Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Ang Kalagayan ng Wika sa Kontemporaryong Lipunan

Batid ng ilan sa atin na ang Wika ang isa sa may pinakamahalagang gampanin
sa buhay ng isang tao hindi lamang sa pakikipagtalasatasan bagkus gayon din sa iba’t
ibang disiplina at larangan. Ayon kay San Buenaventura (1985), Ang wika ay isang
larawang binibigkas at isinusulat. Isang kahulugan, taguan, imbakan o deposit ng
kaalaman ng isang tao at bansa. Sa panahon ng kontenporaryo masisipat natin ang
tunay na kalagayan ng wika sa lipunan narito ang ilan sa mga maaaring pamantayan sa
panganganib ng ating wika; Una ang mismong mga nasa pamahalaan ang
nagpapatunay na hindi ganap na nakatutulong ang wika sa akademya narito ang ilan sa
mga ibinigay na polisiyang pangwika ng kongreso Executive Order Blg. 210
(Establishing the Policy to Strengthen the use of English in the Educational System)
pagdaragdag ng oras sa pagtuturo ng ingles at pagbabawas ng oras sa pagtuturo ng
wikang Filipino. CHED MEMORANDUM ORDER 20 SERIES OF 2013 sa bagong
kurikulum na ibinunga ng K-12 kurikulum sa batayang edukasyon, inaaslis na ang
asignaturang Filipino sa kolehiyo. Patunay ito na ang kongreso natin ang hindi na
binibigyang pansin ang ating wika. Panglawa, ang konsepto ng Kolonyalismo na
nagpapatunay kung paano tignan ng isang tao ang wika batay sa kung sino ang mas
nakakaangat at kung sino ang nasa ibaba ikinulong ng ating sarili ang kaisipang ito, sa
bawat wika na mayroon sa lipuna ay gayon din kung paano husgahan ang isang tao,
malalim pa rin ang pagkakaugat ng puwersa ng kolonyalismo sa ating kaisipan at
kamalayan. Sa paggamit ng ating sariling wika sa paaralan at sa ating mga transaksyon
sa labas tulad ng pamahalaan at komersyo. Pangatlo at pinakahuli ang wika ay ang
susi sa pagkatao ng isang tao sa kung makita ng tao ang kanyang katauhan at
maunawaan niya ito sa pamamagitan ng kanyang wika.

May mga ilang pananaliksik na nagpapatunay kung gaano ang isang wika ay
lubos na nakalilikha ng isang kultura subalit hindi maitatanggi na hanggang sa ngayon
ay mayroon pa ring kahinaan ang wika at ang ilangan na masasabi nating mga
katangian na nanganganib na wika ay ang mga sumusunod; Una, Ingles pa rin ang
ginagamit na wikang panturo sa halos lahat ng akademikong disiplina sa Pilipinas
patunay na mayroon pa ring mababang patingin sa wika na ginagamit pagdating sa
larangan ng edukasyon. Pangalawa, ang pinakamatinding akusasyon sa wika ay ang
kakulangan di umano nito sa mga Bokabularyo na ginagamit sa pagsasalita at
pagsulat. Pangatlo ang kapos na pag-unawa ng isang tao sa kanyang wika gayon din
sa sinusong wika nito o Mother Tongue sapagkat kung ang isang tao ay hindi naging
bihasa sa kanyang wika lubos itong mahihirapan na gumamit ng ibang wika sapagkat
ang taong may lubos na kaalaman sa kanyang sinusong wika nag papatunay lamang
ito ng kanyang pagkatao. Sa huli, tunay na malaki ang gampanin ng Wikang upang
ganap na maunanwaan ng mga Pilipino ang Kanilang sarili sa pamamagitan ng sining.
Marami nang pag-aaral ang nagsasabing mas natututo ang mga mag-aaral at
mas nagsasalita sa klase kung ang ginagamit na wikang panturo ay wika ng kanyang
lipunan (Teodoro, 2018) kung ang wika na ginagamit ng isang tao sa kanyang
pakikipagtalastasan ay wikang ng lipunan masasabing maunlad pa rin ang ating wika
subalit hindi maisasantabi ang ilang kakulangan ng wika sa iba’t ibang larangan kaya
naman bilang isang mag-aaral at mamamayang Pilipino malaki ang maaaring maging
epekto ng wika sa lipunan sapagkat ang wika ay nakalilikha at nakabubuo ng kultura na
maaaaring sumalamin sa isang pagkatao gayon din sa paniniwala nito. Ayon kay James
Soriano na mula sa Ateneo De Manila ang wika ng ating bansa ay isang wikang pang-
kalsada na ang ibig ipakahulugan ay mababa ang tingin sa wikang mayroon ang
Pilipinas. Pagpapakita lamang ito na mayroong agwat sa mayaman at mahirap hindi
lamang sa katayuan sa buhay bagkus gayon din sa mismong wika. Patunay na ang
paggamit ng wika sa lipunan ay sumasalamin sa kanyang pagkatao.

Lubos ang kakayahan ng wika sa ating buhay kaya’t marapat lamang na ito’y
pagtuunan ng pansin lalo na sa antas ng kolehiyo sapagkat ang wika na mayroon tayo
ay wika ng sariling atin. Batay ng sa inilabas na papel ng Kolehiyo ng Arte at Literatura
ng UP-Diliman na pinamagatang Pahayag para sa Pagpapatibay ng Wikang Filipino
bilang mga Sabjek sa Kolehiyo, Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ay
binanggit ang tatlong pangunahing punti na nagpapatunay na ang wika ay higit pa sa
pagiging midyum ng komunikasyon. Una ang Wikang Filipino ay itinuturing na
kasysayan ng bansa, ito ang patunay na ang ating wika ay isa sa may malaking ambag
pagdating sa kasaysayan ng bansa kaya naman napakahalaga na gamitin ang Filipino
sa pagtuturo. Pangalawa, ang wikang Filipino ang pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ito
ay nagbibihis sa pagiging Pilipino ng bawat isa. Sa katunayan, pananaw at lamalayan
ang wikang Filipino. Pangatlo at panghuli, ang wikang Filipino ay susi sa kaalamang
bayan dahil nasa wika ang kaalaman patuloy na hinubog at humuhubog sa bayan.
Sariling wika rin ang pinakamabisang daluyan para mapalaganap ang dunong-bayan at
kaalamang pinanday sa akademya.

“Sa pagsusuri, mas ganap na naunawaan ng mga Pilipino ang lalim at lawak ng
mensahe ng mga lietratura at panitikan gamit ang wikang Filipino na nabuhol sa loob at
lalim ng pagkatao ng bawat Pilipino.”

You might also like