Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

KABANATA II

MGA TALA TUNGKOL SA IBA’T IBANG POOK AT


ETNOLINGWISTIKONG PANGKAT

Ang Mga Maguindanaon

Nakatira sa timog-silangang bahagi ng Mindanao ang mga Maguindanaon. Nang maghiwalay raw ang
magkapatid, si Tabunaway at ang kanyang mga tagasunod ay umalis sa kanilang kinagisnang nayon at
naghanap ng pook na kanilang matitirhan. Ang tanong na kung saan sila titira ay nagkaroon ng
kasagutan, “Maginged tano sa danao” na ang kahulugan ay “tumira tayo sa palibot ng lawa.” Dito
nagmula ang pangalang, “Maguindanaon” nang ipadugtong ang dalawang katutubong salitang,
“maginged” at “danao”. Ang salitang “maginged” ay maaaring nangangahulugang, “ang mga nakatira o
titira” at ang salitang, “danao” naman ay ang Maguindanaon na salitang, “lawa”
(Alfanta, 1975-76).

Ang ideya na tinatawag ang mga Maguindanaon na “mga tao sa binahang kapatagan” ng mga Western
iskolars ay maaaring dahil sa kanyang herograpikal na lokasyon na kung saan, ang malapad na kapatagan
sa Cotabato Valley ay palaging binabaha. Kung minsan naman, kapag ang Rio Grande de Mindanao o
kaya’y ang Pulangi (sa kanilang sariling dayalekto) ay umaapaw sa tubig ay walang makikitang kapatagan
at ang mga tao ay wlanag napupuntahan, sila ay sumisigaw ng, “Midsanao!” na ang ibig sabihin ay,
“Napakalaking baha!” (Ito: walang petsa).

Ayon kay Alfanta (1975-76), ang panitikan ng mga Maguindanaon ay binubuo ng “folk speech” at “folk
narratives”.

Ipinahahayag ang “folk speech” sa pamamagitan ng antuka/pantuka/paakenala (riddles) at bayok (lyric


poems). Ang tuluyan o “folk narratives” naman ay nahahati sa Islamic at “folk traditions”. Ang Islamic
ay binubuo ng Quran, tarsila o “genealogical narratives,” luwaran na tumutukoy sa batas-tradisyon,
hadith o kaya’y kasabihan ng Propeta, at ang quiza o mga kuwentong panrelihiyon. Ang “folk tradition”
ay binubuo naman ng tudtul (folktales) at ng mga epiko – Rajah Indarapatra, Darangen, at Rajah
Madaya.

Para sa Maguindanaon, ang mga bugtong ay tumataguyod sa pagkakaibigan sa grupo. Binubuo ang
istruktura ng kanilang bugtong ng imahen at paksa. May apat na uri ng imahen: paghahambing
(comparative), paglalarawan (descriptive), palaisipan (puzzle) at pagsasalaysay (narrative). Binubuo ang
pagbubugtong ng isang grupo ng mga tao. Isa rito ang siyang nagbubugtong. Kailangang may nakahanda
siyang mga bugtong dahil kung wala ay magiging sentro siya ng pagkutya (dtapulung). Ginagawa ito
hindi bilang pagpuna kundi bilang bahagi ng tradisyon.
Ipinapahayag ang mga berso-Maguindanao sa pormang ida-ida a rata (children rhymes sung in chorus) o
kaya’y sa pamamagitan ng tubud-tubud (short love poem).

Ang salsilas/tarsilas ay isang katipunan ng batas adat na tumatalakay sa pagpatay, pagnanakaw,


pangangaliwa at tungkol din ito sa batas sa mamanahin at negosyo.

Ang Hadith ay mga kasabihan at kagawian ni Propeta Muhammad. Kinolekta, tinipon at tinaya ng Islamic
na iskolars. Binubuo ito ng pinanggalingan at sistema ng batas Islamic at sistema. Ginagamit din ito para
ipaliwanag at liwanagin ang ilang punto sa Quran Arabic ang wikang ginagamit (Alfanta, 1995).

Ang quiza naman ay mga kuwentong nakasulat din sa Arabic at ginagamit ng imam (priest) sa pagtuturo
ng Islam sa mga bata. Isang halimbawa ang “Izra-wal Miraj” na nagsasabi hinggil sa kung bakit
nagdadasal ang mga Muslim ng limang beses sa isang araw (ibid).

Ang tudtud (folktales) ay maiikling kuwentong binubuo ng simple na mga pangyayari. Halimbawa,
nagkukuwento ang Lagya Kudarat ng pakikipagsapalaran ng dalawang anak ni Lagya/Sultan Mampalai ng
Lum. Ang Pat-i-Mata naman ay nagsasalaysay tungkol sa magkakapatid na lalaki: Pat-i-
Mata at Datu sa Pulu (Notre Dame Journal, 1980).

Kinakanta naman ang epikong Mindanao. Tumutukoy ang epikong Rajah Indarapatra sa maraming
tauhan na may mga di pangkaraniwang kapangyarihan. Pinaniniwalaang orihinal na akdang
Maguindanao ang Rajah Mandaya dahil sa karamihan ng elemento nito tulad ng lenggwahe, metaphor,
at mga tinutukoy na epiko ay Maguindanao. Samantala ang ibang elemento nito ay binubuo ng
maraming salaysay na ang isa ay tungkol kay Sultan Dilindigin na hindi nagkaroon ng anak. Ipinagdasal
niya ito sa pangakong ibibigay niya ito sa isang dragon. Dito nagsimula ang pakikipagsapalaran ni Sultan
Dilindigin (Casal, 1981).

You might also like