Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Magandang araw ako nga pala si Dioco Maglinte at itatalakay ko ang napanood sa dokumentaryo na

pamagat ay pugad lawin.

1. Tungkol saan ang dokumentaryo?

Base sa aking napanood tungkol ang dokumentaryong ito sa pamumuhay ng mga


mamayanang nakatira sa bayan ng pugad lawin at ipinakita rito ang napakalaking isyu ng ating
lipunan ang kahirapan.

2. Ano o ano-anu ang mga isyung panlipunang nakita sa dokumentaryo?

Sadyang marami ang aking nakita sa dokumentaryong ito una na diyan ang malnutrisyon ng
mga bata, kahirapan na kinahaharap ng mga taong nakatira rito, pagkasira ng kanilang kalikasan
nanag sanhi rin ng hindi maayos na pabahay at huli sa lahat ay ang korapsyon hindi lang sa kanila
nararamdaman ito kundi sa buong bansa rin natin.

3. Ilahad ang sanhi at bunga ng mga suliraning kinahaharap ng mga taong nakatira sa
Pugadlawin.

Una sa lahat ng dahil sa kahirapan ay hindi nabibigyan ng sapat at


masustansiyang pagkain ang mga bata kaya’t nagbunga ito ng malaking pagkukulang sa
resistensiya ng mga bata kaya’t marami sa kanila ay nakakaranas ng malnutrisyon. Sa
hindi malinis na kapaligiran ay siya ring nagsanhi sa ng ibat’ ibang sakit na nararanasan
sa bayan na ito.

4. Sa palagay mo, bulag at bingi ba ang pamahalaan sa mga ganitong problema ng


lipunan?

Itong isyu na ito ay hindi bago dito sa ating bansa ngunit ang pamahalaan ay hindi
natutuunan ng pansin ang katulad ng kalagayan na ito. Walang angkop na komunikasyon
galing sa mga tao upang sila’y matulungan ngating pamahalaan kaya’t patuloy parin ang
pag sibol ng kahirapan sa kanila.

5. Kung bibigyan ka ng pagkakataong tulungan sila. Sa papaanong paraan?

Isang karangalan sa akin kung bibigyan ako ng pagkakataong tulungan sila at


bilang isang estudyante sa paraan na ipakalat ang kanilang kalagayan gamit an gating
makabagong teknolohiya kagaya ng social media para maraming tao na may magandang
loob ang makatulong sa bayan na ito. Isa rin akong tutulong sa Bayan ng Pugad Lawin.

You might also like