FILIPINO 11 Mahabang Pagsusulit

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Starland International School

Senior High School Department


Unang Mahabang Pagsusulit
Taunang Pasukan 2021-2022
FILIPINO 11

PANGALAN:_____________________________________ ANTAS: _____________


PETSA: ___________________________ LAGDA NG MAGULANG: ___________________
ISKOR: _____________

I – Isulat sa patlang ang wastong sagot na tinutukoy sa bawat bilang. (20 puntos)
____________ 1. Ito ay isang kakayahan kung saan nakikilala ng mambabasa ang nakasulat na
simbolo at nauunawaan ang kahulugan nito. Ang mga simbolong ito ay mga titik na bumubuo
ng iba’t ibang salita.
____________ 2. Kailangang alam ng mambabasa ang kahulugan ng mga salita sa
pamamagitan ng kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog upang masabing tunay niyang nakikilala
ang mga ito.
____________ 3. Sa kakayahang ito, nangangahulugan na nababasa at nauunawaan ng
mambabasa ang mga nakalimbag na tekstong binabasa kahit mahirap itong basahin. Kabilang
ang malawak na talasalitaan o bokabularyo sa kasanayan na dapat angkin ng mambabasa upang
maunawaan ang tekstong binasa.
____________ 4. Sakakayahang ito, kakikitaang bihasa na ang mambabasa dahil bukod sa
lubos niyang nakikilala ang mga salita, mayroon na rin siyang ganap na pang-unawa sa bawat
salita ng teksto.
____________ 5. Sa kakayayanh ito, naipakikita ng mambabasa ang kaalaman sa tamang
bigkas ng mga titik, at natutukoy niya kung paano bibigkasin ang salita na magbibigay sa kaniya
ng ideya kung ano ang ibig iparating ng mga salitang binasa at ang ibig sabihin nito.
____________ 6. Sa kakayahang ito, nakikilala ng mambabasa ang salita at natutukoy kung
paano ito bibigkasin.
____________ 7. Sa kakayahang ito, naipamamalas ng mambabasa ang pag-unawa,
pagkagiliw, at pagpapahalaga sa mga tradisyonal o makabagong babasahin na maiuugnay sa
mga napapanahong isyu.
____________ 8. Sa teoryang ito nagaganap ang proseso ng pagbabasa kapag sinusubukan ng
mambabasa na maunawaan ang wika na binabasa sa pamamagitan ng pagtingin ng kahulugan
ng salita o uri ng balarila ng isang payak nay unit ng teksto.
____________ 9. Sa teoryang ito nahihinuha ng mambabasa ang susunod na pangyayari gamit
ang kaligirang impormasyong alam na niya. Ibinabatay ng mambabasa ang proseso ng pang-
unawa sa kung ano ang kanilang narinig o nakita sa teksto.
____________ 10. Ayon sa teoryang ito, mas mainam na pagsamahin ang mga teoryang
bottom-up at top-down upang lubusang maunawaan ang isang akda.
____________ 11. Ang mga nakaimbak na impormasyong ito na nagtataglay ng ating mga
natutuhang ideya.
____________ 12. Ito ang pinakamadaling estilo ng pagbabasa at pinakamabilis na paraan ng
pagbabasa dahil nakatuon ang mambabasa sa pamagat o heading ng talata at simula lamang ng
pangungusap upang makuha ang pangunahing ideya ng teksto at ang pangkalahatang launin
nito.
____________ 13. Ito ay isang masusing pagtingin sa babasahing material. Ginagamit ang
pamamaraang ito kung may tiyak na impormasyon nan ais hanapin ang mambabasa, tulad ng
pagtingin ng salita sa diksiyonaryo o paghahanap ng minatamis o dessert sa isang menu.
____________ 14. Ginagawa ito kung ibig ng mambabasa na malaman kung ano ang kabuoan
ng isang babasahin. Angkop ito sa pagbasa ng mga artikulo sa magasin o maikling kuwento kung
saan tinitingnan ng mambabasa ang kabuoang anyo ng teksto.
____________ 15. Kapag nasa Filipino o Ingles ang isang babasahin, sinusuring Mabuti ng
mambabasa ang kaugnayan ng mga salita at talata upang mahanap ang kabuluhan ng mensahe.
____________ 16. Sa pagbabasang ito, binibigkas ang teksto o kuwentong binabasa sa paraang
masining at may damdamin. Dapat na malinaw at malakas ang boses ng nagbabasa.
____________ 17. Ginagamit ng mambabasa ang kaniyang mga mata sa pagbabasa. Habang
nagbabasa, makikita na ang mambabasa ay nakatutok sa tekstong binabasa upang ganap itong
maunawaan.
____________ 18. Nagbabasa ng iba’t ibang akda ang mambabasa bilang libangan at
pampalipas oras.
____________ 19. Dito masusing sinisiyasat ng mambabasa ang mga ideya at saloobin ng
teksto. Kaniyang pinag-iisipang mabuti kung wasto nga ba ang impormasyon.
____________ 20. Dito sumasailalim ang mambabasa sa iba’t ibang antas ng pagbabasa upang
kaniyang mahubog at mahasa ang mahahalagang kasanayan sa pagbasa.

II – Pagpapaliwanag. Sagutin ang sumusunod na mga tanong.


1. Sa iyong palagay, mahalaga pa rin ba ang pagbabasa gayong maaari namang makakuha
ng impormasyon sa pamamagitan ng panonood ng telebisyon o paggamit ng Internet?
(5 puntos)

2. Ano ang pumupukaw sa iyong interes upang basahin ang isang aklat? (5 puntos)

3. Bakit mahalaga ang kritikal na pagbasa? (5 puntos)

4. Paano matutukoy ang mabisang pamamaraan at estilo ng pagbasa? (5 puntos)

5. Ano-ano ang dapat tandan kapag nagbabasa? (5 puntos)

6. Ano-ano ang layunin ng pagbasa? (5 puntos)

7. Bakit sinasabing napakahalaga ng aklat sa buhay ng isang tao? Anong kabutihan ang
nagagawa nito sa pagkatao ng isang indibidwal? Magbigay ng mga tiyak na halimbawa.
(5 puntos)
8. Ano ang pagkakaiba ng tekstong akademik mula sa tekstong propesyonal at tekstong
expositori? (5 puntos)

You might also like