Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

TALAMBUHAY NI JOSE CORAZON DE JESUS

Si Jose Corazon de Jesus, na pinalayawan ng Pepito, ay isinilang sa isangbahay sa Daang

Trinidad, purok ng Sta. Cruz, Maynila, noong ika-22 ngNobyembre, 1894. Siya ay ang

ikalawang anak ni Dr. Vicente de Jesus, ng Sta.Maria, Bulakan, at unang direktor na Pilipino

ng Kawanihan ng Kalinisan, at ngKapampangang si Gng. Susana Pangilinan. Ang kanyang

dalawang kapatid ay sinaVicente,Jr., na siyang panganay, at si Rosa, ang bunso. Sa tatlong magkakapatid,
siPepito, Pitong sa kanyang ama't ina, ang pinakamalapit sa kanyang ina.

Angdahilan nito ay noong bata pa si Pepito ay masasakitin ito at galisin pa, kayamadalas

siyang inaalagaan ng kanyang nanay. Bata pa lamang si Pepito ay namulatna siya sa mga

tulang tagalog, awit at korido, sa "Florante at Laura", "SanRaymundo", at iba pang aklat na

tagalog na lubhang babasahin noong araw.Masasabing dito nagsimula ang pagtangkilik at

pagkabihasa ni Pepito sa tulangtagalog. Mahilig rin siya sa pag-awit, pagtugtog ng piyano, at

ng iba't ibang larongpampalakas. Sa bayan ng kanyang ama siya nag-aral ng unang

baitang. Maligayaang kabataan ni Pepito rito at ito marahil ang nagtulak sa kanya upang
sabihin nadito siya inuluwal. Nang makatapos siya ng primarya ay inilipat siya sa Liceo

deManila, isa sa mga pinakasikat na paaralan sa Maynila noon, upang mag-hiaskul.Nang

siya'y nakapagtapos ay nag-aral naman siya ng abosya sa Escuela deDerecho. Nang

magtapos siya ng batas noong 1919 ay hindi siya kumuha ngiksamen upang maging tunay

na abogado. Sa halip ay ipinagpatuloy ang kanyangmatagal ng hilig, ang pagtula. Noong

Oktubre ng 1918 ay itinanan ni Jose Corazonang binibining si Asuncion Lakdan. Sa kanilang

pagsasama ay nagkaroon sila ngtatlong anak. Ang mga ito ay sina Teresa, Jose at Rogelio.

Si Jose Corazon ay hindilamang makata at manunulat kundi isa rin namang mamamahayag.

Nagingmanunulat siya sa mga pahayagang "Demokrasya", "Pagkakaisa",

"Taliba","Mabuhay", at "Sampagita". Pero higit siyang kilala sa larangan ng "Balagtasan"

atpagbigkas. Hanggang ngayon ay siya pa rin ang hinihirang na pinakamagaling

sadalawang larangang ito. Si Jose Corazon de Jesus, o Huseng Batute, ay binawian


ngbuhay ng ganap na ika-12:02 ng tanghali, noong Mayo 26, 1932 sa Ospital Heneraldahil

sa isang sakit sa bituka.

You might also like