng alkalde kay Aida, tinangka ng alkalde na ayusin na
lamang ito sa labas ng husgado ayon na rin sa rekomendasyon ng kumpare niyang
si Judge Joaquin. Sinubok niyang ipang-areglo sa kaso ang sampung libong piso.
Tinanggihan naman ito ni Regina at naging mainit ang pagtatalo ng magkabilang
panig. Nanindigan pa rin si Regina na itutuloy niya ang kaso laban sa anak ng
alkalde at ihahanap niya ng hustisya ang sinapit ng kaniyang dalaga. Hinamon
naman siya ng alkalde at binantaan si Regina na mapupunta lamang sa wala ang
kaniyang ipinaglalaban.
Pagkatapos sumibad ng sasakyang kinalululanan ng dalawang bisita ay
napaupo si Regina sa isang tabi. Tumayo sa harapan niya ang panganay na anak
na si Tony. Nangusap ang anak sa kaniya at ipinakiusap na iurong na lamang ang
demanda. Naniniwala siya na mapupunta lamang sa wala ang kasong iyon subalit
nanindigang muli si Regina na lalaban siya kahit na ipanlalaban niya ang sarili
niyang kuko sa malalaking bato. Naputol na lamang ang pagtatalo ng mag-ina nang
mapansin nilang pababa ng hagdan si Aida. Doon lamang niya naalalang magpabili
ng gamut sa botika para sa dalaga.
Si Tony ang lumabas ng bahay upang bumili ng gamot. Pagkaalis ng binata
ay siya namang paglapit ni Ben na takot na takot. Ipinagtapat nito sa ina na bitbit
ni Tony sa kaniyang paglabas ang isang baril. Labis pang nabahala si Regina nang
ipagtapat ng bunsong gabi-gabing lumalabas ng bahay si Tony para hanapin ang
anak ng alkalde. At upang saglit na mapanatag ang kalooban ni Regina ay
pinagpahinga muna siya ni Ana.

9 CO_Q2_Filipino 10_Module 2
Naalimpungatan lamang siya nang marinig ang tunog mula sa nabasag na
bote ng gamot na natabig ni Aida. Dali-dali namang lumapit si Regina sa
kinaroroonan ng anak. Nilinis niya ang nagkalat na bubog sa sahig. Nangusap ang
anak na dalaga sa ina at sinabi rito ang paghanga niya sa sa kaniyang kuya Tony.
Katulad ni Regina nababahala rin siya sa kaniyang kuya.
Umaga na noon at naiwang mag-isa si Regina samantalang namamalikmata
siyang nakatingin sa pinto nang dumating ang isang taksi sa tapat ng kanilang
bahay. Takot na takot na sumibad sa loob ng bahay si Tony. Ipinaghiganti niya ang
sinapit ni Aida sa anak ng Alkalde. Pinatay niya ito. Hindi pa man napipigil ni
Regina ang plano ng anak na tumakas ay dumating na ang pulis kasama ang
Alkalde. Pinasusuko siya sa batas. Maluwat naman siyang isinuko ni Regina sa
kanila subalit pinagtulungan nilang saktan ang walang kalaban-labang si Tony.
Mabilis na inagaw ni Regina ang sandata ng isang pulis at ipinambaril niya ito sa
kawawang anak. Makalawang makapagpapaputok si Regina at bago pa man
maagaw ng pulis ang baril ay bumagsak na si Tony.

Gawain 7: Pagsusuri sa Akda


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Magbigay ng nangingibabaw na katangian ng politiko sa Pilipinas batay sa
akda?
2. Ilarawan ang takbo ng politika sa bansa na nasasalamin sa akda.
3. Ano ang masasabi mo hinggil sa pag-ibig ng magulang sa anak o sa pamilya?
4. Anong sakit ng lipunan ang nais nitong ilantad? Ipaliwanag ang iyong sagot.
5. Anong uri ng pagmamahal ang makikita sa teksto? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
6. Kung ikaw si Tony, ano ang kaya mong gawin upang ipagtanggol ang
miyembro ng iyong pamilya?

Gawain 8: Pananaw Ko, Mahalaga!


Panuto: Ipaliwanag ang kultura ng Pilipinas sa larangan ng pag-ibig, pagpapahalaga
sa pamilya, politika, ugali o paniniwala. Ihambing ito sa England.

Paghahambing base sa… Bansang Pilipinas Bansang England


Pag-ibig
Pagpapahalaga sa pamilya
Politika
Ugali o paniniwala

10 CO_Q2_Filipino 10_Module 2
Gawain 9: Ihambing Mo!
Panuto: Paghambingin ang kultura ng bansang England at Pilipinas pagdating sa
pag-ibig hindi lamang sa magkaibang kasarian kundi maging sa pamilya.

Pag-ibig

Pilipinas England

Isaisip

Tunay nga ang binitiwan ni Balagtas na ang pag-ibig kapag pumasok sa puso
nino man, hahamakin ang lahat masunod lamang ito. Gaya na lamang ng ipinamalas
na pagmamahalan nina Romeo at Juliet. Pinatunayan nilang wala na silang iibigin
pang iba kaya kahit sa kamatayan, sila ay magkasama.

Gawain 10: Opinyon Ko, Mahalaga!


Panuto: Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong at pahayag.
1. Kung ikaw si Juliet at alam mong magkagalit ang inyong pamilya sa lalaking
iniibig mo, ipaglalaban mo ba ang pag-ibig mo? Pangatuwiranan.
2. Anong kultura pagdating sa pag-ibig ang pagkakatulad ng bansang England
at Pilipinas?
3. Ano ang masasabi mo sa pahayag ni Romeo na, “Ang mundo’t ang batas ay
hindi mo kaibigan; Walang batas sa mundong sa iyo ay magpapayaman;
Huwag mamalagi sa hirap, labagin ang batas, kunin mo iyan.
4. Ano ang positibong kaya mong gawin sa ngalan ng tunay na pag-ibig?
5. Kung ikaw si Romeo o si Juliet, gagawin mo rin ba ang kanilang ginawa?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

Gawain 11: Pagnilayan Mo!


Panuto: Gamit ang talahanayan sa ibaba, magtala ng mga kulturang nakapaloob sa
dulang binasa at ihambing ito sa ating bansa.

Kultura Pilipinas England


Pag-ibig
Pamilya
Pagliligawan
Magkaibang Angkan

11 CO_Q2_Filipino 10_Module 2
Isagawa

Binabati kita sa iyong pagpapatuloy. Upang lalong maunawaan ang kultura


at kaugalian ng bansang England, ipagpatuloy mo pa ang paggawa sa susunod na
gawain.

Gawain 12: GRASPS


Panuto: Panoorin ang videoclip sa ibaba kaugnay ng bansang naging tagpuan ng
dulang Sintahang Romeo at Juliet, ang England. Maaari ring pumili sa mga
teksto/akdang napakinggan na, napanood na, o nabasa na hinggil sa isang lugar sa
Pilipinas o sa ibang bansa.

 Top 70 Amazing Facts About England, isang dokyumentaryo ng Top10 Best


upang maipakita sa mundo ang kagandahang taglay ng bansang England.
Matutunghayan mo rito ang mga iba’t ibang ipinagmamalaki ng England.
Makikita ang dokyumentaryo sa link na ito:
 http://www.youtube.com/c/Top10Best1
 Maaari mo ring panoorin ang England: 10 Interesting Facts about the Country
(Part of the United Kingdom) isang videoclip na gawa ng Datacube: awesome
facts. Makikita rito di lamang ang mga magagandang pasyalan kundi maging
mga pagkain at iba pa. mapapanood ang video sa link na ito:
 https://youtu.be/qDmZzBVKFMk

Pagkatapos mapanood ang mga video…


(Maaaring sa mga teksto/akdang napakinggan na, napanood na, o nabasa na…)

Goal Ikaw ay makagagawa ng isang sanaysay na naglalahad ng sariling


damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura (Pilipinas) kung
ihahambing sa kultura ng ibang bansa (England o anomang bansa).
Role Ikaw ay isang manunulat at travel guide.
Audience Guro, mga kapwa mag-aaral.
Situation Ikaw ay isang blogger kung saan labis mong nagustuhan ang bansang
England kung kaya’t ikaw ay magsusulat ng isang paglalahad tungkol
sa bansang ito dahil nais mong magustuhan din ito ng ibang tao at
para maranasan din nila ang saya sa pagpunta sa bansang ito.
Product Sariling sanaysay na may pamagat. Ang iyong sanaysay ay hindi dapat
bababa sa 150 na salita.
Standards A. Malinaw na nilalaman…………………….……………….… 30 puntos
B. Estruktura ng pagkakasulat……...……………….…….... 30 puntos
C. Malinis ang pagkakasulat…………………………………… 20 puntos
C. Hikayat sa mambabasa.…......………………..……….….. 20 puntos
Kabuoan.……….…………..………………..…..............….100 puntos

12 CO_Q2_Filipino 10_Module 2
Tayahin

Mahusay! Ako ay humahanga sa labis mong dedikasyon upang matapos ang


modyul na ito. Muli kitang binabati dahil hindi mo sinukuan ang mga gawaing aking
inihanda para sa iyong pagkatuto. Nag-uumapaw ang galak na aking nadarama.
Ngayon ay nasa huling bahagi na tayo ng modyul na ito. Ito ay isang maikling
pagsusulit lamang upang mataya ang iyong mga natutuhan hinggil sa mga
paksa/araling tinalakay sa modyul na ito.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Suriin ang mga na pahayag. Tukuyin kung ano ang hinihingi ng bawat
pahayag. Isulat ang titik ng napiling sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
o
_____ 1. Siya ang orihinal na may akda ng Romeo at Juliet.
A. Francisco Balagtas C. Jose Corazon
B. Gregorio C. Borlaza D. William Shakespeare

_____ 2. Siya ang nakakita kay Romeo sa kasiyahan at isinumbong ito sa isang
Capulet.
A. Juliet B. Nars C. Paris D.Tybalt

_____ 3. Paano nagpakamatay si Romeo?


A. Siya ay nagpasagasa
B. Sinaksak niya ang kaniyang sarili
C. Uminom siya ng lason
D. Nagbaril siya ng sarili

_____ 4. Sa kaniya dapat pakakasal si Juliet kung hindi siya umibig kay Romeo.
A. Capulet B. Paris C. Romeo D. Tybalt

_____ 5. Saan unang nakita ni Romeo si Juliet?


A. sa gubat C. sa kanilang tahanan
B. sa hardin D. sa isang kasiyahan

B. Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag kung tama o mali. Isulat ang T kung
ito ay tama at M naman kung mali. Isulat ang kasagutan sa patlang bago ang
bawat bilang.
_____ 1. Tinutulan ng Padre ang pagmamahalan nina Romeo at Juliet.
_____ 2. Sinaksak ni Juliet ang kaniyang sarili nang makitang patay na si
Romeo.
_____ 3. Hindi naging tapat si Romeo sa pagmamahal niya kay Juliet dahil siya
ay nagpakamatay.
_____ 4. Pinakasalan ni Juliet si Paris.
_____ 5. Inakala ng lahat na patay na si Juliet.
_____ 6. Kasalanan ng mga magulang ni Juliet kung bakit siya nagpakamatay.
_____ 7. Ang dulang trahedya ay nagtatapos sa kasawian.
_____ 8. Ang iskrip ang pinakakalulwa ng isang dula.
_____ 9. Ang pinakalayunin ng dula ay basahin ng madla.
_____ 10. Hindi maituturing na isang dula ang akda kung walang manonood.

13 CO_Q2_Filipino 10_Module 2
C. Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod na salita ay hiram sa Ingles o sa Kastila.
Isulat ang kasagutan sa patlang bago ang bawat bilang.

______________ 1. Ketsup _______________ 6. Kompyuter


______________ 2. Dyipni _______________ 7. Lapis
______________ 3. Representasyon _______________ 8. Konstitusyon
______________ 4. Manedyer _______________ 9. Keyk
______________ 5. Telebisyon _______________ 10. Kubyertos

Karagdagang Gawain

Batid kong lubusan mo nang naunawaan ang dulang Sintahang Romeo at


Juliet. Sa pagkakataong ito ay atin pang palalimin ang iyong pang-unawa sa
pamamagitan ng pagsagot sa gawaing ito.

Pangyayari sa Akda

Bisa sa Isip Bisa sa Damdamin

Napakahusay! Ang galing mo! Binabati kita sa matiyaga


mong pagbabasa, pag-iintindi at pagsagot sa mga
pagsasanay. Alam kong nakapapagod at sumakit ang iyong
ulo ngunit sulit naman dahil matagumpay mong natutuhan
ang mga dapat mong malaman sa dulang Sintahang Romeo
at Juliet na isang dulang trahedya. Ihanda mo ang iyong
sarili sa kasunod na modyul – Modyul 3 (Tula mula sa
England).

14 CO_Q2_Filipino 10_Module 2
CO_Q2_Filipino 10_Module 2 15
PAGYAMANIN
Gawain 7: Pagsusuri sa akda Iba-iba ang sagot
Gawain 8: ... sa Pananaw Ko! Iba-iba ang sagot
Gawain 9: Ihambing Mo! Iba-iba ang sagot
ISAISIP
Gawain 10: Opinyon ko, mahalaga! Iba-iba ang sagot
Gawain 11: Pagnilayan Mo! Iba-iba ang sagot
ISAGAWA
Iba-iba ang sagot, gagamiting batayan ang pamantayan sa pagwawasto.
KARAGDAGANG GAWAIN Iba-iba ang sagot
TAYAHIN
Pangwakas na Gawain
A. B.
1. D 1. M
2. D 2. T
3. C 3. M
4. B 4. M
5. D 5. T
6. T
7. T
8. T
9. M
10.T
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

 Ambat, V.C., et.al (2015). Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal
Group, Inc. pa. 197-211.

 Dayag, A.M., et.al (2015). Pinagyamang Pluma 10 (Aklat 1). Quezon City: Phoenix
Publishing House. pa. 175, 185-186, 192-193.

 10 – Tungsten. Romeo and Juliet: Sintahan. Nahango noong Hunyo 5, 2020 mula
sa http://blogngromeoandjuliet.blogspot.com/2918/11/sintahang-romeo-at-
juliet.html?m=1

 Malobago, J.N. Mga Elemento Ng Dula. Nahango noong Hunyo 5, 2020 mula sa
https://www.scribd.com/document/363543106/Mga-Elemento-Ng-Dula

 Santos, Lady’cHu. Dula. Nahango noong Hunyo 6, 2020 mula sa


https://www.slideshare.net/mobile/ladychu08/dula-15515688

2 CO_Q2_Filipino 10_Module 2
10
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Tula mula sa England,
United Kingdom
(Panitikang Kanluranin)

CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Tula mula sa England, UK (Panitikang Kanluranin)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha
ang pahintulot sa paggamit ng materyal. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Josephine D. Halog, Alvin D. Mangaoang
Editor: Luisito V. Libatique, Belen C. Aquino, Alvin D. Mangaoang
Tagasuri: Arabella May Z. Soniega, Virgilio C. Boado
Gina A. Amoyen, Editha T. Giron
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Alvin D. Mangaoag, Jera Mae B. Cruzado
Tagapamahala: Tolentino G. Aquino
Donato D. Balderas Jr.
Arlene A. Niro
German E. Flora
Gina A. Amoyen
Virgilio C. Boado
Editha T. Giron
Alejo R. De Sesto

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon- Rehiyon I

Office Address: Flores St., Catbangen, City of San Fernando, La Union


Telefax: (072) 682-2324; (072) 607-8137
E-mail Address: region1@deped.gov.ph
Alamin

Mapagpalang araw mahal kong mag-aaral! Ipagpapatuloy muli natin


ang ating pag-aaral. Nawa’y maging matiyaga ka sa mga kasunod na aralin
dahil ito ay tiyak na kasiya-siya para sa iyo.

Ang Modyul 3 ay tumalakay sa panitikan tungkol sa tula mula sa


England, United Kingdom. Ang England ay isa sa mga kahariang bumubuo
sa bansang United Kingdom kabilang ang Scotland, Northern Ireland at
Wales. Ilan sa mga naging kontribusyon ng bansang ito sa buong daigdig ay
ang wikang Ingles (English), Anglican Church at English Law – ang basehan
para sa common law legal systems ng maraming bansa sa buong mundo.

Sa larangan ng panitikan, hitik din sila sa mga kilalang manunulat sa


iba’t ibang genre ng panitikang lumaganap sa Europe, America at maging sa
buong mundo.

Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang iyong pag-unawa at


pagpapahalaga sa tulang pinamagatang “Ang Aking Pag-ibig” na hango mula
sa “How Do I Love Thee” – Sonnet XLIII ni Elizabeth Barret Browning na
isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago. Matutunghayan dito ang wagas at
walang kamatayang pag-ibig ng isang babae sa kaniyang sinisinta.

Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay at paggamit sa mga uri ng tayutay


upang pukawin ang damdamin mo bilang mambabasa at kung gaano kabisa
ang paggamit nito sa pagpapalutang ng kariktan ng tula.

Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga


sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)


1. Naibibigay ang puna sa estilo ng nabasa o napakinggang tula. (F10PN-IIc-
d-70)
2. Nasusuri ang iba’t ibang elemento ng tula. (F10PB-IIc-d-72)
3. Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit
sa tula. (F10PT-IIc-d-70)
4. Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang
tinalakay. (F10PU-IIc-d-72)
5. Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula.
(F10WG-IIc-d-65)

Nasasabik ka na ba? Tara na’t maglakbay na tayo sa Kultura ng


England sa tulong ng kanilang tula.

1
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3
Subukin

Bago tunghayan ang kariktan ng tula mula sa England, United


Kingdom, magkakaroon muna tayo ng paunang pagtataya. Sikapin mong
sagutin ang mga kasunod na mga aralin para mataya kung ano ang mga
dapat mo pang malaman sa mga susunod na pag-aaral.

PAUNANG PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin at unawain mo ang bahagi ng tula, pagkatapos sagutin
ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa sagutang papel ang letra
ng tamang sagot.

Ang laki ng naging kapalit


Sa binalewala kong pakikisama Mo
Nasugapa lalo ang buhay ko,
nasira pati ang ulo ko
sa kamalasan, sa problema;
naging demonyo ako,
kaaway ng lahat -
ng bahay, ng gobyerno, ng simbahan.
Ayoko na!
Hindi na kaya
ng aking konsiyensiya.
Ang hirap palang wala Ka!
- Sandalangin

_____ 1. Ano ang paksa ng buong saknong?


A. pagkakaisa C. pagsisisi
B. pagpapakumbaba D. pagmamalasakit

_____ 2. Ano ang tono o damdaming nakapaloob sa tula?


A. pagkalungkot C. pagkainis
B. pagkatuwa D. pagkagalit

_____ 3. Sino/ano ang persona ang kinakausap o pinatutungkulan ng


tula?
A. magulang C. bayan
B. asawa D. Diyos

2
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3
_____ 4. Anong uri ng tayutay ang “nasira pati ang ulo ko sa kamalasan,
sa problema; naging demonyo ako.”?
A. simile C. hyperbole
B. metapora D.pagtatao

_____ 5. Sa pagsulat ng tula, kailangang sundin ang katangian at paraan


maliban sa _______.
A. magmasid sa paligid
B. siksik at umaapaw sa mensahe ang tula
C. pagiging orihinal ng akdang isusulat
D. iwasan ang paggamit ng mga tayutay

B. Panuto: Basahing mabuti ang mga bahagi ng tula pagkatapos tukuyin


kung anong elemento ang nangibabaw rito. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw
Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kaniyang buhok na hibla na katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay
At ang sabi “itong piyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”

- Ang Pamana

_____ 1. Ano ang persona ng nagsasalita sa tula?


A. isang anak na masipag C. isang anak na taksil
B. isang anak na mabait D. isang anak na may pakialam
_____ 2. “Na/ki/ta ko ang i/na ko’y ti/la ba/ga na/lu/lum/bay ”Anong
elemento ang nangibabaw sa taludtod na ito?
A. persona C. musikalidad
B. imahen D. wika
_____ 3. “Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw
Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kaniyang buhok na hibla na katandaan”
Anong elemento ang kapansin-pansin sa bahaging ito ng tula?
A. persona C. musikalidad
B. imahen D. wika

3
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3
_____ 4. Anong kaisipan o damdamin ang ipinahihiwatig ng tula?
A. pagdurusa C. panghihinayang
B. pag-ibig D. pag-asa

_____ 5. Batay sa mga pahiwatig, anong uri ito ng tula?


A. soneto C. elehiya
B. pastoral D. Dalit

C. Panuto: Suriin ang mga pahayag kung Simile, Metapora,


Personipikasyon, Hyperbole o Apostrophe ang tayutay na ginamit.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____ 1. “Si George ay Adonis sa kakisigan.”


_____ 2. “Buhos na ulan, aking mundo’y lunuring tuluyan.”
_____ 3. “Bumaha ng dugo sa lansangan matapos ang demonstrasyon ng
mga aktibista.”
_____ 4. “Kasinlaya ito ng mga lalaking dahil sa katwira’y hindi paaapi,
kasingwagas ito ng mga bayaning marunong umingos sa mga
papuri.”
_____ 5. “Binabati ako ng haring araw sa paggising ko sa umaga.”

Mahusay! Naisakatuparan mo ang paunang pagtataya. Kung mababa


man ang iyong iskor, huwag mabahala sapagkat paunang pagtataya lamang
ito. Ipagpatuloy lamang ang aralin at tiyak ang marka mo’y tataas din.

4
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3
Tula mula sa England, UK
Aralin
Panitikan: Ang Aking Pag-ibig
1 Wika at Gramatika:
Matatalinghagang Pananalita

Balikan

Sa nakaraang modyul, nalaman mo ang katuturan ng dula maging ang


mga salitang nagpapahayag ng damdamin o emosyon. Nabatid mo na ang
dula ay may layuning magtanghal sa entablado. Ngayon, bilang pagbabalik-
tanaw sa kasanayan sa nakaraang modyul, inaasahang isasagawa mo ang
gawain gamit ang konsepto ng paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng
damdamin. Handa ka na ba? Kung handa na, hali ka na’t magsimula na.

Gawain 1: Awitin Natin!


Panuto: Pakinggang mabuti ang awiting “Ang Awit ni Lira” ni
Jennylyn Mercado / Mikee Quintos sa
https://www.youtube.com/watch?v=JNkaLW9M6Rw
o kaya’y basahin ang liriko nito sa kahon.

Ang Awit ni Lira


ni Jennylyn Mercado / Mikee Quintos

Nais kong liparin ang himpapawid Sa pangarap lang makakamtam


At maabot ang ulap sa langit ang inaasam
Nais kong marating ang asul na Sa pangarap lang malalasap
dagat ang saya nitong aking buhay
At langoyin ang kanyang rikit
Sa pangarap lang naghihintay
Nais kong mahiga sa kanlungan ni Sa pangarap aking mahal
ina Doon akoy maghihintay
At lasapin ang kaniyang mga aking mahal
haplos
Nais kong marating ang paraiso
Upang doon ay mamahinga
Itong pagod kong puso

5
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3
Matapos mong mapakinggan o mabasa ang awitin, sagutin ang mga
sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.
1. Tungkol saan ang awit na iyong nabasa o napakinggan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________

2. Batay sa iyong napakinggan/nabasa, ilan ang bilang ng pantig sa


bawat taludtod?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________

3. Ilahad ang mga damdaming nangibabaw sa nasabing awitin gamit ang


mga salitang nagpapahayag ng damdamin. Gayahin ang pormat sa
iyong sagutang papel.

Damdamin

6
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3
4. Anong kongklusiyon ang nabuo sa iyong imahinasyon matapos mong
napakinggan ang nasabing awit?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________

Mahusay! Matagumpay mong naisagawa ang unang gawain. Tiyak na


naantig ka sa mensaheng dala ng awit sapagkat punong-puno ito ng
damdamin. Napatingkad pa nito ang kariktan ng awitin nang ito’y lapatan ng
himig at instrumento.

Alam mo bang may mga tulang sadyang nilalapatan din ng himig upang
ito’y awitin? Ito’y mga tulang punong-puno ng damdaming matutunghayan mo
sa kasunod na pahina. Magpatuloy ka lang para madagdagan ang iyong
kaalaman.

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Tuklasin

Narito ang isang tula mula sa England, United Kingdom. Basahin at


unawain mong mabuti upang matuklasan ang mensaheng nais nitong
ipahatid. Matutunghayan mo ang wagas na pag-ibig na gustong palabasin ng
tula. Ang tulang ito ay halaw sa tula ni Elizabeth Barret Browning na “How Do
I Love Thee – Sonnet 43 na isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago.

7
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3
Ang Aking Pag-ibig
(How Do I Love Thee – Sonnet XLIII)
ni Elizabeth Baret Browning
(Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman


Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.
Iniibig kita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay
ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utos-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.
Kasinlaya ito ng mga lalaking
Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,


Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako’y isang musmos pa sa turing
na ang pananalig ay di masusupil.
Yaring pag-ibig ko, ang nakababagay
Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.
Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,
Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita

Ang binasa mong tula ay isang halimbawa ng Tulang Soneto. Ito ay


isang uri ng tulang nagmula sa Italya na may labing-apat na taludtod at
sampung pantig sa bawat taludtod. May tiyak na sukat at tugma na
kinakailangang isaalang-alang ng mga manunulat. Sa madaling sabi, ito ay
tula hinggil sa damdamin.

Mahusay, binabati kita! Upang lubos mo pang maintindihan ang akdang


binasa, makatutulong sa iyo ang pagsagot sa mga mahahalagang katanungan.
Alam kong kayang-kaya mong sagutin ang mga ito dahil may malalim pang-
unawa sa binasa.

8
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3
Gawain 2: Paglinang ng Talasalitaan

Panuto: Piliin sa Kolum B ang kahulugan ng matatalinghagang pananalitang


ginamit ng tula sa kolum A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang
papel.

KOLUM A KOLUM B
_____ 1. Lipad ng kaluluwang ibig na A. handang mahalin
marating Ang dulo ng hindi anoman ang mangyari
maubos-isipin B. masidhing pagmamahal
_____ 2. Kasinlaya ito ng mga lalaking C. tunay na pag-ibig
Dahil sa katwira’y hindi paaapi D. pag-ibig hanggang
_____ 3. Kasingwagas ito ng mga bayaning wakas
Marunong umingos sa mga papuri E. ang pag-ibig ay buhay
_____ 4. Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat
na Ngiti, luha buhay at aking
hininga!
_____ 5. At kung sa Diyos naman na
ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita

Gawain 3: Pag-unawa sa Akda

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa


hiwalay na papel.

1. Ano ang pag-ibig na tinutukoy ng makata sa tula?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________

2. Batay sa tula, ano ang magiging bunga ng pagkakaroon ng tunay na


pag-ibig?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________

3. Aling bahagi ng tula ang nagpalutang ng ganda at kariktan nito?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________

9
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3
4. Paano naipamalas ng may-akda ang masidhing pagmamahal?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________

5. Paano nakatulong ang paggamit ng mga matatalinghagang salita upang


mapalutang ng may-akda sa mga mambabasa ang mensahe?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________

Gawain 4: Sagutin Mo!

Panuto: Batay sa binasa mong tula na pinamagatang “Ang Aking Pag-ibig”,


isulat sa nakalaang talahanayan ang mapili mong limang matatalingahagang
pananalita na ginamit dito. Pagkatapos, tukuyin ang pakahulugan nito.

Matalinghagang pananalita Pagpapakahulugan


1.
2.
3.
4.
5.

Suriin

Basahin at unawain mo ang kaalaman ukol sa tula bilang isang akdang


pampanitikang nagpapagana sa ating malikhaing guniguni. Inaasahang kong
masasagot mo ang pokus na tanong na – mabisa bang paraan ang tula sa
paglalarawan ng karanasan at damdamin ng bansang kanluranin gamit ang
mga tayutay?

Alam mo bang…

Tula ang tawag sa isang akdang pampanitikang may matatalinghagang


pagpapahayag ng isipan at damdamin. Mababasa sa mga tula ang mga
kaisipang naglalarawan ng kagandahan, kariktan at kadakilaan.

10
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3
 Maitutulad sa isang awit ang tula. Nagsisilbi rin itong pagpapagunita
sa dapat na kaasalan ng mga bata at kabataan at naglalayong
maipahayag ang karanasan, damdamin, pananaw, kabayanihan at ang
maigting na pagmamahal sa sariling bansa.
 Hanggang sa kasalukuyan, ang pagsulat at pagbigkas ng tula ay
nananatiling tulay ng kaalaman mula sa kasaysayan ng kahapon
patungo sa kasalukuyan.
 May apat na pangkalahatang uri ng tula: Tulang Pandamdamin o
Tulang Liriko, Tulang Pasalaysay, Tulang Padula at Tulang Patnigan.
Sa araling ito, bibigyang-pansin natin ang Tulang Pandamdamin o
Liriko

Tulang Liriko – Ito ay ang tula ng damdaming nagpapakita ng matinding


emosyon ng tao o puno ng masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig,
kalungkutan, kaligayahan, tagumpayan at iba pa. Maikli at payak ang
uring ito ng tula.

Uri ng Tulang Liriko

1. Soneto – Ang tulang ito ay may labing-apat na taludtod hinggil sa


damdamin, kaisipan at pananaw sa buhay ng tao. Naghahatid ng aral
sa mambabasa.
Mga Halimbawa: Soneto ng Buhay ni Fernando B. Monleon
Ang Aking Pag-ibig

2. Pastoral – Hindi lamang tungkol sa buhay ng isang pastol at


pagpapastol. Ang tulang ito ay pumapaksa at naglalarawan ito ng
simpleng paraan ng pamumuhay, pag-ibig, at iba pa.
Mga Halimbawa: Halika sa Bukirin ni Milagros B. Macaraig
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa

3. Elehiya – Ito ay tula ng pamamanglaw dahil sa pumapaksa ito sa


kalungkutan, kamatayan at iba pa.
Mga Halimbawa: Ang Pamana ni Jose Corazon de Jesus
Elehiya para kay Ram ni Patrocinio V. Villafuerte

4. Oda – Ang tulang ito ay nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy o iba


pang uri ng damdamin. Karaniwang tungkol sa papuri tungkol sa mga
nagawa ng dakilang tao, bansa o anomang bagay na maaaring
papurihan.
Mga Halimbawa: Tumangis si Raquel
Manggagawa ni Jose Corazon de Jesus

11
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3
5. Awit – Karaniwang pinapaksa ng tulang ito ay pag-ibig, kabiguan,
kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at kaligayahan. Tinatawag din
itong kundiman na ayon kay Jose Villa Panganiban ito ay awit tungkol
sa pag-ibig.
Mga Halimbawa: May isang pangarap ni Teodoro Gener
Sa Dalampasigan ni Teodoro Agoncillo

6. Dalit – Ito ay katutubong tula na may apat na taludtod sa bawat


saknong at may sakut na wawaluhin. Ito’y awiting patungkol sa
paglilingkod sa Diyos at pananampalataya na may layuning dumakila
at magparangal. sa kasalukuyang kahulugan, masasabi na ring dalit
ang isang tula kung ito’y may pagdarakila sa bayan.
Dalitsamba: patungkol sa Diyos
Dalitbayan: pagdakila sa bayan
Halimbawa: Dalit kay Maria

Mga Elemento ng Tula

1. Persona – Tumutukoy ito sa nagsasalita sa tula na nililikha ng makata.


2. Imahen – Tumutukoy ito sa larawang diwa na nabubuo sa
mambabasa. Pinagagalaw nito ang guniguni ng mambabasa. Nabubuo
sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga bagay sa paligid o konsepto sa
nais ipakahulugan.
3. Musikalidad – Nakapokus ito sa porma at paraan ng pagkakasulat ng
tula. Nagtataglay ito ng angking melodiya o tonong nararamdaman sa
indayog o ritmo.
a. Sukat – Saklaw nito ang sa bilang ng pantig sa bawat linya o
taludtod ng tula. Ang pangkaraniwang tula ay may walo hanggang
labindalawang pantig sa bawat taludtod.
Halimbawa: Lalabindalawahing Pantig
Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang lamig
b. Tugma – Ito ang pagkakasintunugan ng mga salita o
pagkakapareho ng tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod ng
tula. Ito ay isang elemento ng tula na nagbibigay dito ng himig at
indayog
Halimbawa: Sukat: a-a-a-a (magkakatugma lahat ng linya)

Sa aking lupain doon nagmumula


Lahat ng pagkain nitong ating bansa
Ang lahat ng tao, mayaman o dukha
Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa

12
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3
c. Tono o Indayog – Ipinababatid nito paraan ng pagbigkas ng bawat
taludtod ng tula. Ito ay karaniwang pataas o pababa.
4. Wika – Tumutukoy ito sa paggamit ng salita – maaaring lantad o di-
lantad ang mga salita.
5. Kaisipan o Bagong Pagtingin sa/ng Tula – tumutukoy ito sa kung
paano nagkaroon ng bagong pagtingin sa isang bagay na palasak.
a. Talinghaga – tumutukoy ito sa matayog na diwang ipinahihiwatig
ng makata. Dito kinakailangang gumamit ng tayutay at
matalinghagang mga pahayag o salita upang pukawin ang
damdamin ng mga mambabasa.
Halimbawa:
Nahuli sa pain, umiyak
Ako’y hawak ng iyong pag-ibig
Hindi ako makaalpas
b. Kariktan – Tumutukoy ito sa malinaw at di-malilimutang
impresyong nakikintal sa isipan ng mambabasa. Ito ang pagtataglay
ng mga salitang umaakit o pumupukaw sa damdamin ng mga
bumabasa.

Mga Paraan sa Pagsulat ng Tula

1. Magmasid sa paligid, paglakbayin ang imahinasyon at magbasa ng mga


halimbawa ng tula. Sa ganitong paraan, detalyado at malinaw na
mailalarawan ng makata ang kaisipang nais niyang palutangin sa tula.
2. Lahat na ng paksa ay naitampok na sa tula subalit nakasalalay pa rin
sa makata ang pagiging orihinal ng akdang kaniyang isinusulat.
Nagiging bago ang lumang paksa sa pagbibigay ng makata ng bagong
pananaw tungkol dito. Ang pananaw na ito ay maaaring batay sa sarili
niyang karanasan, mga namasid o bunga lamang ng kanyang makulay
na imahinasyon.
3. Ang tula ay siksik at nag-uumapaw sa mensahe na ipinahahayag sa
kakaunting salita lamang. Magiging busog sa kahulugan at malikhain
ang pagpapahayag ng kaisipan kung gagamitan ng tayutay (sinadyang
paglayo sa karaniwang paraan ng pagpapahayag ng kaisipan) at
matatalinghagang pananalita.
4. Kailangang maging mapagparanas ang isang tula upang mag-iwan ng
kakintalan sa mambabasa. Mapagparanas ang isang tula kung
ipinakikita at ipinadarama (nalalasahan, naaamoy, naririnig) ng
makata ang mensahe ng kanyang akda hindi lamang niya ito sinasabi.

13
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3
Matatalinghagang Pananalita ang tawag sa mga salita o pahayag na
hindi tuwirang inihahayag ang literal na kahulugan ng isang salita. Sa
madaling sabi, ito ay mga salita o pahayag na nagtataglay ng malalim na
kahulugan.

 Karaniwan itong ginagamitan ng paghahambing ng mga bagay na


nagpapataas ng pandama ng mga mambabasa.
 Nag-uugnay sa mga karanasan, pangyayari at bagay-bagay na alam ng
taumbayan.
 Nagsisilbing larawan ng kamalayan ng manunulat. Isa sa madalas na
gamiting talinghaga ang pagpapahayag na patayutay o tayutay.

Tayutay – Ito ay tumutukoy sa mga salita o pahayag na ginagamit upang


maging maganda at kaakit-akit ang isang pahayag. Tumutukoy din ito sa
sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita, kung kaya’t
magiging malalim at piling-pili ang mga salita rito. Tinatawag ding
palamuti ng tula ang tayutay dahil ito ang nagpapaganda sa isang tula.

Mga Uri ng Tayutay

1. Pagtutulad (Simile) – Isang paghahambing ng dalawang bagay na


magkaiba sa pangkalahatang anyo subalit may mga magkatulad na
katangian. Ito’y ginagamitan ng mga salita’t pariralang tulad ng,
katulad ng, parang, kawangis ng, anaki’y, animo’y, tila, kasing-,
magkasing- at iba pa.
Halimbawa:
Kasingkintab ng diyamante ang iyong mga luha.
Ang iyong labi ay tila rosas sa pula.

2. Pagwawangis (Metapora) – Tiyakang naghahambing ng dalawang


bagay ngunit tuwiran ang ginagawang paghahambing. Hindi na ito
ginagamitan ng mga salitang tulad ng ginagamit sa Simile.
Halimbawa:
Leon sa bagsik ang ama ni David
Ang mga nangangalaga ng kalikasan ay mga anghel ng kagubatan.

3. Pagmamalabis (Hyperbole) – Pilit na pinalalabis sa normal na


katangian, kalagayan o katayuan ng isang tao, bagay, pook o
pangyayari upang bigyang kaigtingan ang nais ipahayag. Tinatawag din
itong eksaherasyon.
Halimbawa:
Nalulunod na siya sa kanyang luha.
Hanggang tainga ang aking ngiti nang siya’y aking nakilala.

14
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3
4. Pagtatao (Personipikasyon) – Ito’y mga pahayag ng paglilipat ng
katangian, gawi at talino ng isang tao sa mga karaniwang bagay na
walang buhay. Ginagamitan ito ng pandiwa. Tinatawag din itong
Pagbibigay-katauhan.
Halimbawa:
Ang buwan ay nagmagandang gabi sa lahat.
Matindi ang unos sa paghagulgol ng langit.

5. Pagtawag (Apostrophe) – Ito ay isang panawagan o pakiusap nang


may masidhing damdamin sa isang bagay na tila ito ay isang tao o
kaya’t tao na na animo’y kaharap ang kausap.
Halimbawa
O tukso, layuan mo ako!
Pag-ibig, bigyan mo ng kulay ang aking buhay.

Batid kong marami kang nalaman tungkol sa tula at matatalinghagang


pananalita / tayutay.

Pagyamanin

Magaling! Binabati kita sa matagumpay mong pagsusuri sa tulang “Ang


Aking Pag-ibig”. Ngayon, sa bahaging ito ay babasahin at susuriin mo pa ang
isang tulang may pamagat na “Ang Tinig ng Ligaw na Gansa” ayon sa
pagkabuo nito. Aasahan mo ring ihahambing mo ito sa tulang “Ang Aking Pag-
ibig”.

Ang tulang iyong babasahin ay isang halimbawa naman ng Tulang


Pastoral. Tuklasin mo kung bakit mahalagang maunawaan ang pagnanais ng
sumulat nito ng simpleng pamumuhay sa gitna ng komplikadong sitwasyon.
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang tinig ng ligaw na gansa
Nahuli sa pain, umiyak
Ako’y hawak ng ‘yong pag-ibig,
Hindi ako makaaalpas.

Lambat ko aking itatabi,


Subalit kay ina’y anong masasabi?
Sa araw-araw ako’y umuuwi,
karga ang aking mga huli
‘Di ko inilagay ang bitag
Sapagkat sa pag-ibig mo’y nabihag.
15
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3
Gawain 5: Kaisipan Mo’y Mahalaga

Panuto: Mula sa mga elemento ng tula, suriin ang tulang binasa “Ang Tinig
na ligaw na Gansa.”

SUKAT

IMAHEN
MUSIKALIDAD

TULA

WIKA PERSONA

Gawain 6: Tukuyin Mo!

Panuto: Tukuyin kung anong tayutay ang ginamit sa bawat pangungusap.


Isulat sa inyong sagutang papel ang Simile, Metapora, Hyperbole,
Personipikasyon o Apostrophe.
___________________ 1. Ang mga mata niya ay tila mga bituing
nangniningning sa tuwa.
___________________ 2. Rosas sa kagandahan si Marian Rivera.
___________________ 3. Napanganga hanggang paa ang mga manonood sa
pagpasok ng mga artista sa tanghalan.
___________________ 4. Ang ulap ay nagdadalamhati sa kaniyang
pagpanaw.
___________________ 5. Tila mga anghel sa kabaitan ang mga bata.
___________________ 6. Halika panaginip at tulungan mo akong malimot
ang mga pighati sa buhay.
___________________ 7. Salaysay niya, saksakan ng guwapo ang binatang
nasa kaniyang panaginip.
___________________ 8. O buhay! Kay hirap mong unawain.
___________________ 9. Inanyayahan kami ng dagat na maligo.
___________________ 10. Nahiya ang buwan sa kanyang kahambugan.

16
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3
Binabati kitang muli mahal kong mag-aaral. Lalong lumalawak ang
iyong kaalaman at pag-unawa sa ating aralin! Magpatuloy ka lang dahil mas
marami pang impormasyon ang iyong malalaman.

Isaisip

Gawain 7: Dugtungan Mo!

Panuto: Dugtungan ang sugnay batay sa iyong natutuhan sa modyul na ito.


Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Natutuhan kong ang tula ay… Ang mga elemento ng tula ay…
_________________________________ _________________________________
_________________________________ _________________________________
_________________________________ _________________________________
___ ___

Ang mga uri ng Tulang TULA Ang mga uri ng tayutay


Liriko ay… ay…
________________________ ________________________
________________________ ________________________
________________________ ________________________
________________________ ________________________
______ ______

17
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3
Isagawa

Gawain 8: Isulat Mo!

Panuto: Batay sa kasalukuyang kinakaharap natin kaugnay ng pandemya,


sumulat ng tula na nagpapakita ng pag-ibig sa iyong kapwa. Gamitin mo
lahat ang mga natutuhan mo upang makabuo ka ng magandang tula. Isulat
sa sagutang papel.

Ikaw ay susulat ng sariling-likhang tulang liriko gamit ang mga


Goal
matatalinghagang pananalita.
Role Ikaw ay magiging manunulat at makata
Audience Guro, mga kapwa mag-aaral.
Batay sa kasalukuyang kinakaharap natin kaugnay ng
pandemya, gagawa ka ng sariling likhang tula na may 2 – 3
Situation
saknong na may apat na taludtod sa bawat saknong. Gawin
itong malikhain.
Product Sariling-likhang Tulang Liriko
A. Malinaw na mensahe………………..….………………….… 10
puntos

B. Estruktura ng pagkakasulat……..……………………..….. 10
puntos

C. Malinaw na nagpapakita ng kariktan………….....…..….. 10


Standards puntos

D. Mabisang paggamit ng mga tayutay…………..…………...10


puntos

E. Dating……………….....……………………………………………10
puntos
Kabuoan.……….………………………………….…………........50
puntos

18
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3
Tayahin

Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa parteng ito. Tiyak marami


kang natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon, ating
tatayahin ang iyong kaalaman sa mga araling natalakay.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

A. Panuto: Isulat ang Tsek (√) sa sagutang papel kung ang ipinahahayag
tungkol sa tula ay Tama at Ekis (X) naman kung ito’y Mali.

_____ 1. naglalaman ng masisidhing damdamin


_____ 2. maikli lamang at nababasa ng isang upuan
_____ 3. karaniwang nagsasalaysay ng mga pangyayari
_____ 4. nagpapahayag ng katotohanan lamang
_____ 5. ginagamitan ng tayutay o matatalinghagang pahayag
_____ 6. salamin ng buhay
_____ 7. maaaring may sukat at tugma
_____ 8. nahahati sa iba’t ibang kabanata
_____ 9. binubuo ng mga taludtod at talata
_____ 10. piling-pili ang mga salitang ginagamit

B. Panuto: Basahin at unawain mo ang bahagi ng tula pagkatapos sagutin


ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa sagutang papel ang letra
ng tamang sagot.

Iniibig kita nang buong taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay
Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.
- Ang Aking Pag-ibig

_____ 1. Alin sa sumusunod ang HINDI katangiang taglay ng persona sa


tula?
A. mapagtiis C. masayahin
B. mapagpakumbaba D. mapagmalasakit

19
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3
_____ 2. Ipinahahayag ng persona sa tula ang kaniyang pagmamahal at
pagsinta sa taong kaniyang iniibig sa pamamagitan ng _________.
A. pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig
B. paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila
C. paghahambing nito sa iba’t ibang bagay
D. pagpapahiwatig ng nararamdaman
_____ 3. Anong uri ng pag-ibig ang nais ipahiwatig ng tulang “Ang Aking
Pag-ibig?”
A. pag-ibig sa ama/ina C. pag-ibig sa kapatid
B. pag-ibig sa kaibigan D. pag-ibig sa kasintahan/asawa
_____ 4. Ang uri o tawag sa tulang nagmula sa Italya na may labing-apat
na taludtod at sampung pantig sa bawat taludtod.
A. soneto B. tanaga C. oda D. haiku
_____ 5. Anong uri ng tayutay ang bahagi ito ng tula?
“Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay”
A. personipikasyon B. simile
C. metapora D. hyperbole

C. Panuto: Basahing mabuti ang mga bahagi ng tula pagkatapos tukuyin


kung anong elemento ang nangibabaw rito. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Ang tinig ng ligaw na gansa


Nahuli sa pain, umiyak
Ako’y hawak ng iyong pag-ibig,
Hindi ako makaalpas.

Lambat ko ay aking itatabi,


Subalit kay ina’y anong masasabi?
Sa araw-araw ako’y umuuwi,
karga ang aking mga huli
‘Di ko inilagay ang bitag
Sapagkat sa pag-ibig mo’y nabihag.
- Ang Tinig ng Ligaw na Gansa

_____ 1. Ano ang persona ng nagsasalita sa tula?


A. isang babaeng mangingibig C. isang gansang naligaw
B. isang gansang nabihag D. isang lalaking mangingibig

20
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3
_____ 2. “Ang / Ti/nig / ng / Li/gaw / na / gan/sa” Anong elemento ang
nangibabaw sa taludtod na ito?
A. persona C. musikalidad
B. imahen D. wika
_____ 3. “Nahuli sa pain, umiyak
Ako’y hawak ng iyong pag-ibig,
Hindi ako makaalpas.”
Anong elemento ang kapansin-pansin sa bahaging ito ng tula?
A. persona C. musikalidad
B. imahen D. wika
_____ 4. Anong kaisipan o damdamin ang ipinahihiwatig ng tula?
A. pag-ibig C. panghihinayang
B. pagdurusa D. pag-asa
_____ 5. Batay sa mga pahiwatig, anong uri ito ng tula?
A. soneto B. pastoral C. elehiya D. dalit

D. Panuto: Piliin sa Kolum B ang tinitukoy sa kolum A. Isulat ang letra ng


tamang sagot sa sagutang papel.

KOLUM A KOLUM B
_____ 1. Ito ay isang panawagan o pakiusap nang A. Simile
may masidhing damdamin sa isang
bagay. B. Metapora

_____ 2. Ito’y mga pahayag ng paglilipat ng C. Personipikasyon


katangian, gawi at talino ng isang tao sa
mga karaniwang bagay na walang D. Hyperbole
buhay. E. Apostrope
_____ 3. Tinatawag din itong eksaherasyon.
_____ 4. Tiyakang naghahambing ng dalawang
bagay ngunit tuwiran ang ginagawang
paghahambing.
_____ 5. Paghahambing ng dalawang bagay na
magkaiba sa pangkalahatang anyo
subalit may mga magkatulad na
katangian.

21
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3
Binabati kita! Natapos mo na ang aralin. Sana’y
naiwan sa iyong isipan ang lahat ng mga napag-
aralan natin na Tula mula sa England, United
Kingdom at sa mga tayutay bilang
matalinghagang salita. Nawa’y magamit mo pa ito
sa pagsusulat mo ng tula. Bagaman tapos na tayo
sa araling ito. Ihandang muli ang iyong sarili sa
panibago na namang aralin – Modyul 4 (Maikling
Kuwento mula sa United States of America).

Sanggunian
Ambat, V.C., et.al (2015). Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal
Group, Inc. pa. 87-89, 185-196.

Locano, D.G., Ipong M.L. at Royo, J.L (2015). Parola 10. Valenzuela City: JO-ES
Publishing House, Inc. pa. 455-459.

England History. Nahango noong Hunyo 10, 2020 mula sa


https://www.britannica.com/place/England

Tulang Liriko. Nahango noong Hunyo 10, 2020 mula sa


https://brainly.ph/questions/193051

Tayutay. Nahango noong Hunyo 10, 2020 mula sa


https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Tayutay

Ang Awit ni Lira. Nahango noong Hunyo 10, 2020 mula sa


https://www.youtube.com/watch?v=JNkaLW9M6Rw

22
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3
23
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
ISAGAWA
A.
Gawain 8: Isulat Mo!
1. √ 6. √
Iba-iba ang sagot
2. √ 7. X
3. X 8. X
4. X 9. X
5. √ 10. √ ISAISIP
B. Gawain 7: Dugtungan Mo!
1. C Iba-iba ang sagot
2. A
3. D
4. A PAGYAMANIN
5. D
Gawain 5: Kaisipan Mo’y Mahalaga
C. Iba-iba ang sagot
1. D
2. C Gawain 6: Tukuyin Mo
3. B 1. Simile
4. A 2. Metapora
5. B 3. Hyperbole
4. Personipikasyon
D. 5. Simile
1. E 6. Apostrophe
2. C 7. Hyperbole
3. D 8. Apostrophe
4. B 9. Personipikasyon
5. A 10. Personipikasyon
BALIKAN
TUKLASIN
Gawain 1: Awitin Natin!
Gawain 2: Paglinang ng Talasalitaan Iba-iba ang sagot
1. B
2. A
3. C
4. E PAUNANG PAGTATAYA
5. D
A. B. C.
Gawain 3: Pag-unawa sa Akda 1. C 1. B 1. Metapora
Iba-iba ang sagot 2. A 2. C 2. Apostrophe
3. D 3. B 3. Hyperbole
Gawain 4: Sagutin Mo 4. B 4. B 4. Simile
Iba-iba ang sagot 5. D 5. C 5. Personipikasyon
Susi sa Pagwawasto
10
Filipino
Ikalawang Markahan- Modyul 4:
Maikling Kuwento mula sa
United States of America
(Panitikang Kanluranin)

CO_Q2_Filipino 10_Module 4
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan– Modyul 4: Maikling Kuwento mula sa USA (Panitikan Kanluranin)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha
ang pahintulot sa paggamit ng mga materyal. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Kimberly S. Estoque


Editor: Luisito V. Libatique Alvin D. Mangaoang
Tagasuri: Arabella May Z. Soniega Virgilio C. Boado
Gina A. Amoyen Editha T. Giron
Eric Carino
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Alvin D. Mangaoang
Tagapamahala: Tolentino G. Aquino Atty. Donato D. Balderas Jr.
Arlene A. Niro German E. Flora
Gina A. Amoyen Virgilio C. Boado
Editha T. Giron Alejo R. De Sesto

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region I


Office Address: Flores St., Catbangen, City of San Fernando, La Union
Telefax: (072) 682-2324; (072) 607-8137
E-mail Address: region1@deped.gov.ph
Alamin

Kumusta ka na? Handa ka na bang ipagpatuloy ang iyong pagkatuto. Sana


kung gaano ka nasabik sa nakaraang aralin ay ganoon pa rin ang iyong
pagkasabik sa susunod na tatalakaying aralin. Kung handa ka na ay simulan mo
na ang malalim na pag-unawa sa aralin tungkol sa isang maikling kuwento.
Ang Modyul 4 ay naglalaman ng isang maikling kuwentong mula sa
bansang United States of America na pinamagatang “Ang Aginaldo ng mga Mago”
na isang obra ni William Sidney Porter o mas kilala sa sagisag na O. Henry at
isinalin sa Filipino ni Rufino Alejandro sa Pete’s Tavern sa Irving Place sa New York
City, USA. Nailathala ito noong 1906 sa The New York Sunday World. Itinuturing
ito ni O. Henry bilang isa sa mga pinakamahal na maikling kuwentong may hindi
inaasahang pagwawakas.
Sa tulong ng mga gawain sa modyul na ito, mahahasa ang iyong kasanayan
sa pagsusuri sa kahalagahan ng diyalogo sa akda at mapalalawak ang iyong
kakayahan sa pagtatala ng mga salitang magkakatulad at magkakaugnay ang
kahulugan at kasanayan sa paghihinuha at paghuhula sa kinalabasan ng
pangyayari sa isang akda.
Bilang pangwakas na gawain, inaasahang naisasalaysay nang masining at
may damdamin ang isinulat na maikling kuwento.
Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga
sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)


1. Nasusuri sa diyalogo ng mga tauhan ang kasiningan ng may akda. (F10PN-
IIe-73)
2. Naitatala ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay sa kahulugan.
(F10PT-IIe-73)
3. Nahihinuha sa mga bahaging napanood ang pakikipag-ugnayang
pandaigdig. (F10PD-IIe-71)
4. Naisasalaysay nang masining at may damdamin ang isinulat na maikling
kuwento. (F10PS-IIe-75)

Handa ka na bang magsimula? Tara, simulan na natin ang paglalakbay sa


America at tuklasin ang kultura ng bansang ito sa pamamagitan ng kanilang akda!

1 CO_Q2_Filipino 10_Module 4
Subukin

Bago natin talakayin ang aralin, alamin mo muna ang lawak ng iyong
kaalaman kaugnay ng paksang ating tatalakayin. Subukin mong sagutin ang
paunang pagtataya.

PAUNANG PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Isulat sa sagutang
papel ang letra ng tamang sagot.

_____ 1. Isang akdang pampanitikan na naglalaman ng isang kuwentong may


mahalagang pangyayari at may iisang kakintalan lamang.
A. Alamat C. tula
B. Maikling Kuwento D. Dula

_____ 2. Ito ang nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa kuwento.


A. tema C. Kariktan
B. tauhan D. Tagpuan

_____ 3. Paano mo maipadarama ang iyong pagmamahal sa isang tao?


A. Pagsunod sa kaniyang mga gusto.
B. Pagbibigay ng mga materyal na bagay.
C. Pagsasakripisyo sa mga mahahalagang bagay para siya’y
mapasaya.
D.Ituon lahat ng oras sa kaniya.

_____ 4. Ang tawag sa isang uri ng kuwentong ang higit na binibigyang-halaga


o diin ay ang kilos o galaw, pananalita at pangungusap at kaisipan ng
isang tauhan.
A. Kuwentong bayan
B. Kuwento ng Katutubong kulay
C. Kuwentong pakikipagsapalaran
D. Kwento ng tauhan

_____ 5. Bakit mahalaga ang pagbibigayan sa kapwa?


A. Naipadarama ang pagmamahal.
B. Naipakikita ang pagkakaisa.
C. Naipararating ang kahalagahan ng pakikipagkapwa-tao
D. Lahat ng nabanggit

2 CO_Q2_Filipino 10_Module 4
B. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang talata sa loob ng kahon sa kabilang
pahina. Hanapin sa loob ng talata ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na
salita. Isulat sa sagutang papel.

Pangkaraniwan lamang ang mga isinusuot niyang damit dahil sa hindi


niya kayang magsuot ng magagara. Hindi siya maligaya. Sa pakiwari niya’y
alangan sa kaniya ang lalaking nakaisang-dibdib sapagkat sa mga babae ay
walang pagkakaiba-iba ng katayuan sa buhay. Ang ganda’t alindog ay sapat
na upang maging kapantay ng sinumang hamak na babae ang isang babaing
nagmula sa pinakadakilang angkan. Labis ang kaniyang pagdurusa at
paghihinagpis dahil may paniniwala siyang isinilang siya sa daigdig upang
magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay na maidudulot ng salapi. May
taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan.
Ipinaghihinagpis niya ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan, ang
nakaaawang anyo ng mga dingding, ang mga kurtinang sa paningin niya ay
napakapangit. Malimit na sa pagmamasid niya sa babaing Briton na siyang
gumaganap ng ilang abang pangangailangan niya sa buhay ay nakadarama
siya ng panghihinayang at napuputos ng lumbay ang kaniyang puso kapag
naiisip ang mga pangarap niya sa buhay na hindi yata magkakaroon ng
katuparan. tanyag na pinagmimithing makilala ng balana at makikisig na
ginoong pinananabikang karinggan ng papuri at pinaglulunggatian ng
kababaihan.
(Mula sa bahagi ng akdang Ang Kuwintas)

Mga salita Kasingkahulugan


Alindog
Nakaisang-dibdib
Lumbay
Pinaglulunggatian
Tanyag
Kaligayahan
Magara
Karukhaan
Pagmamasid
Panghihinayang

Mahusay! Natapos mo ang paunang pagtataya. Kung mababa naman ang


nakuha mong iskor, huwag kang mag-aalala sapagkat tutulungan kitang
matutuhan ang inihanda kong aralin. Tiyak, pagkatapos ng araling ito ay uunlad
pa ang iyong kaalaman. Tayo na’t magpatuloy.

3 CO_Q2_Filipino 10_Module 4
Aralin Maikling Kuwento mula sa
1 United States of America
Panitikan: Aginaldo ng mga Mago

Balikan

Sa nakaraang modyul, natalakay natin ang tungkol sa tula at ang tayutay.


Natalakay natin na ang tula ay isang akdang pampanitikang may
matatalinghagang pagpapahayag ng isipan at damdamin. Nalaman mo sa tulang
“Ang Aking Pag-ibig” ang paglalarawan ukol sa kagandahan, kariktan at
kadakilaan ng isang tao. Bilang pagbabalik-tanaw sa kasanayan sa nakaraang
modyul, inaasahang maisasagawa mo ang gawain gamit ang konsepto ng tayutay.
Kung handa ka na, magsimula ka na.

Gawain 1: Sigaw ng Puso Ko


Panuto: Gumuhit ng tatlong hugis puso sa iyong papel. Sumulat ng mga
paglalarawan sa taong labis mong minamahal. Gumamit ng iba’t ibang tayutay.

Mahusay! Matagumpay mong naisagawa ang unang gawain. Ipagpatuloy mo


pa ang kasunod na mga gawaing may kaugnayan sa ating aralin.

Gawain 2: Ipahayag Mo, Karanasan Mo


Panuto: Isa sa pinakamasayang bahagi sa buhay ng isang tao ang makatanggap at
makapagbigay ng aginaldo. Batay sa iyong sariling karanasan, dugtungan ang
bawat pahayag kasama ng mga larawan. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

Ang pinakamahalagang bagay na aking natanggap


ay
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________

Nagawa kong isakripisyo alang-alang sa taong


mahal ko ang aking
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________

4 CO_Q2_Filipino 10_Module 4
Batay sa iyong sariling karanasan magbigay ng sariling pananaw kaugnay
sa pahayag na ito.

“Mas Mabuting Magbigay Kaysa Tumanggap”

Sagot:__________________________________________________________

Napakahusay! Matagumpay mong nasagutan ang gawain.

Tuklasin

Ang tunay na pag-ibig ay pagpapakasakit. Masasalamin sa maikling


kuwentong ito na ang sinomang nagmamahal nang tapat ay handang ialay ang
sariling kaligayahan alang-alang sa taong minamahal.

Sa bahaging ito, basahin at unawain mo ang maikling kuwento mula sa


Amerika at alamin kung paano pinatunayan nina Jim at Della ang wagas na
pagpapakasakit para sa isa’t isa. Basahin mo ito nang may pag-unawa para higit
mong maunawaan kung paano maisasabuhay ang mahalagang tema o kaisipang
nakapaloob sa akda.

Alam mo bang…
Ang Aginaldo ng mga
Mago ay kaugnay ng
salaysay sa Bibliya hinggil
sa tatlong haring mago na
matatagpuan sa
Ebanghelyo ni Mateo
(Mateo 2: 1-12). Ang mga
mago na kinalaunang
tinutukoy sa mga
Kristiyano na tatlong hari,
tatlong mago at mga
pantas ang mga
indibidwal na dumalaw sa
batang Hesus noong
bagong silang pa lamang ito. Kanilang nakita ang bituin sa Silangan at tumungo sa
Belen upang sambahin ang sanggol na si Hesus. Bilang parangal, nag-alay ang mga
mago ng mga handog kay Hesus na ginto, kamanyang at mira. Ayon sa paniniwala,
sa kanila nagsimula ang kaugaliang pagbibigayan ng regalo lalo na sa pagsapit ng
Pasko.

5 CO_Q2_Filipino 10_Module 4
Aginaldo ng mga Mago
Maikling Kuwento – United States of America
Salin sa Filipino ni Rufino Alejandro

Piso at walampu’t pitong sentimos.


Iyan lang. At ang animnapung sentimos nito
ay barya. Makatatlong bilangin ni Della. Piso
at walumpu’t pitong sentimos. At
kinabukasan noon ay Pasko.

Talagang wala nang dapat gawin


kundi sumalagmak sa munting gusgusing
sopa at magpalahaw. Kaya’t iyon nga ang
ginawa ni Della. Tinapos ni Della ang
kaniyang pag-iyak at hinarap ang kaniyang
mga pisngi. Siya’y nagpulbos. Tumayo siya
sa tabi ng bintana at matamlay na
pinagmasdan ang isang abuhing pusang
nanunulay sa isang abuhing bakod sa
abuhing likod bahay. Kinabukasan noon ay
araw ng Pasko at ang pera niya’y wala kundi
piso at walumpu’t pitong sentimos lamang
para ipambili ng pang-aginaldo kay Jim, kaniyang asawa. Kung ilang buwan siyang
nagtabi ng pera at ito ang kaniyang natipon. Gaano ba naman ang itatagal ng kitang
dalawampung piso isang linggo! Naging malaki ang kaniyang mga gastos kaysa
kaniyang inaasahan. Laging gayon ang nangyayari. Piso at walumpu’t pitong sentimos
lamang na pambili ng aginaldo para kay Jim. Sa kaniyang Jim.

Maraming oras ang ginugol niya sa pag-iisip ng isang magandang pang-


aginaldo kay Jim. Isang pang-aginaldong maganda, pambihira at yari sa pilak – yaong
maaari nang sabihing karapat-dapat ariin ni Jim.

Kagyat siyang pumihit at nilisan ang bintana at humarap sa salamin.


Nagniningning ang kaniyang mga mata, datapwa’t dalawampung segundong nawalan
ng kulay ang kaniyang pisngi. Maliksi niyang inilugay nang puspusan ang kaniyang
buhok.

Ang mag-asawang James at Della Dillingham Young ay may dalawang ari-


ariang ipinagmamalaki nila nang labis. Ang isa’y gintong relos ni Jim na minana niya
sa kaniyang ama at sa ama ng kaniyang ama. Ang isa pa ay ang buhok ni Della.

At ngayo’y nakalugay ang magandang buhok ni Della, aalon-alon at kumikislap


na parang buhos ng kayumangging tubig sa isang talon. Abot hanggang sa ibaba ng
kaniyang tuhod at mistulang pananamit na niya. At pagkatapos ay maliksing pinusod
niyang muli na nangangatog pa ang kaniyang mga kamay. Minsan siyang natigilan
samantalang dalawang patak na luha ang tumulo sa gasgas na pulang karpet sa
sahig.

Isinuot ang kaniyang lumang dyaket na kulay kape at isinuot ang kaniyang
lumang sombrerong kulay-kape rin. Umalembong ang kaniyang saya at nagkikinang
ang kaniyang mga mata nang siya’y humagibis na papalabas sa pintuan, manaog at
lumabas sa lansangan.

6 CO_Q2_Filipino 10_Module 4
Sa tapat ng hinintuan niya ay may karatulang ganito ang mababasa: “Madame
Sofronie”. Lahat ng Uri ng Kagamitang Yari sa Buhok.” Patakbong pumanhik si Della
sa unang hagdanan at saka huminto upang bigyang-panahon ang kaniyang
paghingal.

“Gusto ba ninyong bilhin ang aking buhok?” ang tanong ni Della.


“Bumibili ako ng buhok,” sabi ng Madame. “Alisin mo ‘yang sombrero mo’t nang
makita ko ang hitsura niyan.”

Ipinakita ni Della ang aalon-alon niyang buhok. “Beinte pesos,” ang wika ng
Madame, habang iniaangat ng sanay na kamay ang makapal na buhok.

“Bayaran n’yo ako agad,” ang wika ni Della. O, at ang sumunod na dalawang
oras ay masayang nagdaan. Hindi pala. Sa loob ng dalawang oras na sumunod ay
walang ginawa si Della kundi ang halughugin ang mga tindahan sa paghahanap ng
maipang-aaginaldo kay Jim.

Sa wakas ay nakakita siya. Talagang bagay na bagay kay Jim. Parang


ipinasadya. Walang ibang tindahang mayroon noon. Isang magandang kadenang
platino, na ang disenyo ay simpleng-simple ngunit nakaaakit. Sa tingin lamang ay
talagang makikilalang mamahalin. At sadyang karapat-dapat sa relos. Pagkakitang-
pagkakita niya sa kadenang iyon ay sumaksak agad sa loob niya ang bagay na iyon
kay Jim. Katulad na katulad nito – mahinhin at mahalaga. Dalawampu’t isang piso
ang ipinabayad nila roon sa kaniya at nagmamadali siyang umuwi, dala ang
dalawampu’t pitong sentimos na natitira. Kapag nakabit na ang kadenang iyon sa
kaniyang relos ay pihong madalas na titingnan ni Jim ang oras sa harap ng kaniyang
mga kaibigan. Bagaman sadyang maganda ang relos, palihim kung ito’y dukutin ni
Jim upang tingnan ang oras dahil sa lumang katad na nakakabit.

Nang dumating ng bahay si Della, minabuti niya ang gumawa ng kaunting pag-
iingat. Kinuha niya ang kaniyang pangulot at pinainit ang kalan at kinumpuni ang
kasiraang nilikha ng pag-ibig na pinalubha pa ng kagandahang loob. Nang alas-siyete
na’y handa na ang kape at ang pagpiprituhan ng karne. Si Jim ay hindi kailanman
ginagabi ng dating. Kinuyom ni Della ang kadena sa kaniyang palad at naupo sa
sulok ng mesang malapit sa pintong laging dinaraanan ni Jim. Narinig niya ang mga
yabag ni Jim sa unang hagdanan at siya’y namutlang sandali. Ugali na niya ang
magdasal nang kaunti patungkol sa mumunting bagay na nangyayari sa araw-araw at
ngayo’y bumulong siya ng ganito, “O Poong Diyos, marapatin Mo pong sabihin niya na
ako’y maganda pa rin.”

Bumukas ang pinto at pumasok si Jim at pagkatapos ay isinara uli iyon.


Parang nangayayat siya at ang mukha niya’y walang bakas ng kagalakan. Kawawa
naman! Dadalawampu’t dalawang taon lamang siya at nag-iintindi na dahil sa
kaniyang pamilya! Kailangan niya ang isang bagong damit na pang-ibabaw at wala pa
rin siyang guwantes.

Pumasok si Jim at walang katinag-tinag. Ang mga mata niya’y nakapako kay
Della at ang tingin niya’y nakapagpangilabot sa babae. Hindi naman galit, ni
pagtataka, ni pamimintas, ni hilakbot, ni ang alinman sa mga simbuyong
pinaghahandaan na ni Della. Basta’t nakatitig si Jim sa kaniya na ang mga mata’y
nagpapahayag ng isang damdaming hindi mahulaan.

7 CO_Q2_Filipino 10_Module 4
Maingat na bumaba si Della mula sa mesang kaniyang kinauupuan at lumapit
kay Jim. “Jim, mahal ko,” ang wika niya, “huwag mo sana akong masdan nang
paganiyan. Ipinaputol ko ang aking buhok at ipinagbili sapagkat hindi na ako
makatatagal pa hanggang sa isang Pasko kung hindi kita mabibigyan ng isang
aginaldo. Ito nama’y hahaba uli – huwag ka sanang magagalit na ha? Talagang
kinailangang gawin ko iyon. Malakas namang humaba ang aking buhok. Hala,
sabihin mong Maligayang Pasko, Jim at tayo’y magsaya. Hindi mo nalalaman kung
gaano kaganda ang aginaldong binili ko para sa iyo.”

“Pinutol mo ang iyong buhok?” ang tanong ni Jim na parang nahihirapang


magsalita.

“Ipinaputol ko at ipinagbili,” ang wika ni Della. “Hindi ba gusto mo rin ako


kahit na putol ang aking buhok?” Dinukot ni Jim ang isang balutan sa kaniyang
bulsa at inihagis sa mesa.

“Huwag ka sanang magkakamali tungkol sa akin, Della,” ang wika niya. “Sa
palagay ko’y walang makababawas sa aking pagkagusto sa aking giliw dahil lamang
sa buhok o sa pabango, o ano pa man. Datapwat kung bubuksan mo ang pakete ay
mauunawaan mo kung bakit ako nagkagayon noong bagong dating ako.”

Ang balutan ay pinunit ng mapuputi at magagandang daliri. At isang malakas


na tili ng galak at pagkatapos ay – isang hagulgol na sinasabayan ng pagdaloy ng
masaganang luha.

Pagkat ang dala ni Jim para sa kaniya ay mga suklay – isang huwego ng mga
suklay na malaon nang inaasam-asam ni Della mula nang ang mga iyon ay makita
niya sa isang bintana ng tindahan sa Broadway. Idinaiti niya ang mga yaon sa
kaniyang dibdib, at sa wakas ay naitaas niya ang kaniyang paninging hilam sa luha
at winika, “Mabilis humaba ang buhok ko, Jim.”

At si Della’y lumuksong animo’y isang pusang napaso, at ang sabi, “Oh! Oh!”
Hindi pa nakikita ni Jim ang magandang aginaldo sa kaniya. Iniabot iyon ni Della
sabay pagbubukas ng kaniyang palad. Ang mahalagang metal ay kinang na gaya ng
apoy ng kaniyang kaluluwa.

“Hindi ba maganda, Jim? Hinalughog ko ang buong bayan para lamang makita
ko iyan. Pihong matitingnan mo na ngayon ang oras kahit makasandaang beses
maghapon. Akin na ang relos mo. Tingnan ko lamang kung gaano kaganda kung
maikabit na ang kadena.

Sa halip na ibigay ang hinihingi, si Jim ay napahiga sa sopa at iniunan ang


kaniyang ulo sa kaniyang mga palad at saka ngumiti.

“Della, itabi muna natin ang ating mga pang-aginaldo at itago natin ng ilang
araw. Sayang na gamitin agad ngayon ang mga iyon. Ang relos ay ipinagbili ko para
maibili ng mga suklay para sa iyo. Mabuti pa’y prituhin mo na ang karne.”
----
Gaya ng alam na ninyo, ang mga mago ay mga taong marurunong –
napakarurunong – at sila ay nagdala ng mga alay sa sanggol sa sabsaban. Sila ang
may imbento ng pagbibigay ng mga aginaldo kung Pasko. Palibhasa’y marurunong,
pihong ang kanilang mga alay sa Sanggol ay may magagandang kahulugan, marahil
ay yaong maaaring ipakipagpalitan kung sakaling magkakapareho. At dito’y pinag-

8 CO_Q2_Filipino 10_Module 4
inutan kong isalaysay sa inyo ang simpleng kasaysayan ng dalawang taong nakatira
sa isang abang tahanan, na buong talinong nagsakripisyo para sa isa’t isa kahit na
mawala ang lalong mahalagang ari-ariang ipinagmamalaki ng kanilang tahanan.

Ngunit parang huling paalala sa marurunong ng ating kapanahunan, dapat


sabihin dito na sa lahat ng nagbigay ng aginaldo, ang dalawang ito ay siyang
pinakamarunong. Sa lahat ng nagbigay at tumanggap ng aginaldo, sila ang
pinakamarunong. Sila ang pinakamarunong sa lahat ng dako. Sila ang mga Mago.

Naibigan mo ba ang binasang maikling kuwento? Tiyak na


nanghinayang ka sa kinalabasan ng mga pangyayari. Batid kong
nakaramdam ka ng pagkalungkot sa sinapit ng dalawang marurunong na
mago sa kuwento. Magkagayonman, nais kong ipagpatuloy mo ang pagsagot
sa kasunod na gawain para mas mapalalim pa ang iyong pag-unawa sa
ating aralin.

Gawain 3: Paglinang ng Talasalitaan


Panuto: Gumawa ng katulad na kahon sa sagutang papel at sipiin ang mga
pangungusap. Piliin sa loob ng parihaba ang kahulugan ng mga salitang nagamit
sa pangungusap. Itala sa loob ng kahon ang kasingkahulugan nang mga salitang
may salungguhit.

Si Della ay Humagulgol ako Siya’y humagibis


sumalagpak sa habang na lumabas sa
narinig na balita. nanonood. pintuan.

Hindi ako Halughugin mo Walang katinag-


nahihiyang ang lumang tinag sa
umalembong sa kabinet. pagkakatayo ang
kanya. bata.

Lumandi kulabo Di kumikilos halungkatin


Simbuyo panlalabo lagablab halukayin
Humarurot tangis tumulin malakas na iyak
Napaupo Di umaayaw

9 CO_Q2_Filipino 10_Module 4
Gawain 4: Pagsusuri sa Tauhan
Panuto: Sagutin ang mga kasunod na tanong sa inyong sagutang papel.

1. Ilarawan ang mga katangian ng dalawang tauhan sa kuwento. Paano nila


ipinamalas ang masidhing pagmamahal sa isa’t isa?
2. Ano ang suliranin ng mga tauhan sa akda? Makatuwiran ba ang kanilang
naging pagpapasya para malutas ang kanilang suliranin? Ipaliwanag.
3. Ano ang makabuluhang kahulugan ng pagbibigayan ng regalo sa Pasko ang
ipinakita nina Jim at Della? Patunayan.
4. Kung ikaw ang isa sa tauhan sa akda, maisasakripisyo mo ba ang
pinakamahalagang bagay sa iyo mapasaya mo lamang ang taong minamahal
mo? Bakit?
5. Ano ang mahalagang mensahe/aral ang naipabatid sa iyo ng akda? Magtala
ng halimbawa kung paano mo ito isasabuhay.
6. Mula sa mga diyalogo ng mga tauhan sa binasang akda, paano mo
mailalarawan ang katangian ng bawat isa?

Gawain 5: Pagsusuri sa Akda


Panuto: Sagutin ang mga kasunod na tanong sa inyong sagutang papel.

1. Sipiin ang ilang diyalogo sa akda na nagpakita ng masining na


pagpapahayag. Nakatulong ba ito sa pagiging masining ng akda? Patunayan.
2. Bakit pinamagatang Aginaldo ng mga Mago ang akda?
3. Anong panahon kaya nangyari ang kuwento? Patunayan ang sagot sa
pagtukoy ng mga bahaging katatagpuan nito.
4. Anong uri ng tunggalian ang nilikha ng may-akda sa kuwento?
5. Naging mapanghamon ba ang wakas ng kuwento? Patunayan.

Sa maikling kuwentong “Aginaldo ng mga Mago,” ipinamalas ng mga tauhan


ang pagsasakripisyo ng mga mahahalagang bagay alang-alang sa ikasisiya ng
taong pinakamamahal.

Gawain 6: Turo Mo! Gabay Ko!


Panuto: Batay sa mga pangyayari sa kuwento, ilahad ang mga mabubuting
katangian ng bawat isa at mga makatotohanang pangyayari na maaari mong
maisabuhay.

________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________

10 CO_Q2_Filipino 10_Module 4
Binabati kitang muli sa lumalawak mong kaalaman at pag-unawa sa ating
aralin! Magpatuloy ka lang.

Basahin at unawain mo ang elemento ng maikling kuwento at ang pagbuo


ng mabuting katauhan ng isang karakter upang iyong matuklasan kung paano ito
sa kasiningan ng isang akda.

Suriin

Bakit mahalaga ang tauhan sa kuwento? Ang ganda at bisa ng isang akda ay
nakasalalay sa paglalarawan at pagbibigay- buhay sa mga karakter na nilikha ng
manunulat.
Ang tauhan ay isang elemento ng maikling kuwento na nagbibigay buhay o
nagpapagalaw sa kuwento at gumaganap sa mga pangyayari.

Alam mo bang…
Maikling Kuwento ng Tauhan ang tawag sa isang uri ng kuwentong ang higit na
binibigyang-halaga o diin ay ang kilos o galaw, ang pananalita at pangungusap at
kaisipan ng isang tauhan.
 Naglalarawan ito ng iisang kakintalan sa taong inilalarawan o pinapaksa.
 Kumakatawan siya sa kabuoan ng kuwento sa pamamagitan ng anomang
nangingibabaw na idea o ng mga kabuluhan sa kuwento.
 Nangingibabaw rito ang isang masusing pag-aaral at paglalarawan sa tunay
na pagkatao ng tauhan sa katha.
 Maraming paraan ang ginagamit ng may-akda sa paglalarawan ng buong
pagkatao ng tauhan. Nasasalig ito sa kaniyang panloob na anyo – ang isipan,
mithiin, damdamin at gayon din sa kaniyang panlabas na anyo pagkilos at
pananalita.
 Nakatutulong din sa pagpapalitan ng katauhan ang mga pag-uusap ng ibang
tauhan sa kuwento tungkol sa kaniya. Ngunit sa pamamagitan na rin ng
tauhan nagkakaroon ng pinakambisang paglalarawan ng katauhan at
naipakikita ito sa kaniyang reaksyon o saloobin sa isang tiyak na pangyayari.

Pagbuo ng Mabuting Katauhan ng Karakter


1. Umpisahan sa pagbuo ng isang payak na profayl – pangalan, edad,
kasarian at trabaho. Ang mga nabanggit ay makaaapekto sa iyong karakter.
a. Pisikal na Profayl – ito ang pisikal na katangian at kaanyuan
b. Sikolohikal na Profayl – tumutukoy ito sa kung paano siya mag-isip, ano
ang laman ng pag iisip, pandama, dumama at iba pa.
c. Sosyal na Profayl – ito ang katayuan niya sa lipunan: anong papel bilang
indibidwal ang ginagampanan niya sa lipunan.
2. Pumili ng isang magandang pangalan. Ang pangalan ay dapat ding
isaalang-alang dahil kailangang bumagay ang kanyang pangalan sa kanyang
personalidad.

11 CO_Q2_Filipino 10_Module 4
3. Bumuo ng background ng karakter. Ano ang kanyang layunin sa
paggawa ng mga bagay-bagay. Ang kapaligiran at ang mga pangyayari ay
nakatutulong sa paghubog ng personalidad ng isang tao.
4. Gumawa ng isang mas maunlad na personalidad. Paano nakaaapekto
ang kanyang background sa kanyang personalidad? Nawalan ba siya ng
mahal sa buhay kaya may ganoon siyang pag-uugali?
5. Ilagay ang karakter sa isang banghay. Mag-isip ng simula at wakas ng
isang kuwento. Gumawa pa ng mas maraming karakter upang higit na
mahubog ang personaldad ng iyong karakter.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Maikling Kuwento


1. Mag-isip ng kawili-wili at kapana-panabik na pamagat ng kuwento.
2. Gawing kawili-wili ang mga unang pangungusap ng kuwento. Laging
magsimula sa aksiyon.
3. Linangin at paunlarin ang karakterisasyon. Isa-alang ang mga gabay sa
mabuting pagbuo ng katauhan ng karakter. Ipakilala sila sa iyong kuwento
sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahahalagang detalye tungkol sa kanila.
4. Sumulat ng makabuluhang usapan / diyalogo. Bigyan ng sariling talata ang
bawat nagsasalita. Huwag nang ipaliwanag ang ilang detalye upang sa gayon
ay mahamon mo ang mambabasa na makapagbigay ng sariling hinuha sa
kuwento.
5. Pumili ng angkop na pananaw.
6. Gumamit ng angkop na tagpuan at konteksto. Maglagay ng malinaw na
detalye sa tagpuan.
7. Isaayos ang banghay o mga pangyayari sa kuwento. Piliin ang eksenang
tiyak na magiging kapana-panabik sa mambabasa. Lumikha ng tunggalian
at tensiyon.
8. Linangin ang Krisis o Kasukdulan. Sikaping ang kasukdulan ay magaganap
sa tamang sandali.
9. Humanap ng kalutasan sa suliranin at gawing kawili-wili rin ang wakas.

Nasundan mo ba ang mga elemento at mga dapat tandaan sa pagsulat ng


isang maikling kuwento? Kung oo, mahusay ka. Napuno na ng impormasyon ang
iyong kaisipan. Upang mailapat ang napag-aralan mo, isagawa mo na ang kasunod
na gawain.

Gawain 7: Diyalogo Ko… Suriin Mo Ito…


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang naging usapan ni Jim at Della.
Batay sa kanilang diyalogo suriin ang kasiningan ng akda. Gayahin ang
grapikong representasyon sa sagutang papel.
“Hindi ba maganda, Jim? Hinalughog ko ang buong bayan para lamang
makita ko iyan. Pihong matitingnan mo na ngayon ang oras kahit makasandaang
beses maghapon. Akin na ang relos mo. Tingnan ko lamang kung gaano kaganda
kung maikabit na ang kadena.
Sa halip na ibigay ang hinihingi, si Jim ay napahiga sa sopa at iniunan
ang kaniyang ulo sa kaniyang mga palad at saka ngumiti.
“Della, itabi muna natin ang ating mga pang-aginaldo at itago natin ng
ilang araw. Sayang na gamitin agad ngayon ang mga iyon. Ang relos ay ipinagbili
ko para maibili ng mga suklay para sa iyo. Mabuti pa’y prituhin mo na ang
karne.”

12 CO_Q2_Filipino 10_Module 4
Suriin ang ugali, Ano ang bisang taglay
kilos, paraan ng ng Maikling Kuwento.
pagsasalita at (Damdamin, Kaisipan
kagandahang at Kaasalan)
asal ng tauhan

Tungkulin na Kaugnayan nito sa


ginampanan ng kamalayang
mga tauhan
panlipunan

Pagyamanin

Alam mo bang…
Paghihinuha (interferencing)
 Ang tawag sa pahayag ng mga inaakalang mangyayari batay sa sitwasyon o
kondisyon.
 Ito’y ang pag-intindi ng mga bagay mula s pahiwatig o mga ebidensya/ clue
nito. Halimbawa sa isang kuwento o napanood, aalamin mo ang wakas ayon
sa mga pangyayari. Sa tulong din ng pag-unawa sa pamagat ng kuwento o
napanood magkakaroon ng hinuha batay sa iyong sariling karanasan, sa
mga nangyayari sa paligid at sa mga ebidensya na nakalap. Halimbawa: Ang
Kuwintas mula sa kanyang pamagat makapagbibigay ka na ng iyong hinuha
sa paksa o tema ng babasahin o panonooring video.
 Maaari rin makatulong sa paghihinuha ang dating kaalaman, katangian o
anyo ng materyal at iba pang elemento.
 Mahalaga ang pagkakaroon ng malawak na talasalitaan, kakayahang
magpakahulugan sa mga pahayag at katalasan ng isip sa mga pahiwatig.
 Kung ang bawat pahiwatig at implikasyong ibinigay ay uunawaing mabuti at
buhat dito ay makakayanang bumuo ng isang makabuluhang hinuha,
ganap ang naging pag-unawa niya sa nabasa.
 Sa hinuhang ito, makabubuo ng prediksyon o paghuhula.
 Sa pagbuo ng hinuha maaring gamitin ang mga pantulong na gawain sa
paghihinuha tulad ng mga sumusunod:
1. Paghihinuha sa pansuportang detalye
2. Paghihinuha sa pangunahing ideya
3. Paghihinuha sa pagkakasunod-sunod
4. Paghihinuha sa paghahambing
5. Paghihinuha sa sanhi at bunga
6. Paghihinuha sa katangian ng tauhan
7. Paghihinuha sa kalalabasan

13 CO_Q2_Filipino 10_Module 4
Mga halimbawa ng mga salita o pahayag sa paghihihuha:
baka, tila, wari, marahil, siguro, yata, sa/ang tingin ko ay, hindi malayo, sa
palagay ko, sa aking sapantaha at iba pa

Mga Halimbawang Pangungusap:


Baka magbago ang isip niya kapag nabasa niyang muli ang panukala.
Sa pagdami ngayon ng kaso ng COVID-19, tila magtatagal pa ang ECQ.
Marahil totoo ang kanyang sinasabi tungkol sa Anti-Terrorism Bill.
Sa wari ko’y isang malaking pagkakamali kung hindi tayo susunod sa batas.
Siguro may bagyong darating dahil makulimlim ang kalangitan.
Hindi na yata, magbabalik pa sa normal ang lahat dahil sa pandemya.
Ang tingin ko ay tama lang ang kanyang desisyong magbagong-buhay.
Hindi malayong maging matagumpay si Juan dahil sa kanyang pagsisikap.
Sa palagay ko, kailangan nating magtulungan upang labanan ang sakit ng
lipunan.

Ang pagbibigay hinuha ay maaaring maging positibo o negatibo. Kaya’t


kailangang maging maingat sa pagpapahayag upang hindi makasakit sa damdamin
ng kapwa.

Sa bahaging ito, babasahin at uunawain mo ang akda at pagsikapan mong


sagutin ang mga kasunod na katanungan.

Maligayang Pasko
ni Eros S. Atalia

Pinatay na niya ang sauce. Luto na rin ang noodles ng spaghetti. Sinilip
niya ang oven. Paluto na ang lechon de leche. Nagniningning sa mantika ang
hamon, hotdog at bacon. Nasa gitna na ng mesa ang mansanas, ubas, kahel at
peras. Hiwa na rin ang keso de bola. Timplado na rin ang juice. Inilagay na niya
sa mesa ang morcon, lechon manok, embutido, paella at pinasingaw na sugpo.
Naglagay siya ng tatlong pinggan, baso, kutsara at tinidor sa mesa. Pati na rin
ang napkin.
Maya-maya, bitbit na niya ang isang supot. Sa loob nito ay may ilang
nakabalot na ulam. Lumabas na siya ng bahay. Tinahak na niya ang
nagniningning na lansangan. Habang naglalakad, sinilip niya ang laman ng
supot. May apat na balot. Hindi niya maaninag kung ano-ano ang laman ng
mga ito. Pero tamang-tama sa anim niyang anak at sa kanilang mag-asawa ang
bitbit na pabaong Noche Buena.
Bukas, araw ng Pasko, maaga siyang babalik upang maghugas ng
pinagkainan.
- Mula sa ‘Wag Lang ‘Di Makaraos (Atalia, 2011)

Gawain 8: Hinuha Ko!


Panuto: Mula sa nabasang akda, bumuo ng limang hinuha sa mga pangyayaring
naganap o nabanggit gamit ang mga pahayag sa paghihinuha. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

14 CO_Q2_Filipino 10_Module 4
Gawain 9: Napanood Ko! Hinuha Ko!
Panuto: Manood ng isang napapanahong balita o isyu na may kaugnayan sa mga
isyung pandaigdig. Gamitin ang mga pahayag sa paghihinuha. Gayahin ang
pormat sa sagutang papel.

NAPAPANAHONG
ISYU
___________________
___________________

Isaisip

Gawain 10: Repleksiyon Ko


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong at pahayag sa iyong sagutang
papel. Gumamit ng mga pahayag sa paghihinuha sa pagpapaliwanag.

1. Anong mahalagang ari-arian ang handa mong isakripisyo para sa


kaligayahan ng taong minamahal mo? Bakit?
2. Balikan ang mga pangyayaring isinalaysay sa akda. Tukuyin ang mga
makatotohanan at di-makatotohanang pangyayaring binanggit at magbigay
ng reaksiyon mo tungkol dito.
3. Paano mo isasabuhay ang mahalagang kaisipan na naipabatid sa iyo ng
akda?
4. Ano-ano ang mga makatotohanan at di-makatotohanang pangyayari ang
nabanggit sa akda na masasalamin sa kasalukuyan? Magbigay ng reaksiyon
dito.

15 CO_Q2_Filipino 10_Module 4
Isagawa

Maganda ang ipinakita mong kahusayan. Ngayon naman ay ating tayahin


ang iyong natutuhan sa araling ito. Kayang-kaya mong isagawa ang gawaing ito.

Gawain 11: GRASPS


Panuto: Panoorin ang COVID 19 PH: Pagtutulungan Para sa Frontliners sa link
na ito https://www.youtube.com/watch?v=VjXktfCbLP0 na isang napapanahong
isyu at tukuyin ang mga pakikipag-ugnayang pandaigdig. Para sa walang internet
gamitin ang mga napanood o napakinggang mga balita sa telebisyon at radio
tungkol sa COVID-19 na may kaugnayan sa pagbibigayan o pagtutulungan.

Ikaw ay susulat ng isang maikling kuwento tungkol sa iyong sariling


karanasan na may kaugnayan sa napanood o napakinggan na
Goal napapanahong isyung pandaigdig. Gumamit ng mga pahayag sa
paghihinuha. Isalaysay nang masining at may damdamin ang isinulat
na maikling kuwento.
Role Ikaw ay magiging manunulat / mananalaysay.
Audience Guro, mga kapwa mag-aaral.
Ipagpalagay na ikaw ay lalahok sa isang patimpalak ng pagsulat ng
Situation
salaysay na may paksang tungkol sa pagbibigayan ng aginaldo.
Product Salaysay tungkol sa sariling karanasan sa pagbibigay ng aginaldo.
A. Naaayon sa paksa………...………………………….….…… 40 puntos
B. Mahusay na nilalaman……....…….…………………...….. 20 puntos
C. Mabisang paggamit ng paghihinuha…………………...…..20 puntos
Standards
D. Mensahe sa mambabasa.….....………………..…………….10 puntos
E. Masining at may damdamin na pagsasalaysay………….10 puntos
Kabuoan.……….…..………………………..…...............….100 puntos

16 CO_Q2_Filipino 10_Module 4
Tayahin

Mahusay! Ako ay humahanga sa labis mong dedikasyon upang matapos ang


modyul na ito. Ngayon ay nasa huling bahagi na tayo ng modyul na ito. Ito ay isang
maikling pagsusulit lamang upang mataya ang iyong mga natutuhan hinggil sa
mga paksa o araling tinalakay sa modyul na ito.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na katanungan.
Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang suliranin ni Della sa kuwentong Aginaldo ng mga Mago?


A. Ang handa nila sa pasko.
B. Ibibigay na regalo sa asawa niyang si Jim.
C. Bibilhin na palamuti sa kanilang bahay sa pasko.
D. Ang kanilang ibibigay na regalo sa kanilang anak.

2. Bakit nabigla si Jim nang makita niya ang buhok ni Della?


A. Dahil ayaw niyang magpagupit si Della.
B. Binilhan niya ng suklay si Della bilang regalo.
C. Hindi akma kay Della ang kanyang bagong gupit.
D. Dahil gusto niya si Della kung mahaba ang kanyang buhok.

3. Ano ang damdamin ang nakapaloob sa diyalogo na ito, “Huwag mo sana


akong masdan nang ganyan, ipinaputol ko ang aking buhok at ipinagbili
sapagkat hindi na ako makatatagal pa hanggang sa isang pasko kung hindi
kita mabibigyan ng aginaldo”.
A. Pag-aalala B. Pagtataka C. Pagkainis D. Pagtatampo

4. Kanino inihalintulad ang mag-asawang Jim at Della?


A. Tatlong Hari B. Santa Claus C. Hesus D. mga bata

5. Sino ang ama ng maikling kuwento sa buong daigdig?


A. Edgar Allan Poe C. Deogracias Rosario
B. Severino Reyes D. Aesop

6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga panuntunan sa pagbuo


ng mabuting karakter?
A. Umpisahan sa pagbuo ng isang payak na profayl.
B. Ilagay ang karakter sa isang banghay.
C. Gumamit ng mga tayutay sa paglalarawan.
D. Gumawa ng isang mas maunlad na personalidad.

7. Isang proseso ng pagpapahiwatig o pagpapahayag batay sa sariling


kaalaman.
A. Pagpapaliwanag C. Paghihinuha
B. Pagtatanong D. Pagsasalaysay

17 CO_Q2_Filipino 10_Module 4
8. Batay sa mga nabasang akda ano ang mensaheng naipabatid sa iyo?
A. Ang pasko ay tungkol sa regalo
B. Dapat magbigay ng aginaldo tuwing pasko
C. Hindi lang sa mga bata ang pagdiriwang ng pasko
D. Hindi mahalaga ang material na bagay mapasaya mo lang ang taong
mahalaga at nagmamahal sa iyo.

9. Bakit ibinenta ni Della ang kanyang buhok?


A. Para makabili ng aginaldo para kay Jim
B. Ibibili ng handa para sa pasko
C. Mamasyal sila ng kanyang asawa
D. Bibili ng mga gamit sa kanilang bahay

10. Anong mahalagang yaman ang naipagbili ni Jim para makabili ng aginaldo
para kay Della?
A. mamahalin suklay C. relos
B. buhok D. kadena para sa relos

B. Panuto: Itala ang mga salitang magkakatulad o magkakaugnay ng kahulugan.

Pag-iyak pumanhik hilakbot umakyat


Ginugol kinuyom hikbi inilaan
Nakatikom sa palad takot

Muling pagbati sa’yo mahal na mag-aaral.


Marami ka na namang nalamang impormasyon
tungkol sa maikling kuwento mula sa USA
(Panitikang Kanluranin) at paghihinuha.
Nawa’y manatili sa iyong isipan ang mga aral
na ito. Ngayon, ihanda mo ang iyong sarili sa
panibago na naming aralin – Modyul 5 (Nobela
mula sa Cuba).

18 CO_Q2_Filipino 10_Module 4
CO_Q2_Filipino 10_Module 4 19
PAUNANG PAGTATAYA
A. B.
1. B 1. Alindog- Kagandahan 6. Kaligayahan- Kasiyahan
2. B 2. Nakaisang-dibdib- 7. Magara- Magarbo
3. C Napangasawa 8. Karukhaan- Kahirapan
3. Lumbay-kalungkutan 9. Pagmamasid-
4. D
4. Pinaglulunggatian- Kainggitan Pagsisiyasat
5. D 5. Tanyag- Kilala 10. Panghihinayang-
Pagsisisi
ARALIN 1 (Panitikan: Aginaldo ng mga Mago)
BALIKAN
Gawain 1: Sigaw ng Puso Ko! Iba-iba ang sagot.
Gawain 2: Ipahayag Mo, Karanasan Mo! Iba-iba ang sagot.
TUKLASIN
Gawain 3: Paglinang ng Talasalitaan
Sumalagmak (napaupo)
Humagulgol (malakas na iyak, tangis)
Humagibis (tumulin, humarurot)
Umalembong (lumandi)
Halughugin (halungkatin, halukayin)
Walang katinag-tinag (lumuklok)
Gawain 4: Pagsusuri sa Tauhan Iba-iba ang sagot.
Gawain 5: Pagsusuri sa Akda Iba-iba ang sagot.
SURIIN
Gawain 6: Turo Mo! Gabay Ko! Iba-iba ang sagot.
Gawain 7: Diyalogo Ko… Suriin Mo Ito… Iba-iba ang sagot.
PAGYAMANIN
Gawain 8: Hinuha Ko! Iba-iba ang sagot.
Gawain 9: Napanood Ko! Hinuha Ko! Iba-iba ang sagot
ISAISIP
Gawain 10: Repleksiyon Ko Iba-iba ang sagot.
ISAGAWA
Iba-iba ang sagot.
Gawain 11: GRASPS
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. B.
1. B 6. C Hilakbot- Takot
2. B 7. C Pag-iyak- Hikbi
3. A 8. D Ginugol- Inilaan
4. A 9. A Pumanhik- Umakyat
5. A 10.C Kinuyom- Nakatikom sa
palad
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Ambat, V.C., et.al (2015). Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal
Group, Inc. pa. 216-224.

Locano, D.G., Ipong M.L. at Royo, J.L (2015). Parola 10. Valenzuela City: JO-ES
Publishing House, Inc. pa. 20-21.

The Gift of Magi. Nahango noong Hunyo 11, 2020 mula sa


https://en.m.wikipedia.org/wiki/The_Gift_of_the_Magi#:~:texr=%22The%20
Gift%20the%20Magi%22%20is%20short%20story%20by,other%20with20%v
ery%20little%20money.

Maikling Kuwento. Nahango noong Hunyo 11, 2020 mula sa


https://slideshare.net/mobile/closet101mirasol/makling-kuwento-
64601944.

Elemento ng Maikling Kuwento. Nahango noong Hunyo 11, 2020 mula sa


https://philnews.ph/2019/07/19/elemento-ng-maikling-kwento-8-
elemento-kahulugan/.

Paghihinuha at paghuhula. Nahango noong Hunyo 11, 2020 mula sa


https://prezi.com/bfsp3339nnqr/paghihinuha-at-paghuhula-sa-
kalalabasan-ng-pangyayari.

Mga Pahayag sa Paghihinuha. Nahango noong Hunyo 11, 2020 mula sa


https://www.youtube.com/watch?v=btdBtBNoJt0&t=181s

COVID 19 PH: Pagtutulungan Para sa Frontliners. Nahango noong Hunyo 11, 2020
mula sa https://www.youtube.com/watch?v=VjXktfCbLP0

Aginaldo ng Mga Mago. Nahango noong Hunyo 11, 2020


http://www.youtube.com/watch?v=4dU3kGA2Bjs.

Atalia, Eros (2015). Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal Group,
Inc. pa. 143

Ang Kalupi. Nahango noong Nobyembre 05, 2020


http://siningngfilipino.blogspot.com/2013/07/ang-kalupi-maikling-
kuwento.html

20 CO_Q2_Filipino 10_Module 4
10
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Nobela mula sa Cuba
(Panitikang Kanluranin)

CO_Q2_FILIPINO10_MODULE5
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Nobela mula sa Cuba (Panitikang Kanluranin)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha
ang pahintulot sa paggamit ng materyal. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Imelda G. Gracias, Alvin D. Mangaoang
Editor: Luisito V. Libatique, Alvin D. Mangaoang
Tagasuri: Arabella May Z. Soniega, Virgilio C. Boado
Gina A. Amoyen, Editha T. Giron, Rowena R. Abad
Tagaguhit: Rodil R. Rimando
Tagalapat: Alvin D. Mangaoag, Jera Mae B. Cruzado
Tagapamahala: Tolentino G. Aquino
Donato D. Balderas Jr.
Arlene A. Niro
German E. Flora
Gina A. Amoyen
Virgilio C. Boado
Editha T. Giron
Alejo R. De Sesto

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon- Rehiyon I

Office Address: Flores St., Catbangen, City of San Fernando, La Union


Telefax: (072) 682-2324; (072) 607-8137
E-mail Address: region1@deped.gov.ph
Alamin

Mapagpalang araw muli sa iyo minamahal kong mag-aaral! Batid kong


sabik ka nang mag-aral at matutong muli. Kung gayon, ikaw ay maghanda
na sa mga susunod na araling ating pag-aaralan.

Ang Modyul 5 ay tatalakay sa isang Nobela mula sa Cuba. Bagaman


ito’y isinulat ng isang Amerikano, may napakahalagang gampanin naman ang
lugar kung saan ito naisulat dahil sesentro ito sa pamumuhay, paniniwala at
tradisyon ng mga taga-Cuba. Ang bansang Cuba ay matatagpuan sa Hilagang
bahagi ng Caribbean kung saan nagkakasalubong ang Dagat Caribbean,
Gulpo ng Mexico at Karagatang Atlantic. Binubuo ito ng mga isla at
kapuluang pinalilibutan ng Mexico (Yucatan Peninsula) sa Kanluran, Estado
ng Florida, USA at Bahamas sa Hilaga, Haiti sa Silangan at Jamaica at
Cayman Islands sa Timog.

Ang kultura ng mga taga-Cuba ay naimpluwensiyahan ng napaghalo-


halong mga kultura mula sa mga European, African at Amerindian. Sa kabila
ng pagkakaiba-iba, nangunguna pa rin sa puso nila ang pagkakaisa at
isinasabuhay ang payak na pamumuhay ng isang taga-isla.

Tatalakayin sa modyul na ito ang nobelang “Ang Matanda at ang


Dagat”, na isinulat sa Cuba ni Ernest Hemingway noong 1951 at inilabas
noong taong 1952. Ang nobelang ito ay isang produksiyong hango sa mga
naging karanasan ni Hemingway bilang isang awtor sa loob ng 16 na taon.
Nanalo siya ng Pulitzer Prize for Fiction (1953) at Nobel Prize in Literature
(1954).

Aalamin mo rin kung gaano kahalaga sa isang tao ang pagiging


matiyaga, mapagpunyagi at matatag sa mga pagsubok sa buhay. Matatalakay
din dito kung paano nagagamit ang angkop at mabisang mga pahayag sa
pagsasagawa ng suring-basa o panunuring pampanitikan.

Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga


sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)

1. Nasusuri ang nobela sa pananaw realismo o alinmang angkop na


pananaw / teoryang pampanitikan. (F10PB-IIf-77)
2. Naihahambing ang akda sa iba pang katulad na genre sa tiyak na mga
elemento nito. (F10PB-IIf-78)
3. Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita, kabilang ang mga
terminong ginagamit sa panunuring pampanitikan. (F10PT-IIf-74)

1
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE5
4. Nabubuo ang sariling wakas ng napanood na bahagi ng teleserye na
may paksang kaugnay ng binasa. (F10PD-IIf-72)
5. Nagagamit ang angkop at mabisang mga pahayag sa pagsasagawa ng
suring-basa o panunuring pampanitikan. (F10WG-IIf-69)
6. Nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon sa pananaliksik
tungkol sa mga teoryang pampanitikan. (F10EP-IIf-31)
7. Naisusulat ang suring basa ng nobelang nabasa o napanood.

Kaya, kung nakahanda ka na, tara na’t atin nang tawirin ang misteryo
ng Dagat Caribbean sa pamamagitan ng mga sumusunod na gawain at aralin.

Subukin

Bago tayo dumako sa ating talakayan tungkol sa nobela, magkakaroon


muna tayo ng paunang pagtataya upang malaman ang iyong dating kaalaman
hinggil sa paksang tatalakayin.

PAUNANG PAGTATAYA

A. Panuto: Basahing mabuti ang mga kasunod na katanungan. Piliin ang


letra ng pinakawastong sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

_____ 1. Ito ang tawag sa isang malalim na paghihimay sa mga akdang


pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog
ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa malikhaing katha
ng manunulat.
A. Nobela C. Panunuring Pampanitikan
B. Pananaliksik D. Parabula

_____ 2. Elemento ng nobela na nagbibigay buhay sa nobela.


A. Tema C. Banghay
B. Tauhan D. Tagpuan

_____ 3. Ito ang pagbibigay nang mas malalim na kahulugan sa tao, bagay
o pangyayari.
A. Tema C. Banghay
B. Tauhan D. Simbolismo

_____ 4. Anong uri ng tunggalian kung saan nagkakaroon ang tao ng


pakikipagtunggali sa kaniyang isipan.
A. Tao vs tao C. Tao vs sarili
B. Tao vs lipunan D. Tao vs kalikasan

2
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE5
_____ 5. Ang tawag natin sa pag-alam at pagsuri sa nilalaman at kaisipan
ng isang akda
A. Aksiyon Riserts C. Disertasyon
B. Pamanahong Papel D. Panunuri

B. Panuto: Basahing mabuti ang mga kasunod na katanungan. Piliin ang


letra ng pinakawastong sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

_____ 1. “Talagang mahusay ang pagkaganap ng bawat artista sa


pelikula.” Anong bahagi ng pananalita ang nasalungguhitan?
A. Pandiwa B.Pang-abay C.Pangatnig D. Pangngalan

_____ 2. “Totoo namang kakaunti ang kaniyang eksena ngunit nagpakita


pa rin siya ng kahusayan sa pagganap.” Anong ipinahihiwatig ng
nasalungguhitan?
A. Paghamak B. Paghanga C. Pagsang–ayon D. Pagtanggi

_____ 3. “Sadyang malakas ang nais sabihin ng pelikula tungkol sa


pakikipagkapwa.” Anong sinasaad ng salitang nakasalungguhit?
A. Paghamak B. Paghanga C. Pagsang–ayon D. Pagtanggi

_____ 4. “Hindi maganda ang visual effects na nagamit sa pelikula,


masyado itong madilim.” Anong ang sinasaad ng nakasalunggit
na salita?
A. Paghamak B. Pagkainis C. Pagsang–ayon D. Pagtanggi

_____ 5. “Tama ka sa iyong reaksiyon subalit pakinggan din natin ang


hinaing ng nakararami.” Anong bahagi ng pananalita ang
nakasalungguhit?
A. Pandiwa B. Pang-abay C. Pangatnig D. Pangngalan

Mahusay! Nagawa mo ang paunang pagtataya at malaman ang iyong


kaalaman hinggil sa ating mga mapag-aaralan. Huwag kang mag-alala kung
mababa man ang iskor na iyong nakuha. Pagkatapos ng araling ito ay tiyak
na mapauunlad mo pa iyan at marami kang matututuhan. Dagdagan mo lang
ang pagsisikap habang tayo’y nagpapatuloy.

3
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE5
Nobela mula sa Cuba
Aralin Panitikan: Ang Matanda at ang Dagat

1 Wika at Gramatika: Mga Pahayag na


Pagsang-ayon at Pagtanggi
sa Panunuring Pampanitikan

Balikan

Sa nakaraang modyul, natalakay natin ang iba’t ibang elemento at mga


dapat isaalang-alang sa pagsulat ng maikling kuwento at ang mga pahayag
sa paghihinuha ng kinalabasan ng mga pangyayari. Bilang pagbabalik-tanaw
sa kasanayan sa nakaraang modyul, inaasahang isasagawa mo ang gawain
gamit ang konsepto ng mga pahayag sa paghihinuha.

May kakilala ka bang mga taong nagsimula sa mahirap na buhay ngunit


ngayo’y naging matagumpay na? Tama ka, maraming mga Pilipino ang
matagumpay sa kanilang piniling propesyon tulad nina Manny Pacquiao,
Henry Sy, John Gokongwei at marami pang iba. Ano-ano sa palagay mo ang
taglay nilang katangian? Siguradong sila ay nagtiyaga, nagsumikap at may
pagpapahalaga sa buhay.

Ngayon naman, ano-ano ang mga nakikita mong kalagayan sa buhay/


makakamit na tagumpay sa iyong buhay sa loob ng sampung taon mula
ngayon?

Gawain 1: Hagdan ng Tagumpay

Panuto: Itala sa ibaba ang mga hinuha mo sa kung ano ka pagkalipas ng


sampung taon mula ngayon. Gamitin ang mga hudyat na pahayag sa
paghihinuha.
5
4
3
2
1

4
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE5
Mahusay! Inaasahan kong maisasagawa mo ang mga inilahad mong
paghihinuha. Nawa’y makamit mo ito.

Batid ko ring may nabasa ka ng nobela noong ikaw ay nasa ika-siyam


na baitang. Alamin natin ang iyong nalalaman kaugnay ng paksang iyong pag-
aaralan. Subukin mong gawin ang kasunod na gawain.

Gawain 2: Aking Kaalaman, Tayain!

Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa iyong sagutang papel.

NOBELA

Paano ito lumaganap Ihambing ang nobela


Ano ang nobela? sa iba pang akdang
sa kanluran?
pampanitikan

Magbabalik- aral tayo sa iyong napag -aralan noong ikaw ay nasa ika-
siyam na baitang.
Alam mo bang ang…

Nobela ay itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng


panitikang tuluyan? Binubuo ito ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga
kawing-kawing na pangyayari ng buhay ng mga tao na bukod sa
nagbibigay-aliw ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at
kamalayan ng mga mambabasa.

 Sa nobela, maraming pangyayari ang inilalahad samakatuwid isa itong


mahabang akda, samantalang sa maikling kuwento, iisang pangyayari
lamang ang inilalahad.
 Iisa ang balangkas ng nobela at maikling kuwento ngunit nagkakaiba
lamang ito sa nilalaman dahil ang mga pangyayaring isinasalaysay dito
ay may kaugnayan sa lipunang ginagalawan ng mamamayan at
naglalarawan ng kultura ng bawat bansang pinanggalingan nito.
 Ang nobela ay nagtataglay ng mas maraming mga tauhan samantalang
kakaunti sa maikling kuwento.
 Sa kabilang dako, nagkakapareho naman ang nobela at maikling
kuwento sa mga sumusunod na dahilan: (1) parehong salaysay na
tuluyan (prosa), (2) parehong nagtataglay ng tema, (3) parehong
nangangailangan ng kasudukan.

5
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE5
Elemento ng Nobela

1. Tauhan – tumutukoy ito sa nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa


nobela.
2. Tagpuan – tumutukoy ito sa lugar at panahon ng mga pinangyarihan.
3. Banghay – ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.
4. Pananaw – ito ay tumutukoy sa panauhang ginagamit ng may-akda.
a. Una – kapag kasali ang may-akda;
b. Pangalawa- ang may-akda ang nakikipag-usap;
c. Pangatlo- batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda.
5. Tema – ito ay ang paksang-diwang binibigyang-diin sa nobela.
6. Damdamin – ito ay nagbibigay-kulay sa mga pangyayari.
7. Pamamaraan – tumutukoy ito sa estilo ng manunulat/awtor.
8. Pananalita – tumutukoy sa diyalogong ginamit.
9. Simbolismo – ito ay tumututukoy sa pagbibigay nang mas malalim na
kahulugan sa tao, bagay, at pangyayari.

Katangiang Dapat Taglayin ng Nobela


 Naglalarawan ito ng iisang kakintalan sa taong inilalarawan o
pinapaksa.
 Maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan.
 Pagsaalang-alang sa kailangang kaasalan.
 Kawili-wili at pumupukaw ng damdamin.
 Pumupuna sa lahat ng larangan sa buhay at sa mga aspekto ng lipunan
tulad ng pamahalaan at relihiyon atbp.
 Malikhain at dapat may maguni-guning paglalahad.
 Nag-iiwan ng kakintalan.

Ang matagumpay mong pagsasagawa sa gawain ay nangangahulugang


nauunawaan mo ang nagdaang aralin at handang-handa ka na sa aralin sa
modyul na ito.

6
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE5
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Tuklasin

Sa bahaging ito ng modyul, tunghayan mo ang buod na bahagi ng


nobelang isinulat ni Ernest Hemingway. Ito ang kahuli-hulihang nobela na
nailimbag niya. Suriin ang mga elementong taglay nito. Nailahad ba nang tiyak
ang mga pangyayari sa nasabing nobela? Tuklasin sa bahaging ito ng nobela
kung ano ang pakikipagsapalarang pinagdaanan ng matandang si Santiago at
ng isang isdang marlin.

Ang Matanda at Ang Dagat


ni Ernest Hemingway
Ibinuod ni A.D. Mangaoang
Sa loob ng 84 araw, ang matandang mangingisdang si Santiago ay wala
pang huling isda. Dahil sa kaganapang ito, madalas siya ay napag-iisa. Sa
katunayan, mas kinilala siya sa katawagan bilang “salao”, ang pinakamalalang
kamalasan. Maliban dito, malas din siya sapagkat ang kaniyang kasa-kasamang
si Manolin (kaniyang sinasanay magmula pa noong 5 taong gulang) ay hindi na
pinapayagan ng kaniyang mga magulang upang maglayag kasama siya, bagkus
sumama na lamang daw siya sa mga matatagumpay na mangingisda.
Samantala, binibisita ng binata ang kubo ni Santiago gabi-gabi, kahit na
wala itong huli, tinutulungan niya itong hilain ang lambat, naghahanda ng
pagkain, pinag-uusapan ang tungkol sa American Baseball at ang kaniyang
paboritong manlalarong si Joe DiMaggio. Tinuran ni Santiago kay Manolin na sa
mga susunod na mga araw, siya ay maglalayag sa malayong bahagi ng dagat,
hilaga ng Cuba sa kipot ng Florida para mangisda, tiwala siyang ang kaniyang
kamalasan ay malapit nang magwakas.
Sa ika-85 na araw, bukang-liwayway pa lamang, lulan ng isang bangka ay
nagtungo na si Santiago para sa kaniyang tatlong araw na paglalayag sa
karagatan, ihinanda niya ang kaniyang mga kagamitan at sa katanghalian, may
nahuli ang kaniyang pamansing na nasisiguro niyang isang marlin. Subalit,
hindi niya mahila ang marlin, bagkus siya ang hinila nito dahil sa kalakihan.
Dalawang araw at gabi ang nagdaan ngunit hawak-hawak pa rin niya ang
bingwit. Kahit na nagkasugat-sugat siya sa hirap at sakit, nagpakita pa rin siya
ng kahabagan at pagpapahalaga sa kaniyang kalaban at itinuring pa niya ito
bilang kapatid. Nanindigan din siyang dahil sa dignidad na ipinakita ng isda,
walang sinoman ang karapat-dapat na kumain nito. Kahit pagod na pagod at tila
mahihibang na si Santiago, ginamit niya ang kaniyang nalalabing lakas upang

7
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE5
hilain ang isda sa bangka para makabalik na pauwi habang iniisip ang mataas
na halaga ng isda sa merkado at kung ilan ang mapakakain nito.
Sa kaniyang pagbalik,
inatake siya ng mga pating na
mako at nagsimulang magpaikot-
ikot sa bangka sa ikatlong araw.
Malaking bahagi ng isda ang
nalapa ng pating kaya nanlumo si
Santiago. Sa kabila nito,
nilabanan niya ang pating,
nagtiis siya ng hirap at pasakit
ngunit sa huli napatay niya ito
gamit ang kaniyang salapang, na
nawala niya sa pakikipaglaban.
Tumulo at humalo sa tubig
ang dugo mula sa nalapang
bahagi ng isda na siyang nang-
akit sa iba pang pating habang
siya ay naglalayag muli pabalik.
Dahil nga sa nawala niya ang
kaniyang salapang, lumikha siya
ng panibagong armas sa
pamamagitan ng pagtatali ng
kaniyang kutsilyo sa dulo ng sagwan upang mapaalis ang mga pating. Limang
pating ang kaniyang napatay at marami ang umalis papalayo. Ngunit patuloy
ang paglapit ng mga ito at sa magdamag, naubos na lahat-lahat ng mga pating
ang buong marlin, tanging ang mga kalansay na lamang nito ang natira, ang
gulogod, buntot at ulo.
Sa wakas, nakabalik na siya sa pampang bago magtakip-silim. Mag-isa
sa kadiliman, muli niyang tinignan ang repleksiyon ng kalansay ng marlin mula
sa ilaw-kalye at umuwi na sa kanilang dampa. Nang nasa bahay na siya, agad
siyang humiga sa papag at nakatulog nang mahimbing. Sa sumunod na araw,
nagtipon-tipon ang mga mangingisda sa paligid ng bangka na kung saan naroon
pa rin ang kalansay ng marlin. Sinukat ng isang mangingisda ang marlin at ito’y
may habang 18 pulgada (5.5 metro) mula ulo hanggang dulo ng buntot, na sa
kasalukuyan ito pa lamang ang pinakamalaking nahuli sa nayong ito. Sa
katunayan, napagkamalan pa ng mga turista sa kalapit na kapiterya na ito’y
pating.
Sa kabilang dako, dahil sa narinig ni Manolin ang tungkol sa kalansay ng
marlin lubos siyang nag-alala kay Santiago. Labis ang kaniyang pag-iyak nang
matagpuan niya itong ligtas at nakatulog lamang sa kaniyang dampa. Dagdag
pa’y naawa siya sa kalagayan at sugat ng matanda. Dahil dito, naupo si Manolin
sa tabi ng matanda hanggang sa magising ito. Nang nagising ang matanda,
binigyan niya ng pahayagan at kape at saka isinalaysay ang kaniyang pagtalo sa
marlin. Dahil dito, nangako si Manolin na magkakasama muli silang
mangingisda’t marami pa siyang ituturo sa kaniya. Nang makatulog muli,
napanaginipan ni Santiago ang kaniyang kabataan – nang makita niya ang mga
leon sa dalampasigan ng Africa.
Maaaring panoorin ang buod ng kuwento sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=y2KP40MhmHk

8
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE5
Sa iyong pagbabasa ay maaari kang makakita ng mga salitang bago sa
iyong pandinig o mga salitang mahirap unawain. Upang hindi mahirapan sa
mga salitang ito, narito ang isang gawain para sa pagpapalawak ng
talasalitaan.

Gawain 3: Paglinang ng Talasalitaan

Panuto: Bigyang kahulugan ang mga sumusunod na salitang may


salungguhit. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

1. Inihanda niya ang salapang bago siya pumuntang mangisda.


Kahulugan:
__________________________________________________________
2. Madalas nilalagyan ng uod ang pamansing.
Kahulugan:
__________________________________________________________
3. Laging nakararanas ng salao ang taong iyan.
Kahulugan:
__________________________________________________________
4. Nakabingwit siya ng marlin.
Kahulugan:
__________________________________________________________
5. Malaking bahagi ng isda ang nalapa ng pating kaya nanlumo si
Santiago Kahulugan:
___________________________________________________________
6. Kakaibang imahen ang nabuo sa isipan ng mambabasa
Kahulugan:
__________________________________________________________
7. Kapansin-pansin ang tunggaliang tao laban sa lipunan sa nobela.
Kahulugan:
________________________________________________________
8. Ang mga akdang iyan ay sumailalim sa panunuri.
Kahulugan: -
_________________________________________________________
9. Inatasan ng guro ang mga mag-aaral na gumawa ng suring-
pampelikula
Kahulugan:
_________________________________________________________
10. Madalas niyang gamitin ang teoryang realismo sa pagsulat ng akda.
Kahulugan:
________________________________________________________

9
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE5
Gawain 4: Pag-unawa sa Akda

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.

1. Mula sa nobela, gumawa ng maikling balangkas hinggil dito. Sundan


ang Graphic Organizer sa ibaba.

Wakas

Kakalasan

Kasukdulan

Tunggalian

Papataas na Pangyayari

Suliranin

Simula

2. Balikan ang tauhan sa nobelang binasa. Isa-isahin ang mga kilos o


gawi, paniniwala at saloobing taglay nito na maaaring gawing
huwaran tungo sa mabuting pamumuhay. Ihanay ang sagot sa
talahanayan sa ibaba.

Santiago Kilos o Gawi Saloobin o Paano gagawing


Paniniwala huwaran?

3. Ano-anong pakikipagsapalaran ang hinarap ni Santiago (ang matanda)


sa nobela? Isa-isahin ang mga ito, gayundin kung anong uri ng
tunggalian at ang naging bunga nito.

Pakikipagsapalaran Uri ng Tunggalian Bunga


ni Santiago

4. Ano-anong pagpapahalaga sa buhay ang pinanghahawakan ng tauhan?


Saan ito maaaring nagmula? Ipaliwanag ang mga sagot.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

5. Sa iyong palagay, bakit pinamagatang “Ang Matanda at ang Dagat” ang


nobela? Ano ang positibong epekto ang naidulot ng dagat kay Santiago?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

10
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE5
6. Ano-anong kalupitan at karahasan sa lipunan ang malinaw na
inilalarawan sa nobela? Nangyayari ba ito sa kasalukuyang sistema ng
ating lipunan?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Litaw na litaw sa nobelang “Ang Matanda at ang Dagat” ang pananaw


Realismo. Matapat na pagsasalamin ng realidad ang ginagawa ng panitikan
para higit nitong mapaunlad ang lipunan. Nakatuon ito sa nilalaman ng teksto
at ang matapat na paggagad sa lipunan. Inilarawan din dito ang karanasan
at lipunan na parang sa tunay na buhay. Ninanais na ilarawan ang ugali at
gawi ng tao at ng kaniyang kapaligiran na pareho ng kanilang pagkilos at anyo
sa buhay.

Dito napag-alaman mo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang


pananaw sa buhay. Maging handa at matapang sa pagharap sa mga
pagsubok na darating sa buhay. Ang tauhang si Santiago ay nagpakita ng
katapangan sa kabila ng kaniyang katandaan. Ipinakita rito ang
pakikipagtunggali niya sa kapaligiran maging ang kaniyang sarili. Sa kabila
ng pag-aalinlangan at ilang pagsisisi ay nakaya pa rin niyang magpatuloy sa
pangingisda.

Magpatuloy ka pa sa pag-aaral.

Suriin

 Ang pagbabasa at panonood ay bahagi na ng buhay mag-aaral.


Nalilibang sa pagbabasa ng mga akdang pampanitikan at panonood ng
mga pelikula at teleserye at napapaunlad ang mga kaalaman sa mga
makatotohanang pangyayari sa buhay.

 Sa modyul namang ito ay mabibigyang-pansin natin ang mga uri ng


panunuring pampanitikan gaya ng Suring -Basa, Suring-pampelikula
at Suring-pantelebisyon.

11
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE5
Alam mo bang…

Ang panunuri ay isang uri ng pagtalakay na nagbibigay-buhay at diwa


sa isang likhang sining. Hindi lamang ito nagsusuri o nagbibigay-kahulugan
kundi ito’y isang paraan ng pagsusuri sa kabuoan ng tao- ang kanyang anyo,
ugali, kilos, paraan ng pagsasalita at maging ang kanyang pakikipag-ugnayan
sa kaniyang kapwa at sa lipunang kinabibilangan niya.

Halimbawa sa panunuri ng maikling kuwento, dapat suriin ang mga


elementong taglay nito: tauhan, tagpuan, tunggalian, simbolo, pahiwatig,
magagandang kaisipan o pahayag at maging paraan kung paano ito
nagsimula at nagwakas. Samantala sa nobela karaniwan na inaalam ang mga
katangiang pampanitikang aspektong panlipunan, pampolitikal,
pangkabuhayan, at pangkultural na nakapaloob sa nobela at paggamit ng
angkop na teoryang gagamitin sa pagsusuri.

Ang panunuring pampanitikan ay tawag sa isang malalim na


paghihimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng
iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa malikhaing
katha ng manunulat.

Suring-Basa – ito ay isang anyo ng pagsusuri o rebyu ng binasang teksto


o akda tulad ng nobela, maikling kuwento, tula, sanaysay o iba pang
gawa/uri ng panitikan.

Suring-pampelikula – Ito ay isang pagsusuri o rebyu ng pinanood na


pelikula.

Suring-pantelebisyon – Ito ay isang pagsusuri o rebyu ng pinanood na


programang naisatelebisyon.

 Sa pagsusuri o rebyu, inaalam at sinusuri natin ang nilalaman at


kaisipan ng isang akda. Sa pagsasagawa nito, maaaring gamitin ang
dalawang paraan: Ang (1) patalatang pagsusuri at (2) pabalangkas na
pagsusuri gaya ng pormat na ito:

I. Panimula
 Pamagat
 May-akda
 Uri ng Pantikan
 Bansang Pinagmulan
 Layunin ng Akda

II. Pagsusuring Pangnilalaman


 Tema o Paksa ng akda
 Mga Tauhan sa Akda
 Tagpuan / Panahon
 Balangkas ng mga Pangyayari
 Kulturang Masasalamin sa Akda

12
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE5
III. Pagsusuring Pangkaisipan
 Mga Kaisipan / Ideang Taglay ng Akda / Mensahe
 Estilo ng Pagkakasulat ng Akda
o Bisa sa Isip – tumutukoy sa kung paano
naiimpluwensiyahan ang pag-iisip o utak.
o Bisa sa Damdamin – tumutukoy sa kung ano ang
nadama at paano natigatig ang emosyon ng
mambabasa.
o Bisa sa Kaasalan – tumutukoy sa kung anong pag-
uugali, asal o aral ang naikintal na impresyon sa
mambabasa.

IV. Buod
 Paalala: Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang akda. Ang
pagbanggit sa mahahalagang detalye ang bigyang-tuon.
V. Teoryang Pampanitikan
 Mahalaga ring masuri ang tiyak na teoryang pampanitikan na
lumutang sa nasabing akda. Sa teoryang ginamit, madalas
nakikita rin ang kahalagahan ng panitikan sa lipunan lalo na
kung ang teksto ay nasulat sa isang mahalagang panahon ng
kasaysayan.

Teoryang Pampanitikan ang tawag sa sistematikong pag-aaral at ang mga


paraan sa pag-aaral ng panitikan. Nakasalalay rito kung paano napahuhusay
ang pagtatalakay at napalalalim ang pagsusuri ng isang akda.

Mahalaga rin na masuri ang tiyak na teoryang pampanitikan na


lumutang sa nasabing akda.

1. Realismo – Matapat na pagsasalamin ng realidad ang ginagawa ng


panitikan para higit nitong mapaunlad ang lipunan. Layunin nitong
ipakita ang karanasan ng tao at lipunan sa isang katotohanang
pamamaraan. Itinatakwil nito ang ideal na paghuhulma at pananaw sa
buhay.
Halimbawa: Noli Me Tangere (Nagsasaad ng kaapihan ng mga Pilipino)

2. Humanismo – kung mas binigyang-diin ang tungkol sa pagiging


marangal ng tauhan. Layunin nitong ipakita na ang tao ang sentro ng
mundo at bibibigyang-tuon ang kalakasan, kakayahan at mabubuting
katangian ng tao.
Halimbawa: Kabanata 10: Ang Titser ni Liwayway Arseo (Banta ng
panganib.
3. Eksistensiyalismo – layuning ipakita na ang tao ay may kalayaang
pumili o magdesisyon para sa kapakanan ng marami. Ipinakikita at
mas lumutang sa teoryang ito na ang naganap sa buhay ng tauhan,
mga pangyayari ay bunga ng kaniyang sariling pagpili dahil naniniwala

13
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE5
siya na ang isang dahilan ng existence ng tao sa mundo ay hubugin
ang sarili niyang kapalaran.
Halimbawa: Ako ang Daigdig ni Alejandro G. Abadilla (Pagmamahal sa
Daigdig at Kalikasan nito)

4. Naturalismo -kung pinahahatid ng awtor sa pamamagitan ng mga


pangyayari sa buhay ng tauhan ang kapalaran ay bunga ng kultura at
heredity at hindi sa pamamamagitan ng kaniyang sariling pagpili.
Teoryang hindi naniniwala sa mga bagay na Supernatural. Layon nito
na ipakita na walang paghuhusga ang isang bahagi ng buhay.
Halimbawa: Tigre! Tigre ni Mochtar Lubis (Kulturang kinabibilangan ng
tauhan)

Basahin mo nang may pang-unawa ang isang halimbawa ng


panunuring pampanitikan.

Sa Mga Kuko ng Liwanag


(Isang Suring Basa)

Lumabas sa unang pagkakataon bilang isang serye sa mga pahina ng


Liwayway Magazine ang nobelang Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes.
Isinasalaysay nito ang buhay pakikipagsapalaran nina Julio at Ligaya na kapwa
galing probinsya. Kinakatawan nila ang libo-libong kapuspalad na
nakipagsapalaran sa Maynila.
Si Ligaya ang naunang nagbakasakali kasama ng isang matronang babae
na nagngangalang Mrs. Cruz na nangako sa kaniya ng isang simpleng trabaho na
may posibilidad na siya ay makapag-aral pa at makapagpadala ng kaunting tulong
sa naiwan niyang mga magulang at kapatid. Pagkalipas ng ilang panahon na hindi
nakapagpadala ng sulat si Ligaya sa kanyang mga magulang at pati na rin kay
Julio, naisip nito na sundan sa Maynila si Ligaya upang hanapin.
Sa paghahahanap ni Julio ay naharap siya sa realidad ng buhay sa
lungsod. Tulad ng ipinahihiwatig ng pamagat ng nobela, maaakit siya sa mga
magagandang liwanag ng Kamaynilaan.
Totoong may nilalaman ang pagkakasulat ng Sa Mga Kuko ng Liwanag. Ang
mga simbolong tulad ng gusali na unti-unting nagagawa mula sa mga sangkap o
materyales nito na bakal, graba at semento, na sa bandang huli ay magiging
mistulang panginoon pa ng mga kamay at katawang humugis dito. Ang alamat ng
esterong walang nagmalasakit na tandaan, na sa kaitiman ay maaaring
nagsisimbolo na rin mismo sa kaibuturan ng lungsod.
Tunay na nahuli ng nobela ang ingay at kalaswaan ng Maynila. Talagang
tugma ang pagsasalarawan nito sa mga lugar, pangyayari at tauhang
mapupuntahan, mararanasan at makikilala nina Julio at Ligaya. Ibinibigay nito
sa mambabasa ang isang makatotohanang buhay sa Lungsod ng mga Pangarap
at Kasawian.
Kung babasahin muli ang nobela, maiisip na maaari pa ring mangyari ang
kuwento nito sa kasalukuyang panahon. Baguhin lamang ang mga pangalan ng
kalye sa mga kasalukuyang pangalan nito, bigyan lang ng cellphone sina Mister
Balajadia at Misis Cruz, gawin lang mas moderno ang tindahan ni Ah Tek,
pasakayin lang kahit minsan si Julio sa LRT at iba pa. Sa tingin ko pa nga, kung

14
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE5
may makakaisip mang gawin muling pelikula ang librong ito, magiging swak pa
rin ito sa panlasa ng masa.
Kung lubog man sa dumi o alikabok ang Maynilang inilarawan sa nobela,
mayron pa ring liwanag o pag-asang nagpupumilit na umilaw dito. Ang mga
nakilala ni Julio na mabubuting tao, kapos man sila sa marteryal na mga bagay
at kahit hindi nila halos maitawid ang kanilang mga sarili sa pang-araw-araw
nilang pangangailangan, nagagawa pa rin nilang magbigay ng tulong at kabaitan
kay Julio.
Tunay na isang mabisa, walang kupas at makatotohanang salamin ng
lipunan ang nobela. Mabisa sapagkat hindi nito itinatago ang katotohanan,
bagkus ipinapakita nito sa mambabasa sa paraang hindi ito maaaring isantabi.
Sa makatotohanan nitong pagkakasulat, wala kang magagawa kundi harapin at
tanggapin ito.
Totoo na malungkot mang isipin, kuwento ito ng libo- libong Julio at
Ligayang ipinapadpad ng kapalaran mula sa kanilang tahimik ngunit
napakahirap na buhay sa probinsya patungo sa buhay na hindi nila akalain na
mas magiging mahirap pa.
Makatotohanan ito sapagkat hindi nito inihihiwalay ang sarili sa realidad
ng lipunang sinasalamin nito. Tinatalakay dito ang di-makatarungang sitwasyon
ng mga manggagawa, ang kaawa-awang kalagayan ng mga maralitang
tagalungsod, ang diskriminasyon ng ilang tao at ang bulok na sistema na
nagpapatakbo rito.
Ngunit higit sa lahat, ipinapakita ang pagkamakatotohanang ito sa
katauhan ni Julio at sa kung paano siya kumilos at tumugon sa mga nangyayari
sa kaniya. Hindi siya walang-kibong biktimang nagpapadala lamang sa kaniyang
kapalaran. Hindi siya ang taong tama at wasto lamang ang gagawin ano pa man
ang mangyari sa kaniya. Hindi si Ibarra si Julio na iniinda lamang ang mga
kasamaang idinudulot sa kaniya ng kaniyang mga kaaway. Ngunit hindi naman
siya si Simoun na naniniwalang kasamaan din ang dapat iganti sa kaniyang mga
kaaway. Sa huli, sabi nga ng may-akda, paano mo mamahalin ang isang tulad ni
Julio? Ano ang karapat-dapat na redemption niya sa bandang huli? At ano ang
kabuluhan at kahulugan ng kaniyang kinasapitan?
Maaaring hindi intensiyon ng nobela na sagutin ang mga huling tanong na
iyan. Maaaring inakala ng may-akda na sapat nang maging salamin ng realidad
ang kaniyang nobela. Ipinauubaya niya marahil sa atin ang paghahanap ng mga
sagot, ang pagbibigay ng kabuluhan at kahulugan sa nasabing realidad. Hindi
man nito tuwirang sinasabi, maaaring inaanyayahan nitong palawakin ng
mambabasa ang kaniyang kamalayan sa realidad na ito at harinawa, sabayan ng
pagkilos.

- Halaw sa Isang Suring Basa (Sa Mga Kuko ng Liwanag)


Ni Kevin Ventura, kinuha noong Nobyembre 12, 2014 mula sa
http://vjk112001.blogspot.com/2008/02/sa-mga-kuko-ng-liwanag-isangsuring.html

15
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE5
Gawain 5: Suriin Mo!

Panuto: Sagutin ang mga gabay na tanong:

1. Isa-isahin ang mga elementong taglay ng binasang suring- basa.


Isulat ito sa talahanayan. Gawin ito sa sagutang papel.

Mga Elementong Ginamit Patunay

2. Naging patas ba ang ginawang pagsusuri? Patunayan.


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________

3. Bakit mahalaga ang pagsusuri sa anomang uri ng panitikan?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________

Batid kong napakaraming mga impormasyon ang iyong napag-alaman.


Kaugnay nito, basahin mo at unawaing mabuti ang isang halimbawa ng
suring-pelikula na “Harry Potter and the Sorcerer’s Stone” at pagkatapos
sagutin ang kasunod na gawain.

Harry Potter and the Sorcerer’s Stone


Isang Suring-pampelikula
Ang Harry Potter and Sorcerer’s Stone (Philosopher’s Stone) ay unang libro
ni J.K. Rowling mula sa serye ng Harry Potter. Sinasabing ang nobelang ito ay
naghatid kay Rowling ng kasikatan bilang isang mahusay na manunulat sa
buong mundo. Isinapelikula ito noong 2001 na idinirek ni Chris Colombus at
ibinahagi ng Warner Bros. Pictures. Pinagbibidahan ito nina Daniel Radcliffe
bilang Harry Potter, Rupert Grin bilang Ron Weasley at Emma Watson bilang
Hermione Granger. Tinatayang umabot sa $980 milyon ang kinita nito na naging
worldwide box office hit at kinilala sa iba’t ibang award giving bodies tulad ng
Academy Awards.
Nagbukas sa isang pagdiriwang ang kuwento na kadalasang palihim dahil
sa mga nagdaang taon ay laging ginugulo ni Lord Voldemort. Bago ang gabing
iyon, natuklasan ni Voldemort na pinagtataguan ng tagong mag-anak ng Potter,
at pinatay si Lily at James Potter. Ngunit nang tinuro na niya ang kaniyang wand
sa sanggol nitong anak na si Harry, ang sumpang patayin ito ay bumalik sa
kaniya. Ang kaniyang katawan ay nasira at si Voldemort ay naging isang walang
kapangyarihang kaluluwa, naghahanap ng isang lugar sa mundo na walang
makaka-istorbo samantalang si Harry naman ay naiwang may marka ng kidlat
sa kaniyang noo, ang natatanging palatandaaan ng sumpa ni Voldemort. Ang
misteryosong pagkakatalo ni Voldemort kay Harry ay nagresulta sa
pagkakakilalang “ang batang nabuhay” sa mundo ng mga wizard.

16
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE5
Ang ulilang si Harry Potter ay sumunod na pinalaki ng kaniyang malupit,
at walang kapangyarihang kamag-anak, ang Dursleys, na walang pakialam sa
pinagmulan ng mahika at sa hinaharap ni Harry. Subalit, sa paparating na
ikalabing-isa niyang kaarawan, nagkaroon si Harry ng kaniyang unang kontak
sa daigdig ng mahika nang makatanggap siya ng sulat galing sa Hogwarts School
of Witchcraft and Wizardry, na kinuha naman ng kaniyang tiyo at tiya bago pa
man niya ito mabasa, sa kaniyang ikalabing-
isang kaarawan, sinabihan na siya ay isang
wizard at inaaanyayahang pumunta sa
Hogwarts. Sinabihan ni Hagrid na nagturo sa
kaniya kung paano gumamit ng mahika at
gumawa ng potions. Natutuhan din ni Harry na
malampasan ang panlipunan at emosyonal na
hadlang sa kaniya sa paglaban niya hanggang
sa kaniyang pagbibinata at pagharap sa
makapangyarihang si Voldemort.
Marami man ang nangyari kay Harry sa
simula, nalagpasan niya ito sa tulong ng
kaniyang mga kaibigang sina Ron at Hermione.
Katulong din niya si Professor Dumbledor na
laging nariyan na nagbibigay ng payo at paalala
sa kaniya.
Totoo naman na nakuha ng pelikulang ito
ang kiliti ng masa lalo na ang mga kabataan. Ang mga karakter na ginamit dito
ay nagpapaalala ng taong kilala na natin at sa mga taong dapat pa nating
kilalanin. Tulad sa batang mataba na laki sa layaw na si Dudley o kaya mala
‘boss’ at mapanghimasok ngunit may malambot na pusong si Hermione.
Malaking bilang rin ng mga batang nanonood ang makaka-relate kay Harry
partikular sa kaniyang inisyal na damdamin ng ganap na pagkakahiwalay at di-
kasali sa isang pamilya ngunit dumating ang panahon na dapat na niyang
iwanan ang naturang buhay niya upang pumunta sa lugar kung saan siya
kabilang at magiging ganap na masaya.
Sadyang nailarawan nang mabuti at detalyado ang Hogwarts bilang
kaakit-akit na lugar na hindi lamang puno ng salamangka at mahika na tunay
na katangiang pinapangarap na mapuntahan ng pangunahing tauhan. Iba’t
ibang pakikipagsapalaran ang dinaanan ni Harry kasama ang kaniyang
dalawang kaibigan (Ron at Hermione) sa lugar ng Hogwarts. Malakas ang nais
sabihin ng pelikula tungkol sa pakikipagkaibigang maipakita sa mahusay na
pagkakaganap ng mga artista. Mas lutang na lutang ang kahusayan ni Daniel
bilang si Harry na dumanas ng malaking hamon sa buhay.
Totoong magaling ang pagkakasulat ng iskrip. Ang kasaysayan nito ay
inilahad sa pamamagitan ng malalim na pananaliksik at pag-iisip. Buhay na
buhay ang pelikula kung saan nakatulong nang malaki ang kulay na
nakaangkop sa kapaligirang kinunan ng kamera bagaman hindi rin maiiwasan
ang pagkakaroon ng larawang kulang sa ilaw.
Sa kabuoan, ang pelikulang Harry Potter at Sorcerer’s Stone ay isang
napakagandang pelikula. Sa pamamagitan ng pelikulang ito, nakikilala natin ang
kultura ng ibang bansa at impluwensiyang nadala nito sa atin.

17
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE5
Gawain 6: Hambingan Na!

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong buhat sa binasang akda.


Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Batay sa iyong napag-aralan, ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng


nobela at pelikula?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________
2. Makikita ba sa bawat paksa ng nobela at pelikula ang tatak ng kultura
ng bansang pinagmulan nito?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________
3. Ano-anong elemento ng pelikula ang lumutang dito?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________
4. Bakit nanaisin ng mga tao na isapelikula ang nobela?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________
5. Kung ikaw ang may-akda, paano mo wawakasan ang nobelang ito?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________
Binabati kita sa masigasig mong pag-aaral sa mga panuntunan sa
panunuring pampanitikan at mga ginamit na teorya para rito. Sa bahaging ito,
malalaman mo kung paano ito ginamit ang angkop at mabisa ang mga
pahayag sa pasusuri ng akda.

Alam mo bang…

Sa pagbibigay ng tiyak na reaksiyon sa mga interaktibong pagpapahayag


ay karaniwang humahantong sa pagsang-ayon o pagtutol? Gayonpaman,
ang konsepto ng pagtutol o kawnter-asersiyon at pagsang-ayon o
konsesyon ay maaari ding mapagsama sa isang pangungusap gamit ang
Pang-abay. Maaari ding maipahayag ang argumento sa di-ganap na
pagsang-ayon o pagtutol sa tulong ng mga Pangatnig.

18
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE5
Mga Pahayag na Pagsang-ayon at Pagtanggi sa Panunuring
Pampanitikan

1. Pang-abay bilang Instrumento sa Pagbibigay Opinyon – Ito ay


bahagi ng pananalitang nagbibigay katuringan o naglalarawan sa pang-
uri, pandiwa o maging sa kapwa nito pang-abay. Ito ay may siyam na
uri: pamanahon, pamaraan, panlunan, pang-agam, pamitagan,
pampanukat, panulad, panang-ayon at pananggi. Ang pang-abay na
panang-ayon at pang-abay na pananggi ay nagsisilbi bilang
instrumento sa pagbibigay opinyon.
a. Pang-abay na Panang-ayon – nagsasaad ng pagsang-ayon
(Konsesyon) sa isang bagay o pangyayari.
Halimbawa: Oo, opo, tunay, totoo, sadya, talaga, sige, tiyak, walang
duda, sigurado, siyempre, siyanga atbp.
Oo, asahan mo ang aking tulong.
Talagang mabilis ang pag-unlad ng bayan.
Totoo namang kakaunti na ang puno sa kabundukan.
Sadyang malaki ang ipinagbago mo.

Ang mga salitang nakadiin na Oo, Talagang, Totoo, at Sadya ay


mga salitang nagsasaad ng pagsang-ayon o Konsesyon.
b. Pang-abay na Pananggi – nagsasaad ng pagtanggi o pagtutol
(Kawnter-asersiyon) sa kilos na ginawa, ginagawa o gagawin pa
lamang.
Halimbawa: Hindi/di, wala, ayaw, huwag
Hindi mabuti ang mag-aksaya ng panahon.
Huwag tularan ang mga taong lumalabag sa batas.
Walang maidudulot na mabuti ang pagbibisyo.
Ayaw niyang makinig sa mga payo ng pamahalaan.

Ang mga salitang nakadiin na Hindi, Huwag, Walang at Ayaw ay


mga salitang nagsasaad ng pagtanggi o pagtutol o Kawnter-
asersiyon.
2. Pangatnig sa Pagbibigay ng Opinyon – nag-uugnay ng mga
pangungusap at sugnay. Ang mga pangatnig na ngunit, subalit, pero ay
maaaring nagpapabatid ng pagsang-ayon ay panubali o pagtutol.
Halimbawa:
Totoong maganda siya pero nagpapakita naman siya ng
kagaspangan sa pag-uugali.
Talagang matalino siya ngunit mas matalino ang kaniyang kalaban.
Hindi man maganda ang tono ng kaniyang pananalita subalit
marami naman siyang nagawang pagbabago para sa bansa.
(Ang mga salitang nakadiin na pero, ngunit at subalit ay mga
pangatnig o pang -ugnay na nagsasaad din ng pagtutol).

19
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE5
Batid kong nauunawaan mo na ang paggamit ng angkop at mabisang
mga pahayag sa pagsasagawa ng suring-basa o panunuring pampanitikan.
Ngayon isasagawa ang susunod na gawain.
Gawain 7: Tukuyin Mo!

Panuto: Tukuyin ang mga pang-abay na panang -ayon o pananggi na ginamit


sa suring-pelikula na “Harry Potter and the Sorcerer’s Stone”. Isulat ito sa
sagutang papel.

1. Sadyang napakahusay na manunulat si J.K. Rowling.


2. Totoo namang nakuha ng pelikulang ito ang kiliti ng masa lalo na ang
kabataan.
3. Sadyang nailarawan nang mabuti at detalyado ang Hogwarts bilang
kaakit-akit na lugar.
4. Totoong magaling ang pagkakasulat ng iskrip.
5. Hindi rin maiiwasan ang pagkakaroon ng larawang kulang sa ilaw.

Gawain 8: Punain Mo!

Panuto: Balikan ang suring-basa sa nobelang Sa Mga Kuko ng Liwanag at


Suring -pelikula na “Harry Potter and the Sorcerer’s Stone”. Sumulat ng
pagpupuna gamit ang mga pahayag sa pagsang-ayon at pagsalungat.
Gayahin ang tsart sa iyong sagutang papel.

SURING-BASA
Sa Mga Kuko ng Liwanag
(Pamagat)

Panang-ayon Pananggi
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

SURING-PELIKULA
“Harry Potter and the Sorcerer’s Stone
(Pamagat)

Panang-ayon Pananggi
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

20
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE5
Pagyamanin

Gawain 9: Pananaw Ko, Ibabahagi Ko

Panuto: Sa tulong ng mga teoryang pampanitikan, Maglahad ng mga


pangyayaring makikita sa akdang “Ang Matanda at Ang Dagat” na
magpapatunay sa konsepto ng mga sumusunod na teoryang pampanitikan.
Gumamit ng mga salitang nagpapahayag ng pagsang-ayon o pagtanggi sa
pagpapaliwanag sa inyong sagutang papel.

Teorya Patunay
Realismo

Humanismo

Eksistensiyalismo

Naturalismo

Isaisip

Gawain 10: Naalala Ko!

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.

1. Paano nakatutulong ang panunuring pampanitikan sa paglinang ng


mga akda?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________

2. Paano nagiging mahalaga ang mga pahayag na pagsang-ayon at


pagtanggi sa Panunuring Pampanitikan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

21
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE5
Gawain 11: Wakasan Mo Na!

Panuto: Panoorin ang pelikulang “Through Night and Day”. Kung ikaw ang
may-akda, paano mo ito wawakasan? Sumulat ng maaaring maging wakas
ng pelikulang napanood. Gamitin ang mga sumusunod na gabay.

Upang makapagbigay ka ng angkop na wakas, dapat:


 Unawaing mabuti ang daloy at lohika ng pinanood na teleserye,
 Hanapin at itala ang mga mahahalagang detalyeng magagamit na
batayan ng gagawing wakas.
 Isaalang-alang ang kawilihan ng wakas upang ito’y pumukaw sa
mga babasa ng iyong pagsusuri.

Ang Pagtatapos ng “Through Night and Day”

Lalo akong nasisiyahan sa pagpupursiging iyong ipinakikita. Ito ay


isang patunay na kayang-kaya mo na. Ngunit huwag ka munang susuko.
Tingnan naman natin ang iyong kahusayan sa susunod na gawain.

22
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE5
Isagawa

Gawain 8: Isulat Mo!

Panuto: Batay sa kasalukuyang kinakaharap natin kaugnay ng pandemya,


sumulat ng tula na nagpapakita ng pag-ibig sa iyong kapwa. Gamitin mo
lahat ang mga natutuhan mo upang makabuo ka ng magandang.

Ikaw ay susulat ng sariling-likhang tulang liriko gamit ang mga


Goal
matatalinghagang pananalita.
Role Ikaw ay magiging manunulat at makata
Audience Guro, mga kapwa mag-aaral.
Batay sa kasalukuyang kinakaharap natin kaugnay ng
pandemya, a gagawa ka ng sariling likhang tula na may 2 – 3
Situation
saknong na may apat na taludtod sa bawat saknong. Gawin
itong malikhain.
Product Sariling-likhang Tulang Liriko
A. Malinaw na mensahe………………..….………………….… 10
puntos
B. Estruktura ng pagkakasulat……..……………………..….. 10
puntos
C. Malinaw na nagpapakita ng kariktan………….....…..….. 10
Standards puntos
D. Mabisang paggamit ng mga tayutay…………..…………...10
puntos
E. Dating……………….....……………………………………………10
puntos
Kabuoan.……….………………………………….……………....50
puntos

23
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE5
Tayahin

Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa bahaging ito. Tiyak


marami kang natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon,
ating tatayahin ang iyong kaalaman sa nakalipas na aralin.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

A. Panuto: Basahing mabuti ang mga kasunod na katanungan. Piliin ang


letra ng pinakawastong sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

_____ 1. Isang anyo ng pagsusuri o rebyu ng binasang teksto o akda tulad


ng nobela, maikling kuwento, tula, sanaysay o iba pang gawa /uri
ng panitikan.
A. Aksiyon Riserts C. Pamanahong Papel
B. Disertasyon D.Panunuring Pampanitikan

_____ 2. Ito’y isang akdang pampanitikang nagtataglay ng nakawiwiling


pangyayari at sumasalamin sa kultura ng isang lugar. Binubuo
ito ng iba’t ibang mga kabanata.
A. Dula C. Nobela
B. Maikling Kuwento D. Parabula

_____ 3. Anong katangian ang nangibabaw sa pangunahing tauhan


habang hinihila niya ang isda?
A. mabait B. mabuti C. matatag D. mapagpahalaga

_____ 4. Sa teoryang ito ipinakikita o mas lumulutang na ang naganap sa


buhay ng tauhan at mga pangyayari ay bunga ng kaniyang
sariling pagpili o pagpapasya.
A. Eksistensiyalismo C. Feminismo
B. Realismo D. Marxismo

_____ 5. “Pero hindi nilikha ang tao para magapi”, sabi niya “Maaaring
wasakin ang isang tao pero hindi siya magagapi”. Ang naturang
pahayag ay nangangahulugang:
A. May pagsubok mang dumating, lilipas din
B. Hindi dapat magpatalo sa hamon ng buhay
C. Kung may dilim, may liwanag ding masisilayan
D. Nilikha tayo para lumaban at hindi para masaktan lamang.

24
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE5
_____ 6. Alin sa mga sumusunod na katangian ang HINDI ipinakita ni
Santiago?
A. Hindi siya sumusuko sa buhay.
B. Sinukuan niya ang paghuli sa pating.
C. Matapang niyang hinarap ang hamon ng buhay.
D. Hindi siya naghihinakit sa mga taong naghuhusga sa kaniya.

_____ 7. Alin sa mga sumusunod na kalupitan ang naranasan ni


Santiago?
A. Ang diskriminasyon sa kanilang lipunan.
B. Ang kawalang hustisya sa mga nagkasala
C. Ang panggigipit ng mga otoridad sa mga biktima
D. Ang pagmamalupit ng mga makapangyarihan sa mahihirap

_____ 8. Lumitaw sa nobelang “Ang Matanda at ang Dagat” ang teoryang


ito sapagkat sinasalamin nito ang tunay na pangyayari sa
lipunan. Nakatuon ito sa nilalaman ng teksto at ang matapat
nitong paggagad sa lipunan.
A. Eksistensiyalismo C. Feminismo
B. Realismo D. Marxismo

_____ 9. Ito ay pag-alam sa nilalaman, kahalagahan at ang istilo ng awtor


o may-akda.
A. Panonood C. Pakikinig
B. Pagbasa D. Pagsusuri

_____ 10. Alin sa mga sumusunod na elemento ang makikita sa nobela na


wala sa maikling kuwento?
A. Tauhan C. May Kabanata
B. Tagpuan D. Tunggalian

B. Panuto: Punan ng angkop na pang-abay na panang-ayon o pananggi ang


mga pangungusap. Isulat ito sa sagutang papel.

1. ______ matapang na hinarap ni Santiago ang marlin.


2. ______ ipinakita ni Santiago ang katatagan niya sa pagharap ng mga
pagsubok.
3. _______ kailanman magtatagumpay ang isang tao kung wala siyang
pagsisikap.
4. Nagpakita siya ng kabutihang-asal ____ di pa rin siya pinapatawad.
5. _______ kanais-nais ang ipinakita niyang ugali.

25
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE5
Lubos na Mahusay! Ang galing mo! Binabati kita
sa matiyaga mong pakikibahagi sa pagtalakay sa
mga aralin. Alam kong nakapapagod maglakbay
ngunit sulit naman dahil matagumpay mong
nalaman ang Nobelang mula sa Cuba at ang mga
pahayag sa pangsang-ayon o pagtanggi sa
panunuring pampanitikan. Ihanda mo ang iyong
sarili sa kasunod na modyul – Modyul 6
(Talumpati mula sa Brazil).

26
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE5
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE5
27
A. B.
1. C 1. B
2. B 2. C
3. D 3. B
4. C 4. B
5. D 5. C
BALIKAN
Gawain 1: Hagdan ng Tagumpay
TUKLASIN
Gawain 2: Aking Kaalaman… Tayain
Gawain 3: Paglinang ng Talasalitaan
1. Ito ay uri ng sibat, tatlong matutulis sa dulo na ginagamit sa panghuhuli ng malalaking
uri ng isda.
2. Ito ay isang panghuli ng isda.
3. Nangangahulugan itong pinakamalalang kamalasan sa kanilang lugar.
4. Isang uri ng isdang may malaki at mahabang katawan at mayroong patusok na nguso at
palikpik.
5.Ito ay nangangahulugang nanghina.
6.Ito ay larawan na binubuo ng isang akdang pampanitikan.
7.Ito ay paglalaban ng dalawang panig na maaaring sa pagitan ng tao o kaisipan.
8.Ito ay pag-alam sa nilalaman, kahalagahan at ang istilo ng awtor o may-akda.
9.Ito ay isang pagsusuri o rebyu ng pinanood na pelikula.
10.
Matapat na pagsasalamin ng realidad ang ginagawa ng panitikan para higit nitong
mapaunlad ang lipunan.
Gawain 4: Pag-unawa sa Akda
Susi sa Pagwawasto
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE5
28
SURIIN
Gawain 5: Suriin Mo!
Gawain 6: Hambingan Na!
Gawain 7: Tukuyin Mo!
1. Sadyang – Panang-ayon
2. Totoo – Panang-ayon
3. Sadyang – Panang-ayon
4. Totoo/Tootoong – Panang-ayon
5. Hindi – Pananggi
Gawain 8: Punain Mo!
PAGYAMANIN
Gawain 9: Pananaw Ko, Ibabahagi Ko
ISAISIP
Gawain 10: Naalala Ko!
Gawain 11: Wakasan Mo Na!
ISAGAWA
Gawain 12: GRASPS
A. B.
1. D 1. Totoong / Talagang
2. C 6. B 2. Tunay na
3. C 7. A 3. Hindi
4. A 8. B 4. Ngunit
5. B 9. D 5. Hindi
10. C
Sanggunian
Ambat, V.C., et.al (2015). Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal
Group, Inc. pa. 158-173.

Cuba. Nahango noong Hunyo 13, 2020 mula sa


https://en.m.wikipedia.org/wiki/Cuba

Ang Nobela at mga Elemento Nito. Nahango noong Hunyo 13, 2020 mula sa
https://www.wikakids.com/filipino/ano-ang-nobela/

Mga Pananaw at Teoryang Pampantikan. Nahango noong Hunyo 13, 2020 mula sa
https://slideshare.net/mobile/JohnJarremPasol/mga-pananaw-at-teoryang-
pampanitikan

Teoryang Pampanitikan. Nahango noong Hunyo 13, 2020 mula sa


https://rosiefilipino10.weebly.com/teorya-ng-pampanitikan/html#/

Pang-abay na Panang-ayon, Pananggi at Pang-agam. Nahango noong Hunyo 13,


2020 mula sa https://samutsamot.com/2015/12/02/pang-abay-na-panang-ayon-
pananggi-at-pang-agam/

29
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE5
10
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Talumpati mula sa Brazil
(Panitikang Kanluranin)

CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Talumpati mula sa Brazil (Panitikang Kanluranin)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha
ang pahintulot sa paggamit ng materyal. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Justin Carlos G. Villanueva
Editor: Luisito V. Libatique, Alvin D. Mangaoang
Tagasuri: Arabella May Z. Soniega, Virgilio C. Boado
Gina A. Amoyen, Editha T. Giron, Edmundo Bisquera
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Alvin D. Mangaoag, Jera Mae B. Cruzado
Tagapamahala: Tolentino G. Aquino
Donato D. Balderas Jr.
Arlene A. Niro
German E. Flora
Gina A. Amoyen
Virgilio C. Boado
Editha T. Giron
Alejo R. De Sesto

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon- Rehiyon I

Office Address: Flores St., Catbangen, City of San Fernando, La Union


Telefax: (072) 682-2324; (072) 607-8137
E-mail Address: region1@deped.gov.ph
Alamin

Magandang araw mahal kong mag-aaral! Kamusta ka? Binabati kita sa


iyong pagpupursigi! Ako ay humahanga sa kagalingang ipinamalas mo sa
nagdaang modyul. Batid kong nais mo pang madagdagan ang iyong mga
kaalaman kung kaya naman sasamahan kita sa mga talakayan sa mga
susunod pang aralin.

Natuklasan mo sa Modyul 5 ang iba’t ibang mga impormasyon


patungkol sa nobela at iyong nabasa ang tampok na nobela ng bansang Cuba.
Bukod pa rito, ikaw ay nakagawa ng isang suring-basa at nalinang ang iyong
kakayahan sa pananaliksik at ang paggamit ng mga angkop at mabisang mga
pahayag.

Ang Modyul 6 ay tungkol sa sanaysay na binibigkas – ang talumpati at


iba pang anyo. Ang bansang Brazil ay matatagpuan sa Timog America at
kilala bilang panglima sa pinakamalawak na bansa sa buong daigdig at pang-
anim sa dami ng populasyon. Dahil sa lawak ng kalupaan nito, iba-iba rin
ang kultura na mayroon sa iba’t ibang bahagi ng bansang ito. Ang bansang
Brazil bagaman bahagi ng Suprakontinenteng America ay hindi Ingles ang
gamit na wika bagkus ang kanilang ginagamit na wika ay Portuges sa
kadahilanang noong 1500, ang bansang Brazil ay napasailalim sa Portugal.
Ang pangalan ng bansang Brazil ay hinango sa pulang dye na ang tawag ay
pau-brasil. Kilala ang bansang Brazil na mayaman sa produktong kape at dito
rin matatagpuan ang Amazon Forest at Amazon River.

Tampok din sa Modyul 6 ang talumpati ng kauna-unahang babaeng


pangulo ng bansang Brazil na si Dilma Rouseff. Ayon sa UNESCO, ang Brazil
ay kilala sa pagkakaroon ng diskriminasyon sa aspektong sosyal, ekonomiko
at kultural. Si Dilma Rouseff ay naihalal noong Enero 1, 2011 na tumapos sa
dalawampu’t isang diktaturyal sa kanilang bansa.

Malilinang sa modyul na ito ang iyong kakayahan sa pagsulat ng isang


talumpati at iba’t ibang anyo ng sanaysay (Talumpati o Editoryal). Matutukoy
mo rin ang kahalagahan ng balita at editoryal at kung papaano ito naiiba sa
talumpati. Bukod pa dito, matatalakay rin ang iba’t ibang pamamaraan sa
pagpapalawak ng pangungusap.

1
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
Sa araling ito malilinang ang mga Pinakamahalagang Kasanayang
Pampagkatuto (MELC) na:

1. Naiuugnay nang may panunuri sa sariling saloobin at damdamin ang


naririnig na balita, komentaryo, talumpati, at iba pa. (F10PN-IIg-h-69)
2. Naiuugnay ang mga argumentong nakuha sa mga artikulo sa
pahayagan, magasin, at iba pa sa nakasulat na akda. (F10PB-IIg-h-70)
3. Naibibigay ang sariling pananaw o opinyon batay sa binasang anyo ng
sanaysay (talumpati o editoryal). (F10PB-IIi-j-71)
4. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang di lantad ang kahulugan sa
tulong ng word association. (F10PT-IIg-h-69)
5. Nasusuri ang napanood na pagbabalita batay sa paksa, paraan ng
pagbabalita at iba pa. (F10PD-IIg-h-68)
6. Naipahahayag ang sariling kaalaman at opinyon tungkol sa isang paksa
sa isang talumpati. (F10PS-IIg-h-71)
7. Naisusulat ang isang talumpati tungkol sa isang kontrobersyal na isyu.
(F10PU-IIg-h-71)
8. Nasusuri ang kasanayan at kaisahan sa pagpapalawak ng
pangungusap. (F10WG-IIg-h-64)

Subukin

Bago tayo magsimula sa ating aralin, sagutin mo muna ang paunang


pagtataya upang malaman ang iyong inisyal na kaalaman sa aralin.

PAUNANG PAGTATAYA

A. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na katanungan. Isulat sa


sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
_____ 1. “Ayon sa Department of Health (DOH), ang biktima ay isang 44-
anyos na Chinese at naging kasama ng 38-anyos na babaeng
Chinese na unang nag-positive sa nCoV19. Ayon pa sa DOH,
galing Wuhan City sa China ang lalaki. Ang Wuhan ang epicenter
ng nCoV outbreak na sa kasalukuyan ay 400 na umano ang
namamatay.” Ano ang paksa ng artikulo?
A. Ang nCoV19 ay nagmula sa Wuhan, China.
B. Bagong kaso ng nCoV19 na isang 44-anyos.
C. Peligrong hatid ng sakit na nCoV19 sa mahahawaan nito.
D. Mayroon ng 400 na namamatay dahil sa sakit na ito.

2
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
_____ 2. “Upang paghandaan ang District School’s Press Conference,
nagsagawa sa ikalawang pagkakataon ang Tanglag National High
School ng Seminar-Workshop na nilahukan ng mga karatig na
paaralan noong Setyembre 6-7” Ang pahayag ay isang uri ng
_________.
A. Editoryal C. Talumpati
B. Balita D. Sanaysay

_____ 3. “Oras na upang tayo ay magkaisa. Dahil kung tayo ay


magtutulungan, naniniwala akong mapagtatagumpayan natin
ang mga pagsubok sa ating bansa.” Ano ang layunin ng pahayag?
A. Nagpapaalam C. Nagbibigay impormasyon
B. Nagbibigay ng payo D. Nanghihikayat

_____ 4. “Magandang umaga po sa inyong lahat, isang karangalan po ang


magsalita sa inyong harapan at iulat ang mga napagtagumpayan
ng ating bansa sa loob ng nakalipas na isang taon.” Anong bahagi
ng talumpati kabilang ang pahayag?
A. Panimula C. Paninindigan
B. Paglalahad D. Konklusyon

_____ 5. “Maraming ipinagbawal mula nang ipatupad ang Enhanced


Community Quarantine (ECQ) noong Marso 16. Kabilang dito ang
pagtitipon-tipon ng mga tao. Bawal ang magkumpol-kumpol.
Huwag magdikit-dikit. Kailangan ay may physical distancing.
Mahigpit na ipinatutupad ang pagsusuot ng face mask.” Ano ang
paksa ng artikulo?
A. Pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa buong
bansa.
B. Mga dapat at hindi dapat gawin habang may Enhanced
Community Quarantine.
C. Mga gamit na dapat na bilhin upang masigurong ligtas
habang may Enhanced Community Quarantine.
D. Pagsasagawa ng mga gawain habang may Enhanced
Community Quarantine.
B. Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M naman kung ito ay
mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

__________ 1. Mahalaga sa pag-uulat ng balita ang kompiyansa sa


pagsasalita.
__________ 2. Kinakailangan na bihasa sa paksang tinatalakay ang isang
mananalumpati.
__________ 3. Sa pagsulat ng isang editoryal, hindi dapat ito naglalaman
ng opinyon ng awtor.

3
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
__________ 4. Ang talumpati ay hindi isang uri ng sanaysay.
__________ 5. Kadalasang nababasa ang balita at editoryal sa mga
pahayagan.

C. Panuto: Magbigay ng mga salitang may kaugnayan sa salitang nasa loob


ng kahon. Gumawa ng bagong kahulugan ng salita gamit ang mga ibinigay
na mga salita. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. 2. 3.
Plataporma Kahirapan Kalayaan

D. Panuto: Basahin at unawain mo ang mga sumusunod na pangungusap.


Tukuyin kung ito ay pinalawak o hindi. Isulat ang OO kung ito ay
napalawak at HINDI naman kung ito ay hindi napalawak. Isulat ang
kasagutan sa sagutang papel.

__________ 1. Si Jorge pala ang nagwagi sa paligsahan.


__________ 2. Nakita kong naglinis si June.
__________ 3. Dahil sa bagyong Ulyssess, maraming lugar ang nalubog sa
baha.
__________ 4. Kulay pula ang nakasabit na tuwalya.
__________ 5. Marami ang nagpunta sa palengke upang bumili ng mga
pang-regalo sa Pasko.

Mahusay! Nagawa mo ang paunang pagtataya upang malaman ang


iyong kaalaman hinggil sa ating mga mapag-aaralan. Sinisiguro kong sa
pagtatapos ng araling ito, mas marami pa ang maidaragdag sa iyong
kaalaman.

4
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
Talumpati mula sa Brazil
Aralin Panitikan: Talumpati ni Dilma Rouseff sa

1.1
Kaniyang Inagurasyon
Wika at Gramatika: Kaisahan sa
Pagpapalawak ng Pangungusap

Sa Aralin 1.1 matutuklasan mo ang kahalagahan ng kasanayan sa


pagtatalumpati. Makikilala mo rin ang kauna-unahang babaeng pangulo ng
bansang Brazil na si Pangulong Dilma Rouseff.

Si Dilma Rouseff ay isinilang sa Belo, Horizonte, Brazil noong


Disyembre 14, 1947. Estudyante pa lamang si Dilma Rouseff, nagpamalas na
siya ng alab at pagpupursigi upang labanan ang diskriminasyon na siyang
pangunahing problema noon ng bansang Brazil. Noong 1970, siya ay
nakulong at nakaranas ng mga pagpapahirap sa loob ng kulungan dahil sa
kaniyang pakikipaglaban sa diktadurya. Tumagal ang kaniyang
pagkakakulong ng tatlong taon at nang makalaya, siya ay nagdesisyong
pumasok sa politika noong 1977. Sa loob ng dalawang dekada, ginampanan
ni Rouseff ang pagiging consultant at mahusay na tagapamahala ng
Democratic Labor Party.

Bago siya naging pangulo ng bansang Brazil, siya ay nanungkulan


bilang Minister ng Enerhiya sa panahon nang noo’y Pangulong Luis “Lula”
Silva noong 2002. Dahil sa ipinamalas na angking kahusayan sa hinawakang
posisyon, siya ay hinirang na Chief of Staff ni Pangulong Silva noong 2005.
Siya ay nailuklok bilang pangulo ng bansang Brazil noong Enero 1, 2011.
Siya ang ika-36 na pangulo ng bansang Brazil at tumagal ang kaniyang
termino mula Enero 1, 2011 hanggang Agosto 31, 2016. Sa kasalukuyan, ang
bansang Brazil ay pinamumunuan ni Pangulong Jair Bolsonaro na naihalal
noong Enero 1, 2019.

Sa pagpapatuloy mo sa araling ito, mababasa mo ang talumpati ni


pangulong Dilma Rouseff sa kaniyang mga kababayan sa kaniyang
inagurasyon. Dito mo mababatid ang kahalagahan ng talumpati sa
paglalahad ng mga impormasyon at ideya sa mga tagapakinig.

5
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
Balikan

Natutuhan mo sa Modyul 5 ang panunuri ng isang nobela at ang


paggamit ng mga angkop at mabisang pahayag sa pagsasagawa ng isang
panunuri. Bukod dito, nabigyang-diin rin sa nakaraang modyul ang pang-abay
na pananggi at panang-ayon. Bago ka magpatuloy sa ating talakayan,
susukatin natin ang iyong kaalaman sa mabisang pamamahayag. Ilalapat mo
rin ang iyong kaalaman sa pang-abay na pananggi at panang-ayon. Sagutin
mo ang mga susunod na gawain.
Gawain 1: Makialam at Mangatuwiran!

Panuto: Bumuo ng pangungusap gamit ang pang-abay na pananggi at


panang-ayon batay sa sumusunod na mga isyu. Gawin ito sa sagutang papel.

1. Pagbabalik ng
2. Pagsasabatas ng
asignaturang
Anti-Terror Bill
GMRC sa mga
paaralan

Pananggi: Pananggi:
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
Panang-ayon: Panang-ayon:
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
3. Pagpapababa ng 4. Malayang
criminal liability mula 15 Pamamahayag
to 13 taong gulang.

Pananggi: Pananggi:
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
Panang-ayon: Panang-ayon:
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________

6
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

Tuklasin

Gawain 2: Sapot ng Konsepto

Panuto: Sa sagutang papel, ibigay ang iyong sariling hinuha o palagay sa


maaaring nilalaman ng talumpating bibigkasin ni Pangulong Dilma Rouseff
sa kaniyang mga kababayan.

Halimbawa
Ekonomiya

Ano kaya ang sasabihin ni


Pangulong Rousseff sa
kaniyang kababayang
Brazilian? Bakit?

Basahin at unawain mo ang talumpati ni Pangulong Dilma Rouseff sa


kaniyang inagurasyon para sa kaniyang mga kababayan at sagutin mo ang
mga gawaing kaugnay nito pagkatapos.

7
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
Sipi mula sa Talumpati ni Dilma Rouseff
sa Kaniyang Inagurasyon
(Kauna-unahang Pangulong Babae ng Brazil)
(Isinalin sa Filipino ni Shiela C. Molina)

Minamahal kong Brazilians,

Tinitiyak ng aking pamahalaan na lalabanan


at susugpuin ang labis na kahirapan, gayondin, ang
lumikha ng mga pagkakataon para sa lahat.
Nakita natin noon sa dalawang terminong
panunungkulan ni Pangulong Lula kung paano
nagkaroon ng pagkilos sa kamalayang panlipunan.
Gayonpaman, nanatili sa kahihiyan ang bansa
sapagkat hindi nawala ang kahirapan at nagkaroon
ng mga hadlang upang patunayang maunlad na nga
tayo bilang mamamayan.
Hindi ako titigil hangga’t may Brazilians na
walang pagkain sa kanilang hapag, may mga
pamilyang pakalat-kalat sa mga lansangan na
nawawalan ng pag-asa at habang may mahihirap na
batang tuluyan nang inabandona. Magkakaroon ng pagkakaisa ang pamilya kung
may pagkain, kapayapaan at kaligayahan. Ito ang pangarap na pagsisikapan kong
maisakatuparan.
Hindi ito naiibang tungkulin ng isang pamahalaan, isa itong kapasiyahang
dapat gampanan ng lahat sa lipunan. Dahil dito, buong pagpapakumbaba kong
hinihingi ang suporta ng mga institusyong pampubliko at pampribado, ng lahat
ng mga partido, mga nabibilang sa negosyo at mga manggagawa, mga unibersidad,
ang ating kabataan, ang pamamahayag at ang lahat na naghahangad ng
kabutihan para sa kapwa.
Sa pagsugpo ng labis na kahirapan, kailangang bigyang priyoridad ang
mahabang panahong pagpapaunlad. Ang mahabang panahong pagpapaunlad ay
lilikha ng mga hanapbuhay para sa kasalukuyan at sa darating pang henerasyon.
Nangangahulugan ito at muli kong sasabihin na ang pagpapanatili ng
katatagan ng ekonomiya ang pinakamahalaga. Sa nakasanayan na natin, kasama
ang matibay na paniniwala na sinisira ng inflation ang ating ekonomiya na
nakaaapekto sa kita ng mga manggagawa. Nakatitiyak akong hindi natin
papayagan ang lasong ito na sirain ang ating ekonomiya at magdusa ang
mahihirap na pamilya.
Patuloy nating palalakasin ang ating panlabas na pondo upang matiyak na
balanse ang panlabas na deposito at maiwasan ang pagkawala nito. Gagawin natin
nang walang pag-aalinlangan sa mga multilateral na paraan na ipaglaban ang
maunlad at pantay na mga polisiyang pang-ekonomiya, na pangangalagaan ang
bansa laban sa hindi maayos na kompetisyon at dapat na maunawaan ang daloy
ng kapital na ipinakikipaglaban.

8
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
Hindi natin pahihintulutan ang mayayamang bansa na pinapangalagaan
ang sariling interes na nagpapahirap sa maraming bansa sa mundo sa kabila ng
kanilang sama-samang pagpupunyagi ay walang pagbabagong nagaganap.
Ipagpapatuloy nating mapahusay ang paggastos ng pera ng bayan. Sa
buong kasaysayan ng Brazil, pinili nitong itayo ang isang estado na nagbibigay ng
mga pangunahing pangangailangan at kapakanan ng mamamayan.
Malaking halaga ang kakailanganin nito para sa lahat, ngunit
nangangahulugan ito na may tiyak na pensiyon, unibersal na pangangalaga sa
kalusugan at mga serbisyong pang-edukasyon. Samakatuwid, ang pagpapaunlad
ng serbisyo publiko ay kailangan habang isinasaayos natin ang paggastos ng
pamahalaan.
Isa pang mahalagang salik sa maayos na paggasta ay ang pagpapataas ng
antas ng pamumuhunan sa punto ng pangkaraniwang gastusin sa pagpapatakbo
ng negosyo. Mahalaga ang pamumuhunang pampubliko sa pag-iimpluwensiya sa
pamumuhunang pampribado at kasangkapan sa rehiyonal na pagpapaunlad.
Sa pamamagitan ng Growth Acceleration Program at My House, My Life
Program, pananatilihin natin ang pamumuhunan sa mahigpit at maingat na
pagsusuri ng Pangulo ng Republika at ng mga Ministro.
Patuloy na magsisilbing instrumento ang Growth Acceleration Program na
pagtutulungan ng pagkilos ng pamahalaan at boluntaryong koordinasyon ng
pamumuhunang estruktura na binuo ng mga estado at mga munisipalidad.
Ituturo rin nito ang pagbibigay ng insentibo sa pamumuhunang pampribado na
pinahahalagahan ang lahat ng insentibo upang buoin ang pangmatagalang mga
pondong pampribado.
Ang pamumuhunan sa World Cup at Olympics ang magbibigay ng
pangmatagalang pakinabang sa kalidad ng pamumuhay sa lahat ng bumubuo ng
rehiyon.
Magiging gabay rin ang prinsipyong ito sa polisiya ng panghimpapawid na
transportasyon. Walang duda na dapat nang mapaunlad at mapalaki ang ating
mga paliparan para sa World Cup at Olympics. Ngunit ang pagpapaunlad na
nabanggit ay nararapat na isagawa na ngayon sa tulong ng lahat ng Brazilian.

Maaaring panoorin sa link na ito:


https://www.youtube.com/watch?v=3dJce-96QL4

Naunawaan mo ba ang talumpati ni Dilma Rouseff? Kung hindi mo ito


gaanong naunawaan, huwag kang mag-alala, maaari mo ulit basahin ang
talumpati. Ngunit kung ito ay naunawaan mo na, gawin mo ang mga
sumusunod na mga gawain.

Alam mo bang…
Ang Word Association ay pagbibigay ng mga salita na may kaugnayan
sa isa pang salita na di-lantad ang kahulugan upang makabuo ng isang idea.
Mainam itong gawin upang mas lumawak ang idea at makabuo ng bagong
pagpapakahulugan.

9
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
Halimbawa:

 Basehang Salita: La Union-Norte- Ilocano-matipid-masayahin


 Nabuong pagpapakahulugan: Sa dakong Norte kilala ang La Union
bilang tirahan ng mga kababayan nating Ilocano na kilala sa kanilang
angking katangian bilang matipid at likas na pagiging masayahin.

Maaari ding gamiting paraan upang malaman ang kahulugan ng isang


salitang hindi lantad ang kahulugan ay sa kung papaano ito ginamit sa
pangungusap. Gamitin ang iba pang mga salita sa pangungusap na maaaring
may kaugnayan sa salitang di-lantad ang kahulugan.

Halimbawa:

1. Basehang Pangungusap: Mahihirap na batang tuluyan nang


inabandona.
2. Basehang salita: Inabandona-kahirapan-mag-isa
3. Nabuong pagpapakahulugan: Naiwang mag-isa dahil sa kahirapan.

Gawain 3: Paglinang ng Talasalitaan

Panuto: Bigyang pagpapakahulugan ang mga salita sa loob ng kahon gamit


ang word association. Isulat sa sagutang papel ang iyong kasagutan.

1. Inflation

2. Multilateral

3. Insentibo

Deposito
4.

Gawain 4: Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Ano ang pangunahing paksa ng talumpati ni Pangulong Dilma Rouseff?


2. Sumasang-ayon ka ba sa mga sinabi ni Dilma Rouseff sa kaniyang
talumpati? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.

10
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
3. Iugnay ang nilalamang isyu ng talumpati ni Dilma Rouseff sa iyong nabasa
o napanood na balita.
4. Sa pamamagitan ng venn diagram, tukuyin ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng sitwasyon ng Brazil sa sitwasyon ng Pilipinas sa
kasalukyan.

Brazil Pilipinas

Suriin

Matapos mong mabasa ang akda, alam kong handa ka ng isagawa ang
mga gawaing nakahanda para sa iyo. Sa bahaging ito ng modyul matatalakay
ang iba’t ibang anyo ng sanaysay-talumpati o editoryal na magagamit mo sa
mga mahahalagang okasyon sa iyong buhay. Bukod dito, matututuhan mo rin
ang mga kasanayan sa pagpapalawak ng pangungusap. Mahalagang
maunawaan mo ito upang magabayan ka sa paggawa ng sarili mong
talumpati. Inaasahang masasagot mo ang pokus na tanong na – bakit
mahalaga ang talumpati bilang isang akdang pampanitkan sa pamamahayag?

Alam mo bang…

Talumpati ang tawag sa isang uri ng sanaysay na binibigkas sa harap ng


madla? Ang layunin ng isang talumpati ay mapaniwala ang mga nakikinig
sa pangangatuwirang ibinibigay ng kaalaman ng nagsasalita o kaya ay
humihimok na gawin ang isang bagay ayon sa kaniyang paniniwala at higit
sa lahat, mabago ang paniniwala ng mga nakikinig.
Mga Anyo ng Talumpati
 Ang panandaliang talumpati (extemporaneous speech) ay ang agarang
pagsagot sa paksang ibinibigay sa mananalumpati at malaya siyang
magbigay ng sariling pananaw.
 Tinatawag na impromptu sa wikang Ingles ang talumpating walang
paghahanda kung saan binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati.
Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa.

11
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
 Maaari ring binabasa, sinasaulo o binabalangkas ang talumpati. Sa
binabasang talumpati, inihanda at iniayos ang sinusulat muna ang
talumpati upang basahin nang malakas sa harap ng mga tagapakinig.
Samantalang ang sinaulong talumpati, inihanda at sinaulo para
bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.

Mga Uri ng Talumpati

1. Talumpati na Nagpapaliwanag
Layunin ng talumpati na magbigay ng impormasyon o paliwanag sa
pamamagitan ng pag-uulat at paglalarawan. Simple at direkta ang paglalahad
ng impormasyon upang madaling maunawaan ng mga tagapakinig.

2. Talumpati na Nanghihikayat
Layunin nitong makaimpluwensiya sa pag-iisip at kilos ng mga
tagapakinig. Nagbibigay ng sapat na mga katibayan upang mahimok
ang mga tagapakinig na paniwalaan ang sinasabing idea o pananaw.
Kinakailangang maalam ang nagsasalita sa kaniyang pinupunto o
sinasabi.

3. Talumpati ng Pagpapakilala
Isinasagawa ito upang ipakilala ang isang panauhin sa isang pagtitipon
o gawain batay sa kaniyang mga karanasan at posisyon upang
mabigyan ng kaalaman ang mga tagapakinig tungkol sa kaniyang
buhay at upang maihanda ang mga tagapakinig sa sasabihin ng
magtatalumpati.

4. Talumpati ng Pagsalubong
Madalas itong isinasagawa sa mga programa o okasyon. Ito ang
paunang pagbati at pagpapaliwanag sa kahalagahan at layunin ng
idinaraos na okasyon bago ito isagawa.

5. Talumpati ng Pamamaalam
Isinasagawa ito sa huling bahagi ng isang programa o okasyon. Laman
nito ang mensahe ng pasasalamat sa mga dumalo at panghihikayat sa
mga panauhin na pahalagahan ang layunin ng isinagawang programa.

Paano ang Pagsulat ng Mabisang Talumpati?

 Ang unang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati ay ang


pagpili ng paksa. Nakasalalay sa paksa at sa mananalumpati ang
ikapagtatagumpay ng isang pagtatalumpati. Ano-anong katangian ang
dapat taglayin ng paksa ng isang talumpati?

12
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
 Tumutugon sa layunin – naisasagawa ang pagtatalumpati dahil sa
sumusunod na layunin: magturo, magpabatid, manghikayat,
manlibang, pumuri, pumuna at bumatikos
 Napapanahon – ang paksa ng talumpati ay tumatalakay sa mga
kasalukuyang kaganapan.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati

1. Paghahanda sa Pagsulat – Ang hakbang na ito ay sumasaklaw sa


pangongolekta ng mga impormasyon at mga idea para sa sulatin. Dito
isinasagawa ang pagpaplano sa paglikha, pagtuklas, pagdedebelop,
pagsasaayos at pagsubok sa mga idea.
2. Aktwal na pagsulat – Sa hakbang na ito isinasalin mga idea sa mga
pangungusap at talata. Malayang gumamit ng iba’t-ibang pamamaraan
o istilo sa paglalahad ng mga ideya. Maaari ring magdagdag at
magbawas ng mga impormasyon o ideya na angkop sa pangunahing
paksa o tema ng ginagawang talumpati.
3. Pagrerebisa at Pag-eedit – Ang pagrerebisa na tinatawag ding pag-eedit
ay nangangahulugan ng muling pagtingin, muling pagbasa, muling pag-
iisip, muling pagbubuo ng mga kaisipan upang masigurong handa na
ang talumpati. Ang hakbang na ito ay nasasangkot sa maraming
pagbabago sa nilalaman sa organisasyon ng mga idea at sa estruktura
ng mga pangungusap at talata.

Mga Bahagi ng Talumpati

1. Panimula – Sa bahaging ito tinatawag ang pansin ng mga tagapakinig.


Kadalasang gumagamit ng anekdota o mga linya/pahayag na panawag-
pansin ang nagtatalumpati upang pukawin ang interes ng mga
tagapakinig.
2. Paglalahad – Ang bahaging ito ang pinakakatawan sa talumpati. Dito
inilalahad ang isyu at pagpapahayag ng diwa sa paksang tinatalakay.
Dito rin ipinapaliwanag ng nagtatalumpati ang layunin ng kaniyang
talumpati sa mga tagapakinig.
3. Paninindigan – Dito ipinapaliwanag ng nagtatalumpati ang kaniyang
mga katuwiran hinggil sa isyu. May layunin itong humikayat o
magpaliwanag sa mga nakikinig.
4. Pamimitawan/Konklusyon – Sa bahaging ito binibigkas ang
pangwakas na pangungusap ng isang talumpati. Kailangan din
magtaglay ito ng masining na pangungusap upang mag-iwan ng
kakintalan sa mga tagapakinig.

Maaari ring panoorin sa link na ito:


https://www.youtube.com/watch?v=nIDMtEBiwI0

13
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
Gawain 5: Pagsusuri sa Talumpati

Panuto: Suriin ang talumpating binasa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga


sumusunod na mga katanungan. Sagutin ito sa iyong sagutang papel.

Mga Tanong Sagot


Ano ang anyo ng binasang talumpati?
Anong uri ito ng talumpati?
Patunayan.
Ano ang layunin ng talumpati?
Paano sinimulan ang talumpati?
Paano ito nakaapekto sa kabuoan ng
talumpati?
Paano winakasan ang talumpati?
Naging epektibo ba ito upang lahatin
ang nilalaman ng talumpati?
Patunayan.

Mahusay! Ngayon naman, iyong matutuklasan ang mga paraan sa


pagpapalawak ng pangungusap. Mahalagang maunawaan mo ito dahil
magagamit mo ito sa iyong gagawing talumpati. Huwag kang mag-alala,
gagabayan kita upang ito ay iyong maunawaan.

Alam mo bang…
ang pangungusap ay binubuo ng paksa at panaguri? Ang bawat bahagi ng
pangungusap ay maaring buoin pa ng maliliit na bahagi.

 Sa pagpapalawak ng pangungusap, pinapalawak ang mga maliliit na


mga bahagi sa paksa at panaguri. Nagagawa ito sa tulong ng
pagpapalawak ng panaguri at paksa, at pagsasama o pag-uugnay ng
dalawa o higit pang pangungusap.
 Sa pagsusuri ng pangungusap ay tinitingnan kung paano ito
pinalalawak. Upang masuri ang pagpapalawak ng pangungusap
kailangang malaman ang mga paraan kung paano ito ginagawa.
Nagagawa ito sa tulong ng pagpapalawak ng panaguri at paksa
gayondin ang pagsasama-sama o pag-uugnay ng dalawa o higit pang
pangungusap. Hindi dapat na pinalalawak lamang ang pangungusap,
kailangang suriin ang kasanayan at kaisahan ng pagpapalawak nito.

Pagpapalawak ng Pangungusap at Pagsusuri


 Maaaring mapalawak ang pangungusap sa pamamagitan ng
pagpapalawak sa panaguri sa tulong ng ingklitik, komplemento, pang-
abay, at iba pa. Napalalawak naman ang pangungusap sa tulong ng

14
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
paksa sa tulong ng atribusyon o modipikasyon, pariralang lokatibo o
panlunan, at pariralang naghahayag ng pagmamay-ari.

Panaguri – Nagpapahayag ng tungkol sa paksa.


1. Ingklitik – tawag sa mga katagang paningit na laging sumusunod
sa unang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri o pang-abay.
Halimbawa:
Batayang Pangungusap: Si Dilma Rousseff ang pangulo ng Brazil.
 Si Dilma Rousseff pala ang pangulo ng Brazil.
 Si Dilma Rousseff ba ang pangulo ng Brazil?

Batayang Pangungusap: Ibinaba ang poverty income threshold.


 Ibinaba rin ang poverty income threshold o ang halagang
dapat kitain ng isang pamilya na may limang miyembro.

2. Komplemento/Kaganapan – Tawag sa pariralang pangngalan na


nasa panaguri na may kaugnayan sa ikagaganap o ikalulubos ng
kilos ng pandiwa. Sangkap ito sa pagpapalawak ng pangungusap.
Halimbawa:
 Sinang-ayunan ni Dilma Rousseff ang karaingan ng
mamamayan. (Tagaganap)
 Ang food threshold sa almusal ay tortang kamatis, kape para
sa matatanda, gatas para sa bata. (Tagatanggap)
 Ipagpapatuloy natin ang mahusay na paggamit ng pondo ng
bayan. (Layon)
 Nagtalumpati ang pangulo sa plasa. (Ganapan)
 Pinagaganda ang larawan ng kahirapan sa pamamagitan ng
pagmamanipula sa mga panukat. (Kagamitan)
 Dahil sa mga pagbabagong ito, ang bilang ng mahihirap na
pamilya ay bumaba mula 4.9 milyon hanggang 3.9 milyon.
(Sanhi)
 Nagtungo ang mga tao sa harap ng Palasyo upang makinig sa
talumpati ng pangulo. (Direksyunal)

3. Pang-abay – Nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa


pang-abay.
Halimbawa:
Batayang Pangungusap: Nagtalumpati ang pangulo.
 Pagpapalawak: Mahusay na nagtalumpati ang pangulo
kahapon at totoong humanga ang lahat.

15
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
Paksa – Ang pinag-uusapan sa pangungusap.
1. Atribusyon o Modipikasyon – May paglalarawan sa paksa ng
pangungusap
Halimbawa:
 Pakinggan mo ang nagpapaliwanag na opisyal na iyon.
 Ito si Dilma Rousseff ang pinakamahusay kong pangulo.

2. Pariralang Lokatibo/Panlunan – ang paksa ng pangungusap ay


nagpapahayag ng lugar
Halimbawa:
 Inaayos ang plasa sa Brazil.
 Marami rin ang nasa Luneta upang makinig ng talumpati.

3. Pariralang Nagpapahayag ng Pagmamay-ari – Gamit ng panghalip


na nagpapahayag ng pagmamay-ari.
Halimbawa:
 Maayos na maayos ang talumpati ng aking mag-aaral.
 Pakikinggan ko ang talumpati ng kapatid ko.

Gawain 6: Pagsasanib ng Gramatika at Retorika

Panuto: Mula sa mga nakatalang paksa sa ibaba, bumuo ng mga


pangungusap. Sikaping mapalawak ito sa tulong ng panaguri o paksa.
Ipaliwanag ang paraang ginamit sa pagpapalawak ng pangungusap. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. pandemyang COVID-19
____________________________________________________________________
2. pag-aagawan ng teritoryo
____________________________________________________________________
3. pagtaas ng presyo ng mga bilihin
____________________________________________________________________
4. pagkakaisa ng mga bansa
____________________________________________________________________
5. diskriminasyon
_____________________________________________________________________

16
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
Pagyamanin

Gawain 7: Idea Mo’y Ipahayag!

Panuto: Ang sumusunod na mga pahayag ay binanggit ni Dilma Rouseff sa


kaniyang talumpati, ano ang pananaw o opinyon mo kaugnay nito?

1. Tinitiyak ng aking pamahalaan na lalabanan at susugpuin ang labis na


kahirapan, gayondin ang lumikha ng mga pagkakataon para sa lahat.
2. Nananatili sa kahihiyan ang bansa sapagkat hindi nawala ang
kahirapan at nagkaroon ng mga hadlang upang patunayang maunlad
na nga tayo bilang mga mamamayan.
3. Hindi ako titigil hangga’t may Brazilians na walang pagkain sa kanilang
hapag, may mga pamilyang pakalat-kalat sa mga lansangan na
nawawalan na ng pag-asa at habang may mahihirap na batang tuluyan
nang inabandona.
4. Matibay ang aking paniniwala sa kasalukuyan na ang inflation ang
nagdudulot ng kaguluhan sa ating ekonomiya at sumisira sa kita ng
ating mga manggagawa.
5. Hindi natin pahihintulutan ang mayayamang bansa na
pinangangalagaan ang sariling interes na siya namang nagpapahirap
sa maraming bansa sa mundo sa kabila ng kanilang sama-samang
pagpupunyagi ay walang pagbabagong nagaganap.
6. Sa buong kasaysayan ng Brazil, pinili nitong itayo ang isang estado na
nagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan at kapakanan ng
mga mamamayan.

Gawain 8: Suriin Mo!

Panuto: Basahin at unawain ang usapan sa loob ng kahon. Pumili ng limang


pangungusap at suriin ang ginamit na paraan sa pagpapalawak ng
pangungusap. Tukuyin kung ito ay pinalawak sa panaguri o sa paksa.
Gayahin ang pormat sa iyong sagutang papel.

17
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
Isang araw, nag-uusap ang tatlong miyembro ng Student Government.
Lois: Naisip mo ba kung saan napupunta ang basurang itinatapon mo?
Justin: Siyempre kinukuha ng mga basurero at ito ay dinadala sa tambakan
ng basura.
Lois: Eh, paano kung hindi naitapon nang maayos? Halimbawa, ang lata
na itinapon sa kalsada ay maaaring makabara sa kanal.
Paulyn: At ang balat ng kendi na itinapon sa dagat ay maaaring makain ng
mga isda.
Justin: Tama! Halikayo at basahin natin ang tekstong ito na pinamagatang
“Pangangalaga ng Basura.”

Ang bawat Pilipino na naninirahan sa pook rural ay lumilikha ng mahigit


kumulang 0.3 kg na basura habang sa pook urban o siyudad ay mayroon kada
araw 0.5 kg na basura. Nasa 60% ng mga basura na itinatapon ay biodegradable
o nabubulok, 20% ay recyclable o maaaring mabalik-anyo, at 18% ang residual
waste o mga hindi na magagamit pang muli na basura. Higit kumulang 80%
naman ang mga basura na hindi naman dapat itinatapon at dinadala sa
tambakan. Dahil sa dami ng basura sa tambakan dumadami rin ang nililikhang
methane galing sa mga nabubulok na basura. Ito ay sanhi rin ng pagkapal ng
greenhouse gases sa atmospera at nagdudulot ng pandaigdigang pag-init ng
mundo.

Lois: Ah, ganoon pala! Kaya sabi ng mama ko ibang-ibang na ang mundo
ngayon. Hindi mo masabi kung kailan uulan o aaraw.
Justin: Kaya bago mo itapon ang bagay na hawak mo, isipin mo muna kung
ito ay kailangan mo, maaari mong i-reduce o bawasan ang paggamit.
Paulyn: O dapat bang i-reuse o tingnan kung magagamit pa itong muli?
Lois: O i-recycle o magbalik anyo sa pamamagitan ng paglikha ng bagong
bagay mula sa lumang bagay?

Pangungusap Paraang Ginamit sa Pagpapalawak


ng Pangungusap

18
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
Isaisip

Gawain 9: Natutuhan Ko!

A. Panuto: Batay sa mga napag-aralan mo sa araling ito, gawin mong batayan


ang grapikong presentasyon upang mabuo ang konsepto. Kopyahin ito at
isulat sa iyong sagutang papel.

Natutuhan ko
sa aralin ito…

B. Panuto: Sagutin ang tanong gamit ang grapikong presentasyon. Kopyahin


ito sa iyong sagutang papel.

Paano nakatutulong ang


kasanayan sa
pagpapalawak ng
pangungusap sa pagsulat
ng talumpati?

19
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
Isagawa

Upang matiyak mo kung talagang naintindihan ang araling ating


tinalakay sa mga nagdaang araw tungkol sa talumpati, gawin mo ito.

Gawain 10: GRASPS

Goal Ikaw ay makasusulat ng isang talumpati patungkol sa isang


kontrobersyal na isyu
Role Ikaw ay magiging isang manunulat at mananalumpati
Audience Guro, mga kapwa mag-aaral.
Situation Ipagpalagay na ikaw ay nasa isang paaralan at naatasan kang
gumawa ng isang talumpati na magbibigay impormasyon at
nangihikayat kaugnay sa isang kontrobersyal na isyu
Product Sariling-gawang talumpati na ipopost sa Facebook o Youtube.
Standards A. Panimula (Malinaw na naipaliwanag ang layunin) …… 20
puntos
B. Katawan (linaw at tibay ng argumento) ………............ 40
puntos
C. Pangwakas (pagbibigay lagom o konklusyon).…....….. 20
puntos
D. Kaisahan at Kasanayan sa pagpapalawak
ng pangungusap………………………………………..……..20
puntos
Kabuoan.……….…………..………………..…...........….100
puntos

Mahusay! Binabati kita! Natapos mo ang unang aralin. Ako ay


humahanga sa ipinakita mong katalinuhan at tiyaga upang matapos ang
araling ito. Nagawa mo ang lahat ng mga gawain at dahil yan sa iyong
pagpupursigi. Sa susunod na aralin, iyo namang matututunan ang isa pang
anyo ng sanaysay – ang editoryal at pagbabalita.

20
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
Pamamahayag: Balita at
Aralin
Editoryal
1.2 Panitikan: Kahirapan:
Hamon sa Bawat Pilipino
Binabati kita mahal kong mag-aaral! Ako ay nagagalak sapagkat ikaw
ay kasama ko pa rin sa pag-aaral ng modyul na ito. Sa Aralin 1.1 iyong
natutuhan ang paggawa ng isang talumpati at ang kasanayan sa
pagpapalawak ng pangungusap. Sa Aralin 1.2, matutuklasan mo ang
kaibahan ng talumpati sa iba pang uri ng sanaysay – ang editoryal at
pagbabalita. Malalaman mo kung bakit mahalaga ang editoryal sa
pamamahayag at sa ating lipunan.

Tampok sa araling ito ang isang natatanging editoryal na tumatalakay


sa kasalukuyang isyu na hinaharap ng ating bansa.

Inaasahang sa pagtatapos ng araling ito masasagot mo ang pokus na


tanong na – Bakit kailangang bigyang pagpapahalaga ang editoryal at balita
bilang akdang pampanitikan?

Balikan

Gawain 1: Panindigan Mo!

Panuto: Kung ikaw ay magtatalumpati sa harap ng iyong mga kababayan,


papaano mo bibigyang opinyon ang isyu sa kahirapan ng ating bansa?
Gumawa ng maikling sanaysay patungkol dito.

Mamili ng kahit na anong napapanahong isyu sa ating bansa


sa kasalukuyan. Ano ang iyong opinyon patungkol dito?

21
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
Tuklasin

Ngayon naman, basahin at unawain mo ang isang editoryal patungkol


sa kahirapan. Unawain mo itong mabuti upang masagot mo ang mga gawaing
nakahanda para sa araling ito.

Kailan Lalaya sa Korapsiyon, Kahirapan at Krimen?


(Pilipino Star Ngayon, Hunyo 12, 2020)

Ngayon ay ika-122 anibersaryo ng deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas


mula sa mga mananakop na Kastila. Kasunod ng deklarasyon ay ang
pagwagayway ng bandila ng Pilipinas habang inaawit ang “Lupang Hinirang” sa
balkonahe ng mansiyon ni Hen. Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite noong 1898.
Noon ay mga Kastila ang kalaban ng mga Pilipino. Pero ngayon, makalipas
ang 122 taon, mas marami pang naging kalaban ang mamamayan na wala ring
ipinagkaiba sa mababagsik na mananakop. Mas matindi ang mga kalaban ngayon
sapagkat nagdudulot sa pagkahilahod ng bansa.

Unang kalaban: Korapsiyon.


Maraming korap sa mga tanggapan ng pamahalaan ngayon. Walang
patawad. Kahit na nasa gitna ng paglaban sa COVID-19 ang bansa, patuloy ang
pangungurakot ng mga taong gobyerno. Maski ang pondo sa Social Amelioration
Program (SAP) ay kinukurakot ng mga kapitan ng barangay. Sa halip na ibigay
nang buo ang SAP na para sa mahihirap, kalahati lang ang ibibigay at ang kalahati
ay sa sariling bulsa nila nilalagay. Hanggang ngayon, marami ang nagrereklamo
na hindi sila nakatanggap ng SAP sa unang tranche. Iyon ay dahil kinurakot ng
mga opisyal ng barangay.

Ikalawang kalaban: Kahirapan.


Maraming mahirap na Pilipino at ngayong sinalanta ng COVID ang bansa,
inaasahang darami pa ang bilang ng mga magsasalat sa buhay. Lolobo ang bilang
ng mga walang trabaho sapagkat marami nang nagsarang kompanya,
establisimyento, pabrika at paktorya. Maraming magugutom na pamilya dahil
walang pagkakakitaan.

Ikatlong kalaban: Krimen


Patuloy ang mga nangyayaring krimen. Sumasalakay ang riding-in-tandem
at walang awang pumapatay. Patuloy rin naman ang pagdagsa ng ilegal na droga.
Kahit naka-lockdown ang bansa, nakapapasok ang shabu na nagkakahalaga ng
bilyong piso. Paano nakapapasok ang salot na shabu gayong walang biyahe ang
barko at eroplano. Kabi-kabila rin ang checkpoint at napakahigpit ng mga
awtoridad.
Mababangis ang tatlong kalaban ng mga Pilipino sa kasalukuyang panahon.
Kailangan ang mahusay na paglaban ng gobyerno sa mga ito. Kailangan ang
mahusay na plano para mapalaya ang mamamayan sa korapsiyon, kahirapan at
krimen.
EDITORYAL - Kailan lalaya sa korapsiyon, kahirapan at krimen? kinuha noong Setyembre 25, 2020
mula sa (https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2020/06/12/2020291/editoryal-
kailan-lalaya-sa-korapsiyon-kahirapan-krimen)

22
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
Mga Pamilyang Pinoy, Malubhang Naapektuhan ng
Pandemic sa ASEAN: Survey
(Ulat ni Warren de Guzman, ABS-CBN News, Setyembre 20, 2020)

Wala nang panggastos ang senior citizen na si Anita Calpito matapos matigil
sa trabaho ang kaniyang mister bilang tricycle driver dahil sa quarantine.
Gipit din ang anak na babae ni Calpito, na kailangan pang mangupahan sa
maliit na kuwarto para mapalapit sa trabaho.
"Hindi po namin alam kung saan namin kukunin ang pang-araw-araw
namin na panggastos," ani Calpito.
"May nag-aaral akong apo, ang nanay naman single parent... wala na
kaming pambili ng gadget para sa kanila," aniya.
Base sa isang sarvey na inilabas kamakailan ng Asian Development Bank
Institute, mas maraming pamilya sa Pilipinas ang dumaranas ng kahirapan dahil
sa COVID-19 kumpara sa ibang bansa sa Southeast Asia.
Pito sa bawat 10 household na sinurvey ang nagsabi na may nawalan ng
trabaho o nabawasan ng kita sa kanilang pamilya dahil sa pandemya.
Sa ibang bansa sa Southeast Asia, 4 lang sa bawat 10 pamilya ang may
naranasang ganoong paghihirap.
Sa parehong survey, halos kalahati o 46 porsiyento ang nagsabing tumigil
sa pag-aaral ang kanilang mga anak.
"The most common reason is not having computers or tablets, not having
internet connections, or too slow or unstable connections," ani Peter Morgan, Vice
Chair of Research at the ADB Institute.
Sa isa pang report ng ADB Institute, sinabi nito na higit 8 milyong senior
citizens ang apektado ng pandemya at 20 porsiyento lang sa kanila ang may
nakukuhang benepisyo.
Aminado naman ang Palasyo na maraming tinamaan ng pandemya.
"Nakapalungkot po talaga niyan na nakapadami pong naghirap dahil sa
pandemya, hindi natin ninais ito," ani Presidential Spokesperson Harry Roque.
"Kung hindi naman tayo nag-ECQ (Enhanced Community Quarantine), mas
marami talaga sa'tin ang nagkasakit," dagdag ng kalihim.

Kinuha noong Oktubre 17, 2020 mula sa (https://news.abs-cbn.com/news/09/20/20/mga-


pamilyang-pinoy-malubhang-naapektuhan-ng-pandemic-sa-asean-survey)

Ngayon naman, sagutin mo ang mga sumusunod na mga gawain.


Maaari mong balikan ang artikulo upang mas maunawaan mo pa ito.

Gawain 2: Unawain Mo!

Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa binasang teksto. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang paksa ng binasang editoryal?
2. Ano ang iyong pananaw sa inilahad na tatlong kalaban ng bayan sa
kasalukuyan na binanggit sa editoryal? Ipaliwanag.
3. Ano ang layunin ng awtor sa kaniyang ginawang editoryal? Ipaliwanag.

23
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
4. Ihambing ang nilalaman ng editoryal na binasa sa talumpati. Ano ang
kanilang pagkakaiba at pagkakatulad? Patunayan.
5. Ano ang pangunahing paksa ng binasang balita?
6. Ano ang istilo ng tagapag-ulat sa binasa mong balita?
7. Sa iyong palagay, naging malinaw ba ang nilalaman ng balitang iyong
binasa batay sa naging istilo ng pagbabalita ng tagapag-ulat?
Ipaliwanag.
8. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang mabisang hakbang sa paglutas ng
kahirapan ng bansa? Patunayan.

Suriin

Alam mo bang…

Editoryal ang tawag sa uri ng pamamahayag na kadalasan ay nasa


anyong sanaysay na naglalaman ng mga kuro-kuro, opinyon, at puna sa
mga napapanahong isyu o balita?

1. Ito ay isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang


napapanahong pangyayari upang magbigay ng kaalaman,
makapagpaniwala o makalibang sa mambabasa.
2. Mahalaga ang editoryal upang maimulat ang mga mata ng mga
mambabasa patungkol sa isang isyu sa ating lipunan upang
magkaroon ng kamalayan at pagkamakabayan. Kadalasan itong
nababasa sa mga diyaryo at napapakinggan rin sa radyo.

Iba’t ibang Uri ng Editoryal


1. Editoryal na nagpapabatid
2. Editoryal na nagpapakahulugan
3. Editoryal na pumupuna
4. Editoryal na nagbibigay parangal at papuri
5. Editoryal na nagpapahalaga sa isang natatanging-araw o okasyon
6. Editoryal na nanlilibang

Bukod sa editoryal, mahalaga rin ang ginagampanan ng pagbabalita. Isa


ito sa mga pangunahing paraan upang maglahad ng mga napapanahong isyu
na kinakaharap ng ating bansa, maging sa ating mga karatig bansa.

24
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
Balita ang tawag sa isang uri ng pamamahayag na nagsasaad ng mga
impormasyon patungkol sa mga pangyayari sa loob at labas ng bansa.
1. ‘Di tulad ng editorial, tuwiran ang paglalahad ng mga detalye sa isang
balita at batay sa pangyayaring nasaksihan o narinig ng nagbabalita o
sumulat ng balita ang nilalaman nito.
2. Kakaiba ang pagsulat ng isang balita sapagkat sinusunod nito ang
tinatawag na “inverted pyramid” na paraan ng pagsulat na kung saan
nauuna ang mga importanteng detalye kaysa sa mga hindi
importanteng detalye.
3. Ito ay maaaring nababasa, napapakinggan at napapanood. Sa
kasalukuyan, mahalaga ang balita upang masigurong ang mga
mamamayan ay mulat sa mga pangyayari sa mga isyu na kinakaharap
ng ating bansa.
4. Ito ay nababasa sa mga pahayagan at madalas natin itong napapanood
sa telebisyon at napapakinggan sa radyo.
5. Bukod pa dito, mas lumawak pa ang nasasakop ng balita dahil na rin
sa Social Media.

Dalawang Bahagi ng Isang Balita


1. Pamatnubay – kadalasang nasasagot mga tanong na sino, saan, kailan,
ano, bakit at paano. Sa bahaging ito makikita ang pinakatampok o
nilalaman ng balita. Sa pamatnubay, magkakaroon ka na agad ng
konsepto kung patungkol saan ang nilalaman ng balita. Ang
impormasyon na inilahad sa pamatnubay ay mas lalo pang
papalawakin ng mga detalye na mababasa sa katawan ng balita.
2. Katawan ng balita – nakasaad sa bahaging ito ang pantulong na mga
detalyeng susuporta sa pamatnubay.

Mga Dapat Tandaan sa Pag-uulat ng Balita


1. Kinakailangang malinaw ang pagsasalita at pagbigkas ng mga salita.
Bigyang pansin ang intonasyon at tamang bigkas ng mga salita upang
maiwasan ang pagkalito sa mga tagapakinig.
2. Mahalaga rin ang sariling istilo ng isang reporter o tagapag-ulat. Bawat
isa sa kanila ay may kani-kaniyang paraan kung papaano ibahagi ang
balita. Kadalasan ito ay sa pamamagitan ng kanilang tono ng
pananalita o kasanayan sa pagbigkas ng mga salita. Makatutulong ito
upang mapukaw ang interes ng mga tagapakinig.
3. Ang isang tagapag-ulat ay dapat nagtataglay ng kompiyansa at
malawak na kaalaman sa kaniyang ibinabalita. Dapat ito ay
pinaghandaang maiigi. Ingatan ang mga ibabahaging balita at
siguruhing tama ang impormasyong nakalap.
4. Kinakailangan na sa pag-uulat ng balita, ang tagapagbalita ay tapat at
walang pinapanigan.

25
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
Paano naiiba ang talumpati sa iba pang uri ng sanaysay?
 Ang tatlong uri na nabanggit: talumpati, editoryal, at balita ay
naglalayon na magbigay-kaalaman sa mga mambabasa.
 Ang tanging pagkakaiba ay nasa priyoridad na rin ng bawat uri.
 Tandaan lamang na ang talumpati ay isinulat upang bigkasin ng
mananalumpati sa harap ng publiko sa paraang masining, madaling
masundan at maunawaan ng mga tagapakinig samantalang ang
editoryal at balita ay nababasa sa mga diyaryo/pahayagan at
napapakinggan rin sa radyo at napapanood sa telebisyon.

Gawain 3: Natuklasan Ko!

Panuto: Tukuyin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng talumpati, editorial at


balita. Kopyahin ang pormat sa pagsagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Pagkakatulad Pagkakaiba
Talumpati
Editoryal
Balita

Pagyamanin

Gawain 4: Nabalitaan Mo Ba?

A. Panuto: Basahin at unawain mo ang artikulo. Sagutin ang mga tanong.


Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Bilang isang mag-aaral, nararamdaman din namin ang nangyayaring
implasyon sa ating bansa. Matinding pasakit ito sa aming mga magulang lalo
na’t ang mga pangunahing pangangailangan namin sa paaralan ay apektado
rin ng implasyon. Tulad na lamang ng mga ginagamit namin sa paaralan tulad
ng papel, notebook, lapis, ballpen at iba pa ay naapektuhan ng pagtaas ng
presyo. Napipilitan ang ilan sa amin na i-recycle na lamang ang mga hindi
nagamit na mga lumang notebook kaysa bumili ng panibago. Ang pagbaba ng
halaga ng salapi dahil sa taas ng presyo ng bilihin ay lantad na lantad. Ang
dating baon na sampung piso ay tila ba kulang na kulang na dahil sa mahal
ng pamasahe, mahal na mga bilihin na mabibili sa canteen dahil na rin sa
maging sila ay naapektuhan ng implasyon. Malaking pasakit ito sa mga mag-
aaral na kapus-palad kung kaya naman ang ilan sa kanila ay nagtitiis na
lamang sa mga alternatibo at pagsasakripisyo.

- Mara Shanelle Obello (2018) Hinango mula sa


The Carrier ng Tanglag National High School

26
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
1. Ano ang pangunahing paksa ng binasang artikulo?
2. Anong uri ito ng editoryal? Ipaliwanag.
3. Ano-ano ang mga inilahad na mga impormasyon na sumusuporta sa
pangunahing paksa?
4. Ano ang iyong reaksyon sa binasang artikulo? Papaano ito nakaapekto
sa iyong damdamin?

B. Panuto: Manood ng balita sa telebisyon o sa internet. Pumili ng balita na


may kaugnayan sa mga isyung panlipunan na binanggit sa Inagurasyong
Talumpati ni Pangulong Dilma Rousseff. Gawing batayan ang grapikong
presentasyon. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Istilo ng Kaugnayan
Nilalaman
Paksa reporter sa sa
ng Balita
pag-uulat talumpati

Isaisip

Gawain 5: Parte Ka ng Solusyon!

Panuto: Batay sa binasang editoryal, paano ito nakaapekto sa iyong


damdamin? Ano ang iyong repleksyon sa isyung binanggit sa artikulo?
Sagutin ito gamit ang grapikong presentasyon. Kopyahin ito sa iyong
sagutang papel.

Ang
Sa binasa ko,
repleksyon ko
aking nadama
sa binasa ko
na…
ay…

27
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
Isagawa

Gawain 6: Sulat Editoryal

Panuto: Sumulat ng isang editoryal patungkol sa distance o online learning


na alternatibong solusyon para sa paraan ng pagkatuto.

Ikaw ay pupuntusan batay sa:


Nilalaman ng editoryal……………………………………………………………..20
puntos
Organisasyon ng mga idea….…………………………………………………….10
puntos
Orihinalidad………………………………………………………………………….. 10
puntos
Gramatika at wastong bantas…………………………………………………….10
puntos
Kabuoan…………………………………………………………………..…………. 50
puntos

Tayahin

Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa parteng ito. Tiyak marami


kang natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon, ating
tatayahin ang iyong kaalaman sa nakalipas na aralin.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

A. Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na tanong. Isulat sa


iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

_____ 1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang angkop sa sinabi ni


Dilma Rouseff na “Nakita natin noon sa dalawang terminong
panunungkulan ni Pangulong Lula kung paano nagkaroon ng
pagkilos sa kamalayang panlipunan.”?

28
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
A. Kinakailangan ng malawakang protesta upang mapakinggan
ng mga namumuno sa isang bansa.
B. Talamak ang karahasan kung kaya naman marami ang
nagalit at nagkaroon ng hidwaan sa bansa.
C. Maraming mga mamamayan ang umalis sa Brazil dahil sa
kawalan ng tiwala sa pamahalaan.
D. Nagising ang pagkamakabayan at pagkakaisa ng mga
mamamayan.

_____ 2. Ano ang tema ng talumpati ni Dilma Rouseff?


A. Pagsugpo sa talamak na bentahan ng droga.
B. Pagharap sa climate change ng bansang Brazil.
C. Pagbibigay solusyon para sa pagsugpo sa kahirapan.
D. Pagkakaroon ng malakas na hukbong sandatahan.

_____ 3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dapat taglaying ng isang


mananalumpati?
A. Kinakailangang malakas ang boses at malinaw ang
pagsasalita upang maintindihan ng mga tagapakinig.
B. Mas mainam kung magyayabang sa harap upang makita ng
mga panauhin na sigurado ka sa sinasabi mo.
C. Panatilihing interesado ang mga manonood, iwasang
magkaroon ng mga patay na sandali.
D. Ugaliing tumingin sa mga manonood upang maramdaman
nila na sila ang iyong kinakausap.

_____ 4. Bakit kailangan ang kasanayan sa pagpapalawak ng


pangungusap?
A. Upang mas maging mahaba ang gagawing sanaysay o
talumpati.
B. Para hindi mabagot ang mga babasa dahil maikli lamang ang
sanaysay.
C. Upang mas malinaw ang mga idea na nais iparating sa mga
mambabasa.
D. Para maiwasan ang pagkaulit ng mga nasabi nang idea at
hindi maging paikot-ikot ang sanaysay.

_____ 5. Bakit mahalaga ang kasanayan sa pagtatalumpati?


A. Upang magkaroon ng kompiyansa na humarap sa maraming
tao.
B. Mahalaga ang kasanayan sa pagtatalumpati upang
maipahayag ang sariling idea sa ibang tao.

29
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
C. Para magmukhang magaling sa harap ng maraming tao upang
maniwala sila sa iyo.
D. Nakakatulong ito upang magkaroon ka ng maraming kaibigan
at maging sikat ka.
B. Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na mga artikulo ay
talumpati, editoryal o balita.

1. Sa pangunguna ng SK Federated Chairman ng Rosario na si Hon.


Lucky Nath Fuentes, naglunsad ang SK Federation ng elimination
para sa gaganapin na panlalawigang patimpalak para sa Araw ng
mga Kabataan. Ang nasabing patimpalak ay ginanap sa OSCA Hall,
alas-8 ng umaga.
Sagot: ______________________________

2. Hindi maitatanggi na habang tumatagal ay unti-unti nang


nagbabago at lumalago ang teknolohiya, kasabay na rin nito ang
pagtaas ng bilang ng mga kabataan na gumagamit ng smartphone.
Dahil dito, hindi naiiwasan ang maling paggamit ng mga kabataan
ng______________________________
Sagot: social media.

3. Mga mahal kong kamag-aral! Oras na para gisingin ang natutulog


na diwa ng ating pagmamahal sa ating bansa! Huwag mong ikahiya
ang iyong wika bagkus ito ay iyong pahalagahan, tulad ng
pagpapahalaga mo sa iyong sarili.
Sagot: ______________________________

4. Sa ikalawang pagkakataon, nagsagawa ng pandistritong


eliminasyon para sa Festival of Talents na pinangunahan ng
Education Program Supervisor sa Filipino na si Luisito Libatique
kasama ang mga guro sa Filipino ng distrito ng Rosario sa
pangunguna ng Head Teacher sa Filipino na si Armi Valdez.
Sagot: _____________________________

C. Panuto: Tukuyin kung ano ang ginamit upang palawakin ang panaguri.
Isulat sa sagutang papel ang sagot. Pagpipilian: Ingklitik, Komplemento,
Pang-abay
__________ 1.
Si Danica pala ang nakatanggap ng liham ko.
__________ 2.
Mahusay na nagtanghal ang banda kahapon.
__________ 3.
Dahil sa katigasan ng ulo, nahulog si Jayson sa puno.
__________ 4.
Nagtungo kami sa harap ng tindahan paaralan upang
salubungin ang mga bisita.
__________ 5. Si Bryan ba ang kumuha ng tinapay sa lamesa?

30
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
D. Panuto: Basahin at unawain mo ang mga sumusunod na pangungusap.
Tukuyin kung papaano pinalawak ang paksa. Isulat ang sagot sa sagutang
papel. Pagpipilian: Atribusyon, Lokatibo, Pagmamay-ari.

__________ 1. Nakikinig ako nang maiigi sa payo ng aking magulang.


__________ 2. Si Justin ang pinakamahusay na mananalumpati sa klase.
__________ 3. Marami ang nasa terminal ng bus na uuwi ng probinsiya.
__________ 4. Ang bag na nakasabit ay sa kaibigan ko.
__________ 5. Inaayos ang palengke kung kaya naman nakasara pa ito.

Karagdagang Gawain

Batid kong marami ka ng natutuhan mula sa araling ito. Batid kong


kayang-kaya mong gawin ang susunod na gawain.

Panuto: Magsaliksik ng alinman sa tatlo: talumpati, editoryal, at balita.


Punan ang impormasyon na hinihingi ng talahayan.

Paksa Tema Layunin Repleksyon

Lubos na Mahusay! Ang galing mo! Binabati kita


sa matiyaga mong pagsama sa pagtalakay sa
mga aralin. Alam kong nakapapagod maglakbay
ngunit sulit naman dahil matagumpay mong
natutuhan ang mga dapat mong malaman sa
Paggawa ng talumpati at mabisang paraan ng
pagpapalawak ng pangungusap. Ihanda mo ang
iyong sarili sa kasunod na modyul – Modyul 7
(Pangwakas na Gawain sa Panitikang
Kanluranin).

31
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
32
ARALIN 1.1
Gawain 1: Makialam at Mangatuwiran! Iba-iba ang sagot
Gawain 2: Sapot ng Konsepto Iba-iba ang sagot
Gawain 3: Paglinang ng Talasalitaan Iba-iba ang sagot
Gawain 4: Pag-unawa sa Binasa Iba-iba ang sagot
Gawain 5: Pagsusuri sa Talumpati Iba-iba ang sagot
Gawain 6: Pagsasanib ng Gramatika at Retorika Iba-iba ang sagot
Gawain 7: Idea Mo’y Ipahayag! Iba-iba ang sagot
Gawain 8: Suriin Mo! Iba-iba ang sagot
Gawain 9: Natutuhan Ko! Iba-iba ang sagot
Gawain 10: GRASPS Iba-iba ang sagot
PAUNANG PAGTATAYA
A. B. C. D.
1. A 1. T Iba-iba ang sagot 1. OO
2. B 2. T 2. HINDI
3. D 3. M 3. OO
4. A 4. M 4. HINDI
5. B 5. T 5. OO
Susi sa Pagwawasto
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
33
KARAGDAGANG GAWAIN
Iba-iba ang sagot
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. B. C. D.
1. D Balita 1. Ingklitik Pagmamay-ari
2. C Editoryal 2. Pang-abay Atribusyon
3. B Talumpati 3. Komplemento Lokatibo
4. C Balita 4. Komplemento Pagmamay-ari
5. B 5. Ingklitik Lokatibo
ARALIN 1.2
Gawain 1: Panindigan Mo! Iba-iba ang sagot
Gawain 2: Unawain Mo! Iba-iba ang sagot
Gawain 3: Natuklasan Ko! Iba-iba ang sagot
Gawain 4: Nabalitaan Mo Ba? Iba-iba ang sagot
Gawain 5: Parte Ka ng Solusyon Iba-iba ang sagot
Gawain 6: Sulat Editoryal Iba-iba ang sagot
Sanggunian

Ambat, V.C., et.al (2015). Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig


City: Vibal Group, Inc. pa. 128-139.

Meyer, A. (2010). Brazil History. Nahango noong Hunyo 8, 2020 mula sa


https://www.brazil.org.za/history.html

Burns, B. et.al. (2020). Brazil. Nahango noong Hunyo 8, 2020 mula sa


https://www.britannica.com/place/Brazil

Talumpati ni Dilma Rouseff. Nahango noong Hunyo 8, 2020 mula sa


https://www.youtube.com/watch?v=3dJce-96QL4

Paano Gumawa ng Talumpati. Nahango noong Hunyo 8, 2020 mula sa


https://www.youtube.com/watch?v=nIDMtEBiwI0

Obello, M.S (2018). Inflation Rate sa Pilipinas. The Carrier, The Official Newspaper of
Tanglag National High School, pa. 9.

Pilipino Star Ngayon (2020). Kailan lalaya sa korapsiyon, kahirapan at


krimen? hango noong Setyembre 25, 2020 mula sa
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2020/06/12/2020291/editoryal-
kailan-lalaya-sa-korapsiyon-kahirapan-krimen

ABS-CBN News (2020). Mga Pamilyang Pinoy, Malubhang Naapektuhan


ng Pandemic sa ASEAN: Survey hango noong Oktubre 17, 2020 mula sa
https://news.abs-cbn.com/news/09/20/20/mga-pamilyang-pinoy-
malubhang-naapektuhan-ng-pandemic-sa-asean-survey

34
CO_Q2_FILIPINO10_MODULE6
10
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Pangwakas na Gawain sa
Panitikang Kanluranin
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan (Panitikang Kanluranin) –
Modyul 7: Pangwakas na Gawain sa Panitikang Kanluranin
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon paman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha
ang pahintulot sa paggamit ng materyal. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: John John L. Pasul


Editor: Luisito V. Libatique Alvin D. Mangaoang
Tagasuri: Arabella May Z. Soniega Virgilio C. Boado
Gina A. Amoyen Editha T. Giron
Tagaguhit: Maeludi M. Manongdo Charles D. Mabalot
Tagalapat: Alvin D. Mangaoang
Tagapamahala: Tolentino G. Aquino Atty. Donato D. Balderas Jr.
Arlene A. Niro German E. Flora
Gina A. Amoyen Virgilio C. Boado
Editha T. Giron Alejo R. De Sesto

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region I


Office Address: Flores St., Catbangen, City of San Fernando, La Union
Telefax: (072) 682-2324; (072) 607-8137
E-mail Address: region1@deped.gov.ph
Alamin

Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang mga aralin sa nakaraang mga
araw. Ngayon ay narito na tayo sa panghuling aralin para sa ikalawang markahan.
Masusukat sa bahaging ito ang iyong kaalaman at kasanayang iyong nalinang sa
markahang ito. Natitiyak kong kayang-kaya mong gawin ang mga pangwakas na
gawain sa pagtatapos ng ikalawang markahan. Handa ka na ba? Tara na’t tayo ay
magsimula na.

Ang Modyul 7 ay magsisilbing pangwakas na aralin para sa kabuoan ng


ikalawang markahan (Panitikang Kanluranin). Ito’y tungkol sa mga akdang
pampanitikan ng mga bansang kanluranin mula sa Europa, Hilaga at Timog
Amerika tulad ng Iceland, England (United Kingdom), United States of America
Cuba, Brazil at isa sa mga isla ng Caribbean.

Ang panitikan ng bansa sa mga bansang kanluranin na tumutukoy sa


malaking bahagi ng panitikan mula sa sinaunang panahon tungo sa kasalukuyang
panahon ng Indo-Europeo na binubuo ng Ingles, Kastila, Pranses, Italyano at Ruso
na pawang ang pinagmulan ng kanilang pamanang panitikan ay sa sinaunang
Gresya at Roma. Ang naturang pamanang ito ay pinangalagaan at kalaunan ay
nagbagong-anyo sa pamamagitan ng paglaganap ng kristiyanismo. Nagpalipat-lipat
ito sa buong kontinente ng Europa hanggang sa umabot sa mga bansa sa
kanluran.

Mababasa at masusuri ang dagling pinamagatang Ako Po’y Pitong Taong


Gulang na nagmula sa isang rehiyon sa mga isla ng Caribean. Mababatid mo rin
ang mga anyo ng panitikang makikita sa social media. Sa pagtatapos ng modyul,
inaasahang ikaw ay makasusulat ng sarili mong dagli na mailalathala sa social
media.

Narito ang mga lilinanging pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto


(MELC):
1. Nabibigyang-puna ang mga nababasa sa mga social media (pahayagan, TV,
internet tulad ng fb, e-mail, at iba pa) F10 PB-IIi-j-79
2. Natutukoy at nabibigyang-kahulugan ang mga salitang karaniwang nakikita
sa social media. F10 PT-IIg-h-75
3. Natutukoy ang mga popular na anyo ng panitikan na karaniwang nakikita
sa social media. F10 PD-IIg-h-73
4. Naisusulat at naibabahagi sa iba ang sariling akda. F10 PU- IIi-j-77
5. Nagagamit ang kahusayan sa gramatikal at diskorsal na pagsulat ng isang
organisado at makahulugang akda. F10 WG II-i-j-70

1
Subukin

Bago tayo dumako sa ating talakayan tungkol sa pangwakas na gawain,


magkakaroon muna tayo ng paunang pagtataya. Subukang sagutin ang inihanda ko
upang masukat ko ang iyong kaalaman sa ating paksang pag-aaralan.
PAUNANG PAGTATAYA
A. Panuto: Tukuyin ang sumusunod na website o aplikasyon na makikita sa social
media. Isulat ang mga ito sa sagutang papel.

Social Media

1. ___________ 2. ___________ 3. ___________ 4. ___________ 5. ___________


B. Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod na anyo ng panitikan ay nabibilang na
popular sa social media. Isulat sa sagutang papel ang tsek (/) kung ito ay
kabilang at ekis (X) naman kung hindi.
_____ 1. Balagtasan _____ 6. Rapbattle (Fliptop)
_____ 2. Hugot lines _____ 7. Pabula
_____ 3. Spoken Word Poetry _____ 8. Vlog
_____ 4. Dagli _____ 9. Elehiya
_____ 5. Alamat _____ 10. Blog
C. Panuto: Magbigay ng iyong inisyal na kaalaman sa pagsulat ng isang
organisado at makahulugang akda. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

Organisado at
makahulugang
akda

Magaling! Natutuwa ako at mahusay mong naisagawa at nasagutan ang


paunang pagtataya. Samahan mo akong alamin kung tama ba ang naging
kasagutan mo sa paunang pagtataya, magpatuloy na tayo sa susunod na gawain.

2
Aralin Pangwakas na Gawain sa
Panitikang Kanluranin
1 Social Media at Anyo ng Panitikan sa Social Media
Panitikan: Ako Po’y Pitong Taong Gulang
Gramatika: Kasanayang Gramatikal at Diskorsal

Balikan

Ngayon, bago tayo pumunta sa talakayan, magbabalik-tanaw muna tayo sa


mga natalakay na akdang pampanitikan ng mga bansang kabilang sa kanluranin.
Sagutin mo muna ang gawain.

Gawain 1: Naaalala Mo Ba?


Panuto: Sa pamamagitan ng Circle organizer, ilagay sa bilog ang pamagat ng mga
napag-aralang mga akdang pampanitikan mula sa unang modyul hanggang sa
ikaanim na modyul sa Ikalawang Markahan. Sagutin ang sumusunod na tanong sa
sagutang papel.

Modyul 2

Modyul 1 Modyul 3

PANITIKANG
KANLURANIN

Modyul 6 Modyul 4

Modyul 5

1. Ano ang kabuluhan ng pag-aaral sa mga akdang pampanitikan ng


Kanluran?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Sa lahat ng mga akdang Kanluranin na iyong nabasa o natutuhan, alin sa


mga ito ang tumatak sa iyo? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3
3. Ilahad ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kulturang Pilipino sa kultura ng
mga bansang pinagmulan ng mga akdang tinalakay.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Ano-anong genre ng akdang pampanitikan ang iyong natutuhan sa


ikalawang markahan? Magbigay ng maikling pagpapaliwanag sa bawat
genre.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Paano nakatutulong ang kaalaman sa wastong gamit ng gramatika at


paglinang ng talasalitaan sa pag-aaral ng mga akdang pampanitikan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Binabati kita! Mahusay mong naisagawa ang pagbabalik-aral. Patunay na


naunawaaan mo ang mga akdang pampanitikan na iyong napag-aralan. Natutuhan
mo ang iba’t ibang anyo ng panitikan na ipinagmamalaki ng mga bansang
Kanluranin. Sa tulong ng mga akdang ito, nagkaroon ka ng mas malalim na pag-
unawa at pagpapahalaga sa kultura ng bawat bansang iyong napag-aralan.
Ang panitikan ay maituturing na kayamanan ng isang bansa dahil
sumasalamin ito sa kanilang sariling kultura, kaugalian, kaisipan, pamumuhay at
kasaysayan. Bilang pangwakas na gawain sa modyul na ito, ikaw ay lilikha ng
sarili mong dagli na ilalathala sa social media.

Tuklasin

Basahin at tuklasin mo ang gamit at kahulugan ng social media at ang mga


salitang palaging ginagamit ng mga kabataang tulad mo sa social media.

Alam mo bang…
Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao
na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng
impormasyon at mga idea sa isang virtual na komunidad at mga network?
Itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-based na mga aplikasyon na
bumubuo ng ideolohikal at teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na
nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng
gumagamit.

Narito ang ilan sa mga halimbawa ng social media:

Facebook – Isang uri ng social media na kung saan


maaring magdagdag ng mga kaibigan at magpadala ng
mensahe at baguhin ang kanilang sariling sanaysay upang
ipagbigay-alam sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa
kanilang sarili.

4
Twitter – Ang tawag sa microblogging na serbisyong
nagbibigay kakayahan sa gumagamit nito na magpadala at
basahin ang mga mensahe na kilala bilang tweets. Ang
mga nakarehistrong user ay maaaring magpost ng mga
tweet ngunit ang mga di-nakarehistro ay maaari lámang
magbasá ng mga ito. Naaakses ng mga user ang twitter sa
pamamagitan ng website interface nito, SMS, o isang app
sa isang mobile device.

Instagram – Ito ay isang uri ng social media na may


serbisyong magbahagi ng kanilang larawan at video.
Pinapayagan ang mga gumagamit na mag edit at mag
upload ng mga larawan at maiikling video sa pamamagitan
ng isang mobile app. Ang mga gumagamit ay maaring
magdagdag ng isang caption sa bawat isa sa kanilang mga
post.

YouTube – Ang website na nagbabahagi ng mga video at


nagbibigay-daan para sa mga tagagagamit nito na
magbahagi, makita, at ibahagi ang mga video clips. Ang
mga video na ito ay maaaring gawing reaksiyon; ang dami
ng husga o likes at ng mga nakanood ay parehong
nakalathala. Maaari ring mag-iwan ng komento ang mga
manonood sa karamihan ng video.

Wattpad – Ito ay isang website o app para sa mga


mambabasa at manunulat na maglathala ng mga bagong
kuwento na nilikha ng gumagamit sa iba’t ibang genre.
Nilalayon nitong lumikha ng mga pamayanan panlipunan
sa pamamagitan ng mga kuwento para sa mga baguhan at
batikang manunulat.

Sa patuloy na paggamit ng kabataang tulad mo sa social media,


maraming mga salita ang nabuo na palaging ginagamit at nakikita sa social
media.

Basahin ang sumusunod na pahayag.


“Ang ganda ng suot ko, mag-selfie nga ako.”
“Flex ko lang itong bagong cellphone ko.”
“Ang talino talaga niya sa klase, Lodi!”
“Sa kabila ng lahat ng ginawa ko, friendzone pa rin ako.”
“Pabebe naman itong babaeng ito!”
“Hala Friend, ang ganda-ganda mo naman ngayon. Charot!”

Pansinin ang mga salitang nabigyang diin, pamilyar ka ba sa mga ito?


Halina’t bigyang natin ito ng kahulugan.

 Selfie – Pagkuha ng larawan sa sarili gamit ang gadyet.


 Friendzone – Isang uri ng relasyon na hanggang kaibigan lamang, marahil
hindi pa handa ang isang tao o sadyang kaibigan lang ang turing nito.

5
 Flex – Ang salitang ginagamit kapag may ipinagmamayabang, ito ay maaring
tao, hayop o bagay.
 Lodi – Hango sa salitang ingles na idol at binaligtad ito upang maiba ang
pagbigkas. Ito ang salitang ginagamit kung mayroon kang taong
hinahangaan.
 Charot – Nangangahulugang na nagbibiro lamang o biro lang.
 Pabebe – Ang ginagamit na salita sa taong maarte sa kaniyang kilos.

Gawain 2: Bigyang-kahulugan Mo!


Panuto: Ibigay ang kahulugan ng ilang mga salitang nakikita sa social media at
gamitin ito sa makabuluhang pangungusap sa iyong sagutang papel.
1. YOLO: ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ghosting: _________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Seenzone: _________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Pa-fall: ____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Petmalu: __________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Ngayong nagkaroon ka na ng kaalaman tungkol sa social media, dumako na


tayo sa mga anyo ng panitikang popular ngayon sa mga kabataang tulad mo.
Samahan mo akong suriin ang mga ito

Suriin

Basahin at unawain mo ang mga anyo ng panitikang popular sa social media.


Suriin mo ang mga hakbang sa pagsulat ng dagli at mga kakayahang komunikatibo
dahil magagamit mo ito sa inaasahang pagganap.

Anyo ng Panitikan sa Social Media


 Ang paglaganap ng internet at pag-usbong ng iba’t ibang social media ay
nagdulot ng napakalaking pagbabago sa anyo ng panitikan. Ang pagkahilig
ng marami, lalo na ng mga kabataang tulad mo sa mga kontemporaryong
anyo ng panitikan ang nag-udyok sa pagbabagong bihis ng tradisyonal na
anyo nito.
 Sa pamamagitan ng social media at mga aplikasyon nito sumasabay ang
panitikan sa modernisasyon ng mundo – sa pabago-bagong aspekto ng
teknolohiya at internet. Ang modernisasyong ito ang nagluwal sa
makabagong anyo sa pamamaraan ng pagtula, pagkukuwento at iba pang
anyo ng panitikan na labis na kinahuhumalingan ng mga kabataan.
 Maraming mga kabataan ngayon ang nawiwili sa pagbabasa o panonood sa
iba’t ibang anyo ng panitikan sa social media.

6
Gawain 3: Post ko iyan!
Panuto: Basahin ang dalawang anyo ng panitikan na popular ngayon sa social
media:

“Sana may traffic lights din sa “Sana ulan ka at lupa ako..


pag-ibig para alam natin kung Bakit?
kailan maghahanda, di-diretso, Para kahit gaano man kalakas
o hihinto” ang patak mo, sakin pa rin ang
bagsak mo.”

Pamilyar ka ba sa iyong nabasa? Nagkapag-post ka na rin ba ng ganito sa social


media. Isulat sa iyong sagutang papel ang iyong kaalaman ukol dito.

Narito ang ilan sa mga anyo ng panitikan na nababasa sa social media:


 Blog – Ito ang modernong pamamaraan ng pagsusulat kung saan
nagbibigay ng impormasyon sa pamamagitan ng internet sa mukha ng mga
artikulo na may iba’t ibang mga partikular na paksa.

7
Hakbang upang Matuldokan
(Bahagi lamang)

Ang pagdami ng bilang ng mga


nagtatrabahong bata o child workers a
y indikasyon na lumalala na ang kahirapan sa
ating bansa. Sa bawat sulok ng ating bayan,
hindi natin maikakaila na talagang marami
ang nakakaranas ng kahirapan sa buhay. Sa
murang edad ng mga bata ay nagbabanat na
sila ng buto upang kumita ng pera na
ipinangtutustos sa pangangailangan ng
kanilang pamilya.
Marami din naman ang mga batas na nagbabawal sa child labor. Ngunit bakit
marami parin ang bilang ng mga batang naghahanap buhay? Dalawa lang ang
dahilan kaya dumadami ang bilang ng mga Child Laborers unang una ay ang
kahirapan sa buhay at ang ikalawa naman ang kawalan ng trabaho ng kanilang
magulang.
Bakit nga ba sarami ng matatandang hindi nagtatrabaho, bakit ang mga bata pa
ang kailangan na maghanap buhay? Na dapat ang mga batang ito ay nasa loob
ng paaralan upang mag-aral, upang maabot ang kanilang mga pangarap sa
buhay at upang magkaroon ng maayos at magandang kinabukasan. Ang kanilang
mga magulang ang dapat na nagtatrabaho upang matutustusan ang mga
pangangailangan ng kanilang mga anak. At responsibilidad din nila na
pangalagaan at mabigyan ng masaganang buhay ang kanilang mga anak.

Para sa kabuoang blog maaring basahin sa link na ito:


https://childlabor2017.wordpress.com/2017/02/25/batang-kalabaw/
 Hugot lines – Pangungusap na nabuo mula sa paghihinuha ng mga sariling
karanasang kadalasang tungkol sa pag-ibig.
“Minsan may mga taong iniiwasan mong pansinin pero ang puso mo
gustong-gusto siyang kumustahin.”

 Pick-up lines/Banat – Tumutukoy sa magiliw na paggamit ng


paghahambing upang makatawag atensiyon sa taong pinatutungkulan nito.
Pwede mo ba akong samahan pumunta sa sementeryo?
Bakit?
Bibisitahin lang natin iyong puso kong patay na patay sa iyo.

Narito naman ang ilan sa mga anyo ng panitikan na napapanood sa social


media:
 Vlog – Isang uri ng blog na ginagamit ang video bilang medium. Ito ay
tinatawag na web television. Ang mga vlog ay kadalasang napanonood sa
YouTube.
Maaring panoorin ang link na ito.
True meaning of Filipino Hospitality – Wil Dasovich
https://www.youtube.com/watch?v=t3mNwcwo2mk
SkyLine – Cong TV
https://www.youtube.com/watch?v=ixf4gLSgj2Y&t=463s

 Fliptop – Pagsasagutan ng dalawang magkalabang panig sa pamamagitan


ng rap o mabilis na pananalita. Tinatawag din itong makabagong balagtasan
ng mga kabataan.

8
Maaring panoorin ang link na ito.
Fliptop
Shernan vs. Range
https://www.youtube.com/watch?v=pWUhqtsJ5iE

 Spoken word poetry – Isang anyo ng tula na may malikhaing pagsasaad ng


kuwento o pagsasalaysay. Ito ay malikhaing inilalahad ng patula sa mga
madla.
Maaring panoorin ang link na ito.
Ang nag-iisa- Juan Miguel Severo
https://www.youtube.com/watch?v=d8trTWzs7BM

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga anyo ng panitikang nababasa at


napanonood mo sa social media. Bago tayo magpatuloy, magbigay ka muna ng
iyong paghuhusga sa mga popular na anyo ng social media.

Gawain 4: Husgahan Mo!


Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.
1. Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyonal na panitikan tungo
sa popular na anyo ng panitikan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Bakit lubos na kinagigiliwan ng mga kabataan ang panitikan na nasa social


media?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Sa mga popoular na anyo ng panitikan sa social media, ano ang iyong lubos
na kinagigiliwan? Ipaliwanag ang naging kasagutan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Magaling mong naisagawa ang gawain. Magpatuloy upang magkaroon ka ng


kaalaman sa akdang iyong susulatin para sa pangwakas na gawain. Isa pang
popular na anyo ng panitikan sa social media ay ang Dagli. Halina’t samahan mo
akong alamin ang kahulugan nito.

Alam mo bang…
Dagli ay isang anyong pampanitikang maituturing na maikling maikling
kuwento?
 Ang dagli ay isang napakaikling kuwento na nakapokus sa isang karanasan
o pangyayari sa buhay ng isang tauhan. Mapapansing gahol ito sa banghay
at walang aksiyong umuunlad kaya mga paglalarawan lamang sa mga
sitwasyon.
 Ito ay isang anyo ng Panitikang Filipino na nagsasalaysay ng iba’t-ibang
paksa sa buhay ng isang tao. Nagsasalaysay na lantaran at walang-timping
nangangaral, namumuna, nanunudyo o kaya’y nagpapasaring.
 Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ang nauusong estilo ng maikling
kuwento. Mga kuwentong pawang sitwasyon lamang, plotless wika nga sa
Ingles. Ito rin ay napagkakamalang katumbas ng flash fiction o sudden
fiction sa Ingles.

9
 Maraming mga tanyag na manunulat ngayon ang naglathala ng kani-
kanilang aklat na naglalaman ng mga dagli. Isa na rito si Eros Atalia na
naging kilala sa kaniyang aklat na “Wag Lang Di Makaraos” kung saan ito
ay kalipunan ng isang daang mga dagli taong 2011 na hanggang ngayon ay
patuloy pa rin itong binabasa ng mga kabataang tulad mo. Iba’t ibang paksa
at layunin ang kaniyang mga dagli maaaring nagpapatawa, nagpapasaring,
nagbubukas ng kamalayan at nag-iiwan ng isang makahulugang mensahe o
aral.
 Mapapansin ang paglaganap ng dagli sa social media, maaring ito ay
napapanood o nababasa sa iba’t ibang aplikasyon.

Maligayang Pasko
-Eros Atalia
Pinatay niya na ang sauce. Luto na rin ang noodles ng spaghetti. Sinilip niya ang
oven. Paluto na ang lechon de leche. Nagniningning sa mantika ang hamon, hotdog
at bacon. Nasa gitna na ng mesa ang mansanas, ubas, kahel at peras. Hiwa na rin
ang keso de bola. Timplado na rin ang juice. Inilagay na niya sa mesa ang morcon,
lechon manok, embutido, paella at pinasingaw na sugpo. Naglagay siya ng tatlong
pinggan, baso, kutsara at tinidor sa mesa. Pati na rin ang napkin.
Maya-maya, bitbit na niya ang isang supot. Sa loob nito ay may ilang nakabalot na
ulam.
Lumabas na siya ng bahay. Tinahak na niya ang nagniningning na lansangan.
Habang naglalakad, sinilip niya ang laman ng supot. May apat na balot. Hindi niya
maaninag kung ano-ano ang laman ng mga ito. Pero tamang-tama sa anim niyang
anak at sa kanilang mag-asawa ang bitbit na pabaong Noche Buena.
Bukas, araw ng Pasko, maaga siyang babalik upang maghugas ng pinagkainan.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Dagli (Ayon kay Eros Atalia)


 Magbigay tuon lamang sa isa: tauhan, banghay, tunggalian, diyalogo,
paglalarawan ng matinding damdamin o tagpo.
 Magsimula lagi sa aksiyon.
 Sikaping magkaroon ng twist o punchline sa dulo
 Magpakita ng kuwento, huwag ikuwento ang kuwento
 Gawing double blade ang pamagat

Mas mapabubuti mo pa ang iyong susulating dagli, mainam na iyong


malaman ang dalawa sa uri ng kakayahang komunikatibo. Ang mga kakayahang ito
ay nalinang na sa mga gawaing iyong naisagawa sa ikalawang markahan.

Kakayahang Gramatikal
 Ito ay tumutukoy sa kakayahang makabuo at makaunawa nang maayos at
makabuluhang pangungusap na naayon sa tuntunin ng gramatika.
Mahalagang mabatid ang mga tuntuning pang-gramatika dahil magagamit
ang mga ito sa epektibong pagbuo ng salita, pangungusap, tamang
pagbigkas, pagbaybay at maging sa pagbibigay kahulugan sa salita. Ang
mga komponent na ito ay nagsasaad kung ano-anong mga salita ang angkop
at kung kailan ito nagagamit nang tama.
 Magagamit mo ang kahusayan sa gramatikal sa pagsulat mo ng iyong
sariling dagli sa pamamagitan ng pagsunod sa wastong gamit ng balarilang
Filipino.

10
 Nagagamit mo nang wasto ang sampung bahagi ng panalita sa pagbuo
ng mga pangungusap.
 Natitiyak ang wastong baybay o ortograpiya ng wikang Filipino sa
paggamit ng mga salita.
 Nabibigyang-pansin ang tuntunin hinggil sa paggamit ng “ng” at “nang”,
“din” at “rin”, “daw” at “raw”.
 Nagagamit nang wasto ang gamit ng mga bantas.
 Natitiyak ang wastong estruktura ng pangungusap.
Kakayahang Diskorsal
 Ito ay ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang isang tiyak
na wika sa makabuluhang paraan. Dito binibigyan ng wastong
interpretasyon ang salita, pangugusap o pahayag upang makabuo ng isang
mas malawak at malalim na kahulugan. Tinuturo ng paraang diskorsal
kung sa paanong paraang ang mga salita, parirala at pangugusap ay
mapagsasama-sama o mapag-uugnay-ugnay upang makabuo ng maayos na
usapan, sanaysay, talumpati, e-mail, artikulo at iba pa.

Basahin at suriin ang maikling talata sa kahon:


“Patuloy tayong lumaban na may ngiti sa ating mga labi. Ang
pagbagsak ng ekonomiya dahil na rin sa pagsasara ng ilan sa mga negosyo sa
buong bansa. Hindi madali ang kinahaharap nating pagsubok sa
kasalukuyan ngunit sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan
mapagtatagumpayan natin ito. Ang kahirapang nararanasan ng bawat isa at
kawalan ng ipanlalaman tiyan dahil sa kawalan ng hanap-buhay ng mga tao.
Tandaan natin na ang isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating Pilipino
ay ang matatag na pagharap sa mga suliraning dumarating. Ang lahat ay
apektado sa pandemyang kinakaharap ng lipunan sa kasalukuyan. Malaki
ang naging epekto nito sa buhay ng mga Pilipino dahil na rin sa kawalan ng
kahandaan sa magiging dulot nito. Sa patuloy na pagdami ng kaso ng
nagkakasakit, hindi lamang natatapos sa mga pasyenteng dinadala sa ospital
ang apektado kundi pati na rin ang buhay ng bawat isa.”

Malinaw ba ang talata? Maayos ba ang pagkasunod-sunod ng mga


pangungusap sa talata? Ano ang dapat gawin upang maging makabuluhan ang
pahayag?

Gawain 5. Suriin Mo!


Panuto: Suriin ang pagkakabuo ng talata. Isulat sa sagutang papel ang mga
napunang mali.

Tandaan, may dalawang bagay na isinasaalang-alang upang maging


malinaw at makabuluhan ang nais iparating na mensahe – ang kaugnayan at
kaisahan.

 Ang kaugnayan ay tumutukoy sa kung paano nagkakaugnay-ugnay ang


kahulugan ng mga pangungusap o pahayag sa paraang pasalita o pasulat.

11
Maituturing na may ugnayan ang mga pangungusap sa isang komposisyon
kung mahusay ang pakakahanay ng mga idea o pangyayaring tinatalakay
rito. Sa pamamagitan nito magiging tuloy-tuloy ang diwa nito.
 Ang kaisahan naman ay tumutukoy sa kung paano nagkakaugnay-ugnay
ang dalawang idea sa wastong paggamit ng wika. Nakapaloob dito ang
paggamit ng mga panghalip bilang panghalili sa mga natukoy na sa simula
ng pahayag at pagdaragdag ng mga kataga, panuring at komplemento upang
pahabain ang mga pangungusap.

Ating balikan ang talata, gamit ang dalawang kakayahan, maisasaayos


natin nang malinaw ang mensahe na nais iparating ng talata. Bigyang pansin ang
pagbabago sa talata.

“Ang lahat ay apektado sa pandemyang kinakaharap ng lipunan sa


kasalukuyan. Malaki ang naging epekto nito sa buhay ng mga Pilipino dahil
na rin sa kawalan ng kahandaan sa magiging dulot nito. Sa patuloy na
pagdami ng kaso ng nagkakasakit, hindi lamang natatapos sa mga
pasyenteng dinadala sa ospital ang apektado kundi pati na rin ang buhay ng
bawat isa. Ang pagbagsak ng ekonomiya dahil na sa pagsasara ng ilan sa mga
negosyo sa buong bansa. Ang kahirapang nararanasan ng bawat isa at
kawalan ng ipanlalaman tiyan dahil sa kawalan ng hanap-buhay ng mga tao.
Hindi madali ang kinakaharap nating pagsubok sa kasalukuyan ngunit sa
pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan mapagtatagumpayan natin ito.
Tandaan natin ang isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating Pilipino ay
ang pagiging matatag sa pagharap sa mga suliraning dumarating. Patuloy
tayong lumaban na may ngiti sa ating mga labi.”

Mahusay! batid kong naunawaan mo ang ating naging talakayan. Ngayon


ikaw naman, magbibigay ka ng iyong puna sa mga napapanahong isyu sa lipunan
at social media.

Gawain 6. Ipaliwanag Mo!


Panuto: Pumili ng isang paksang nasa kahon at sumulat ng talatang naglalaman
ng iyong puna tungkol sa mga napapanahong isyu. Bigyang pansin ang
panuntunan sa kasanayang gramatikal at diskorsal.

 Hindi pag-apruba ng kongreso sa prangkisa ng ABS-CBN.


 Epekto ng social media sa kabataan ngayong may pandemya.
 Buhay ng mga Pilipino sa panahon ng pandemya.
 Pag-apruba sa Anti-Terror Bill
 Pagbibigay ng gobyerno ng SAP o tulong pinansyal sa mahihirap.
 Pagsasaayos at paglalagay ng dolomite sa Manila Bay
 Pagkawili ng mga kabataan sa mga nauusong aplikasyon sa social
media.

12
Tatayain ang iyong naging sagot batay sa sumusunod na pamantayan:

Kategorya Puntos
Naayon ang nilalalaman sa paksang tinatalakay 10
Nailalahad ang mga idea ng organisado 10
Wastong gamit ng wika 10
Kabuoan 30

Mahusay! Binabati kita sa matiyaga mong pag-aaral sa mga aralin. Sa


kasunod na bahagi ng modyul na ito ay babasahin mo ang dagling “Ako Po’y Pitong
Taong Gulang mula sa isang rehiyon sa mga isla ng Caribean.
Kung handa ka na, magsimula na!

Pagyamanin

Basahin at unawain mo ang dagli na pinamagatang Ako Po’y Pitong Taong


gulang na nagmula sa isa sa Isla ng Carribbean. Bigyang pansin ang pagkakabuo
ng akda dahil magagamit mo ito sa inaasahang pagganap.

13
Ako Po’y Pitong Taong Gulang

Hello. Ang pangalan ko po ay Amelia at


nakatira ako sa isang isla sa Caribbean. Ako po’y
pitong taong gulang. Noon po’y ipinamigay ako ng
aking mahihirap na magulang sa isang mayamang
pamilyang nakatira sa lungsod. Ngayon pong araw
na ito, gaya ng ginagawa ko araw-araw, gumising po
ako ng alas singko ng umaga. Umiigib ako ng tubig
sa isang balon na malapit sa amin.
Napakahirap pong balansehin ang mabibigat
na banga sa aking ulo. Pagkatapos po ay naghanda
na ako ng almusal at inihain ko po iyon sa pamilyang
pinaglilingkuran ko. Medyo nahuli nga po akong ng
paghahain ng almusal, kaya pinalo po ako ng aking
amo ng sinturon.
Pagkatapos po ay inihatid ko sa paaralan ang
kanilang limang taong gulang na anak na lalaki.
Sumunod po, tumulong ako sa paghahanda at
paghahain ng tanghalian ng pamilya. Kung hindi pa po oras ng pagkain, kailangan
ko pong mamili ng pagkain sa palengke at gawin ang mga utos nila, asikasuhin
ang apuyan, walisan ang bakuran, labhan ang mga damit, hugasan ang
pinagkainan at linisin ang kusina. Hinihugasan ko rin po ang mga paa ng aking
among babae. Galit na galit po siya ngayong araw na ito at sinampal po niya ako
dahil sa galit. Sana’y hindi na po siya galit bukas.
Ipinakain po sa akin ang kanilang natirang pagkain, mas mabuti naman po
ito kaysa giniling na mais na kinain ko po kahapon. Gula-gulanit po ang aking
damit at wala akong sapatos. Hindi po ako kailanman pinayagan ng aking mga
amo na ipaligo ang tubig na iniigib ko para sa pamilya. Kagabi po ay sa labas ako
natulog, kung minsan po ay pinatutulog nila ako sa sahig sa loob ng bahay.
Nakalulungkot pong isipin na hindi ako ang mismong sumulat nito. Ayaw po nila
kasi akong payagang mag-aral.

Maging maayos po sana ang araw ninyo. – Amelia

Gawain 7: Unawain Mo!


Panuto: Tukuyin at suriin ang tauhan, tagpuan at mga pangyayari sa binasang
dagli sa iyong sagutang papel.
1. Tauhan
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Tagpuan
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Pangyayari 1
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Pangyayari 2
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

14
5. Pangyayari 3
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain 8: Pag-unawa sa Binasa


Panuto: Suriin ang mga mahahalagang pangyayari sa akda. Sagutin ang mga
sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.
1. Ano-anong suliranin ang pinagdaanan ni Amelia?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Natatamasa ba ni Amelia ang karapatan ng isang pitong taong gulang?
Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Ano –ano ang mga dapat na ginagawa ng isang pitong taong bata?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Mahusay! Basahin at ipagpatuloy mo ang mga gawain para sa mas malalim


na pag-unawa sa akdang binasa.

Isa sa kinakaharap na suliranin ng tauhan sa dagling “Ako Po’y Pitong


Taong Gulang” ay ang child labor. Laganap ang child labor hindi lamang sa
Pilipinas kundi maging sa iba pang panig ng daigdig. Kapag may nakita kang
batang lalaki o babaeng naghahanap-buhay na sa kanilang murang edad, marahil
naitanong mo sa sarili ang mga dahilan kung bakit kailangan nilang magtrabaho
sa halip na sila ay nasa paaralan at nasisiyahan sa pagiging bata.
Maaaring nakabasa o nakapanood ka na rin sa social media ng mga batang
inaabuso at pinagtatrabaho kahit pa sa murang edad. Aking hihingin ang iyong
makabuluhang opinyon ukol dito sa pamamagitan ng larawan. Bigyang husga mo
ang larawan na nasa ibaba upang mas mapalalim mo pa ang iyong pang-unawa

Gawain 9: Larawan Mo, Opinyon Ko!


Panuto: Sumulat ng talatang naglalaman ng iyong opinyon o interpretasyon
kaugnay sa larawan. Bigyang-pansin ang mga panuntunan sa wastong pagsulat.
Ilagay ito sa iyong sagutang papel.

15
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Gawain 10: Post Mo, Reaksiyon Ko!


Panuto: Magbigay ng opinyon sa mga trending post sa social media patungkol sa
mga batang may kinakaharap na suliranin. Ilagay ang iyong sagot sa sagutang
papel.
1. Batang estudyante na nakatulog sa harap ng simbahan sa Lipa, Batangas.
Makikita na nakasandal sa kaniyang bag habang nakahawak sa libro at
paninda niyang sampaguita. Nagbebenta siya ng sampaguita pagkatapos ng
kaniyang klase para makatulong sa kaniyang nanay.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Siyam na anyos na bata ipinagbebenta ang 50 medalya para makakain ang
pamilya. Baon sa utang at nawalan ng trabaho ang ina ni Kenneth dahil sa
pandemya kaya para may makain ang kaniyang pamilya, binebenta niya
ng bente pesos kada isa, ang kaniyang medalya.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Tatayain ang iyong naging sagot batay sa sumusunod na pamantayan:


Kategorya Puntos
Naayon ang nilalalaman sa paksang tinatalakay 10
Nailalahad ang mga idea ng organisado 10
Wastong gamit ng wika 10
Kabuoan 30

16
Isaisip

Gawain 11. Natutuhan Ko!


Panuto: Ibigay ang mga natutuhan mo sa mga paksang natalakay. Subukin
mong sagutin ang gawain sa iyong sagutang papel. Gayahin ang pormat.

Mga natalakay na
Natutuhan ko Kahalagahan nito
paksa

Social Media

Popular na anyo ng
panitikan

Kakayahang
gramatikal at
diskorsal

Dagli
Ako po’y pitong
taong gulang

17
Isagawa

Upang matiyak mo kung talagang naintindihan ang araling ating tinalakay sa


mga nagdaang araw, isagawa mo ang pangwakas na gawain para sa Ikalawang
Markahan. Natitiyak kong kayang-kaya mo nang sumulat ng sarili mong akdang
ilalathala sa social media.

Gawain 11. GRASPS

Goal Makasusulat ng sariling dagli na mailalathala sa social media.


Role Ikaw ay isang mahusay na manunulat ng mga akda.
Audience Guro, kapwa mag-aaral at ang mga netizen sa social media
Ipagpalagay na ikaw ay manunulat sa iyong lalawigan na naatasang
Situation
sumulat ng sariling dagli na ilathala sa social media
Sariling-gawang dagli na may sariling pamagat na ilalathala sa social
Product
media.
Standards A. Orihinalidad ……………………….….…………………….… 30 puntos
B. Makatotohanan at Napapanahong paksa ….….….….... 30 puntos
C. Wasto at angkop na gamit ng gramatika at retorika.…. 25 puntos
D. Hikayat at kawilihan sa Mambabasa ……..………..…….15 puntos
Kabuoan.……….………..………………..…..................….100 puntos

___________________________
Pamagat

18
Tayahin

Napakahusay mo! Binabati kita sapagkat narito na tayo sa pangwakas na


pagtataya. Kaya sagutin mo na ang mga katanungan.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Pumili sa kahon at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

A. Facebook B. Youtube C. Instagram D. Wattpad E. Twitter

_____ 1. Ang tawag sa microblogging na may serbisyong nagbibigay kakayahan


sa gumagamit nito na magpadala at basahin ang mga mensahe na
kilala bilang tweets. Ang mga nakarehistrong user ay maaaring
magpost ng mga tweets ngunit ang mga di-nakarehistro ay maaari
lamang magbasa ng mga ito.
_____ 2. Ang website na nagbabahagi ng mga video at nagbibigay-daan para
sa mga tagagagamit nitong magbahagi, makita at ibahagi ang mga
video clips.
_____ 3. Isang uri ng social media na may serbisyong magbahagi ng kanilang
larawan at video. Pinapayagang ang mga gumagamit na mag-edit at
mag upload ng mga larawan at maiikling video sa pamamagitan ng
isang mobile app.
_____ 4. Isang uri ng social media na kung saan maari kang magdagdag ng
mga kaibigan at magpadala ng mensahe at baguhin ang kanilang
sariling sanaysay upang ipagbigay-alam sa kanilang mga kaibigan
ang tungkol sa kanilang sarili.
_____ 5. Isa itong website o app para sa mga mambabasa at manunulat na
mag-publish ng mga bagong kuwento na nilikha ng gumagamit sa
iba’t ibang genre.

B. Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod na anyo ng panitikan ay nabibilang na


popular sa social media. Isulat sa sagutang papel ang Tsek (/) kung ito ay
kabilang at ekis (X) naman kung hindi.

_____ 1. Balagtasan
_____ 2. Hugot lines
_____ 3. Spoken Word Poetry
_____ 4. Dagli
_____ 5. Alamat
_____ 6. Rapbattle (Fliptop)
_____ 7. Pabula
_____ 8. Vlog
_____ 9. Elehiya
_____ 10. Blog

19
C. Panuto: Magbigay ng iyong kaalaman sa pagsulat ng isang organisado at
makahulugang akda. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

Organisado at
makahulugang
akda

D. Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.


_____ 1. Isa kang lodi dahil nakagawa A. biro lang
ka ng iyong sariling dagli.
_____ 2. Friendzone pa rin ako sa kanya B. Hanggang kaibigan lang
kahit alam niyang sobra ko
siyang hinahangaan. C. Idolo o taong hinahangaan
_____ 3. Ang ganda mo naman beshie
parang lalaban sa Miss D. Ipagyabang
Universe. Charot!
_____ 4. Ang taas nang nakuha kong E. Maarte
iskor sa modyul. I-flex ko nga
ito sa aking mga kaibigan. F. Pagkuha ng larawan sa sarili
_____ 5. Ang ganda naman ng bago kong
cellphone, I try ko ngang mag-
selfie.
_____ 6. Alam mo naiinis ako sa kanya,
masyado siyang pabebe.

Magaling! Ang husay mo! Binabati kita sa sipag


mong pagsama sa paglalakbay natin sa mga
bansang Kanluranin. Batid kong marami ka
nang natutuhan sa mga aralin. Natuklasan mo
ang kanilang natatanging panitikan maging ang
wika at gramatika. Ngayon, papasok na tayo sa
susunod na yugto tungo sa mga panitikan ng
mga bansa sa Africa at Persia (Iran) – Ikatlong
Markahan: Panitikang African at Persian.

20
21
PAUNANG PAGTATAYA
A. B. C. Iba-iba ang sagot
1. Facebook 1. X 6. /
2. Twitter 2. / 7. X
3. Wattpad 3. / 8. /
4. Instagram 4. / 9. X
5. Youtube 5. X 10. /
BALIKAN
Gawain 1: Naaalala Mo Ba? Iba-iba ang sagot.
TUKLASIN
Gawain 2: Bigyang-kahulugan Mo! Iba-iba ang sagot.
SURIIN
Gawain 3: Post ko iyan! Iba-iba ang sagot.
Gawain 4: Husgahan Mo! Iba-iba ang sagot.
Gawain 5: Suriin Mo! Iba-iba ang sagot.
Gawain 6: Ipaliwanag Mo! Iba-iba ang sagot
PAGYAMANIN
Gawain 7: Unawain Mo! Iba-iba ang sagot.
Gawain 8: Pag-unawa sa Binasa Iba-iba ang sagot.
Gawain 9: Larawan mo, Opinyon ko! Iba-iba ang sagot.
Gawain 10: Post mo, Reaksiyon ko! Iba-iba ang sagot.
ISAISIP
Gawain 11: Natutuhan Ko!
Iba-iba ang sagot.
ISAGAWA
Gawain 11: GRASPS Iba-iba ang sagot.
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. C. Iba-iba ang D.
1. E 10. / 10. X sagot. 1. C
2. B 9. X 9. / 2. B
3. C 8. / 8. / 3. A
4. A 7. X 7. / 4. D
5. D 6. / 6. X 5. F
B. 6. E
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Ambat, V.C., et.al (2015). Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal
Group, Inc. pa. 145-147, 230-232.

Social Media. Nahango noong Mayo 25, 2020 mula sa


https://internetatsocialmedia.wordpress.com/socialmedia/

Kasanayang Komunikatibo. Nahango noong Mayo 25, 2020 mula sa


https://www.academia.edu/34040521/APAT_NA_KOMPONENT_O_SANGKAP_NG_
KASANAYANG_KOMUNIKATIBO

Kahulugan at kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan: Katangian ng mahusay na


Kritiko. Nahango noong Mayo 15, 2020 mula sa
https://slideshare.net/mobile/karenmfajardo/kahulugan-at-kahalagahan-ng-
panunuring-pampanitikan-katangian-ng-isang-mahusay-na-kritiko

Panitikan sa panahon ng Internet. Nahango noong Mayo 27, 2020 mula sa


https://varsitarian.net/filipino/20160428/panitikan_sa_panahon_ng_internet

Youtube. Nahango noong Mayo 28, 2020 mula sa


https://tl.wikipedia.org/wiki/YouTube

Twitter. Nahango noong Mayo 28, 2020 mula sa


https://tl.wikipedia.org/wiki/Twitter

Facebook. Nahango noong Mayo 28, 2020 mula sa


https://tl.wikipedia.org/wiki/Facebook

Trending Balita. Nahango noong Mayo 28, 2020 mula sa


https://tnt.abante.com.ph/batang-nakatulog-habang-nag-aaral-nagtitinda-ng-
sampaguita-pinusuan-ng-mga-netizen/

Trending Balita. Nahango noong Mayo 28, 2020 mula sa


https://www.gmanetwork.com/news/video/kapusomojessicasoho/533855/kapus
o-mo-jessica-soho-bata-ipinagbebenta-ang-50-medalya-para-makakain-ang-
pamilya/video/

Hugot Lines. Nahango noong Mayo 20, 2020 mula sa


https://philnews.ph/2019/02/16/hugot-lines-list-40-best-tagalog-hugot-lines/

Blog. Nahango noong Setyembre 21, 2020 mula sa


https://childlabor2017.wordpress.com/2017/02/25/batang-kalabaw/

22
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like