CamScanner 12-03-2020 14.14

You might also like

Download as pdf
Download as pdf
You are on page 1of 21
TULA la Cruz ikipagsapalaran ni Juan del s na Pal Jose Lacaba Isang gabing madilim puno ng pangambang sumakay sa bus siJuan de la Cruz pusturang-pustura kahit walang laman ang bulsa BAWAL MANIGARILYO BOSS sabi ng konduktora at minura si Juan de la Cruz. Pusturang-pustura kahit walang laman ang bulsa nilakad ni Juan de la Cruz ang buong Avenida BAWAL PUMARADA sabi ng kalsada BAWAL UMIHI DITO sabi ng bakod kaya napagod si Juan de la Cruz. Nang abutan ng gutom si Juan de la Cruz tumapat sa Ma Mon Luk inamoy ang mami siopao lumpia pansit hanggang sa mabusog. Nagdaan sa Sine Dalisay Tinitigan ang retrato ni Chichay PASSES NOT HONORED TODAY sabi ng takilyera tawa nang tawa. Dumalaw sa Konggreso si Juan de la Cruz MAG-INGAT SA ASO sabi ng diputado Nagtuloy sa Malakanyang wala namang dalang kamanyang KEEP OFF THE GRASS sabi ng hardinero sabi ng sundalo kay Juan de la Cruz. Scanned with CamScanner Nang dapuan ng libog SiJuan de la Cruz Ramasyal sa Culi-culi at nahulog sa pusali Parang espadang bali-bali * YOUR CREDIT Is GOOD BUT WE NEED CASH sabi ng bugaw Sabay higop ng sabaw. Pusturang-pustura kahit walang laman ang bulsa Naglibot sa Dewey siduan dela Cruz PAN-AM BAYSIDE SAVOY THEY SATISFY sabi ng neon, . Humikab ang dagat na parang leon Masarap sanang tumalon pero BAWAL MAGTAPON NG. BASURA sabi ng alon. Nagbalik sa Quiapo siJuan dela Cruz at medyo kinakabahan pumasok sa simbahan IN GOD We TRUST sabi ng obispo ALL OTHERS PAY CASH. Nang wala nang malunok si Juan de la Cruz dala-dala’y gulok gula-gulanit na ang damit wala pa rin laman ang bulsa umakyat Sa Arayat ang namayat nna si Juan de la Cruz WANTED DEAD OR ALIVE sabi ng PC at sinisi ang walanghiyang kabataan kung bakit sinulsulan ang isang tahimik na mamamayan na tulad ni Juan de la Cruz Scanned with CamScanner TULA Regla Ruth Elynia S. Mabanglo Daming beses na ipinagdamdam ko Ang iyong pagparito. tkaw — Dumadalaw nang di-inaanyayahan, Nagguguhit ng kirot Sa aking sinapupunan, Naglalagay ng init sa aking pagitan, Hanggang maiwang nagkakagulang _ Ang isip ko’t laman. Daming beses nang ipinagdamdam ko Ang iyong pagparito kaw na walang hudyat kung dumalaw Ngunit hinihintay sa pagdating Natatakot na sa iyong pagmamaliw May namuong luhang luulan isang araw Tulad ng luhang itinanim Ng isang nagmahal sa akin. (Ay, kung ang lipunan nga tama’y walang ipinagbabawal At di-nililibak ang babaing me Nag-aanak sa labas ng kasalan, Maano kung ako’y datnan mo’t panawan, Maano kung magmaliw ka nang tuluyan, May layang umahon Sa aking sinapupunan Ang supling na sa iyo'y Uuyam.) Scanned with CamScanner TULA Sa Sinumang Pintor ng Still Life Rio Alma Ay, huwag kang malalasing sa linamnam ng papaya, Sa lamukot ng dalandan, sa nilalik na mansanas, O sa tamis na mahinhin ng samplatong buwig-ubas. Huwag ka ring maaaliw sa inayos na balangkas Pagkat baka mapawaglit sa unawa’t kamalayan lyang kamay na nagtanim ng papaya at ng ubas, lyang kamay na nagdilig sa dalandan at mansanas, lyang kamay na nagbantay, nag-alaga at pumitas. Ay, huwag kang malalango sa porma ng mesa’t silya, Sa daloy ng mga linya at pagkanto ng anggulo O sa likhang perspektiba at bigat ng bawat bulto. Huwag ka ring mahahaling sa testura’t chiaroscuro Pagkat lalong mahalagang maisalin sa larawan lyang kamay na pumulak at nagpabulas sa bulto. lyang kamay na kumatam at kuminis sa anggulo, lyang kamay na naglapat, nagpako at nagmartilyo. lyo lamang isapuso: bawat bagay sa daigdig, Kapag isang likhang-tao ay may kamay na nagpawis; Isapuso lamang ito, at sa bawat likhang-guhit Ang pipintig ay di bagay kundi buhay-anakpawis. Scanned with CamScanner DAAIKLING Kuwento Utos ng Hari Pedro Cruz Reyes, Jr. “See kangi Scien = You in my cubicle after lunch.”Pahabol sa akin ni Mrs. Moral Character * matapos ang klase. Si Mrs. Character ang teacher namin sa Social ©. Siya rin ang adviser namin. alto eae akong si gago na isip nang isip kung ano na naman ang sasabihin coe in. Nawalan tuloy ako ng ganang mananghalian. Halos tiyak ko nang ane Kann’ Umaatikabo na naman ito. Kamakalawa lamang ay halos ilabas nia 18 Kanyang calculator para ipakita kung gaano ako “katanga” at kung gaano katama ang kanyang pagsuma sa aking mga “S.” Isinunod niya ang mga absences ko; tapos, ‘ang mga lates. Hindi naman maikatwirang “paano ako di masisingko kung kailan ako absent ay saka ka magbibigay ng quiz. Kung kelan tinatamad mag- recite saka namimilit.” Saka pag sinabi ko naman ang gusto kong sabihin kakapain Na yung pulang balipen. Pero tipong maganda naman ang kanyang mood sa klase kanina. Katunaya’y yung kanyang paboritong paksa ang pinag-uusapan namin. Yung’ kanyang dazzling Malaysian at ang kanyang paboritong pabango. Nagtsismis din siya (tulad ng dati). Kesyo si Mr. Espejo raw, kaya tumandang binata, dahil dalawang beses niyang binasted noong dalaga pa siya. Si Miss Kuwan daw kaya wala sa eskwelahan hindi dahil nag- study leave: nagpa-abort sa America, Magbi-bell na nang maalala niya ang leksyon naming, ang normalization process sa gobyerno. Sabi nya kangina, “Para tayo maging fully democratic kailangang mataas ang literacy rate.” (Sinabi na ‘yon ni Rizal.) “May sapat na communication system ang pamahalaan at may mataas na moralidad ang mamamayan. At higit sa lahat, ailangang maging westernized ang ating pamantayan. By so doing, hindi tayo magiging uncivilized sa western standards.” Nang tanungin niya ako, sabi ko'y mas basic ang dapat na pamamaraan sa pagtingin sa problema. Halimbawa'y bakit hindi umpisahan sa economic condition ng bansa. Kung kuntento ang mga tao, normal ang takbo ng pamahalaan. Pero ‘kung maraming dissatisfied, natural na abnormal ang sistema. Hindi basta effective communication process, hindi rin basta mataas na literacy rate. Mga manipestasyon lang ito ng talagang problema, Nabigla siya. Doon na kami inabutan ng bell. ‘Ay, konsumisyon sa buhay, gusto kong lagnatin. Kay layo ng kahapon sa kasalukuyan. Pag nasa bahay ako, ako ang bida. Pag ang kababayan ko ang magkukwento, ako ang sikat. Pero dito sa iskwelahan, walang isko-scholar ng bayan. Talagang gusto kong maghinto, pero ayaw ni Tatay. Kung sabagay sino ba namang ama ang matutuwang magkaanak ng drop out? Talagang sawa na akong. mag-aral. Kay ganda sanang isiping hindi ako nakatali sa sintas ng sapatos ng Scanned with CamScanner teacher ko na kasama ko sa bawat hakbang. Ipaling kung saan sulok ko gustong Puntahan, ilakad-kaladkarin kahit gustong mamahinga. At isipa kahit ako ang masaktan, Ay, buhay estudyante. Makauno lang, kahit lulunin ang sariling dila. Kumontra sa kanila, singkong maliwanag. Tumango-tango ka naman para makauno, ibig sabihin noo’y sarili mo na ang kailangang lokohin. Pakisama lang talaga. Konting kompromiso, konting tango at “yes ma’am” lang, dos na ‘yon o tres. Kung bakit ba naman kasi nauso pa sa mundo ang diploma. Kung wala akong diploma, sino naman ang maniniwalang may kinabukasan nga ako. Sana’y di nauso ang grade, di sana’y hindi ako mahihiyang pumasok kahit Metro Manila Aide. Kung graduate naman ako, hingan ng experience sa pag-aaplayan ko, dedo pa rin. At kung tapos nga, nakakahiya namang pati trabahong pang mahirap ay pagtiyagaan ko. Grade lang naman, problema ba ‘yon? Uno kung uno. Singko kung singko, tapos ang usapan, bakit kailangan pahabain pa? Bagsak kung bagsak. Kick-out kung kick-out. pero hindi naman talaga ako dapat bumagsak. O.K., matigas ang ulo ko, rugged at medyo bastos pa raw, pero bakit kailangang isali pati conduct at ayos ng katawan sa usapan? Hindi naman ito military school, hindi rin naman seminaryo, bakit panay “yung conduct mo” at appearance” ang panakot nila? Ano ba ang masama nang bumagsak? Kung si Recto, bar flunker pero isa sa kinikilalang constitutionalist ngayon. Si Einstein, bumagsak sa Physics at grammar school pero big time scientist. Kahit teacher niya hindi alam ang theory niya sa relativity. Kung sabagay, hindi ako si Recto at si Einstein. Si Jojo lang ako, ang walang sinabi, kung teachers ang tatanungin. Sa pamilya marunong daw ako lalo’t si Tatay ang tatanungin. Sa mga kapitbahay namin ay ako lang ang nakarating ng Maynila para mag-aral hg libre. Kung nalalaman lang nila. Aral nang aral. Aral sa umaga, aral sa tanghali at aral pa ulit sa gabi. Hindi ko naman maintindihan kung para ano ang pinag-aaralan. Hindi na naubusan ng ipari-research. Walang alam itanong kung hindi “What is our lesson for today?” Parang mga Diyos na sila lamang ang may monopoly ng tama. Kaya hindi pwedeng tanungin at lalong hindi pwedeng pagsabihan ng mali. ‘Ay, mga teachers sa mundo, bakit ba gmawa pa? Tulad ni Mrs. Moral Character, bago mag-umpisa ang leksyon, magsesermon muna na virtue of honesty, kesyo masamang mandaya, kasalanang mortal ang magturo sa kaeskwelang nakalimutan ang sagot dahil sa pagkataranta, krimen ang magkodigo at kung anu-ano pa. Lahat nna yata ng masama at bawal sa mundo ay alam. Pero ang kanyang lihim ay buking a namin. Noon daw nakaraang referendum ang teacher naming morally upright ay biglang nabulag at nabobo. Nang magwatcher daw ito sa presinto, tatlong letra Jang ang kabisadong basahin. Katwiran nito’y “Anong sama doon, kahit matalo, panalo pa rin. Bakit, me magagawa ka ba?” Kaya naman ngayon hindi na siya si Mrs. Moral Character sa amin, Mrs. Eraser na lang. ‘Tapos magtataka pa kung kangino kami nagmana sa mundo. Scanned with CamScanner Esino nay English, walangpaka sa kanila ang pwedeng gawing idolo? ‘Yung teacher ko sa Sa voice at diction ie sa mundo, Basta magamit lang niya yung’ nalalaman niya tagapakinig sa kenyan igava na siya sa buhay, Basta kami ang papel lang namin, at ang kanyang cera mga asides. Para tuloy kaming pang-therapy niya fang, a hagpatayo ng si Hu ‘ong paksa, ‘yung kanyang ninuno na purong Kastila raw (tulad niya at ng keny ‘ahan sa kanilang bayan. Antique syempre ‘yung-simbahan siya. Sarap. se f2rY ane loo). big lang niyang palabasin ay may dugone bughaw cane es bukuhin na ang Kastilang napunta rito noong araw ay mga gobyerno nila, ee sa Espanya. Kesa nga naman maging problema sila ng Petite are os Pilipinas na ang bahalang magtis ng konsumisyon. ‘Yung ganoong nabitke Fated ee niya sa kanyang lolo, ang mangunsumi ng mapagtiis. Pag hindi mo 8 hindi nag-aral, lagot ka. Pagsasabihan ka nito ng “What?” lyon lang seg me Pa alam hanggang ngayon? OX. that’s your assignment for tomorrow: ‘a niya sasabayan ng bura ng maling nakasulat sa blackboard. < Kunsumihin ka ba naman araw-araw, pag naging gago ka nagtataka pa. Hindi ka pa nga pwedeng magwala, hindi ka pa rin pwedeng maglibang. Kung s2 pagtitiis ng kunsumi ay sigarilyo at beer ang mapiling pagbuntunan ng sama ng loob. Ayun at, “Sinasabi ko na nga bang masama sa pag-aaral ang bisyo,” ang agad ikakatwiran ng mga ito. Kung bisyo naman ang pag-uusapan, masama raw sa katawan ng tao ang alkohol at nikotina. Para na rin sinasabing, pag teacher kana ay pwede. Dahil estudyante ka pa lang, tis. Itanong mo kay Mr. Discipline at alam na alam niya ang sagot. Huwag mo nang itanong kung nagdaan din siya sa pagkabata, kung noong araw ay gago rin siya, dahil sa isasagot nito'y, “Kaya nga ayaw kong matutuhan nyo ang bisyo dahil pinagdaan ko na ‘yan. Sa amin sa barkada, dalawa lang kaming mag-gu-goodbye my school goodbye. Kick-out ako sa kagaguhan daw. Si Minyong nama'y sa kabobohan daw. Kung paano nila natiyak na dapat nga kaming palayasin sa pinakamamahal naming paaralan, ganito raw ang naging takbo ng usapan nina Mrs. Moral Character (Eraser), Mrs. Gles-ing, Mr. Mathematician, Miss Spermatozoa at,Mr. Discipline at iba pa. “Hindi naman korum, say quorum, kuwow, quorum. That's correct, that Jojo Boy has no sense of decorum. | feel though he is brilliant, only my reservation is that...” only" he is stubborn. Papasok ‘yan sa klase ko nang nakainom, para pang nang:iinis na lalapitan ka. Ipaaamoy sa iyo ang hininga.” “Yow true, how true, | swear to God that’s true.” indi lang ‘yan, minsan gusto pa mandin akong kulitin sa klase na akala mo’y rubuli niya akong hindi prepared sa lesson ko, Tambakan ko nga ng research diatras siya.” : Scanned with CamScanner “And he is always absent. Sometimes | don’t want to give him an excuse slip anymore,” “So what is the verdict of the group?” “(could not pass him.” “Ako rin.” “God will punish his naughtiness” “Iwill report the matter to his parents immediately.” ‘Ang masama ay ang akusasyon nila kay Minyong. Nababaliw daw. Tuwang- tuwa silang pagtsismisan ito. lyon ay kung hindi sila ang tinatamaan ng mga Pinagsasabi ni Minyong. Pag medyo kinabubuwisitan nilang co-teacher ang tinamaan “hi-hi-hi” lang ang sagot nila. Pag bull’s-eye si Minyong, “my God, baliw talaga, hindi alam ang sinasabi,” ang katwiran nila. Si Minyong kasi ay “cultural minority” Hindi.naman nagprisinta sa kanila “yung tao na dito sa Maynila mag-aral. Kinuha-kuha nila sa bundok, tapos pilit pinaniwalang makakasabay ito sa standard ng exclusive school, pinaniwalang dito nito matututuhan ang paghango sa kahirapan ng kanilang tribo, saka ngayon, basta na lang sisipain. Bobo, ang sabi nila. Binigyan ng isang pagkakataon. Pinagsalita nang pinagsalita, para raw mahasa nang sa gayo'y mawala ang inferiority complex nito. ‘Ayun, nang matutong magsalita ang tao, na-schock silang marinig ang katotohanan. Sabi ng pangkat ng mga Hari. “A find him kinda weird lately.” “So what shall we do with him.” “Definitely | could not pass him.” “Oo nga naman. Gagawa tayo ng masamang precedent. Mauuso ang bobo sa eskwelahan. Remember, Philippine School for Science and Technology ito. Tapos magpapasa tayo ng estudyanteng bo-bo? Hindi pwede.” “Pero cultural minority ‘yan.” “and so?” ‘Kailangan babaan natin ang standard sa kanya.” “Excuse me, mayroon lamang isang standard ang excellence at wala nang exception pa.” “What now?” “ano pa, e di Ibagsak.” Scanned with CamScanner __ Saka sila nagkorus ng “Ibagsak.” Kung sabagay nang mabalita ang kaso ni Minyong sa eskwelahan, humigit-kumulang ay nakapagpasya na sila sa magiging dulo ng istorya. Ganito raw iyon. “Have you considered his case lately?” “Anong gagawin natin sa kanya? Meron ba tayong policy sa ganyang kaso?” “Mabuti siguro’y pauwiin na natin sa kanilang tribo.” “Dapat nga, baka manakit pa yan ay maraming madamay.” “Oh, how | abhor violence.” “Baka kamo manunog pa yan. Uso pa naman sa Maynila ang sunog ngayon.” “E kung ipa-confine natin sa mental?” “At sinong magsu-shoulder ng bill?” ‘Tapos ang kaso ni Minyong bago pa man pasimulan ang deliberasyon. Hindi naman sila parating ganoon kabilis magbaba ng hatol. Paminsan- minsan nama'y “humane” sila ika nga. Tulad halimbawa ng kaso ni Osias at Armando, mga kaiskwela rin namin. “Ipasa na natin si Osias.” “Pero mababa yan sa Physics.” “Sus, naman ito, e talaga naman mahirap ‘yang klase mo.” “Thoughtful ‘yang batang yan. Kahit saan ka makita ay panay ang good morning.” “Talaga. At prisintado agad yan pag nakasalubong ka na maraming dala.” “Talaga” “How about Armando? Another cultural minority?” “Excuse me. He is not a thoroughbred cultural minority. It is only the mother. The father is an Hlocano who migrated to Mountain Province.” “ang sweet-sweet ng batang ‘yan. Manang-mana sa Tatay nya.” “ogi talaga.” “You bet. Doctor pala ang ama nyan.” “\papasa ko yan. Kaya lang naman yan‘ mababa, kasi matagal umabsent. Nagkasakit kasi.” “ano, pasado na tong dalawa?” Scanned with CamScanner “Approve” Mahirap talaga sa mundo ang hindi pogi at walang amang du tapos akong kumatok lansan ng mga libro. Ktor. “Come onin. Sit down.” Sabi ni Mrs. Moral Character mat at papasukin sa kanyang cubicle. Inabutan ko siyang nagsasal son and your attitude.” Heto di na lang ako nagkasakit. ‘sa kanya at tuloy “I called you for two reasons. Regarding our le: na naman kami sa loob-loob ko. Kung bakit kasi hint a Sana’y natuloy na ang lagnat ko para pwedeng huwag magpakita ‘maiwasan ang sermon na nag-aabang. “Jojo, ang tao'y hindi pulos tiyan tulad nang gusto mong palabasin,” sabi niya habang nakataas ang isang kilay. Huwag kang kikibo, paala ko sa aking sarili, Mahirap makipagtalo sa teacher. Ngiti ka lang basta. Titigil din yan pag nagsawa. Pero tipong wala siyang balak mag-short cut ng sermon. Walang essence ang pinagsasabi mo kanina. lyon ay isang halimbawa ng Prior statement. Do you get me?” Tumango naman ako. “Good. Now, alam mo sigurong wala kang pinanghahawakang data, which | happen to have. Panay speculation lang ang pinagsasabi mo at walang katuturan ito sa scientific world. Our lesson is more complicated than you thought. What you mean probably is the role of economic determinism in contemporary Philosophy, which is all together wrong. Bakit hindi mo gamitin ang power of elite approach? Behavioralism ang trend ngayon sa west. Bakit hindi ka makigaya?” Huwag mong pansinin, ngiti lang. Paalala ko ulit sa sarili ko. Hayaan mo tang siyang magsalita nang magsalita. Pasasaan ba’t mauubusan din yan ng sasabihin. Pasok sa kanang tenga, labas sa kaliwa. Siya ang teacher kaya ang pakiramdam niya’y siya lang ang pwedeng tama. “Do you get me?” Tango pa rin ako. At ngayon, ang part Il ng kanyang sermon. “To be honest about it, | don’t like your attitude in class. Smart aleck!” Yuko na lang ako. Saka ako bumulong ng “I’m sorry, Ma’m.” Kahit hindi ko siya tingnan alam kong tatangu-tango siya sa tuwa. Lihim na naman pumapalakpak ang kanyang tenga sa tuwa. Napaamo niya ang suwail ng eskwelahan. Sana’y kasing “honest” din niya ako, di sana’y nasabi ko ring “The feeling is mutual. | also don’t like you, Ma’m.” Sa halip ang nasabi ko na lang ay “Can | go now, Ma'm?” “(’'m not yet through.” Ibig pa palang sabihin ay may part Ill pa tong usapang ito. Scanned with CamScanner “They saw you in the chapel last night.” Diyos me, pati pala personal life ko'y pinakikialaman na rin nila ngayon sa loob-loob ko. Nararamdaman ko ang init ng kanyang titig sa aking mukha. “How young are you, Jojo? Speak up.” Wala akong dapat ipaliwanag sa kanya. Hindi ako sasagot. “Speak up | said.” “Seventeen.” “Seventeen and already you are...” Sa ayaw at sa gusto niya, tama na ang narinig ko. Tumayo ako para umalis. Bago ako nakahakbang, dinugtungan pa niya ang kanyang sermon, “''ll let your mother know about this. Gusto ko na talagang magwala, Gusto ko siyang balikan, Gusto kong isambulat sa mukha niya ang lahat ng hinanakit ko sa mundo. Sanay kasing tapang ako ng gusto kong mangyari. Ano ba’ng masama sa ginawa ko sa chapel? ‘Magkahawak lang kami ng kamay ni Tess. Masama ba yon? Siguro ang masama’y kung bakit biglang napasyal si Mrs. Gles-ing sa chapel ng ganoong ords ng gabi. Kawawang Tess. Halos natitiyak ko nang gagawin na naman itong halimbawa ng mga Mrs. Moral Character ng kung anong hindi dapat maging ang isang babaeng estudyante. Si Mrs. Gles-ing, tiyak na halos pumasok ang dila sa pagbabando ng kanyang scoop. Ano pa ang magagawa ko, di suntok na lang ulit sa hangin at magbubulong ng “balang araw.” Kung mababaliw ako tulad ni Minyong, siguro'y hindi Alla ikatutuwa, pero natitiyak kong ipagtataka nila kung bakit. Nasa lobby ang mga kabarkada kong alaskador. “Jo, balita nami’y bida ka na naman.” “Hayaan mo na ang mga ya't magsasawa din yan.” Sagot ko naman. “€ kasi naman pa-chapel-chapel pa kayo. Alam mo nang teritoryo ‘yon ng mga santo.” “Kung nagmu-motel kayo, di wala sana silang alam.” “Tigi,” sabi ko. ano ba talaga ang ginawa nyo’t nagpuputok ang buts ni Mrs. Gles- ing sa klase namin kanina?” ‘isa pa to, anong magagawa ko sa chapel?” kahit ka may madyik, walang himalang mangyayari doon,” sabi ko. : “Ligawan mo kaya si Mrs. Gles-ing.” Scanned with CamScanner “isa ka pa.” Buwisit na buhay ito, alaskado na naman ako. “Malay mo baka lalong malahing Mrs. Robinson yon.” Saka sila nagtawanan. Nakitawa na rin ako kahit na nababato na ako sa buhay. “Tarana lang sa Cubao,” yaya ko sa kanila, Yung’ isang round ng beer ay nasundan ng isa pa nga at isa pa ulit. Saka pinabuntutan ng one for the road. Kung gaano kabils ang bote ng beer ay g2n00n din kabilis ang oras. “Ano ba talaga ang ginawa mo sa chapel?” “Ano ba, di holding hands. Masama ba yon‘? Para nagsusumpaan lang kami Sa harap ng altar na hindi maghihiwalay kahit ako ma-kick-out. Kabastusan na ba yon? Bakit kasi ang dudumi ng isip nila. Akala mo'y hindi nakipag-holding hands noong mga bata.” ‘Sila kaya, paano naging tao?” “Natingnan lang, nabuntis na.” Saka sila nagtawanan. Buti pa sila, kahit paano'y masaya. Ako yata, kahit Sa paglilibang ay mga teachers ko pa rin ang nakikita. Sobra na to. Bakit ba yaw nilang makakita ng katotohanang iba kaysa kinagisnan nila? Bakit ba kasi gusto nilang maging kamukha nilang lahat ang tao sa mundo. Dahil ba sa kanilang Palagay ay sila ang nakadiskubre ng mina ng talino at tama, kaya wala nang natira Para sa amin para diskubrihin? Pero hindi ba yung tinatawag nilang expertise yung dalawampung taon sa serbisyo, ang ibig lang sabihin isang taong karanasang pinatagal ng dalawampung taon? Ngayon ko lang naiisip, kung buhay siguro si Beethoven at kukuha ng eksamen sa ekswela kahit bilang estudyante o teacher ay tiyak na hindi siya tatanggapin. Philippine School for Science and Technology ito, ang eskwelahan ng mga magiging scientists balang araw, tapos pakikitunguhan at ituturing na tao ang isa kung sinong bukod sa tamad magbihis ay madalang pang maligo? Si Einstein kaya? Henyo ‘yon, kaya lang hindi nagsusuklay. Kick-out din, siya, Bawal sa schoo! ang mahabang buhok. Tiyak na pagsasabihan siya ni Mr, Discipline ng “Comply with school requirements. Maximum tolerable haircut please.” Ibig sabihin noon ay ahitah ang batok. Gawing korteng kutsarita ang tuktok. Si Hemingway kaya? Hindi rin pwede, mabisyong tao yan. Bawal ang lasenggo sa klase. E si Maxim Gorky kaya, ang greatest Russian writer para kay Chekhov at Tolstoy,pwede kayang magturo ng comparative literature dito? Sa palagay ko'y hindi rin. Bukod sa wala siyang unit sa English ay wala rin siyang diploma sa Education. Scanned with CamScanner _Si Kristo kaya kung mabuhay ulit at magpunta sa Science? Maestro daw siya kahit walang M.A. at Ph. D. Papasukin kaya sa gate pa lang? Hindi pwede, kung makasalubong siya roon ni Mrs. Moral Character o ni Mrs. English, baka ma-shock pa ang mga ito. Palagay ko, ganito ang sasabihin nila: “Imagine, kay lakas ng loob, ang bastos naman ng appearance. Long hair, hindi nag- aahit, tapos nakasandalyas pa. Maano kung anak siya ng Diyos, wala naman siyang sense of decorum.” Saka kung magsermon dito si Christ, baka mabuko lang siya ng “Who is your authority, where is your data, behavioralism na ang trend ngayon sa west bakit hindi ka makigaya..” Siguro kaya sa sabsaban na lang ang napiling birthplace niya, dahil kung sa Science siya ipinanganak, mababago ang kasaysayan ng Kristiyanismo sa mundo. Ay, sense of propriety at decorum talagang nakakataranta. Clean cut (pagsuklayin mo si Einstein) white polo shirt at black pants (pagdisentihin mo si Kristo). Naiisip ko tuloy kung propriety din yung tawag sa mga teacher kung nakadamit civilian sila kapag Miyerkules. Yan bang parang aattend sila ng party. Yun bang ang tipo ng tela ay mapapansin agad at mapagsasabihang “Ay, ang ganda, saan mo nabili? Siguro ang mahal ano?” na sasagutin naman ng kausap rng “Mura lang yan , siento isang yarda. Christian Dior, original yan, hindi gawang Rustan” At para talagang mapansin, kailangang humahalimuyak din sila sa bango. Yung parang walking pharmacist. Saka kukulayan ang mukha na parang painting (pa-surreal), At saka tatambakan ng brilyante ang tenga, leeg, dibdib, braso at mga daliri. Sa kanilang ganda at ningning, para kang nakakita ng X’mas tree sa isang mahal na araw. Yun ang proper sa kanila. Kung sabagay, hindi nila maaanino yon. Noong gabing mahuli kami ni Tess ni Mrs. English, noon ko lang napansin ang ayos ni Kristo. Ininsulto raw ito ng mga Hudyo kaya ipinako nang hubo sa krus. Pero naiinsulto sa hubo ang mga Mrs. Moral Character, Mrs. English, Miss Spermatozoa, Mr. Mathematician at Mr. Discipline at kanilang mga katribo. Kaya siguro nila tinakpan ang kahubdan ni Kristo ng pelus na nangingintab sa dami ng borloloy. si Virgin Mary ay asawa daw ng isang hamak na karpintero, pero sa bikas niya ngayon ay mistulang peacock at Xmas tree na rin siya. Pati nga kanyang luha ay ginawang perlas. ‘Ang hindi nila naging kamukha ay agad nillang napapansin. Ang taong naniniwala sa sarili ang gusto nilang lapastanganin. Sino nga ba naman si Jojo sa onila na “isang kung sino lang.” Noon kayang mga estudyante pa sila, nakapasa aya sila sa Science? Scholar din kaya sila? Pero bakit naging teacher lang sila sa loob ng mahabang panahon? lyon lang kaya ang alam nila sa buhay, ang magturo? Para silang hindi naging bata. Para bang nang ipinanganak sila’y alam ra nila ang lahat ng bagay. Baka akala nila'y biru-biro ang maging estudyante, Yun kayang conduct nila sa klase noong araw,-panay uno? Kung talagang hindi sila agkakamali, dapat tong ireport agad sa Santo Papa ng Roma, Nasa Pilipinas lang pala ang mga living saints. Scanned with CamScanner Alin na lang kaya ang pwedeng pakialaman? Saan kaya pwedeng Imagine bile sa mundo? Buti sa referendum kasali kami, Alin kaya ang mahalaga, ang kapal oa ng Pilipinas o ang moral character? Yung kapalaran ng Pilipinas, pwedeng adh pero kung sino ang mas seksi, si Alma Moreno o si Elizabeth Oropesa ay hindi naming pwedeng pagpasyahan, “for adults” lang kasi yon. Ops, nakadi-jingle mag-isip. Yung barkada, iba na ang usapan. “Lagyan kaya natin ng thumbtacks yung upuan ni Mrs. English?” “Di aaray yun pero pag naalala ‘yung poise n’ya, sasabihing, oh, mean ouch!’ “Hi-hi-hi.” Buti pa sila at nakukuhang ngumisngis. Ako kaya, kanino pwedeng magreklamo? Sulatan ko kaya si Valencia? Baka naman sagutin ako nito ng “Uminom ka na lang ng kape.” Si Marcos kaya? Santambak ang problema nito sa buhay, biro mong problemahin nito pati kapalaran ng Pilipinas, tapos ipasasagot Pa ito sa kanya sa kasaysayan, paano ako nito mapapansin? Magreport kaya ako kay Carter, issue rin ito ng human rights, ang kapalaran ng mga sinasadistang estudyante, pero mahirap naming umingles. Saka interesado lang ito sa giyera na naluluma sila. Sa Diyos na lang kaya ako susulat? Pero nasa lahat ng lugar at sulok daw ito, kaya tiyak alam na niya ang problema ko. Bakit nga pala sa sermon on the Mount of Sinai wala yung “Blessed are the poor students for they shall inherit...” Siguro dahil wala na siyang langit o lupang pwede pang ipamana sa iba. ‘Ayaw kong maging Minyong. Kailangang magsalita na ako baka ako mabaliw. Ayaw kong maging bato. Hindi baling drop-out, basta tao lang ako. Maliit ang comfort room kung doon ko isusulat ang aking sumbong. Marami na roong nauna. “What you’re holding now is the future of the Fatherland.” “if you can reach this high, you shall be great.” “Ibagsak ang pasismo.” “LABAN“” “Alpha Phi Omega.” “Wanted pen-pal.” Magrereklamo rin ako sa pader kung kailangan, hanggang may makabasa at makarinig ng aking sumbong. Pero sa ngayon idi-jingle ko na lang muna ang sama ko.ng loob. Scanned with CamScanner DULA Pagsambang Bayan Bonifacio lagan Sipi mula sa IX na Bahagi~Ang Sermon (Maliwanag ang malamlam na ilaw sa tanghalan samantala Sunud-sunod, nagdudumaling humahangos sa Pastor /Pari na nana! sa likod) ng ang Koro ay tiling nakatayo Koro 1: Huwag kang mag-atubilil Sulong, isigaw mo! (!saias 58:1) Koro 2: Gawin mong tambuli ang iyong tinigt (Ibid) Koro 3: At ipahayag mo sa bayan! (Ibid) Pastor/Pari: (Atubiling hahakbang patungo sa gitna ng tanghalan) Sa aking bayan? Anong tila mga daing ng lugami ang aking naririnig? Anong tila mga anyong naghihirap ang aking nababanaag? Ang aking bayan? (Ang mga Tauhan na malapit sa Pastor/Parl ay haharap at tititig sa kanya) Buong Koro: Qo, ang iyong bayan! Sa iyong bayan! (Mula sa likod-tanghalan ay maririnig ang banayad na pag-awit ng sumusunod:) Kaylan ka pa lalaya, bayan? Kaylan ka pa lalaya, bayan? Pastor/Pari: _(Nalilito) Ano ang dapat kong gawin? Dapat ba akong pumanaog at magtungo sa kanila? Dapat kayang...? (Hahabulin ng nag-aakusang Koro ang Pastor/Pari) Koro 1: Bakit hindi? Koro 2: Ano'ng pumipigil sa iyo? Buong Koro: Sa panahong ito, hindi karapat-dapat ang pag-aatubili! Koro 3: Hindi ba’t ikaw ay mayroon nang pinili? (Dahan-dahang palilibutan ng Buong Koro ang Pastor/Pari) Pastor/Pari: (Malumanay) Oo. At ito ang ayunong aking pinili: “Kalagin ang tali ng kasamaan! Alisin ang lahat ng pagpapahirap! Palayain ang mga inaapi...I (Isaias 58:6) (Dahan-dahang uurong ang Buong Koro upang bigyan ng puwang ‘ang Pastor/ Pari “pakanin ang mga nagugutom... Ampunin ang mga walang tahanan.”(Isaies 58:7) Scanned with CamScanner Buong Koro: i ro: Magaling kung ganoon. (Dahan-dahang haharapin ang Konggregasyon) Koro 2; , Mula’t sapol ay nasusulat na ang mga tungkuling iyan! Koro 3: 7 3: Mula’t sapol, ang simbahan ay tumunghay na sa mga Paninindigang iyan! Buong Koro: Ngunit ngayon - pore 4: ~ Neayon— Koro 2: — Buong Koro: Pano isasakatuparan? (Biglang haharap na muli sa Pastor/Pari) Paano? (Musika ng pluta, malakas hanggang sa humina at mawala) Koro 1: “Panahon na upang tayo ay magising sa pagkakahimbing.” (Ang mga Taga-Roma 13:11) Koro 2: Gising! Gising! Koro 3: “Gising at mabuhay! |mulat ang mga mata! (Ang mga Taga-Epeseo 3:14) Pastor/Pari: _(Ligalig) Aking Sambayanan! Aking Simbahan! Buong Koro: Harapin ang katotohanan! Gawin ang marapat ayon sa Magandang Balita! Pastor/Pari: Ang naririnig ko ba ay mga sigaw ng Koro 1: —Kalayaan? (Maririnig ang madamdaming sigaw ng “Kalayaan” mula sa likod-tanghalan) Koro 2: Katarungan? (Madamdaming sigaw ng “Katarungan!” mula sa likod-tanghalan) Kapayapaan? (Madamdaming sigaw ng “Kapayapaan!” mula sa likod-tanghalan) or/Pari: Oo, ganoon nga... ‘At sa bawat sigaw ng — —Kalayaan! (igaw ng “Kalayaan” mula sa likod-tanghalan) Koro 2: Katarungan Scanned with CamScanner (Sigaw ng “Katarungan” mula sa likod-tanghalan) Koro 3: Kapayapaa {Sigaw ng “Kapayapaan! mula sa likod-tanghalan) Buong Koro: — ay sinasabi ng Diyos na “Palayain ang aking sambayanan! Palayain ang aking sambayanan (Exodus 10:3) (Aawitin ng mga tauhan ang “Langit ang Paglaya.” Kinakailangang ang damdamin, aksiyon at kabuuang pag-awit ay umayon sa progresyon ng mensahe nito) Langit ng Paglaya (Orihinal: Mendiola) Mabuhay ay langit sa sariling bayan Kung ang sambayana’y mayro’ng kalayaan Umaga ay tula ng kaligayahan At ang dapithapo’y awit ng kariktan. Ngunit inambaya’y may piring ang mata May busal ang bibig, may takip ang tainga Gapos pa ang kamay ng lumang kadena Sa pagkatimawa’y bilanggo ng dusta. Gabi’y magwawakas sa bukang-liwayway ‘Ang inang ginahis ngayon ay may buhay Mga anakbaya’y handang manindigan Magkakapit-bisig laban sa kaaway. Taas ang kamao tanda ng paglaban Daan-libong anak paputol ang sigaw Ang tibok ng puso’y pag-ibig sa bayan Mamatay ay langit lumaya ka lamang. (Maririnig na ang ingay ng mga makinarya at kasangkapan sa pagtatrabaho — malinaw at mataginting, imumustra ng Manggagawa at Magsasaka ang bawat ingay. Sa puntong ito, lalabas ang slides na nagpapakita ng paghihirap ng mga manggagawa at magsasaka. Sa pagiabas ng bawat slide, maririnig ang isang hataw sa tambol. lyon ang magsisilbing hudyat upang manatjling walang kilos ang mga Tauhan. Sa bawat freeze, nararapat na mangibabaw ang katahimika1 . Sa muling pagtambol ay siya ring muling pagkilos ng mga Tauhan. Labintatlo humi kumulang, ang tunog ng tambol.) (ang huling freeze ay higit na mahaba sa lahat habang ang Buong Koro, na nasa bandang kanan, ay tumuturo sa Manggagawa at Magsasaka.) Manggagawa! Magsasakal Sila ang batayang masa ng lipunan. Buong Koro: Scanned with CamScanner Manggagawa at ta Magsasaka: Kami ay naroon sa larangan ng paggawal (Slide: Malawak na sakahan) Manggagawa at Magsasaka: (Haharapin ang Pastor/Pari) Subalit ngayon, bakit buong pagkamuhing ipinagkakait sa amin ang biyaya ng aming paggawa? Magsasaka: —_(Nag-uusig sa Pastor/Pari) Bakit ngayon, kami pa rin ang hampas- lupa, ang yagit ng lansangan- ? Manggagawa at Magsasaka: (Ngayon ay lumiligid na sa Pastor/Pari) — ang aliping wika’y palamunin? {Haharapin ng Buong Koro ang’Konggregasyon at sa banayad at mababang tinig ay mangungusap) Koro 1: Ngayo'y ano- Koro 2: ~ Ang tugon- Koro 3: ng simbahan? Buong Koro: (Mababang-mababa ang tinig) Ngayo’y ano ang tugon ng simbahan? (Ang Pastor/Pari ay dahan-dahang bababa mula sa altar at tutungo sa gitna ng tanghalan. Isusunod ng Manggagawa at Magsasaka ang ikot ng mga katawan sa kanya) Manggagawa: . Hindi ba’t kami ang lumilikha ng mga damit at kasuotan? Masdan ang aming bihis, basahan! (Ang Pastor/Pari ay lalapit sa Manggagawa) Magsasaka:. Hindi ba’t kami ang gagapas ng palay? Ano’t nilimos naming maging ang isinasaing? (Ang Pastor/Pari ay lalapit naman sa Magsasaka) Manggagawa fat Magsasaka: (Haharap sa Konggregrasyon) Bakit? Kami ba'y sadyang itinakwil? Sadyang iniluwal upang alipinin? Buong Koro: (Malumanay) "Humayo kayo at magpakarami.” (Henesis 1:28) “Koro 1: “Makapangyarihan kayo sa mga isda sa dagat —” (Ibid) Koro 2: ‘“— Sa mga ibon sa himpapawid —" (Ibid) more3: + at sa lahat ng hayop na umuusad sa lupa.” (Ibid.) Scanned with CamScanner fe bral eaattel Humayo kayo at magpakarami. (Musika: pluta) (Malumanay; ang linya ay ipinatutungkol sa mga Tauhan at Konggregasyon) Walang sinumang isinilang upang alipinin. Ninais niya na magkapantay-pantay ang lahat ng tao. Ang Pinakamalawak na pagkakataon ay ipinagkaloob niya hindi sa iilan, kundi sa ating lahat. Hindi niya hinangad na may magutom © maging mangmang, o kaya’y salantahin ng takot at pangamba, © maging biktima ng pang-aapi at pagsasamantala. (Lalapit sa Manggagawa) (Magwawakas na ang musika ng pluta) Manggagawa: 9 (Uurong upang iwasan ang Pastor/Pari) Kay ganda ng lyong sinabi. Subalit tila malayo ka sa amin — (Lalapit naman ang Pastor/Pari sa Magsasaka) Magsasaka: (Uurong upang iwasan ang Pastor/Pari) — at tila lalong malayo ang ‘siya’ na iyong itinutukoy. (Sa ‘siya’ ituturo ang Krus) Scanned with CamScanner PELIKULA Pamagat: Himala Direktor: Ishmael Bernal Iskrip: Ricky Lee Ang Himala ay isang pelikula na nagtatalakay apenas himalang nangyayari sa Pilipinas. Ang pangunahing aa si Elsa ay isang himalang napulot sa burol ng kanyang kini e ina na taga-Cupang. Pinalaki siya nito sa probinsyang mahirap at walang masyadong pinagkakabuhayan. Sa burol na iyon kung saan siya napulot ay may puno na kung saan ay himalang nakita niya ang Mahal na Birhen. Sinabi diumano ng Bichen na siya ay gagamot ng mga maysakit doon. Sinangguni niya sa kanyang ina at kanilang pari #9, bayan ngunit hindi sila naniwala. Hanggang isang taga- Maynila ang gumaling sa karamdaman matapos na hawakan ni Elsa at ipagdasal. Ang kanyang mga kababaryo ang unang nanalig sa kanyang kakayahan na nagmula sa Mahal na Birhen. Naging popular ang Cupang dahil kay Elsa. Nakaisip ang lahat ng nakapaligid sa kanya ng paj itaan dahil sa hindi naman siya nagpapabayad. Nagsimulang maningil ang kanyang ina, kaibigan at lahat ng tumutulong sa kanya ng mga tubig na binabasbasan ni Elsa sa pamamagitan ng pag-ihip nito at tinatawag nilang Holy Water. Nagkaroon ng mga T-shirt na may larawan ni maiinom, santo, rosary at pamaypay. nabuhayan ang lugar dahil sa ganitong an ang lahat ng ito, Elsa, mga tindahan ng pagkain, Isang himalang maituturing na pangyayari. Ngunit nalungkot si Elsa nang masaksih: unti-unting nawala ang kanyang kapangyarihan at ang pinakamalaking suliranin ay nang gahasain ang kanyan, g kaibigang si Chayong sa burol. Dahil sa suliraning ito, at sa pagiging mahirap pa tin ng pamumuhay ng mga sumusunod sa kanya, nagpakamatay si Chayong at ang anak ng isang katuwang niya ay namatay sa pagkain ng panis at basurang pagkain, Isinisi sa kanya ang mga pangyayari at nawala sa isang iglap ang kanyang pananalig at ang kanilang pananalig sa Diyos. Tang Jinggo pa ang nakalipas ay nalaman ni Elsa na siya ay nagdadalantao. Ang mga kababayan niya ay naghinalang isa rin itong himala sapagkat wala namang kasintahan si Elsa, Sabay sa pagbuhos ng ulan na hudyat sa kanilang baryong kabuhayan sa pagtatanim ay ang pagkakalat ng balitang buntis siya na hulog ng langit. Kaya't pinatawag niya ang lahet na naging tagasubaybay, napagaling, nagamot niya upang mag-abot ng mensahe para sa lahat. Dumating ang lahat ng ibig magpagaling, mga taga-ulat, at lahat ng naniniwala sa kanya. Nang makita niya na marami na ang mga nagsidalo, ibinigay niya ang mensaheng “Walang Himalg! Scanned with CamScanner > oo ay nasa puso ng bawat tao! Tayo ang gumagawa ng himala!” ang ni Pa natatapos ang gusto niyang sabihin, isang putok ng revolver kai arinig at tinamaan si Elsa sa puso. Gaya ng babaeng nakaputi sa nyang nakita sa burol na inakala niyang Mahal na Birhen. Tinapos ng bala na iyon hindi lamang ang kanyang buhay kundi ang lahat ng mga kabuktutan na naiisip ng tao upang pagkakitaan ang himala ng Diyos, ang kanyang paniniwalang may himala mula sa Mahal na Birhen na hindi naman siya sigurado kung tama o hindi, ang paghihinala ng mga tao na ang kanyang pagbubuntis ay himala gaya ng pagbubuntis ng Mahal na Birhen na hindi naman mula sa kanyang kasintahang si Josep, higit sa lahat, ang himala na ang lahat ay matatawag sa pananalig kung mayroong himala. Maganda ang pelikulang ito, lalo pat noong 1982, ang lahat ng tao ay nagmamakaawa sa Himala upang makaligtas sa panunungkulan ni Marcos, kung may isang pananalig na gaya nito, magkakaroon ng pagkakaisa ang mga tao dahil iisa ang kanilang layunin. Ang gumaling at magpagaling. Gayundin ang isa pang mensahe na ibig iparating ng iskrip, nangangailangan na ng hhimala upang pagalingin ang kanser ng bayan sa kasalukuyang nanunungkulan, na iisa lamang ang kanilang layunin, ang magkaroon ng buhay sa pagkakaroon ng panibagong administrasyon. Sa pelikula nagkaroon ng Himala ngunit isang pekeng himala, sa bansa ay nagkaroon din ng himala, may nagbuwis ng buhay na binaril sa paliparan, nakaputi rin, si Ninoy Aquino ngunit isang pekeng himala sapagkat ang pagpapagaling niya ng sakit ng lipunan ay hindi isang panalangin, haplos at banal na tubig ang kailangan bagkus ang pagsisikap at pagmamahal ng taumbayan ang gamot sa ganitong kalagayan. Gaya ng sinasaad ng pelikula. Scanned with CamScanner

You might also like