Professional Documents
Culture Documents
Kdhshdigjs
Kdhshdigjs
Kdhshdigjs
• Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang pahayag mula
sa mga panayam at balita sa radyo at telebisyon (F11PN – IIa – 88)
• Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula sa mga
blog, social media posts at iba pa (F11PB – IIa – 96)
• Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika na ginagamit sa iba’t ibang
sitwasyon (Halimbawa: Medisina, Abogasya, Media, Social Media, Enhinyerya,
Negosyo, at iba pa) sa pamamagitan ng pagtatala ng mga terminong ginamit sa
mga larangang ito (F11WG – IIc – 87)
• Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga kalagayang pangwika sa
kulturang Pilipino (F11PU – IIc – 87)
Mga Layunin
Sa tulong ng modyul na ito, inaasahan na matutuhan ng mag-aaral ang mga
inaasahang kompitensi at maikintal sa kaniyang puso at isipan ang angkop na mga araling
nakapaloob dito. Layunin ng modyul na ito na;
1. Natutukoy ang kalagayan ng paggamit ng wika sa mass media at social media
2. Nasusuri ang mga terminong ginamit ayon sa register at barayti ng wika na
nakabatay sa iba’t ibang sitwasyon o larangan
3. Nakasusulat ng isang malikhaing pagpapahayag upang maipamalas ang sariling
saloobin sa kalagayang pangwika sa kulturang Pilipino
Balikan Natin
Batid kong nasasabik ka na sa araling ito. Ngunit bago tayo pumunta sa ating
tunguhin ay nais ko munang masubok ang iyong nalalaman sa paksang ito. Subukin mong
sagutin ang mga sumusunod na gawain.
Gawain 1: Hula-Who?
Madalas ka bang manood ng telebisyon? O kaya naman ay nakababad sa YouTube
channel ng iyong paboritong blogger? Sa gawaing ito, kaya mo bang hulaan ang mga
sumusunod na palabas o kilalang tao batay sa mga sumusunod na salita?
1
Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na salita at tukuyin kung sino ang nagpahayag o
ano ang pamagat ng palabas batay sa iyong napanood o napakinggan. Isulat sa patlang
ang iyong sagot.
1. Gusto mo ‘yun? Gusto ko ‘yun! Sagot:_____________________
2. unkabogable, masyadong ginalingan, ansaveh? Sagot:_____________________
3. dabarkads, kalye-serye Sagot:_____________________
4. ashti, pashnea, avisala Sagot:_____________________
5. madlang people, magpasikat Sagot:_____________________
Gawain 2: Masid-Salita
Babad ka ba sa social media tulad ng Facebook, Twitter at Instagram? Tingnan nga
natin kung alam mo ang ibig sabihin ng mga daglat na ito.
Panuto: Isulat sa patlang ang wastong parirala o salita batay sa mga sumusunod na daglat.
1. SKL _____________________
6. OOTD _____________________
2. PM _____________________
7. SLR _____________________
3. BRB _____________________
8. ATM _____________________
4. BTW _____________________
9. SF _____________________
5. WFH _____________________
10. CTTO _____________________
Gawain 3: Suri-Memes
Pamilyar ka ba sa mga memes? Sa gawaing ito, kaya mo bang suriin ang katangian
ng wika na ginamit sa mga memes?
Panuto: Isulat sa patlang ang iyong naging obserbasyon sa mga sumusunod na memes.
Sagot:____________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Hinalaw mula sa mga post sa Facebook
Unawain Natin
Basahin ang teksto upang magkaroon ng kaalaman tungkol sa ating paksang aralin.
Wika at Mass Media
Ang mass media o pangmadlang komunikasyon ay iba’t ibang midyum ng
teknolohiya na nililikha para sa mga tiyak na tagatanggap ng mensahe. Pangunahing
layunin nito ang paghahatid ng mensahe o impormasyon sa pinakamaraming tao, gamit
2
ang teknolohiya bilang daluyan o channel ng komunikasyon. Kabilang sa mass media ang
sumusunod:
1. Broadcast media – radyo, telebisyon, at pelikula
2. Print media – dyaryo, libro, polyeto, billboard, at komiks
3. New age media – Internet, cellular phone, at iba pang mobile devices
3
ng mga Pilipino para masining na magpahayag ng nararamdaman nang hindi direktang
tinutukoy kung sino ang pinatutungkulan.
2018 Quipper School Study Guide
Alam mo ba na…
Dahil sa napakalaking impluwensiya ng mass media sa pang-araw-araw nating
pamumuhay, maituturing ito na isang malaking bahagi na nagbibigay kontribusyon sa
paglilinang sa ating pang-araw-araw na wika. Ang mga naging impluwensiya nito ay ang
mga sumusunod:
1. Napaghahalo ang mga salitang Ingles at Filipino na naging dahilan upang
magkaroon ng mga panibagong salita.
2. Ang mga salitang palasak na ginagamit sa mass media ay nagiging bahagi na ng
bokabularyong Filipino.
3. Pinapaikli nito ang mga mahahabang salita sa Filipino.
4. Nagkakaroon ng mga pamalit na salita ang mga salitang nakalimutan na o may
restrikto na bawal sabihin sa media.
Hinalaw na sipi mula sa Wika at Telebisyon
https://www.scribd.com
4
• Dinamiko o Pabago-bago
Maraming sumusulpot na emojis na may iba’t ibang kulay ayon sa lahi ng gagamit
nito. Magagamit ang emojis hindi lamang sa pakikipag-chat sa Facebook, Messenger,
gayundin sa mga post sa Facebook, Twitter, at Instagram.
Likas sa mga Pilipino ang mahusay na makibagay o makasabay sa mga
pagbabagong nangyayari sa paligid. Patunay nito ang pagsama ng mga salitang nakilala
sa Internet at social media sa pang-araw-araw na pananalita/bokabularyo ng mga Pilipino.
Halimbawa, madalas na nababasa ang komentong “LOL” sa social media. Kung ang
makababasa nito ay walang alam o ideya sa kahulugan nito, maaari niyang sabihin na
nagmura ang nagbigay ng komento sa kabila ng katotohanang ang kahulugan nito sa wika
sa Internet ay “Laugh out loud.”
Bakas pa rin ang ugaling Pilipino sa panahon ng makabagong teknolohiya. Patunay
naman nito ang pagiging masayahin, makapamilya, palakaibigan, at hilig nating kumain at
mamasyal. Nakikita pa rin ito sa Internet, lalo sa social media, sa pamamagitan ng mga
status, larawan, at video na pino-post natin online. Gamit ang wika, pinatitingkad nito ang
mahahalagang pangyayaring nais ibahagi sa social media.
2018 Quipper School Study Guide
Alam mo ba na…
Isa sa mga katangian ng wika ay ang pagiging malikhain. Sa patuloy na paglago ng
wika ay umuusbong ang iba’t ibang paraan ng malikhaing paggamit nito. Dahil dito,
naipamamalas ng mga Pilipino ang kanilang kaisipan, pananaw at saloobin gamit ang
social media. Ilan sa mga naging impluwensiya ng social media ay ang mga nauusong
paraan ng malikhaing pagpapahayag tulad ng mga sumusunod:
• Meme – Ito ay maaaring bidyo, larawan o parirala na ginagamit ng isang tao upang
mailabas ang kanilang damdamin sa pamamagitan ng malikhaing paraan.
• FlipTop – Ito ay pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap. Nahahawig ito sa
balagtasan dahil ang mga bersong nira-rap ay magkakatugma bagamat sa fliptop
ay hindi nakalahad o walang malinaw na paksang pagtatalunan.
• Hugot Lines – Tinatawag ding love lines or love quotes. Karaniwang nagmula ito sa
linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyong nagmarka sa puso’t isipan ng mga
manonood na naiiuugnay sa sariling damdamin o karanasan na pinagdaraanan ng
isang tao.
• Pick-up Lines – Sinasabi na ito ay makabagong bugtong na kung saan ay may
tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas maiuugnay sa pag-ibig at iba pang
aspekto ng buhay.
Hinalaw na sipi mula sa Pinagyamang Pluma 2016
at https//en.m.wikipedia.org
Gawain 5: Ang Tanong, Ang Sagot
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang Internet?
2. Ano ang social media?
3. Ano-ano ang mga katangian ng wika sa Internet at social media? Magbigay ng
halimbawa.
4. Bakit madaling nakasasabay sa mga pagbabago sa wika ang mga Pilipino lalo na
sa social media at Internet?
5. Paano nababakas sa makabagong teknolohiya ang ugaling Pilipino? Magbigay ng
halimbawa.
5
Narito ang ilan pang mga gawain upang lubos mong matutuhan ang aralin.
Ilapat Natin
Marami ka bang natutuhan tungkol sa sitwasyon ng ating wika sa mass media at
social media? Ihanda na ang panulat para sa susunod na gawain.
Gawain 6: NetizenPatrol
Nalaman natin sa aralin ang naging katangian ng wika sa social media. Bilang isang
netizen, kung bibigyan ka ng pagkakataon na maiwasto ang mga memes, kaya mo ba itong
muling isulat kung susundin natin ang mga pamantayan ng gramatikang Filipino?
Panuto: Isulat muli ang mga memes gamit ang angkop na salita at gramatika. Isulat ang
sagot sa loob ng kahon.
6
Gawain 8: Bintana ng Pang-unawa
Panuto: Isulat ang mga hinihinging impormasyon upang mabuo ang graphic organizer.
REYALISASYON INTEGRASYON
*Ano-ano ang iyong mga bago at dagdag *Paano mo maiuugnay ang mga
na kaalaman sa aralin? konseptong iyong natutuhan sa
patuloy mong pagtangkilik sa social
media at mass media?
EMOSYON AKSYON
*Ano ang iyong saloobin o *Sa paanong paraan mo maipapakita
nararamdaman sa sitwasyon ng wikang ang iyong pagpapahalaga sa sariling
Filipino sa social media at mass media? wika batay sa kalagayan nito sa social
media at mass media?
Suriin Natin
Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Suriing mabuti kung ano ang
pinagkaiba ng dalawang pangungusap kaugnay ng salitang may salungguhit.
7
4. A. Anoman ang estado mo sa buhay, matuto kang magpakumbaba.
B. Ang Pilipinas ay isang malayang estado na matatagpuan sa timog-silangang
Asya.
Larangan: A.______________________ B.________________________
Kahulugan: A.______________________ B.________________________
5. A. Nadismaya ako sa aking mga pinamili dahil hindi nasunod ang order ko sa online
shopping.
B. Palaging sundin ang order na ipinatutupad ng pamahalaan lalo na sa panahong
ito ng pandemya.
Larangan: A.______________________ B.________________________
Kahulugan: A.______________________ B.________________________
Alam mo ba na…
Ang wika ay may iba't ibang barayti. Sa isang tiyak na lugar ay may umiiral na
dayalek. Ang isang tiyak na pangkat sa lipunan ay may ginagamit na sosyolek. Ang bawat
indibiduwal ay mayroon namang natatanging idyolek. Mayroon namang register o
espesyal na wika ang iba’t ibang larangan. Mahalaga ang rehistro ng wika para sa
pagkakaunawaan ng mga taong nabibilang sa isang larangan ngunit nagmula sa
magkakaibang lugar sa magkakaibang antas o sektor ng lipunan na kanilang
pinanggalingan.
May mga salitang magkakaiba ang kahulugan batay sa paggamit nito sa iba't ibang
larangan. Tingnan natin ang isang halimbawa.
May iba't ibang pakahulugan ng salitang "stress":
Stress
Sikolohiya Engineering Lingguwistika
Tensyon bunga ng malabis Puwersa o lakas na ginamit diin o tuldik sa pantig ng
na kalagayan; matinding sa isang bagay. isang salita.
pagkabahala, pagkaligalig,
o pagkabalisa.
8
Teorya ng Akomodasyon
Paano nakasasabay ang tao sa wika ng larangang kaniyang kinabibilangan? Lalo
pa kung bago lamang siya sa isang larangan? Sinasagot ito ng Teorya ng Akomodasyon.
Ang Teorya ng Akomodasyon ay binuo ni Howard Giles (1970), isang propesor sa
komunikasyon. Ayon sa teorya, inaayos ng tao ang paraan ng kaniyang pagsasalita - tinig,
diin, bilis, tono, at gawi sa tuwing nakikipag-usap upang umayon o maiba sa karamihan.
Ang teoryang ito ay may dalawang sangay: Ang linguistic convergence at linguistic
divergence.
Linguistic Convergence. Ito ang panggagaya sa wikang gamit ng pangkat na
kinabibilangan. Halimbawa: Pag-aaralan ng isang bagong promodiser ang wika ng
kaniyang mga kasama upang hindi siya maiba at maging tampulan ng tukso, at dahil ito rin
ang hinihinging wika ng trabahong pinasok niya.
Linguistic Divergence. Ito ay ang pag-iiba ng wikang gamit (maaaring sa speech
pattern) upang maging kapansin-pansin at maitangi sa ibang tao o pangkat. Halimbawa:
May tiyak na rehistro ang wika ng mga broadcaster. Sa kanilang trabaho, kailangang
magkaroon ng sariling pagkakakilanlan ang indibiduwal upang matandaan ng mga
tagapanood o tagapakinig. Dahil dito, kusang binabago ng marami sa kanila ang paraan
ng kanilang pagsasalita upang maging unique at mas madali silang matandaan ng mga
tao.
Ang wika sa iba’t ibang larangan ay bunga ng pagnanais ng tao na makaangkop at
makatugon sa hinihinging ugnayan ng mga nasa loob ng bawat larangan. Ang pagbabago
sa wika, tulad ng pakikiangkop at pagtatangi, ay mga paraan para maging mas mabisa ang
komunikasyon sa larangang kinabibilangan.
2018 Quipper School Study Guide
Gawain 10: Tala-Kaalaman
Upang lumawak ang iyong bokabularyo sa rehistro ng wikang ginagamit sa iba’t
ibang larangan, kaya mo bang magtala ng mga termino at tukuyin ang larangan at
kahulugan nito?
Panuto: Magtala ng limang (5) termino at tukuyin ang larangang kinabibilangan nito. Ibigay
rin ang kahulugan ng bawat termino. Sundin ang pormat sa ibaba:
Halimbawa:
Termino Larangan Kahulugan
General Military tawag sa ranggo
Lengguwahe pangkalahatan
Binabati kita! Nagagalak ako sapagkat natapos mo ang mga gawain sa modyul na
ito. Magkita tayong muli para sa isang masaya at kapana-panabik na aralin na hatid ng
susunod na modyul.
9
Tayain Natin
Pagsasanay 1
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang letra ng
napiling sagot.
1. “Binubuo ng iba’t ibang komposisyon ang atoms.” Ang salitang komposisyon sa pahayag
ay ginagamit sa larangan ng _________.
A. Isports C. Musika
B. Agham D. Literatura
2. “Nakatatlong strike siya sa baseball.” Ang salitang strike sa pahayag ay ginagamit sa
larangan ng _________.
A. Isports C. Musika
B. Agham D. Literatura
3. “Sumailalim sa delikadong operasyon si Renato dahil sa malubhang aksidenteng
kaniyang natamo sa pagmamaneho.” Ang salitang operasyon sa pahayag ay ginagamit sa
larangan ng _________.
A. Medisina C. Militari
B. Sikolohiya D. Negosyo
4. “Kailangang lumago ang interes sa pamumuhunan upang patuloy ang pag-unlad.” Ang
salitang interes sa pahayag ay ginagamit sa larangan ng _________.
A. Medisina C. Militari
B. Sikolohiya D. Negosyo
5. “Nakakaistres ang sobrang dami ng trabaho, dagdagan pa ng masungit na boss.” Ang
salitang istres sa pahayag ay ginagamit sa larangan ng _________.
A. Medisina C. Militari
B. Sikolohiya D. Negosyo
Pagsasanay 2
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Suriin kung tama o
mali ang mga ito. Piliin ang letra ng angkop na sagot kung:
A – Kung ang tama lamang ay pangungusap A
B – Kung ang tama lamang ay pangungusap B
C – Kung tama ang parehong pangungusap
D – Kung mali ang parehong pangungusap
10
Pagsasanay 3
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na konsepto mula sa Hanay A. Piliin ang letra ng
angkop na sagot mula sa Hanay B.
Hanay A Hanay B
Likhain Natin
Patunayan natin ang pahayag na ito gamit ang iyong husay at pagkamalikhain sa
pagbabahagi ng impormasyon. Sa pamamagitan ng umiiral na kultura ng malikhaing
pagsulat sa social media (tulad ng Memes at Hugot Lines), gagawa at magpapaskil (i-post)
ka upang manghikayat at magpakalat ng mabuting impormasyon sa mga tao.
Sundin ang mga sumusunod na hakbang upang iyong maging gabay sa paggawa
ng Memes o Hugot Lines:
Mga Hakbang:
1. Ang tema ay tungkol sa “Bilang mag-aaral, paano mo maipauunawa sa mga
kabataang katulad mo ang kahalagahan ng pag-iingat at pagsunod sa mga
kautusan batay sa nararanasan nating pandemya sa kasalukuyan?”
2. Maaaring gawin sa mga sumusunod:
- Sa isang malinis na papel, (hal. bond paper) isusulat ang iyong nagawa.
Lagyan ng disenyo gamit ang mga pangkulay.
- Kung may cellphone o laptop. Maaaring gawin sa powerpoint presentation at
doon maglagay ng disenyo at larawan.
3. Kapag tapos na ang gawain, gawin ang sumusunod:
- Kung sa bond paper, maaaring ipaskil sa pader ng inyong bahay. Kuhaan ng
larawan at ipaskil sa facebook messenger ng inyong klase. Maaaring
magbigay ng reaksyon ang iyong mga kamag-aral sa pamamagitan ng
pagpindot sa like button.
- Kung sa powerpoint presentation, kuhaan ng larawan sa pamamagitan ng
screenshot at ipaskil sa facebook messenger ng inyong klase. Maaaring
magbigay ng reaksyon ang iyong mga kamag-aral sa pamamagitan ng
pagpindot sa like button.
4. Bilang gabay sa pagmamarka, tingnan ang sumusunod na pamantayan:
11
RUBRIKS:
Pamantayan Puntos
May kaisahan ang mensahe na dapat ipabatid. Lohikal ang pagkakahanay 3
at pagpili ng impormasyon na nais ibahagi.
Angkop ang piniling salita. Naging masinop ang pagkakasulat batay sa 3
angkop na gamit ng malaki at maliit na titik, baybay, bantas at iba pa.
Masining ang pagkakabuo ng impormasyon. Angkop ang kulay at disenyo. 2
Malinaw ang pagkakalimbag ng mga titik upang maging maayos ang
mensahe.
Kahika-hikayat sa kabuoan dahil sa nilalaman at disenyong inilaan. 2
Kabuoan 10
Sundin ang mga sumusunod na hakbang upang iyong maging gabay sa paggawa
ng Mini-Glosaryo:
Mga Hakbang:
1. Pumili ng larangan na nais. Mas mainam kung ang gagawin ay ang track na iyong
kinabibilangan.
Halimbawa: “Glosaryo sa Paggawa ng Tinapay” para sa TVL track.
2. Maglista ng sampung (10) salita na madalas gamitin sa larangang napili. Ibigay
ang kahulugan ng bawat salita.
3. Maaaring gawin sa mga sumusunod
- Maaaring gawin sa malinis na papel, (hal. bond paper). Ilista ang mga salitang
ginagamit sa napiling larangan at isulat ang depinisyon nito.
- Kung may cellphone o laptop, maaaring gawin sa microsoft word. I-type
lamang ang mga salita gamit ang sumusunod na pormat. (Font style: Arial;
Font size: 12; Double space)
4. Kapag tapos na ang gawain, gawin ang sumusunod:
- Kung sa bond paper, ipasa sa petsa o araw na itinakda ng guro.
- Kung sa microsoft word, maaaring ipasa sa facebook messenger ng guro
batay sa itinakdang petsa o araw ng pasahan.
5. Bilang gabay sa pagmamarka, tingnan ang mga sumusunod na pamantayan:
RUBRIKS:
Pamantayan Puntos
Malinaw ang pamagat ng glosaryo. Nagpapamalas ng track o larangang 2
napili.
Angkop ang piniling salita. Naging masinop ang pagkakasulat batay sa 3
angkop na gamit ng malaki at maliit na titik, baybay, bantas at iba pa. May
kaugnayan ang mga piniling salita sa track o larangang napili.
Impormatibo at angkop ang kahulugan. Madaling unawain ang mga salitang 3
ginamit.
May kaayusan. Nasunod ang wastong pormat ng paggawa at nakaayos 2
nang may pagkakasunod-sunod ang mga terminolohiya.
Kabuoan 10
12