Ang pananaliksik na ito ay naglalayong ipaliwanag ang
kaugnayan ng estilo ng pagtuturo at pagkatuto sa Filipino ng mga guro sa katutubong mag-aaral ng Sigkuran. Ang kaugnay na literatura ay hinati sa (2) bahagi, una ay ang estilo ng pagtuturo at ang pangalawa ay ang uri ng pagkatuto.
Banyagang Pag-aaral at Literatura:
Ayon kay Fiske (2010), ang lahat ng katangian ng mga guro-
kwalipikasyon, karanasan at kakayahan ay may kritikal na pagganap sa paghubog ng proseso nag pagtuturo at pagkatuto sapagkat ang interaksyon sa pagitan ng mag-aaral at guro ay may pangunahing paraan ng pagpasa at paghatid ng kaalaman at kasanayan.
Ayon naman sa pag-aaral nila Maria Theresa Barbaros, et.al
(2018), ang mga guro ang pigura sa edukasyon, kailangan may kakayahan at kaalaman upang makapagbigay ng kaalaman sa mga estudyante. Ang mabuting pagtuturo ay isang napakapersonal na paraan. Ang mabisang pagtuturo ay nagbibigay bahala sa mga mag- aaral bilang isang tao at sa kaniyang pangkalahatang pag-unlad. Dapat makilala ng mga guro ang mga pagkakaiba ng bawat isa sa kanyang mga mag-aaral at ayusin ang mga tagubilin na angkop sa mga mag-aaral.
Ayon kay Sudhanshu Sinhal (2017), ang pagpapanatiling
masigla ang mga mag-aaral ay isa sa mga dahilan kung bakit hindi mapapantayan ang harapang paguturo (face-to-face) ng ibang estilo ng pagtuturo. Ang presensya ng guro ay nagpapanatili ng kasiglahan sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga nakakawiling aktibidad, dahil dito, napapanatili sa mga mag-aaral ang kaalaman na natututunan sa leksyon. Ayon kina Watkins at Mazur (2013), sa pamamagitan ng pagsasama at pagbubuo ng mga talakayan ng kapwa, ang mga mag- aaral ay may higit na pagkakataong makapagbahagi ng mga ideya at bumuo ng isang talakayan sa loob ng panimula. Sa talakayang ito, ang guro ay makikinig sa mga mag-aaral at sila ay nakatuon sa higit pa sa panayam, na nagpapataas ng pakikipag-ugnayan ng guro sa mga mag-aaral.
Ayon sa mungkahi nina Lansiquot, Blake, et.al(2011), ang mga
sumusuporta sa mga kapaligiran sa pag-aaral ay mahalaga sa pagtulong sa mga hindi nakapagtapos, partikular sa kinatawan ng mga minor, sa larangan ng agham at sipnayan.
Mula kay Stipek (2012), mas nagkakaroon ng mataas na antas
ng pagkatuto ang mga mag-aaral na mas maraming beses ang sumasagot at nagsasanay kaysa sa mga nakikinig at nanonood lamang. Ang relasyon ng guro sa estudyante ay malaki rin ang maiutulong sa pag-unlad ng mga mag-aaral. Naiimpluwensyahan niya ang mga ito sa pamamagitan ng paniniwala sa kanilang kakayahan, kompetens, pagsusumikap at talento. Sa pamamagitan ng magandang relasyon ng guro sa mga mag-aaral, nararamdaman ng mag-aaral ang kanilang seguridad kaya nagiging kumportable silang sumagot, magtanong at makibahagi sa pagbuo ng kaalaman. Lokal na Pag-aaral at literatura:
Ayon sa pag-aaral nina Barberos, Gozalo at Padayogyog
(2018). Ang mabisang pagtuturo ay nakabatay sa mag-aaral bilang isang tao at sa kaniyang pangkalahatang pag-unlad dapat kilalanin ng guro ang mga indibidwal na pagkakaiba nila at ayusin ang mga tagubilin na angkop para sa kanila. Ito ay isang katotohanan na bilang mga tagapagturo, gumaganap ng iba’t ibang mahahalagang tungkulin sa silid aralan. Ang mga guro ay itinuturing na liwanag sa silid aralan at sa napakaraming responsibilidad na mula sa pinakasimple patungo sa pinakakumplikado. Ito ay nangangailangan ng iba’t ibang mga estilo ng pagtuturo o pamamaraan upang makuha ang mg interes ng mga mag-aaral. Higit sa lahat ang guro ay dapat magkaroon ng sapat na kaalaman sa mga layunin at pamantayan ng kurikulum, kasanayan sa pagtuturo, interes, pagpapahalaga at mithiin.
Bilang isang tagapagturo isinasaalang-alang mo kung paano mo
gustong lapatan ang iyong paraan ng pagtuturo ikaw bilang isang guro ay nagnanais na gumamit ng isang paraan na kapakipakinabang para sa lahat ng iyong mga mag-aaral upang tamasahin nila ang proseso ng pag-aaral at para naman sa iyong silid-aralan upang maging maayos at kontrolado. Bukod dito walang dalawang guro ang matututo ng isang bagay sa parwhong paraan. Ang estilo mg pagtuturo ng guro ay batay sa sa kanilang pilosopiya sa edukasyon, demograpiko ng kanilang silid aralan kung ano ang paksa at kung ano ang misyon ng paaralan. (Quinonez, 2014)
Ayon sa pag-aaral nina Fernandez et al(2010) ng mga
estratehiya sa pagtuturo ay may malaki at mahalangang tungkulin sa pagbibigay ng tulong sa guro upang ang mga katotohanang nakapaloob dito ay maihatid patungo sa mga mag-aaral na mas madali at mas maganda amg kalidad ng gawain. Ang demokratikong edukasyon ay nagsisimula sa sanligan na ang lahat ay natatangi, kaya natuto ang bawat isa sa atin sa ibang paraan. Sa pamamagitan ng pagsuporta sa indibidwal na pagpapaunlad ng bawat kabataan sa loob ng isang komunidad, tinutulungan ng demokratikong edukasyon ang mga kabataan na matuto tungkol sa kanilang sarili, nakikibahagi sa mundo sa kanilang paligid at maging positibo at nag-aambag sila bilang miyembro ng lipunan (Bennis, 2013).
Ayon kay Dyikuk (2010) amg demokratikong estilo ay isang
klase ng pagkatuto na nakasentro sa silid-aralan. Iginagalang nito ang mga opinyon ng mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Ang mga pagpapasya ay sinasang-ayunan ng sama-sama at pagtatakda ng mga layunin ay ibinabahagi sa lahat. Ibinabahagi rin ng guro ang kaniyang responsibilidad sa mag-aaral sa loob ng silid-aralan na ang pakay ay isangkot ang mga mag-aaral sa paggawa ng pilosopiya at desisyon na nakaaapekto sa kanilang sarili.
Ang demokratikong estilo ng pagtuturo ng mga guro ay
nakatakda ng matatag na pag-uugali at pagkatuto na kanilang inaasahan sa mga mag-aaral na may kapasidad pa rin silang makitungo at tumugon sa iba't ibang pangamgailangan ng mga estudyante. Ang mga mag-aaral ay binibigyan ng higit na kalayaan upang gumawa ng mga desisyon sa kapaligiran ng pagkatuto at pag- aaral. Hindi nangangahulugang guro ang responsable sa mga mag- aaral na mailantad ang kanilang kapasidad sa pag-aaral kundi bibigyan sila ng pagkakataon na hayaan na silang tumuklas sa sarili nilang kaalaman. Sa demokratikong estilo ng pagtuturo binibigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong matuto sa sarili nilang kakayahan at pag-unawa na gumawa sa mga panuntunan na binibigay ng guro. (Chang 2010) Ayon kay Munir (2011) ang awtoridad na diskarte ay ang pinakamahusay na pamamaraan sa silid-aralan na hinihikayat ang mga mag-aaral na maging malaya bagamat hindi sila pinapabayaan, ang mga kabataan ay pinahihintulutan na ipahayag ang kanilang mga pananaw. Ang awtoridad na estilo ay ang pinakamahusay n anyo ng estilo na pamamahala sa silid-aralan dahil ito ang pinakamalapit na nauugnay sa angkop na pag-uugali ng mag-aaral.
Ayon kina Munir at Rehman (2016) nakasalalay sa pag-uugali
ng guro ang ikinikilos ng mga mag-aaral na nakabatay sa kanyang pamantayang gusto niyang masunod sa loob ng silid-aralan.
Kaugnay rin ng pag-aaral ni Rada (2014) ang pagpaplano sa
estratehiya sa pagtuturo upang mapataas ang kognitibong dimensyon ng pag-iisip ng mga estudyante. Kung kinakailangang magpadala ng mga guro sa pagsasanay upang mapagyaman ng kaalaman na magagamit naman sa mga mag-aaral.
Sa pahayag ni Pagkalinawan (2011) sa kaniyang malikhaing
pagtuturo ng wika tungo sa paglinang ng kasanayang pangkomunikatibo ang wika daw ay mahalagang papel na ginagampanan sa pakikinig.
Ang pahayag na ito ay may kaugnayan sa pangkasalukuyang
pananaliksik dahil ang wika amg midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.
Ayon sa pag-aaral ni Mustaq (2012) na sa pamamagitan ng
mabisang komunikasyon, pasilidad sa pagtuturo at tamang gabay sa mga mag-aaral ay nakaaapekto sa mahusay na pagganap ng mga mag- aaral.
Ayon sa resulta ng pananaliksik nina Barberos, et al. (2011)
sa kanilang pananaliksik na pinamagatang "The Effect of Teachers Teaching Style's on Student's Motivation", ay napag-alaman na ang mahusay na guro ay nagpapakita ng malasakit sa kaniyang estudyante bilang tao at kung saan iginagalang ang pagkakaiba ng mga ito. Ibinabagay din niya ang pagtuturo ng kakayahan ng kaniyang mag-aaral. Siya ay nagsisilbing huwaran sa pamamagitan mg pagtupad ng kaniyang mga tungkulin mula sa pinakasimple at pinakamahirap na responsibilidad. Ang pagtuturo ay isang misyon na ang mga mag-aaral ay kailangang hikayatin upang ipakita ang kanilang kahusayan at nalalaman kung paano mapapasunod ang kaniyang mag-aaral.
Ayon kay De Juan (2013), sa paglalahad niya ng ng mga suliranin
sa pagtuturo ng Filipino, isa rito ang kawalan ng interes ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng mga akdang pampanitikan at ang guro ay hindi mulat sa lahat ng pagbabagong nagaganap sa kapaligiran lalo na sa larangan wika at panitikan para sumunod sa makabagong estilo o teknik sa pagtuturo ng Filipino ang kaniyang mga maituturo.