Professional Documents
Culture Documents
Balitang Kontemporaryo
Balitang Kontemporaryo
Batangas, Samal Is
Posted by Tocmo at Andrew Bernar and Andrew Bernardo, ABS-
CBN News on May 4, 2021
Halos 600 kilo ng basura ang nahakot sa isinagawang
magkahiwalay na operasyon ng paglilinis sa ilalim ng dagat sa
Batangas at sa Davao del Norte noong nakaraang linggo.
Sa Davao del Norte, nakakolekta ng 378 na kilo ng basura ang
mga miyembro ng Coast Guard District Southeastern
Mindanao, kasama ang ilang ahensya ng gobyerno at pribadong
sektor sa isinagawang Scubasurero: Stand Up, Save our Reefs,”
sa Island Garden City of Samal (IGACOS) noong Biyernes.
Layon ng aktibidad na inorganisa ng Department of Tourism XI
na mapangalagaan at maprotektahan ang marine biodiversity
sa Davao Gulf.
Sinisid ng scuba divers ang bahagi ng Talikud Island sa IGACOS
at kinuha ang mga basura sa ilalim ng dagat.
Nanawagan ang mga awtoridad sa publiko na iwasan ang
pagtapon ng basura, lalo na ang plastic, upang hindi masira ang
yamang dagat at hindi rin ito maging peligroso sa marine
species.
Isa ang Samal Island sa mga tourist destinations na puntahan
lalo na sa mga taga-Davao Region dahil sa beaches at diving
sites nito.
Isinagawa ang Scubasurero bilang paggunita sa Earth Month
noong Abril at Ocean Month naman ngayong buwan ng Mayo.
Sa Batangas, mahigit 200 kilo ng basura ang nakuha ng divers
na nagsagawa ng paglilinis sa ilalim ng dagat na sakop ng
Barangay Mainit sa bayan ng Mabini noong Sabado.
Inabot ng kalahating araw ang aktibad na tinawag na
“Unmasked the Ocean” at nilahukan ng nasa 30 pribadong
divers gamit ang 5 bangka.
“We gathered some divers and then we went to a few sites na
alam namin na palagi kaming nakakakita ng basura, tapos may
mga mesh bags kami and then siguro we went on 2 dives, mga
40-50 minutes each shallow lang and we collected as much
garbage as we could which is a lot,” ayon kay diver instructor
Ross Veridiano.
Dagdag pa ni Veridiano na madalas na makita basura ay face
mask, na essential ngayong may COVID-19 pandemic.
“Actually, ngayon hindi na remote pag nakakita kami ng face
mask, parang more often than not we find face mask sa mga
dive site sa Anilao. Actually, sobrang lungkot and not only am I
sad but I’m also worried, kasi it’s really killing the environment.
I can compare it from 1992 tapos ngayon sobrang nag
deteriorate na rin ‘yung ating mga corals,” dagdag niya.
Nanawagan rin ang grupo sa pamahalaan na maging mahigpit
laban sa mga ganitong gawain laban sa kalikasan. Hiling naman
nila sa mga residente na maging responsible, lalo sa pagtatapon
ng mga basura sa dagat para maiwasan ang tuluyang pagkasira
ng likas na yaman.
Pinagkunan: https://www.google.com/amp/s/news.abs-
cbn.com/amp/news/05/04/21/scuba-600-kilo-basura-dagat-
batangas-samal-island
Pinagkunan: https://www.google.com/amp/s/news.abs-
cbn.com/amp/business/05/09/19/paglago-ng-ekonomiya-
bumagal-dahil-sa-delay-sa-budget
Pinagkunan:https://news.abscbn.com/news/10/10/18/nasa-
122-milyong-pamilyang-pinoy-naniniwalang-mahirap-sila-
survey