Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Paksa:

Pag-aaral ukol sa Tradisyong Ilokano (Pangangasawa)


Paglilimita ng paksa:
I. Kasaysayan ng ilokano
Ang mga Ilocano ay may mga paniniwala at kultural na naibabahagi sa mga ilokano na
hanggang ngayon ay buhay parin. Isa sa paniniwala sa kasal ng mga ilokano ay ang
pagbibigay ng lalake ng “dote” sa magulang nga babae sapagkat ito ay ang paumpisa
sa buhay ng mag asawa
Ang ilokano ay pangatlo sa pinakamalaking ethnolinguistic na grupo sa pilipinas. Ang
salitang Ilocano ay nag mula sa salitang “I” (mula sa) at looc (look o bay) na
nangangahulugang “ tao sa bay”. Ang iloco o ilocano ay ang katawagan sa lingwahe ng
mga ilokano
Isang abang sibilisasyon na namamalagi sa Ilocos Region ang kolonyal na rehimeng
Espanyol (Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Abra). Ang rehiyon lumawak mula Cape
Bojeador hanggang Luzon's northeastern tip ng Gulpo of Lingayen.

II. Pag sunod ng mga Tradisyong Ilokano


bakit ng aba kiniakailangan na making ang mga ilokano sa mga tradisyon p pamahiini
na sinasabi ng mas nakakatanda sa kanila. Walang mawawala sa pag sunod ng mga
ikakasal sa mga ganitong tradisyon o pamahiiin ang pag sasabi ng mgatatanda sa
kanila ng ganitong pamahiin ay sa kadahilanan na may mga taong hindi ito sinunod at
nangyari ang mga dapat hindi mangyayari at kanila itong natuklasan. Isa sa dahilan
kung bakit takot ang mga ikakasal na hindi ito sundin ay sapagkat pwedeng hindi
matuloy ang kanilang hinahangad na kasal. Maari din na malasin o mamatay ang isa sa
kanila kapag hindi ito sinunod, ngunit may mga magagandang epekto ang pag sunod sa
mga ganitong tradisyon. Tulad ng pag kakaroon ng swerte kapag ito ay iyong sinunod,
ang pag kakaroon ng karanasan na gawin itong mga tradisyon na ito sa iyong kasal ay
isang pruweba na minamahal at ipinag mamalaki mo ang iyong tradisyon.
III. Kwento ng tradisyong Ilokano
Ang mga Ilokano ay may supernatural beliefs o paniniwala na nagiging tradisyon sa
kadahilanan na naipapasa ito sa iba’t ibang henerasyon ng bawat pamilya.
Karamihan ng mga pamahiin ay pamahiin ng mga ilokano sa kasal. Ang mga
paniniwala ng mga ilokano sa kasal ay kinakailangan nilang sundin sapagkat ayaw
nila na may masamang mangyari o mauudlot ang kanilang kasal.
Ano-ano ng aba ang mga probinsya na matatawag na mga ilokano?
Ang mga ilokano ay matatagpuan sa hilagang kanluran na parte ng Luzon. May
apat na lalawigan na kanilang sariling wika ay Ilocano at yun ay lalawigan ng
Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.

IV. Tradisyong Ilokano


Mga pamahiin sa tradisyong kasal ng mga Pilipino:
- Bawal isukat ang damit pangkasal
( Maaring hindi matuloy ang kasal)
- Bawal magkita ang mag nobya bago ang araw ng kasal
(Dahil maaring mamatay ang isa sa kanila)
- Dapat unahan ng babae na lumabas ng simbahan ang lalake
(Upang hindi siya maliitin ng maasawa o biyenan
- Kapag umulan sa araw ng kasal
( Mensaheng maswerte ang ikakasal)

V. Pag papaliwanag sa tradisyong ilokano


Dapat may idiya ang magulang ng babae sa pag pla-plano nilana ikasal. Nagkikita ang
magulang ng dalawang ikakasal na tinatawag na palalian. Pinag-uusapan ang Sab-ong,
sagut, parawad at iba pang detalye ng kasal. Ang sab-ong ay ang binibigay sa
magasawa upang makapag simula mag-isa. Ang sagut ay para sa damit pangkasal ng
babae dahil ang pangliliram ng damit pangkasal ay “taboo” para sa kanila. Ang parawad
ang binibigay sa lalaki galing sa nanay ng babae bilang pasasalamat. Sa araw ng kasal
kinakailangan na mag kaiba ang sinasakyan ng ikakasal at kinakailangan rin na iisa
lang dapat ang posporo na kanilang gagamiting pagsindi ng mga kandila. Pag katapos
ng kanilang kasal nagtitipon tipon ang mga sponsor ng mag asawa at mag kakaroon ng
seremonya na pinapasalamatan ng mag asawa ang mga dumalo. Pag katapos ng
seremonya may kakantang babae at lalake na tinatawag na “ dal-ot” sa kantang ito
nakapaloob ang kaganapan nila bilang mag asawa na binanggit ang kalungkutan at
kasayahan pati narin ang mga hindi nila pwedeng gawin bilang mag asawa.
VI. Pansamantalang bibliograpiya:
I. (2019, May 27). Paniniwala Ng Ilocano. Sinam Chamkanni.

https://sinamxchamkanni.blogspot.com/2019/02/paniniwala-ng-ilocano.html

Agan, A. (2017, November 13). Ang Mga Ilokano. Scribd.

https://www.scribd.com/presentation/364287835/Ang-Mga-Ilokano

Agan, A. (2017, November 13). Ang Mga Ilokano. Scribd.

https://www.scribd.com/presentation/364287835/Ang-Mga-Ilokano
PAKSA: Pag-aaral ukol sa Tradisyong Ilokano (Pangangasawa)
I. Kasaysayan ng Ilocano
II. Pagsunod ng mga Tradisyong Ilokano
III. Kwento ng Tradisyong Ilokano
IV. Tradisyong Ilokano
V. Pag papaliwanag sa tradisyong ilokano
VI. Pansamantalang bibliograpiya

You might also like