Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

MGA POKUS NG PANDIWA

(1) Pokus sa Tagaganap (Aktor). Ang pandiwa ay nasa pokus sa


tagaganap kapag ang paksa ng pangungusap ang tagaganap ng
kilos sa isinasaad sapandiwa.

Panlapi Pandiwa
mag- nagtayo
-um/-um-um Kumain, umani
Mang- Nanguha
Maka- nakakita

Nagtayo ang karpintero ng bahay.


Kumain siya ng mais
Nanguha siya ng mga bulaklak
Nakakita sila ng mga bulaklak
MGA POKUS NG PANDIWA

(2) Pokus sa Layon. Nasa pokus sa layon ang pandiwa kung ang layon
o ang paksa o binibigyang-diin sa pangungusap

Panlapi Pandiwa
i- Iluluto
-an Bantayan
Ipa- Ipatapon
in Diligin

Iluluto nila ang gulay.


Bantayan natin ang sinaing.
Ipinatapon niya ang basura.
Diligin ninyo ang mga halaman
MGA POKUS NG PANDIWA

(3) Pokus sa Ganapan. Nasa pokus sa ganapan ang pandiwa kung ay


ang lugar o ganapang kilos.

Panlapi Pandiwa
-an/-han Tinakpan/Pinintahan
Pag-…-an/-han Pinaglutuan/Pinagprituhan
Mapag-…-an/-han Napagtamnan/Napag-anihan
Pang-…-an/-han Pinangisdaan/Pinaglabhan

Tinakpan niya ang basurahan.


Pinaglutuan niya ang kaldero.
Napagtamnan nila ang batuhan.
Pinaglabhan naming ang batis.
MGA POKUS NG PANDIWA

(4) Pokus sa Tagatanggap. Sa pandiwang nasa pokus ng tagatanggap,


ang pinaglalaanan ng kilos ang isyang simuno ng pangungusap.

Panlapi Pandiwa
i- ikuha
Ipang- ipanahi-
Ipag- ipagluto

Ikuha natin si Pining ng inumin.


Ipanahi mo si Elvira ng damit.
Ipagluto ninyo ang nanay ng sopas.
MGA POKUS NG PANDIWA

(5) Pokus sa Gamit. Ang mga pandiwang may pokus sa gamit ay


nagsasaad na ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang
maisagawa ang kilos ng pandiwa ay siyang simuno ng
pangungusap.

Panlapi Pandiwa
Ipang- Ipampunas/ipamunas
Ipantali/ipaali
ipangguhit

Ipamunas mo ang basahan.


Ipantali mo ang leteng.
Ipangguhit mo ang lapis.
MGA POKUS NG PANDIWA

(5) Pokus sa Sanhi. Ang pandiwa ay nakapokus sa sanhi kung ang


paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos.

Panlapi Pandiwa
i- Iniluha
Ika- Ikinagalit
Ikapang- Ikinapamayat

Iniluha niya ang pag-alis mo.


Ikinagalit ni Rosa ang biro niya.
Ikinapamayat ko ang pagkakasakit.
MGA POKUS NG PANDIWA

(5) Pokus sa Direksyon. Nasa pokus direksyonal ang pandiwa kung


ang paksa ay nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa.

Panlapi Pandiwa
-an Pinasyalan
-han Pinuntahan

Pinasyalan nila ang bagong pamayanan.


Pinuntahan naming ang Katimugan.

You might also like