Mahal Kong Bayani

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Phase 7B, Package 4, Block 17

Caloocan City, Bagong Silang, 1428

December 1, 2021

Mahal kong bayani,

Andres Bonifacio. Ako ay nagpapasalamat sa iyong pagsasakripisyo ng buhay para sa kalayaan ng ating
mahal na bansa, ang Pilipinas. Kapalit ng iyong kamatayan ay ipinamana mo ang isang pagsilang sa isang
bagong Pilipinas na malaya sa mga Kastila. Buong puso at lakas mong pinamunuan ang katipunan
hanggang sa huli. Pinatunayan ninyo ang lakas at tapang ng mga Pilipino na walang takot na
nakipaglaban hawak ang mga sundang laban sa mga riple at kanyon ng mga Kastila.

Hindi na rin bago sa ating kasaysayan ang armadong paglaban. Pinatunayan ninyo rin noon pa man na
upang makamit ang tunay na pagbabago kinakailangang humawak ng armas at gumamit ng dahas –
rebolusyonaryong dahas. Dahil ito ay dahas na nagsisilbi para sa pagbabago at hindi upang manatili ang
luma at mapaniil na sistema. Ang rebolusyonaryong dahas ay ang kinakailangang dahas na
ipinangtatapat sa malupit at mapang-abuso na reaksyunaryong karahasan.

Napakayaman ng inyong ipinamana sa aming mga aral: Sa tagumpay ng rebolusyon, pangunahin ang
armado at kolektibong pagkilos ng masang api at pinagsasamantalahan. Pinatunayan mo na hindi
hadlang ang kahirapan upang pamunuan ang isang hukbo na may ipinaglalaban at pagmamahal sa
bayan. Tunay ngang nakakamangha ka. Tunay ngang dapat kang ipagmalaki. Ang pag gunita at pag-alala
sa iyong kaarawan ay mahalaga upang maalala ng bawat isa at ng mga susunod pang henerasyon ang
iyong kabayanihan. Salamat, Andres Bonifacio.

Lubos na gumagalang,

Ganilyn D. Ponciano

You might also like