Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 44

5

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Pagbuo ng Pilipinas Bilang Nasyon

i
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Unang Markahan – Modyul 1: Pagbuo ng Pilipinas Bilang Nasyon

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang
gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na
may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat:
Jhoanna L. Padua Bacong ES Joan D. Paynita Busac ES
Marieta Q. Quidep Barayong ES Marilyn P. Cipriano Sta. Cruz ES
Virgilio M. Payno Jr. Busay ES Sulpicio A. Bongao Jr. Binanowan ES
Handy Bongao Francia ES Richard Z. Brutas Amtic ES
Jeanalou P. Cipriano LWCES (B) Corazon Bonde Basag ES
Mechelle P. Rodriguez Quiasa Extension Krizzia Mae Pedrajeta Tandarura ES
Annaliza A. Sodsod Tula-Tula (G) ES April Dawn R. Adones Allang ES
Jerrylyn Cereza Herrera ES Glenda Tunay Catburawan ES
Sheinna Peralta Bagacay Ext. Aehdeen Peraja Don Teotimo ES
Jimmy E. Pedragosa Cabarian ES Jereme Ralph Pojol Tambac ES
Rosemarie H. Benitez Tinampo ES Allan Rey B. Calwit Paulba ES
Imelda Lacquin Tula Tula Pequeño ES

Tagasuri: Delia V. Mendoza, Ph.D. EPS in Araling Panlipunan, SDO Ligao


Rachel R. Baltazar MT II, Ligao West Central ES (P)
Romeo B. Lorico MT II, Ligao National High School
Iriz R. Paz SSP I, Barayong National High School
Leo Irwin C. Lindio SSP II, Paulba National High School

Tagalapat: Daryl Prepotente IT teacher, DPPMHS

ii
Unang Markahan, Linggo 1, Araw 1

Pamagat Lokasyon ng Pilipinas: Mga Likhang Guhit Sa Globo


Layunin
Ang daigdig ay binubuo ng maraming bansa. Bahagi nito
ang bansang iyong pinaninirahan-ang Pilipinas.
Ang araling ito ay naglalahad ng mahahalagang
impormasyon tungkol sa pagtukoy ng lokasyon ng Pilipinas sa
daigdig. Kung susuriin mo ang globo mapapansin na may mga
guhit ito. Hindi makikita ang mga guhit na ito sa totoong daigdig.

Sa modyul na ito, inaasahang:

Essential Competency:
Naipaliliwanag ang kaugnayan ng lokasyon sa
paghubog ng kasaysayan.Naipaliliwanag ang
kaugnayan ng lokasaysayan.
Tiyak na Layunin:
1. Nailalarawan ang mga pangunahing likhang guhit sa
globo.
2. Naituturo ang mga pangunahing likhang guhit.
3. Napahahalagahan ang mga gamit ng likhang guhit.

Talahulugan
a.daigdig- ( Earth) isang planeta sa universe kung
saan nabubuhay lahat ng tao,hayop at
halaman

b.heograpiya- pag-aaral ng pisikal na daigdig at


atmospera nito

c.klima- kabuuang kalagayan ng atmospera sa


loob ng mahabang panahon

d.likhang guhit- Sadyang ginawa mula sa imahinasyon

e.lokasyon- isang posisyon o punto sa pisikal na


espasyo na sumasakop sa ibabaw ng
daigdig

f.bumabagtas- dumadaan

g.nasisinagan- nasisikatan

1
h.rehiyon- isang may hindi kalakihang sukat na lugar
o area ng lupa at tubig
Subukin Alamin natin kung gaano na ang lawak ng yong
kaalaman sa nilalaman ng modyul na ito.
Sagutin mo ang lahat ng aytem.

Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang


sagot sa patlang.

1. Patayong likhang guhit sa globo na paikot mula sa


hilaga patimog ng globo ________
2. Likhang guhit na naghahati sa daigdig sa magkaibang
araw_____________________
3. Likhang guhit na humahati sa daigdig sa hilagang-
hating globo at timog-hating
globo___________________
4. Pahalang o pahigang likhang guhit sa globo na paikot
mula silangang pakanluran ng globo_______________
5. Pinakatimog na bahagi ng daigdig na tuwirang
nasisikatan ng araw______________

Nasagot mo bang lahat?


Magaling! Ikaw ay maaari nang magpatuloy.

Mga Gawain Pag-aralan Mo


sa Pagkatuto

Hango sa LRMD HEKASI 4-MISOSA

Ang larawan sa itaas ay isang globo. Ito ay isang


panalot na kopya o modelo ng daigdig.Makikita mo sa globo ang
laki at lawak ng ibat-ibang lugar sa mundo. Gayundin ang mga
bahaging lupa at tubig.
Ano pa ang nakikita mo sa globo? May mga nakapalibot
na guhit, hindi ba?

2
Sa pag-aaral na iyong gagawin, mauunawaan mo kung
bakit inilagay ang mga guhit sa globo.
Ano-ano kaya ang mga guhit na ito?
Basahin Mo
ANG GLOBO

Ang globo ay ang modelo o representasyon ng daigdig.


Gamit ito sa pag-aaral ng heograpiya. Kung mapapansin mo,
napapalibutan o nababalot ito ng mga likhang guhit. Ang mga
likhang guhit na ito ay mga imahinasyon lamang na inilagay
upang magamit sa pagtukoy ng iba’t-ibang bahagi ng daigdig.
Hindi ito makikita sa tunay na daigdig ngunit mahalaga ito upang
mas madali nating matukoy ang eksaktong kinalalagyan ng
bawat lugar sa daigdig.

MGA PANGUNAHING LIKHANG GUHIT SA


GLOBO

Kung mapapansin mo mayroong mga patayo at


pahigaang likhang guhit ang globo. Ang mga patayong likhang
guhit sa globo at mapa ay tinatawag na MERIDIAN. Ito ay
nakaguhit mula hilaga patimog ng globo.Ito ay tinatawag ding
guhit longhitud.Hilagang Polo (North Pole) at Timog polo (South
Pole) ang tawag sa magkabilang dulo ng globo sa hilaga at sa
timog.

Dalawang Espesyal na Meridian

1. Prime Meridian
Ito ay ang naghahati sa globo sa dalawang bahagi- ang
silangang hating globo at kanlurang hating-globo. Tinatawag
din itong Greenwich Meridian dahil bumabagtas ito sa
Greenwich, England. Hilaga
Prime Meridian

Kanluran
Silangan

Timog

3
2.International Dateline ( IDL)
Ito ang likhang guhit na naghahati sa daigdig sa
magkaibang araw. Ang bahagi ng daigdig sa silagan ng IDL ay
nauuna ng isang araw kaysa sa bahaging nasa kanluran ng
guhit na ito. Matatagpuan ang IDL katapat ng Prime Meridian
sa kabilang panig ng daigdig.

Hilaga

International Date Line


Kanluran Silangan

Timog

Ang mga pahigang likhang guhit naman sa globo ay tinatawag


na PARALLEL.Ito ay tinatawag ding guhit latitud. Nakaguhit ito
mula silangan pakanluran ng globo. Magkapantay ang layo ng
mga parallel sa isat-isa.

Limang Espesyal na Parallel

1. Ekwador o Equator
Ito ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng globo,
may pantay na layo mula Polong Hilaga (North Pole) at
Polong Timog (South Pole). Ito ang likhang guhit na
humahati sa daigdig sa hilagang hating globo at timog-
hating globo. Ito rin ang pinakamalaking bilog na likhang
guhit na parallel.

Polong Hilaga o North


Pole

Hilagang
Hating Globo
EKWADOR

Timog Hating
Globo

Polong Timog o South


Pole

4
2. Tropiko ng Kanser o Tropic of Cancer
Ito ang pinakahilagang bahagi ng daigdig na tuwirang
nasisinagan ng araw.Ito rin ang nagsisilbing hilagang
hangganan ng tropics o ang rehiyon malapit sa
ekwador at may mainit na klima.

Tropiko ng Kanser

3. Tropiko ng Kaprikornyo o Tropic of Capricorn


Ito ay ang pinakatimog na bahagi ng daigdig na
tuwirang nasisinagan ng araw.Ito ang timog na
hangganan ng tropics.

Tropiko ng Kaprikonyo

4. Kabilugang Arktiko or Arctic Circle


Ito ang pinakadulong bahagi ng daigdig sa hilaga
na naaabot ng pahilis na sinag ng araw.

Kabilugang artiko

5. Kabilugang Antartiko or Antarctic Circle


Ito ang pinakadulong bahagi ng daigdig sa timog
na naaabot ng pahilis na sinag ng araw.

5
Kabilugang antartiko

Pagsasanay A. Panuto:Batay sa iyong binasa at pinag-aralan, sagutin


ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang Meridian?


__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________

2. Saan nagmumula ang mga guhit longhitud?


__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________

3. Ano ang parallel?


__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________

4. Ano ano ang mga espesyal na guhit parallel sa


globo?
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________

5. Anong bahagi ng daigdig ang tuwirang nasisinagan


ng araw?
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________

6
B. Buuin ang Puzzle na ito.

1 6

2 3

9 5 8

4 10

Pahalang Pababa

1. pahigang imahinasyon o 2.bahagi ng International


likhang guhit sa globo at Date Line na nauuna ng
mapa na tinatawag ding isang araw kaysa sa
guhit latitude kabilang bahagi nito
3. inilagay upang magamit 5.rehiyon na malapit sa
sa pagtukoy ng iba’t-ibang ekwador at may mainit na
bahagi ng daigdig klima
4. patayong imahinasyon o 6. may pantay na layo mula
likhang guhit sa globo at Polong Hilaga (North Pole)
mapa at Polong Timog (South
Pole)
7. tinatawag din itong 8. pinakadulong bahagi ng
Greenwich Meridian daigdig sa hilaga na naaabot
ng pahilis na sinag ng araw
9. modelo ng daigdig 10.Isang bahaging tropiko
na matatagpuan sa hilagang
bahagi daigdig

C. Gawin Mo
Panuto:Iguhit sa bilog ang mga susmusunod na likhang guhit
at lagyan ng label.

a. Prime Meridian b.International Date Line c. Mga guhit


parallel

7
Pagtataya May natutunan ka ba?
Upang masukat ang iyong natutunan sa aralin ,gawin ang
pagtataya sa ibaba.

A. Pagtukoy ng Konsepto. Punan ang patlang ng


wastong sagot.

1._________________________________ang likhang
guhit na naghahati sa daigdig sa magkaibang araw.
2. Ang Prime meridian ay tinatawag ding
_____________________________.
3. Ang mga patayong imahinasyong guhit sa globo ay
tinatawag na____________________.
4. Ang ekwador ay matatagpuan sa
___________________ bahagi ng globo.
5. Ang Parallel ay nakaguhit ng paikot mula
______________________ pakanluran ng globo.

B. Pag-aralan ang krokis( sketch). Ibigay ang pangalan ng


bahaging may bilang.

6.______

7.______ 9.__________
8._______

10.

C.Sagutin ang tanong.

Bakit mahalaga ang mga likhang guhit sa globo?


__________________________________________________
__________________________________________________

8
__________________________________________________
__________________________________________________
Karagdagang Gawain
Gawain Gamit ang mapa ng daigdig, tukuyin kung anong guhit
parallel/latitud matatagpuan ang mga sumusunod na bansa at
kontinente.
Halimbawa: Brazil- Pagitan ng Ekwador at Tropiko ng
Kaprikornyo

1.Pilipinas
2.Argentina
3.Greenland ( Denmark)
4.France
5.Antartica

Kabilugang
Artiko

Tropiko ng Kanser

Ekwador

Tropiko ng Kaprikornyo

Kabilugang Antartiko

https://www.pinterest.com/pin/408068416226933810/

Binabati kita at matagumpay mong


natapos ang modyul na ito! Maaari
mo nang simulan ang susunod na
modyul.

Unang Markahan, Linggo 1, Araw 2


I.Pamagat Pagtukoy ng Tiyak na Lokasyon Gamit ang Latitud
(Parallel) at Longhitud (Meriadian)

9
Isang masayang pagbati sayo! Sa naunang
aralin ay natutuhan mo ang mga imahinasyong guhit sa
mapa at globo. Ngayon, gagamitin mo ang ilan sa mga
guhit na ito sa pagtukoy ng tiyak na lokasyon ng
II. Layunin Pilipinas at mga karatig bansang ito.

Sa modyul na ito, inaasahang:


1. Natatalakay ang sukat/digri ng longhitud at
latitude ng Pilipinas at mga karatig bansa nito.
2. Natutukoy sa mapa o globo ang kinalalagyan/
kinaroonan ng Pilipinas at mga karatig-bansa nito.
3.Napapahalagahan ang katangi-tanging
lokasyon//kinalalagyan ng Pilipinas.

Sa pag-aaral mo sa modyul na ito, malalaman mo ang


kahulugan ng sumusunod na salita:

digri -Yunit sa pagsukat ng latitude at


longhitud
III. Talahulugan

grid -kuwadradong espasyo sa globo


na nabubuo sa pamamagitan ng
pagtatgpo ng mga parallel at
meridian. Ginagamit ito sa
pagtukoy sa tiyak na lokasyon ng
anumang lugar sa ibabaw ng
mundo.

10
Latitude -ang angular na distansiya
pahilaga o patimog mula sa
ekwador

Longhitud -ang angular na distansiya


pasilangan o pakanluran mula sa
Prime Meridian

Prime Meridian -ang likhang-isip na guhit na


naghahati sa globo sa dalawang
bahagi – ang silangang hating –
globo at kanlurang hating –globo

11
Suriin ang mapa. Ano ang tiyak na lokasyon ng
Pilipinas gamit ang latitud at longhitud?

IV. Panimulang
Pagsubok

Basahin Mo
Malaki ang maitutulong ng mapa at globo sa
V. Mga Gawain sa pagtukoy sa lokasyon ng mga lugar sa daigdig. Ang
Pagkatuto tiyak na lokasyon ay naipapahayag sa pamamagitan ng
longhitud at latitude. Sa pagsasama-sama ng guhit
latitud at guhit longhitud ay nabubuo ang grid. Sa
pamamagitan ng grid madaling mahanap ang tiyak na
lokasyon o kinalalagyan ng isang lugar o bansa sa
mundo. Ginagamit ang digri bilang yunit sa pagsukat ng
longhitud at latitude.
Ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas ay 4 digri
haggang 21 digri hilagang latitud at 116 digri hanggang
127 digri silangang longhitud.
Ang mabuting lokasyon ng ating bansa ay
nakatutulong upang maging sentro ito ng mga
kalakalan sa rehiyon ng Asya. Nagsisilbing daanan ito

12
ng mga kalakal na inilululan sa mga barko at eroplano
mula sa iba’tibang bahagi ng rehiyon. Gayundin
naman, ito ay naging tagpuan ng iba’t ibang kultura ng
mga nagsasariling bansa.

Pagsasanay 1
A. Pag-aralan ang drowing ng globo. Sagutin ang mga
tanong saibaba. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

VI. Mga
Pagsasanay

Hangosa LRMD HEKASI 4 MISOSA

1. Anong titik ang matatagpuan sa Prime Meridian?


a. S b. G c. W d. O
2. Saang bahagi ng Prime Meridian matatagpuan ang
titik “G”?
a. Silangan c. Hilaga
b. Kanluran d. Timog
3. Anong lugar ang pinakamalayo sa silangan ng Prime
Meridian?
a. S b. O c. N d. D
4. Aling dalawang lugar sa kanluran at silangan ang
magkasinlayo ang distansiya mula sa Prime Meridian?
a. S at O c. N at O
b. G at M d. R at N
5. Saang longhitud makikita ang S?
a. sa 90˚ Kanlurang longhitud
b. sa 90˚ Silangang longhitud
c. sa 60˚ Silangan longhitud
d. sa 60˚ Kanlurang longhitud

13
B. Pag-aralan ang krokis ng globo sa ibaba. Piliin ang
titik ng tamang sagot.Isulat ito sa iyong kuwaderno.

1. Saan matatagpuan ang ? ?


A. 75˚ H latitude
B. 45˚ H latitude
C. 30˚ H latitude
D. 15˚ H latitude
2. Saang guhit makikita ang ?
A. 30˚ T latitude
B. 30˚ H latitude
C. 45˚ T latitude
D. 45˚ H latitude

3. Alin ang pinakamalayong lugar sa timog ng


ekwador?

A. B. C. D.

4. Ano ang makikita sa 75˚Hilagang latitude?

A. B. C. D.

5. Saan makikita ang titik “A”?


A. sa pagitan ng 60˚ at 75˚ H latitude

14
B. sa pagitan ng 60˚ at 75˚ T latitude
C. sa pagitan ng 30˚ at 45˚ H latitude
D. sa pagitan ng 30˚ at 45˚ T latitude

Pagsasanay 2
Pag-aralan ang mapa. Sagutin ang mga tanong
.Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Saan matatagpuan ang Palawan?


A. 8˚ at 12˚ H latitude at 123˚ at 124˚ S longhitud
B. 8˚ at 12˚ H latitude at 117˚ at 120˚ S longhitud
C. 10˚ at 12˚ H latitude at 122˚ at 123˚ S longhitud
D. ˚ at ˚ H latitude at ˚ at ˚ S longhitud

2. Anong lalawigan ang nasapagitan ng 10 ½ ˚ at 11 ½


˚ H latitude at pagitan ng 122˚ at 123˚ S longhitud?
A. Aklan B. Capiz C. Iloilo D. Antique

3. Anong lugar ang nasa 10 ½ ˚-12˚ H latitude at 122˚


S longhitud?
A. Aklan B. Capiz C. Iloilo D. Antique

4. Anong lalawigan ang nasa 9˚-10 ½ ˚ H latitude at


123˚ S longhitud?
A. Aklan
B. Palawan
C. Negros Oriental
D. Negros Occidental

5. Anong lalawigan ang nasa 9 ½ ˚ - 11˚ H latitude at


123 ½ ˚ - 124˚ S longhitud?

15
A. Aklan
B. Iloilo
C. Cebu
D. Palawan

Pagsasanay 3
Basahin at unawain ang sumusunod na
pangungusap. Isulat ang S kung sang-ayon ka sa
ipinapahayag ng pangungusap at DS kung di-sang-
ayon. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ipagpasalamat natin ang pagkakaroon ng


magandang lokasyon ng ating bansa. ___

2. Maganda ang lokasyon ng Pilipinas kaya’t sentro ito


ng kalakalan at kultura sa Asya. ___

3. Nararapat na alamin ng mga mamamayan ang


eksaktong lokasyon ng Pilipinas. ___

4. Ipagmalaki ang bansang Pilipinas saan mang panig


ka man ng daigdig makarating. ___

5. Palawakin ang kaalaman tungkol sa Pilipinas sa


pamamagitan ng pagbabasa ng aklat at magasin. ___

Gamit ang mapa sa Panimulang Pagsubok, tukuyin ang


tiyak na lokasyon ng sumusunod na bansa gamit ang
latitude at longhitud. Itambal ang hanay A sa hanay B.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.
VII. Pangwakas na
Pagsubok Hanay A Hanay B

1. Japan A. pagitan ng 4˚ at
21˚ H latitude at
116˚ at 127˚ S
longhitud

2. Taiwan B. pagitan ng 23˚ at


26˚ H latitude at
120˚ at 122˚ S
longhitud

16
3. Pilipinas C. pagitan ng 16˚ at
28˚ H latitude at 92˚
at 102˚ S longhitud

4. Myanmar D. pagitan ng 19˚ at


55˚ H latitude at 74˚
at 135˚ S longhitud

5. Tsina E. pagitan ng 31˚ at


45˚ H latitude at
131˚ at 152˚ S
longhitud

Magtala ng limang dahilan kung bakit mahalaga ang


lokasyon ng Pilipinas ayon sa latitud at longhitud.

VIII. Karagdagang
Gawain

Binabati kita ! Maaari mo na


ngayong simulan ang susunod na
modyul.

17
Unang Markahan, Linggo 1, Araw 3

PAMAGAT NG KAGAMITAN/PANIMULA:

Ang modyul na ito ay naglalayong


maunawaan ng mga bata ang
pagkakaiba ng Klima at panahon. Ito rin
ay nagbibigay paliwanag tungkol sa
pagkakaiba-iba ng klima at panahon sa
ibat-ibang bahagi ng mundo. Sa
pamamgitan ng modyul na ito, maaari
ninyong gamitin ang inyong angking
kahusayan sa pag-unawa at pagsagot
ng mga pagsasanay na nakapaloob dito.

MGA LAYUNIN:

Mga Tiyak na Layunin


1. Naibibigay ang pagkakaiba ng klima at panahon.
2. Nasusuri ang pagkakaiba ng klima at panahon sa
Iba’t-ibang bahagi ng mundo.
3. Napahahalagahan ang klima at panahon na
mayroon ang ating bansa.

TALAHULUGAN:

MGA SALITA KAHULUGAN


Klima Kondisyon ng hangin at atmospera sa
isang matagal panahon sa partikular na
lugar.
Panahon Kondisyon ng hangin at atmospera sa
isang maikling panahon sa partikular na
lugar.
Rebolusyon at Rotasyon Ang pag-ikot ng mundo sa araw o
tinatawag na rebolusyon habang umiikot
sa sarili nitong aksis na tinatawag naming
rotasyon.

18
Aksis Ang likhang-isip na guhit sa mundo na
tumatagos mula polong hilaga hanggang
polong timog kung saan umiikot ang
mundo.
Tropikal Zone Ito ang bahagi ng mundo na matatagpuan
sa pagitan ng tropiko ng kanser at tropiko
ng kaprikonyo na nakararanas ng mainit
na klima o klimang tropical.

Temperate Zone Ito ang bahagi ng mundo na


nakatatanggap ng pahilis na sikat ng
araw kaya hindi gaanong mainit ang
klima at panahon. Karamihan sa lugar na
ito ay nakararanas ng tag-init, tag-lamig,
tag-lagas at tag-sibol.
Polar Zone Ito ang bahagi ng mundo na tinatawag
ding polar regions o frigid zones. Pahilis
ang sikat ng araw dito at nababalutan ng
yelo ang lugar.

PANIMULANG PAGSUBOK:

Pag-aralan ang mga gamit o kasuotan sa loob ng kahon. Ilagay


sa HANAY A ang mga kagamitan o kasuotang ginagamit tuwing
tag-ulan o tag-lamig at sa HANAY B naman ang mga kagamitan
o kasuotang maaring gamitin tuwing tag-init.

Payong jacket sando


Sombrero bota kapote
T-shirt Pajama short
Bonnet gwantes

HANAY A HANAY B
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

MGA GAWAIN SA PAGKATUTO:

Anong masasabi mo sa mga kasuotan o gamit na nasa


itaas? Alin kaya sa mga ito ang maaari nating iugnay sa
klima at panahon?

19
….Ngayon tayo ng pag-aralan ang pagkakaiba ng Klima at
panahon.

Alam mo ba ang pagkakaiba ng


klima sa panahon?

Basahin ang sitwasyon sa loob ng kahon. Sagutin


ang mga katanungan.

Si Pedro ay gumamit ng payong kaninang umaga


dahil umuulan para mamalengke ngunit pagkalipas
ng isang oras ay tumila na ang ulan at sumikat na
ang araw.

▪ Sino ang pumunta sa palengke para mamili?


▪ Kailan siya umalis? Ano ang kagamitang ginamit niya?
▪ Ano kayang panahon mayroon nang mamalengke si Pedro?
▪ Ang panahon bang ito ay nagbago kaagad? Bakit?
▪ Kalian ito nagbago?
▪ Ano ang dalawang panahon na nabanggit sa talata?

 Ano ngayon ang masasabi mo sa panahon? Gamit ang concept web


ilagay ang mga salitang puwedeng iugnay natin sa salitang panahon
buhat sa naunawaan mo sa sitwasyon

4 PANAHON 2

Bakit nagkakaiba-iba ang klima at


panahon sa mundo?

Basahin ang dayalogo sa ibaba at sagutin ang mga


katanungan.

20
Aling Fe: Naku, Myrna malalim yata ang iniisip mo ngayon?
Aling Myrna: Oo Fe, malapit na kasing sumapit ang buwan ng Nobyembre
at Disyembre, maulan na. Sira Kasi ang aking bubong. Tiyak, mababasa
kami tuwing umulan na.
Aling Fe:Oo nga, kaya habang mainit pa ang panahon mapalitan na ang
bubong nyo Myrna. Mabuti kung bakasyon na, walang problema kasi
mainit na ang klima sa buwang ito.

Aling Myrna: Hayaan mo at magtatrabaho ako para makabili ng bubong at


tuloy▪mapalitan
Ano angito.
iniisip ni Myrna?
▪ Anong mga buwan ang nabanggit at gaano ito katagal?
▪ Kapag maulan na, ano ang maaaring mangyari sa tahanan niya?
▪ Anong mga buwan naman ang may mainit na klima?
▪ Anong klima mayroon ang ating bansa?

 Batay sa dayalogo, ano ang masasabi mo sa klima? Ilagay ang sagot


sa web.
1

4 KLIMA 2

3
TANDAAN:

✓ Ang panahon ay pabago-bago, sa loob ng isang oras o


minuto samantalang ang klima ay nagbabago sa
loob ng mahabang panahon.
✓ Ang klima ay tumutukoy sa kainaman o average na
kondisyon ng atmospera sa loob ng mahabang
panahon. Ito ang inaasahang pangkalahatang
kalagayan ng himpapawid na naglalarawan ng
karaniwang nararanasan sa bawat taon o kaya ay
naranasan sa nakaraan.
✓ Ang panahon ay tumutukoy sa kalagayan ng
atmospera sa loob ng isang araw. Inilalarawan nito
ang kondisyon ng himpapawid sa mas maikling oras
gaya ng isang araw na nakaaapekto sa mga gawain ng
mga tao. Ito ay pabago-bago, sa loob ng oras o kahit
minuto.
Meteorologist ang tawag sa taong nag-aaral ng klima at
panahon at naghahatid sa mga tao ng impormasyon tungkol
21ng panahon.
sa lagay
 Anong klima mayroon tayo sa Pilipinas?
 Ano ang kaugnayan ng kinaroroonan ng
bansa sa mundo sa panahon at klimang
nararaasan nito?

PAGKAKAIBA-IBA NG KLIMA SA IBAT-IBANG


BAHAGI NG MUNDO

Pag-aralang mabuti
ng ilustrasyon sa
ibaba at sagutin ang
mga tanong

o Ano ang sonang pinakamalapit sa Ekwador at nakraranas ng


pinakamainit na klima sa daigidig?
o Anong sonang pangklima matatagpuan ang Pilipinas? Bakit ganito
ang klima sa ating bansa?
o Ano ang tinatawag na klimang tropikal? Bukod sa Pilipinas,
magbigay pa nga ng mga bansang mayroong klimang tropikal.
o Ilarawan ang klimang mayroon sa gitnang latitude at mataas na
latitude?
o Bakit sobrang lamig sa mga bansang nasa mataas na latitude o
polar region?
o Ano naming bahagi ng mundo ang nakararanas ng apat na
panahon; tagsibol, tag-init, taglagas, at taglamig?
o Bakit ang mga bansang ito ay may apat na panahon?

22
TANDAAN:

✓ Ang pag-ikot ng mundo sa araw o tinatawag na


rebolusyon habang umiikot sa sarili nitong aksis na
tinatawag namang rotasyon ay nagdudulot ng
pagbabago ng panahon at klima.
1. Klima sa Mababang Latitud – Ang mga bansa na
nasa pagitan ng Tropiko ng Kanser at Tropiko ng
Kaprikornyo ay mga bansang nasa mababang
latitude. Ang mga bansang ito ay nakararanas ng
mainit na klima o klimang tropical. Kabilang ditto
ang Pilipinas, Hawaii at Thailand.
2. Klima sa Gitnang Latitud – Tinatawag na
temperate zones, ang mga bansa dito ay
nakatatanggap ng pahilis na sikat ng araw kaya
hindi gaanong mainit ang klima at panahon.
Karamihan sa mga bansa dito ay nakararanas ng
tag-init, taglagas, taglamig at tagsibol. Kabilang
sa mga bansang ito ang USA, Japan at Australia.
3. Klima sa Mataas na Latitud – Tinatawag na Polar
Regions o Frigid Zones. Pahilis ang sikat ng
Araw at ang mga bahagi nito ay nababalutan ng
yelo. May anim na buwang nakikita ang Araw at
anim na buwang hindi nakikita ang Araw.

PAGSASANAY

 Kung ikaw ay papipiliin, saan mo gusto tumira, sa isang


tropikal na bansa, temperate o polar? Bakit?
 Ano ba ang kagandahan ng nakatira sa bansang tropikal
tulad ng Pilipinas?

Gawain 1:
Tukuyin kung ang bawat sitwasyon kung
naglalarawan sa klima o panahon. Isulat sa sagutang
papel ang sagot.

23
1. Si Marie ay gumamit ng payong papuntang paaralan dahil
umuulan ngunit nang nasa kalagitnaan na siya ng daan biglang
tumila ang ulan at sumikat ang araw.
2. Pumunta si Lito at ang kanyang Nanay sa ukay-ukay upang
maghanap ng makapal na jaket dahil sabi ni Lito sa Nanay nya
malapit na daw ang Pasko at Bagong Taon.
3. Nagpaplano ang magkapatid na Aira at Noel kung saan
magbabakasyon ngayong tapos na ang klase, gusto nila yaong
malamig na lugar.
4. Nagtatanim si Aling Mila ng mga punong mangga sa likod-
bahay, tinawag niya si Ana para kumuha ng pandilig ngunit
nagsabi si Mang Pelo na huwag nang diligan kasi malapit ng
bumagsak ang ulan.
5. Tuwang-tuwa ang magkapatid na Leo at Jhon habang
naglalaro ng batuhan ng nyebe na nakapaligid sa kanilang
bahay.
6. Gustong-gusto ni Raymond magsuot ng sando sa buwan ng
Abril at Mayo.
7. Maalinsangan ang hangin kaya naligo si Jerry, ilang minuto
lang biglang dumagundong ng kulog at umambon.
8. Umaga pa lang ay ginuguhit na ni Dina ang mga ulap sa langit
dahil isa ito sa kanyang takdang-aralin ngunit pagkalipas nang
isang oras namuo ang maiitim na ulap dahilan upang bumuhos
ang ulan.
9. Bumabaha sa lugar ni Mang Nilo kapag buwan ng Hunyo
hanggang Nobyembre.
10. Sinabihan sina Jeric at Lyka ng kanilang guro na huwag
magsusuot ng itim na damit kapag tag-init.

Gawain 2
Tukuyin ang inilalarawan sa bawat pangungusap.
Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

Klima Polar Zone


Panahon Tropical Zone
Aksis Temperate Zone
Rotasyon Meteorologist
Rebolusyon Tag-init at tag-ulan

24
1. Imahinasyong guhit na tumatagos mula hilagang polo hanggang
timog polo na kung saan dito umiikot ang daigdig dahilan upang
magkaroon ng araw at gabi.
2. Nag-aaral ng klima at panahon at naghahatid sa mga tao ng
impormasyon tungkol sa lagay ng panahon.
3. Ang pag-ikot ng mundo sa sariling aksis.
4. Uri ng klima sa ating bansa
5. Ito ay pabago-bago sa kalagayan ng atmospera, sa loob ng oras o
minuto.
6. Ang pag-ikot ng mundo sa araw na tumatagal ng 365 at ¼ na araw.
7. Ito ay tumutukoy sa kainaman o average na kondisyon ng atmospera
sa loob ng mahabang panahon.
8. Ito ay bahagi ng mundo na nababalutan ng yelo.
9. Ito ay sa pagitan ng tropiko ng kanser at tropiko ng kaprikornyo at
nakararanas ng mainit na klima.
10. Hindi gaanong mainit ang klima at panahon dito at ang mga lugar
dito ay nakararanas ng apat na uri ng klima.

Gawain 3:
Gamit ang Venn Diagram, ibigay ang pagkakaiba ng panahon
sa klima.

Gawain 4:
Sagutin ang bawat katanungan.

1. Bakit ang klima ng bansa ay may dalawang uri lamang ang tag-ulan
at tag-init?
2. Bakit tag-ulan sa mga buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre at tag-
init naman ang nararanasan sa mga buwan ng Marso hanggang
Mayo?
3. Bakit pabago-bago ang panahon sa isang lugar?

25
4. Ipaliwanag kung bakit mayroong apat na uri ng klima sa ibang panig
ng mundo?
5. Kung ikaw ang tatanungin, masaya ka ba sa uri ng klima sa ating
bansa? Ipaliwanag. Magbigay ng mabuti at masamang naidudulot
ng uri ng klima sa ating bansa. Paano nakakaapekto ang pabago-
bagong klima at panahon sa pamumuhay ng mga tao sa ating
bansa?

PANGWAKAS NA PAGSUBOK

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan .

1. Ano ang pagkakaiba ng klima at panahon?


2. Bakit nagkakaiba-iba ang klima at panahon sa
ibat-ibang bahagi ng mundo? Ipaliwanag.

KARAGDAGANG GAWAIN

Magsaliksik tungkol sa mga impormasyon sa baba.


1. Paano nakakaapekto ang Karagatang Pasipiko sa klima at
panahon ng Albay at sa iba pang lugar sa ating bansa?
2. Bakit dinarayo ang lungsod ng Baguio tuwing summer?
3. Magsaliksik tungkol sa uri ng pamumuhay ng mga tao sa
bansang mayroong apat na uri ng klima.

Magaling! Binabati kita sa iyong matagumpay na gawain.


Maging handa para sa susunod pang mga gawain.

26
Unang Markahan, Linggo 1, Araw 4

Handa ka na ba?

Gamit ang modyul na ito, malalaman mo ang tungkol


sa klima at panahon. Alam mo ba na may iba’t-ibang
salik na nakakaapekto sa nararamdaman mong klima
at panahon sa iyong lugar?

Mga Layunin:

Sa modyul na ito ay inaasahang:


1. Maiisa-isa mo ang mga salik na nakakaapekto sa klima at
panahon
2. Makagagawa ng graphic organizer ng mga salik na
nakakaapekto sa klima at panahon
3. Mapapahalagahan ang uri ng klima at panahon mayroon sa
inyong lugar.

Talahulugan:
Alamin mo ang kahulugan ng mga sumusunod na salita sa
loob ng kahon upang lubos mong maunawaan ang aralin sa
araw na ito.

SALITA KAHULUGAN
SALIK - Tumutukoy sa anumang bagay, pangyayari
o sitwasyon na maaaring magkaroon ng
ipluwensiya sa isang bagay.
KLIMA - Tumutukoy sa kainaman o average na
kondisyon ng atmospera sa loob ng
mahabang panahon.
PANAHON - Tumutukoy sa kalagayan ng atmospera
mula sa loob ng isang araw.
LATITUDE - Ang angular na distansya pahilaga o
patimog mula sa equator.
ALTITUDE - Kataasan ng isang bagay mula sa lupa o
pantay sa dagat.
TOPOGRAPIYA - Detalyadong paglalarawan sa likas o likhang
tao ng katangian ng isang lugar.

27
DISTANSIYA NG - Ito ang nagsisilbing imbakan ng init ng araw
KARAGATAN na nakakaapekto sa temperatura ng
himpapawid.
GALAW NG HANGIN - Ito ay panahon na nagdadala ng pressure ng
atmospera sa kalagitnaan ng kontinente.
HANGIN SILANGAN - Umiihip ang hanging silangan mula sa
O TRADE WINDS hilagang-silangan pagkatapos bagtasin ang
Pacific Ocean (Pebrero-Marso).
-
HANGIN SILANGAN - Umiihip ang hanging amihan mula sa
O Northeast Monsoon hilagang silangan.
- Ito ay malamig at tuyo (Nobyembre -
Pebrero).
HANGING HABAGAT - Umiihip ang hanging habagat mula sa timog
o kanlurang bahagi ng Pilipinas at umiihip sa
South east Monsoon buong Asya (Mayo- Oktubre).
TEMPERATURA - Nagpapahiwatig ng init o lamig ng panahon.
PRISIPITASYON - Galing sa likidong mula sa kalangitan o
kaulapan ng daigdig, maaaring galling sa
ulan, ambon o hamog.
HUMIDITY - Ang dami ng alimuon o singaw ng tubig sa
ere o himpapawid.
BILIS NG HANGIN - Ito ay paggalaw ng hangin mula sa mataas
hanggang sa mababang pressure dulot ng
pagbabago ng temperature.
DAMI NG ULAN - Sukat ng ulan na naganap sa isang lugar sa
loob ng isang araw.

Panimulang Pagsubok:

Kaya mo bang piliin ang ang mga salitang nasa ulap na may kaugnayan
sa klima at panahon. Isulat ang sagot sa angkop na sagutan sa ibaba.

temperatura

latitude
presipitasyon
altitude topograpiya humidity

28
P
K A
L N
A
I
H
M O
A N

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin at pag-
aralang mabuti ang
mga salik na
nakaaapekto sa klima
at panahon.

Mga Salik na Nakaaapekto sa Klima

Latitude Iba-iba ang tindi ng tama ang sikat ng araw sa iba’t ibang
bahagi ng daigdig depende sa anggulo at ang kalagayang
ito ay nakaaapekto sa pagkakaroon ng iba’t ibang klima.
Altitude o Ang taas ng lugar ay nakaaapekto sa temperatura ng isang
Taas ng pook. Kapag mataas ang isang lugar ay bumababa ang
Lugar temperatura dito. Ito ang dahilan kung bakit habang
tumataas ang lugar ay lumalamig dito.
Distansya Mahalagang salik ng klima ang mga karagatan o katubigang
mula sa mga nakapaligid sa isang lugar. Ang karagatan ang magiging
Karagatan imbakan ng init ng araw na nakaaapekto sa temperatura ng
himpapawid. Ang tubig ng karagatan ang pinagmumulan ng
presipitasyon na nagiging dahilan ng pag-ulan. Dahil ang
karagatan ang humihigop sa temperatura, at ang tubig nito
ay hindi madaling uminit, naaapektuhan nito ang klima ng
mga nasa baybaying lugar. Ito ang dahilan kung bakit mas
malamig ang temperatura sa mga baybaying pook kapag
tag-init, at mas mainit kapag taglamig.

29
Topograpiya Ang mga kabundukan o ang uri ng kalupaan ng isang lugar
ay nakaapekto sa klima ng isang lugar. Ang mga bundok at
bulubundukin ang nagsisilbing pananggalang sa paggalaw
ng mga hangin at sa kahalumigmigan. Ang bahagi ng
bundok na natatamaan ng hangin ay may naiibang uri ng
klima sa kabilang bahagi ng bundok. Sa mga lugar na
nahaharangan ng mga bundok, bihira ang pag-ulan at ang
ibang lugar ay nagiging disyerto pa.
Galaw at Uri Isa pang salik na nakaapekto sa klima ay ang galaw at uri ng
ng Hangin hangin. Ang hanging nararanasan sa Asya na nagbabago sa
direksiyon ay tinatawag na monsoon. Ang pag-ihip ng mga
hanging ito ay panapanahon na nagdadala ng pressure ng
atmospera sa kalagitnaan ng kontinente. Ang mga uri ng
hanging nakaaapekto sa klima ng bansa ay ang hanging
silangan, hanging amihan at hanging habagat.

Mga Salik na Nakaaapekto sa Panahon

Temperatura Ang temperatura ay tumutukoy sa lamig o init ng


atmospera sa isang lugar. Sa isang araw ay may
ilang beses ding nagpapalit ang temperatura. Mas
mataas ang temperatura sa kalagitnaan ng araw at
bumababa naman kapag pagabi na hanggang
kinabukasan.
Kahalumigmigan o Ang kahalumigmigan o humidity ang tumutukoy sa
Humidity dami ng water vapor o singaw ng tubig na nasa
himpapawid. Malaki ang bahagi nito sa water cycle
na siyang nagdadala ng mga pag-ulan, pagbabalik
ng tubig sa mga dagat at ilog, at pagbibigay ng
suplay ng tubig para sa ating pang-araw-araw na
paggamit.
Pamumuo ng ulap at Mapapansin sa salik na ito kung maaliwalas o
Presipitasyon makulimlim ang panahon at kung maulan ang
panahon. Ang pagbagsak ng ulan o snow mula sa
ulap ang tinatawag na presipitasyon.
Dami ng Ulan Ang dami ng ulan ay isa rin sa mga salik na may
kinalaman sa klimang nararanasan sa isang lugar.
Ang iba’t ibang lugar sa ating bansa ay
nakararanas ng magkakaibang dami ng buhos ng
ulan.
Bilis ng Hangin o Ang bilis ng hangin ay dahil sa paggalaw nito mula
Wind Speed sa mataas hanggang sa mababang pressure dulot
ng pagbabago ng temperatura. Malaki ang

30
pakinabang ng impormasyon sa bilis ng hangin sa
mga taong naglalayag sa karagatan, naglalakbay
sa himpapawid, at mga gumagawa ng mga
impraestruktura.

Pagsasanay:

Isulat sa star organizer ang limang (5) salik na


Gawain I
nakaaapekto sa klima ayon sa inyong nabasa.

MGA SALIK NA
NAKAAAPEKTO
SA KLIMA

Gumawa ng sariling organizer na nagpapakita ng


Gawain II
limang (5) salik na nakaaapekto sa panahon.

31
Gawain III a. Piliin sa loob ng kahon ang salik na nakaapekto sa
klima at panahon na iniuugnay sa bawat bilang.
Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

temperatura pamumuo ng ulap


altitude humidity
topograpiya distansya mula sa karagatan

1. Malamig ang klima sa mataas na lugar.


2. Mas malamig ang temperatura ng mga lugar na nasa baybayin kapag
tag-init at mas mainit naman ito kumpara sa mga lugar na malayo sa
baybayin kapag taglamig.
3. Lamig o init ng atmospera sa isang lugar sa isang tiyak na panahon.
4. Naaapektuhan ang mga bulubundukin ng isang lugar ang klimang
nararanasan dito.
5. Ang dami ng watervapor sa himpapawid.

b. Sagutin ang bawat tanong.

1. Ano-ano ang mga salik na may kinalaman sa panahong


nararanasan sa isang tiyak na lugar sa maiksing panahon?

2. Ano-ano ang natural na salik na nakaaapekto sa klima


ng iba’t ibang lugar sa daigdig?

3. Mahalaga ba ang klima at panahon? Bakit?

4. Paano mo pahahalagahan ang mga uri ng klima at


panahon na mayroon sa inyong lugar?

Pangwakas na Pagsubok:

Isa-isahin ang mga salik na nakaaapekto


sa klima at panahon. Isulat ang bawat isa
sa wastong hanay na dapat kalagyan ng
mga ito.

32
Mga Salik na Nakaaapekto Mga Salik na Nakaaapekto sa
sa Klima Panahon

Karagdagang Gawain:

Takdang Aralin
1. Isaliksik at isulat sa iyong kuwaderno ang iba’t ibang
klima na nararanasan ng inyong lugar.
2. Obserbahan at ilista kung anong uri ng panahon
mayroon sa inyong lugar sa loob ng isang linggo at
ang mga salik na nakaaapekto sa uri ng panahong ito.

33
Unang Markahan, Linggo 1, Araw 5

Pamagat Relatibong Lokasyon ng Pilipinas

Layunin Ang kapuluan ng Pilipinas ay matatagpuan sa Timog-


Silangang Asya. Ang mabuting lokasyon ng Pilipinas ay
nakatutulong upang maging sentro ito ng mga kalakalan sa
rehiyon ng Asya.Nagsisilbi itong daanan ng mga kalakal na
inilululan sa mga barko at eroplano mula sa iba’t ibang bahagi
ng rehiyon.

Sa modyul na ito, inaasahang:


1. Natatalakay ang relatibong lokasyon ng Pilipinas
batay sa nakapaligid na katubigan (lokasyong insular)
gamit ang pangunahin at pangalawang direksiyon.
2. Natutukoy mo ang lokasyon ng Bikol sa paraang
insular
3. Naipagmamalaki ang lokasyon ng Pilipinas sa
mundo.

Talasalitaan • kapuluan – binubuo ng maraming maliliit at


malalaking pulo
• arkipelago –kapuluan
• teritoryo – lawak ng lupain at katubigan kasama ang
himpapawid at
kalawakan
• inilululan – isinasakay
• karatig-bansa – kalapit na bansa
Subukin Subukin natin ang kaalaman mo sa nakaraang aralin.
Mo! Isulat ang nawawalang letra upang mabuo ang pangalan ng
bansa.

1. Bansang nasa hilaga ng Taiwan at Pilipinas.

J P N
2. Malaking bansa sa hilagang kanluran ng Pilipinas.

C H A

34
3. Bansang nasa hilaga ng Pilipinas.

T I N

4. Bansang nasa timog-kanluran ng Pilipinas.


M L Y S A

5. Bansang nasa kanluran ng Thailand at Pilipinas.

M Y M

Nasagot mo bang lahat?


Magaling! Ikaw ay maaari nang magpatuloy.
Pag-aralan Handa ka na bang alamin?
Mo Tara na…

Bukod sa mga bansang


nakapaligid sa Pilipinas, ano pa ang
nakapalibot dito upang matukoy ang
kinaroroonan nito?

Pag-aralan ang mapang ito ng Timog-Silangang Asya.

Ito ang paglalarawan ng lokasyon ng ating bansa ayon sa


kalapitan nito sa mga anyong tubig na tinatawag na
lokasyong insular.

35
Basahin
Mo Ang bansang Pilipinas ay isang arkipelago. Tulad ng
nabanggit sa simula ng araling ito, isang paraan ng pagtukoy
ng kinaroroonan ng Pilipinas ay ang relatibong lokasyon nito.
Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga karatig
na kalupaan o katubigan na nakapalibot sa Pilipinas. Tulad
sa tiyak na lokasyon, magagamit din ang mapa at
globo sa pagtukoy ng relatibong lokasyon ng Pilipinas.
Sa nakaraang aralin, nalaman mo na ang isang paraan sa
pagtukoy ng relatibong lokasyon ng Pilipinas ay ang bisinal.
Sa modyul na ito ay pag-aaralan natin ang tungkol naman sa
insular. Insular ang paraan ng pagtukoy ng mga katubigang
nakapalibot sa Pilipinas gamit ang mapa o globo.

Alamin Mo Sumangguni sa mapa ng Timog-Silangang Asya sa “Pag-


aralan Mo.”
Ano anong mga katubigan ang nakapalibot sa Pilipinas?
Lagyan ng tsek ( / )kung ang anyong tubig ay isa sa mga
nakapalibot sa Pilipinas at ( x ) kung hindi.
1. West Philippine Sea ___
2. Indian Ocean ___
3. Pacific Ocean ___
4. Bashi Channel
5. Celebes Sea ___
Pagsanayan A. Sa pamamagitan ng compass rose, tukuyin ang lokasyon
Mo ng mga anyong tubig na nakapalibot sa Pilipinas.

36
1. Hilaga - _________ 4. Kanluran - _________________
2. Timog - _________ 5. Timog Kanluran - ___________
3. Silangan - _______

B. Suriin ang mapa ng rehiyon ng Bikol. Tukuyin ang mga


anyong tubig na nakapalibot dito. Isulat sa patlang ang sagot.

1. Hilaga - __________
2. Timog - __________
3. Silangan - ________
4. Kanluran - ________

C. Mahalaga bang malaman ang kinalalagyan ng Pilipinas at


ng rehiyong Bikol sa mundo? Ipaliwanag ang iyong sagot.

37
Paglalahat Punan ng nawawalang salita.
Bilang isang bansang ____________, napapalibutan
ang Pilipinas ng mga katubigan. Ang lokasyong
____________ ay paglalarawan ng lokasyon ng bansa sa
pamamagitan ng mga anyong tubig na nakapalibot dito.
Matatagpuan sa hilaga ang _____________, sa timog ang
_____________, sa silangan ang _____________, sa
kanluran ang ______________ at sa timog-silangan naman
ang _____________.

Pagtataya May natutunan ka ba?


Upang masukat ang iyong natutunan sa aralin,gawin ang
pagtataya sa ibaba.

A. Tukuyin ang salitang hinahanap sa mga katanungan.


Hanapin ito sa kahon.

Timog-Kanluran Karagatang Pasipiko Bashi Channel


Timog West Philippine Sea Celebes Sea

1. Anong anyong tubig ang matatagpuan sa silangan ng


Pilipinas?__________
2. Saang direksiyon ng Pilipinas matatagpuan ang Dagat
Celebes?___________
3. Ano ang malaking anyong tubig na nasa gawing kanluran
ng Pilipinas?______
4. Saang direksiyon matatagpuan ang Sulu
Sea?_______________
5. Anong anyong tubig ang nasa dakong hilaga ng bansang
Pilipinas?________

B. Suriin ang sumusunod na pahayag. Iguhit ang like sign


kung sang-ayon ka dito at unlike sign kung hindi.
_____1. Ang Pilipinas ay isang kapuluan.
_____2. Hindi naman mahalagang malaman ang mga
bansa at katubigang nakapalibot sa isang teritoryo.
_____3. Ang kaalaman sa pangunahin at pangalawang
direksiyon ay lubos na makatutulong sa pagtukoy sa mga
katubigang nakapalibot sa Pilipinas at rehiyon ng Bikol.
_____4. Bilang isang Pilipino, dapat kong ipagmalaki ang
aking bansa at ang kinaroroonan nito.

38
_____5. Ang lokasyong insular ay paglalarawan ng
lokasyon ng bansa sa pamamagitan ng mga karatig-bansa
nito.

Karagdagang
Gawain
A. Kung ikaw ay nasa Pilipinas, anong
anyong tubig ang babagtasin mo gamit
ang mapa o globo patungong:
➢ Amerika _____________
➢ Japan_______________
➢ China _______________
➢ Indonesia? ____________

B. Bumuo ng isang talata na nagsasaad kung gaano mo


ipinagmamalaki ang kinaroroonan ng iyong
bansa/rehiyon.

C. Iguhit ang
lokasyon ng
rehiyon ng
Bikol sa
paraang
insular.

39
Binabati kita dahil natapos mo na
ang modyul na ito. Maaari ka
nang magpatuloy sa susunod na
aralin.

40
Sanggunian

Araling Panlipunan 5 (Pilipinas Bilang Isang Bansa pp 18-31)


Prototype and Contextualized DLPs in AP5, Kwarter 1-Aralin 2
DLP in AP 5; pp. 36 – 40
Araling Panlipunan 5, Pilipinas Bilang Isang Bansa; pp. 20 – 35
www.google.com
http://www.geographicguide.com/asia/maps/southeast.htm
www.youtube.com/watch?v=fXmShC7oqMA

41
For inquiries or comments, please contact:

42

You might also like