Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

GAWAING PAMPAGKATUTO

1. Magsaliksik ng iba pang pananaw o teoryang literari at ipaliwanag ito.


Magbigay ng halimbawa nito.

Mga Pananaw at Teoyang Literari

• Humanismo • Naturalismo
• Imahismo • Realismo
• Romantisismo • Marxismo
• Eksistenyalismo • Pananaw Sosyolohikal
• Dekonstruksyon • Klasismo
• Feminismo • Formalismo

1) Humanismo - ang salitang humanismo ay nagmula sa latin na nagpapahiwatig ng mga “di-


siyentifikong” larangan ng pag-aaral tulad ng wika, panitikan, retorika, pilosopiya, sining at
iba pa.
2) Imahismo - Ginagamit ang wika at simbolo upang epektibong maihatid ang wastong imahe
na magbibigay- daan sa wastong mensahe.
3) Romantisismo - Ibanabandila dito ang indibidwalismo kaysa kolektibismo, ang rebolusyon
kay konserbatismo, ang inobasyon kaysa tradisyon, imahinasyon kaysa katwiran at likas
kaysa pagpipigil.
 Ang panitikan ng Romantisismo ay nagbibigay diin sa pleksibilidad ng nilalaman,
nanghihikayat sa pagbuo ng kumplikado at mabilis na pangyayari sa mga kwento at
pinapayagan ang pagsanib ng iba’t ibang uri ng paksa.
4) Tradisyunal - Humihilig sa makasaysayan at pagpapanatili at pagbabalik sa mga katutubo at
tradisyunal na pagpapahalaga tulad ng Nasyunalismo, Pagkamaginoo at pagkakristiyano.
5) Rebolusyunaryo - Bumabaling sa pagtatatag ng bagong kultura na may pagpupumiglas,
kapusukan at pagkamasarili.
6) Eksistensyalismo - Nagpapahayag ng mahalagang paksain ang kongkretong buhay at
pakikihamok ng indibidwal gayundin ang usapin ng indibidwal na kalayaan at pagpili.
Mga Pananaw sa Eksistensyalismo- Ang eksistens ay laging partikular at indibidwal.
Ang eksistens ay nakatuon lamang sa problema ng eksistens mismo o ng isang pagiging
nilalang. Nagpapatuloy ang pagsusuring mayroong iba’t ibang posibilidad. Ang buhay ng
tao ay itinakda ng kanyang mga desisyon.
7) Dekonstruksyon - Nagpapakita ng maraming layer ng kahulugan. Ang lengguwahe ay
madalas na pabagu- bago.Pagsusuri ng wika at ang teorya ng realidad o pilosopiya upang
makabuo ng panibagong kaisipan
8) Feminismo - Pagsusuri ng panitikan at awtor mula sa punto de vista o pananaw ng isang
feminista. Ang feminismong literaryong pag-aaral ay nakatuon sa kapwa ng mga kababaihan
bilang mambabasa at manunulat.
9) Naturalismo - Ito ang teoryang nag-uugnay ng syentipikang pamamaraan sa pamamagitan
ng paniniwalang lahat ng nilalang at pangyayari ay natural at lahat ng karunungan ay maaring
dumaan sa masusuring pagsusuri. Maari itong ihambing sa teoryang dualismo, monismo,
ateyismo, at idealismo . Sa larangan ng panitikan ngayon ang naturalismo na ipakita ang
walang paghuhusga ang isang bahagi ng buhay.
10) Realismo - Ito ay isang malaking kilusan na umosbong sa larangan ng sining noon 1900
siglo.Ito ay may layon na ipakita ang lkaranasan ng tao at lipunan sa isang makatotohanang
pamamaraan. Ito ay isang paglalarawan sa doktrinang nakabatay sa makatotohanan at wastong
paglalarawan ng lipunan at buhay.(Mercure Francais Du XIX siecle,1826) Sinisikap na
ipakita ng teoryang ito ang buhay ng mga panggitna at mababang uri ng tao,ng mga
pangkaraniwan,ng mga di- kagila-gilalas,ng mga mapagkumbaba at mga hindi nakikita
11) Marxismo - Ito ay lipon ng doktrinang pinaunlad nina Karl Marx at Fredrich Engels noong
kalagitnaan ng ika-19 na siglo. Ito ay naglalagay nang tatlong batayang ideya: pilosopiya ng
pagtingin ng tao, teoryang kasaysayan, at pampulitika’t pang ekonomiyang programa.
12) Marxismo- Ito ay nagagamit sa pagsusuri ng kalagayang panlipunan, pag-uugali, at
motibasyon ng mga tauhan sa kwento Binibigyang pansin nito ang mga umiiral ng tunggalian
ng tauhan sa sarili niya,sa ibang tauhan, sa lipunan o sa kalikasan. Nasabi ni Mao Tse Tung
tungkol sa paglalapat ng Marxismo sa panitikan: “ Mga marxista tayo at pagtuturo ang
Marxismo na sa paglalapat natin ng isang problema, di nararapat tayong magsimula buhat sa
mga mahihirap unawaing depinisyon kundi sa katotohanang walang pinapanigan, ang ating
mga patakaran at pamamaraan. Ito rin ang dapat nating gawin sa ating kasalukuyang
diskusyon sa sining at panitikan”
13) Sosyolohikal - Ang lapit-sosyolohikal ay naangkop sa tradisyon at prestihiyo ng dulaan sa
panitikan. Sa pananaw na ito, mas malawak ang perspekto na pasusuri ng isang akda dahil
binubusisi nito hindi lang ang kasiningan at katangian ng akda kundi pati rin ang bahagi ng
lipunan at kasaysayang pinagluwalan nito. Kilala ng pananaw na ito ang ugnayan ng likhang-
sining at lipunan. Sa pagsusuring sosyolohikal, hindi sapat na suriin lamang ang akda kundi
pati na rin ang lipunang kinabibilangan ng may akda na siyang naglarawan sa akdang iyon.
14) Klasismo - Ito ay ang paggamit ng istilo o estriktong prinsipyo ng mga Griyego o Romanong
klasikong arte at panitikan. Sa makabagong panahon, ito ay tumutukoy pa rin sa paggamit ng
prinsipyong musika. Ang Renasimyento ang pinakaimportanteng panahon ng klasismo. Ang
terminong “neoklasismo” ay madalas na ginagamit sa pagtukoy sa naghahalik ng klasismo.
15) Pormalismo - Para sa mga pormalista, ang panulaan ay hindi panulaan dahil lamang
gumagamit ito ng temang tumatalakay sa kondisyon ng tao kundi dahil sa proseso ng wika. Ito
ay kumukuha ng atensyon sa sarili nitong artipisyalidad sa pamamaraan ng pagsabi nito ng
gustong sabihin. Ito ay may layuning matuklasan at maipaliwanag ang anyo ng akda. Ang
teksto mismo ang pokus sa paggamit ng teoryang ito.

2. Ibuod at ibigay ang aral ng mga akdang “KALUPI” ni Benjamin P. Pascual;


“PARUSA” ni Genoveva Edroza P. Matute

Ang buod ng "Kalupi" na orihinal na isinulat ni Benjamin P. Pascual


Minsan sa ating buhay, may mga mali tayong desisyon na pagsisisihan sa
bandang huli. Dala siguro ng problema, bugso ng damdamin o pagkalito. Ganito ang
nangyari kay Aling Martha, isang pangkaraniwang ina sa araw-araw ay abala sa
gawaing bahay at pag aasikaso sa nalalapit na pagtatapos ng anak. Pinasya ng
ginang na mamalengke ng maaga upang mamili. Sa kanyang paglalakad ay di
inaasahang mabangga siya ng isang batang madungis. Agad na nahusgahan ni Aling
Martha ang bata, ito ay mahirap, walang pinag-aralan at walang modo. Nang kukuha
na ng pambayad ang ginang ay tsaka na lamang nito natanto na nawawala na ang
kanyang kalupi. Agad na nataranta at nag-isip. Sa loob-loob nya ay hiyang hiya sya
sa nangyari. Natitiyak nya na ang batang madungis ang nakakuha ng kanyang kalupi.
Agad na nagmadali ang ginang upang mahagilap ang batang sa tingin nya ay
kumuha ng kanyang pitaka. Nang makita ang batang madungis ay agad na hinablot
ng ginang ang damit nito, pinit na pinaamin sa pagkuha ng kanyang pitaka. Ngunit
ang bata ay panay ang tanggi kahit na pinipilit itong paaminin ni Aling Martha. Marami
na ang nakapaligid sa kanila, may naawa sa bata ngunit wala iyon kay Aling Martha.
Hanggang sa may dumating nang pulis, Nagtanong sa bata ang sinabi pang ito''y
dadalhin sa presinto. Lubhang natakot ang batang madungis. Ang binili nitong isda
para sa tyahin ay malamang hinihintay na kanina pa. Ang mahigpit na hawak ni Aling
Martha ay nagdulot ng matinding sakit sa bata kaya''t kinagat nito ang kamay ng
ginang. Nagkaroon ng pagkakataong makatakas ang bata at agad itong tumakbo
papalayo.Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, kasabay ng paglayo ng bata sa
mapanghusgang si Aling Martha ay ang tilian ng mga naroroon.Nabangga ito ng
humahagibis na dyip. Bago mawalan ng hininga ang kawawang bata ay iginiit nito na
wala syang ninakaw. Sa pangyayaring iyon ay inisip pa rin ni Aling Martha na ang
nangyari sa bata ay kapalit ng pagkuha ng kanyang kalupi. Pagkauwi ng bahay ni
Aling Martha ay nagtaka ang mister nito kung saan galing ang pinamili gayong
naiwan nito ang pitaka sa bahay. Namutla si Aling Martha sa narinig. Sa
pagkakataong iyon ay nawalan ito ng malay.Marahil hanggang sa ngayon ay
binabagabag parin si Aling Martha sa nangyari sa bata.
3. Gamit ang graphic organizer ipakita ang pagkakaaiba-iba ng mga teoryang
literari.
Klasismo
Klasismo Pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan.

Humanismo
Humanismo Ang tao ang sentro ng mundo, binibigyang ddin ang kalakasan at mabuting katangian ng tao.

Imahismo
Imahismo Gumagamit ng mga imahen para makapaglarawan sa mga nais ipahayag.

Realismo
Realismo Nangyayari sa kasalukuyan at hango sa totoong buhay, nakikita ng may-akda sa kanyang lipunan.

Femenismo
Femenismo Kalakasan at kakayahang pambabae, pag-angat ng tingin sa kababaihan.

Arkitaypal
Arkitaypal Ipinapakita ang mahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng simbolo o simbolismo.

Formalistiko/Formalismo
Formalistiko/Formalismo Ito ay gumagamit ng tuwirang panitikan at wala siyang simbolismo.

Sikolohikal
Sikolohikal Mga salig sa naturang pag uugali ng isang tauhan sa akda

Eksistensyalismo
Eksistensyalismo May kalayaan ang tao para sa kanyang sarili.

Romantisismo
Romantisismo Pag aalay ng pag-ibig sa bansa, kapwa, atbp.

Markismo
Markismo Ang mga tao ay may sariling kakayahan na umangat sa buhay.

Sosyolohikal
Sosyolohikal Kalagayan at suliraning panlipunan

Moralistiko
Moralistiko Pamantayan ng tama o mali

Bayograpikal
Bayograpikal Talambuhay ng isang tao

Querr
Querr Pagpapantay sa tingin sa homosexual.

Historikal
Historikal Kasaysayan ang bahagi ng buhay ng tao.

Kultural
Kultural Ipakilala ang kultura ng may-akda

Dekonstraksyon
Dekonstraksyon Pinaghalong pananaw.

Arketipo
Arketipo Isang modelo

EBALWASYON
Ipaliwanag ang mga sumusunod:
1. Pagkakaiba at pagkakatulad ng komitment at responsibilidad gamit ang Venn
Diagram.

Responsibilidad
Komitment
2
ang isang
sumasang-ayon
tao ay gumagawa
ang
 Kapwa may
ng kung
isang
ano tao
ang
nahinihiling
gawin,
obligasyon
na gawin.
kungAngano
 Mayang Tungkulin
dapat
responsibilidad
niyang gawin.ay kailangan
na ang
Ang
estado ng pagkakaroon
pananagutan ay ang
gawinng
tungkulin,  May
gawin
kondisyon, ang
Obligasyon
kung
anumang
saankinakailangan
sa tungkulin
ang isang tao ay
upang makumpleto ang
inaasahan na
kumuha ng

You might also like