Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Starland International School

Senior High School Department Unang


Mahabang Pagsusulit
Taunang Pasukan 2021-2022
FILIPINO 11

PANGALAN: Ken Cañete ANTAS: GR11 ROCKWELL-A


PETSA: September 28, 2021 LAGDA NG MAGULANG: ___________________
ISKOR: _____________

I – Isulat sa patlang ang wastong sagot na tinutukoy sa bawat bilang. (20 puntos)
Pagbabasa 1. Ito ay isang kakayahan kung saan nakikilala ng mambabasa ang nakasulat na
simbolo at nauunawaan ang kahulugan nito. Ang mga simbolong ito ay mga titik na bumubuo
ng iba’t ibang salita.
Nakakikilala ng mga salita 2. Kailangang alam ng mambabasa ang kahulugan ng mga salita sa
pamamagitan ng kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog upang masabing tunay niyang nakikilala
ang mga ito.
Nakauunawa sa tekstong binabasa 3. Sa kakayahang ito, nangangahulugan na nababasa at
nauunawaan ng mambabasa ang mga nakalimbag na tekstong binabasa kahit mahirap itong
basahin. Kabilang ang malawak na talasalitaan o bokabularyo sa kasanayan na dapat angkin ng
mambabasa upang maunawaan ang tekstong binasa.
Nakauunawa sa bawat salita ng teksto at may katatasan dito 4. Sakakayahang ito, kakikitaang
bihasa na ang mambabasa dahil bukod sa lubos niyang nakikilala ang mga salita, mayroon na rin
siyang ganap na pang-unawa sa bawat salita ng teksto.
Nabibigkas nang wasto ang mga titik na bumubuo sa salita 5. Sa kakayayanh ito, naipakikita ng
mambabasa ang kaalaman sa tamang bigkas ng mga titik, at natutukoy niya kung paano
bibigkasin ang salita na magbibigay sa kaniya ng ideya kung ano ang ibig iparating ng mga
salitang binasa at ang ibig sabihin nito.
Nababatid ang kahulugan at gamit ng mga salita sa pangungusap o may kakayahang
bokabularyo 6. Sa kakayahang ito, nakikilala ng mambabasa ang salita at natutukoy kung
paano ito bibigkasin.
Nagpapakita ng pagpapahalaga sa panitikan 7. Sa kakayahang ito, naipamamalas ng
mambabasa ang pag-unawa, pagkagiliw, at pagpapahalaga sa mga tradisyonal o makabagong
babasahin na maiuugnay sa mga napapanahong isyu.
Teoryang Bottom-Up 8. Sa teoryang ito nagaganap ang proseso ng pagbabasa kapag
sinusubukan ng mambabasa na maunawaan ang wika na binabasa sa pamamagitan ng
pagtingin ng kahulugan ng salita o uri ng balarila ng isang payak nay unit ng teksto.
TEORYANG TOP-DOWN 9. Sa teoryang ito nahihinuha ng mambabasa ang susunod na
pangyayari gamit ang kaligirang impormasyong alam na niya. Ibinabatay ng mambabasa ang
proseso ng pangunawa sa kung ano ang kanilang narinig o nakita sa teksto.
TEORYANG INTERAKTIBO 10. Ayon sa teoryang ito, mas mainam na pagsamahin ang mga
teoryang bottom-up at top-down upang lubusang maunawaan ang isang akda.
Teoryang Iskema 11. Ang mga nakaimbak na impormasyong ito na nagtataglay ng ating mga
natutuhang ideya.
Masaklaw Na Pagbasa 12. Ito ang pinakamadaling estilo ng pagbabasa at pinakamabilis na
paraan ng pagbabasa dahil nakatuon ang mambabasa sa pamagat o heading ng talata at simula
lamang ng pangungusap upang makuha ang pangunahing ideya ng teksto at ang
pangkalahatang launin nito.
Masusing Pagbasa 13. Ito ay isang masusing pagtingin sa babasahing material. Ginagamit ang
pamamaraang ito kung may tiyak na impormasyon nan ais hanapin ang mambabasa, tulad ng
pagtingin ng salita sa diksiyonaryo o paghahanap ng minatamis o dessert sa isang menu.
Pagalugad Na Pagbasa 14. Ginagawa ito kung ibig ng mambabasa na malaman kung ano ang
kabuoan ng isang babasahin. Angkop ito sa pagbasa ng mga artikulo sa magasin o maikling
kuwento kung saan tinitingnan ng mambabasa ang kabuoang anyo ng teksto.
Mapanuring Pagbasa 15. Kapag nasa Filipino o Ingles ang isang babasahin, sinusuring Mabuti ng
mambabasa ang kaugnayan ng mga salita at talata upang mahanap ang kabuluhan ng mensahe.
Malakas Na Pagbasa 16. Sa pagbabasang ito, binibigkas ang teksto o kuwentong binabasa sa
paraang masining at may damdamin. Dapat na malinaw at malakas ang boses ng nagbabasa.
Tahimik Na Pagbasa 17. Ginagamit ng mambabasa ang kaniyang mga mata sa pagbabasa.
Habang nagbabasa, makikita na ang mambabasa ay nakatutok sa tekstong binabasa upang
ganap itong maunawaan.
Malawak Na Pagbasa 18. Nagbabasa ng iba’t ibang akda ang mambabasa bilang libangan at
pampalipas oras.
Kritikal Na Pagbasa 19. Dito masusing sinisiyasat ng mambabasa ang mga ideya at saloobin ng
teksto. Kaniyang pinag-iisipang mabuti kung wasto nga ba ang impormasyon.
Maunlad Na Pagbasa 20. Dito sumasailalim ang mambabasa sa iba’t ibang antas ng pagbabasa
upang kaniyang mahubog at mahasa ang mahahalagang kasanayan sa pagbasa.

II – Pagpapaliwanag. Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Sa iyong palagay, mahalaga pa rin ba ang pagbabasa gayong maaari namang makakuha
ng impormasyon sa pamamagitan ng panonood ng telebisyon o paggamit ng Internet?
(5 puntos)

Mahalaga parin ang pagbabasa dahil hindi lahat ng nakasulat sa Internet ay totoo o kaya
madami paring hindi nasasagot ng Internet. Mahalaga parin ang pagbabasa upang
malaman natin ang totoong nangyayari o mga ipinapaliwanag upang tayo ay
makasigurado.

2. Ano ang pumupukaw sa iyong interes upang basahin ang isang aklat? (5 puntos)

Ang pumupukaw saakin upang basahin ang isang aklat ay ang kung anong kwento nito
tinitignan ko ang buod sa likod ng aklat kung ito ba ay kina iinteresado ko o hindi.
Mahalaga din ang Disenyo ng isang aklat dahil kung maganda ang Disenyo ng isang aklat
ay maakit ang mga tao na basahin ito lalo na sa sarili ko.
3. Bakit mahalaga ang kritikal na pagbasa? (5 puntos) Mahalaga ang Kritikal Na Pagbasa
dahil ito ay nakakatulong sa atin upang mas maintindihan at maunawaan ng maigi ang
ating binabasa. Mahalaga ito dahil malalaman natin dito ang tunay na layunin ng
manunulat kung saan nya ito binabase at kung ano ang kinikwento nya. Importante ito
dahil sa panahon ngayon madami ang pekeng impormasyon sa totoong balita.

4. Paano matutukoy ang mabisang pamamaraan at estilo ng pagbasa? (5 puntos)

Kapag ang binabasa mo ay iniintindi mo at inuunawaan mo ang bawat salita na


ipinapahiwatig sa iyo ay dito mo matutukoy ang mabisang pamamaraan at estilo ng
pagbasa.

5. Ano-ano ang dapat tandan kapag nagbabasa? (5 puntos)

Ang kailangan tandaan kapag nag babasa ay ang tema, paksa, at mensahe ng akdang
binabasa upang ang pagbabasa natin ay magkaroon ng katuturan at maunawaan natin
ang mga binabasa natin.

6. Ano-ano ang layunin ng pagbasa? (5 puntos)

Ang layunin ng pagbabasa ay upang maiunlad natin ang ating bokabularyo o talasalitaan
at layunin nito na mapalawak ang ating imahinasyon At layunin nitong magbigay ng aral
tungkol sa buhay. Marami pang layunin ang pagbasa pero ang pinakamahalaga dito ay
marami tayong matututunan sa pagbabasa at maisasabuhay din natin ang binababasa
natin at magbigay impormasyon o aral sa ibang tao.

7. Bakit sinasabing napakahalaga ng aklat sa buhay ng isang tao? Anong kabutihan ang
nagagawa nito sa pagkatao ng isang indibidwal? Magbigay ng mga tiyak na halimbawa.
(5 puntos)

Mahalaga ang aklat sa buhay natin upang maunawaan natin ang sarili natin at may
matututunan tayo sa mundong ito at matututunan natin dito kung ano ang dapat gawin.
Ang ibang binabasa natin ay naisasabuhay natin at nalalaman natin kung ano ang Tama
at Mali. Kaya napakahalaga sa buhay natin ang pagbabasa dahil sa pagbabasa ay marami
tayong nauunawaan, naiintindihan at naisasabuhay.

8. Ano ang pagkakaiba ng tekstong akademik mula sa tekstong propesyonal at tekstong


expositori? (5 puntos)
Ang pagkakaiba ng tekstong akademik mula sa tekstong propesyonal at tekstong
expositori ay ang tekstong akademik ay bumabase sa isang paaralan at mayroong grado
ang kapalit nito ang kinaibahan ng Tekstong Akademik mula sa Tekstong Propesyonal at
Tekstong Expositori ay dito ay naisasagawa ang isang proyekto at mayroong karapatang
baguhin ang isang Teksto hanggat may pormal at ang Kinaibahan ng Tekstong Akademik
ay ang mambabasa nito ay ang guro at sa Propesyonal at Expositori naman ay ito ay
iyong Boss o ang katataas taasan sa isang kumpanya o sa kinatatrabahuan mo.

You might also like