Professional Documents
Culture Documents
Filp - Bayan NG Mga Kontraktuwal
Filp - Bayan NG Mga Kontraktuwal
Ang estado ng mga kontraktwal sa kasalukuyan ay walang pinagbago sa mga nakaraang taon na
piga mula sa hirap ng trabaho na mas pinabigat ng kawalan ng seguridad sa kanilang kontrata na tila ba
malabo nang mawawakasan bilang epekto ng kamakailang pagka-veto ni Duterte ng House Bill 3667 o
mas kilala bilang “End Endo Bill”. Iginiit ng presidente na ang komersyo ay mayroon ding karapatan sa
kapital kung sa manggagawa ay titulado sila sa kanilang ‘security of tenure, ngunit hindi niya
ikinonsidera ang dinami-daming mga nagwelga at napahamak habang sila’y nakibaka laban sa isang
abusadong sistema na ipanapataw ng mga kompanya o may-ari ng negosyo, at ‘ni hindi man kumurap sa
mga pinagdaanan ng mga manggagawa sa iba’t ibang malalaking kompanya sa bansa. Sa dokyumentaryo
ni Lumbera, makikita na ang kontraktwalisasyon, o ang pag-hire ng mga empleyado para magtrabaho, na
madalas ay nagtatagal ng iilang buwan (Asiapro, 2017), ay ‘di lang nalilimita sa mga manggagawa kundi
pati na rin sa mga nakapagtapos naman ng kolehiyo. Ika nga ng isa sa mga guro na nakapanayam,
mayroong “Four-Fold Test” na pinagbabatayan ng pagiging ilegal ng kontraktwalisasyon. Ang test na ito
ay ang nagpapatunay ng employer-employee relationship na kung saan ang employer, ang UP kung
halimbawa, ay dapat mayroong 1) kakayahang magbigay ng wages, kapangyarihan na 2) tumanggap at
pumili ng mga empleyado, 3) na pumataw ng dismissal at 4) na panghawakan ang mga empleyado. Ang
pagkakaroon ng UP ng lahat ng nabanggit sa test ay nagsisilbing patunay na ilegal ang isinasagawa nilang
praktis ng pagde-delay sa pagbigay nila ng sweldo at ang paglilimita ng kanilang kontrata, at gaya ng mga
guro, milyon ang naapektuhan sa ganitong praktis kabilang na ang mga call center agent, empleyado sa
mga mall at fast-food chain at ang ating mga ordinaryong manggagawa. Ayon sa Department of Labor
and Employment (Lumbera, 2015), isa sa bawat tatlong Pilipino na nagtatrabaho ay kontraktwal, at hindi
natin lubos maisip kung gaano sila karami. Kahit ang sinarbey ng gobyerno ay nasa 43% lamang ng mga
kompanya ay kumukuha ng mga empleyado sa isang ahensiya, hindi ito na- didisclose ang tunay na
Nakasaad sa batas na kapag ang isang empleyado ay nakaabot na sa kanyang ika-anim na buwan
ng termino, siya ay dapat nang i-regularisa at matanggap na ang mga karagdagang benepisyo na dala ng
pagiging regularized niya, ngunit dinidiskartehan ng mga kompanya na huwag itong sundin sa
pamamagitan ng pag-terminate ng kontrata ng mga empleyado bago ito umabot sa ika-anim na buwan ng
kanilang paninilbihan - ito ang tinatawag nilang ‘endo’, ang mas pinaikling tawag sa “end of contract”. Sa
ilalim ng endo, hubad sa mga benepisyo ang mga kontraktwal dahil hindi sila nakakatanggap ng SSS,
PhilHealth, mga karagdagang bonus tuwing may pasko o pag-oovertime at iba pa. Sa mas malala pang
mga sitwasyon, hindi nababayaran ang mga manggagawa base sa itinakdang minimum wage na P537 at
hindi napopondohan ang kanilang kalusugan at kaligtasan ng mga establisyimentong kanilang
pinagtatrabuhan. Mula rito, malaki ang nagiging adbentahe ng mga kompanya dahil, una, dumadagdag ito
sa flexibility o ang kakayahan ng mga kompanya na mabilisan at madaling mag-adjust sa oras na
magbago ang kanilang workload, pangalawa, nakakatipid sila sa oras at pera na dapat ay inilalaan sa pag-
hire ng mga ‘full-time employees’, at huli, nasasamantala ang karanasan at kakayahan ng mga
kontraktwal sa pagtakbo at pagpapabuti ng kanilang negosyo (Asiapro, 2017). Lahat ng
pagkokompromiso sa mga karapatan ng mga manggagawa’t empleyadong kontraktwal ay esensyal sa
kanilang pagpapalawig ng kapital.
Sa panonood ng bidyo ay nakaramdam ako ng galit, awa, at kalungkutan. Galit, dahil hanggang
ngayon ay hindi parin nasusulosyunan ng ating gobyerno ang problemang ito ng ating bansa. Awa, dahil
silang mga naghihirap sa trabahong ito ay hindi man lang nakakatikim ng bigas na kanilang
pinaghihirapang itanim at anihin at kung sino pa ang may trabahong mas mahirap ay hindi nakakakakuha
ng sapat na pera o sweldo sa kanilang tinatrabaho, samantalang ang iba saatin na hindi gaanong mahirap
ang trabaho sa araw-araw ay may malaki-laking sahod o perang nakukuha. At kalungkutan, dahil ang iba
sa kanila ay nakakaisip ng magnakaw dahil sa kawalan ng sapat na pera para sa pang araw-araw na
gastusin at ang iba ay 2 beses na lamang nakakakain ng pagkain sa isang araw at ang ibang magulang ay
pinipili na lamang pakainin ang kanilang anak kesa sakanila. Imbis na maging mayaman ang ating mga
magsasaka, dahil sila ang naghihirap para magkaroon tayo ng bigas na makakain sa pag araw-araw na
buhay ay nagiging baliktad at sila pa ang taong hindi makakain ng sapat sa araw-araw na buhay nila.