Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Parallel Assessment para sa Filipino 10

Pangalan: _____________________________________________________ Seksyon: ______________


Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay kuwento tungkol sa diyos at diyosa..
A. dagli C. alamat
B. epiko D. mitolohiya
2. Katutubong panitikan sa Pilipinas na nagsasalaysay ng kabayanihan at supernatural na mga
pangyayari.
A. mito C. epiko
B. alamat D. mitolohiya
3. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at ng opinyon sa tiyak na paksa?
A. dula C. tula
B. maikling kuwento D. sanaysay
4. Tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng
katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng mga diyos at diyosa.
A. mitolohiya C. epiko
B. alamat D. korido
5. Ito ay tumutukoy sa maikling lagom o buod ng binasang akda.
A. aral C. salaysay
B. sinopsis D. analisis
6. Sinasalamin nito ang pamumuhay,kaugalian at paniniwala ng isang grupo o pangkat ng tao.
A. alamat C. komunikasyon
B. paniniwala D. kultura
7. Alin sa sumusunod ang hindi kaugnay sa pahayag ni Cupid na: “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung
walang tiwala.”
A. Walang pag-ibig kung walang tiwala.
B. Titibay ang pag-ibig kung may tiwala.
C. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkakatiwala.
D. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay.
8. Binibigyang-pansin sa panunuring pampanitikan ang kasaysayan at kapaligiran ng isang akda bilang
saksi ng kalagayan o katauhan ng isang indibidwal.
A. tagpuan C. tauhan
B. estilo ng pagkasulat D. lahat ng nabanggit
9. Isang maikling pagsusuring pampanitikang naglalahad ng sariling kuru-kuro o palagay na susulat tungkol
sa akda.
A. suring-basa C. proyekto
B. tesis D. paglalagom
10. Ito ay nagtataglay at nagpapaliwanag ng kaisipang umiiral, tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak
na sitwasyon.
A. pagsusuring pangnilalaman C.pagsusuring pangkaisipan
B. estilo ng pagkasulat D. lahat ng nabanggit
11. Ito ay isang mahabang uri ng piksiyon na madalas ay nakasulat nang tuluyan o prosa.
A. Pabula C. Tula
B. Parabula D. Nobela
12. Ang sumusunod ay mga elementong karaniwang matatagpuan sa mahusay na nobela, maliban sa
_________________.
A. isang kuwento o kasaysayan C. isang pag-aaral
B. para sa mga bata D. paggamit ng malikhaing guniguni
13. Ito ay binubuo ng mga linyang binibigkas ng mga tauhan sa nobela.
A. tagpuan C. tauhan
B. diyalogo D. damdamin
14. Elemento ng nobela na naglalahad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
A. diyalogo C. tagpuan
B. tauhan D. banghay
15. Elemento ng nobela na tumutukoy sa mga nagpapagalaw at nagbibigay buhay dito.
A. tauhan C. banghay
B. diyalogo D. damdamin
16. Hari ng mga diyos at diyosa at tagapagparusa sa mga sinungaling at hindi
marunong tumupad sa pangako.
A. Venus B. Medusa C. Jupiter D. Hades
17. Si Cupid ay diyos ng ___________
A. kadiliman B. pag-ibig C. impiyerno D. kaluluwa
18. Katutubong panitikan sa Pilipinas na nagsasalaysay ng kabayanihan
at supernatural na mga pangyayari.
A. mito B. alamat C. epiko D. mitolohiya
19. Tumawa si Bumabakker ng marinig ang suliranin ni Bugan. Ano ang pandiwa sa pangngusap?
A. Bugan B. suliranin C. Tumawa D. bumabakker
20. Anong suliranin ang kinakaharap ng mag-asawang Wigan at Bugan?
A. pag-aasawa B. magka-anak C. pera D. tiwala
21. Ito ang mga matutunan ng isang tao matapos mabasa ang kuwento.
A. aral B. tagpuan C. diyalogo D. tauhan
22. Ang mga pang-ugnay na at, at saka, pati, gayundin, bukod dito ay mga pang-ugnay na may layuning
___________.
A. pagdaragdag B. paghahambing C. pag-iiba D. pagwawakas
23. Siya ang kinikilalang pinakamahusay makisama sa kanilang lugar. _________karapat-dapat lamang
siya na mahalal bilang susunod na punong barangay. Ano ang angkop na pang-ugnay na dapat na gamitin
upang mabuo ang pangungusap?
A. tiyak B. dahil sa C. tuloy D. kung gayon
24. __________ nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtulug-tulugan. Alin ang tamang isulat na
ekspresiyon na nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iba ng paksa?
A. Sa kabilang dako B. Sa ganang akin C. Sa aking palagay D. Sa aking paniniwala
25. Ang epiko ng Gilgamesh ay isang epiko mula sa ____________na kinikilala bilang kauna-unahang
dakilang likha ng panitikan.
A. Pilipinas B. Rome, Italy C. Mesopotamia D. Egypt

You might also like