Mga Tauhan Sa El Filibusterismo MODULE

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Mga Tauhan sa El Filibusterismo

Isa sa mga kalakasan ng nobela ay ang pagkakaroon ng mga tauhang nagbibigay-buhay sa bawat bahagi ng
kabanata ng akda. Napakahusay ng pagkakahabi sa mga tauhan kaya’t naging labis na makatotohanan at halos
nararamdaman ang bawat paghinga, galaw, at presensya ng bawat isa.

*SIMOUN- Isang napakayamang mag-aalahas at kaibigng matalik at tagapayo ng Kapitan-Heneral.


Makapangyarihan siya kaya’t iginagalang at pinangingilagan ng mga Indio at maging ng mga prayle. Nais niyang
udyukan ang damdamin ng mga makabayang Pilipino sa palihim at tahimik niyang paghahasik ng rebolusyon;
linisin ang bayan; at lipulin ang lahat ng masasama kahit pa siya mismo ay inuusig ng kanyang konsensiya.

*Kapitan Heneral-Hinirang siya ng Espanya bilang pinakamataas na pinuno ng pamahalaan. Sinasabi niyang
kailangang pagbutihin ang kanyang tungkulin at gawain. Nais niyang magpakita ng kasipagan at pagpapahalaga
sa oras kaya ginagawa niya ang importanteng pagpapasiya at naglilibang at nagmamadali. Larawan ng
pinunong pabigla-bigla at makapritsong humatol. Hindi niya alintana ang kapakanan ng kanyang
pinamumunuan.

*Mataas na Kawani- Siya ay isang espanyol at mataas na kawani ng pamahalaan na kagalang-galang;


tumutupad sa tungkulin; may paninindigan; at may kapanagutan. Siya ay may mabuting kalooban para sa
kapakanan ng makabagong mag-aaral na nagsusulong ng pagtuturo ng wikang kastila. Lagi siyang salungat
kapag hindi pinag-iisipan at di mabuti o di masusing pinag-aralan ang panukala ng mga opisyal at kawani. Siya
ay mapanuri at makatarungan.

Padre Florentino-isang mabuti at kagalang-galang na paring Pilipino. Pinilit lamang siya ng inang maging lingkod
ng Diyos dahil sa panata. Siya ang kumupkop sa pamangking si Isagani ng maulila ito sa magulang.

Padre Bernardo Salvi-isang paring pransiskano na pinakikinggan at iginagalang ng iba pa niyang kasamahang
prayle. Siya ay mapag-isip. Umibig siya nang lubos kay Maria Clara at naging kompesor ng dalagang ito at ni
Kapitan Tiago.

Padre Hernando Sibyla-isang matikas at matalinong paring dominiko. Siya ang vice-rector ng Unibersidad ng
Santo Tomas. Salungat siya sa pagpasa ng panukala upang makapag-aral at matuto ng wikang Kastila ang mga
mag-aaral.

Padre Irene- isang paring Kanonigo na minamaliit at di gaanong iginagalang ni Padre Camorra. Siya ang
nilapitan ng mga mag-aaral upang mamagitan at maipasa ang panukalang magkaroon ng akademya sa
pagtuturo ng wikang Kastila ang mga estudyante. Naging tagaganap siya ng huling habilin ng kaibigan si
Kapitagan Tiago.

Padre Fernandez- isang paring Dominiko na bukas ang isip sa pagbabago lalo na sa edukasyon ng mga mag-
aaral. Sang-ayon siya sa adhikain ng mga makabagong mag-aaral sa pag-aaral ng wikang Kastila. Hindi siya
nalulugod sa tiwaling gawain ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan at ng mga kapwa niya prayle.

Padre Camorra- isang batang paring Pransiskano na mahilig makipag-tungayaw kay Ben Zayb sa kung ano-
anong bagay na maibigan. Siya ang kura ng Tiani. Wala siyang galang sa kababaihan lalo na sa magagandang
dilag.

Padre Millon- isang paring Dominiko na propesor sa Pisika at Kemika. Mabuti siyang pilosopo at bantog siya sa
husay sa pakikipagtalo subalit hindi niya lubusang maiparanas o maituro nang mahusay ang aralin sa mga mag-
aaral. Makikita sa kanya ang maling sistema ng edukasyon sa bansa.
Telesforo Juan de Dios- kilala rin bilang si Kabesang Tales, ang napakasipag na magsasaka na dating kasama sa
mayayamang lupain. Umunlad siya dahil sa husay niyang ginamit ang kinitang pera. Pinili siyang maging Kabesa
de Barangay ng kanyang mga kanayon dahil sa kanyang kasipagan at pagiging mabuting tao.

Juliana o Juli- ang pinakamagandang dalaga sa Tiani na anak ni Kabesang Tales. Larawan siya ng Pilipinang
madasalin, matiisin, masunurin at madiskarte sa buhay para makatulong sa pamilya. Tunay siyang mapagmahal
sa pamilya. Tapat sa katipang si Basilio.

Tata Selo- ang kumalinga sa batang si Basilio sa gubat nang tumakas siya mula sa mga guwardiya sibil sa Noli
Me Tangere. Siya ang maunawaing tatay ni Kabesang Tales. Mapagmahal na lolo siya nina Juli at Tano. Tiniis
niya ang matinding kasawian at pighati ng mga mahal niya sa buhay.

Tano/Carolino- anak ni Kabesang Tales at kusang- loob na sumusunod sa kagustuhan ng amang siya’y
magsundalo. Nawala nang matagal na panahon.

Basilio- nalampasan niya ang mga hilahil ng buhay dahil nagpaalipin siya kay Kapitan Tiago. Nagpunyagi siya sa
pag-aaral. Nilunok niya ang pangmamaliit sa kanya ng kapwa mag-aaral at ng mga guro dahil sa kanyang anyo
at kalagayan sa buhay. Nagtagumpay siya at nakapanggamot agad kahit hindi pa tanggap ang diploma ng
pagtatapos.

Isagani- isang malalim na makata. Mahusay siyang makipagtalo. Matapang siya sa pagpapahayag ng kanyang
pinaniniwalaan kaninuman. Matuwid siya at ayaw sa likong paraan sa pagkakamit ng adhikain. Pamangkin siya
ng butihing si Padre Florentino.

Makaraig- isang mag-aaral sa abogasya na nangunguna sa panawagang pagbubukas ng akademya sa wikang


Kastila. Siya ay masipag mag-aral, mahusay makipagtalo, mapitagan, nakalulugod na mag-aral at palabasa ng
iba’t ibang aklat kaya’t nangunguna sa pagbabago. Siya ay napakayaman at bukas-palad sa kapwa.

Placido Penitente-mahinahon at mapagtimpi ang kahulugan ng kanyang pangalan na pilit niyang pinaninidigan
kahit lubhang kinaiinisan din niya ang pangalang ito. Kapag siya ay napuno, parang bulkan siyang sumasabog at
walang kinatatakutan.

Pecson-mapanuring mag-aaral at masigasig siyang makipagtalo upang mailabas ang matalinong kaisipan at
kasagutan sa iba’t ibang usapin. Hindi siya kaagad naniniwala sa mga bali-balita lamang kaya tila lumalabas sa
iba na siya ay mapangambahin at laging nag-aalala.

Sandoval- isang tunay na Espanyol na lubos at kaisa sa adhikain ng mga estudyanteng Pilipino. Mahilig
makipagdebate ng kahit anong paksa upang siya ay mahangaan. Nais niyang mailabas ang katotohanan sa isang
usapin.

Juanito Pelaez-isang mayamang mag-aaral na tamad at lakwatsero. Laging inaabuso at tinatakot niya si Placido.
May kapansanang pisikal subalit hindi niya naipakitang sagabal ito sa kanyang pagkatao dahil nakakamit pa rin
niya ang kanyang mga gusto. Masugid na manliligaw ni Paulita na pinapaburan ng tiyahin nitong si Donya
Victorina.

Tadeo- siya ay mag-aaral na lubhang tamad at laging nagsasakit-sakitan tuwing makakikita ng propesor. Hangad
niya laging walang pasok sa paaralan para makapaglakwatsa. Siya ay may kahambugan; walang ambisyon sa
buhay; at malaswang magsalita. Nagdudunong-dunungan siya at nagyayabang sa mga walang –muwang na
nilalang.

Paulita Gomez- isang masayahin at napakagandang dalagang hinahangaan ng karamihan sa mga lalaki.
Pamangkin siya ni Donya VIctorina na katipan ni Isagani. Larawan siya ng dalagang laging maayos at maalaga sa
sarili.
Donya Victorina de Espadaña- larawan siya ng isang Pilipinong walang pagpapahalaga sa kanyang lahi.
Inaalimura, tinutuligsa, at itinatakwil ang mga Indiong kanyang kalipi.

Don Tiburcio de Espadaña- isang espanyol na asawa ni Donya Victorina na nagtago at nagpasiyang di na muling
pakita sa asawa dahil sa kapritso nito. Siya ang larawan ng mga lalaking walang buto, sunod-sunuran at, takot
sa asawa.

Kapitan Tiago- dating kaibigan ng mga prayle subalit sumama ang loob sa mga ito. Nawalan ng kahulugan ang
kanyang buhay ng pumasok si Maria Clara sa monasteryo. Nalulong siya sa sabong at paghithit ng apyan
(opium). Nawala siya sa katinuan. Siya ang naging kasangkapan sa pagbabagong-buhay ni Basilio.

Maria Clara- ang tanging babaeng iniibig ni Ibarra sa kanyang buhay. Isa siya sa mga dahilan ng pagbabalik ni
Ibarra sa katauhan ni Simoun sa Pilipinas. Nais siyang itakas ni Simoun mula sa monasteryo.

Kapitan Basilio- isang mayamang mamamayan ng San Diego. Siya ang ama ni Sinang at asawa ni Kapitana Tika.
Galante sa mga pinuno at kawani ng pamahalaan at sa mga prayle upang maiwasan ang problema o kagipitan
sa mga pabor na kanyang kakailanganin.

Don Custodio de Salazar y Sanchez Monteredondo- nakapag-asawa ng maganda at mayamang mestiza.


Umangat ang kanyang posisyon hanggang naging opisyal na tagapayo ng kapitan heneral dahil sa likas niyang
talino. Ang mga salitang masipag, mapanuri, matalino, palaisip ay ilan lamang sa mahuhusay na bansag sa
kanya dahil sa mabuting panulat ni Ben Zayb.

Ben Zayb- ang mamahayag na malayang mag-isip, at minsan ay kakatwa ang paksang nais niyang isult
magkaroon lamang ng ilalathala. Mababa ang pagtingin niya kay Padre Camorra. Siya ang utak sa lumalabas na
magaganda at mabubuting balita tungkol sa Kapitan Heneral at sa iba pang matataas na opisyal upang
mapalapit siya sa mga ito.

Ginoong Pasta- naging alila siya ng mga prayle habang nag-aaral bago siya naging pinakatanyag na abogadong
Pilipino. Dati siyang kaklase ni Padre Florentino. Mapanuri at namimili siya ng kausap. Takot siyang mamagitan
para sa kaunlaran ng mga mag-aaral at tila walang malasakit sa kanilang iniisip na kabutihan.

Pepay- isang kaakit- akit na mananayaw. Siya ay maputi at kaiba ang kulay sa karaniwang Pilipina. Mahilig
siyang humingi ng mga pabor kay Don Custodio na nahihibang sa kanyang alindog. Kaibigan din siya ni Juanito
Pelaez.

Hermana Bali- isang batikang pangginggera. Siya ang nangunguna sa pagbibigay-payo sa mga suliranin sa
kanilang baryo. Siya ang nagpayo kay huli na magpaalipin nang kapusin sa pananalapi ang amang si Tales. Siya
rin ang nagbalita kay juli sa pagkakakulong ni Basilio.

Hermana Penchang- isang masimbahing manang. Naging amo ni juli. Mapanghusga siya sa mga taong
sawimpalad-pinarurusahan daw ng Diyos ang may mga suliranin dahil makasalanan. Takot siya sa mga prayle
kaya ayaw tumulong sa inaakala niyang kalaban ng mga ito.

Kapitana Tika- asawa ni kapitan Basilio at ina ni Sinang. Ayaw niyang magpahalatang nagugustuhan nilang mag-
ina ang magaganda at mamahaling alahas upang hindi raw taasan ni Simoun ang presyo ng kanilang mga ibig na
alahas.

Sinang- ang isa sa matalik na kaibigan ni Maria Clara sa Noli Me Tangere. Siya ay nakapag-asawa na sa nobelang
ito. Mabiro at masayahin pa rin. Siya ay anak ng mayamang si Kapitan Basilio at ni Kapitan Tika. Mahilig siya sa
antigo, mamahalin, at magagandang alahas.
Kabesang Andang- butihing ina ni Placido. Kahit balo na, matiyaga niyang pinag-aral ang anak. Naghigpit siya ng
sinturon para sa sarili mabigyan lamang ng edukasyon ang anak. Siya ay larawan ng ulirang magulang dahil
sinisiguro niyang matutugunan ang mga pangangailangan ng anak.

Quiroga- isang mayamang mangangalakal intsik. Halos kontrolado niya ang takbo ng kalakalan. Iniaangkop niya
ang kanyang ugali depende sa kanyang kaharap. Isinusulong ni Quiroga ang pagkakaroon ng kosulado ng mga
intsik sa bansa.

Don Timoteo Pelaez- siya ay ama ni Juanito. Larawan siya ng mapandustang mangangalakal. Siya ang nakabili
ng tahanan ni Kapitan Tiago sa murang halaga. Naging kasosyo siya sa negosyo ni Simoun.

Mr. Leeds- mahusay sa mahika. Napaniwala niya ang manonood at nakapag-usig sa budhi ni Padre Salvi sa
kanyang palabas.

Kapitan ng Barko- isang beteranong mariner ang kapitan ng barko. Siya ay may malawak na karanasan sa
paglalakbay sa iba’t ibang panig ng mundo lulan ng matulin at malalaking barko noong kabataan.

Sinong- ang kutserong dalawang ulit na nahuli ng guardiya sibil bago mag-noche Buena dahil sa wala siyang
dalang sedula at wala ring ilaw ang kanyang kalesa. Naging kutsero siya ni simoun sa huli at naging kasapi sa
lihim niyang kilusan.

Camaroncocido- ang tanging nilalang na walang pakialam sa pinagkakaguluhan ng lahat sa siyudad operetta
mula sa Pransiya. Dati siyang mamamahayag at anak ng kilalang pamilyang espanyol pero sa kadahilanang hindi
nabanggit sa nobela ay namumuhay nang maralita at namamalimos.

Tiyo Kiko- isang matandang pandak na buhay na buhay ang mga mata. Nabubuhay sa pagbabalita ng mga
palabas at pagpapaskil ng mga anunsiyo. Kaibigan siya ni Camaroncocido. Isa siyang mahirap na Indio.

Iba pang mga Tauhan

Maestro- ang guro sa Tiani na naging mahusay sa paggawa ng paputok.

Kalihim- ang tagatala at tagapagpaliwanag ng mahahalagang usapin sa Kapitan Heneral upang mapag-usapan,
maipasa o maibasura.

Mr. Jouy- ang nagdala ng pangkat ng mang-aawit na pranses para sa isang opera sa Maynila.

Hukom Pamayapa- mabalasik, magaspang ang ugali, may pagnanasang tumingin sa babae, hiningan ng tulong
ni Hermana Bali at Juli upang mapalaya si Basilio.

Kababayan ni Tadeo- baguhan sa lungsod, mausisa, walang muwang sa maraming bagay, mapaniwalain, at
madaling mabola. Hilig pagyabangan ni Tadeo.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 10, Aklat 2: El Filibusterismo, Marasigan, Emily V., 2016

You might also like