Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 50

K

Kindergarten
Unang Markahan:Modyul 7
Ikapitong Linggo

1
Kindergarten
Unang Markahan –Modyul 7:

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi


maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon,
pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin


o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat:
Manunulat: Chiribin N. Peñafiel
Name
Editor: Name Sheryl R. Anciro
Alma B. Sadia
Tagasuri: Name
Romeo T. Sinforoso
Tagaguhit: Name
Baby Jean T. Palivino
Tagalapat: Name
Gumawa ng Video: Irene P. Suruiz
Tinig sa likod ng Video: Julie Ann G. Grebialde

Editors: Angelo C. Quintan


Angelyn D. Talavera
Leo S. Moral

Tagasuri: Leo S. Moral


Tagaguhit: Jed T. Adra
Tagalapat: Jose P. Gamas; Brian Navarro

ii
Ang Aking Mukha
(Ika-7 Linggo – Unang Araw)

Message: I have a face. My face has different parts. Each part has its
use.

I. Panimula

Ang aralin sa Unang Araw ng Ika-7 Linggo ay nakatuon sa ating mukha


na kabilang sa pangunahing bahagi ng ating katawan. Pag-aaralan dito
ang iba’t ibang bahagi ng mukha at ang mga mahahalagang gamit ng
bawat bahagi.

II. Layunin

• Nasasabi ang gamit ng bawat bahagi ng katawan


• Matamang nakikinig sa kuwentong binabasa
• Nakaguguhit, nakapagpipinta at nakapagkukulay ng iba’t ibang
bagay o gawain
• Nakikilala ang mga bahagi ng aklat (front at back cover)

III. Talasalitaan
Paunawa sa Magulang/Tagapagturo: Ipakilala ang mga
sumusunod na salita sa bata. Sabihin ang salita at basahin ang
kahulugan. Pagkatapos ay ipakita ang katumbas na larawan.
1.
bahagi - parte o mga parte na bumubuo sa
isang kabuuan

alaala - kakayahan ng tao na maibalik muli sa isip


2. ang mga
- karanasan sa nakaraan

kompletuhin - buuin

3. -

luwad - tinatawag na play dough sa ingles,


ginagamit ng mga bata upang makabuo o
4. -
makagawa ng iba’t ibang modelo ng mga
bagay-bagay

Mobile Devices - ito ay tumutukoy sa mga


kagamitan kagaya ng cellphone, tablet, laptop
5. - iba
at marami pang

1
3
IV. Pre-Activity

Tuklasin Mo!

Alam mo ba ang mga


bahagi ng iyong mukha?

• Ano-ano ang mga ito?


• Ano-ano ang gamit ng bawat
• bahagi?
-
• -

V. Mga Gawain sa Pagkatuto

Pagbasa ng Kuwento

Kagamitan:
• Mga larawan:
1. larawan ng front at back cover ng storybook
2. mga larawan na gagamitin sa paghawan ng balakid
(nakadungaw, hardin, bakuran)
• Kopya ng kuwentong “Alaala ni Bong” na isinulat ni Lee-Mor

Paunawa sa Magulang/Tagapagturo: Para sa mga may cellphone, tablet o


laptop maaring i-download ang video format ng kuwento upang mapanood ng
inyong anak. Sundan lamang ang link na nasa ibaba.
https://www.youtube.com/watch?v=vZXZ0J3QJU4&t=2s

42
Bago Magbasa
Paunawa sa Magulang/Tagapagturo: Ipakita ang larawan ng front at back
cover ng storybook sa bata. Habang ipinapakita ito sabihin ang nasa dialogue
box at ituro sa bata ang bawat bahagi ng aklat na babanggitin.

Ang pamagat ng kuwento ay “Alaala ni Bong”. Ito ay


isinulat ni Lee-Mor
- at iginuhit ni Jed T. Adra. .
Narito ang front cover at back cover ng aklat.
Sa front cover makikita ang pamagat ng kuwento at ang
pangalan ng mga taong nagsulat at gumuhit nito.
.
Front Cover Back Cover

Pamagat ng
kuwento

Kuwento ni
Pangalan ng nagsulat at Lee -Mor
Iginuhit ni
gumuhit ng kuwento Jed T. Adra

Paghawan ng Balakid
Paunawa sa Magulang/Tagapagturo: Ipakilala ang mga sumusunod na salita sa
bata. Basahin ang bawat salita at ipakita ang larawang katumbas nito.

nakadungaw hardin bakuran

Itanong ang mga sumusunod:

Pangganyak na Tanong
Ano-ano ang mga masasayang alaala mo?

Pagganyak na Tanong
Ano kaya ang mga masasayang alaala ni Bong?
Habang Nagbabasa
Paunawa sa Magulang/Tagapagturo: Basahin ang kuwentong “Alaala
Ni Bong”
Para sa mga may cellphone, tablet at laptop ipapanood sa inyong anak
ang video ng kuwentong “Alaala ni Bong”.
https://www.youtube.com/watch?v=vZXZ0J3QJU4&t=2s

53
Handa ka na bang makinig sa kuwentong aking babasahin?

Alaala Ni Bong
Isinulat ni Lee-Mor

Broom… broom... broom...! Paparating na tunog ang narinig ni Bong.


Habang nakadungaw siya sa bintana at pinanonood ang mga ibon.
Palipad-lipad. Patalon-talon. Palipat-lipat sa mga sanga ng punong
kamagong. Umaawit ang mga ito habang umaambon.

Broom….!!! Isang makulay na sasakyan ang biglang dumaan na


ikinagulat ng masasayang ibon. “Twiit…twiit…twiit…!” Sabay– sabay itong
nagliparan ngunit isa-isa ring nagsibalikan.

Bumaba si Bong sa kinaroroonan at ninais na makipaglaro sa mga


Ibong palipad-lipad, palipat-lipat at patalon-talon. Iba-iba ang
kanilang kulay. May pula, may asul at may mga dilaw. Katulad ng
mga bulaklak ng kanyang inay na may iba-iba ring kulay. May kahel,
may lila at may luntian.

Twiit…twiit… twiit…! Huni ng mga pipit na parang ang mga ito’y


umaawit. Habang palipad-lipad, palipat-lipat, paikot-ikot at patalon-talon .
Tila niyayayang makipaghabulan ang batang si Bong.

Ito ang mga aalala ni Bong habang nakadungaw sa bintana ng


ospital. “Kung sana ay nakinig ako kay Nanay… na ang bahagi ng
mukha ay paka-ingatan at laging alagaan ang buong katawan,”
malungkot na sabi ni Bong sa kanyang isipan.

“Sana ay naririnig ko pa ang mga sasakyan at huni ng mga ibon


na naggagandahan! Sana ay nakikita ko pa ang mga ibong may iba’t-
ibang kulay at mga bulaklak sa hardin ng aming bakuran!”
“Kung sana lang…”

“Bong, Bong!” Naramdaman ni Bong ang malambing na haplos ng


Nanay sa kanyang noo. “Gising na anak, nandito si Doktor. May
maganda siyang balita sa atin!”

Natuwa si Bong sa magandang balita ng doktor. “Maraming salamat


Nanay, maraming salamat Doktor, maraming salamat Panginoon!”
nasabi ni Bong nang may ngiti sa labi.

64
Pagkatapos Magbasa
Paunawa sa Magulang/Tagapagturo: Pagkatapos mapakinggan o
mapanood ng bata ang kuwento, itanong muli ang pagganyak na
tanong.

Batay sa kuwentong napakinggan


o napanood ano-ano
- ang mga
masasayang alaala ni Bong?

Alamin Mo!

Tulad ni Bong bawat bata ay may


mukha na may iba’t-ibang bahagi.

• Ano-ano ang mga bahagi na


makikita mo sa iyong mukha?
-
• Ano ang gamit ng bawat bahagi
• -
ng iyong mukha?

VI. Mga Pagsasanay

Ipagawa sa bata ang mga sumusunod na


pagsasanay.
Gawin Mo!
75
Pagsasanay 1

Kaya mo bang iguhit ang mga bahagi ng iyong mukha?


Sige nga subukan mong iguhit ang mga ito at kulayan mo
pagkatapos.

Face - Off

Magaling!
Tanggapin mo itong mga makikinang na bituin para sa
iyong mahusay na pagguhit.

Para sa Magulang/Tagapagturo: Kulayan ang sapat na bituin bilang gantimpala sa ginawa ng bata.

68
Pagsasanay 2

Anong bahagi ng katawan ang ginagamit mo sa bawat gawain?


Kaya mo bang lagyan ng tsek (✓) ang tamang bahagi? Tara,
subukan natin!

Magaling!
Tanggapin mo itong mga makikinang na bituin para sa iyong
mahusay na ginawa.

Para sa Magulang/Tagapagturo: Kulayan ang sapat na bituin bilang gantimpala sa ginawa ng bata.

97
Pagsasanay 3
Tara maglaro
Tara,
tayo!
tayo!

Mukha Ko, Kompletuhin Mo!

Mga Kagamitan:
• ginupit na mga larawan ng bahagi ng
mukha (mata, ilong, bibig at
tainga)
• tape (lagyan ng tape ang likurang
bahagi ng larawan)
• larawan ng blankong mukhana ididikit
sa pader
• panyo (gagamiting pangpiring o
pantakip sa mata ng bata)
Paraan ng Paglalaro:
1. Lagyan ng piring ang mata ng bata.
2. Ibigay ang larawan ng isang bahagi
ng mukha sa bata.
3. Pahulaan kung anong bahagi ang hawak niya sa pamamagitan ng
pagbigay o pagsabi ng gamit nito.
Halimbawa:
Ito ang ginagamit natin upang tayo ay makakita. Anong bahagi ito?
(Palitan ng makaamoy, makarinig, o makakain/makapagsalita kung
ibang bahagi na ang tinutukoy.)
4. Kapag nahulaan niya ng tama, maaari na niyang idikit ito sa blanking
mukha.
5. Ulitin ang proseso hanggang madikit ng bata ang lahat ng bahagi

Magaling! Heto ang tatlong (3) palakpak para sayo...

Ngayon tingnan natin ang iyong ginawa.


Ano ang masasabi mo sa kinalabasan ng
mukha?

Paunawa sa Magulang/Tagapagturo: Maaaring gawing paligsahan at isali ang


ibang miyembro ng pamilya upang maging mas masaya ang paglalaro. Bumuo
ng dalawang grupo at gawing salitan ang paglalaro. Magdagdag na lamang
ng kagamitang kailangan. Ang grupo na makakapagdikit ng maraming tamang
bahagi ang mananalo sa laro.

8
10
Gagamitin sa Pagsasanay 3: Mukha Ko, Kompletuhin Mo!
(Idikit ang blankong mukha sa pader.)

9
11
Gagamitin sa Pagsasanay 3: Mukha Ko, Kompletuhin Mo!
(Gupitin ang mga bahagi ng mukha.)

12
10
VII. Wrap- - Up

Isaisip Mo!

Mahusay!!!
Laging tatandaan na may iba’t-ibang bahagi ang ating
mukha at ang bawat bahagi ay may mahalagang
tungkulin na ginagampanan sa ating katawan.

Mata - Ang mga mata ay ginagamit upang


tayo ay makakita.

Ilong – Ang ilong ay ginagamit natin upang


tayo ay makahinga at makaamoy.

Bibig – Ang bibig ay ginagamit sa pagkain at


pagsasalita.

Tainga – Ang mga tainga ay ginagamit


upang tayo ay makarinig.

Isapuso Mo!

Mahalin at pangalagaan ang mga


bahagi ng ating mukha dahil ang
mga ito ay regalong bigay sa atin ng
Diyos. Panatilihin itong malinis at
laging gamitin ng tama

VIII. Takdang Aralin

Gumawa ng mukha na may kumpletong bahagi gamit ang luwad (play dough).

11
13
Ang Aking Mata at Tainga
(Ika-7 Linggo – Pangalawang Araw)
Message: I have eyes and ears. I can see with my two eyes and I can hear
different sounds with my ears.

I. Panimula
Ang aralin sa Ikalawang Araw ng Ika- 7 Linggo ay nakatuon sa ating
mga mata at tainga bilang bahagi ng ating mukha. Sa modyul na ito pag –
aaralan natin ang mahahalagang gamit ng ating mga mata at tainga.

II. Layunin

• Nasasabi ang gamit ng bawat bahagi ng katawan


• Matamang nakikinig sa kuwentong binasa
• Naisasagawa ang mga kilos gamit ang katawan
• Nakapagbibigay hinuha sa maaring kalabasan ng kuwentong
napakinggan
• Naaalala ang mahahalagang detalye sa kuwentong napakingan
• Nakikilala ang mga bahagi ng aklat (front at back cover)

III. Talasalitaan

Paunawa sa Magulang/Tagapagturo: Basahin ang mga


sumusunod na salita at ang kahulugan nito sa m,ga bata.
Pagkatapos ay ibigay ang mga halimbawa ng pangungusap
para sa lubos na ikakaunawa nito.

1. Kinalabasan– kinahinatnan, resulta, bunga


Hal. Maganda ang kinalabasan ng iginuhit niyang mukha.
2. Kahalagahan– kapakinabangan, saysay, kabuluhan
Hal. Kahalagahan ng isang pamilya ang bawat miyembro nito.
3. Buod ng kuwento – ito ay pinaikli o ang pinakamahalagang
pangyayari sa kuwento.
Hal. Ang buod ng kuwento ay matatagpuan sa likod o back cover ng
isang aklat.

14
12
IV. Pre -Activity

Tuklasin Mo!

Alam mo ba ang kahalagahan


ng mata at tainga bilang bahagi
ng ating katawan?
• Ano- ano ang mga bagay na na-
gagawa ng ating mga mata at
tainga?
• Ano– ano ang mga bagay na
nakikita at naririnig nito?

V. Mga Gawain sa Pagkatuto

Pagbasa ng Kuwento

Kagamitan:

* Larawan:

1. larawan ng front at back cover ng storybook


* Kopya ng kuwentong “Alaala ni Bong” na isinulat ni Lee-Mor

Paunawa sa Magulang/Tagapagturo: Basahin na muli ang kuwentong


“Ala-ala ni Bong” sa pamamaraang ginawa sa unang araw ng
pagtuturo nito. Maaring gamitin na muli ang larawan bilang
paghawan ng balakid. Maari ring gamitin na muli ang video. I click
lang ang link sa baba.
https://www.youtube.com/watch?v=vZXZ0J3QJU4&t=2s

13
15
Bago Magbasa
Paunawa sa Magulang/Tagapagturo: Ipakita ang larawan ng front at back
cover ng storybook sa bata. Habang ipinapakita ito basahin ang nasa
dialogue box at ituro sa bata ang bawat bahagi ng aklat na babanggitin

Front Cover- dito makikita ang pamagat ng kuwento at ang


pangalan ng mga taong nagsulat at gumuhit nito.
. Back Cover– ito ay likod na bahagi ng aklat at dito natin
mababasa ang buod ng kuwento.
Writer ( Nagsulat) - siya ang nagsulat ng kuwento
Illustrator ( Gumuhit)- siya ang gumuhit ng mga larawan na
makikita sa story book

Front Cover Back Cover

Pamagat ng
kwento

Buod: Buod ng
Si Bong ay isang masayahing Kuwento
bata. Mahilig siyang manuod at
Pangalan ng Kuwento ni Lee
-Mor
makinig ng mga bagay bagay
mula sa kanyang paligid.
nagsulat at gumuhit Iginuhit ni Jed T. Adra

Dahil sa hindi inaasahang


ng kwento pangyayari magagawa pa kaya
niya ang mga ito?

Paunawa sa Magulang/Tagapagturo:
Itanong sa bata ang katanungang nasa baba bilang balik- tanaw.

• Ano- ano ang mga naalala ni Bong habang siya ay nasa ospital?

Habang Nagbabasa
Paunawa sa Magulang/Tagapagturo: Muling basahin ang kuwentong
“Alaala ni Bong”.

Para sa mga may cellphone, tablet at laptop ipapanood sa inyong


anak ang video ng kuwentong “Alaala ni Bong”.
https://www.youtube.com/watch?v=vZXZ0J3QJU4&t=2s

14
16
Babasahin kong muli ang kuwentong binasa ko kahapon at sagutin
mo ang aking mga katanungan tungkol dito. Handa ka na bang
makinig?

Alaala Ni Bong
Isinulat ni Lee-Mor
Broom… broom... broom...! Paparating na tunog ang narinig ni Bong.
Habang nakadungaw siya sa bintana at pinanonood ang mga ibon.
Palipad-lipad. Patalon-talon. Palipat-lipat sa mga sanga ng punong
kamagong. Umaawit ang mga ito habang umaambon.

Broom….!!! Isang makulay na sasakyan ang biglang dumaan na


ikinagulat ng masasayang ibon. “Twiit…twiit…twiit…!” Sabay– sabay itong
nagliparan ngunit isa-isa ring nagsibalikan.

Bumaba si Bong sa kinaroroonan at ninais na makipaglaro sa mga


Ibon palipad-lipad, palipat-lipat at patalon-talon. Iba-iba ang
kanilang kulay. May pula, may asul at may mga dilaw. Katulad ng
mga bulaklak ng kanyang inay na may iba-iba ring kulay. May kahel,
may lila at may luntian.

Twiit…twiit… twiit…! Huni ng mga pipit na parang ang mga ito’y


umaawit. Habang palipad-lipad, palipat-lipat, paikot-ikot at patalon-talon .
Tila niyayayang makipaghabulan ang batang si Bong.

Ito ang mga aalala ni Bong habang nakadungaw sa bintana ng


ospital. Kung sana ay nakinig ako kay Nanay… na ang bahagi ng
mukha ay paka-ingatan at laging alagaan ang buong katawan,”
malungkot na sabi ni Bong sa kanyang isip

“Sana ay naririnig ko pa ang mga sasakyan at huni ng mga ibon na


naggagandahan! Sana ay nakikita ko pa ang mga ibong may iba’t-ibang
kulay at mga bulaklak sa hardin ng aming bakuran!”
“Kung sana lang…”

“Bong, Bong!” Naramdaman ni Bong ang malambing na haplos ng


Nanay sa kanyang noo. “Gising na anak, nandito si Doktor. May
maganda siyang balita sa atin!”

Natuwa si Bong sa magandang balita ng doktor. “Maraming


salamat Nanay, maraming salamat Doktor, maraming salamat
Panginoon!” nasabi ni Bong nang may ngiti sa labi.

15
17
Pagkatapos Magbasa
Paunawa sa Magulang/ Tagapagturo: Pagkatapos mapakinggan o
mapanood ng bata ang kuwento itanong ang mga sumusunod na
tanong.

1. Ano ang narinig na tunog ni Bong habang


nakadungaw siya sa bintana?
2. Anong mga kulay ng mga ibon ang nakita ni Bong?
3. Ano ang naramdaman ni Bong habang
nakadungaw siya sa bintana ng ospital?
4. Ano kaya ang kinalabasan ng kuwento? Gumaling
ba si Bong? Bakit?
5. Ano kaya ang gagawin ni Bong pagkalabas ng
ospital?

Alamin Mo!

Ang mga mata at tainga ay ma-


halagang bahagi ng ating katawan.
• Gamit ang ating mga mata
nakikita natin ang mga bagay na
nakapaligid sa atin.
• Sa tulong ng ating mga tainga nar-
irinig natin ang mga tunog na mu-
la sa ating paligid.
• Magagawa natin ang mga gusto
nating gawin sa tulong ng mata at
tainga.

VI. Mga Pagsasanay

Ipagawa sa bata ang mga sumusunod na pag-


Gawin Mo! sasanay.
16
18
Pagsasanay11
Pagsasanay

Tingnan at bilugan mo ang mga larawang nagbibigay tunog.

Magaling!
Tanggapin mo itong mga makikinang na bituin para sa
iyong mahusay na pagguhit.

Para sa Magulang/Tagapagturo: Kulayan ang sapat na bituin bilang gantimpala sa ginawa ng bata.

17
19
Pagsasanay 2

Katulad ng mga ibon at bulaklak, may ibat– –


ibang kulay
din ang mga bagay. Bilugan mo ang mga larawan na
kulay pula, ikahon ang mga larawan na kulay
dilaw, at lagyan ng tsek (/) mga larawan na kulay asul.

Color Hunt

Magaling!
Tanggapin mo itong mga makikinang na bituin para sa
iyong mahusay na pagguhit.

Para sa Magulang/Tagapagturo: Kulayan ang sapat na bituin bilang gantimpala sa ginawa ng bata.

18
20
Pagsasanay 3

Ang mga mata ay nakapagpapabago ng anyo ng


mukha. Hanapin at ikabit mo ang magkaparehas na
mukha. Gayahin din ang mga kilos na ipinapakita ng nasa
kanan matapos itong maikabit ng tama.

Magaling!
Tanggapin mo itong mga makikinang na bituin para sa
iyong mahusay na pagguhit.

Para sa Magulang/Tagapagturo: Kulayan ang sapat na bituin bilang gantimpala sa ginawa ng bata.

19
21
VII. Wrap - Up

Isaisip Mo!

Mahusay!!!
Laging tandaan na ang ating mga mata at tainga ay
napakahalagang parte ng ating katawan.
Gamit ang ating mga mata nakikita natin ang
iba’t ibang bagay na nakapaligid sa atin. Nakikita
din natin ang iba’t ibang kulay, hugis, at ganda ng
ating paligid.
Ang ating tainga ang gumaganap bilang
tagapagtanggap ng tunog. Dahil sa ating tainga
naririnig natin ang mga malalakas at mahihinang
tunog na mula sa ating paligid.
Nagagawa natin ang mga bagay na gusto nating gawin sa
tulong ng ating mga mata at tainga.

Isapuso Mo!

Pahalagahan ang ating


mga mata at tainga. Mahalin
at panatilihin ang kalinisan ng
mga ito.

22
20
VIII. Takdang Aralin

Iguhit ang iyong mga mata at tainga upang makompleto ang larawan ng
mukha na nasa ibaba.

Magaling!
Tanggapin mo itong mga makikinang na bituin para sa
iyong mahusay na pagguhit.

Para sa Magulang/Tagapagturo: Kulayan ang sapat na bituin bilang gantimpala sa ginawa ng bata.

23
21
Ang Aking Ilong at Bibig
(Ika-7 Linggo – Pangatlong Araw)
Messages: I have a nose. I can smell with my nose.
I have a mouth, teeth, lips, and tongue. These help me speak and
eat.
I can taste with my tongue. I can identify different tastes.

I. Panimula
Ang aralin sa Pangatlong Araw ng Ika-7 Linggo ay nakatuon sa
ating ilong at bibig na bahagi ng ating mukha. Pag-aaralan dito ang
mahahalagang gamit nito kasama ng iba’t ibang uri ng amoy at lasa
ng mga bagay o pagkain.

II. Layunin
• Nasasabi ang gamit ng bawat bahagi ng katawan
• Matamang nakikinig sa kuwentong/tulang binasa
• Nagagamit ang mga pandama sa pag-uuri ng mga bagay
• Naisasagawa ang pagpilas/paggupit/pagdikit ng papel

III. Talasalitaan

Para sa magulang at tagapangalaga: Ipakita ang mga sumusunod na


salita sa bata. Basahin ang bawat salita at ipakita ang larawang
katumbas nito.
chipboard hanay

IV. Pre-Activity

Tuklasin Mo

Alam mo ba na ang iyong ilong at


bibig ay mahlaganga bahagi ng
iyong mukha?
• Ano ang gamit ng mga ito?
-
• Ano-ano ang uri ng amoy na
nalalanghap
- ng iyong ilong?
• Ano-ano naman ang iba’t ibang
lasa ng pagkain na natitikman mo?

24
22
V.
MgaMga Gawain
Gawain sa Pagkatuto
sa Pagkatuto

Pagbasa ng Tula

Kagamitan:
• Mga larawan (gagamitin sa paghawan ng mga balakid)
• Kopya ng tulang “Sina Ilong at Bibig” na isinulat ni Alma B. Sadia

Paunawa sa Magulang/Tagapagturo: Para sa mga may cellphone,


tablet o laptop maaring i-download ang video format ng tula upang
mapanood ng inyong anak. Sundan lamang ang link na nasa ibaba.
https://www.youtube.com/watch?v=tskS_HkemZ0

Bago Magbasa
Paghawan ng Balakid
Paunawa sa Magulang/Tagapagturo: Basahin at ipakita ang mga sumusunod
na salita sa bata kasabay ng larawang katumbas nito. At upang mas
maunawaan niya, gamitin sa pangungusap ang mga salita.

katulad Maganda si Eba katulad ng kanyang ina.

kuweba Madilim ang loob ng kuweba.

Itanong ang mga sumusunod:

Pangganyak na Tanong:
Ano ang gamit ng iyong ilong at bibig?

Pagganyak na Tanong:
Ano kaya ang gamit ng ilong at bibig na nabanggit sa tula?

Habang Nagbabasa
Paunawa sa Magulang/Tagapagturo: Basahin ang tulang “Sina
Ilong at Bibig”.

Para sa mga may cellphone, tablet at laptop ipakita sa inyong anak ang
video ng tulang “Sina Ilong at Bibig”.
https://www.youtube.com/watch?v=tskS_HkemZ0

23
25
Handa ka na bang makinig sa tulang aking babasahin? O sige,
makinig kang mabuti at unawain ang bawat taludtod at
saknong ng tula.

Sina Ilong at Bibig


Isinulat ni: Alma B. Sadia

Sa gitna ng mukha, ako’y makikita


Katulad ng kweba, butas ay- dalawa
Gamit sa paghinga at pang-amoy mo pa.
Opo, ako ay si ilong na maganda!

Sa aking ibaba, ay labing mapula


Sa loob ay dila, na iyong panlasa
Kasama ng mga ngipin gamit sa pagnguya.
Opo, siya ay si bibig na tagapagsalita

Pagkatapos Magbasa
Paunawa sa Magulang/Tagapagturo: Pagkatapos mapakinggan ng bata
ang tula, alamin kung naunawaan niya ito sa pamamagitan ng pagsagot
sa mga sumusunod na tanong:

Batay sa tulang iyong napakinggan, ano-ano


ang gamit ng ilong at bibig?
• Paano inilarawan ang ilong?
• Ano - ano ang mga bahaging bumubuo sa
ating mga bibig? Ilarawan ang bawat isa
at ang eksaktong gamit nito.

26
24
Alamin Mo!

May iba’t ibang uri ng amoy na


nalalanghap ang ating ilong.

· Ano-ano ang uri ng amoy na iyon?


Ang mga pagkain na natitikman
natin ay may iba’t ibang lasa.

· Ano-ano ang iba’t ibang lasa na


iyon?

VI. Mga Pagsasanay

Gawin Mo!

Ipagawa sa bata ang mga sumusunod na pagsasanay.

25
27
Pagsasanay 1

Alam mo ba kung mabango o mabaho ang amoy ng isang


bagay? Lagyan mo ng tsek (√) kung ito ay mabango at ekis (X)
naman kung mabaho.

Magaling!
Tanggapin mo itong mga makikinang na bituin para sa
iyong mahusay na pagguhit.

Para sa Magulang/Tagapagturo: Kulayan ang sapat na bituin bilang gantimpala sa ginawa ng bata.

28
26
Pagsasanay 2

Alam mo na ba ang iba’t ibang lasa ng mga pagkain? Gupitin at


idikit ang mga larawan ayon sa tamang hanay ng lasa nito.

matamis maasim maalat mapait

Magaling!
Tanggapin mo itong mga makikinang na bituin para sa
iyong mahusay na pagguhit.

Para sa Magulang/Tagapagturo: Kulayan ang sapat na bituin bilang gantimpala sa ginawa ng bata.

29
27
Tara, maglaro
Pagsasanay
Pagsasanay 33 tayo!

Ilagay Mo Ang Ilong Ko!

Mga Kagamitan: Ilagay Mo ang Ilong Ko!

• ginupit na larawan ng ilong.


• tape (lagyan ng tape ang
likurang bahagi ng larawan)
• Malaking bilog (chipboard o
cartolina) na may nakadikit na
larawan ng kompletong bahagi
ng mukha maliban sa ilong.
• panyo (gagamiting pangpiring o
pangtakip sa mata ng bata)

Paraan ng Paglalaro:
1. Ipakita ang malaking bilog na may nakadikit na kompletong bahagi ng
mukha maliban sa ilong. Itanong sa kanya:
Ano ang napapansin mo sa mukhang ito? May nawawala ba?
Ano ang gamit ng iyong ilong?
2. Ibigay sa kanya ang larawan ng ilong na may nakadikit na tape sa likod nito.
Sabihin sa kanya na kailangan niyang ilagay ito sa malaking bilog upang
maging ganap na kompleto ang mga bahagi ng mukha.
3. Lagyan ng piring ang mata ng bata.
4. Hayaang idikit niya ang larawan ng ilong sa malaking bilog.
5. Tingnan kung naidikit niya ito ng tama.

Magaling! Heto ang tatlong (3) palakpak para sayo...

Paunawa sa Magulang/Tagapagturo: Maaaring gawing mas masaya ang paglalaro


kung hihikayating sumali ang iba pang miyembro ng pamilya. Gawin itong
paligsahan at maghanda ng kahit simpleng reward. Gumamit ng anumang
pananda o kaya ay kuhanan ng litraro sa pamamagitan ng cellphone pagkatapos
mailagay ang ilong sa mukha ng bawat kasali. Ang sinumang makapaglalagay sa
pinakamalapit na tamang posisyon nito ang hihiranging panalo sa laro.

30
28
Ilagay Mo Ang Ilong Ko!
(Idikit ang mga larawan ng iba’t ibang bahagi ng mukha sa isang malaking bilog
maliban sa ilong)

(larawan/guhit ng ilong)

29
31
VII. Wrap - Up

Isaisip Mo!

Magaling na bata!!!
Laging tatandaan na ang ilong at bibig ay bahagi ng
ating mukha na may mahalagang gamit sa ating
katawan.
Ilong – Ang ilong ay ginagamit natin upang
tayo ay makahinga at makaamoy. May
iba’t ibang uri ng amoy na nalalanghap ang
ating ilong. Ito ay maaaring mabango at
mabaho
Bibig – Ang bibig ay binubuo ng labi, mga
ngipin at dila na ginagamit natin sa pag
sasalita at pagkain. Sa pamamagitan nito ay
natutukoy natin kung ang pagkain ay mata
mis, maalat, maasim at mapait.

Isapuso Mo!

Tulad ng ating mga mata at tainga,


dapat din natin alagaan at ingatan
ang ating mga ilong at bibig
sapagkat magkakaiba man sila, ay
magkakaparehas naman ang
kanilang halaga.

VIII. Takdang Aralin


Gumupit ng apat na larawan ng pagkain na may iba’t ibang uri ng lasa.
Idikit ito sa isang malinis na papel.

30
32
Ang Aking Kamay at Paa
(Ika-7 Linggo – Pang-apat na Araw)
Messages: I have two hands and each hand has five fingers. I have two feet
and each foot has five toes. My feet are connected to my legs.

I.Panimula
Ang aralin sa pang-apat na araw ng Ika-7 Linggo ay nakatuon sa gamit ng
ating paa at kamay na kabilang sa bahagi ng ating katawan. Pag-aaralan dito
ang mahahalagang gamit ng ating mga kamay at paa.

II. Layunin

• Nasasabi ang gamit ng bawat bahagi ng katawan


• Naiuugnay ang personal na karanasan sa mga kaganapan sa kuwento/
tula/kanta
• Naisasagawa ang mga sumusunod na kilos lokomotor sa pagtugon sa
ritmong mabagal at mabilis(paglakad,pagtakbo, pagkandirit,
paglundag/ pagtalon,paglukso)
• Nakakapagbilang nang mula 1-20
• Nakagugupit at nakapagdidikit ng iba’t ibang hugis na may iba’t ibang
tekstura

III. Talasalitaan
Para sa magulang at tagapangalaga: Ipakita ang mga sumusunod na
salita sa bata. Basahin ang bawat salita at ipakita ang larawang
katumbas nito.

Mag ehersisyo beywang

IV. Pre-Activity

Tuklasin Mo!

Alam mo ba kung saan makikita ang


iyong mga paa at kamay?
· Ano ang gamit ng ating mga paa at
kamay?
· Ano-ano ang mga kilos na nagagawa
gamit ang mga paa at kamay?
· Mahalaga ba ang ating mga paa at
kamay bilang bahagi ng ating katawan?

33
31
V. Mga Gawain sa Pagkatuto

Pag awit

Kanta:
Pamagat: Tayo’ y Mag-ehersisyo
Teacher Cleo, KIDS
Kagamitan:

Mobile Devices (cellphone, tablet, laptop) with saved copy


of the song in video format

Paunawa sa Magulang/Tagapagturo:
Para sa mga may cellphone/tablet/ laptop maaaring
idownload ang video sa inyong mobile device upang
mapanood at masabayan ng inyong anak ang kanta.
Idownload gamit ang link na nasa ibaba:
https://www.youtube.com/watch?v=H5S6E2kfi64

Liriko ng kanta:

Tayo’ y Mag-ehersisyo
Teacher Cleo, KIDS
Simulan ang gawain ng buong sigla
Kung kaya’t ang katawan ay ihanda na
Tayoy mag-ehersisyo ulo hanggang paa
Isa dalawa tatlo tayo’y mag-umpisa
Dahan, dahan ang ulo ay iikot
Iikot dahan dahan ang ulo mong bilog Ang balikat iikot sa
iyong harap
Bumilang hanggang walo ulit-ulitin mo
Ang ating bewang iikot at hawakan
Iikot ng iikot katawan ay lulusog
Maglakad ka gamit ang iyong paa
Lumakad ng marahan
Tumakbo, tumakbo tayo ay tumakbo Tumalon, tumalon tayo
ay tumalon Ang kamay, sa bewang ilagay.

32
34
Panuto: Patugtugin ng ilang ulit ang kanta hanggang masabayan ito ng bata.
Pagkatapos mapakinggan ng bata ang kanta, bigyan siya ng pagkakataon na
sagutin ang mga tanong:
1. Ano- ano ang mga bahagi ng katawan na nabanggit sa kanta?
2. Sa kanta, anong bahagi ng katawan ang ginagamit sa paglalakad, pagtalon at
pagtakbo?
3. Maliban sa mga nabanggit, ano pa kaya ang ibang gamit ng ating mga paa?
4. Ano naman ang ilalagay sa bewang ayon sa kanta?
5. Ano pa ang ibang gamit ng iyong kamay?

Paunawa sa magulang/ tagapagturo:


Para sa mga walang cellphone/tablet/laptop na hindi
makadownload o hindi alam ang kanta pwede nating
gamitin ang nasa ibabang kanta.

Mag-exercise Tayo
Yoyoy Villame
Chorus: Mag-exercise tayo tuwing umaga, tuwing umaga, tuwing umaga
Mag-exercise tayo tuwing umaga
Upang ang katawan natin ay sumigla

At sa gabi, maaga kang matulog


Sa umaga, maaga kang gumising
At agad mag-jogging jogging
Sa plaza mag-tumbling tumbling

Ang leeg mo ay ipapaling-paling


Ang baywang mo ipakendeng-kendeng
Ang braso mo't kamay ay isusuntok-suntok sa hangin

Isa, dalawa, tatlo, apat


Lima, anim, pito, walo
Walo, pito, anim, lima
Apat, tatlo, dalawa, isa

(Repeat Chorus)
At sa gabi, maaga kang matulog
Sa umaga, maaga kang gumising
At agad mag-jogging jogging
Sa plaza mag-tumbling tumbling

Ang leeg mo, iyong ipapaling-paling


Ang baywang mo, iyong ipakendeng-kendeng
Ang braso mo't kamay ay isusuntok-suntok sa hangin

33
35
Alamin mo
Alamin mo

Ang ating paa at kamay ay


bahagi ngating
Ang atingpaakatawan. Ang
at kamay ay ba-mga
ito ay
hagi ngmay
ating ibat ibang
katawan. Anggamit.
mga ito
Gamit ang iyong mga paa
ay may ibat ibang gamit.
-tumalon
Gamit ng sampong(10)
ang iyong mga paa beses
--pumadyak ng tatlong(3)
tumalon ng sampong(10) beses
beses
-pumadyak ng tatlong(3) beses
Gamit ang iyong mga kamay
-pumalakpak
Gamit angng walong(8)
iyong mga kamaybeses
--gumuhit sa hangin ng malaking puso
pumalakpak ng walong(8) beses
-gumuhit sa hangin ng malaking puso

VI. Mga Pagsasanay

Gawin Mo!

34
36
Pagsasanay 1
\

Tignan mo ang mga larawan. Kaya mo bang hanapin ang anino


nila? Tara! Pagdugtungin mo sila gamit ang linya.

Magaling!
Tanggapin mo itong mga makikinang na bituin para sa
iyong mahusay na pagguhit.

Para sa Magulang/Tagapagturo: Kulayan ang sapat na bituin bilang gantimpala sa ginawa ng bata.

3537
Pagsasanay 2

Alam mo na ba ang gamit ng iyong paa at kamay? Gupitin ang


mga larawan at idikit ito sa malaking kahon.

Kamay Paa

Magaling! Tanggapin mo itong mga makikinang na bi-


Magaling!
Tanggapin
tuin para samo itong
iyong mga makikinang
mahusay na bituin para sa
na pagkagawa.
iyong mahusay na pagguhit.

Para sa Magulang/Tagapagturo: Kulayan ang sapat na bituin bilang gantimpala sa ginawa ng bata.

36
38
Pagsasanay 3

Iguhit mo ang mga bagay na kayang gawin ng kamay at paa.


Kulayan ang mga ito.

(Paunawa: Gagabayan ng magulang ang bata sa pagguhit.)

Magaling!
Tanggapin mo itong mga makikinang na bituin para sa
iyong mahusay na pagguhit.

Para sa Magulang/Tagapagturo: Kulayan ang sapat na bituin bilang gantimpala sa ginawa ng bata.

39
37
VII. Wrap - Up

Isaisip Mo!

Mahusay!!!
Ang ating katawan ay may ibat - ibang bahagi.
Ang kamay at paa ay dalawa lamang sa kanila na sadyang
mahalaga.
Kamay - Ang mga kamay ay
ginagamit natin upang mahawakan
ang mga bagay. Gamit ito, kaya nating
gawin ang mga gawain tulad ng
pagsusulat, pagguhit, pagkulay at
marami pang iba.
Paa – Ang mga paa ay ginagamit
natin upang tayo ay makalakad,
makatayo, makatalon o makalundag,
makatakbo at marami pang iba.

Isapuso Mo!

Pangalagaan natin ang ating mga


kamay at paa dahil sila ay mga
mahahalagang bahagi ng ating
katawan. Nakakikilos at
nakagagawa tayo ng mga bagay
na makabuluhan dahil sa kanila.
Kaya pakaingatan at mahalin natin
sila.
VIII. Takdang Aralin

Bakatin ang iyong mga kamay at paa sa bond paper at kulayan ito ng paborito
mong kulay.

38
40
Internal Organs
(Ika-7 Linggo – Limang Araw)
Message: My heart, lungs, bones, and stomach are inside my body. My heart
beats so it can pump blood into the body. My lungs help me to breathe. My bones
give shape to my body. My stomach stores the food I eat.

I. Panimula

Ang aralin sa pang Limang Araw ng Ika-7 Linggo ay tungkol sa ating Internal
Organs. Pag-aaralan dito kong ano ang nasa loob ng ating katawan at ano-ano
ang kanilang gamit sa ating katawan.

II. Layunin

• Nasasabi ang gamit ng bawat bahagi ng katawan.


• Matamang nakikinig sa kuwento, tula o kanta.
• Nakagugupit at nakapagdidikit ng iba’t ibang hugis na may iba’t ibang
tekstura.

III. Talasalitaan

Para sa Magulang/Tagapagturo: Ipakita ang mga sumusunod na salita sa


bata. Basahin ang bawat salita at ipakita ang larawang katumbas nito.

puso baga tiyan

IV. Pre-Activity

Tuklasin Mo!

Alam mo ba kung ano ang nasa loob ng


nasa loobiyong
ng iyong
katawan?katawan?
· Ano kaya ang mahalagang ginagawa
•nina
Ano kaya baga
puso, ang mahalagang
at tiyan sagina-
loob ng ating
gawa nina puso, baga at tiyan sa
katawan?
loob ng ating katawan?

39
41
V. Mga Gawain sa Pagkatuto

Pagbasa ng Tula

Kagamitan:
• Mga larawan (gagamitin sa paghawan ng balakid)
• Kopya ng tula “Aking Kaibigan” na isinulat ni Baby Jean T. Palivino
• Link: https://www.youtube.com/watch?v=oZleMdLpVwA

Bago Magbasa
Paghawan ng Balakid
Paunawa sa Magulang/Tagapagturo: Ipakilala ang mga sumusunod na
salita sa bata. Basahin ang bawat salita at ipakita ang larawang katumbas
nito.

pagdaloy

malaya

nginuya

pagtunaw

lumulusog

Itanong ang mga sumusunod:

Pangganyak na Tanong
Mayroon ka bang mga kaibigan? Sino-sino ba sila?

Pagganyak na Tanong
Sino-sino ang ating mga kaibigan na nabanggit sa tula?

Habang Nagbabasa
Paunawa sa Magulang/Tagapagturo: Basahin ang tulang
“Aking Kaibigan”. Sa mga may gadyet maaring i-play ang video ng tula.
Link: https://www.youtube.com/watch?v=oZleMdLpVwA
42
40
Handa ka na bang makinig sa tulang aking
babasahin?
Meron akong mga kaibigan sa loob ng aking katawan

Aking Kaibigan
Isinulat ni: Baby Jean T. Palivino

Meron akong mga kaibigan sa loob ng aking katawan


Sina puso, baga, at tiyan ang kanilang pangalan
Lahat ay mahalaga, bawat isa ay kailangan
Lumulusog ako, dahil sa inyo kaibigan!

Sa pagdaloy ng dugo, ikaw puso ang bahala


Sa paghinga naman, si baga ang may gawa
Si tiyan sa pagtunaw ng pagkain na nginuya
Isa kayo sa dahilan kung ba’t ako ay malaya!

Pagkatapos Magbasa
Paunawa sa Magulang/Tagapagturo: Pagkatapos mapakinggan o
mapanood ng bata ang kuwento, itanong muli ang pagganyak na
tanong at iba pang katanungan tugkol dito.

Batay sa tulang napakinggan


sino-sino ang ating mga kaibigan na
nasa loob ng ating katawan?

• Ano ang ginagawa ni puso sa loob


ng iyong katawan?

• Ano naman ang ginagawa ni


baga?

• Ano ang tungkulin ni tiyan?

43
41
Alamin Mo!
Alamin Mo!

Natukoy
Natukoy momo
ba ba
angang
mgamga
ba-
bahagi
hagi ng katawan
ng katawan na
na nabanggit
sanabanggit
tula? sa tula?

• • Ano-ano angmga
Ano -ano ang mgaito?ito?

• • Ano anggamit
Ano ang gamit ng puso,
ng puso, bagabaga
at at
tiyan
tiyan sa sa ating
ating katawan?
katawan?

VI. Mga Pagsasanay

Gawin Mo!

Ipagawa sa bata ang mga sumusunod na pagsasanay.

42
44
Pagsasanay 1

Tingnan ang larawan. Ikabit mo ang mga salita sa tamang


larawan?

baga

puso tiyan

Magaling!
Tanggapin mo itong mga makikinang na bituin para sa
iyong mahusay na pagguhit.

Para sa Magulang/Tagapagturo: Kulayan ang sapat na bituin bilang gantimpala sa ginawa ng bata.

43
45
Pagsasanay 2

Ito ang mga bahagi na nasa loob ng ating katawan. Iguhit mo


ang mga nawawalng bahagi at kulayan ito.

Magaling!
Tanggapin mo itong mga makikinang na bituin para sa
iyong mahusay na pagguhit.

Para sa Magulang/Tagapagturo: Kulayan ang sapat na bituin bilang gantimpala sa ginawa ng bata.

44
46
Pagsasanay 3

Gupitin at idikit mo ang mga bahagi ng katawan.

Magaling! Tanggapin mo itong mga makikinang na


bituin para sa iyong mahusay na ginawa.

Para sa Magulang/Tagapagturo: Kulayan ang sapat na bituin bilang gantimpala sa ginawa ng bata.

45
47
VII. Wrap - Up

Isaisip Mo! Mahusay!!!


Laging tatandaan na may iba’t ibang bahagi ang nasa
loob ng ating katawan. Bawat bahagi ay may
mahalagang tungkulin na ginagampanan sa ating
katawan.

Puso - Tumitibok ang ating puso upang


matulungang dumaloy ang dugo sa ating
katawan.

Baga – Tinutulungan tayo upang makahinga


sapagkat dito pumupunta ang hangin na
pumapasok at lumalabas sa ating katawan.

Tiyan – Dito naiipon ang ating kinain upang


manatili tayong malusog at malakas.

Isapuso Mo!

Mahalin at pangalagaan ang


mga bahagi ng ating katawan.
Mag ehersisyo at kumain ng
wasto at masusustansyang
pagkain araw-araw. Iwasan
ang mga gawaing
makasasama sa mga ito.

Binabati kita!!

Nagawa mo ng mahusay sa loob ng limang araw ang mga gawain sa bawat


modyul. Panatilihin ang magandang nasimulan sa pag-aaral at ipagpatuloy ang
pagpupunyagi sa mga susunod pang linggo.

46
48
Day 1
References:
Kindergarten Teacher’s Guide, pp. 93-106
Contextualized Kindergarten Daily Lesson Plan - Week 7, pp.4-21
Standards and Competencies for Five-Year-Old Filipino Children,
s.2016
Mga Kasanayan Para sa Kahandaan sa Pagkatuto, Binagong Edisyon
2014, p.48
Most Essential Learning Competencies 2020—Kindergarten
Online Resources: (URLs)
https://www.youtube.com/watch?v=vZXZ0J3QJU4&t=2s

Day 2
References:
Kindergarten Teacher’s Guide, pp. 93-106
Standards and Competencies for Five—Year Old Filipino Children
Contextualized Kindergarten Daily Lesson Plan - Week 7, pp.22-38
Online Resources: (URLs)
https://www.youtube.com/watch?v=vZXZ0J3QJU4&t=2s

Day 3
References:
Kindergarten Teacher’s Guide, pp. 107-118
Contextualized Kindergarten Daily Lesson Plan - Week 8, pp.4-29 and 82-98
Standards and Competencies for Five-Year-Old Filipino Children, s.2016

Additional Instructional Material:


Maikling Kuwento: Si Lelong Ilong
Online Resources: (URLs)
https://www.youtube.com/watch?v=tskS_HkemZ0

Day 4
References:
Kindergarten Teacher’s Guide, pp. 79-92
Contextualized Kindergarten Daily Lesson Plan - Week 6 pp.6-42
Standards and Competencies for Five-Year-Old Filipino Children, s.2016
Online Resources: (URLs)
https://www.youtube.com/watch?v=H5S6E2kfi64

Day 5
References:
Kindergarten Teacher’s Guide, pp. 93-106
Contextualized Kindergarten Daily Lesson Plan - Week 6, pp.43-55
Standards and Competencies for Five-Year-Old Filipino Children, s.2016
Most Essential Learning Competencies 2020—Kindergarten
Online Resources: [URLs]
https://www.youtube.com/watch?v=oZleMdLpVwA

47
49
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 1781288

Email Address: region5@deped.gov.ph

50

You might also like