Pvgma Lguide Araling Panlipunan 9 Q1 L2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.

“Your partner in education since 1946”

PVGMA CARES
Catering Alternative Resources for Education Sustainability

Catering Alternative Resources


for Education Sustainability

Araling Panlipunan 9
Unang Markahan

PAKSA NG YUNIT: MGA PANGUNAHING


KONSEPTO NG EKONOMIKS

Mr. Arnel R. Padilla


Guro
Unang Markahan – Araling Panlipunan 9
PAKSA NG YUNIT: MGA PANGUNAHING
KONSEPTO NG EKONOMIKS
AP 9 - Giya sa Pagkatuto – Ikalawang Linggo
Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas
Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats@yahoo.com
Tel Nos: (043) 311-3927/ (043) 774 3578
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”

PVGMA CARES
Catering Alternative Resources for Education Sustainability
Mr. Arnel R. Padilla
Guro

Aralin 2: Pangangailangan at Kagustuhan

Sa nakaraang aralin, tinalakay ang konsepto ng ekonomiks at ang kahulugan ng kakapusan at


kung paano ito nakaaapekto sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay bilang mag-aaral at kasapi ng
pamilya at lipunan. Ang kakapusan ay umiiral dahilan sa limitado ang pinagkukunangyaman at walang
katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Kaya mahalaga ang matalinong pagdedesisyon
sapagkat hindi lahat ng nais at gusto ng tao ay maaaring makamit.
Samantala, pag-aaralan mo sa araling ito ang mga konsepto ng pangangailangan (needs) at
kagustuhan (wants). Inaasahan na masusuri at matataya mo ang iyong mga pamantayan sa pagbuo ng
matalinong desisyon tungkol sa iyong mga kagustuhan at pangangailangan.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na ikaw ay makapagsusuri sa kaibahan ng
pangangailangan at kagustuhan bilang batayan sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon, maipakita ang
ugnayan ng personal na kagustuhan at pangangailangan sa suliranin ng kakapusan, makapagsusuri sa
herarkiya ng pangangailangan, makabuo ng sariling pamantayan sa pagpili ng pangangailangan batay sa
herarkiya ng pangangailangan, at makapagsuri sa mga salik na nakakaimpluwensiya sa pangangailangan
at kagustuhan ng tao.

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan,


at pag-unawa:

1. Naihahambing ang kagustuhan sa pangangailangan


2. Nasusuri ang kaugnayan ng personal na kagustuhan at pangangailangan
3. Naipaliliwanag ang herarkiya ng teorya ng pangangailangan ni Maslow
4. Naitatala ang sariling pamantayan sa pagpili ng mga pangangailangan batay sa
herarkiya ng
pangangailangan
5. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng sariling pamantayan sa pagpili ng mga
pangangailangan

Pangkalahatang Panuto:
1. Basahing mabuti ang mga panuto.
2. Sa mga sagutang may pamimilian, isulat ang titik ng tamang sagot. Samantalang, sa
mga sagutang ang sagot ay nasa anyo ng pangungusap o talata ay kopyahin ang
katanungan bago ang kasagutan, at limitahan ang sagot sa inilaang bilang ng
pangungusap o talata.
3. Isulat ang mga kasagutan sa “intermediate paper” sa bawat aktibiti. Isulat ang pangalan
sa itaas at ang seksyon, gayundin ang pangalan ng guro at asignatura nito.

Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa


Aktibiti 1: Maglista ng sampung bagay na mahalaga sa iyo bilang isang mag-aaral. Isulat ito nang
sunod-sunod ayon sa kahalagahan at sagutin ang mga pamprosesong tanong. Limitahan ang sagot sa
tatlong pangungusap lamang.
Sampung bagay na mahalaga sa Pamprosesong Tanong:
akin bilang isang mag-aaral. 1. Anong bagay ang pinakamahalaga para sa
1. 6. iyo? Bakit?
2. 7. 2. Ano angAPmga naging
9 - Giya batayan
sa Pagkatuto mo sa Linggo
– Ikalawang
3. 8. Address: Y Zuño St., Poblacion
ginawang listahan?
B., Rosario, Batangas
4. 9. 3. Pareho
Tel Nos: (043) 311-3927/ ba ang pagkakasunod-sunod ng iyong
Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats@yahoo.com
(043) 774 3578
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”

PVGMA CARES
Catering Alternative Resources for Education Sustainability

Aktibiti 2: Suriin ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum. Pagpasyahan kung ano ang pipiliin
mo sa Option A at B. Isulat sa ikatlong kolum ang iyong desisyon at naging dahilan. Sagutin ang
mga pamprosesong tanong at limitahan ang sagot sa tatlong pangungusap lamang.
Option A Option B Dahilan
1. Magtext Tatawag sa telepono
2. Maglalakad sa pagpasok sa Sasakay sa pagpasok sa
paaralan paaralan
3. Kakain ng kanin Kakain ng tinapay
4. Supot na plastic Supot na papel
5. Gagamit ng lapis Gagamit ng ballpen
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang naging batayan mo sa ginawang pagpili?
2. Maaaribang magbago ang iyong desisyon sa hinaharap? Bakit
3. Magkapareho ba ang iyong sagot sa iyong mga kamag-aral? Ano sa palagay mo ang dahilan ng
pagkakaiba o pagkakatulad nito?

Aktibiti 3: Isulat ang salitang GUSTO ko/kong/ng o KAILANGAN ko/kong/ng. Sagutin ang mga
pamprosesong tanong at limitahan ang kasagutan sa tatlong pangungusap lamang.
1. _________ pumunta sa party
2. _________ kumain ng prutas at gulay upang manatiling malakas ang aking katawan
3. _________ magbubukas ng savings account sa isang matatag na bangko para sa aking kinabukasan
4. _________ lumipat sa magandang bahay na may aircon
5. _________ uminom ng tubig pagkatapos kumain
6. _________ mamahaling relo
7. _________ telebisyon
8. _________ kumain ng pizza pie
9. _________ maglaro ng video game
10. _________magsuot ng maayos na damit
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pinagkaiba ng pangangailangan sa kagustuhan?
2. Kailan nagiging pangangailangan ang isang kagustuhan? Bakit?
3. Ano ang pagkakaiba ng iyong sagot at ng iyong kamag-aaral?
4. Maaari bang maging kagustuhan ang isang pangangailangan? Patunayan.

Aktibiti 4: Isulat sa bawat baitang ng pyramid ang mga batayan ng pangangailangan ng tao batay sa
teorya ni Abraham Harold Maslow. Lagyan din ang mga ito ng mga halimbawa. Sa ikalimang baitang ay
ilagay ang pangalan ng kilalang tao sa iyong komunidad na sa palagay mo ay nakaabot sa antas na ito.
Sagutin ang mga papmrosesong tanong at limitahan ang kasagutan sa tatlong pangungusap lamang.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mga pangangailangan ng tao ayon kay Abraham
Maslow?
2. Pwede bang makarating ang tao sa ikalawa, ikatlo, hanggang
sa ikalimang baiting na hindi dumadaan sa una? Bakit?
3. Paano mo mararating ang pinakamataas na baiting? Ano ang
Aktibiti 5: Ipagpalagay na miyembro ka ngdapat
isangmong
pamilyang
gawin binubuo ng limang
upang marating ito?miyembro. Nasa ibaba
ang listahan ng mga dapat pagkagastusan at maaari ninyong ikonsumo sa buwang ito. Ang iyong tatay
lang ang may trabaho at may kabuuang kita na Php 10,000 sa isang buwan. Lagyan ng (/) ang inyong

AP 9 - Giya sa Pagkatuto – Ikalawang Linggo


Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas
Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats@yahoo.com
Tel Nos: (043) 311-3927/ (043) 774 3578
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”

PVGMA CARES
dapat pagkagastusan, at (x) kung hindi. Isulat ang dahilan kung bakit (x) ang iyong sagot. Sagutin din
Catering Alternative Resources for Education Sustainability
ang mga pamprosesong tanong at limitahan ang kasagutan sa tatlong pangungusap lamang.
MAAARING PAGKAGASTUSAN HALAGA BAWAT BUWAN
_____1. Kuryente 1,000
_____2. Tubig 500
_____3. Pagbili ng paboritong junk food 150
_____4. Video game 100
_____5. Upa sa bahay 2,500
_____6. Pamamasyal at pagbisita sa mga kaibigan 500
_____7. Pagkain ng pamilya 5,000
_____8. Panonood ng paborito mong palabas sa sinehan 180
_____9. Pamasahe at baon mo, ni tatay, kuya, at ate 2,200
_____10. Cable internet 900
Mga dahilan kung bakit (x) ang sagot.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________
Pamprosesong Tanong:
1. Sa iyong ginawang pagdedesisyon, magkano ang kabuuang halaga na maaari mong magastos o
matipid?
2. Ano-ano ang naging batayan mo sa pagdedesisyon? Bakit?
3. Bilang mag-aaral, paano mo maiuugnay ang personal mong kagustuhan at pangangailangan sa
suliranin ng kakapusan?

Aktibiti 6: Bumuo ng sariling pamantayan sa pagpili ng mga pangangailangan batay sa herarkiya ng


mga pangangailangan. Ilahad ang iyong pamantayan sa pamamagitan ng isang sanaysay. Isulat din
kung paano mo makakamit ang kaganapan ng iyong pagkatao. Limitahan ang kasagutan sa sampung
pangungusap lamang.
1. Paano mo maisasakatuparan ang iyong pamantayan?
2. Sa iyong palagay, nasaan ka sa mga baitang na ito?

Aktibiti 7: Gumawa ng isang open letter tungkol sa mga pangangailangan at kagustuhan ng iyong lokal
na komunidad. Isulat ang “Para sa kinabukasan at sa aking bayan _________________” bilang panimula
ng iyong open letter. Isulat sa pamuhatang bahagi ng liham kung para kanino ito. Gawing gabay ang
rubrik at format ng open letter na nasa ibaba.

Petsa

Pamuhatan

Bating Panimula

Katawan ng Liham

Bating Pangwakas
Lagda

RUBRIK SA PAGSULAT NG OPEN LETTER


PAMANTAYAN 10 9 8 Puntos:
Nilalaman Lubusang Nagpakita ng 4 Nagpakita ng 1-3
naipakita ang hanggang 5 pangangailangan
pangangailangan pangangailangan at kagustuhan ng
at kagustuhan ng at kagustuhan ng lokal na
lokal na lokal na komunidad
komunidad komunidad

AP 9 - Giya sa Pagkatuto – Ikalawang Linggo


Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas
Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats@yahoo.com
Tel Nos: (043) 311-3927/ (043) 774 3578
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”

Paggamit ng
PVGMA CARES
Walang mali sa
Catering Alternative May 1-3 maling
Resources May 4 o higit pang
for Education Sustainability
Bantas, malaki pagkakagamit ng bantas at malaki maling bantas at
at maliliit na maliliit at at maliit na titik malaki at maliit na
titik malalaking titik. titik
Nagamit ng wasto
ang lahat ng
bantas
Paggamit ng Walang mali sa May 1-3 maling May 4 o higit pang
mga salita paggamit ng salita paggamit ng mga pagkakamali sa
salita paggamit ng mga
salita
Kalinisan at Wastong-wasto at May 1-2 Hindi mabasa at
Kaayusan napakalinis ng bura/dumi sa may 3 o higit na
pagkakasulat pagkakasulat bura/ dumi sa
pagkakasulat

Kumusta na?
Naisakatuparan mo ba nang maayos ang mga gawain sa
modyul na ito?
Kung oo, binabati kita!
Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na modyul.
Kung hindi, balikan ang mga gawaing di natapos. Katangian ng
isang mapanagutang mag-aaral ang sumangguni at humingi ng
tulong o paggabay mula sa kaniyang kamag-aral o guro.

AP 9 - Giya sa Pagkatuto – Ikalawang Linggo


Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas
Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats@yahoo.com
Tel Nos: (043) 311-3927/ (043) 774 3578

You might also like