Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

“To Jesus, through Mary”

St. Louis de Montfort Academy


P.D. Monfort North, Dumangas, Iloilo

Pagsusulit sa Unang Markahan


Filipino sa Piling Larang (Akademik) SY 2021-2022

Name: Petsa:
Baitang at Seksyon: Iskor

Test I. Maramihang Pagpipilian


Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral kung saan
pamamagitan nito, maisatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin , paniniwala , at layunin ng tao sa
tulong ng mga salita ,ayos ng pangungusap sa mga talata hanggang sa mabuo ang isang akda o
sulatin
A.Pakikinig B.Pagbabasa C.Panonood D.Pagsulat

2. Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran sa mga


mambabasa.
A.Naratibo B.Ekspresibo C.Impormatibo D.Argumentatibo

3. Taglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa upang masuri ang mga datos na mahalaga o
hindi na impormasyon na ilalapat sa pagsulat. Kailangang makatuwiran ang paghahatol upang
makabuo ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag at maging obhetibo sa sulating ilalahad.
A.Paksa C.Layunin
B. Wika D.Kasanayang Pampag-iisip

4. Ito ang magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda.
A.Paksa C.Layunin
B. Wika D.Kasanayang Pampag-iisip

5. Mahalaga ang tunay at pawang katotohanan na mga impormasyon. Iwasan ang mga pahayag na
batay sa aking pananaw o ayon sa aming haka-haka o opinyon.
A.Obhetibo C.Maliwanag at Organisado
B.Pormal D.May Paninindigan

6. Isa itong intelektwal na pagsulat . Ang gawaing ito ay nakakatulong sa pagpapataas ng kaalaman
ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ayong kay Carmelita Alejo et.al. Layunin nitong ipakita
ang resulta sa pagsisiyasat o ng isang ginawang pananaliksik.
A.Malikhain B.Teknikal C.Akademiko D.Reperensyal

6. Ito ang magsisilbing giya sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.
A.Paksa C.Layunin
B. Wika D.Kasanayang Pampag-iisip

7. Sa Ingles ay tinatawag na term paper na karaniwang ginagawa sa kolehiyo. May ilang nasa
sekondaryang antas ang maaaring nakaranas na ring makagawa ng ganitong sulatin. Ginagawa ito
para sa pangangailangang pang-akademiko.
A.Pamanahong papel B.Tesis C.Konseptong papel D. Artikulo

8. Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Sulatin
ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. Halimbawa sa guro , pagsulat ng lesson
plan , paggawa at pagsusuri ng kurikulum, para sa doctor o nars paggawa ng medical report ,
narrative report tungkol sa physical examination sa pasyente at iba pa.
A.Malikhain B. Propesyonal C.Dyornalistik D. Teknikal

9. Ito ay sulating may kinalaman sa pananaliksik at pagtuklas ng isang manunulat. Ginagawa ito ng
isang indibidwal bilang pangangailangan sa kursong pinag-aaralan o propesiyonal na kwalipikasyon.
Ito ay ginagamit na bahagi ng kursong Batsilyer at Masterado.
A.Posisyong Papel B.Tesis C.Konseptong papel D. Artikulo
10. Isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu at iba pang
ibig bigyang linaw, patunayan o pasubalian.
A.Pananaliksik B.Balita C.Bionote D.Sintesis

11. Ang mga datos ay kinuha sa mga di-kumikiling o di-kinikilingang mga batis. Ang mga
interpretasyon ay batay sa paghahanay, pagtataya, at pagsusuri ng mga datos na ito. Anong
katangian ng pananaliksik ang naipahayag?
A. Subhetibo B. Obhetibo C. Masuri o Kritikal D. Dokumentado

12. Ipinapahayag dito ang katwiran, opinyon o argumentong pumapanig o sumasalungat sa isang
isyu na nakahain sa manunulat.
A.Paglalahad B.Pagsasalaysay C.Pangangatwiran D. Paglalarawan

13. Naglalaman ito ng titulo o pamagat ng papel; pangalan ng sumulat, petsa ng pagkasulat o
pagpasa, at iba pang impormasyon na maaaring tukuyin ng guro.
A.Titulo B. Introduksyon C. Katawan D. Kongklusyon

14. Alin sa mga sumusunod ang hindi layunin ng pananaliksik?


A. Tumuklas ng bagong datos o impormasyon
B. Magbigay ng bagong interpretasyon sa lumang ideya.
C. Magpatunay na makatotohanan o balido ang isang ideya, interpretasyon,
paniniwala, palagay, o pahayag.
D. Magtago ng katotohanan o di-pagiging makatwiran ng isang tanggap o pinapalagay na totoo o
makatotohanang ideya.

15. Tinatawag din itong pagpapaliwanag na nakasentro sa pagbibigay-linaw sa mga pangyayari,


sanhi at bunga, at magkakaugnay na mga ideya at pagbibigay ng mga halimbawa.
A.Paglalahad B.Pagsasalaysay C.Pangangatwiran D. Paglalarawan

16. Dito nilalagom ang mga mahahalagang puntos ng papel.Isinasaad din sa bahaging ito ang
napatunayan o napag-alaman batay sa paglalahad at pagsusuri ng mga impormasyong ginamit sa
papel o sa pananaliksik.
A.Titulo B. Introduksyon C. Katawan D. Kongklusyon

17. Nakapokus ito sa kronolohikal o pagkakasunud-sunod na daloy ng pangyayaring aktwal na


naganap.Isa pa ring pokus ang lohikal na pagsulat.Nakasalalay sa may-akda ng maikling kwento o
nobela ang mahahalaga at kapana-panabik na bahagi ng salaysay.Gumagamit ng iba’t ibang istilo o
istruktura ng pagbuo ng kwento ang mga manunulat ng panitikang nasa anyong tuluyan.
A.Paglalahad B.Pagsasalaysay C.Pangangatwiran D. Paglalarawan

18. Ang mga sulating papel sa kolehiyo’y nagmumula sa isa o maraming tanong. Maaaring galing
ang isang tanong sa guro na nagnanais makuha ang opinyon ng mga estudyante tungkol sa patuloy
na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Anong proseso ng pagsulat ang nailawaran?
A. Pala-palagay C. Inisyal na Pagtatangka
B. Pagtatanong at Pag-uusisa D. Pagsulat ng Unang Borador

19. Sa bahaging ito, kailangang maipokus ng manunulat ang saklaw ng pananaliksik na gagawin. Ito
ang yugto na tatangkain ng manunulat na ayusin ang panimulang datos, pala-palagay at iba pang
impormasyon para makabuo ng balangkas.
A. Pala-palagay C. Inisyal na Pagtatangka
B. Pagtatanong at Pag-uusisa D. Pagsulat ng Unang Borador

20. Isa itong uri ng pagtatalumpati nang biglaan o walang paghahanda. Kaagad ibinigay ang paksa
sa oras ng pagsasalita.
A. Impromptu C. Isinaulong talumpati
B. Manuskrito D. Pagbasa ng papel sa panayam

21. Ang ________ ay maituturing na isang uri ng sining. Dito makikita ang katatasan at kahusayan ng
tagapagsalita sa paghihikayat upang paniwalaan ang kanyang pangangatuwiran sa paksang
tinalakay.
A. Dula C. Sanaysay
B. Tula D. Pagtatalumpati
22. Sa bahaging ito ang tagapagsalita ay may sapat na panahon na gumawa ng kanyang talumpati.
A. Imprompto. C. Manuskrito
B. Extempore D. Sinaulong Talumpati

23. Ginagamit ito sa mga kumbensyon, seminar, o programa sa pagsasaliksik kaya pinag-aaalan
itong mabuti at dapat na nakasulat.
A. Maluwag C. Manuskrito
B. Biglaang talumpati D. Sinaulong Talumpati

24. Ang pinakaunang gagawin upang mapalawak pang lalo ang paksa sa bubuuing talumpati
A. Paghahanda C. Pagsulat ng Burador
B. Pananaliksik D. Pagbubuo ng Introduksyon

25. Isa pang mahalagang dapat isaalang-alang sa pagbubuo ng talumpati na nagsisilbing balangkas
sa paksang buuin.
A. Uri ng Tagapakinig
B. Tema o Paksang Tatalakayin
C. Hulwaran sa Pagbubuo ng Talumpati
D. Kasanayan sa Paghabi ng mga Bahagi

26. Ito ang pangunahing argumento o posisyon kung ang layunin ng talumpati ay manghihikayat at
nagsisilbi itong pokus ng pagpapahayag.
A. Tema C. Pagbuo ng Tesis
B. Uri ng Tagapakinig D. Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati

27.Gawing kawili-wili ang paglalahad ng mga katwiran o paliwanag para sa paksa.


A. Kawastuan B. Kaakit-akit C. Kaugnayan D. Kalinawan

28. Kailangang maliwanag ang pagkakasulat at pagkakabigkas ng talumpati upang mauunawaan sa


tagapakinig.
A. Kawastuan C. Kaisahan
B. Kahusayan D. Kalinawan

29. Dito kalimitang nilalagom ang mga patunay o argumentong inilahad sa katawan ng talumpati.
A. Introduksyon C. Hulwarang Balangkas
B. Diskusyon o Katawan D. Katapusan o Konklusyon

30. Tinatawag din itong pagpapaliwanag na nakasentro sa pagbibigay-linaw sa mga pangyayari,


sanhi at bunga, at magkakaugnay na mga ideya at pagbibigay ng mga halimbawa.
A.Paglalahad B.Pagsasalaysay C.Pangangatwiran D. Paglalarawan

Test II. Pagtatala


Panuto: Itala ang hinihingi ng mga sumusunod:

1 – 3 Katangiang Dapat Taglayin sa Akademikong Sulatin


1.
2.
3.

4-8 Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat


4.
5.
6.
7.
8.

9-13 Uri ng Pagsusulat


9.
10.
11.
12.
13.
Test III. Pagsulat ng Sanaysay
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Ang sanaysay na iyong isusulat ay ibabatay
sa NILALAMAN, ORGANISAYON NG IDEYA, at BILANG NG PANGUNGUSAP NA NAISULAT.
1. Ang pananaliksik isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay,
tao, isyu at iba pang ibig bigyang linaw, patunayan o pasubalian. Ito ay mahalaga ngayong
panahon dahil maaari itong magbigay solusyon sa napapanahong isyu at problema sa iba’t-
ibang larangan. Bilang isang mananaliksik, anu-anong katangian ang dapat mong taglayin?
Anu-ano rin ang mga tungkulin at responsiblididad mo bilang isang mananaliksik? Magsulat
hanggang sampung pangungusap. (12pts)

2. Anu-ano ang mga katangian ng isang mabisang talumpati? Magsulat ng hindi kumulang sa
tatlong pangungusap. (5pts)

Good Luck and God Bless!!!

You might also like