Professional Documents
Culture Documents
Rito Sa Pagsindi NG 2nd Advent Candle
Rito Sa Pagsindi NG 2nd Advent Candle
Commentator: Mga kapatid, tayo ngayon ay nasa panahon ng Adbiyento. Ito ang
panahon ng paghahanda para sa pagdating ng ating Mesiyas. Ang apat na
kandila sa korona ng Adbiyento ay sumasagisag sa apat na linggong
paghahanda at pagbabantay sa muling pagdating ng ating Panginoong
Hesukristo.
Ngayon ay sisindihan ang isang lilang kandila na sumasagisag sa
Ikalawang Linggo ng Adbiyento. Inaanyayahan tayong buksan ang ating
puso upang tanggapin si Hesus bilang tanging pag-asa sa ating buhay.
Ama naming mapagmahal, kami ngayon ay nagkakatipon sa ngalan ng iyong Anak na aming
Tagapagligtas. Tulungan mo kami na maihanda ang aming puso upang lubos naming
maipagdiwang ang kanyang pagdating sa araw ng Pasko. Habang iniilawan namin ang
kandilang ito, maalala nawa namin na si Kristo ang tanging ilaw na makapagbibigay-liwanag
sa kadiliman ng mundo. Tulungan mo kaming mapanatiling nagniningas ang kanyang ilaw sa
aming mga puso sa pamamagitan ng pagmamahal sa aming kapwa. Hinihiling namin ito sa
pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
PARI: Tanglawan nawa tayo ng liwanag ni Kristo habang hinihintay natin ng may pananabik
ang kanyang pagdating ngayon at magpasawalang hanggan.
B: Amen