Pagsasanay Na Pasulit Sa Araling Panlipunan 7 (Module 5,6 & 7)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PAGSASANAY NA PASULIT SA ARALING PANLIPUNAN 7(MODULES 5, 6 & 8)

Argao National High School


Canbanua, Argao, Cebu
S.Y. 2021-2022

Pangalan:_____________________________ Seksyon:_________________ Petsa:_______________


Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
_____1. Anong bansa sa Asya ang may malubhang problema ng salinization?
A. Pilipinas B. Japan C. Bangladesh D. Malaysia
_____2. Alin sa sumusunod ang nagiging dahilan sa pagkasira ng lupa?
A. Ang pagkatuyo ng mga lupa C. Pagrami ng punong kahoy
B. Paggulo ng lupa D. Pagtaba ng lupa
_____3. Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng lupa sa buhay ng tao?
A. Dahil ang mga produktong galling sa lupa ang bumubuhay sa tao upang matugunan ang kanilang
pangangailangan
B. Dahil kailangan ng tao ang lupa upang matustusan ang kanilang mga sariling hangarin
C. Dahil sa mga pangangailangan na dapat matugunan
D. Dahil kailangan upang mabuhay ang tao ayon sa kanilang interes sa buhay
_____4. Ano ang matinding suliranin ang kakaharapin kapag patuloy ang pagkasira ng lupa?
A. Maaaring magdulot ng kakulangan sa pagkain at panganib sa kalusugan
B. Maaaring magdulot ng kakulangan sa pangangailangan
C. Maaaring magdulot ng kawalan ng hanap-buhay sa mga mamamayan.
D. Pagkakaroon ng di inaasahang sakuna.
_____5. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga suliraning kinakaharap ng Asya?
A. Pagkasira ng lupa C. Urbanisasyon
B. Pagkawala ng biodiversity D. Pangangalaga sa likas na yaman
_____6. Alin sa sumusunod ang dahilan sa pagkawala ng biodiversity ng Asya?
A. Patuloy na pagtaas ng populasyon
B. Walang habas na pagkuha at paggamit ng mga likas na yaman
C. Pag-aabuso sa lupa at pagkakalbo ng kagubatan
D. Lahat ng nabanggit
____7. Anong kontinente ang itinuturing na isa sa may pinakamayamang biodiversity sa buong mundo?
A. Europe B. Asya C. Africa D. Antarctica
____8. Alin sa sumusunod na bansa sa asya ang nangunguna pagdating sa deforestation?
A. China, Bangladesh, Pilipinas at Pakistan C. Pilipinas, Japan, Bangladesg at Pakistan
B. Bangladesh, Indonesia, Pakistan at Pilipinas D. Malaysia, Pilipinas, Pakistan at Indonesia
____9. Bilang isang kabataan, ano ang maaaring mong gawain upang masolusyonan ang mga suliraning pangkapaligiran
na kinakaharap ng ating bansa?
A. Hikayatin ang mga mamamayan na pangalagaan ang ating likas na yaman at maging aktibo sa mga programa na
sinasagawa ng pamahalaan para sa pangangalaga sa likas na yaman.
B. Makikipagtulungan sa mga iligal na gawain
C. Patuloy na pagputol sa mga punongkahoy.
D. Patuloy na pagtapon ng basura sa dagat at ilog.
____10. .Ang komersiyal na pagtotroso, pagkakaingin, pagpuputol ng punong kahoy at pagkasunog ng gubat ay isa sa mga
dahilan sa pagkasira ng kagubatan. Ano ang nagiging dahilan ng mga mamamayan upang magawa ang ganitong gawain?
A. Dahil sa sariling interes C. Dahil na rin sa kahirapan at kawalan ng trabaho ng mga
mamamayan.
B. Dahil sa mataas na halaga ang kapalit D. Dahil na rin sa panghihikayat ng iba at Malaki ang kita.
____11. Ang patuloy na pagtaas ng populasyon ang isa sa mga problemang kinakaharap ng bawat bansa sa Asya, ano ang
maaring maging solusyon sa nasabing pahagay?
A. Kailangan na mabigay ng kaalaman ang mga mamamayan sa patuloy na pagtaas ng populasyon.
B. Magsagawa ng mga hakbang o programa upang makonrol ang patuloy na pagtaas ng populasyon.
C. Kailangan magtulungan ang mga mamamayan
D. Kailangan maging aktibo sa mga gawain na ibinibigay ng pamahalaan
____12. Paano maiiwasan ang problemang kinakaharap ng urbanisasyon sa bawat bansa sa Asya?
A. Pagpapaalis sa mga tao sa mga lungsod
B. Pagsasagawa ng mga programa para sa mga mamamayan upang mabigyan ng kabuhayan upang malutas ang
kahirap.
C. Paghikayat sa mga tao na lumipat sa ibang lugar upang umalis sa mga lungsod.
D. Patuloy na pagtaas ng populasyon.
____13. Malaki ang epekto ng paglaki ng populasyon sa ating likas na yaman sapagkat maraming mamamayan ang
nangangailangan ng mga hilaw na materyales lalo’t higit sa mga bansang mauunlad at bansang papaunlad pa lamang.
Kung ating susuriing mabuti, ano ang magiging implikasyon nito sa ating likas na yaman ng Asya pagdating ng panahon?
A. Ang likas na yaman ng Asya ay mauubos o mawawala.
B. Mapreserba ang mga yamang likas ng Asya.
C. Aangkat ang mga bansa sa Asya sa ibang mga kontinente.
D. Higit na madadagdagan ang likas na yaman ng Asya.
____14. Malaki ang bahaging ginagampanan ng likas na yaman sa pamumuhay ng mga tao. Mas higit na napaunlad ng tao
ang antas ng pamumuhay at natutugunan ang pangunahing pangangailangan. Kung kayo ang mag-iisip ng pamamaraan,
ano ang iyong gagawin upang higit na mapakinabangan ang likas na yaman at makatulong sa pag-unlad ng ating bansa.
A. Gagamitin ng wasto ang mga likas na yaman upang makatugon sa pangangailangan ng tao.
B. Hindi makikialam sa mga usapin sa likas na yaman dahil ito ay usapin ng Pamahalaan.
C. Kinakailangang iluwas ang mga produkto sa ibang bansa upang higit na pakinabangan ng mamamayan.
D. Hindi na gagamitin ang mga likas na yaman upang higit na mapagyaman.
____15. Sa larangan ng Agrikultura higit na nakadepende ang tao sapagkat dito nagmumula ang ating pangunahing
pangangailangan at maging ang mga produktong panluwas. Ano ang mabubuo mong konklusyon ukol sa pahayag na ito?
A. Ang larangan ng agrikultura ang tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao.
B. Ang mga Asyano ay nakikipagkalakalan sa ibang bansa bunga ng kakulangan sa produksiyon.
C. Nangangailangan ang mga Asyano ng makabagong teknolohiya upang mapaunlad ang Agrikultura.
D. Nagiging kulang ang produksiyon sa agrikultura bunga ng pangaabuso ng tao.
____16. Sa mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan ng tao sa kasalukuyan na nakakaapekto sa pamumuhay ng mga
mamamayan. Sa iyong palagay, alin ang pinakaepektibong pagtugon ng tao upang mapanatili ang balanseng ekolohikal sa
ating daigdig?
A. Paghahanap ng pabrikang mapapasukan na hindi nagbubuga ng matinding usok.
B. Pakikilahoksa mga proyektong nagsusulong sa pagsagip sa lumalalang kalagayang ekolohikal.
C. Pananatili sa loob ng tahanan upang makaiwas sa maaaring maidulot ng mga usok ng sasakyan.
D. Manirahan sa mga lugar na hindi gaanong apektado ng anumang suliraning pangkapaligiran.
____17. Kamakailan lamang ay ipinasara ni Pangulong Duterte ang Boracay upang muling maibalik ang ganda at linis nito,
gayundin ang pagpapalinis sa mga ilog sa Kamaynilaan tulad ng Manila Bay, Ilog Pasig at marami pang iba. Sa iyong
palagay, bakit mahalaga ang naging hakbang na ito ng Pangulo ng Pilipinas?
A. Ito ay mahalaga sapagkat nagpapakita ng pagmamalasakit ng Pangulo sa pangangalaga ng kalikasan.
B. Ito ay nagpapakita ng katapangan ng Pangulo na maisakatuparan ang kanyang mga plano sa pagpapanumbalik
ng ganda ng Pilipinas.
C. Ito ay mahalaga sapagkat muling mapapanumbalik ang kalinisan at kagandahan ng mga anyong tubig natin na
nakatutulong sa pagpapababa turismo ng bansa.
D. Ito ay mahalaga sapagkat nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagkakaroon ng timbang na ekolohikal ng bansang
Pilipinas.
____18. Ang paglaki ng populasyon ay may malaking implikasyon sa ating likas na pinagkukunan. Paano naging
magkaugnay ang tao at ang likas na pinagkukunan?
A. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan.
B. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan para lamang sa pansariling pag-unlad.
C. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang mapakinabangan ng lubos.
D. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan upang mabuhay ng matiwasay at mapaunlad ang
pamumuhay.
____19. Ang tao ay itinuturing na yaman ng isang bansa. Bilang isang kabataaan, paano mo maipakikita na ikaw ay yaman
ng bansa?
A. Pagsusumikap na makapagtapos ng pag-aaral at maging produktibong mamamayan.
B. Pagsali sa mga rally upang maiparinig ang tinig ng kabataan.
C. Pakikibahagi sa mga gawain na magbibigay ng pansariling kasiyahan.
D. Sisikaping maragdagan ang kaalaman upang magamit sa pansariling kapakanan.
____20. Ang yamang tao ay katuwang sa pagpapa-unlad ng isang bansa at maituturing na kayamanan. Sa iyong palagay,
bakit itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa ang tao?
A. Dahil ang tao ang nangangalaga sa kaniyang kapaligiran ngunit inaabuso naman kalaunan.
B. Dahil ang tao ang lumilikha ng mga produkto para sa kanyang sariling interes at kasiyahan.
C. Dahil ang tao ay may kakayahang kilalanin ang pangangailangan ng iba ngunit walang sapat na kaalaman upang
tugunan ito.
D. Dahil ang tao ang nangangalaga at lumilinang ng likas na yaman para sa kapakinabangan ng lahat.
____21. Ang paglaki ng populasyon ay isa sa suliraning kinakaharap ng ilang bansa sa Daigdig. Alin sa sumusunod na bansa
ang may pinakamalaking populasyon sa daigdig?
A. India B. Indonesia C. China D. Pakistan
____22. Ang paglaki ng bilang ng populasyon sa Pilipinas ay pinangangambahan na magdulot ng ibayong problema sa
bansa. Ano ang magiging epekto ng patuloy na pagtaas ng populasyon sa ating bansa?
A. Mas dadami ang manggagawang Pilipino.
B. Mas lalala ang kahirapan at neagtibong epekto sa kalikasan.
C. Tataas ang antas ng pag-unlad ng mga tao.
D. Hindi na mahihirapan ang mga tao sa paghahanap ng trabaho.
____23. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagpapataas sa antas ng karunungan sa pagbasa at pagsulat sa
iyong bansang kinabibilangan?
A. Maghahanap ako ng mga taong maaaring makatulong sa kanila.
B. Ibabahagi ko ang aking kaalaman sa pagbasa at pagsulat sa mga kabataang hindi nakapag-aral.
C. Ibibigay ko ang kanilang pangangailangan upang makatulong sa kanilang pag-aaral.
D. Isusulong ko ang mga proyekto ng paaralan upang makatulong sa mga batang walang kakayahang makapag-
aral.
____24. Kung ang populasyon ng isang bansa ay binubuo ng mga bata at matandang poupulasyon, ano ang nakikita nating
implikasyon sa usaping pangekonomiya ng isang bansa?
A. Magkakaroon ng maraming lakas-paggawa.
B. Magkakaroon ng kakulangan sa lakas-paggawa,
C. Mas marami ang dapat na bigyan ng atensiyon ng pamahalaan sa aspetong medikal.
D. Mas maraming mamamayan ang dapat mangibang bansa.
____25. Ayon sa Population Commission o PopCom, patuloy ang paglobo ng populasyon ng Pilipinas. Ano sa palagay ninyo
ang kahihinantnan ng tao at ng ating bansa kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon?
A. Mas magiging produktibo ang mga tao at tataas ang produksiyon ng bansa.
B. Magiging maayos ang takbo ng ekonomiya ng bansa dshil ss pangingibang bansa ng mga OFW.
C. Mas tataas ang bilang ng populasyon at kakambal nito ang pagkukulang sa pinagkukunang yaman ng
pangangailangan ng tao.
D. Magkakaroon ng mas maraming oportunidad at hindi na maghihirap ang tao.
____26. Isa sa mga nararanasang matinding suliranin ng daigdig natin sa kasalukuyan ay ang suliranin sa basura na siya
ring problemang pinapasan ng ating paaralan. Sa iyong palagay, sa mga naging pagtugon ng paaralan, alin ang epektibo
upang mabawasan ang mga basura?
A. Pagkakaroon ng oplan linis sa loob ng Paaralan. C. Pagsasagawa ng recycling sa mga basura.
B. Mahigpit na pagpapatupad ng zero plastic policy. D. Pagkakaroon ng mga Materials Recovery Facility
(MRF).
____27. Ang Indonesia ay isang bansa na nagsisikap na makontrol ang paglaki ng kanilang populasyon sa kanilang
programang Quality Family 2015 subalit maraming naging balakid upang maisakatuparan ang kanilang layunin. Alin sa
sumusunod ang mga naging balakid sa pagpapatupad ng kanilang programa?
I. Ang pagkakaroon ng mga lokal na tradisyon at kultura.
II. Ang pagiging Islamiko ng karamihang mamamayan.
III. Kakulangan ng panahon upang maipatupad ang programa.
IV. Ang pagtanggap at kaugalian ng mamamayan sa kanilang bansa.
A. I, II, III B. II, III, IV C. I, II, IV D. I, III, I.
____28. Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy na lumilinang ng likas na yaman ng bansa?
A. Yamang Gubat B. Yamang Lupa C. Yamang Mineral D. Yamang Tao
____29. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan sa Timog, Silangang, at Timog
Silangang Asya?
A. Pagmimina B. Pagsasaka C. Pagtitinda D. Pagtotroso
____30. Anong batas ang nangangalaga sa karapatan ng mga manggagawa?
A. Atas ng Pangulo Blg. 442 B. Bayanihan Act C. Atas ng Pangulo Blg. 224 D. Reproductive Health Law
____31. Aling Kagawaran ng Pamahalaan ng Pilipinas ang departamentong tagapagpatupad ng responsable na gumawa
ng mga polisya, magsagawa ng mga program at serbisyo, at maging ugnayan ng pamahalaan sa paggawa at empleyo?
A. Kagawaran ng Badyet at Pamamahala C. Kagawaran ng Pananalapi
B. Kagawaran ng Paggawa at Empleyo D. Kawanihan ng Imigrasyon
____32. Ano ang maaaring sukatan sa kaunlaran ng isang bansa?
A. Ang mataas na Gross Domestic Product C. Ang mataas na Population Growth Rate
B. Ang mataas na Life Expectancy D. Ang mataas na Unemployment Rate
____33. Alin sa mga sumusunod ang nangangahulugan ng karaniwang kita ng isang indibidwal bawat taon sa bansang
kanyang pinananahan?
A. average income B. net income C. gross Income D. per capita income
____34. Ang mga sumusunod ay mga implikasyon ng unemployment rate o bahagdan ng populasyong walang hanapbuhay
o pinagkakakitaan sa mga tao. Alin dito ang kakaiba?
A. kawalan ng pagkain para sa isang pamilya C. maaaring tumaas ang kriminalidad
B. maraming oras para makapagbakasyon at maglibang D. pagkabawas sa kakayahang makabili ng mga
pangunahing bilihin
____35. Ito ay tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na marunong bumasa at sumulat?
A. antas nga kabuhayan B. antas ng kaunlaran C. antas ng kamuwangan D. antas ng
lipunan
____36. Batay sa talahanayan ng Literacy Rate, aling bansa sa Timog Asya ang nakahanay sa mga may pinakamataas na
antas ng kamuwangan o literacy?
A. Brunei Darussalam B. Mongolia C. Singapore D. Sri Lanka
____37. Ang mga sumusunod ay ang nagiging epekto ng kasalatan sa aspetong kalusugan at edukasyon sa isang bansa
maliban sa isa. Alin dito ang hindi kabilang?
A. maaaring tumaas ang paglaganap ng krimen sa lipunan
B. makatitipid ang pamahalaan sa mga gastusin
C. malaking bilang ng mga kabataang humihinto sa pag-aaral
D. maraming mga taong ang magkakasakit at dadapuan ng karamdaman
____38. Kailan masasabi na bata ang populasyon ng isang bansa? Kung ang malaking bahagdan ng populasyon nito ay
may gulang na ________.
A. 15 pataas B. 15 pababa C. 60 pababa D. 60 pataas
____39. Ang mga sumusunod ay epekto ng lumalaking populasyon. Alin sa mga ito ang hindi totoo?
A. Lumiliit ang pinagkukunang-yaman ng bansa
B. Maaapektuhan ang pangunahing pangangailangan ng tao
C. Magkaroon ng sapat na serbisyong panlipunan at gaganda ang buhay
D. Maraming suliranin ang kahaharapin ng pamahalaan
____40. Alin sa mga ahensya ng pamahalaan ang nangangalaga sa kalusugan ng mga mamamayan?
A. DOH B. DOLE C. DSWD D. DOT
____41. Sa patuloy na pagtaas ng urbanisasyon sa bawat bansa sino ang lubos na deriktang naaapektuhan?
I. Ang pamahalaan ng bawat bansa
II. Kalusugan ng mamamayan ang lubos na maaapektuhan
III. Pagdami ng mga mahihirap
IV. Pagdami ng negosyo sa bawat lugar
A. I & II B. II & III C. III & IV D. I & IV
_____42. Ito ang tumutukoy sa pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o lubhang tuyo na kapag lumaon ay
hahantong sa permanenting pagkawala ng kapakinabangan o productivity nito.
A. Salinization B. Desertification C. Siltation D. Deforestation
____43. Kapag balanse ang ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ang kapaligiran, nagkakaroon ng _____.
A. Hinterlands B. Deforestation C. Ecological Balance D. Suliraning Pangkapaligiran
____44. Ang tahasang pagkasira ng kagubatan ay isa sa mga kritikal na problemang pangkapaligiran, alin sa sumusunod na
pahayag ang masamang epekto nito?
I. Mawawalan ng tirahan ang mga hayop na nakatira sa kagubatan.
II. Maraming mga species ng halaman ang manganganib at mga hayop.
III. Masamang dulot sa natural ecosystem
IV. Marami ang maaapektohang hayop
A. I, II & III B. I, II, III & IV C. I, II & IV D. I, II & IV
____45. Ito ang pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa mga gubat.
A. Siltation B. Salinization C. Desertification D. Deforestation
____46. Anong mga problema ang kinakaharap sa patuloy na pagkakalbo sa kagubatan?
I. pagbaha III. erosyon sa lupa
II. pagguho ng lupa IV. siltasyon
A. I, II & III B. II, III & IV C. I, III & IV D. I, II, III & IV
____47. Ito ay ang pagbabago ng pandaigdigan o rehiyonal na klima na maaaring dulot ng likas na pagbabago sa daigdig o
ng mga gawain ng tao.
A. Global Climate change B. Environmental Problems C. Ecological Balance D. Red Tide
____48. Ito ay ang parami at padagdag na deposito ng banlik na dala ng umaagos na tubig sa isang lugar.
A. Red Tide B. Siltation C. Deforestation D. Salinization
____49. Ito ay sanhi ng mga dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng dagat.
A. Desertification B. Salinization C. Red Tide D. Siltation
____50. Ito ay tumutukoy sa pagtaas ng katamtamang temperature.
A. Utraviolet Rays B. Global Warming C. Greenhouse Effect D. Environmental Problem
____51. Ito ay tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar/bansa.
A. Populasyon B. Migrasyon C. Literacy Rate D. Unemployment Rate
____52. Ito ang kabuuang panloob na kita ng isang bansa sa loob ng isang taon.
A. Gross Domestic Product B. Unemployment Rate C. Literacy Rate D. Migrasyon
____53. Ito bahagdan ng bilis ng pagdami ng tao sa isang bansa bawat taon.
A. Unemployment Rate B. Population Growth Rate C. Literacy rate D. Migration Rate
____54. Ito ay tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na marunong bumasa at sumulat.
A. Literacy Rate B. Migration Rate C. Population Growth Rate D. Unemployment Rate
____55. Ano ang pinakabago sa mga problemang kinakaharap ng mga bansa sa Asya lalong lalo na sa Pilipinas na
kailangan ng agarang aksyon?
A. Ang paglabag sa mga karapatan ng mga manggagawa
B. Ang pagsasara ng Kapamilya network na ABS-CBN
C. Ang pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong nahahawaan ng sakit na COVID-19
D. Ang pang-aagaw ng China sa teritoryo ng Pilipinas
____56. 10.Dahil sa banta ng Covid -19, hindi pinahintulutan ng pamahalaan na magkaroon ng face-to-face contact ang
mga guro at mga mag-aaral. Kaya upang matugunan ang pangangailangan na ipagpatuloy ang pag-aaral ng mga kabataan,
ang Kagawaran ng Edukasyon ay nagmumungkahi ng mga paraan upang mabigyan ng solusyon ang suliraning ito. Alin sa
mga sumusunod ang mga paraang ipapatupad ng DepEd sa pagbubukas ng klase sa Oktubre?
A. Blended Learning B. Online Learning B. Modular learning D. lahat ng nabanggit

You might also like