DI Etiolohikal Na Alamat (Ang Bayan NG Sta Cruz)

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

ILANG PILING HALIMBAWA NG DI-ETIOLOHIKAL NA

MGA ALAMAT

Ang Bayan ng Sta. Cruz


(Sa pagsasalaysay ni Angelina Santos)

Ang bayan sa Sta. Cruz ay isang lugar sa Pasig, Metro Manila. Dati-rati ang pangalan nito ay munting
kalsada. Ginawa itong Sta. Cruz bilang parangal sa krus na nakadambana sa bisita ng nasabing lugar.

Sinasabing noong kaunti pa lamang ang naninirahan sa Sta. Cruz ay may tinatawag na daang-kalabaw,
isang maputik at makitid na daan na laging pinagdaraanan ng mga magsasaka at ng kalabaw nila mula
sap ag-aararo sa bukiring nakapaligid sa Sta. Cruz.

Isang hapon, may isang matandang magsasakang pauwi at kasama ang kanyang kalabaw na hila-hila
ang araro. Sa nag daang-kalabaw sila nagdaan. Sa kanilang paglalakad, naramdaman ng magsasaka na
parang may mabigat na bagay na sumabit sa araro na siyabng ikinatigil ng kalabaw sa paglalakad. Ang
mga bagay na humadhadlang pala’y isang maliit na krus na yari sa kahoy na 1½ talampakan ang taas.
Ito’y may sunog sa likuran. Kanya itong iniuwi sa kanilang bahay, hinugasan at inilagay sa altar.

Nang sumapit ang Mayo, ang nasabing krus na dinamitan nang maganda ang ginagamit ng mga
kabataan sa Santakrusan. Gabi-gabi’y iginagala ng mga tao ang krus sa kanilang lugar. Dito
nagsimulang magpamalas ng milagro ang nasabing krus.

Isang gabi, may isang lalaking nagngangalang Ka Belo na hindi naniniwala sa Santakrusan, ang nang-
uyam sa mga kabataan at sa krus. Pinagduraan niya ang pagdaraan ng krus at nagparunggit na
kalokohan lamang iyon at sinabayan ng tawa. Nang siya ay makapanhik ng bahay, hindi siya
makapagsalita nang tuwid at nahirapan siyang kumilos. Ito ang napala ng lalaki sa ginawang
kalapastangan sa krus. Kaya sa tuwing daraan ang prusisyon sa tapat ng kanilang bahay ay
umuusal ng dasal ang lalaki kasama ang asawa hanggang sa tuluyang gumaling si Ka Belo.

Dahil sa pangyayaring iyon, kumalat ang balitang ang krus ay milagroso. Ipinagpatayo nila ito ng bisita
o kapilya na maging tahanan na ng krus.

Lumipas ang ilang taon at napansin ng mga tao ang isa pang pangyayaring maituturing na isang ring
milagro ng krus. Tumaas ang krus, pataas nang pataas sa paglipas ng mga taon hanggang abutin nita
ang taas na mahigit sa limang talampakan. Marami ang nagtaka at ayaw maniwala sa pangyayaring
ito, ngunit may palatandaan sa krus, ang sunog sa likuran.

Sa milagrong naganap, napagkaisahan ng mga naninirahan sa dating Munting Kalsada na palitan ang
pangalan ng lugar sa Barangay Sta. Cruz.

You might also like