Professional Documents
Culture Documents
Second Quarter Summative Test
Second Quarter Summative Test
Department of Education
REGION VII – CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY
CANDUMAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Araling Panlipunan 10
Summative Test sa Ikalawang Markahan
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto a
iba’t ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig.
A. Kontemporaryo B. Pagbabago C. Globalisasyon D. Rennaisance
2. Ang mga sumusunod ay limang perspektibo o pananaw tungkol a globalisasyon, maliban sa:
A. Paniniwalang ang globalisayon ay taal o nakaugat sa bawat isa
B. Ang globalisasyon ay paniniwalang may sampung wave o epoch o panahon na siyang
binigyang-diin ni Therborn (2005)
C. Ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago
D. Ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayari na naganap sa
kasaysayan
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga posibleng pinaguugatan ng globalisasyon?
A. Paglaganap ng Protestantismo
B. Kalakalan sa Mediterranean
C. Pananakop ng mga Kristiyano bago man mapanganak si Kristo
D. Paglalakbay ng mga Vikings mula Europe patungong Iceland
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa tatlo sa mga pagbabagong naganap sa panahong
sinasabing may tuwirang kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon?
A. Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War
B. Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang ikalawang digmaang
pandaigdig
C. Paglitaw ng mga multinational at transnational corporations
D. Pagkapanalo ng Union Soviet at pagtatapos ng Cold War
5. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?
A. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial” na
institusyon na matagal ng naitatag
B. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspekto
C. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan
D. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mga
malalaking industriya
6. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
A. Paggawa B. Migrasyon C. Ekonomiya D. Globalisasyon
7. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?
A. Proseso ng pagdaloy o paggala ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang
direksyon na nararasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
B. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng pamumuhay ng
mga mamamayan sa buong mundo
C. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo
D. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at ekonomikal ng mga bansa sa
mundo
8. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?
A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa
B. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon
ang mga bansa
C. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng
kapinsalaan
D. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig
18. Anong anyo ng globalisasyon kung saan nakatuon sa paggamit ng cellphone at computer na
nakabubuo ng mga bagong ideyang kultural na mabilis namang naipalalaganap sa iba’t ibang panig
ng mundo?
A. Globalisasyong ekonomiko
B. Globalisasyong teknolohikal at sosyo-kultural
C. Globalisasyong politikal
D. Globalisasyong Sikolohikal
19. Ano ang tawag sa mga malalaking kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang
bansa. Ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangang local?
A. transnational companies C. IMF-WB
B. Outsourcing D. multinational companies
20. Ano ang pangkalahatang katawagan na tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa
ibang bansa ngunit ang mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa
pangangailangang lokal ng pamilihan?
A. transnational companies C. IMF-WB
B. Outsourcing D. multinational companies
21.. Sa anong anyo ng globalisasyon umiinog sa kalakalan ng mga produkto at serbisyo?
A. Globalisasyong ekonomiko
B. Globalisasyong teknolohikal at sosyo-kultural
C. Globalisasyong politikal
D. Globalisasyong Sikolohikal
22. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
A. Paggawa C. Ekonomiya
B. Migrasyon D. Globalisasyon
23. Anong anyo ng globalisayon na napapabilis ang ugnayan sa pagitan ng mga bansa, samahang
rehiyunal at maging ng pandaigdigang organisasyon na kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan?
A. Globalisasyong ekonomiko
B. Globalisasyong teknolohikal at sosyo-kultural
C. Globalisasyong politikal
D. Globalisasyong Sikolohikal
24. Maaaring uriin ang outsourcing sa mga sumusunod maliban sa:
A. Nearshoring B. Offshoring C. Onshoring D. Inshoring
25. Ano ang tawag sa proseso ng pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang
kompanya na may kaukulang bayad?
A. Nearshoring B. Offshoring C. Onshoring D. Outsourcing
26. Anong uri ng outsourcing na tinatawag na “domestic outsourcing” na nangangahulugan ng
pagkuha ng serbisyo sa isang kompanyang mula din sa loob ng bansa na nagbubunga ng higit na
mababang gastusin sa operasyon?
A. Onshoring B. Outsourcing C. Nearshoring D. Offshoring
27. Ang mga sumusunod ay ang ilang solusyon sa pagharap ng hamon ng globalisasyon na
isinasakatuparan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig maliban sa:
A. Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade) C. Pagpapatupad ng mura at flexible labor
B. Pagtulong sa ‘Bottom Billion D. Guarded Globalization
28. Maaaring uriin ang outsourcing sa mga sumusunod maliban sa:
A. Nearshoring B. Offshoring C. Onshoring D. Inshoring
29. Tumutukoy sa mga gawain ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin
ang mga lokal na namumuhunan at bigyang proteksiyon ang mga ito upang makasabay sa
kompetisyon laban sa malalaking dayuhang negosyante.
A. Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade) C. Pagpapatupad ng mura at flexible labor
B. Pagtulong sa ‘Bottom Billion D. Guarded Globalization
30. Ito ay isa sa mga solusyon ng pamahalaan na binigyang-diin ni Paul Collier (2007) na kung
mayroon mang dapat bigyang-pansin sa suliraning pangekonomiyang kinahaharap ang daigdig, ito ay
ang mga pinakamahihirap mula sa mga bansa sa Asya lalo’t higit sa Africa.
A. Bologna Accord C. Pagtulong sa Bottom Billion
B. Fair Trade D. Free Trade
31. Sa sektor na ito nagmula ang mga hilaw na materyales na kakailanganin upang makagawa ng
produkto.
A. Sektor ng Ekonomiya C. Sektor ng Serbisyo
B. Sektor ng Agrikultura D. Sektor ng Industriya
32. Ang paggamit ng kompyuter, internet at cellphone ay lalong nagpabilis sa takbo ng mga kalakalan,
aling aspekto ng ating pamumuhay makikita ang globalisasyon?
A. Ekonomiya B. Komunikasyon C. kultura D. Pulitika
33. Ang sektor na ito ang nagproseso ng mga hilaw na materyales upang makagawa ng produkto.
A. Sektor ng Ekonomiya C. Sektor ng Serbisyo
B. Sektor ng Agrikultura D. Sektor ng Industriya
34. Ito ang isa sa mga dahilan ng paghihirap ng buhay sa ating mga lokal na magsasaka.
A. walang pananim C. walang katulong sa sakahan
B. hindi nakatapos ng pag-aaral D. natural na kalamidad
35. Ito ang mga problemang kinakaharap ng ating mga ordinaryong manggagawa.
A. walang masakyan C. masungit ang may-ari
B. grabeng trafik D. maliit na pasahod
36. Sila ang mga manggagawa na nangangailangan pa ng karagdagang oras sa pagtatrabaho o
dagdag pang hanapbuhay o bagong hanapbuhay na may mahabang oras na pagtrabaho.
A. unemployed B .kontraktuwal C.OJT D. underemployed
37. Saklaw ng sektor na ito ang sektor ng pananalapi, insurance, transportasyon, BPOs, kalakalang
pakyawan at pagtitingi.
A. Sektor ng Industriya C. Sektor ng Agrikultura
B. Sektor ng Serbisyo D. Business Sector
38. Isa sa mga suliranin ng sektor na ito ay ang kawalan ng sapat na seguridad para sa mga
manggagawa tulad ng sa minahan, konstruksiyon at mga planta kung saan may mga
manggagawa na naaksidente at nasawi.
A. Sektor ng Industriya C.Sektor ng Agrikultura
B. Sektor ng Serbisyo D. Business Sector
39. Ang ______ay ang isa sa mga yaman ng isang bansa na tumutugon sa pagbuo, paggawa at
pagbibigay ng produkto o serbisyo sa bansa o sa mga bansang nangangailangan ng empleyo.
A. Yamang-dagat B.Yamang-gubat C. Yamang-tubig D. Yamang-lupa
40. Ito ay sakop sa sektor ng serbisyo na nangangasiwa sa pagbibigay/ pagtuturo ng kaalaman sa
mga kabataang Pilipino.
A. Edukasyon B. Pangkalusugan C. BPOs D. Online Job
41. Ang pandemya na nararanasan ngayon na nagdudulot ng malaking purwesiyo sa usaping
paggawa sa bansa.
A. SARs B. Dengue C. Polio D. Covid-19
42. Ang mga kontraktuwal na empleyado ay mayroon lamang ________ kontrata na pinirmahan.
A. lima hanggang anim na buwan C. depende sa performance
B. isang taon D. hanggat gusto nilang magtrabaho
43. Ito ang programang inilunsad ng administrasyong Duterte upang mapausbong ang ekonomiya
ng bansa.
A. Tokhang C. Build, Build Build Program
B. Bayanihan to Heal as One D. Angat Kabuhayan Program
44. Ang ahensya ng pamahalaan na nangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawang Pilipino.
a. DOH B. DOLE C. DTI D. DSWD
45. Isinusulong ng administrasyong Duterte na makilala ang Pilipinas sa panahong ito bilang
____________.