Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

PALAWAN STATE UNIVERSITY


Coron, Palawan
Coron Campus

Asignatura: Araling Panlipunan


Markahan: Ikatlong Markahan
Baitang: Ika-Walo
Laang Oras: Isang Oras

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksyon ng tao sa kaniyang
kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkakaloob ng
mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at
preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig para sa kasalukuyan at
sa susunod na henerasyon.

I. LAYUNIN
1. Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng pamumuhay ng mga sinaunang tao sa ibat-ibang
panahon.
2. Nakagagawa ng isang malikhaing gawain kong ano ang pagkakaiba-iba ng mga unang tao.
3. Nakahahanap ng kagandahan sa pag-alam ng mga pamumuhay noong unang panahon.

II. NILALAMAN
Paksa: Unang yugto sa pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao.
1. Panahon ng Paleolitiko
2. Panahon ng Neolitiko
3. Panahon ng Metal
Konsepto: Panahon ng mga sinaunang tao ( Panahong Paleolitiko, Panahong Neolitiko at
Panahon Ng Metal)
Integrasyon sa iba pang asignatura: Antropolohiya
A. Sanggunian: Curriculum Guide, Book reference: Cabiles Ma. Dolores S. and Santiago,
Aurora L. (2007). "Kasaysayan ng Daigdig" . JMC Press. Inc. Lungsod Quezon.
B. Kagamitang Panturo: Projector,laptop

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Pang araw-araw na Gawain

Panalangin: - Ang mga mag-aaral ay


Tumayo ang lahat para sa ating panalangin. mananalangin

Pagbati:
“Magandang Araw Mga Mag-aaral” - Magandang araw din
po maam!
Pagtala ng lumiban sa klase:

Maari ko bang malaman kong may lumiban sa klase?


- Itinala ng mga mag-
B. Balik Aral sa nakaraang aralin/ Pagsisimula sa aaral
bagong aralin
Magbabalik sa pamamagitan ng pag-tanung sa mga mag-
aaral.

 Sino ang makakapaglahad ng ating pinag-aralan o - Sumagot ang mag-


paksang tinalakay nong huli nating talakayan? aaral na nag
boluntaryo
Sagot: Heograpiyang pantao

- Mahusay!

- Ano naman ang ating pinag-aralan sa heograpiyang - Inilahad ng mga mag-


pantao? aaral ang kanilang mga
ideya patungkol sa
heograpiyang pantao.
- Magaling!
- Ang heograpiya ay patungkol sa pag-aaral ng wika,
relihiyon, lahi at pangkat etniko sa ibat ibang bahagi
ng daigdig.

Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili mahuhusay!

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

- Bago tayo dumako sa ating talakayan para sa araw na


ito, Magkakaroon muna tayo ng isang aktibidad. Ayos
ba ito? - Opo aming guro

- Mahusay

- Gawain 1: Scramble Word


Panuto: Isaayos ang iginulong titik upang matukoy ang salita.
Sagutan sa malinis na papel.

1. ALKLOPOITIE
- Ang bawat mag-aaral
Sagot: Paleolitiko ay gumawa ng
aktibidad.
2.OTIENKLIO

Sagot: Neolitiko

3. ETMLA

Sagot: Metal

Bibigyan ko lamang kayo ng 5 minuto upang sagutan ito.

Tapos naba kayo mga mag-aaral?


Maari bang ipasa na sa akin ang inyong mga papel.

1. Ano ang mga salitang inyong nabuo?


- Opo! Maam

- Tama! Ipinasa ng mga mag-aaral ang


kanilang sagutang papel

Bukod diyan sa inyong isinagutan may ipapakita akong - Paleolitiko, Neolitiko


larawan. at Metal
Pamprosesong Tanong

1. Ano ang inyong napapansin sa mga larawan?


- Mga pamumuhay ng
sinaunang tao!
2. Ano ang kanilang pinagkaiba?
- Ang kanilang
pagkakaiba ay ang
3. Anong kagamitan ang kanilang ginagamit? kanilang pamumuhay.
4. Batay sa ating unang gawain at sa mga larawan na - Kanya-Kanyang
inyong nakita, ano ang paksang ating tatalakaying paliwanag ng mga
ngayong araw? mag-aaral.

- Inilahad ng mga mag-


aaral ang kanilang
napili at ipinaliwanag.

- Inilahad ng mga mag-


aaral ang sagot ayon sa
mga larawan.

D.Pagtalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng


bagong kasanayan

Matapos ang aktibidad na inyong iginawa nailalathala rito


ang ating sunod na tatalakayin.

D. Pagtatalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng


bagong kasanayan.

Itatalakay gamit ang Power Point Presentation kasama ang


Video

E. Paglinang sa kabihasnan
(Tungo sa formative assessment)

Bumuo ng 5 grupo at sagutan ang gawain 5 ano


ngayon chart.

- Mga inaasahang sagot


- Mga inaasahang sagot

- Mga inaasahang sagot

- Mga inaasahang
paliwanag

Pamprosesong Mga Tanong - Mga inaasahang


paliwanag
1. Gaano kahalaga ang mga pag-unlad na naganap
noong sinaunang panahon?
- Mga inaasahang
2. Paano hinubog ng mga pagbabagong ito ang paliwanag
kasalukuyang pamumuhay ng tao?

3. Sa iyong palagay, alin sa mga pagbabago sa


pamumuhay ng mga tao ang may pinakamalaking
epekto sa kasalukuyan?

F. Pagpapahalaga

- Ano ang napag-alaman mo o nakita sa bawat - Mga inaasahang


pamumuhay ng mga sinaunang tao? paliwanag

- May katanungan paba tungkol sa ating aralin o nais


bigyang linaw? - Wala na po maam

- Kung gayon naintindihan nyo na ang ating aralin sa


araw na ito kaya alam kong handa na kayo sa inihanda - Opo! Maam
kong maiksing pagsusulit.

Kumuha ng isang- kapat ng papel at lagyan ng bilang


1-5.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Kumuha ng ikaapat na bahagi ng papel at sagutan ang sumusunod na katanungan.
1. Ano ang tatlong yugto o panahon ng mga pamumuhay ng mga sinaunang tao?

Sagot: Panahong Paleolitiko, Neolitiko at Metal.

2. Anong klaseng kagamitan ang mga ginagamit ng mga sinaunang tao noong panahon
paleolitiko o lumang bato?

Sagot: Mga magagaspang na bato

3. Paano mamuhay ang mga sinaunang tao noong panahon ng paleolitiko?

Sagot: Sila ay nomadikong tao o naglalagalag upang humuha ng kanilang pagkain


at manghuli ng hayop.

4. Anong pinagkaiba ng pamumuhay ng mga sinaunang tao ng panahon ng paleolitiko sa


panahon ng neolitiko?

Sagot: Noong panahon ng paleolitiko, ang pamumuhay ng mga sinaunang tao ay


mangalap ng pagkain at manghuli ng mga hayop habang noong panahon naman ng
neolitiko ang mga sinaunang tao ay natutong pumirmi sa kanilang lugar at natuto
silang magtanim at mag-alaga ng hayop.

5. Saan ginamit ng mga sinaunang tao ang mga materyales na metal?

Sagot: Ginamit ng mga sinaunang tao ang mga materyales na metal sa paggawa ng
ibat-ibang kagamitan at armas tulad ng espada, palakol, kutsilyo, punyal, martilyo,
pana at sibat.

V. KASUNDUAN
TAKDANG ARALIN:
1. Sa isang buong papel gumawa ng sariling sanaysay tungkol sa pamumuhay ng mga unang
tao sa daigdig ayon sa inyong pagkaintindi sa naging aralin natin.

2. Basahin at unawain ang Aralin 3 “ Mga yugto sa pagunlad ng kultura at Panahong


prehistoriko”.
Inihanda ni:

Blesilda D. Aborot
Checked by:

Princess Jane S. Rogel


Guro Sa Araling Panlipunan

You might also like