L15 Lagia Ulama

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Lagia Ulama

Si Lagia Ulama ay kilalang matalino at relihiyosong tao sa daigdig. May iba siyang paniniwala sap ag-
aasawa. Para sa kanya, hindi makabuluhang bagay ang pag-aasawa. Sa madaling sabi, wala siyang
kabalak-balak mag-asawa. Ang pagbabasa at pananaliksik sa mga salita ni Allah sa Koran ang
mahalaga sa kanya. Nakabasa na siya ng siyamnapu’t siyan na doktrina. Nang umabot na siya sa
ikasandaang doktrina, napag-alaman niya na ang paniniwala sa Islam ay hindi kompleto kung hindi
mag-aasawa. Dumating ang panahon na kukunin na siya na Makalmot (Diyos ng mga Patay) dahil sa
matatapos na ang kanyang mga araw sa daigdig. Ngunit nagmamakaawa siya kay Makalmot na bigyan
pa siya ng panahon para mabuhay. Gustong niyang mag-asawa para tuparin ang huling doktrina sa
Koran. Pumayag naman si Makalmot ngunit binigyan lamang siya ng pitong araw para maghanap ng
babaing mapangasawa niya. Bumalik siya pagkatapos nito para na siya kunin.

Sinamantala ni Lagia Ulama ang pitong araw na ito sa paghahanap ng babaing mapangasawa niya. Sa
paghahanap niya, may nakita siyang babaing nagbabayo ng palay, may malapit sa may kubo. Nag-
alok kaagad siya ng kasal sa mga magulang ng babae ngunit tinanggihan nila na magpakasal si Lagia
Ulama sa kanilang anak nang malaman nilang pitong araw na lamang ang itatagal nito sa daigdig.
Naghanap siyang muli ng babaing mapangasawa. Nang makakita siya, tinanggihan din siya sa
parehong dahilan na mamatay siya kaagad. Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa isang araw
na lang ang natira para kay Lagia Ulama. Gayunman, nakakita rin siya ng babaing pumayag ang
magulang na ipakasal ang kanilang anak kahit na mamamatay na siya. Idinaos ang kasal sa gabi rin
iyon.

Sa gabi ng kasal nila, nagtanong ang asawa ni Lagia Ulama, “Sa lahat mh nababasa mo sa Koran,
mayroon bang nakapagpapahaba ng iyong buhay?” Inalala ni Lagia Ulama ang lahat ng kanyang
nabasa hanggang sa sinabi niyang, “Ang isang tao ay dapat maghandog ng pista para sa
pagpapakumbaba at pagsisi sa puso at makatarungang intensyon”. Nang marinig ito ng asawa ni
Lagia Ulama tumayo ito para maghanda ng isang pista at nagmakaawa kay Allah na pahabain
pa ang buhay ng kanyang asawa.

Nasiyahan si Allah sa alay at ibinigay ang kanyang hinhingi. Binigyan si Lagia Ulama ng tatlumpung
taon pa para mbuhay.

You might also like