Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Sucesos de las Islas Pilipinas na isinulat ng isang espanyol na si Antonio de Morga.

Nagpapahiwatig ito ng mga pangyayari sa loob at labas ng bansa mula 1493 hanggang 1603 at sa
kasaysayan ng pilipinas magbuhat 1565. Ang sinulat na libro ni morga ay importante dahil isa
syang royal official ng Espanya at kasama sa mga pangyayari ng bansa. Taong 1890 inilabas ang
anotasyon ni Jose Rizal sa ginawang libro ni Morga. Sa nobelang ito ay pinagkakalooban ng
paglalarawan ni Antonio de Morga sa Pilipinas na base sa kanyang obserbasyon at karanasan na
kung saan ay hindi sumang-ayon si rizal at itinama niya ito tulad na lamang sa paglalarawan sa
kondisyon ng ating bansa noong pananakop ng mga kastila. Binigyan linaw ni Rizal ang mga
maling paglalarawan ni de morga tulad sa pamumuhay, kultura, pagkain, paniniwala, kagamitan,
relihiyon at sistema ng gobyerno dahil sa hindi niya talaga ito mauunawaan dahil hindi siya
Pilipino. Isinulat ni Morga ang libro upang maitala nya ang mga malaking tagumpay ng
Espanyol sa pagdiskubre at pagsakop bansang Pilipinas. Ngunit ito ay itinama ni Rizal na sinabi
nya na ang mga misyonaryo ay nagtagumpay lamang sa pagsakop sa kakaunting porsyon at
populasyon sa iilang isla.Humantong si Rizal sa libro ni Morga sa kadahilanang ang paniniwala
nya ay iba sa sinasabi ng libro ni Morga. Nagdesisyon si Rizal na magsagawa ng anotasyon sa
libro. Matapos hanapin ang libro ni Morga, kinopya nya ito isa isa at itinama base sa kanyang
pananaw.

Sa panahong iyon ay marami ng napuntahang bansa si Jose Rizal at marami nading


natutunan na ibaʼt ibang lenggwahe. Pinagbuti nya ang pagaaral sa kasaysayan at kultura ng
pilipinas. Sa ginawang libro ni Morga, sinabi ni rizal na hindi lamang sa kalagayan ng panahon
ang kaylangang ipahatid sa iba, na dapat ding kaylangang ibunyag ang pagsakop ng mga
espanyol sa ating bansa, ang hindi nya pag sangayon sa mga sinulat ni Morga, pati natin ang mga
konpirmasyon sa mga parte ng kasaysayan mula sa ibang sulatin.

Ayon sa aming nabasa, ang anotasyon ni Rizal ay kasalukuyang nakapunta na siya sa


iba’t ibang bansa kagaya na lamang ng Espanya, Fransya, Germany, Czechoslovakia, Austria,
Switzerland at marami pang iba. Maalam na rin siya sa iba’t-ibang lengguwahe kagaya ng
Spanish, French, Germana, Italian, Japanese at Inggles. Sa paglalakbay na yon ay hindi niya
kinalimutan na pag-aralan ang sariling atin. Kasama na rito ang kultura at kasaysayan ng bansa.
Pinahalagahan niya ito upang maintindihan at malaman kung saan ang pinagmulan nating mga
Pilipino. Nakita niya ang mga dapat gawin upang mapaganda at mapalaganap ang kaalaman at
kagandahan ng isang lugar sa Pilipinas. Nakasaad rin dito na gusto ni Rizal na mapalaganap at
mabigyan ng atensyon ang Pilipinas gaya na lamang ng kasaysayan nito. Pinili niya ang
nobelang Sucesos de las Islas Filipinas upang mapatunayan niya at masabi sa lahat ang testimyo
niya tungkol sa pagsakop ng mga kastila sa bansa. Kasama dito ang mga di niya sinangayunan sa
mga isinulat ni De Morga. Napag-alaman ko na sa kanya nagmula ang katagang “God! Gold!
Glory!” na inaral naming nung kami ay nasa elementarya pa lamang.

Ayon kay Rizal, ang ‘’God!’’ diumano ay ang pagtukoy niya sa relihiyon na Katoliko
kung saan pinaglaanan ni de Morga ng ingat dahil gusto marahil niyang mapanatili ang pagiging
dalisay sa relihiyon. Ayon kay rizal, hindi ang buong bansa ang nasakupan ng relihiyon na iyon
lalo na sa bandang Mindanao. Mas marami pa diumano ang di kasali lalo na ang mga tribo na
mayroon sa bansa. Ang relihiyon ay di mapagkakaila na konektado ito sa pulitika. Sa ‘’Gold!’’
naman, ang sabi diumano ng mga Espanyol ay wala daw silang nakuhang kayaman sa pilipinas
at malaki daw dapat ang utang na loob ng Pilipinas ditto, binato naman sila ni Rizal ng “It may
be so, but what about the enormous sum of gold which was taken
from the islands in the early years of Spanish rules, of the tributes collected by the
encomenderos, of the nine million dollars yearly collected to pay the military, expenses of the
employees, diplomatic agents, corporations and the like, charged to the Philippines, with
salaries paid out of the Philippine treasury not only for those who come to the Philippines but
also for those who leave, to some who never have been and never will be in the islands, as well
as to others who have nothing to do with them.” Ngunit isinaad niya rin na hindi lamang iyon
ang nakuha ng Espanya sa Pilipinas, kasama na rin ang mga buhay na nakitil. Kagaya na lamang
ng mga sundalo, mga islang pinamuhayan nila kasama na rin ang mga mahihirap na mga tao na
ibinenta ng Espanya. Oo nga’t marami ang naitulong ng espanya sa Pilipinas, pero di rin
maipagkakaila na ang mga ito ay marami rin ang kasawian na naganap at natamasa ng Pilipinas
mula sa Espanya kahit na nasa lugar tayo na sariling atin, ginawa pa ring ipaglaban ng Pilipinas
kahit na ang kapalit nito ay paghihirap. At ang panghuli naman ay ang “Glory!”, kung saan nais
ng espanya na matawag at makamit ang pagiging “Supremo” kung kanilang tawagin, kagaya na
lamang ng pagpapalit nila ng pangalan ng Cebu at ng Bisayas kasama na rin ang Philippines na
nanggaling kay King Philip of Spain. Kasama na rito ang pangmamaliit nila sa lugar at taong
pilit nilang sinasakop sa abot ng kanilang makakaya. Sa sobrang gahaman ng Espanya ay ipilit
nila lahat upang makuha nila sa Pilipinas ang kakayahan, kayaman at kagalingan na likas sa ating
mga Pilipino.

Sinabi ni Rizal noong kapanahunan niya ay hindi ganun kahusay ang mga tao sa Pilipinas
bago tayo sakupin ng mga Espanyol ngunit sinabi din niya na natuto naman ang Pilipinas base sa
mga naging karanasan nito at doon tayo kinilala bilang mga Pilipino. Sinabi din niya na mayroon
na tayong angking galing pag dating sa pagsusulat. Alam din ni Rizal na kaaayawan ito ng mga
Espanyol at naging resulta nito ay ang pagbabawal sa loob ng Pilipinas. Bakit? Dahil ayaw nga
ng mga Espanyol na magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga Pilipino noong panahon na iyon.
Ginamit ni Rizal ang kasaysayan bilang sandata ng Propaganda. Ito ay itinuturing na labis o
sobra sobra para sa mga mananalaysay at masyadong makasaysayan para sa mga propagandista.
Si Rizal din ang naging boses at nagtakda ng kasaysayan para sa Pilipinas at sa pagkakakilanlan
ng mga Pilipino.

Mayroon isang sinabi si Morga na pinakatumatak sa akin, at yun ay ang "Ang mga
Espanyol ang nag dala ng gulo o nag simula ng gera dito sa Pilipinas", na kung ako ang
tatanungin ay totoo naman, dahil kung hindi din naman dahil sakanila ay ibinenta nila tayo sa
USA na kung saan sa buong pagkakaalam natin ay kakampi natin nung mga panahon na iyon,
pero isa din palang kalaban. Ngunit sa dalawang gera na nag daan ay nag karoon tayo ng sapat
na karanasan upang magkaroon ng sariling utak at dito tayo natuto na lumaban at ipaglaban natin
kung ano ang atin. Oo, natuto nga tayo sakanila sa iba't ibang larangan, lalo na sa pananamit,
relihiyon at sa pagsasalita o pagsulat, gayunpaman ay hindi padin ito rason para hayaan natin sila
na masakop ang ating bansa.

You might also like