Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

8

Gawaing Pampagkatuto sa Filipino


Kuwarter 2 – MELC 1
Pagpili ng Pangunahin at Pantulong
na Kaisipang Nakasaad sa Binasa

REGION VI-KANLURANG VISAYAS


Filipino 8
Learning Activity Sheet (LAS)
Un 2020

Ng Kagawa

i
Filipino 8
Learning Activity Sheet (LAS) Blg. 1
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaang naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit ng
mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet - Filipino 8

Manunulat: Gemma B. Obsiana


Editor : Catherine D. Diaz
Tagasuri : Lilibeth D. Meliton
Tagaguhit : Gemma B. Obsiana
Tagalapat : Gemma B. Obsiana

Division of Capiz Management Team:


Salvador O. Ochavo, Jr. Ed.D., CESO V
Dr. Segundina F. Dollete
Shirley A. De Juan
Dr. Merlie J. Rubio

Regional Management Team:


Ma. Gemma M. Ledesma, CESO V
Dr. Josilyn S. Solana
Dr. Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV

ii
MABUHAY!

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng


sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng Capiz sa pakikipagtulungan ng
Kagawaran ng Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa pakikipag-ugnayan ng
Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng
learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga
inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan


nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang
kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap
na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang
kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:


Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan
ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy
ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan
mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa
mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang
pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:


Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang matulungan ka, na
mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan.

Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at


makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang
mga panuto ng bawat gawain.

iii
Kuwarter 2, Linggo 1

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 1

Pangalan:_________________________Grado at Seksiyon:_____________________

Petsa: __________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 8

(Pagpili ng mga Pangunahin at Pantulong na Kaisipang


Nakasaad sa Binasa)

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

1. Napipili ang mga pagunahin at pantulong na kaisipang nakasaad sa


binasa. (F8PB-IIa-b-24)

II. Panimula (Susing Konsepto)


Sa araling ito ay pag-aaralan natin kung ano ang pangunahin at pantulong na
mga kaisipan at kung paano ito mapipili/matutukoy sa akdang binasa lalo na sa
isang tula.
Mahalagang matukoy mo ang pangunahin at pantulong na mga kaisipan ng
isang akda sapagkat nagtataglay ito ng mahahalagang diwa ng isang babasahin.
Makatutulong dito ang kaalaman sa pamaksang pangungusap na siyang sentro
o pangunahing tema/diwa ng bawat talata at ang mga suportang detalye na
nagpapalawak at nagbibigay-linaw sa paksang pangungusap.
Sa tula, ang pangunahing kaisipan ay tumutukoy sa pinakamahalagang
kaalaman, mensahe pananaw at saloobing nais iparating ng akda. Samantalang ang
mga pantulong na kaisipan naman ay mga detalyeng makatutulong upang higit na
maging malinaw ang mensahe ng isang akda. Ang mga kaisipang ito ay sumusuporta
sa pangunahing kaisipan upang mahimay ang kabuuan ng akdang binasa.
Basahin at pag-aralan ang kasunod na halimbawa ng sariling kathang tula.

Bulong ng Pag-asa
ni: Gemma B. Obsiana
Marami akong iniisip ngayon,
Mga alalahaning dulot ng panahon;
tumutulak sa akin upang mas lalong tumawag sa Diyos,
Kumuha ng lakas sa Kaniya at sa mga minamahal kong lubos.
Ano ang naghihintay bukas?
Kung ngayo’y malabo ang aking namamalas;
Ngunit unti-unti naririnig ko ang Kaniyang bulong,
May bukas na naghihintay, tayo ay aahon.
Ano nga ba ang magagawa ng isang kabataang tulad ko?
Nangangarap lamang ngunit mahina ang mga buto;
At ang munting tinig ay narinig ko na naman,
Ako raw ang lakas at pag-asa ng aking bayan!

Ngayon ay himay-himayin natin ang bawat saknong ng tulang iyong binasa.


Ano ang ipinahihiwatig o nais sabihin ng unang saknong?

1
Sagot: Maraming iniisip at mga alalahanin ang persona sa tula ngunit kumukuha
siya ng lakas sa Diyos at sa kaniyang pamilya.
Sa ikalawang saknong, ano ang nais sabihin ng persona sa tula?
Sagot: Sa kabila ng kaniyang mga alalahanin, may tinig na nagbibigay sa kaniya ng
pag-asa.
Sa huling saknong ng tula, ano ang nais sabihin ng persona?
Sagot: Sa kabila ng kaniyang pagdududa, natuklasan niyang siya ang pag-asa ng
kaniyang bayan.
Ngayong tapos na nating himayin ang bawat saknong, buoin natin ang
pangunahing kaisipan ng tula. Sa kabuoan, ano ang pangunahing kaisipan ng
akdang binasa?
Pangunahing Kaisipan ng tula: Hindi dapat mawalan ng pag-asa ang kabataan
sapagkat siya mismo ang pag-asa ng bayan.
Ngayon naman ay alamin natin ang mga pantulong na kaisipan o mga detalye
ng tula. Anong mga kaisipan ang sumusuporta sa ating pangunahing kaisipan batay
sa tula?
Pantulong na mga kaisipan:
1. Maraming takot at mga alalahanin ang kabataan dahil sa mga nangyayari
ngayon.
2. Pagdarasal sa Diyos at pagmamahal ng kaniyang pamilya ang kaniyang
sandalan.
3. Nawawalan na ng pag-asa ang kabataan ngunit may nagpapalakas ng
kaniyang kalooban.
4. Alam niya ang kaniyang mga kahinaan ngunit natuklasan niya ang kaniyang
kalakasan.

III.Mga Sanggunian
A. Aklat at Iba Pang Sanggunian
Most Essential Learning Competencies (MELCs) sa Filipino, pahina 230
Mga Sariling Katha
Obsiana, Gemma B. (2020). Binago ng Pandemya. Hindi nailathang tula.
Obsiana, Gemma B. (2020). Bulong ng Pag-asa. Hindi nailathalang tula.

IV.Mga Gawain
1. Panuto: Basahin at unawain ang ang tulang may pamagat na “Binago ng
Pandemya” at gawin ang mga kasunod na gawain.
Ngayon ay basahin mo ang Tula na may pamagat na “Binago ng Pandemya.”

Binago ng Pandemya
ni: Gemma B. Obsiana
Mabilis na pamumuhay, halos walang tulogan,
Bahay, trabaho, negosyo, gala na kabilaan;
Ngunit sa di inaasahan, nagbago ang tanan,
Mundo’y halos tumigil sa pagkilos, lahat nagulumihanan!

Nagsimula sa Wuhan China, mga bansa’y halos sinakop,


COVID-19 bukambibig, lahat ay natakot;
Nahinto ang trabaho, quarantine ay sinubok,
Pamilya’y nagsama-sama, hirap at gutom ay inabot.

2
Maraming nabago sa paglaganap ng pandemya,
Ang dating normal na pamumuhay , ngayo’y ibang-iba;
Maging mga simbahan at paaralan temporaryong isinara,
Nauso ang online na pamimili at birtwal na pagsisimba.
Milyong buhay ang inutas ng virus na walang habas,
Hindi nakikita ngunit nakamamatay ang lakas;
Maunlad man na Siyensiya nagdadalawang-isip, umaatras,
Maging mga manggagamot di nakaliligtas!
Sa patuloy na paglaganap ng pandemya, halos lahat nagtutulungan,
Mga bansa’y nagpapaunahan din upang vaccine matuklasan;
Nagkukumahog ang lahat upang COVID-19 matuldokan,
Naninikluhod sa Diyos upang Kaniyang kaawaan.
Habang tayo’y patuloy na nakikibaka sa di-nakikitang kalaban,
Hindi dapat matigil ang pag-aaral ng kabataan;
Sa new normal, blended learning modality ang pagsusumikapan,
Upang karununga’y patuloy na isulong para sa edukalidad ng bayan!

2. Pagsasanay/Aktibidad
A. Upang maging madali para sa iyo ang pagtukoy ng pangunahin at
pantulong na mga kaisipan sa binasang tula, sagutin ang kasunod na
tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang isinasaad ng una hanggang huling saknong ng tula?

B. Ibigay ang pangunahing kaisipan sa tula at magbigay ng anim na mga


pantulong na kaisipan. Isulat ito sa iyong sagutang papel. Magiging
batayan ang rubrik sa ibaba sa iyong paggawa.

3. Mga Batayang Tanong


Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.
1. Bakit nagbago ang pamumuhay ng mga tao?
2. Ano ang nararanasan ng mga tao dahil sa COVID-19?
3. Paano mag-aaral ang kabataan kahit may pandemya?

4. Batayan sa Pagbibigay ng Iskor sa Rubrik

A. Organisasyon ng mga ideya 5 puntos


B. Kawastuan ng mga kaisipan 5 puntos
C. Orihinalidad 5 puntos
KABUOAN 15 puntos
5- Napakahusay 3- Katamtaman 1 – Sadyang Di mahusay
4- Mahusay 2- Di mahusay

V. Repleksiyon

Ano ang iyong natutuhan sa araling ito? Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

3
4
Pagsasanay A
Saknong 1 – Ang dating mabilis at malayang takbo ng pamumuhay ay nagbago
nang hindi inaasahan kaya nalito ang lahat.
Saknong 2 – Natakot ang lahat sa COVID-19 na nagmula sa Wuhan China. Halos
nahinto ang paggawa dahil sa quarantine. Nauwi sa kani-kaniyang pamilya ang
mga tao ngunit naging mahirap ang buhay.
Saknong 3 – Maraming pagbabago ang naganap. Nagbago ang normal na
pamumuhay ng mga tao. Nauso ang pamimili sa online At virtwal na pagsisimba.
Saknong 4 – Milyon na ang namatay sa COVID-19 sapagkat hindi pa rin matukoy
ng Siyensiya ang paraan ng paggamot nito. Kahit mga manggagamot ay hindi
nakaliligtas.
Saknong 5 – Halos lahat ay nagtutulungan at nagpapaunahan sa pagtuklas ng
lunas upang mawakasan ang pandemya. Patuloy ang pagdarasal sa Panginoon.
Saknong 6 – habang patuloy na nakikipaglaban sa COVID-19 hindi dapat matigil
sa pag-aaral ang kabataan gamit ang blended learning modality upang maisulong
ang edukasyon.
B.
Pangunahing kaisipan
Ang lahat ay nagbago nang magkaroon ng Pandemyang COVID-19.
Mga Pantulong na Kaisipan
a. Ang lahat ay nalito sa hindi inaasahang pagbabago.
b. Naghirap ang mga tao dahil halos nahinto ang trabaho nang
magkaroon ng COVID-19.
c. Nauso ang pamimili ng on-line pati na ang virtwal na pagsisimba.
d. Marami ang namatay maging mga doktor ay hindi nakaliligtas sa
COVID-19.
e. Marami ang nagdarasal na matapos na ang pandemya.
f. Kahit may pandemya ay dapat na magpatuloy pa rin ang pag-aaral ng
kabataan.
Mga Batayang Tanong (Posibleng sagot)
1. Nagbago ang pamumuhay ng mga tao dahil sa pandemyang COVID-19.
2. Naghirap ang mga tao. Marami ang namatay. Nagkaroon ng paghihigpit ang
gobyerno sa pamamagitan ng paglalagay sa quarantine ng mga lugar sa buong
bansa.
3. Mag-aaral ang kabataan sa pamamagitan ng blended learning modalities.
VI. Susi sa Pagwawasto

You might also like