Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Caño, Irish A.

XII- HUMSS C

Pagyamanin
Panuto: PAGPILI NG KURSO Sabihin mo ang pinakagusto mong kurso o
bokasyon na interesado kang pasukin sa kolehiyo o gawing karera. Hal.
Inhenyero,Edukasyon,Medisina at iba pa. Magsaliksik sa libro at
internet o magsagawa ng panayam tungkol dito. Gawin ang
sumusunod. Isulat sa bondpaper.

1.Gumawa ng isang glosaryo na may 20 salita ng mga konsepto o terminolohiyang


ginagamit sa napiling larangan.
2.Lagyan ng kahulugan ang bawat aytem.

NURSE
1.Allergy- Isang problema tulad ng pangangati, pagbahing, pamamantal o
pagbubutlig at minsan kahirapang huminga.
2.Bakuna- Mga gamot na ibininigay sa pamamagitan ng iniksyon o iba pang
paraan para magbuo ng proteksyon laban sa partikular na mga sakit.
3.Calcium- Isang mineral na matatagpuan sa ilang mga pagkain na tumutulong
magpalakas sa mga ngipin at buto.
4.Dose/dosis- Ang dami ng gamot na kailangang gamitin sa isang paggamit.
5.Eksaminasyon- Ang pagtingin, pakikinig, o pagdama ng isang health worker,
nurse o doktor sa mga bahagi ng katawan para malaman kung ano ang problema.
6.Folic acid- Isang bitamina-B na tumutulong sa paggawa ng malulusog na pulang
selyula ng dugo
7.Germs- Napakaliit ng mga organismo na maaaring mabuhay at dumami sa loob
ng katawan at magdulot ng sakit na nakakahawa.
8.Impeksyon- Sakit na dulot ng bacteria, virus, o iba pang mga organismo.
Maaaring apektado ng impeksyon ang buo o bahagi ng katawan.
9.Juandice- Dilaw na kulay ng balat at mata. Maaaring palatandaan ito ng
hepatitis o paninilaw ng bagong panganak.
10.Resistensya- Ang abilidad na ipagtanggol ang sarili mula sa isang bagay na
karaniwang nakakapatay o nakakapinsala.
11.Stethoscope- Isang instrumento na ginagamit para makinig sa mga tunog sa
loob ng katawan, tulad ng tibok ng puso.
12.Ulcer- Isang chronic na bukas na pagsusugat sa balat, sa sikmura, o sa bituka.
13.Virus- Mga mikrobyo na mas maliit pa kaysa sa bacteria, na anagdudulot ng
ilang nakakahawang sakit.
14.Tuberkulosis (TB)- Isang malubhang impeksyon sa dulot ng mikrobyo na
madalas umaapekto sa baga.
15.Operasyon- Kapag gumawa ang doktor ng hiwa sa balat para magkumpuni ng
pinsala sa loob, o baguhin ang pag gana ng katawan.
16.Presyo ng Dugo- Ang pwersa o presyon ng dugo sa mga ding-ding ng daluyan
ng dugo.
17.Pulso- Ang tibok ng puso, na nagsasabi kung gaano kabilis at kalakas nag
tatrabaho ang puso. Mararamdaman ang pulso sa ilang partikular na lugar sa
katawan, tulad ng pulsuhan malapit sa palad o sa leeg.
18.Betamina- Mga sustansiyang kailangan para sa kalusugan ng katawan. Kapag
wala o kulang sa bitamina ang pagkaing pumapasok sa katawan, nagkakaroon ng
panghihina sa resistensiya na patungo sa karamdaman ng katawan.
19.Nutrisyon- Ang proseso ng pagbibigay o pagkuha ng mga pagkain na
kinakailangan para sa kalusogan at pag unlad.
20.Kanser- Isa aa mga sakit na nalilimitahan na lamang ang iyong buhay at ito ay
mapanganib.

You might also like