L14 Lang Alamat NG Nuestra Señora de La Cadelaria

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Ang Alamat ng Nuestra Señora De La Cadelaria (Patrona ng Jaro)

(Salaysay ni Gng. Lucy Buendia)

Sa katedral ng Jaron ang buong ringal na nakatayo sa harap ng plasa ng Jaro ay nakadambana ang
pinakamatandang estatwa ng Nuestra Señora de la Candelaria. Ang mga taong bayan ay
nagpapatunay na nag Imahen ay mapaghimala at maraming tulong at biyaya ang naipagkaloob sa mga
deboto. Noong unang panahon sa pagtuntong ng mga kastila sa dalampasigan ng Iloilo, ilang mga
mangingisda ang nakatisod sa isang matigas na bagay sa tabing-ilog ng Iloilo. Ang kanilang nakita ay
isang estatwa ng Mahal na Birhen, kasingtangkad lamang ng isang talampakan. Tinangkang buhatin
ng mga mangingisda ang Imahen ngunit ito’y lubhang napakabigat.

Sa maikling oras ay kumalat ang balita. Dumagsa ang mga tao sa lugar. Binalak nilang dalhin ang
estatwa sa isang malapit na sinbahan ngunit anumang pagsisikap na mabuhat ang Imahen ay walang
nangyari. Sa wakas ay napagkasunduan nilang dalhin ang Imahen sa katedral ng Jaro. Nakapagtataka
na kung noong una ay sampung kalalakihan ang nagtulong-tulong na buhatin ito ngunit walang
nagawa, ngayon ay isa lamang na mangingisda ang bumuhat dito. Ang imahen ay idinambana sa
katedral ng Jaro.

PANINIWALA:

Pagkatapos na ito ay maisagawa, hindi nagtagal ay maraming bagay ang naganap. Di-umano ang
Imahen ay malimit na nawawala sa kanyang dambana sa simbahan lalo na kung umagang-umaga
pa. Marami ang nagsasabi na palagi silang nakakakita sa isang napakagandang dilag na may di-
pangkaraniwang mahabang buhok, pinapaliguan ang kanyang anak sa poso artesyano...mismong
sa gitna ng plasa . Kaharap ng Jaro Rural Health Building. Isang pang milagro ang naganap mga ilang
taon bago nagkadigma. Ang pangyayari ay nasaksihan ng maraming taong-bayan.

Ang kabuuang lugar ng Mahal na Birhen ay madilim na madilim. Pagkaraan ng ilang, araw biglang
nagliwanag sa kinaroroonan ng Imahen gayong wala naming sinumang nag-aayos dito. Ang isa pang
milagro ay ito: lumaki ang dating isang talamapakang Imahen sa kasalukuyang sukat ngayon. At
isang napakalagong baging ang tumubo sa paligid. Ang baging ay nagging tampulan din ng pansin at
itinuturing na nag-aangkin ng mapaghimalang lunas sa sakit.

Ito ang Patrona ng Jaro at ng Kanlurang Bisayas. Sa kanyang kapistahan, Pebrero 2, ay binabasbasan
ang mga kandila, ang ilaw, ang liwanag ng pananampalataya.

Ang bagong trono ng Mahal na Birhen ng Kandila ay ginawa noong 1980 bago dumating sa Jaro ang
Papa Juan Pablo II.

You might also like