Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

MALAYA AT KUSANG LOOB NA SALAYSAY NI REYMARK ALDAY

MENDOZA NG BARANGGAY CARENAHAN, BALAYAN, BATANGAS


NA IBINIGAY KAY PSMS ALDWIN ELLAO MAGBOO DITO SA
HIMPILAN NG BALAYAN MUNICIPAL POLICE STATION NGAYONG
IKA-8 NG MARSO 2018 HUMIGIT KUMULANG ALAS DOS NG
HAPON SA HARAP NI PCMS JOSEPH REYES MARASIGAN AT
PMSg JULIUS BALDRIAS SALE.
x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-
PASUBALI – Ginoong Reymark Alday Mendoza ikaw ay pinapunta
ngayon dito sa aming opisina upang magbigay umano ng iyong
salaysay tungkol sa krimen na iyong nasaksihan noong ika-8 ng Marso
2018. Alam mo ba ang kadahilanan na ito?
SAGOT - Opo.
01.TANONG - Nakalaan ka bang magbigay ng malaya at kusang
loob mong salaysay?
SAGOT - Opo, sasabihin ko po lahat ng aking nalalaman.
02.TANONG- Bago tayo magpatuloy ng pagsisiyasat na ito, dapat mo
munang mabatid ang iyong mga karapatan sang-ayon sa Sek 12,
Artikulo III alinsunod sa itinadhana ng umiiral na Bagong Saligang
Batas ng Pilipinas na nagsasaad ng mga sumusunod:
a. Hindi ka maaring piliting sumaksi laban sa inyong sarili, may
karapatan kang magsawalang- kibo at magkaroon ng legal
na tagapayo na iyong nais habang ikaw ay nahaharap sa
pagsisiyasat. Nauunawaan mo ba ang karapatan mong ito?

SAGOT- Opo.
b. Karapatan mong malaman ang mga bagay na ito na walang
pamimilit, pag-gamit ng dahas, pananakot o pangako ng ano
mang bagay na maaaring makapagpapabago sa inyong
malayang pagpapasiya. Nauunawaan mo ba ang karapatan
mong ito?

SAGOT- Opo.
c. Karapatan mo rin ang kumuha ng abogado na iyong nais para
tumulong sa iyo ngunit kung hindi mo kayang kumuha, ang
tangapang ito ay nakalaang bigyan ka ng libreng abogado
bago ka kunan ng salaysay. Nauunawaan mo ba ang
karapatang mong ito?

SAGOT- Opo.

Page 1 of 7
MALAYA AT KUSANG LOOB NA SALAYSAY NI REYMARK ALDAY
MENDOZA NG BARANGGAY CARENAHAN, BALAYAN, BATANGAS
NA IBINIGAY KAY PSMS ALDWIN ELLAO MAGBOO DITO SA
HIMPILAN NG BALAYAN MUNICIPAL POLICE STATION NGAYONG
IKA-8 NG MARSO 2018 HUMIGIT KUMULANG ALAS DOS NG
HAPON SA HARAP NI PCMS JOSEPH REYES MARASIGAN AT
PMSg JULIUS BALDRIAS SALE.
x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-
d. Dapat mong malaman na ano mang bagay na sasabihin mo
sa pagsisisyasat na ito ay maaaring gamitin laban o pabor sa
iyo sa alin mang hukuman dito sa Pilipinas. Nauunawaan mo
ba ang karapatan mong ito?

SAGOT- Opo, aking nauunawaan.


03.TANONG- Nangangailangan ka pa ba ng isang abogado na iyong
nais para tumulong sayo habang ikaw ay kinukunan ng salaysay at
pagsagot sa mga katanungan?
SAGOT- Hindi na po.
04. TANONG - Ngayon nakalaan ka bang lumagda ng kasulatang ito
na salin sa wikang tagalog.
SAGOT- Opo

PAGPAPATUNAY

Ako si Reymark Alday Mendoza, dalawampu’t apat (24) na


taong gulang nakatira sa Baranggay Carenahan, Balayan, Batangas
ay pinapayuhan ni PSMS Aldwin Ellao Magboo ng aking mga
karapatan alinsunod sa ating Bagong Saligang Batas na manahimik at
magkaroon ng manananggol na aking nais makaharap sa
pagsisisyasat habang kami ay inuusig. Nauunawaan ko ang ano mang
sasabihin ko dito ay maaaring gamitin katibayan, pabor o laban sa
akin.
Nauunawaan ko ang aking mga karapatan at kusang loob akong
magbibigay ng salaysay at sasagot. Nauunawaan ko’t nalalaman ang
aking ginagawa. Walang pananakot, pamimilit , paggamit ng dahas o
pangako ng anong mang bagay na ginagawa laban sa akin na
makagagambala sa aking malayang pagpapasiya”.

Reymark Alday Mendoza


_____________________ PSMS Aldwin Ellao Magboo
_______________________
(Nagsalaysay) (Tagapagsiyasat)

Page 2 of 7
MALAYA AT KUSANG LOOB NA SALAYSAY NI REYMARK ALDAY
MENDOZA NG BARANGGAY CARENAHAN, BALAYAN, BATANGAS
NA IBINIGAY KAY PSMS ALDWIN ELLAO MAGBOO DITO SA
HIMPILAN NG BALAYAN MUNICIPAL POLICE STATION NGAYONG
IKA-8 NG MARSO 2018 HUMIGIT KUMULANG ALAS DOS NG
HAPON SA HARAP NI PCMS JOSEPH REYES MARASIGAN AT
PMSg JULIUS BALDRIAS SALE.
x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-
SAKSI SA PAGLAGDA:

PCMS Joseph Reyes Marasigan


__________________________ PMSg Julius Baldrias Sale
________________________

05. TANONG - Maari mo bang isaad ang iyong pangalan, edad,


katayuan sa buhay, tirahan at kasalukuyang trabaho.

SAGOT - Ako po si Reymark Alday Mendoza, dalawampu’t apat


(24) na taong gulang at kasalukuyang nakatira sa Baranggay
Carenahan, Balayan, Batangas, at ako po ay isang Tricycle driver.

06. TANONG - Anong wika ang nais mong gamitin natin sa pag
sasagawa ng ng pag sisiyasat na ito?
SAGOT - Tagalog po.

07. TANONG - Nasaan ka noong mga panahong nangyare ang


insidente?
SAGOT - Nakaupo po ako sa aking tricycle habang nag aantay ng
pasahero sa tapat ng botika.

08. TANONG - Maaari mo bang sabihin kung gaano ka kalayo sa


insidenteng nangyari?
SAGOT - Ang akin pong tantsa ay nasa sampung metro.

09. TANONG - Habang nangyayare ang insidente, nakita mo ba ito sa


sarili mong mga mata ng malinaw at walang harang ng kung ano
man, tulad ng sasakyan?
SAGOT – Opo, malinaw ko pong nakita.

10. TANONG - Masasabi mo ba kung saan ang lugar ng


pinangyarihan?
SAGOT - Opo, nangyari po ito sa may tapat ng Plaza.

Page 3 of 7
MALAYA AT KUSANG LOOB NA SALAYSAY NI REYMARK ALDAY
MENDOZA NG BARANGGAY CARENAHAN, BALAYAN, BATANGAS
NA IBINIGAY KAY PSMS ALDWIN ELLAO MAGBOO DITO SA
HIMPILAN NG BALAYAN MUNICIPAL POLICE STATION NGAYONG
IKA-8 NG MARSO 2018 HUMIGIT KUMULANG ALAS DOS NG
HAPON SA HARAP NI PCMS JOSEPH REYES MARASIGAN AT
PMSg JULIUS BALDRIAS SALE.
x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-
11. TANONG - Natatandaan mo ba kung ano at paano nag simula ang
insidente?
SAGOT - Nagsimula po ang insidente noong naglalakad po ang
biktima ng may inom at naghahamon ito ng away. Nagkataon po na
may isang lalaki na nag aabang ng sasakyan sa tapat ng Plaza at
bigla niya na lang po ito sinuntok.

12. TANONG - Ano ang ginawa ng lalaki matapos siyang suntukin?


SAGOT - Nagalit po siya at agad itong gumanti.

13. TANONG - Maiilarawan mo ba ng mas malinaw ang mga sumunod


na pangyayari?
SAGOT - Opo, noong nag simula na po sila mag suntukan ay
sinubukan po silang awatin ng mga tao ngunit ayaw po nilang mag
paawat. Ang sumunod po nito ay dahil may inom nga po itong
biktima, siya po ay walang laban at noong sinipa ito ng sinapa po
siya ng lalaki na nag aabang po ng masasakyan sa Plaza ay
tumama ito sa isang bakal na may katilusan at tumama ito sa
kanyang sa ulo.

14. TANONG - Ano ang sunod na nangyare sa biktima?


SAGOT – Dali-dali po itong isinugod sa Hospital, pero dahil
masama ang naging tama nito sa ulo ay binawian din agad ito ng
buhay.

15. TANONG - Ano naman ang ginawa ng suspek pagkatapos ng


insidente?
SAGOT - Hindi po alam ng suspek ang kanyang gagawin, tinignan
niya po muna ang naging lagay ng biktima at noong nakita niya na
masama ang naging tama nito ay agad po itong tumakbo para
tumakas.

16. TANONG - Kilala niyo po ba ang suspek?


SAGOT - Hindi po, pero nakikita ko po ang taong yon minsan sa
tuwing pumupunta siya ng pamilihan.

Page 4 of 7
MALAYA AT KUSANG LOOB NA SALAYSAY NI REYMARK ALDAY
MENDOZA NG BARANGGAY CARENAHAN, BALAYAN, BATANGAS
NA IBINIGAY KAY PSMS ALDWIN ELLAO MAGBOO DITO SA
HIMPILAN NG BALAYAN MUNICIPAL POLICE STATION NGAYONG
IKA-8 NG MARSO 2018 HUMIGIT KUMULANG ALAS DOS NG
HAPON SA HARAP NI PCMS JOSEPH REYES MARASIGAN AT
PMSg JULIUS BALDRIAS SALE.
x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-
17. TANONG - Maaaari mo ba siyang ilarawan batay sa iyong
pagkakakilanlan?
SAGOT - Opo, may kalakihan po ang kanyang mga mata at
matangos po kanyang ilong, Mayroon din po siyang bigote at may
kahabaan kanyang buhok. Matangakad din po siya siguro nasa 5’8
o 5’10.

18. TANONG - May mga litrato kami na ipapakita sa iyo, maaari mo ba


siyang ituro kung sakaling nandito siya sa ipapakita namin sayo?
SAGOT - Opo, eto po siya sa padalawang litrato.

19. TANONG - Nakasisiguro ka ba na ang lalaking ito ang nakapatay


sa biktima?
SAGOT - Opo, dahil sa tagal ko na po pumapasada ng tricycle at
dahil sa malimkit din po siya sa pamilihan ay naging pamilyar na din
ang kanyang muka sa akin.

20. TANONG - Ang biktima, nakikilala mo ba siya?


SAGOT - Opo.

21. TANONG - Sa paanong paraan mo siya kilala?


SAGOT - Nakilala na po namin siya dahil palagi po siya nag gagala
dito sa aming paradahan.

22. TANONG - Alam mo ba ang kanyang pangalan at iba pang


pagkakakilanlan?
SAGOT - Siya po ay si Jobert Diaz at ang alam ko lang po tungkol
sa kanya ay nakatira po siya sa Baranggay Quatro, Balayan,
Batangas.

23. TANONG - Muli kong ipababasa sa iyo ang mga katanungan at


kasagutan na isinagawa natin ngayon. May nais ka bang baguhin,
alisin, o idagdag sa mga kasagutan mong ibinigay?
SAGOT - Wala na po

24. TANONG - Ikaw ba ay pinilit o binayaran upang ibahagi ang mga


testimonyang ito?
SAGOT - Hindi po.

Page 5 of 7
MALAYA AT KUSANG LOOB NA SALAYSAY NI REYMARK ALDAY
MENDOZA NG BARANGGAY CARENAHAN, BALAYAN, BATANGAS
NA IBINIGAY KAY PSMS ALDWIN ELLAO MAGBOO DITO SA
HIMPILAN NG BALAYAN MUNICIPAL POLICE STATION NGAYONG
IKA-8 NG MARSO 2018 HUMIGIT KUMULANG ALAS DOS NG
HAPON SA HARAP NI PCMS JOSEPH REYES MARASIGAN AT
PMSg JULIUS BALDRIAS SALE.
x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-
25. TANONG - Pansamatalang wala na akong itatanung sa iyo, may
gusto ka pa bang idagdag dito sa iyong salaysay?
SAGOT – Wala na po.

26. TANONG - Handa ka ba na pirmahan ang salaysay na ito na


naglalaman ng pito na pahina?
SAGOT - Opo.

– KATAPUSAN NG SALAYSAY

Reymark Alday Mendoza


(Nagsalaysay)

Page 6 of 7
CERTIFICATION

We the undersigned, present while this statement/testimony is


being conducted to Reymark Alday Mendoza at Balayan Police Station
101 Mabini St. Balayan on March 08, 2018. We further certify that the
respondent is willing to sign this statement which he willingly gave to
PSMS Aldwin Ellao Magboo of Balayan Municipal Police Station.

PCMS Joseph Reyes Marasigan


___________________________ PMSg Julius Baldrias Sale
_______________________
(Witness) (Witness)

PSMS Aldwin Ellao Magboo


_________________________
Investigator:

Administered by:

PCPT OLIVER SANTOS GONZALES

Administering Officer

Page 7 of 7

You might also like