Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 35

Unang tapak pa lang ni Jean sa buhanginan ng Isla Fuentebella, itinalaga na niya

ang sarili na mananatili siya sa islang iyon, no matter what.


Isla Fuentebella is her ultimate dream to live in.
Sariwang hangin, magandang kapaligiran, at tahimik na buhay.
Pero ang hindi kasama sa kanyang pangarap ay ang manatiling tauhan ng resort. She
wants something, iyon bang wala siyang gagawin paggising sa umaga kundi ang
mamasyal sa tabing-dagat pagkatapos ng isang masarap na agahan sa terasa ng kanyang
magandang bahay. Pagkatapos ay walang pakialam sa mundong maglalangoy siya sa dagat
ng paroo�t parito, hanggang sa siya ay mapagod at magpapahinga na siya nang padapa
sa dalampasigan habang nagsa-sunbathing.

At siyempre pa, kasama sa pangarap niya na may mga palad na hahaplos sa kanyang
likod habang nilalagyan siya ng lotion upang hindi masunog ang kanyang maganda at
malasutlang balat.
At ang palad na iyon ay ang palad ng lalaking kanyang pakakasalan, ng lalaking
mayaman na pakakasal sa kanya at magbibigay ng kaginhawahan sa buhay at karangyaan.
Then, kapag nainip naman siya sa isla ay maglalambing siya rito at magyayayang
magtu-tour around the world para siya malibang.
At siyempre pa, ang mga cute nilang anak ay may tig-iisang yaya kaya hindi niya
poproblemahin ang mga ito kapag out of the country sila ng kanyang husband.
Anyway, ang lalaking iyon ay puwedeng pinoy, pero mas maganda kung foreigner, para
siguradong dollar ang hahawakan niyang pera.
Napahagikgik siya sa isiping iyon.
Hay, ang sarap siguro nang mayaman. Hindi ko kailangang magmadali sa paggising sa
umaga, hindi ko kailangang �
�Jean!�
�H-ha?� Maang napalingon siya sa may-ari ng tinig na tumawag sa kanya. �O, Yvonne,
ikaw pala.� Napangiti siya nang malingunan ang dalagitang malapit sa kanila ni
Amara.
�Anong ginagawa mo rito sa tabing-dagat?� Naupo sa tabi ni Jean ang dalagita habang
hawak ang basket na puno ng sigay at kung anu-anong klaseng kabibe.
�Ano pa, de nangangarap. Ikaw, ano na naman ang ginagawa mo rito? Hindi ba�t
nagpunta sa kabayanan ang papang mo para magtanong kung magkano ang matrikula mo sa
darating na pasukan?�
�Oo.� Malungkot na tumanaw sa malawak na karagatan si Yvonne.
�O, eh, bakit hindi ka sumama? Aba, ikaw ang mag-aaral, dapat ay alam mo ang course
na kukunin mo.�
�Para kasing hindi ako interesadong umalis sa isla. Ayokong mag-dorm sa kabayanan
kapag nag-aaral na ako.�
�Ano? Aba, Yvonne, dapat ay ��
�Alam ko. Kaya lang, hindi na masarap mag-aral ngayong wala na si Daniel.�
�Susme! At iyon pala ang ipinagsisintir. Aba, Yvonne, kung nawala ang kababata mo
rito sa isla, dapat ay kalimutan mo na siya. For sure, maraming makikilalang girls
sa Manila ang isang iyon. Eh, ikaw, nabubulok ka lang dito sa isla.�
�Kasi, mahal ko siya.�
�Mahal? Anong mangyayari sa pagmamahal? Hindi ka naman niya mahal.�
�Mahal niya ako.�
�Bilang kaibigan?�
�Oo.�
�Kaya mag-aral ka at maghanap ng magmamahal siya hindi bilang kaibigan lang, kundi
bilang ka-ibigan. At puwede ba, ha? Iyong mayaman para naman makaahon ka na sa
kagagawa ng mga kuwintas at bracelet na kabibe, okay?�
�Ikaw talaga, pati ito ay napagdiskitahan mo.�
�Kasi naman, tuwing magkikita tayo, iyang basket mo na lalagyan ng mga sigay at
kabibe ang dala mo, eh.�
�Dito kasi ako kumikita.�
�Sabagay. O, hayun, may foreigner, alukin mo ng necklace.�
�Sige.� Nagmamadaling tumayo si Yvonne upang habulin ang mag-asawang foreigner na
patungo sa dagat.
Naiiling na nahabol na lang ng tingin ni Jean ang dalagita.
Hay, buti pa siya, ang simple lang ng pangarap, ang makabenta ng kuwintas at
bracelet niya. Samantalang ako, magdadalawang taon na sa islang ito, and yet, di pa
rin makakilala ng mayamang lalaki na papakasal sa akin. Kailan kaya siya darating?
Diretsong tumingin siya sa karagatan, tagus-tagusan ang tingin niya sa paparating
na bangka na walang katig at sagwan lang ang ginagamit ng lalaking nakasakay.
Siguro, dapat na talaga akong maging seryoso sa paghahanap ng lalaking iyon. Baka
tumanda akong dalaga kapag hindi pa ako kumilos. Bahagya siyang napangiwi sa
isiping iyon. Hindi yata niya pinangarap iyon.
Oo nga pala, may bagong dating na foreigner galing Germany, iyong nasa Cottage-B.
Bukod sa guwapo na at bata pa ay mukhang big time. Ano kaya kung magpapansin ako sa
kanya? Wala sa loob na napangiti siya.
Ngiting na-capture ng lalaking nakasakay sa bangkang padaong sa dalampasigan.
Akala yata nito ay ito ang nginingitian ni Jean kaya ngumiti rin ito at bahagya
pang pinalamlam ang mga mata.
Pero baka naman mapagkamalan niya akong pokpok. Napangiwi na naman siya sa naisip.
Iyong isang foreigner na pinatsarmingan ko noon ay inalok ako ng fifty dollars para
samahan siyang manood ng DVD na bold sa kanyang suite. Aba, sampalin ko nga! Lalong
napasimangot si Jean sa naalalang mumunting pangyayari sa kanya sa islang iyon sa
nakalipas na mahigit isang taon.
�Masyado ka kasing atribida, napaka-flirt mo pa,� sisi ni Amara sa kanya noon nang
malaman iyon.
�Ah, Miss?�
�H-ha?� Napatingala siya sa matangkad na lalaking nakatayo na ngayon sa harapan
niya habang nakatunghay sa kanya. �B-bakit?� Bahagya siyang nag-stammer.
Why, the man is a real hunk. Ang lapad ng dibdib nitong bakat sa sandong
nangungutim na hakab sa katawan nito. Labas ang namumutok na mga masel nito sa
braso. And he�s sexy sa suot na pantalong maong na nakatuping pataas hanggang sa
tuhod. Nakatapak ito sa buhanginan kaya ang mabalahibong binti ay kinakapitan ng
mga pinong buhangin.
And goodness, he has that pearly white teeth kaya naman ang ganda ng ngiti nito.
�Ah, itatanong ko lang kasi kung galit ka sa akin?� maginoong tanong nito.
�Galit?� Sabihin pa ay nagkabuhol ang mga kilay niya nang makabawi na siya sa
pagkabigla sa kaguwapuhan nitong taglay. �At bakit mo nasabing galit ako sa iyo?�
Napatayo siya mula sa pagkakasalampak sa buhanginan at nakapamaywang na hinarap
ito.
And to her surprise, ang tangkad pala nito. Nagmukha siyang unano sa taas na 5�3
dahil nangangawit ang leeg niya sa pagkakatingala rito. Bakit ay nakatapak lang
siya at hindi suot ang kanyang three inches high heel na tanging dahilan kung bakit
nagmumukha siyang matangkad at sopistikada kapag nakauniporme siya.
�Ah, kasi�y nakatitig ka na sa akin habang palapit ang bangka ko sa dalampasigan,
tapos ay ngitian mo ako, tapos ay walang lubay na sinimangutan,� nakangiti pa rin
nitong wika na tila nakakatoko.
�Ha? Nakatitig ako sa iyo? At nginitian kita, tapos ay sinimangutan?� Hindi yata
niya matandaan na ginawa niya iyon.
�Oo. Kaya nga kita nilapitan, nagtataka kasi ako sa reaksiyon mo?�
�Ganoon?� Lalong nagkabuhol ang mga kilay niya. Oo nga at guwapo ito sa tunay na
kahulugan ng salitang iyon, pero hindi nangangahulugan na aarte siya nang ganoon sa
harap nito.
At anong akala ng lalaking ito, komo guwapo ito ay ngingiti na siya para mapansin
nito!
Goodness!
Hindi yata niya pinangarap na mag-flirt sa isang� sa isang kagaya nito na�
Ayaw sana niyang matahin ang itsura nito dahil sa nangungutim na sando, lumang
pantalon, at bahagyang tan na balat, pero�
�Hoy Mama, bulok na ang style mo, ha? Kung type mo ako at gustong makilala, sorry,
you�re not my type!�
�Type?� Sabihin pa ay napanganga ito. �Naku Miss, hindi ��
�Puwede ba, excuse me! Naaabala mo ako sa pamamahinga ko!� Pagkawika niyon ay
nakairap na naglakad siya palayo.
Napakamot na lang sa ulo ang lalaki at naiiling na nasundan siya ng tingin.
�WOW! Prospect number one!� Napangiti si Jean nang makitang pababa na sa Cottage-B
ang matangkad na lalaking kulay-mais ang buhok.
Sinundan niya nang tingin ang foreigner na gumawi sa dalampasigan. Isang may edad
na lalaki ang nilapitan nito na sa ayos at anyo pa lang ay mahihinuhang chinese.
Hmm, ano kaya ang business niya sa singkit na iyon? Anyway, wala akong pakialam.
Ang importante, kailangang makakuha ako ng pagkakataon na makalapit sa kanya.
Saglit pang nagmasid si Jean. Hindi niya pansin ang init ng araw na tumatama sa
kanyang balat dahil pataas na ang araw.
Mayamaya ay humiwalay na ang lalaki sa kausap na intsik.
At iyon ang pagkakataong hinihintay ni Jean. Nang humakbang ito patungo sa hotel ay
humakbang din siya pasunod dito.
Kailangang maisakatuparan na niya ang Plan-A.
�AY!�
�Hey, watch out, young lady!� Maagap na nasalo ng kano si Jean na nadulas sa
makintab na baldosa sa lobby ng hotel.
�Oh,� kunwari ay putlang-putla siva habang inaayos ang sarili. �T-thank you. You�re
my angel.� Saka isang matamis na ngiti sa mga labi niya ang sumungaw habang
nakatingala sa mukha nito.
�Oh, you�re welcome. Next time, you must be extra careful, you know. You�re very
beautiful, you might break that beautiful face of yours.�
�Oh, thank you!� kinikilig na wika niya. �Anyway, I�m Jean Del Sol. And you are?�
Sabay lahad ng palad dito.
Kinalimutan niyang isa siyang dalagan Pilipina.
�Oh, I�m Steven Edwards Szeneger, a german national. It�s my pleasure to meet you,
Jean. Can I invite you for lunch?�
Yes!
�Of course!� agad niyang sagot.
�Well, let�s go.� Inilahad nito ang palad.
�Sure?� At muli ay tinanggap niya iyon ng walang halong inhibisyon.
Sabay silang nag-lunch ni Steven sa restaurant ng hotel. Pagkakain ay nagyaya itong
na mag-swimming sila.
Na agad din naman niyang pinagbigyan.
Guwapo naman si Steven, mabait pa at may pagka-gentleman, lalo tuloy narahuyo si
Jean na makipaglapit dito.
�ISA akong biyudo at may dalawang anak,� wika ni Steven sa wikang slang na english
na may accent ng german habang nakaupo sila sa buhanginan at nakatanaw sa palubog
na araw sa kanluran. �Pero sa kasalukuyan ay naghahanap ako ng babaeng magiging ina
ng mga anak ko, at siyempre pa ay asawa ko,�
�Talaga?� ngiting-ngiting si Jean habang kunwari ay engrossed na engrossed sa
pakikinig dito.
�Oo. At sa tingin ko, natagpuan ko na siya ngayon.� Saka ito tumitig nang matiim sa
kanya na waring may nais ipahiwatig.
�Talaga?� Kahit naman paano ay nakadama siya ng pagkailang sa titig nito. Nag-iwas
siya ng tingin.
�At sana, sa mga darating na araw ay magawa kong maangkin ang pag-ibig niya.�
Lalong naging matiim ang titig ni Steven sa kanya.
Lalo namang nailang si Jean, and at the same time ay kinilig.
Yes! Ito na talaga ang katuparan ng mga pangarap ko! sigaw ng kanyang utak.
�So, ikaw naman ang magkuwento ng tungkol sa sarili mo,� biglang wika ni Steven.
�H-ha?�
�Gusto kitang makilalang mabuti.�
�Ah,� pero ano ba ang masasabi niya tungkol sa kanyang sarili?
Siya na isang anak ng labandera, nakapag-aral sa pamamagitan ng pagtitinda ng
kamatis sa palengke, naging scholar dahil likas na matalino kaya kahit paano ay
nakatapos ng kursong HRM.
�Ah, nag-iisa lang akong anak ng parents ko.� Pero totoo naman iyon, naisip niya.
�Namatay agad ang tatay ko noong buntis pa lang ang mother ko kaya siya lang ang
nag-isang nag-alaga sa akin.�
At marami pa siyang ikunuwento tungkol sa kanyang sarili na hindi nagbigay dito ng
ideyang mahirap lang siya.
SHIT! Nakuyom ni Joshua ang kamao habang nakasilip sa binocular.
Naroon siya sa The Iron Eagle Yatch at kasalukuyang minamanmanan ang kanyang target
na subaybayan. Hindi niya alani ang panganib na kanyang hinaharap sa pakikipaglapit
sa lalaking iyon!
At ewan kung bakit, kumukulo ang dibdib ni Joshua sa isiping halatang nagpi-flirt
ang babaeng kausap nito kay Steven Edward.
I have to do something. Baka malingat lang ako ay malaslas na ang leeg ng babaeng
iyon.
Sukat sa isiping iyon, bumaba ng yate ang binata at lumipat sa bangkang nakatali sa
gilid niyon.
Pagkuwa�y sumagwan siya upang makadaong sa pampang.
Habang palapit siya sa dalampasigan, palapit naman siya nang palapit kay Steven at
sa babaeng kausap nito.
He�s eyes focus to that familiar face na kahapon ay umagaw ng kanyang atensiyon
hindi lang dahil sa taglay niyong ganda, kundi dahil sa pabagu-bagong reaksiyon na
naging dahilan kaya nilapitan niya ito. Naisip nga niya kahapon, sayang naman ang
babaeng iyon, luka-luka yata.
Pero ngayon, hindi na siya nanghihinayang, nag-aalala na siyang talaga. Lalo na at
natanaw niyang tumayo na si Steven at magalang na inilahad ang palad sa babae.
Nakangiting tinanggap naman iyon ng babae at sabay na silang naglakad patungo sa
hotel.
Shit! Paano ako lalapit sa babaeng iyon na hindi makakahalata?
�AH, SI Jean Del Sol?� wika ni Marco nang makita ang babaeng kausap ni Steven.
�Regular employee siya ng resort natin. Nasa bakasyon lang siya ngayon kaya gagala-
gala. So, anong problema sa kanya?�
�Hindi mo ba nakikita, masyado siyang malapit kay Steven? Bawat sandaling mamalagi
siya sa tabi nito ay nalalagay sa panganib ang kanyang buhay.�
�Joshua, relax. Kaya ka nga nakasubaybay sa german na �yan, dahil sa dala niyang
panganib sa resort, hindi ba? Aba, mahina kang detective kapag nakalusot sa iyo ang
isang �yan.�
�Marco, napakadulas ng hayup na iyon. Ilang beses na siyang nakakalusot sa mga
pulis na nagbabantay sa kanya noong nasa Boracay siya. Ilang babae ang natagpuang
patay ngunit hindi man lang nahuli sa actual ang gagong �yon. Iyon ang ikinatatakot
kong mangyari sa Jean Del Sol na �yon.�
Natigilan si Marco.
�Kung kausapin ko si Jean? After all, she�s our employee.�
�You do that?�
�Of course. Para rin naman sa kanya �yon, eh.�
Ilang sandaling nag-isip si Joshua.
�Paano kung hindi siya makinig sa iyo?�
�Kailangan niyang makinig.�
�Paano kung sabihin niya kay Steven na may nagmamanman dito?�
�Hindi niya gagawin iyon. Natural na nasa management pa rin ang kanyang loyalty.�
Muling nag-isip si Joshua.
�Sige, kausapin mo siya.�
�SIR?� Nanlaki ang mga mata ni Jean nang malaman ang bagay na iyon.
�Yeah, kaya para rin sa kaligtasan mo, you have to stay away from that german
national. Under surveillance ang lalaking iyon dahil sa ilang ulit na pagpatay sa
mga babaeng nakikilala niya sa mga beaches na pinupuntahan. Napakatinik lang kaya
hindi nahuhuli,� kaswal na wika ni Marco. �Actually, mas prefered niya ang mga
dalagita. Medyo may pagka-pedophile siya. Pero dahil siguro nagkakilala kayo, kaya
napunta sa iyo ang kanyang atensiyon.�
Nanlumo si Jean. Akala pa naman niya ay makaka-hook na siya ng matabang isda.
�Oh, God! Hindi ko alam!� Kilabot na kilabot siya sa isiping maling lalaki pala ang
namataan niya.
�So, didistansiya ka na sa kanya mula ngayon?�
�O-oho,� nakayuko ang ulong tumango na lang siya.
�Good!�
�Sir, paano nga ho pala kung siya ang lumapit? I mean, kung magtaka kung bakit ako
umiiwas at sundan-sundan ako?�
�Lumayo ka at huwag na lang siyang pansinin. Ibig sabihin kapag kinulit ka niya ay
talagang ikaw na ang naiispatan niya na biktimahin. At siguradong magsasawa iyon
kapag umiiwas ka na at maghahanap na lang ng bagong mabibiktima.�
�Sige ho.�
�Good! So, confidential ang usapan nating ito, ha? Hindi mo babanggitin sa kanya na
may mga matang nakasubaybay sa kanya habang nagbabakasyon siya dito sa resort?�
�Oho naman.�
�Good.�
Nang makaalis na si Marco, natulala na lang sa kawalan ang dalaga.
Hmp! Wala pa yata talaga akong swerte na makatagpo ng lalaking hahango sa akin sa
kahirapan, himutok niya.
Nagkulong na lang si Jean sa kuwarto niya maghapon. Malapit nang dumilim ng may
kumatok sa pinto.
�Sandali!�
Para lang magulat nang mapagbuksan niya ang isang lalaking akala niya ay hindi na
muling makikita.
�Good afternoon, Ma�am, titingnan ko po ang tubo ng banyo at shower ninyo,�
nakangiting wika nito.
�H-ha? Bakit?� nakataas pagdaka ang kilay na tanong niya.
Mabilis na humagod sa kabuuan nito ang kanyang tingin.
Kagaya noong isang araw, sandong puti na hakab sa katawan ang suot nito. Pantalong
maong na kupas at may sira sa tuhod.
Pero ewan ba niya, bakit hindi nakabawas iyon sa taglay na karisma ng lalaking ito.
�Ah, ako ho ang bagong tubero rito, utility man at puwede na ring boy. Iniutos ho
sa akin ni Mr. Marco Fuentebella na i-check ang lahat ng tubo at wire ng bawat
kuwarto.�
�Pero wala namang diprensiya ang mga tubo rito at ��
�Check-up lang ho talaga. Baka raw ho kasi may mga kalawang na o leak ang tubo. Sa
ibang suite ho kasi ay mahina raw ang akyat ng tubig.�
Hindi niya gusto ang ideyang papasok sa silid niya ang lalaking ito, lalo na ang
isiping isa lang pala talaga itong boy, tubero, mahirap na tao, pero ano ba ang
choice niya? Order pala iyon ng amo.
�S-sige, pumasok ka.� Niluwangan niya ang bukas ng pinto at bahagyang umiwas sa
daraanan nito.
�Salamat ho.�
Pero hindi sapat iyon para hindi niya malanghap ang mabangong sabon na ginamit
nito.
Bagong paligo ito, for sure. Pero walang ginamit na anumang mamahaling pabango. And
yet, parang ang sarap nitong langhapin.
Pinigil niya sarili na mapapikit.
�Ah, Ma�am, saan ho ang banyo?� biglang baling nito sa kanya.
�H-ha? Ah, that door!� Biglang tumaas ang kilay niya. Bigla kasi siyang nag-alala
na baka nakita nito na namumungay na ang kanyang mga mata dahil sa nalanghap ang
bango at lalaking-lalaki nitong amoy.
�Ah, salamat ho.� Humakbang na ito patungo roon. Nanatili naman siyang nakatayo sa
may pinto at sinadyang huwag isara iyon.
Hah! Baka mamaya ay maloko pala ang isang ito at kapag isinara ko ang pinto ko ay
kung ano ang maisipang gawin sa akin. Nakataas pa rin ang kilay na humalukipkip
siya at sumandal sa gilid ng pinto.
Natatanaw niyang nasa loob ng banyo ang lalaki, may kinakalikot, may mga gamit na
tumutunog, pero wala siyang pakialam.
Boy lang siya, tubero, hmp! Sayang talaga! bulong ng kanyang isip.
Pero nasulyapan niya ang mamasel nitong braso na bahagyang natatanaw buhat sa
pinto.
Oh my! Ang macho talaga niya! Parang ang sarap yumakap. Bigla niyang naipilig ang
ulo. How dare you, Jean Del Sol! Para ka namang hindi nakakakita at nakakaharap ng
macho.
Ilang sandali pa ang lumipas, naiinip na siya at nangangawit.
�Matagal pa ba �yan?�
Bahagyang isinungaw ng lalaki ang pawisan nitong mukha.
�Sandali na lang, Ma�am.� Muli itong nawala. �Okay na, Ma�am.� Mayamaya ay lumabas
na bitbit ang tool box na kinalalagyan ng kung anu-anong kagamitan.
�Okay.� Nakahalukipkip pa rin siya at hindi nag-abalang sulyapan ito sa mukha.
�Ah, Ma�am, hindi ba ikaw �yong babaeng nasa dalampasigan noong isang araw?�
�Ha?� Napatingin siya rito.
Muli ay nakita niya ang ngiting iyon. Parang gusto yata niyang ma-mesmerized.
�Mas maganda ka pala sa malapitan. Baka naman puwedeng makipagkilala sa iyo?�
�Ano?� Lalong nanlaki ang mga mata niyang nakatitig sa mukha nito.
�Ako nga pala si Josh Montemayor. Anong pangalan mo?� Inilahad pa nito ang palad sa
kanya.
Maang na napatitig siya sa mukha nito, pagkuwa�y sa nakalahad na palad.
Malaki ang palad nito, mahahaba ang daliri, pero kahit maputi iyon, bigla siyang
nandiri nang makitang may itim-itim na animo grasang nakakapit doon.
Oh, how dare this man para makipagkilala sa kanya!
�Puwede ba, kung tapos ka na sa ginagawa mo, lumabas ka na sa kuwarto ko?� nakataas
ang kilay na wika niya.
�Ha?�
�At puwede ba, hindi ako nakikipagkilala kahit kanino, ano?�
Ilang sandaling napatitig sa mukha niya ang lalaki, mayamaya ay napalis na ang
ngiti sa mga labi nito.
�Ang suplada mo naman. Komo ba boy at tubero lang ako, ganyan ka na?�
�Puwede ba? Huwag mo akong piliting bastusin ka, ha? Lumabas ka na!�
�Sige.� Malungkot itong humakbang palabas., �Pero alam mo, sayang ka.. Ang ganda mo
nga, namimili ka naman ng mga taong kakausapin mo nang matino,� wika nito bago
tuluyang lumabas.
�Ano?�
�Pero kung minsan, walang pinatutunguhang maganda ang ganyan. Baka mapahamak ka.�
�Aba�t ��
Ngunit tuluyan na itong humakbang palayo.
�Tse!� Pabalabag niyang inilapat pasara ang pinto.
Ang hudyong �yon! Akala mo�y kung sinong mangaral. Bakit, dapat ba akong
makipagkamay sa kanya gayung ang dungis ng kamay niya!
Nagdadabog pa rin na pumasok na lang siya sa banyo para mag-shower. That way baka
maalis ang init ng kanyang ulo.
KAHIT napaso na sa pakikipaglapit kay Steven, hindi pa rin nadala si Jean. Naroon
na naman siya sa dalampasigan, looking for somebody na posibleng humango sa kanya
sa kahirapan.
Iyon kayang isang iyon? Gwapo naman kahit may edad na. Nakatingin siya sa isang
lalaking palakad-lakad sa dalampasigan. Aba, nabasa ko sa pinirmahan niya sa guest
list na biyudo siya, ha? Kinilig siya nang maalala iyon.
Pero marami na tiyak anak ang lokong �yon. Mahirap na, baka ako pa ang lumabas na
kontrabida sa buhay nilang mag-aama. Paano kung salbahe ang mga anak nila?
Ibinaling niya ang paningin sa ibang panig ng resort. Bahagya pa siyang nagulat
nang makitang palapit sa kanya si Steven.
Oh no! At palapit sa akin ang killer na ito! Hindi niya ako dapat �
�Jeah, wait for me babes!� sigaw ng german.
Oh no!
�A-ah, h-hi!� Napilitan siyang harapin ito.
�I�m looking for you all over the place yesterday, where have you been?�
�A-ah, I�m dead tired yesterday, so I-I decided to stay in my room t-the whole
day.�
�Ah,� napatangu-tango ito. �Anyway, can I invite you for dinner?�
�H-ha?� Patay! Baka makahalata kapag tumanggi ako agad. �Ah. I have a meeting with
my boss, you know. S-so I-I think I can�t go out with you tonight.�
�Oh, how sad. Anyway, how about a snack? It�s only four o�clock in the afternoon.
Can you give me a little bit of your time?�
�H-ha? Ah, I think not now. I have to fix myself for the meeting, you know. My boss
will be angry if I�m late. H-he�s very strick, you know?�
�Oh! I think that�s not the proper way of treating an employee as beautiful as
you.�
�O-oh, thank you.� Kahit na ano pang pambobola mo sa akin, hindi na ako kakagat,
oy!
�Anyway, how about tomorrow night? Have dinner with me?�
�H-ha?� Hmp! Kulit! �Ah, let us see. B-but I�m not so sure, ha?�
�Okay, that�s enough for me. I hope you can make it. Bye for now!�Bahagya pa itong
kumaway.
�Y-yeah.� Nakangiwing kumaway din siya.
Whoo! Ang hirap namang itaboy ang isang iyon. Hindi pa nakahalata. Humarap siya
patungo sa hotel.
�Ay!� Para lang magulat nang mabangga siya sa malapad na dibdib ng kung sino.
�Oh, I�m sorry!� Naging maagap naman ang lalaki sa pagsalo sa kanya kaya hindi siya
tuluyang nangudngod sa katawan nito.
�Ouch!� Pero bahagya palang natapilok ang kanyang paa kaya bahagya siyang nauyot.
�Hey, anong nangyari sa iyo?� nag-aalalang tanong nito.
Awtomatikong nagtaas ng paningin ang dalaga.
Then their eyes met.
It was two deep set of eyes, black, and she has that feeling na tagus-tagusan sa
kanyang kaluluwa ang matiim na titig nito.
But still, tila siya nahihipnotismo at tila ayaw niyang ilayo ang paningin sa mga
matang iyon.
Sa mga mata ng boy, tubero, at mahirap na pangatlong beses nang sumasanga sa
kanyang landas.
�Nasaktan ka ba?� he said in a husky voice.
Tila musika sa pandinig niya ang narinig na boses.
�N-natapilok ako,� wika niya sa mahinang tinig na siya lang yata ang nakarinig.
�Halika sa batuhang iyon, hihilutin ko ang paa mo.� Saka nito tuluyang pinangko ang
dalaga.
�Hey!� Saka pa lang parang naalimpungatan si Jean nang maramdaman niyang tila siya
lumutang sa ere.
�Upo ka diyan.� Pagkalapag nito sa kanya ay agad na lumuhod upang hawakan ang
kanyang paa. �Alin ba dito ang natapilok?�
�Oh!� Mainit ang palad ng lalaki, humahalo iyon sa sumisigid na kirot sa ugat ng
kanyang paa na natapilok.
�Ito ba?� Hinawakan nito ang isa niyang paa na nagsisimula nang mamaga.
�O-oo.� Gusto sana niyang mag-react. Bakit kung hawak-hawakan nito ang paa niya ay
para bang close na sila?
Pero nang magsimulang humilot-humimas sa paa niya ang palad nito, marahan siyang
napapikit. Minsan pang nagsanib ang kirot at init na nagmumula sa palad nito.
�Naipitan lang ito, huwag kang malikot, hihilahin ko, ha?�
�H-ha?�
Pero bago pa siya nakapalag, nahila na nito ang paa niya.
May narinig si Jean na tila ugat na nabaltak, pagkuwa�y naramdaman niya na
nagsimulang dumaloy ang dugo sa ugat niya.
�Hayan, hindi na sasakit �yan kapag itinapak mo.� Nakangiting tumayo na ang lalaki
at bahagya pang ipinagpag ang mga kamay.
Nakamaang lang siya rito. Oo nga at sando at pantalong maong pa rin ang suot nito,
pero halatang bagong paligo, kay bangu-bangong tingnan dahil sa clean-cut na buhok,
plus that close-up smile na nagsisimula na talagang umakit sa kanyang pihikang
panlasa.
�S-salamat,� wika niya habang dahan-dahang itinatapak ang paa sa buhanginan.
Mabuway sa simula, natatakot kasi siyang ilapat nang husto ang paa dahil baka
sumigid na naman ang kirot.
�Okay lang �yan, hindi na �yan sasakit,� nakangiti pa ring wika nito.
�S-sigurado ka?�
�Oo naman. Sige, itapak mo nang husto ang paa mo?�
Tuluyan na nga niyang inilapat sa buhanginan ang paa. Walang makirot, bahagya lang
tila nakukuryente ang talampakan niya.
�Kita mo na. Sige, ihakbang mo na.�
Sinunod ni Jean ang sinabi nito. Hindi na nga sumakit ang paa niya.
�Okay na.�
Pabuntong-hiningang hinarap na niya ang lalaki.
�Salamat, ha,� walang kangiti-ngiting wika niya. �Ano nga uli ang pangalan mo?�
�Josh, ikaw, anong pangalan mo?� Muli nitong inilahad ang palad sa kanya.
�Itinanong ko lang kung anong pangalan mo, hindi pa rin ako nakikipagkilala sa iyo,
�no?� Pagkawika niyon ay tinalikuran na niya ito.
�Miss!�
Ngunit inignora na lang niya ang pagtawag nito.
HMP! Nakakainis! Biling-baligtad sa higaan si Jean. Bakit ba hindi maalis sa isip
ko ang mukha ng lalaking �yon! Nagtakip pa siya ng unan sa mukha.
Mayamaya ay bumangon siya upang magtungo sa bintana.
Hindi siya ang lalaking para sa iyo, Jean Del Sol. Magugutom ka lang sa kanya,
pangaral niya sa sarili.
Pero kahit ano ang sabihin niya sa sarili, hindi na maalis sa kanyang isip ang
mukha ng lalaking iyon.
Kahit boy lang siya, ang bango niya, naalala niyang nalanghap niya ito kaninang
kinarga siya. At hindi magaspang ang kanyang balat, pino pa nga iyon. At ang mga
bisig niya, malalakas. Para bang kayang-kaya niya akong buhatin kahit tumatakbo
siya. Binata pa kaya siya? Naipilig ni Jean ang ulo sa isiping iyon.
At ano naman ang pakialam ko kung binata pa siya? Kahit ba dalaga pa ako, hindi
siya ang bagay sa akin! Inaway na naman niya ang sarili. Anyway, puwede kayang
makipag-fling sa kanya? Saka siya napahagikgik.
Mayamaya ay natigilan siya sa pag-iisip ng kung anu-ano. Isang pamilyar na bulto ng
lalaki ang nakita niyang naglalakad sa dalampasigan.
Si Steven! At� at kasama niya si Yvonne! Oh no! Baka ang bata ang biktimahin niya!
Bigla siyang nag-alala para sa dalagita na naging malapit na rin sa kanya.
Litong nagpalakad-lakad sa kabuuan ng silid si Jean. Iniisip niya kung pupuntahan
si Yvonne para bigyan ng babala na huwag lumapit kay Steven, o kaya naman ay
sasabihin niya kay Marco na si Yvonne naman ang tila tina-target ng killer-maniac
na iyon.
Ang huli ang naisip niyang gawin. Nagsuot siya ng roba at lumabas ng silid.
Kailangang makausap niya si Marco.
�Wala si Sir Marco,� wika ng isang bellboy na nasalubong niya sa hallway. �Nakita
ko kaninang hapon na sumakay ng chopper kasama ang misis niya. Ibinilin nga kay
Mang Gaston na ipalinis ang swimming pool dahil may darating na mga special guest
bukas. Bakit ba?�
�W-wala.� Litong lumayo na siya rito, diretso palabas ng hotel.
Natanaw niya si Yvonne na mukhang engrossed na engrossed sa sinasabi ni Steven.
Nakaupo ang dalawa sa isang malapad na batuhan at sa malas ay nakuha na ng banyaga
ang kalooban ng dalagita.
No! Hindi siya dapat maniwala sa boladas ng buhong na iyon! Akmang hahakbang siya
palapit sa mga ito.
�Miss��
�Ha?� Napalingon siya sa may-ari ng baritonong tinig na umagaw sa kanyang pansin.
Si Josh Montemayor, nakangiti habang palapit sa kanya, nakapamulsa ang mga kamay sa
kupas na maong. And this time, t-shirt na puti ang suot nito kaya mas disenteng
tingnan. But still, ang macho pa rin ng dating dahil hakab na hakab pa rin iyon sa
malapad nitong dibdib.
And goodness, bagong paligo na naman yata ito dahil basa-basa pa ang buhok.
She�s freezed for a while. Hanggang makalapit na ito sa kanya.
�Mukhang ayaw kang dalawin ng antok, ah?� nakangiti pa rin nitong tanong habang
namamasyal ang mga mata sa kabuuan ng kanyang mukha.
Hindi pa rin siya makakibo. Isang sulyap ang ginawa niya sa kinaroroonan nina
Steven at Yvonne.
Oh no! Pababa na sa batuhan si Yvonne habang inaalalayan ni Steven.
�Miss, may problema ba?�
�H-ha?� Muli siyang napatingin sa mukha nito. �P-puwede ba, huwag mo nga akong
guluhin?� angal niya sabay hakbang patungo sa gawi nina Steven.
�Miss, sandali!�
Ngunit tuluy-tuloy na siyang humakbang palayo. Pasunod kina Steven na ewan niya
kung saan patungo. Pagawi ang mga ito sa dulo ng dalampasigan.
Yvonne! Hindi naman niya magawang ilakas ang pagtawag sa pangalan ng dalagita.
Baka maalerto si Steven at lalong malagay sa panganib ang buhay nito.
Ngunit dahil malayo ang agwat sa kanya ng mga ito, hinihingal na siya ay hindi pa
rin makaabot sa hinahabol. Saglit siyang huminto sa paghakbang upang habulin ang
hininga.
No! Nanlaki ang mga mata niya nang makitang pagawi na sa bungad ng kasukalan sina
Yvonne. Anong nangyari sa batang iyon? Bakit sasama siya sa loob ng kasukalan? God!
Nasaan ba ang tatay ng batang �to? Napilitan siyang muling sumunod sa mga ito.
Lalo siyang kinabahan nang makitang tuluyan nang nakapasok sa bungad ng kasukalan
ang dalawa.
Mayamaya ay natanaw niyang hinawakan nito sa braso si Yvonnc habang tila nagwawala
ang huli.
Binilisan pa niya ang pagtakbo.
MADILIM sa loob ng kasukalan, nagkakapatid-patid si Jean sa paghakbang dahil sa
malalaking ugat ng puno sa kanyang daraanan. Ngunit sige pa rin siya sa paghakbang.
Tuluyan nung nawala sa kanyang paningin sina Steven. At kahit masasal na ang tibok
ng kayang puso, alam nyang wala siyang dapat na aksayahing oras.
Baka sa mga sandaling ito ay nasa panganib na ang buhay ni Yvonne.
Nasaan kaya sila? Humihingal na saglit siyang namahinga habang nakaupo sa ugat ng
isang puno.
�Huwag!�
Napatayo siya nang marinig ang impit na tiling iyon.
�Yvonne!�
Ngunit wala na siyang narinig na anumang ingay.
�Yvonne!� Napilitan siyang muling maglakad. This time ay pilit niyang tinalunton
ang pinagmulan ng tili kanina.
Nakarinig si Jean nang mahinang pagtawa.
�You�re now mine, baby!�
Si Steven �yon! Kahit kinakabahan ay walang ingay na humakbang siya palapit sa
pinagmulan ng tinig.
Eksaktong paghawi niya sa makapal na kumpol ng mga dahon ay nabanaagan niya ang
isang malaking tao na may ginagawa. Tila may itinatali iyon sa katawan ng malaking
puno.
Si Yvonne! Sigurado siyang si Yvonne ang nabanaagan niyang nakatali sa puno.
Umiiyak ito, pero hindi makasigaw. Kaya pala ay may nakasupalpal na kung ano sa
bibig.
�There!� Nakangising minasdan ni Steven ang ayos ng dalagita nang matapos ito sa
ginagawa.
Nakasandal sa malaking puno si Yvonne, nakatali nang pataas ang mga kamay at
magkalayo ang mga paa habang nakatali rin ang mga iyon paikot sa puno.
God! Parang baboy ang ginawa kay Yvonne ng hayop na ito! Naningkit sa galit ang mga
mata ni Jean.
�Now, for our finale�� Nakangising dumukot sa bulsa si Steven.
Kumislap sa dilim ang isang matalim na bagay. Nanlalaki ang mga matang napatitig si
Yvonne sa bagay na iyon.
Pati ang nakasilip na si Jean av napanganga. Labaha, iyon ang sigurado niya na
hawak ni Steven.
Tumaas ang kamay ng lalaki. Iniamba ang labaha na ihihiwa sa kung saang parte ng
katawan ni Yvonne.
�No!� hindi napigilang sigaw ni Jean.
Natigilan si Steven sa gagawin. Agad itong napalingon sa pinanggalingan ng sigaw.
No! At huli na para sa kanya ang magtago. Kahit madilim, alam niyang nakatitig na
sa kanya ang lalaki.
�Who are you, huh?� Nagsimula itong humakbang palapit sa kanya.
Pakiramdam niya ay namamanhid ang kanyang buong katawan at wala siyang kakayahan na
gumalaw kahit munti man.
Naparaan si Steven sa natatanglawan ng liwanag ng buwan na sumisingit sa mga siwang
ng makapal na dahon.
Nakita ni Jean ang mukha nito, nakangisi, nanlilisik ang mga mata. Animo halimaw na
handang manila.
Lalong nanlamig ang buo niyang katawan. Gusto lang niyang tulungan si Yvonne, bakit
ngayon ay siya na ang haharapin nito?
�S-Steven, please don�t,� kahit paano ay nagawa niyang bigkasin sa namamaos na
tinig.
�Jean?� Nabosesan nito ang dalaga. �Yeah, it�s you!� Lalong napangisi ang lalaki.
�That�s good, eh! Two birds in one stone.�
Napalunok si Jean, unti-unti na niyang nahahamig ang sarili at nagsimula nang
gumana ang kanyang utak.
�S-Steven, please let her go. She�s too young. J-just take me.� Saka niya gustong
pagsisihan ang nasabi na.
�Oh, really? You want to be a hero, eh?� Huminto na ito sa paglapit ng ilang
hakbang ang layo sa kanya.
�S-Steven, why?� Lihim na naging mailap ang mga mata niya.
�Why? Oh, what a silly question? It�s just for fun, baby. You know, I�m a serial
killer. My victims are ambitious and opportunistic ladies. You and Yvonne is my
twelfth and thirteenth victim. But don�t worry, I�ll give you the honor of being
the thirteenth. Yvonne is so easy to kill. And besides, I really like you a lot. I
know you�re more ambitious than Yvonne.�
�N-ho, that�s not true!� Bigla ay gusto niyang pagsisihan ang pagiging ambisyosa.
�I�m not ��
�Just shut up!� bulyaw nito.
Natahimik siya.
�Now, come here!� Bigla nitong hinawakan sa kamay si Jean.
�No!� Na agad naman niyang nailagan sabay tadyak sa harap nito.
�Ouch!� Napasapo sa harapan si Steven, saka dahan-dahang napaluhod. �D-damn you!�
�Damn you ka rin!� Paiwas ditong nagtatakbo ang dalaga patungo kay Yvonne. �Yvonne,
okay ka lang?� Mabilis niyang tinanggal ang busal sa bibig ng dalagita.
�A-ate Jean, bilisan mo!� bulalas nito nang makalaya ang bibig.
�O-oo � oo!� Tarantang kinalag ni Jean ang tali nito.
�Bilis!� Nagpapapalag si Yvonne sa pagkakatali. Mayamaya ay napatili ito nang
mapatingin sa likod niya. �Hayan na siya!�
�H-ha?� Sabay lingon ni Jean.
�Damn you, lady! I�ll kill you!�
�No!� Napatili na lang siya nang makitang nasa likuran na nga niya ito. Sabay taas
ng kamay na may hawak na labaha na minsan pang kumislap sa dilim ang talim.
�Don�t!�
Kasabay nang pagdidilim ng kanyang paningin, bahagya pa niyang naulinigan na may
umigik. Kasunod niyon, ay wala na siyang natandaan pa.
�Nagigising na siya,� wika ng isang tinig.
�Ate Jean!�
Nagmulat ng mga mata si Jean.
�Y-Yvonne?� Nag-uulap pa rin ang kanyang paningin.
�O-oo, Ate Jean, ako ito. Kumusta ka na?� Marahan nitong hinaplos ang pisngi niya.
�M-masakit ang ulo ko. A-anong nangyari?� Napalingap siya sa paligid.
May kasama pala silang tatlong unipormadong pulis, may isang doktor at isang nurse
din. Naroon si Marco at Francis, nakikipag-usap sa mga pulis.
�N-nahuli na ang serial killer-maniac na iyon, Ate Jean,� naiiyak na wika ni
Yvonne.
�T-talaga? P-paano? Hindi ba�t��
�B-bago ka pa niya nalaslas sa leeg, may mamang pumalo sa kanyang ulo. Nabuwal siya
pero buhay pa. Nasalo ka ng mama at matapos ka niyang ilapag sa lupa ay ako naman
ang pinawalan niya.�
�S-sinong mama �yon?�
�Ewan ko, narinig ko lang na tinatawag nila ito ng Josh. Tapos ay itinali niya si
Steven at humingi siya ng tulong kaya nahuli na ang gagong iyon.�
�God!� Muli siyang kinilabutan sa isiping muntik na siya sa kamay ng killer na
iyon. �Bakit naman kasi sumama ka sa kanyang pumasok sa loob ng kasukalan?�
Pahinamad na naupo siya sa kama habang pasulyap-sulyap sa gawi nina Francis.
�K-kasi, akala ko mabait siya. Pinakyaw kasi niya ang tinda kong kuwintas kahapon.
Tapos, binigyan niya ako ng malaking tip. Iuuwi daw niya sa kanilang bansa ang mga
iyon at susubukang ibenta.�
�Kahapon pa pala, bakit hanggang kanina ay magkasama kayo?�
�K-kasi, gusto niyang magkuwentuhan kami sandali sa batuhan. Marami raw siyang
ikukuwento sa akin na inspiring success stories. Iyon bang kagaya ko na mahirap
lang, tapos ay biglang umasenso. Akala ko talaga, mabait siya. Tapos, noong nag-
uusap na kami sa batuhan, bigla siyang nagyaya na maglakad-lakad daw kami habang
nagkukuwentuhan,� pahikbing wika ni Yvonne.
�Susme! Bakit ka naman nagtiwala agad?�
�Akala ko kasi�y sa malapit lang kami maglalakad-lakad. Nang makubli na kami sa
karamihan ay bigla niya akong tinutukan ng labaha at hinawakan sa kamay. Hindi na
ako nakapalag sa takot nang hilahin niya sa loob ng kasukalan.�
Napailing na lang si Jean sa kainosentihan ni Yvonne. Gayunpaman, hindi rin niya
ito masisi.
Kahit naman siya ang niyaya ni Steven at hindi pa niya alam na masamang tao ito,
tiyak na pauunlakan niya ang lalaki.
�O, okay ka na ba, Jean?� kaswal na tanong ni Marco na palapit sa kanila.
�O-oho, Sir! S-salamat nga ho pala sa��
�Huwag ka sa akin magpasalamat, kay Josh. Siya ang pumukpok sa ulo ng killer na
iyon kaya hindi ka nalaslas sa leeg.�
�J-Josh ho? Sinong��
�Iyong bago nating boy at maintenance dito sa resort. Naisipan ka raw niyang sundan
nang mapansin niyang parang may hinahabol ka sa kasukalan. Mabuti na lang at
dumating siya sa tamang oras.�
Si Josh Montemayor! Siya ang tumulong sa akin! Hindi siya makapaniwala sa narinig,
at the same time, tila may mahiwagang damdamin na sumikdo sa kanyang dibdib sa
isiping iyon.
�N-nasaan ho siya? M-magpapasalamat ho ako sa kanya.�
�Ah, baka nagbalik na sa quarters nila. Anyway, bukas ka na lang magpasalamat sa
kanya. O, aalis na kami. Kakausapin ka raw muna nina Sarhento para sa report nila
tungkol kay Steven Edward.�
�O-oho.�
Pero kahit kausap na niya ang mga pulis na nag-iimbestiga, si Josh Montemayor pa
rin ang nasa utak niya.
Nakakahiya talaga ang mga inasal ko sa kanya noon. Ang suplada ko sa kanya, iyon
pala ay siya ang taong magsasalba sa buhay ko.
�SO, ngayong tapos na ang misyon mo rito sa isla, babalik ka na ba sa Manila?�
kaswal na tanong ni Francis habang nagsasalin ito ng alak sa tatlong kopita.
�Nope!� pahinamad na tugon ni Josh habang nakataas ang mga paa sa ibabaw ng mesa at
nilalaru-laro sa kamay ang kopita nitong may laman pang alak.
�Ah, gusto mo pa ring magbakasyon dito sa isla? Sabagay ay kailangan mo rin nga ng
relaxation. Siguradong pagdating mo sa Manila ay ��
�Gusto kong ituloy ang pagtatrabaho rito sa resort bilang boy at maintenance.�
�What?� Napalingon si Marco dito. �At ano namang kabalbalan �yang tumatakbo sa utak
mo?�
�Well, masarap palang magtrabaho rito bilang boy. Maraming tsika babes na nagpapa-
tsarming sa akin.�
�Really? Baka naman may napagtutuunan ka na ng pansin sa mga babaeng narito?� biro
ni Francis.
�Well, of course.�
�Huhulaan ko. Si Jean Del Sol, hindi ba?� hula ni Marco.
�Yap! Ang galing mo, ah! How did you know?�
�Kaya nga nailigtas mo siya sa kamay ni Steven, dahil all eyes ka sa kanya bukod pa
sa pagtutok mo sa killer-maniac na iyon, hindi ba?�
�Yeah! She�s beautiful, smart and ��
�And an ambitious young lady. Hindi ka papasa sa kanya, Josh. Common knowledge sa
mga kasamahan niya rito ang pagiging ambisyosa niya. Kaya nga kahit type siya ng
mga kasamahan niya rito, nobody dares to court her. Well, friends, okay lang sa
kanya. Mabait siya sa mga ito. Pero kapag dinidiskartehan na siya, no way!
Nambabara siya.�
�Ah, fortune-hunter, ha? I really hate that kind of women, you know. Kaya nga hindi
ako nagpapatali sa mga nagiging girlfrierid ko, dahil nahahalata kong hindi lang
sila after kung sino ako, kundi sa mamanahin �ko rin. Anyway, alam ko naman kung
gaano siya kataray. Ilang beses na ba niya akong nabiktima. Pero maraming paraan sa
pagpapaamo ng kagaya niya, Marco.�
�Don�t dare to do that, Josh. Kung hindi ka rin lang seryoso sa kanva, spare her.
Mahusay siyang empleyado ng resort. Katunayan ay inirekomenda na siya ni Denise na
ma-promote bago pa umalis.�
�Don�t worry, Francis, hindi ko naman siya iisahan, eh. Tuturuan ko lang siya ng
leksiyon. She should know na ang pag-ibig ay hindi namimili, lalong hindi
nakakaiwas kapag pumasok sa puso.�
�Hah! Kung magsalita ka, para bang expert ka na sa love, ha? If I know, wala sa
bokabularyo mo ang love.�
�Pinsan, alam ko ang kahulugan ng love. Kagaya nang nangyari sa inyo ni Francis, ni
Charles. But as of now, ayoko pang ma-in-love. Tama na muna sa akin ang mga fling.
No commitments involve.�
�Bahala ka na nga.�
�Thanks. Basta ako pa rin ang bagong boy dito, ha?�
�Sure. Pero ikaw rin, kailangan mo pang maghirap sa pamamalagi rito. Baka hindi ka
makatagal.�
�Don�t worry, nakasanayan ko na rin ang magtrabaho rito. And I enjoy every minute
of it. Basta huwag lang ninyong i-re-reveal ang tunay kong pagkatao hangga�t wala
akong go-signal, okay?�
�Sure!� sabay na wika nina Francis at Marco. �At sana�y hindi ikaw ang mahulog sa
sarili mong patibong, Josh.�
Malakas na halakhak lang ang tugon ng binata.
�That will not happen to me!�
�Okay, sinabi mo, eh. Pero tumawag nga pala sa akin si Tita Cassey. She ask me kung
narito ka pa raw ba? I said yes. Kinukulit daw kasi siva ni Sylvi kung nasaan ka.�
�Ha? Ano raw ang sabi niya?�
�Well, alam naman ni Tita na may hawak kang kaso, kaya sabi raw niya ay wala ka at
nasa ibang bansa. Pero para daw ayaw maniwala.�
�Oh no!� Napatutop sa noo si Josh.
Sylvi is his current girlfriend, or let us say na current fling. Isang sikat na
fashion model and at the same time ay anak ng isang business tycoon na kilala sa
bansa. At kaya iniiwasan na sana niya ang babae ay dahil nararamdaman niya na gusto
na siyang sakalin nito.
Demanding sa oras niya, selosa, nagger at higit sa lahat, may pagkakataong may
kalakip na pagbabanta ang tinig nito kapag napag-uusapan ang salitang hiwalayan.
�So, paano mo aayusin �yan? Baka mamaya ay biglang sumugod dito ang babaeng �yon?�
Saglit ha nag-isip si Josh.
�Okay, I�ll call her gamit ang cellphone ko. Sasabihin kong nasa Amerika ako, o
kahit na saang bansa. Pangangakuan ko na lang na uuwian ko siya ng pasalubong para
mapanatag.�
�Do that. Baka mag-eskandalo rito ang babaeng iyon.�
�Yeah!� Pero hindi pa man, nag-aalala na si Josh. Baka hindi kumagat sa plano niya
ang babae.
ABALA si Josh sa pagtatali ng bangka sa isang nakausling kahoy sa dalampasigan.
Abala rin si Jean sa pag-aaral sa anyo nito habang hindi pa siya napapansin nito na
papalapit.
Well, talagang macho siya. No wonder isang palo lang niya kay Steven ay tumba na
ang gagong iyon. Parang hindi na rin niya nakikita na pantalong sira sa tuhod at
sandong hakab sa katawan ang suot nito.
�J-Josh�� tawag niya rito nang makalapit na.
Dahan-dahan itong lumingon.
�O, Jean, ikaw pala? Kumusta ka na?� Pagdaka ay simpatikong ngiti ang sumungaw sa
mga labi nito.
�Ah, o-okay na. G-gusto ko lang magpasalamat sa iyo sa nagawa mo kagabi. Kung
nagkataon ay patay na sana ako ngayon.�
�Wala �yon. Nagtaka lang kasi ako kung bakit ganoon ang reaksiyon mo habang
hinahabol �yong dalawang papasok sa kadawagan. Kaya naman naisip kong sundan ka.
Buti na lang, kung nagkataon ay nalaslas na ng gagong iyon ang makinis mong leeg.�
Saka ito sumulyap sa gawi ng leeg ni Jean.
Gayunpaman, hindi nakalampas sa paningin niya na padaplis ding dumaan sa gawi ng
malusog niyang dibdib ang paningin nito.
Pero sa halip na mainis, lihim na lang siyang napailing.
Pilyo talaga ang lokong ito, naisip niya saka siya napangiti.
�B-buti alam mo na ang pangalan ko.�
�Oo naman, sinabi ni Yvonne, �yong dalagitang nakatali sa puno.� Humakbang na ito
palapit sa kanya. �Kumusta? May masakit ba sa iyo?�
Napatitig siya sa mukha ng binata. Dama niya ang kalakip na pag-aalala sa tinig
nito.
�W-wala naman. Okay na ako talaga. Paano, salamat na lang, ha? Babalik na ako sa
hotel.�
�Sige.� Bahagyang napalis ang ngiti sa mga labi nito.
Tumalikod na siya at humakbang palayo rito.
Pero bakit may pakiramdam siyang ayaw pa niyang matigil ang pakikipag-usap dito?
Bakit parang gusto niyang kulitin siya nito na mag-usap pa sila?
ILANG araw na ang nakararaan mula nang mangyari iyon, pero pakiramdam ni Jean, may
bahagi ng kanyang pagkatao ang nanlumo.
Dati ay naghahanap ang mga mata niya ng lalaking posibleng maging daan sa katuparan
ng kanyang mga pangarap, pero ngayon, tila hindi na mahalaga sa kanya iyon.
Tapos na ang leave niya kaya naman balik-trabaho na naman siya. And this time, mas
seryoso siya sa pagtatrabaho.
At dahil na rin sa pangako ni Denise na mapo-promote siya, bukod pa sa kahit paano
ay nakatulong siya sa pagkakadakip ng killer-maniac na nakapasok sa resort, nataas
na ang posisyon ng dalaga kasabay ng umento sa sahod na thirty percent.
Isang malaking konsolasyon na iyon para sa dalaga.
Mag-iipon na lang ako. Baka sakaling iyon pa ang maging daan para naman umasenso
ako, naisip niya. Sabagay, kung darating ang inaasam kong prince charming na
hahango sa akin sa pagka-cinderella ko, hindi ko kailangang maghanap at gumawa ng
paraan.
�Uy, seryoso siya,� pabulong na biro ni Malou, kasamahan niya dati na receptionist,
ngayon ay siya na ang over-all supervisor ng mga chambermaid.
�Ha? Ah, may iniisip lang ako.�
�Talaga? Ano kaya iyon?�
�Wala lang, naisip ko lang na panahon na talaga para magseryoso ako sa trabaho.
Baka sakaling tumaas uli ang ranggo ko,� pabirong wika niya rito.
�Uy, inspirado dahil na-promote.�
�Siyempre naman. Teka nga pala, bakit ba narito ka? Inaabala mo naman ako, eh. Saan
ka ba naka-assign?�
�Sa lobby. Pero may nagpapaabot kasi sa iyo nitong maliit na papel.�
�Ha?� Nagulat pa siya nang ilagay nito sa palad niya ang isang nakatuping papel.
�Kanino galing ito?�
�Ewan ko. Iniabot lang sa akin ni Monching, iyong guard na nakatalaga sa main
entrance. May nakikisuyo raw na ibigay sa iyo.�
�Ganoon?� Nagtatakang sinipat niya ang nakatuping papel na naka-stapler pa. �Ano
kaya ito?�
�Ewan ko. O, sige, punta na ako sa puwesto ko.�
�Sige.� Kunot-noong inalis niya ang pagkaka-stapler niyon.
�Birthday ko ngayon, baka naman puwedeng maimbitahan kang kumain mamaya kapag off
ka na? Doon lang sa ihawan ng barbeque sa labas. Please�? � Josh��
Apat na letra lang ang pangalang nakalagda, pero tila may ginising na kung ano sa
dibdib ni Jean ang munting paanyaya na iyon.
Josh, bakit ba kasi bigla kang dumating sa buhay ko? Bahagyang lumamlam ang mga
mata niya at wala sa loob na napatingin sa labas ng dingding na salamin ng hotel.
He was there, nakatanaw sa kanya, bahagya pang kumaway kasabay ng isang simpatikong
ngiti.
Simple lang ang dapat niyang gawin, irapan ito at itapon sa kalapit na trash can
ang maliit na papel.
Baka akala ng lalaking iyon, komo nailigtas siya sa killer-maniac na si Steven,
okay na sa kanya na makipaglapit dito.
Pero bahagya siyang ngumiti kasabay nang marahang pagtango.
Kitang-kita niya nang lumuwang ang ngiti sa mga labi ng binata saka napasuntok sa
hangin.
PUTING t-shirt na naka-tuck-in sa pantalong maong ang suot ni Josh. Halatang bagong
paligo ito at abalang nakikipag-usap kay Marco.
Naroon ang dalawa sa tabi ng nag-iihaw ng hotdog at pork barbeque. Hinayaan ng
management ng hotel na may ilang magtinda sa paligid ng resort basta huwag
magkakalat. Isa pa ay asawa sila ng ilang tauhan ng resort na gusto lang magkaroon
ng dagdag na kita.

Napabuntong-hininga si Jean habang naglalakad na palapit dito.


At sinong magsasabi na boy at tubero lang sa resort na iyon si Josh kahit na sa
simpleng kasuutan na iyon?
He stands out, kahit pa may ilang kalalakihan na naglalakad sa paligid nito, kahit
pa katabi nito si Marco na lalo yatang gumuwapo nang mag-asawa.
Bakit kaya nagtitiyaga na maging boy at maintenance dito ang lalaking ito? Puwede
naman siyang maging modelo, o kaya ay mas mataas sa napili niyang trabaho?
Napailing siya sa naisip.
Baka naman mababa talaga ang pinag-aralan niya? Napasimangot siya sa isiping iyon.
Well, at least ay masipag siya. Hindi kagaya ng iba na ginagamit ang katawan
magkamal lang ng salapi. At sa isiping iyon, parang bigla niyang na-realize na ano
nga ba ang masama kung boy lang si Josh? Ang mahalaga, disenteng tao ito.
Napangiti si Josh nang mapatingin sa kanya.
�O, nariyan na pala ang hinihintay mo, eh,� wika ni Marco na bahagya pang tinapik
sa braso si Josh. �Simple ka lang, ha?� pabulong na wika ng lalaki. �Baka naman
hindi mo mapanindigan ang pagpapanggap, bumigay ka.�
�Don�t worry, Pinsan, akong bahala.� Ginanti nito nang tapik sa balikat si Marco.
Bahagyang kumunot ang noo ni Jean sa nakitang iyon.
Okay talaga �tong boss ko, walang discrimination sa mga tauhan.
�Hi!� Nakangiting lumapit si Josh sa kanya.
�H-hi. Happy birthday.� Pinigil niya iyong urge na halikan ito sa pisngi bilang
pagbati. Baka kung ano ang isipin nito.
�Salamat. Ah, kain na tayo?�
�Ano bang kakainin natin?�
�Iyon, o. Masarap ang barbeque ni Manang Aning. Diyan ako bumibili ng meryenda.
Tapos sabayan natin ng inom ng sabaw ng buko.�
�Okay.�
�Halika doon sa mahabang bangko.� Turo nito sa isang bangko na nayuyungyungan ng
payong na gawa sa kawayan.
�Sige.�
Barbeque on stick at sabaw nga ng buko ang pinagsaluhan nila, pero ewan ni Jean,
pakiramdam niya ay kaysarap-sarap ng kinakain nila.
Dahil kaya sa mataginting na halakhak ni Josh kapag may nasasabi siyang nakakatawa?
O, dahil sa naaaliw siyang masdan ang guwapo nitong mukha kapag nagtatama ang mga
mata nila?
Kahit na ano pa ang dahilan, saglit niyang nakalimutan na hindi pasado si Josh sa
mga criteria na isinet-up niya para sa lalaking hanap niya.
�PASYAL naman tayo doon, o,� turo ni Josh sa dulo ng dalampasigan na malayo sa
karamihan.
�Ha? Ang layo na niyon, ah.� Bigla niyang naalala ang pagyayaya ni Steven kay
Yvonne na mamasyal sa dakong iyon noong isang gabi.
�Bakit, natatakot ka ba sa akin?�
�Ha? H-hindi. Kaya lang, ano naman ang gagawin natin doon?�
�Wala lang. Maingay kasi rito. Isa pa, naroon �yong bangkang ginagamit ko, pasyal
kita sa paligid ng isla.�
�H-ha?� Exciting! naisip niya.
Sa totoo lang, hindi pa talaga siya nakakaikot sa kabuuan ng isla kahit
magdadalawang taon na siya roon.
Pero sa bangka siya sasakay, ngi!
Ang pangarap sana niya ay maglibot sa paligid ng isla na ang sasakyan niya ay
lantsa, o kaya naman ay natatanaw niyang nasa di-kalayuan na The Iron Eagle Yatch.
�O, ano, halika na?� untag nito sa kanya.
Minsan pang natitigan ni Jean ang matamis na ngiti sa mga labi nito. Pati kislap ng
mga mata ng binata ay waring nag-aanyaya sa kanya.
�B-baka naman tumaob �yon, malunod ako.�
�Don�t worry, expert swimmer ako. Pababayaan ba naman kitang malunod?�
�S-sigurado ka?�
�Oo naman. Halika na?� Inilahad pa nito ang palad sa kanya.
Napatingin siya sa nakalahad na palad, tapos ay sa mukha nito.
Ah, bakit ba hindi siya makatanggi sa paanyaya nang matamis nitong ngiti?
�S-sige?� Tila nahihipnotismong tinanggap niya ang palad nito.
�AY! Baka tumaob!� napapatili si Jean habang mahigpit ang hawak sa gilid ng bangka
na walang katig.
�Huwag ka kasing malikot, talagang tataob tayo,� natatawang wika nito habang
sumasagwan.
�K-kasi naman, nalulula ako.� Pinilit niyang huwag gumalaw para huwag umuga ang
bangka. Pumikit pa siya para huwag malula.
Ngunit sa ginawa ni Jean, lalo niyang naramdaman na gumagalaw ang sinasakyan.
�J-Josh, nalulula talaga ako!� impit na tili niya.
�Sandali, lalapit ako sa iyo para huwag kang matakot.� Huminto sa pagsagwan si Josh
at tumayo.
Naramdaman niyang humahakbang ito palapit sa kanya. Siyempre pa lalong umuga ang
bangka dahil sa paggalaw nito.
�Bilisan mo! Baka tumaob ang bangka!� impit na tili niyang hindi naman nag-abalang
dumilat.
Narinig niya ang mahinang tawa ni Josh, kasunod niyon ay naramdaman niyang naupo
ito sa tabi niya.
�Heto na ako, dilat ka na,� bulong nito.
�H-ha?� Naramdaman niya ang pagkiskis ng braso nito sa braso niya, naramdaman niya
ang pagkakadikit ng mga katawan nila.
At bakit parang kaylapit ng boses nito.
Bigla siyang dumilat.
�J-Josh!� Muntik nang magkabuhol ang dila niya nang matuklasang halos ay wala na
nga palang pagitan ang katawan nila, ang mukha nito ay malapit na malapit sa mukha
niya. Nalalanghap niya ang mabangong hininga nito at sigurado siyang ito man ay
gayon din sa kanya.
�Nalulula ka pa ba?� Sabay hawak nito sa isang kamay niya at iniakbay pa sa balikat
niya ang isang kamay.
That was too intimate!
Para silang magnobyo na nakasakay sa bangkang iyon.
�J-Josh� baka lalong tumaob ang bangka. A-ang lapit mo at��
�Sshh�� Ngumiti ang binata, pero hindi naman nag-abalang lumayo sa kanya. �Talagang
tataob ang bangka kapag naglikot ka.� Pinisil pa nito ang kamay niya.
�Josh!� Napaigtad siya at akmang hihilahin ang kamay.
�Sshh! Huwag kang malikot, tataob tayo.�
Dahil sa babala nito, muling pinigil ni Jean ang sarili na maglikot. Tiniis niya
ang nakakailang na pakiramdam dahil sa pagkakalapit ng mga katawan nila.
�Jean��
�H-ha?� Pero paano niya titiisin ang pagkailang, bahagya pang humigpit ang
pagkakaakbay ng palad nito sa balikat niya.
�Jean, natatakot ka ba sa akin?� pabulong na tanong nito, gadali lang ang iniwang
layo ng mga labi sa may punung-tainga niya.
�H-hindi.� Hindi naman talaga. Naiilang lang siya.
�Eh, bakit nanginginig ka? Saka nanlalamig ko, o.� Muli nitong pinisil ang palad
niya.
�J-Josh, k-kasi naman, baka hindi mo napapansin ang ginagawa mo,� there, nasabi
niya. �H-halos ay yakapin mo na ako, ano?� Nilakipan pa niya ng kalarayan ang
tinig.
Natawa nang pagak si Josh, pero hindi naman binago ang ayos nila.
�Malamig kasi rito sa laot. Isa pa, wala namang masama sa ginagawa ko, ah.
Sinisiguro ko lang na hindi ka na malulula kahit gumalaw ang bangka.�
�Hmp! Ewan ko sa iyo! Dapat yata ay hindi ako pumayag na sumama sa iyo rito sa
laot.� Napairap na lang siya rito. Pero hindi pa rin niya magawang hilahin ang
kamay na hawak nito.
�Jean��
�O!� angil niya na sa ibang panig pa rin nakatingin.
�Sasagwan pa ba ako, o dito na lang tayo sa gitna ng laot?�
�H-ha?� Napilitan siyang lingunin ito.
�Dito muna tayo, ha? Ang ganda ng liwanag ng buwan, o. Parang tayo lang ang
tinatanglawan.�
�B-baka tumaob ang bangka.�
�Hindi nga. Akong bahala. Ano, dito muna tayo, ha?�
�Bahala ka na nga!� Muli siyang nag-iwas nang tingin dito.
Ilang sandali ang lumipas.
Mainit ang katawan ni Josh, damang-dama niya iyon. Matigas ang kalamnan ng mga
braso nito, parang ang sarap magpakulong doon.
�J-Josh.�
�Hmm�?�
�B-bakit nga ba tayo tumigil dito?�
�Ha?� Saka ito natawa. �Wala lang. Para lang hindi mo maramdaman na gumagalaw ang
bangka kaya tumigil ako sa pagsagwan.
�Hmp! Ang corny mo, ha. Halika na nga!�
�Saan?�
�B-balik na tayo sa isla.�
�Ayoko pa.�
�Bakit?� Muli niya itong sinulyapan.
�Gusto pa kitang makasama.�
�J-Josh!�
�Birthday ko naman, pagbigyan mo na ako.�
�Pero��
�Alam mo, ngayon ko lang naramdaman ito,� tila wala sa loob na wika ni Josh.
Nagsimulang gumala sa kanyang mukha ang paningin nito.
�A-ang alin?�
��Yon bang pakiramdam na parang ayoko nang matapos ang sandaling kasama kita. �Yon
bang parang gusto kong dito na lang tayo habang buhay.�
Corny, naisip ni Jean. Gusto rin niyang mainis dahil nagsisimula na itong
magpalipad-hangin sa kanya.
Hmp! Sabi ko na nga ba, iisa ang motibo nang pagyayaya nito, naisip niya.
�J-Josh, hindi naman puwede �yon, eh,� wika na lang niya na muling nag-iwas nang
tingin dito.
�Alam ko. Hindi naman ako bulag, eh. Kaya lang, ngayon lang talaga ako nakaranas
nang ganito. Masyado kasi akong abala sa pagtatrabaho.�
Natigilan si Jean.
Abala sa pagtatrabaho? Saan? Sa pamamasukan bilang boy, tubero, at kung anu-ano pa?
�J-Josh, huwag mo sanang mamasamain ang pagtatanong ko, ha?�
�Hindi. Ano ba �yon?�
�Ah, b-bakit tubero at boy ang naging trabaho mo? A-ang ibig kong sabihin, may
porma ka naman talaga. K-kahit sino ay hindi mag-iisip na ganoon lang ang trabahong
nakuha mo.�
Ilang sandaling hindi kumibo ang binata. Nag-alala tuloy siya na baka na-offend
ito.
�J-Josh�� Napilitan siyang muli itong lingunin. �O-okay lang kung ayaw mong sagutin
ang��
Hindi, okay lang na sagutin ko.� Ngumiti ito at muling tumitig sa mukha niya.
�Mahirap lang kasi ang mga magulang ko. Isang kayod isang tuka. Grade six lang ang
natapos ko. Nagtrabaho na agad ako ng mabibigat. At dahil panganay ako sa limang
magkakapatid, ako na ang inasahan ng mga magulang ko na makatulong sa kanila.�
Tumanaw sa malayo si Josh.
Napakagat-labi si Jean ngayong marinig ang kumpirmasyon na mahirap nga lang talaga
ito kaya nagtitiis sa mahirap na trabaho.
�Kung saan-saan ako pumasok ng trabaho, kahit ano, basta kikita ng pera. Nag-aaral
kasi ang mga kapatid ko. Nag-construction boy ako, nagpahinante sa pier, kung anu-
ano pa.�
�B-bakit hindi mo naisipang� ang ibig kong sabihin, may porma ka naman. W-wala
bang�� Hindi malaman ni Jean kung paano bibigkasin ang mga katagang iyon. �A-ang
ibig kong sabihin, wala bang nag-alok sa iyo ng ibang trabaho na hindi lakas ng
katawan ang gamit?�
�Anong ibig mong sabihin?� Bahagyang kumunot ang noo ni Josh at muling tumitig sa
kanya.
�H-huwag kang magagalit, ha? Doon kasi sa tinitirhan namin, maraming kagaya mo na
may porma rin naman. A-at doon sila nagtatrabaho sa� sa mga gay bar. M-macho
dancer. A-ang ibig kong sabihin��
�Mga lalaking pokpok?�
�O-oo.�
Napabuntong-hininga si Josh.
�Aaminin ko sa iyo, minsan ay natukso na rin akong pumasok sa ganoon. Pero hindi
kaya ng sikmura ko. Isa pa, malakas pa naman ako. Makatapos lang ang mga kapatid
ko, masaya na ako.�
Kahit ayaw ni Jean, nakadama siya ng paghanga sa prinsipyo nito sa buhay.
Dagdag na pagkaligalig sa kanyang puso ang paghangang iyon.
Pero kung alam lang niya ang totoo�
�Ikaw, kuwento ka naman ng tungkol sa iyo,� mayamaya ay wika nito.
�H-ha? Sige.�
Natagpuan niya ang sarili na nagkukuwento ng mga bagay-bagay tungkol sa kanya.
Iyong totoo, walang halong pretention.
Isa siyang anak ng labandera, nakatapos ng sekondarya sa pamamagitan ng pagtitinda
ng kamatis sa palengke, at sa tulong ng scholarship program ng pamahalaan ay
nakatapos ng kursong HRM.
Pati ang pagkakaroon niya ng anim na kapatid na sa kanya na rin umaasa ngayon ay
sinabi niya.
Pati ang ultimate dream niya na magkaasawa ng milyonaryo ay sinabi niya rito. Para
ano pa ba ang pagkukunwari? After all, pareho lang naman sila ng kuwento ng buhay.
ILANG saglit na nawalan ng kibo si Josh matapos marinig ang sinabi niya.
�Hey! Bakit hindi ka na nagsasalita?� untag ni Jean dito na bahagya pang siniko sa
braso.
�Ha? Ah, wala.�
�Wala? Ikaw talaga, ang daya mo. Ako, may comment nang magkuwento ka tungkol sa
iyo, tapos, ikaw wala.�
�Ayoko kasing magkomento.�
�Bakit?�

�Kasi, okay naman ang kuwento ng buhay mo. Nagsikap kang makapag-aral, nagkatrabaho
ka sa resort at sa ngayon ay sinusuportahan mo ang mga kapatid mo. Pareho lang
tayo, hindi ba? Ang hindi lang pareho, yong mga pangarap natin.�
�Alin? �Yong maghahanap ako ng prince charming na hahango sa pagiging Cinderella
ko?�
�Oo,� diretso nitong tugon.
Ewan kung bakit, parang gusto niyang mapahiya.
�W-well, bahagi lang naman ng ilusyon ko �yon. Kasi naman, may mga kuwento rin
namang ganoon, di ba? Isa pa, wala naman kasi akong maisip na ibang paraan para
matulungan ko ang pamilya ko sa kahirapan ng buhay.�
�Paano kung hindi mo matagpuan ang lalaking pangarap mo? Ang ibig kong sabihin,
paano kung� kung mahirap lang na kagaya ko ang lumapit sa iyo?�
�J-Josh!� Biglang tila nanuyo ang lalamunan niya.
�Basted na ba ako agad?�
Oh my God! Nataranta si Jean at hindi makahagilap ng sasabihin. Basta nakatitig
lang siya sa mukha nito.
�Sabagay, bakit ba ako aasa na pumasa sa iyo?� Inalis nito ang pagkakaakbay sa
kanya. �Hanggang ngayon, ganito pa rin ako. Samantalang ikaw, nakatapos ka ng pag-
aaral. May pag-asa ka kahit paano na matupad ang pangarap mo. Samantalang ako ��
�J-Josh, please, huwag ka na munang magsalita.� Pinisil niya ang palad nito. �B-
birthday mo, hindi ba? A-ayokong masira ang gabi mo.�
Napabuntong-hininga na lang ito.
�Sorry, hindi ko mapigilan.�
Ilang sandaling namagitan ang katahimikan sa kanila.
�Josh��
�Hmm�?�
�G-gusto mo bang sabihin ay� nililigawan mo ako?�
Napalingon ito sa kanya.
�Bakit? Hindi pa ba halata?� walang kangiti-ngiting tanong nito.
�A-akala ko kasi�y ginagawa mo lang halimbawa ang ��
�Ito ang hindi halimbawa, Jean.� Pagkawika niyon, biglang kumabig ang braso nito sa
batok niya, kasunod niyon ay naglapat ang mga labi nila.
Nanlalaki ang mga matang napatitig sa bilog na buwan si Jean. Oo nga at liberated
siya, pero never pa siyang nahalikan ng lalaki.
At bakit nga hindi, wala pa talagang lalaki ang nakakapasa sa mataas na standard
niya sa pipiliing hahalik sa kanya.
Pero si Josh, ang lakas ng loob nito, ni walang pahintulot, ni walang paalam�
Naramdaman niyang napapapikit ang kanyang mga mata.
Gusto niya ang init na nagmumula sa mga labi nito, lalong gusto niya ang mga
kiliting nabubuhay sa kanyang mga ugat dahil sa mabining paggalaw ng mga labi nito
sa bibig niya.
Ilang sandali, iyong pakiramdam na nalalasing ang kanyang diwa dahil sa pangahas na
paghalik na nito sa mga labi niya ay damang-dama niya.
�Jean�� bigkas nito nang saglit na tumigil sa ginagawa at matiim na tumitig sa
kanyang mukha. �Kung nagagalit ka sa ginawa ko, sampalin mo ako. Hindi ako
magagalit. Pero kung hindi, please, ipadama mo sa akin.� Pagkawika niyon ay muli
nitong inilapit ang mukha sa mukha niya, pagkuwa�y muling naging pangahas ang mga
labi.
Muling natulala sa kawalan ang dalaga.
Naghahamon ang tinig ni Josh, hinahamon ang kanyang katinuan, pero nag-aanyaya rin
ito, inaanyayahan ang sensual na bahagi ng kanyang pagkatao.
Ang huli ang kanyang pinansin, ang pag-aanyaya nito sa sensual na bahagi ng kanyang
pagkatao. Gusto niyang pagbigyan ang kabilingan nito na ipadama rito na hindi siya
galit.
Kusang bumuka ang kanyang bibig, hinayaang makapasok ang munting dila nito na �
nagsimulang , humalihaw sa loob. Nagsimula ring gumalaw ang kanyang mga labi, iyon
ang intindi niya sa kahilingan nito, ang tugunin ang mapangahas nitong halik.
Matagal silang nagsalo sa matamis na halik na iyon, mayamaya ay marahang kumalas si
Josh sa kanya. Pagkuwa�y may ngiti sa mga labing tinitigan ang kanyang mukha habang
may kakaibang kislap ang mga mata.
�Salamat, akala ko�y sampal ang igaganti mo sa akin.�
�K-kasi�y��
�Sshh!� Masuyong humarang ang daliri nito sa mga labi niya. �Wala namang
eksplanasyon sa ginawa mo kundi isang bagay lang, hindi ba?�
�A-ano �yon?�
�Hindi ako basted, hindi ba?�
Napaawang ang bibig niya.
Hindi lang ito pangahas, masyado ring mabilis.
�J-Josh, hindi naman ibig sabihin na ��
�Ako ang unang halik mo, hindi ba?�
�H-ha? Paano naman nito nalaman?�
�Alam ko, hindi ka kasi marunong.�
Oh my God! Gusto niyang mamula.
�At gusto ko �yon. Ibig sabihin, ako lang talaga ang hinayaan mong makalapit sa
iyo.�
�J-Josh, please lang, huwag ka naman sanang masyadong mabilis. N-nalilito lang ako
sa nangyayari sa atin.�
�Pero Jean, bakit mo pinipigil ang sarili mo? Dahil sa mga pangarap mo?�
�No! Tigilan mo ako, Josh! Hindi mo alam ang pinagsasabi mo!�
Ilang sandaling napatitig sa kanya ang binata, mayamaya ay napabuntong-hininga na
lang ito.
�Sige, hindi ako magiging mabilis. Hindi rin kita pipilitin na aminin sa akin na
pareho lang tayo ng nararamdaman. Pagkagaling natin dito, pangako, didistansiya ako
sa iyo. Bibigyan kita ng pagkakataong mag-isip.�
�H-ha?�
�Pero kapag naramdaman mong kaya mo akong ipagpalit sa mga pangarap mo, nasa
paligid lang ako.� Pagkawika niyon ay nagsimulang sumagwan si Josh pabalik sa isla.
Naiinis si Jean, pakiwari niya, ginagamitan siya ni Josh ng reverse psychology.
Hmp! Bahala ka nga sa buhay mo! Akala mo ba�y susuko ako! Never! Nadala lang ako ng
kapaligiran natin. Hindi ko dapat pangibabawin ang nadarama kong ito?
BILING-BALIGTAD sa higaan si Jean, mayamaya ay mapapahaplos siya sa mga labing
noong isang gabi ay hinayaan niyang halikan ni Josh.
Ah, ilang araw na bang hindi lumalapit sa kanya ang binata?
Apat na araw na.
At sa loob ng mga araw na iyon, isang bagay ang natiyak niya.
She likes him, in fact, mahal na yata niya ito.
Pero mahirap lang siya. Sawa na ako sa hirap. Sawa na akong magdildil ng asin.
Mariin siyang pumikit.
Parang nakikita niya ang isang senaryo.
Magkaharap daw silang nakaupo ni Josh sa loob ng isang barung-barong, kasalo nila
sa pagkain ang anim na maliliit nilang anak.
Ang ulam nila, dinildil na asin sa kamatis.
Oh my God! Sawa na ako sa asin at kamatis!
Napabangon siya sa higaan at humakbang patungo sa bintana.
Josh! Para lang magulat.
Naroon si Josh sa isang malapad na batuhan, nakaupo, nakatingin sa gawi ng bintana
ng kanyang silid na tila ba hinihintay na dumungaw siya.
Josh, huwag mong gawin sa akin ito! Pabigla siyang napaalis sa bintana at litong
nagbalik sa kama. How dare you! Wala kang karapatang guluhin ako!
Malakas na katok sa pinto ang pumukaw sa kanya.
Josh! Napasiksik siya sa headboard sa pag-aakalang ito ang kumakatok.
�Ate Jean!�
�Yvonne, sandali!� Dali-dali niyang binuksan ang pinto.
�Hi, Ate Jean!� nakangiting mukha ng dalagita ang napagbuksan niya.
�Y-Yvonne, ikaw pala, bakit nakabihis ka yata?�
�Aalis na ako.�
�H-ha? Saan kapupunta?�
�Sa Manila. Mag-aaral ako roon. Naisip ko kasing hindi ako para rito sa isla.
Kailangan kong mangarap para malimot kong iniwan ako ni Daniel dahil alangan ang
kalagayan namin sa buhay.�
�Yvonne!�
Mapait na ngumiti ang dalagita.
�Pasensiya ka na, ha? Gusto ko lang magpaalam sa iyo kaya kahit gabi na ay kumatok
pa rin ako.�
�Wala �yon. Kung umalis ka na hindi nagpapaalam sa akin, magtatampo ako.�
�Alam ko naman �yon, eh.� Umiiyak na yumakap sa kanya si Yvonne.
�Ingat ka sa Manila, ha? Mas maraming gago roon? Huwag kang magpapauto sa mga
lalaki, lalo na �yong kagaya ni Steven.�
�Oo. Ikaw rin, ingat ka rito.�
�Oo naman. Sige na, lakad ka na.�
�Sige.�
Malayo na si Yvonne ay nakatanaw pa rin siya rito.
Kung tutuusin, pareho lang naman nila ni Yvonne na mahirap at may ambisyon. Pero
ito, natuto lang mangarap dahil nasaktan na ang batang-pusong nagmamahal.
Samantalang siya, natuto munang mangarap, pero ngayon ay nasasaktan�
ILANG gabi ring nadudungawan ni Jean si Josh na nakatingala sa tapat ng bintana
niya. Ilang gabi rin niyang kinakalaban ang sarili na lumabas ng kanyang silid
upang puntahan ito sa dalampasigan.
Alam kasi niya, sa sandaling nilapitan niya si Josh, iisa lang ang kahulugan niyon.
Isinusuko na niya ang kanyang pangarap. Nakahanda na siyang magdildil ng asin at
kamatis sa hinaharap.
Pero mahirap palang kalaban ang puso. Isang gabi ay natagpuan ni Jean ang sarili na
palabas sa kanyang silid, patungo sa dalampasigan kung saan maaaring naroon si
Josh.
Pero wala si Josh sa batuhan na lagi nitong inuupuan.
Nagsawa na ba siya sa katatanaw at kahihintay sa akin?
Naghintay pa rin siya.
Ngunit hanggang lumalim na ang gabi ay walang Josh na dumating.
Nanlulumong bumalik siya sa kanyang silid.
�PERO bakit?� maang na tanong ni Francis habang kapwa sila nakasilip sa siwang ng
venetian blind. Si Marco ay nakaupo sa swivel chair.
Naroon sila ni Josh sa opisina ng una at nag-iinuman.
�Wala lang. I just want to teach her a lesson, hindi ba? Gusto kong malaman niya na
hindi natuturuan ang puso na huwag magmahal sa maling tao.� Madilim ang mukha ni
Josh habang nakatanaw kay Jean na papasok na sa quraters ng mga empleyado ng
resort.

�We already know that. Pero bakit pati sarili mo ay tinitikis mo?� wika ni Marco na
tumayo na rin.
�Come again?� kunot-noong tanong ng binata.
�Gusto mo rin siya, hindi ba?�
�Oo. Kaya nga napagtuunan ko siya ng pansin, eh. But it doesn�t mean na sisirain ko
na rin ang patakaran ko na no commitments involve. Isa pa, sinabi ko na naman sa
inyo na hindi ko naman siya iisahan. Hindi ko sisirain ang pagkababae niya.�
�Joshua Fuentebella, ang labo mo rin. Gusto mo siyang bigyan ng leksiyon na
matuklasan niyang hindi natuturuan ang puso na magmahal sa maling tao, and yet, mas
ikaw yata ang dapat turuan ng leksiyon dahil sa nakagawian mong pangwawasak ng puso
ng may puso.�
�Marco, wala akong winawasak na puso. My women come and go, pero alam nila kung
saan sila nakatayo sa buhay ko. And they�ll go for it.�
�At si Jean, alam ba niya kung saan siya nakatayo sa buhay mo? Hindi ba�t pinaasa
mo siya, pinaringgan ng matatamis na salita, ng mga kuwentong nagpalusaw sa kanyang
puso? Isa iyong panlilinlang, Joshua,� sabat ni Francis.
Natigilan ang binata.
�Yeah, maybe. Kailangan kasi, eh.�
Napailing na lang si Marco.
�Alam mo, parang nakikini-kinita ko na ang mangyayari sa iyo kapag nakauwi ka na sa
condo unit mo sa Makati.�
�Ano �yon?�
�Sleepless night, habang nakaupo ka sa sofa at umiinom. O, kaya naman, nakatayo ka
sa terrace mo at nakatanaw pagawi rito sa isla. And you know why? Because you miss
her terribly.�
Natigilan si Joshua.
�At bakit mo naman nasabi �yan?�
�Dahil hindi kayang pasinungalingan ng mga labi mo ang sinasabi ng kislap ng mga
mata mo sa tuwing tititigan mo siya, Joshua. You love her.�
�No. Ang pagtitig ko sa kanya ay bahagi lang nang pang-aakit ko sa kanya.�
�Really? Bahagi pa rin nang pang-aakit mo ang nababasa kong kislap ng mga mata mo
ngayon habang tinatanaw siya?�
�Francis!�
�It takes one to know one, Pinsan. Ganyan din kung titigan namin ni Marco sina Aira
at Maria Isabel.�
Natawa nang pagak si Joshua.
�At kailan pa kayo naging psychologist na may karapatang magbigay ng kahulugan sa
titig ng isang tao?� natatawang tanong ng binata bagama�t naging mailap ang mga
mata nito.
�Mula nang magmahal kami.�
Hindi nakakibo si Joshua.
MALAKAS ang ugong ng makina ng chopper habang umiikot ang elise niyon. May mga
guest nang nagsasakayan habang ang ilan ay namimili pa ng mga native products na
nilalako ng ilang kababaihan.
Bahagyang nakaawang ang bibig ni Jean habang natatanaw niyang humahakbang patungo
sa chopper si Josh, bitbit ang isang bag na marahil ay damit ang mga laman.
Tama nga pala ang sinabi sa kanya ng guwardiyang si Monching, nag-resign na ang boy
ng resort.
At ngayon, paalis na ito. Without saying goodbye to her.
At bakit naman niya aasahang magpapaalam sa kanya si Josh?
Pagkatapos nang ginawa niyang pag-iwas dito?
Gusto niyang humakbang pahabol dito, pero ano ang sasabihin niya.
Goodbye Josh, mahal kita, pero ayoko sa iyo, kasi hindi ka mayaman. Ayokong
magdildil ng asin sa piling mo?
O kaya ay ito�
Huwag ka nang umalis, Josh, kasi mahal na kita, kahit mahirap ka lang. Nakahanda
naman akong magdildil ng asin sa piling mo, basta magkasama lang tayo.
Napailing siya sa naisip.
Alinman sa mga iyon ang kanyang gawin, talo pa rin siya.
Hanggang nakarating na sa chopper si Josh ay hindi pa rin makagalaw si Jean.
Kapag tuluyang nakalayo sa kanya si Josh, saan pa ba niya ito hahanapin?
Maliban sa pangalan� nito, sa kaalamang mahirap lang ito, wala na nga pala siyang
alam sa ibang detalye ng pagkatao ng binata.
Ganoon siya nabaliw kay Josh, mahal na mahal na niya ito, and yet, hindi pa niya
ito lubusang kilala.
Josh! Hanggang bumigay ang kanyang hibang na puso. Natagpuan niya ang sarili na
humahakbang palabas ng hotel� upang habulin ang binata.
�Miss Del Sol, saan ho kayo pupunta?� tanong ng guwardiyang si Monching.
Ngunit sa halip na sagutin ito ay tuluy-tuloy na siyang lumabas patakbong palapit
sa chopper.
�Josh!�
Natigilan sa pagsakay ng chopper si Joshua at napalingon. Kahit maingay ang ugong
ng sasakyan ay narinig nito ang pagtawag niya.
�Jean!� Nagulat pa ang binata nang matanaw siyang tumatakbo palapit.
�Pinsan, ano ba? Alis na tayo!� wika ni Clint na siyang piloto ngayon dahil on-
leave si Alex.
Natigilan si Josh, pagkuwa�y kinambatan nito ang pinsan na umalis na. �Balikan mo
na lang ako!� pasigaw nitong wika.
Dahan-dahan nang tumaas ang chopper.
�JOSH�� bigkas ni Jean habang nakatayo sa harap ng binata.
�Jean, bakit?� mahinang tanong nito habang malamlam ang mga matang nakatitig sa
kanya.
Magkaharap sila sa bahaging iyon ng dalampasigan at tila walang pakialam sa mga
taong napapatingin sa kanila.
�P-paalis ka na pala, h-hindi ka man lang nagpaalam sa akin?� may kalakip na
pagdaramdam na wika ni Jean.
�Kasi�y ��
�B-bakit mo ako iiwan?�
�Ha? Ah ��
�S-sabi mo, kapag naramdaman kong kaya kong ipagpalit ang pangarap ko sa iyo,
sabihin ko lang. B-bakit aalis ka?�
Hindi pa rin makahagilap ng salita si Joshua.
Alam ng binata, sa mga sandaling iyon ay maaaring nakasilip sa kanya sina Marco at
Francis. Tiyak na nakikita ng mga ito ang eksena nila ngayon ni Jean.
�Akala ko kasi�y� ayaw mo sa akin. Ilang gabi akong nag-aabang sa iyo sa
dalampasigan. Alam ko naman na nakikita mo akong nakatingala sa bintana mo, hindi
ba?�
�O-oo. K-kaya lang, hindi kasi ako makapagpasya kung isusuko ko ang pangarap ko. P-
pero kagabi, bumaba ako, wala ka na.�
�Kasi�y ��
�S-sumuko ka na sa paghihintay sa akin?� Bahagyang pumiyok ang boses ni Jean,
bahagya rin siyang napasibi at tila batang gustong umiyak.
Tila sinuntok ang dibdib ni Joshua sa nasaksihan. Kung dahil sa guilt, o sa
anupaman, ewan ng binata. Ang alam nito, gusto nitong yakapin sa mga sandaling iyon
si Jean, ikulong sa mga bisig at aluin habang hinahaplos ang mahabang buhok.
�Natatakot kasi akong lalong masaktan.� Damn you, Joshua Fuentebella! Ikaw mismo ay
hindi na alam kung kailan ka nagsasabi ng totoo o hindi! asik nito sa sarili.
�J-Josh, huwag mo naman akong iwan, o.�
�Ha?� Na-off guard si Joshua.
�G-gusto kong makasama ka uling mamangka. K-kahit kasi umuuga ang bangka,
pakiramdam ko ngayon ay hindi naman ako delikado basta ikaw ang kasama ko.�
�Jean�� Napabuntong-hininga ito.
�S-saka, masarap din naman sigurong kumain kahit� kahit asin at kamatis ang ulam,
di ba? Isa pa, sanay na naman tayo sa ganoon, eh.�
Oh God! Tila pinipiga ang puso ni Joshua sa mga sandaling iyon.
Ito ang hindi napaghandaan ng binata. Ang malamlam na mga mata ni Jean na itititig
sa kanya, ang mga katagang magbibigay ng assurance na wala na itong pakialam na
maghirap sa piling niya.
�J-Josh, huwag mo naman akong iwan, o. K-kung gusto mo, sasama ako sa iyo kahit
saan. K-kung ayaw mo na rito, bumalik na lang tayo sa Manila. D-doon tayo maghanap
ng trabaho.� Tuluyan nang nalaglag ang mga luha ni Jean.
�Jean�� humakbang ang binata at niyakap siya. �Halika, huwag tayo rito mag-usap.
Napapatingin na sa iyo ang mga guest, o.�
�W-wala akong pakialam sa kanila. B-basta sabihin mo lang na hindi mo na ako iiwan!
� umiiyak na nagsiksik siya sa dibdib nito.
�Oo � oo, hindi kita iiwan. Halika na, doon tayo sa gawi roon, ha?�
�S-sige.�
Magkaakbay na naglakad sa dalampasigan ang dalawa.
Wala nang pakialam sa paligid si Jean. Ang mas hindi niya kakayanin ay ang malayo
kay Josh.
Naiiling na nagkatinginan sina Marco at Francis. Mayamaya ay sabay silang napangiti
at kapwa nag-appear, ang mga kamay. Pagkuwa�y umalis na sila sa pagkakasilip sa
bintana.
�Akala yata ni Joshua, matatakasan niya ang pag-ibig ni Jean,� natatawang wika ni
Marco.
�At akala din niya, matitiis niyang malayo sa babaeng iyon,� naiiling naman na wika
ni Francis.
�SAAN tayo titira?� malambing na tanong ni Josh habang yakap si Jean.
Naroon sila sa isang kubling batuhan at nakaupo habang magkayakap.
�Bahala ka, kahit saan? Basta huwag mo na lang akong iiwan, ha?�
�Oo nga. Kaya lang, talaga bang kaya mong magtiis ng hirap sa piling ko?�
Bahagyang tumingala si Jean dito.
�Ano ka ba naman? Sinabi ko na sa iyo, hindi ba? Nakahanda akong magtiis, basta ��
�Oo na. O, sige, halikan mo na lang ako para maniwala na ako tagala,� malambing na
hiling ng binata.
Napangiti si Jean.
�Oo ba.� Pagkawika niyon, siya na ang kusang umabot sa mukha nito upang maglapat
ang mga labi nila.
Jean� Pakiwari ni Joshua, nawala na naman siya sa sarili ngayong yakap niya ang
dalagang ambisyosa.
Josh, I love you� bulong ng puso ni Jean habang tuluyan na niyang pinahulagpos ang
mga inihibisyon sa katawan.
She kissed him hard, she kissed him gently, she kissed him in a more passionate way
para ipadama rito ang kahandaan niyang talikuran ang lahat, just to be with him all
her life.
At hindi siya nabigo, naging mapusok ang paghalik ni Joshua sa kanya, mas marubdob,
mas mapaghanap.
Ilang sandali nilang inibsan ang pananabik sa isa�t isa sa ilang araw na paninikis
sa kanilang sarili.
�Balik ka na muna sa hotel,� mayamaya ay wika ni Joshua.
�Hindi ba�t oras pa ng trabaho mo?�
�O-oo. K-kaya lang, baka umalis ka na kapag ��
�Jean, ano ka ba naman? Hindi ako aalis, okay? At paano ako aalis, nakaalis na ang
chopper?�
�O-oo nga, kaya lang ��
�Hindi ako aalis, hindi kita iiwan. Ngayon pa ba naman ako aalis, ngayong alam kong
akin na ang pag-ibig mo?�
�T-talaga?�
�Oo. Mamayang gabi, hihintayin kita rito. Mamamangka tayo, ha?�
�Talaga?�
�Oo nga. Sige na, halika na.�
Magkahawak-kamay silang nagbalik sa hotel.
�SO, AT hindi pala nakaalis ang aming mapagkunwaring pinsan, ha?�
�Marco, Francis!� Nagulat pa si Josh nang malingunan ang dalawa na nakasunod pala
sa kanya sa quarters nila.
�O, bakit nagulat ka? Ikaw talaga, nagdadrama ka pa na aalis, isang iyak lang sa
iyo ng babae, nataranta ka na sa pagbaba ng chopper,� kantiyaw ni Marco.
�Pinsan, alam ko naman na nakita ninyo kami. Dapat nakita mong nag-iiyak siya kaya
��
�Joshua, sino bang niloloko mo? Ilang babae na ba ang naghabol sa iyo na umiiyak?
Pinansin mo ba? Hindi ba�t sorry na lang ang iniiwan mong salita sa kanila?�
�Francis ��
�O, magsinungaling ka pa. Lalo ka lang nababaon.�
Napakamot na lang sa ulo si Joshua.
�Kailan ang kasal, ha?�
�Marco ��
�Sinabi mo na ba sa kanya na hindi ka naman totoong boy dito?�
�Of course not! At bakit ko gagawin �yon?�
�Para lalo ka niyang mahalin.�
�No! I can�t do that. Kahit na ano pa ang sabihin ninyo, hindi pa rin ako
sigurado.�
�Hindi ka sigurado sa kanya, o hindi ka sigurado sa sarili mo?�
�Pareho. Kaya puwede ba, wala munang bukuhan.�
�Sure. O!�
Nasalo ni Joshua ang inihagis ni Francis.
�Susi ng yate. Doon ka na lang mag-stay. Para naman kahit paano ay maalwan kang
kumilos. Dito sa quarters ay nagtitiis ka nang walang aircon, hindi ba?�
�Oo nga, eh.� Minsan pang napakamot sa ulo si Joshua.
�A-AKALA ko ba, mamamangka lang tayo?� maang na tanong ni Jean nang makitang
palapit sila sa yateng nakadaong sa malayo sa isla.
�Nang sabihin ko kasing babalik ako sa trabaho ko, sinabi ni Sir Marco na dito na
lang niya ako itatalaga sa yate. Wala raw kasing bantay dito kaya ibinigay sa akin
ang susi. Halika,� yaya nito matapos itali ang bangka sa nakausling bakal ng yate.
�Eh, bakit isinama mo ako rito? B-baka malaman niyang nagdala ka ng babae rito,
lagot ka.� Tinanggap niya ang palad nito.

�Hindi, wala namang ibang pupunta rito na hindi itinatawag sa radyo.


�Ganoon?�
�Oo, kaya halika na.�
Walang nagawa si Jean kundi sumunod sa paghakbang nito papasok sa yate.
�Wow!� Napahanga siya nang mamalas ang kabuuan ng yate.
Parang nasa loob siya ng isang magarang sala sa nabungaran. Mamahalin ang sofa na
naroon. Kumpleto sa mamahaling kagamitan.
�Nagustuhan mo ba?�
Hindi agad nakakibo si Jean.
Isa ito sa buhay na pangarap niya. Ang matikman ang sarap ng buhay habang nakasakay
sa isang magandang yate.
�Oo naman. Ang ganda, ano?� Parang batang nagpaikut-ikot sa kabuuan ng pinakasala
si Jean.
�Oo. Gusto mo bang tumigil ng ilang araw dito?�
�Ha?� Napalingon siya sa binata. May fondness na nakasungaw sa mga mata nito.
�Naisip ko lang kasi, tutal ay ilang linggo akong mamamalagi rito, samahan mo ako.�
�Ano? Okay ka lang? Paanong ��
�Mag-file ka ng leave, tapos ay dito tayo. Walang makakaalam na narito ka.�
�Josh! Baka pareho tayong matanggal sa trabaho kapag ��
�Okay lang naman kahit pareho tayong walang trabaho, hindi ba? Ang mahalaga,
magkasama tayo.�
�Josh!�
Natawa nang malakas ang binata.
�Nagbibiro lang ako. Basta mag-file ka ng leave, samahan mo ako rito sa yate.�
�Pero ��
�Akong bahala, walang makakaalam na narito ka.�
�S-sigurado ka?�
�Oo. Ano, magpa-file ka na ng leave?�
�S-sige, titingnan ko bukas kung papayagan pa ako. Kababakasyon ko lang, eh.�
�Papayagan ka, sigurado ako.�
�Sus! Para namang siya ang may-ari ng resort.� Inirapan niya ito.
Hindi na niya napansin na bahagyang umilap ang mga mata ni Joshua. Hindi niya alam
na may nasaling siyang katotohanan sa sinabi niya.
�Basta mag-file ka na ng leave, ha?� Pagkuwa�y malambing itong yumakap sa kanya.
�S-sige, kung iyon ang kahilingan mo.�
�Salamat!� Pagkawika niyon ay isang mabilis na halik sa kanyang mga labi ang
iginawad nito. �Hindi mo ito pagsisisihan, Jean.� Pagkuwa�y muli nitong inangkin
ang mga labi niya.
Na agad niyang tinugon. Afterall, ano pa ba ang dahilan kaya lubusan siyang
nagtiwala sa pagsama rito kahit saan?
She wants to be with him all the time, to be kissed by him�.
ANG MAALAB na halik na pinagsasaluhan nina Jean at Joshua ay dito humantong. Sa
malamig at saradong silid sa ibaba ng yate. Sa malambot na kamang sumalo sa
naglalagablab nilang katawan na kapwa nahubaran na ng saplot.
�Jean�� Saglit na huminto si Joshua. �Kailangan kita,� anas nito habang namumungay
ang mga mata.
Ngumiti ang dalaga. Pagkatapos niyang magpakababa sa paghabol dito, walang
hihilingin si Josh na hindi niya ibibigay.
Oh, how she loved this man in an unconditional way.
�S-sa iyo ako, Josh, katawan at kaluluwa,� namumungay ang mga matang wika niya.
�Oh, Jean!� Tuluyang nakahulagpos ang natitira pa sanang pagtitimpi ng binata.
Muli itong gumalaw, this time, sigurado na ang nais gawin.
Mariing napakagat-labi si Jean, palatandaan na nasasaktan siya.
�Jean, okay ka lang?�
Minsan pang ngumiti ang dalaga kahit nasasaktan.
�I-I�m okay. I-ituloy mo.�
�Pero nasasaktan ka.�
�M-mas masasaktan ako kung hindi mo itutuloy.� Pagkuwa�y humigpit ang yakap niya sa
batok nito, then she pushed her body para maramdaman ni Josh na nakahanda siya sa
sakit na mararamdaman basta para sa ikaliligaya nito.
Sukat doon ay muling nabaliw si Joshua, itinuloy nito ang nasimulan na. Hanggang
kapwa na sila humihingal na nakarating sa nais puntahan�
KAGAT-LABING bahagyang sinulyapan ni m Jean ang mahimbing na si Josh.
Payapang-payapa ang binata sa pagtulog. Malalim na ang paghinga nito, and yet, tila
may nakapagkit pang ngiti sa gilid ng mga labi.
Josh Montemayor, ikaw pala ang lalaking itinakda na pagkalooban ko ng lahat-lahat
sa akin. Pero kahit ano ka pa, hindi ako nagsisisi. At least, isang hagay ang
napatunayan ko. Mas mahalaga ang pag-ibig sa mundong ito kaysa anupamang bagay na
material sa mundo.
Sukat sa isiping iyon, nangingiting isiniksik niya ang sarili sa malapad na dibdib
ng binata.
�Hmm�� Naalimpungatan si Joshua.
�Tulog ka pa, Sweetheart, pahinga ka.� Saka niya inilapat ang hubad na katawan sa
katawan nito.
�Jean�� Ngunit tila naman si Joshua na ang tuluyang nagising. Nagmulat ito ng mga
mata habang humigpit ang yakap sa kanya. �Ang init ng katawan mo, Sweetheart.�
�Oo na, matulog ka na!� natatawang hinaplos niya ng kamay ang dibdib nito.
�Ayoko nga!� Sa isang mabilis na pagkilos ay hagawa nitong pumaibabaw sa kanya.
�Josh!� Napasinghap siya nang maramdaman ang bigat nito kasabay nang pagkadama sa
nagising na bahagi ng katawan nito.
�Sshh! Matapos mo akong gisingin, patutulugin mo ako. No way! Wala tayong tulugan,
ano?� Saka nito siniil nang halik sa leeg ang dalaga, sa dibdib.
Napatili sa kiliti si Jean, ngunit mayamaya lang ay natahimik na siya, kasunod
niyon ay ungol na lang ang namutawi sa kanyang bibig.
MATAPOS humingi ng leave si Jean ay agad siyang nagpunta sa tagpuan nila ni Josh.
Muli silang sumakay ng bangka patungo sa yate.
At sa pagkamangha ni Jean, �Wow! This is life, Josh!� Parang batang nakadipang
umiikot sa kabuuan ng pinakasala ng yate si Jean. �Biruin mo, narito tayo sa
magandang yate, para tayong mga don at donya na nagbabakasyon.�
Nangingiti namang pinapanood lang ni Joshua ang dalaga. May fondness na nakasungaw
sa mga mata ng binata habang nakamasid sa kanya.
Jean, bakit ganito ang pakiramdam ko? Pakiwari ko�y hindi na rin ako mabubuhay ng
masaya kung hindi ikaw ang kasama ko.
Natigilan naman si Jean nang mapasulyap rito.
�Hey! Bakit mo ako pinagmamasdan, ha?� Natatawang lumapit siya rito at malambing na
yumakap.
�Wala lang, natutuwa lang ako dahil kahit paano ay naipatikim ko sa iyo ang
ganitong klaseng buhay.� Seryosong tinitigan ni Joshua ang magandang mukha niya.
�Pero pagkatapos nito, hindi mo kaya hanap-hanapin ang ��
�Sshh! Ano ka ba? Wala akong hahanapin, okay? Maliban sa pag-ibig mo.�
�Talaga?� Napangiti na ito.
�Opo! Kaya kung ako sa iyo, simulan mo nang ipadama sa akin ang pag-ibig mo. At
gusto ko, mas espesyal kaysa kagabi, ha?�
�Jean!�
�O, napatunganga ka? Masyado ba akong agresibo?� natatawang nilaru-laro niya ang
gilid ng mga labi niti.
�Hindi naman. Gusto ko nga �yon, ang lambing mo. Kaya paano pa ako hihiwalay sa
iyo?� Pagkawika niyon ay inangkin na nito ang mga labi niya.
Na agad niyang tinugon.
At kagaya kagabi, muli nilang pinagsaluhan ang init ng pag-ibig na kanilang-kanila
lang.
At nang mga sumunod na gabi, at kahit sa araw, wala silang pakundangan sa
pagpapadama ng pag-ibig sa isa�t isa.
Tuluyan nang kinalimutan ni Jean ang mataas na ambisyon, ang mahalaga, nasa tabi
niya si Josh Montemayor.
At si Joshua, nakalimutan nitong ang lahat ay isang palabas pa rin. Pakiwari ng
binata, siya talaga ang nahulog sa patibong na siya ang may gawa.
Makubli lang sa pinto si Jean, nagagahol na siya sa paghanap. Magising lang siya na
wala sa kanyang tabi ang dalaga, hungkag na hungkag ang kanyang pakiramdam.
PERO kahit na gaano pa sila kasaya, darating at darating ang sandaling haharapin
nila ang katotohanan.
�Tapos na ang leave mo, pinababalik na rin ako ni Sir Marco sa Isla. Katatawag lang
niya sa radyo kanina. Paano na ito?� pabuntong-hiningang tanong ni Joshua habang
magkayakap silang nakahiga sa kama.
Napataas ang ulo ni Jean at bahagyang tinitigan ang mukha ng binata.
�Anong paano?�

�Ang ibig kong sabihin, kailangan ko na talagang bumalik sa Manila.�


�H-ha?� tuluyang napabangon ang dalaga. �A-akala ko ba�y hindi mo ako iiwan?� May
lumakip na pagdaramdam sa tinig niya.
�Oo. Kaya lang, kailangan kong umuwi muna sa Manila dahil may mga aasikasuhin akong
mahalagang bagay. Pero babalikan kita.�
�Josh�� Napahikbi siya. Kahit nangangako ito na babalikan siya, still, ayaw
maniwala ng kanyang puso.
�Jean, makinig ka. Babalikan kita. May aasikasuhin lang ako.�
�Sasama ako.�
�Ha? Paano ang trabaho mo rito?�
�Bahala na. Itutuloy ko na lang ang leave ko.�
�Jean, hindi puwede. Baka matanggal ka na.�
�Kahit na.�
Ilang saglit na natitigan ni Joshua ang mukha niya.
�Bakit, iniisip mo bang hindi kita babalikan?�
�H-hindi sa ganoon. Kaya lang, mami-miss kita.�
�Tatlo o apat na araw lang akong mawawala. Sa palagay mo ba�y hindi kita mami-miss?

�Pero ��
�Jean, ayoko ring malayo sa iyo. Kaya lang, kailangan nating maging practical.
Kailangan mo ang trabaho mo rito, hindi ba? At ako man ay ganoon din. Babalik ako.�
Napasibi si Jean.
�Hey, huwag kang ganyan! Mahihirapan din ang kalooban ko kapag maiisip kong ganyan
ka rito.�
�K-kailan ka ba aalis?�
�Bukas din. Ikaw naman ay mag-report na sa trabaho mo. Makikita mo, malilibang ka.
Ilang araw lang ay narito na ako.�
�Hmp!� Padabog na tinalikuran ni Jean ang binata.
�Jean�� Masuyo siyang niyakap ni Joshua. Kung nagkataong ibang babae ang kasama
nito, never itong nanuyo kapag tinotoyo ang babae. �Unawain mo naman ako, o.
Mahalaga talaga ang luluwasin ko sa Manila.� Maliliit na halik sa kanyang balikat
ang iginawad nito. �Pero pangako, kapag bumalik ako ay hinding-hindi na ako aalis.�
�T-talaga?� Nagmamaktol pa rin na hinarap niya ito.
�Oo.�
Napahikbi siya.
�O, iiyak pa. Halika nga.� Pagkawika niyon ay inangkin nito ang mga labi niya,
kasunod ay isang mainit na pagniniig ang kanilang pinagsaluhan.
Pakiwari ni Jean, inubos na rin ni Josh ang lahat ng lakas at pananabik sa kanya.
Madaling-araw na siyang pinatulog ng binata.
LUMILIWANAG pa lang sa dakong-silangan ay padaong na sa pampang ang bangkang
sinasakyan nina Jean at Joshua.
Kailangang walang makakita sa kanila.
Pagkadaong ng bangka sa kubling batuhan ay masuyo nitong inalalayan sa pagbaba ang
dalaga.
�O, paano, dito na muna tayo maghihiwalay, ha?� masuyong wika ni Joshua.
�O-oo. T-talaga bang aalis ka na mamaya?�
�Oo. Huwag ka nang umiyak, babalik ako agad.�
�S-sige, alis na ako. Baka may makakita pa sa atin.�
�Sandali!� Isang maalab na halik ang iniwan ni Joshua sa kanya.
Mabibigat ang hakbang na nagpauna nang bumalik sa hotel si Jean.
�Oy, Jean, buti�t dumating ka na. Tapos na ang leave mo, hindi ba?� wika ni Malou
na nakasalubong niya sa lobby.
�Oo, bakit?��
�Naku, may mga bagong dating na guest, ang tataray at mga sosyal. Inirereklamo ang
mga hawak mong chambermaid dahil ang tatanga raw.�
�Ha? Bakit?�
�Ewan ko ba? Mabuti pa, mag-report ka na kay Sir Francis. Mainit ang ulo dahil
hindi alam kung sino ang sisisihin.�
Bigla siyang kinabahan, pero saglit lang iyon at umiral ang pagiging stubborn niya.
Bakit naka-leave naman ako, ah. Hindi ako puwedeng madamay. Mamaya na lang ako
magre-report kay Sir Francis.
MALAYO pa lang si Jean ay tanaw na niya ang mga kasamahan na nakahilera habang
palakad-lakad sa harapan ng mga ito si Francis na tila nanenermon.
Oh no! Ano kaya talaga ang problema? Bigla siyang kinabahan.
Noon naman napatingin sa kanya si Francis.
�Miss Del Sol tapos na ba ang leave mo?� kaswal nitong tanong, hindi galit, pero
hindi naman nakangiti.
�O-oho, Sir Francis, nakapag-report na ho ako sa administration office. M-may
problema ho ba?�
�Mag-conduct ka ng meeting sa mga tao mo. Kunin mo mamaya sa akin ang memorandum.
May isang grupo ng mga guest na nagreklamo. Inefficient daw masyado ang serbisyo ng
mga chambermaid. Hindi maayos ang mga kobrekama, kulang sa supply ng mga sabon at
shampoo sa banyo. Bukod doon, hindi agad naglalagay ng towel sa banyo. At marami pa
silang reklamo. Inaasahan kong maaayos mo ang lahat ng �yan kapag na-meeting mo na
sila, okay?�
�Y-yes Sir,� kinakabahan man ay nagawa niyang itugon.
�Good! Siyanga pala, kumusta ang bakasyon mo?� May bahagyang ngiti sa mga labi ni
Francis.
�S-Sir?� Kaya nakadama siya ng pagtataka.
�I mean, nakabawi ka ba sa pagod mo noong mga nakaraang araw?�
�O-oho.�
�Good! Ikaw na ang bahala sa kanila, ha?�
�Y-yes, Sir.�
Nang tumalikod na si Francis ay hinarap naman niya ang may dalawampung chambermaid
na nasa supervision niya.
�Ano ba talagang problema?�
�Ma�am, hindi naman ho totoo ang sinasabi ng grupong iyon, eh. Sinisiguro namin na
kumpleto ang mga supply kapag nalinis na namin ang mga kuwartong paglalagyan sa mga
guest,� paliwanag ng isa.
�Oho nga, Ma�am. May isa lang hong banyo na walang shampoo pero sigurado akong
nalagyan ko �yon. Tingin ko ho ay tini-trip lang kami ng grupong iyon dahil
natarayan ko �yong isa sa kanila.�
�At bakit mo naman tinarayan?�
�Kasi ba naman, may hinahanap na lalaki, Joshua Fuentebella raw ang pangalan. Isa
sa anak ng may-ari ng resort. Sabi ko, hindi ko kilala. Nagalit. Imposible raw na
hindi ko kilala gayung amo ko. Aba, tinaray-tarayan na ako. Siyempre sinagot ko.
Lalong nagalit. Sisiguruhin daw niya na matatanggal ako,� wika ni Sonia, ang
pinakamatagal na roong chambermaid.
�Joshua Fuentebella? Wala namang nagpupunta rito na ganyang pangalan, ah.�
�Oho nga Ma�am. Itinanong ko naman �yon kay Sir Francis, pinsan daw nila �yon. Pero
hindi pa naman daw nagagawi rito. Masyado raw kasing busy ang isang �yon.�
�Ah, ang mabuti pa ay kalimutan mo na sila. Basta gawin ninyo ang trabaho ninyo
para walang masabi ang mga guest. Ilan lang naman siguro ang mga kagaya nila na
namemersonal at hindi marunong maawa sa mga taong maliliit na kagaya natin.�
�Oho nga, Ma�am.�
�O, sige, may meeting pa rin tayo mamaya kapag nakuha ko na ang memo, ha?�
�Yes, Ma�am.�
Nang magsialis na ang mga chambermaid ay napabuntong-hininga na lang si Jean.
Mahirap talagang maging mahirap. Mababa ka na nga, tatapakan ka pa ng mga taong
kagaya nila. Bigla ay naalala niya ang pangarap na makapag-asawa ng mayaman.
Ngayong nahulog na siya nang husto sa charm hi Josh Montemayor, wala na talaga
siyang pag-asa na yumaman.
Hindi bale, masaya naman ako sa pag-ibig niya, napangiti na lang siya sa naisip.
Pero bigla rin siyang nalungkot nang maalalang ilang araw din niyang hindi makikita
ang katipan.
Babalik siya, alam ko, babalik siya.
MARAMING guest ang dumating pa ng araw na iyon, naging abala na si Jean sa pag-
aasikaso sa trabaho ng mga chambermaid. Ang hindi niya inaasahan ay ang masalubong
ang babaeng sinasabi ni Sonia na lider daw ng matataray na grupo.
�Hey, you!� tawag-pansin nito sa kanya habang nakatunghay siya sa memorandum na
galing kay Francis.
�Yes, Ma�am,� magalang ang ngiting sumungaw sa mga labi niya kahit pa gustong
tumaas ng kanyang kilay. Ang babaeng nakatayo habang nakapamaywang sa kanyang
harapan ngayon ay walang dudang ismarte at sopistikada ang dating kahit pa one
piece swimsuit na pinatungan ng tapis ang suot.
At sa pagkakataas ng kilay nito habang taas-baba siyang tinitingnan na animo
bacteria siya na sinusuri sa ilalim ng microscope, parang gusto niyang kabahan.
�Itinuro ka sa akin ng isang bellboy na siya daw supervisor ng mga chambermaid,
totoo ba?� animo reynang tanong nito.
�Ah, yes, Ma�am. Anything I can do for you, Ma�am?� Pilit pa ring nagpakahinahon si
Jean.
�Yes of course! Lalapitan ba naman kita kung wala akong kailangan?�
Gusto na niyang bulyawan ang babaeng kaharap.
�A-ano po �yon, Ma�am?�
�Pagsabihan mo ang mga chambermaid mo, ha? Lalo na yong nagngangalang Sonia Soler.
Masyadong bastos sa mga guest.�
Nanggigigil na sa pagpipigil si Jean. Kung hindi pa sana niya alam ang totoo.
�Oh, I�m very sorry for that. Anyway, nakarating na rin sa akin ang bagay na �yan.
In fact, magkakaroon nga kami ng meeting ngayong hapon dahil sa pangyayaring �yan.
I�ll see to it na aayusin ko ang bagay na yan.�
�Well, good! You have to do that.� Bahagya namang umaliwalas ang mukha ng babae
bagama�t nakataas pa rin ang kilay. �Anyway, I have something to ask you.�
�Yes Ma�am, what is that?�
�Well, I was looking for my boyfriend here. Sabi nila ay wala raw dito si Joshua
Fuentebella at hindi nila ito kilala. But I don�t believe them. Imposible �yon.
Sigurado ang report na nakarating sa akin, narito ang magaling na lalaking �yon. At
tiyak, may ginagawang kalokohan kaya ako pinagtataguan.�
At bakit naman hindi ka pagtataguan, ang sama-sama siguro ng ugali mo! sa loob-loob
niya.
�Ah, Ma�am, totoo naman hong wala kaming nakikilalang Joshua Fuentebella. Pero kung
may dala kayong picture niya, baka malaman natin kung nagbago ng pangalan para
walang makaalam na narito siya.�
Nakataas ang kilay na natitigan siya nito, mayamaya ay napangiti.
�Hey! May katwiran ka yata, ah? Hmm, knowing that damn man! Lahat ay kayang gawin
makapagtago lang sa akin! Just wait for me here, ha? Kukunin ko lang sa suite ko
ang picure niya. Ah, teka, ang mabuti pa ay sumama ka na sa akin. At kapag naituro
mo sa akin ang magaling na lalaking yon, may bonus ka sa akin.�
�Sige ho.� Kahit naiinis, sumama siya rito para huwag na itong magalit.
Hmp! Bahala nga kayong mag-away kapag nagkita kayo, sa loob-loob ng dalaga.
�I�m Sylvi, and you are�?� wika nito habang naglalakad na nauuna sa kanya.
�Jean Del Sol po, Ma�am.�
�Hmm, Jean Del Sol, ang baduy naman.�
Lalong umarko ang kilay niya bagama�t hindi na lang kumibo.
MUNTIK nang mabitiwan ni Jean ang hawak na larawan na iniabot sa kanya ng babae.
Kasama ni Sylvi sa larawan ang Joshua na hinahanap nito. Magkayakap ang dalawa, may
kuha namang nakakandong ang babae rito, may kuhang nakasakay sa kabayo.
Magara rin ang suot na damit ng lalaki sa larawan, mamahalin, kumbaga ay walang
dudang makakaya lang magsuot ng ganoong damit ng isang taong maykaya sa buhay.

At ang isang larawan nito na nakasakay sa isang sportscar habang nakasuot ng


helmet, imposible namang ginawa lang nitong props ang sasakyang iyon para magmukha
itong karerista.
Napalunok si Jean habang marahang humahagod ang tingin niya sa mukha ng lalaki sa
larawan.
Josh Montemayor! Tila piniga ang kanyang puso.
�O, natulala ka na riyan. Kilala mo ba?� mataray na untag nito sa kanya.
Napatitig siya sa mukha ni Sylvi. Pinigil niya ang sarili na mapaiyak.
�M-Ma�am, p-parang nakita ko nga siya rito,� gumagaralgal ang tinig na wika niya.
�Talaga? Saan?�
Napalunok muna siya.
�N-noon hong isang araw, d-diyan sa lobby.� Pero gusto pa rin niyang makasiguro.
�P-pero J-Josh Montemayor ho ang narinig kong pangalan niya.�
�Tama! Siya nga iyon. Montemayor ang surname ng kanyang Lola Cassandra. Ang hudyong
iyon, at nag-alias pa. Sa palagay mo, nasaan na siya ngayon?�
Minsan pang napalunok si Jean. This time, tila malalaglag na ang luha sa mga mata
niya.
�M-Ma�am, para hong siya �yong sumakay sa chopper kanina,� pagsisinungaling niya.
Ang totoo ay hindi pa niya alam kung nakaalis na sa isla si Josh. �Ah, e-excuse me
ho. B-baka ho kailangan na ako sa ibaba.�
�Sandali ��
Ngunit hindi na niya pinansin ang pagtawag nito. Tuluy-tuloy siya sa elevator at
hindi pa man iyon sumasara ay nalaglag na ang luha sa mga mata niya.
NAGKULONG sa kanyang silid si Jean. Wala siyang pakialam kung oras pa ng kanyang
trabaho.
How dare you, Josh! Bakit mo ako niloko? Anong ibig sabihin nito?
Ngunit hindi yata siya makakapayag na napagmukha siyang tanga ni Joshua. Kung
nakaalis man ito, she has to do something.
Kahit si Francis, o si Marco, dapat ay makausap niya ang mga ito. Anong pakialam
niya kung ito ang mga boss niya?
Imposibleng walang alam ang dalawa.
Now she�d realize. Set-up ang pagdadala sa kanya ni Joshua sa yate!
Matapos pahirin ang luha, inayos niya ang sarili. Nagsuot siya ng maayos na damit.
Pagkuwa�y diretso siya sa opisina ni Francis.
�I�ve told you, kumplikado yang ginagawa mo.�
Bahagyang naudlot sa gagawin sanang pagkatok si Jean nang maulinigan ang boses ni
Francis.
�Yeah. Pero anong magagawa ko, narito na �to?�
Napakagat-labi si Jean nang makilala ang boses ni Josh.
�Ngayon, paano mo aayusin �yan� Tiyak na manggugulo si Sylvi kapag nakita ka. At
tiyak na mabubuko ka na ni Jean.�
�Kaya nga aalis na muna ako rito sa isla habang narito pa ang babaeng yon, eh.�
�Hah! At paano kung hindi umalis? Kanina nga lang ay nang-away na ng chambermaid
dahil lang sinabing hindi ka kilala.�
�Tiyak na kapag nalaman niya ang pinaggagawa mo ay aawayin ka niya.�
�Napaka-impulsive naman kasi ng babaeng yon.�
�Kasi, pinagtataguan mo.�
�Because I don�t like her anymore. Ang sama ng ugali niya. Napakaselosa at
demanding.�
�Kaya naging selosa, masyado mo siyang pinaibig. Hayan, nang mahulog sa iyo nang
husto ay iniiwasan mo na.�
�Kagaya nang ginawa mo kay Jean, kung anu-anong kuwento ang pinagsasabi mo. Kesyo
anak ka ng mahirap, nagpiyon ka, nagkargador. Jesus! Pinaglaruan mo �yong tao,�
dagdag pa ni Marco.
�Natural na lalalim ang simpatiya sa iyo noong tao. Nakaka-relate siya sa naging
buhay mo, eh.�
�Hey! Bakit ba pinagtutulungan ninyo akong dalawa?� Napatayo mula sa swivel chair
si Joshua. �Kaya ako nagkukulong dito sa opisina ninyo, para huwag akong makita ni
Sylvi. Tapos ay�� Noon napatingin sa pinto ang binata. �Jean!�
Mapakla ang ngiting sumungaw sa mga labi ni Jean, pagkuwa�y hinila niyang pasara
ang pinto.
�Jean!�
Tuluy-tuloy sa dulo ng hallway ang dalaga.
�Jean!� Humabol naman si Joshua sa kanya. �Jean, sandali!� Naabutan naman siya nito
at mabilis na nahawakan sa kamay.
�Bakit?� kalmanteng tanong niya nang lingunin ito. �May bago ka na namang drama sa
buhay? What is it this time, ha? Ah, siguro�y sasabihin mo sa aking hindi totoo ang
narinig ko? Okay, fine! Anyway, ano pa bang halaga ng lahat ng pambobola mo? Nakuha
mo na ang gusto mo sa akin, hindi ba?�
�Jean, hindi naman��
�Get lost!� Nabiling sa sampal ang mukha ni Joshua.
�Jean!� Nasapo nito ang pisnging namula.
�Alam mo, mas okay pa sa iyo si Steven. At least, nagpapanggap lang siyang mabait
para makabiktima, kasi may psychological problem siya. Eh, ikaw, anong problema mo?
You want to prove na ganoon kalakas ang appeal mo sa babae kaya kahit boy ka lang,
kahit asin lang ang kaya mong ipaulam sa babae, o kahit sa kariton mo lang ako
kayang itira, okay lang. Ang mahalaga, kasama kita? Pinaglaruan mo ang emosyon ko,
Joshua Fuentebella.� Hindi na nagawang tumulo ng luha ng dalaga dahil sa galit.
�No! Hindi ��
�Ah, alam ko na. Naging hamon ako sa iyo. Kasi, alam mong mayaman ang gusto ko. You
give me the dose of my own medicine, ha? Well, that�s fine. Now I�ve learned my
lesson. Next time na maghahanap ako ng lalaki, sisiguruhin ko na ang kalagayan niya
sa buhay.�
�What do you mean?�
�What I mean is, magpapatuloy ako sa paghahanap ng lalaking mayaman. Tutal, iyon
naman talaga ang agenda ko sa buhay. Pero ayoko sa kagaya mo. Mayaman ka nga,
insecure ka naman sa sarili mo.�
�Jean, ano bang pinagsasabi mo? Okay, niloko kita sa parteng iyon. Nagpanggap akong
mahirap dahil iyon na ang nasimulan ko dahil hawak ko ang kaso ni Steven. Kailangan
kong magpanggap na boy para hindi halata kapag dumidikit ako sa kanya. Pero ��
�It�s too late, Josh Montemayor. Wala na akong pakikinggan sa sasabihin mo. Wish me
luck na lang para naman makatagpo ako ng hindi pekeng mayaman. Goodbye.� Akmang
tatalikod na ang dalaga.
�No! You can�t do this to me! Wala kang karapatang maghanap ng iba dahil narito na
ako. Tayong dalawa ang ��
�Ayoko na sa iyo. Natikman na kita.�
Napailing-iling si Joshua.
�No, tell that to marines. Mahal mo ako, hindi ba?�
�Noon, hindi na ngayon. Wala ka ng thrill, eh. Hindi na ako mae-excite sa pagsama
sa iyo. Mayaman ka pala. Wala ng magic. Gusto ko �yong gugutumin ako pero bubusugin
sa pagmamahal. O kaya naman, iyong mayaman talaga sa simula pa lang ay alam ko. Mas
masarap paibigin ang ganoon, hindi ba? May thrill.�
�Stop it, Jean! Galit ka lang kaya ��
�Good day, Sir Joshua!� Pahiklas na hinila ni Jean ang brasong hawak nito.
�No!� Ngunit maagap ang binata na nahila siyang pabalik. �Akin ka lang, Jean, akin!
� Saka nito siniil nang halik sa mga labi ang dalaga.
Pilit na itinikom ni Jean ang mga labi. Hindi na siya papayag na matangay sa
kapangahasan nito.
Tiniis niya ang mga sensasyon at kiliting hatid nang mapusok nitong halik.
�Bravo! Bravo!� Kasunod niyon ay palakpak.
Nabitiwan ni Joshua si Jean.
�Sylvi!�
Napaawang ang bibig ni Jean nang makita ang babaeng kanina lang ay kasama niya.
�So, at kaya mo pala kilala ang boyfriend ko, boyfriend mo rin siya. How nice! Ang
galing mong magkunwari nang makita ang picture niya kahit shock na shock ka.�
Maarteng humakbang palapit sa kanila ang babae. �Pero sa narinig ko, mukhang nagoyo
ka ng lalaking ito. Loko talaga �yan, eh. Kasi naman, nasilaw ka sa kaguwapuhan
niya. Sayang, ang ganda mo pa naman, ang tanga mo.� Namaywang pa sa harap ni Jean
ang babae.
Ang pagkagulat sa mukha ni Jean ay unti-unting napalis, ang sumunod ay naningkit
ang mga mata niya sa galit.
�Talaga? Tanga ako?� nakangising humakbang siya ng isa palapit dito. �Thank you.
Eh, ikaw, mas tanga. Ayaw na sa iyo ng lalaki, hinahabol mo pa kahit sa dulo ng
impiyerno!�
�Aba�t ��
�Para kay Sonia na tinaray-tarayan mo kanina!� Walang babalang lumagapak sa pisngi
nito ang palad niya.
�Ouch!� Bahagya itong napaurong dahil sa lakas ng sampal niya.
�Jean!� Akmang lalapit sa kanya si Joshua.
�Get lost! Magsama kayo ng babaeng �yan!� Pagkawika niyon ay binirahan niya nang
takbo palayo.
�Jean!�
�Hoy lalaki, akong harapin mo!� Kandaiyak na hinila ni Sylvi sa kuwelyo si Joshua.
�Sylvi, it�s all over between us. Sinabi ko na sa iyo �yon, hindi na?� kalmanteng
wika ni Joshua habang pagigil na binaklas ang kamay nito sa kuwelyo niya.
�It�s all over? Ganoon lang? Pagkatapos ng lahat, iiwan mo akong parang basahan?�
�Sylvi, may usapan tayo, walang commitment.�
�May nangyari sa atin!�
�Ikaw ang may gusto niyon. Ikaw ang nagsabi na okay lang sa iyo. Isa pa, alam kong
nakikipagrelasyon ka pa rin sa iba, habang tayo pa. Kaya nga iniwasan na kita, eh.
Alam kong liberated ka, pero hindi ko gusto na marami kami.�
�Joshua!�
�Bakit ka nagulat? Akala mo ba�y hindi ko alam?�
�S-si Ferdie ay hindi ko naman ��
�And how about Nick? Hindi ba�t nakipag-one night stand ka sa kanya?�
�K-kasi�y ��
�Get out of my life, Sylvi. Kahit na anong habol ang gawin mo sa akin, wala na
tayo. Alam ko naman ang dahilan mo sa paghahabol sa akin, eh. As of now, nakabaon
sa utang ang papa mo. Natalo siya ng milyong halaga sa casino, right?�
�Joshua!�
�Reliable ang source ko, hindi ako lolokohin. And besides, kahit na hindi ko
nalaman ang tungkol doon, talagang wala kang aasahan sa akin.�
�How dare you?�
�Yes, how dare me. So, get out of my life. Hindi ako ang lalaking hinahanap mo na
magsasalba sa nalustay na kayamanan ninyo.�
�You�re going to pay for this!� Galit na umalis si Sylvi.
Ngunit balewala kay Joshua ang galit na iyon ng babae. Si Jean ang nasa isip niya.
Litong hapasuklay ang mga daliri niya sa sariling buhok habang napapabuga sa
hangin.
�Joshua, halika muna sa office. Pag-usapan natin ang problema.� Inakbayan ni
Francis ang pinsan upang dalhin sa loob.
Tila batang nalilito na naging sunud-sunuran na lang siya rito.
MATAGINTING ang halakhak ni Jean habang kausap si Mr. Norman Wright, isang
amerikanong guest ng resort.
�Talaga, Mr. Wright? Gusto ninyo akong dalhin sa Amerika at pakasalan?� nakangiting
wika ni Jean sa wikang ingles.
�Oo naman. You�re so beautiful, Jean. Ikaw ang pangarap kong makasama habang buhay.
Kasabihan ang mga Filipina bilang mahusay at mapagmahal na maybahay. Kaya nga
narito ako sa Pilipinas. Naghahanap ako ng babaeng magiging pangalawang ina ng mga
anak ko.�
�Aba, Filipino custom, manligaw ka muna bago kita sagutin.�
�Oo naman. Kaya nga pinadalhan kita ng mga bulaklak. Alam kong paborito mo ang mga
white roses.�
�Salamat. Pero gusto ko pa ring malaman mo na bago ako lumagay sa ganyang
sitwasyon, gusto ko munang masiguro na ang iiwan kong pamilya rito sa Pilipinas ay
nasa mabuting kalagayan.�
�Walang problema, Jean. Mahalin mo lang ako, ililipat ko sa pangalan mo ang
mansiyon na nabili ko sa Valle Verde. Doon mo patirahin ang pamilya mo.�
�Wow! Okay �yan, ah!�
�So, tinatanggap mo na ba ang pag-ibig ko?�
Ngumiti si Jean, saka nilaru-laro ang kopitang may lamang champagne.
�Iisipin ko pa.�
�Jean ��
�Gusto ko munang makasiguro. Well, kung naiinip ka na, bahala ka.�
�Hindi � hindi ako naiinip. Nakahanda akong maghintay sa kasagutan mo.�
�Good! Anyway, excuse me, ha? Punta lang ako sa restroom.�
�Sure.�
Naiiling na nangingiti si Jean habang patungo sa restroom.
May tatlong araw pa lang niyang nakikilala si Norman Wright, pero nangungulit nang
makuha ang kanyang pag-ibig.
No way! Hindi muna ako magpapaloko sa mga lalaking kagaya ninyo.
Sisiguruhin ko na bago ko siya sagutin, nasa pangalan ko na ang mansiyon na
sinasabi niya. Hindi na ako papayag na muling magoyo at masaktan. Tutal, lokohan
ang laban, so be it! Ang mahalaga, mahango ko sa hirap ang pamilya ko.
Matapos mag-retouch ng make-up sa restroom ay lumabas na si Jean. Pero ang totoo,
wala siyang balak na balikan si Norman sa restaurant.
Hahayaan niyang magmukhang tanga ang Amerikanong iyon.
Mas gusto niyang matulog na. Maaga ang duty niya bukas, kailangang magising siya
nang maaga.
�Jean��
�Josh!� Bahagya pa siyang napaatras nang humarang sa daraanan niya ang binata. �Ano
na naman ang kailangan mo?� asik niya na agad na nahamig ang sarili.
Araw-araw na siyang kinukulit ni Joshua na makausap, at hindi niya ito
pinagbibigyan. Sanay na siyang bubuntut-buntot ito sa kanya sa resort.
�Let�s talk.�
�Ng ano? Ng mga kuwento ng buhay mo? Ay, sorry, inaantok na ako. I�m tired.�
�Saan, sa pakikipagbolahan sa puting-unggoy na iyon?� Pagigil na hinawakan nito sa
braso ang dalaga.
�Ay! Ano ka ba? Bitiwan mo nga ako!� Nabigla siya. Ngayon lang naging mapangahas sa
kanya ang binata.
�Hindi! Mag-uusap tayo. And this time, kailangan mong makinig!�
�Ayoko nga! Bakit ba ang kulit-kulit mo? At saka bakit ka nag-eespiya sa ginagawa
ko? Tapos na ang oras ng trabaho ko rito, wala ka nang pakialam kahit na ano ang
gawin ko. Isa pa, itigil mo na �yang ilusyon mo na mahal kita, ha? Ang minahal ko
ay ang Josh na mahirap, construction boy, tubero at kung anu-ano pang mahirap ang
trabaho. Hindi si Joshua Fuentebella na manloloko at mayaman.� Gigil na hinila niya
ang braso at nagmamadaling humakbang palayo rito.
Ngunit hindi papayag si Joshua na makalayo siya.
�Halika nga!� Muli nitong hinaltak sa braso ang dalaga.
�Aray! Nakakasakit ka na, ah!�
�Ako, hindi mo sinasaktan sa ginagawa mo, ha? Kung makatawa ka kapag kausap mo ang
kano na iyon, labas ang ngala-ngala mo. At may pahampas-hampas ka pa sa braso niya,
ha? Eh, kung ihampas ko kaya siya sa apat na sulok nitong hotel, ha?� Lalo naman
nitong pinanggigilang pisilin ang braso niya.
�Aba, bahala ka! Pakialam ko sa inyo. At saka puwede ba, huwag ka ngang umarte na
para bang boytriend, o asawa kita na nagseselos. Hindi bagay sa iyo, ano?�
�Damn it! Wala akong pakialam kung hindi bagay sa akin. Ang gusto ko ay sundin mo
ang sinabi ko. Stay away from him. Baka mamaya ay kagaya siya ni Steven na killer-
maniac pala.�
�And so? Wala ka na roon, ano? Problema ko na kung papatayin pala niya ako, o
anupaman. Kung ako sa iyo, uuwi na ako sa Manila. Hindi ka bagay dito, konti lang
ang babaeng maloloko mo rito dahil kilala na nila na bolero at manloloko si Joshua
Fuentebella.�
�Stop it! Isang tanong isang sagot.�
�Aba, at nag-demand pa.� Tinaasan lang niya ito ng kilay. Hindi nito dapat mahalata
na apektado na siya sa simpleng hawak lang ng kamay nito sa braso niya.
�Hindi ka ba talaga lalayo kay Norman Wright?�
�At kung sabihin kong hindi, may magagawa ka ba?� Naghahamon ang tinig niya na
nakipagtitigan pa rito.
�Meron.�
�At ano �yon?�
Mabilis ang sumunod na kilos ni Joshua. Basta na lang nagdilim ang kanyang paningin
nang may malanghap na mabaho matapos nitong takpan ang kanyang ilong. Kasunod niyon
ay nawala na siya sa karimlan.
NAGISING si Jean na masakit ang ulo. Iyong pakiramdam na may mabigat na bagay na
nakadagan sa sikmura niya ay damang-dama niya. Pati ang mainit na bagay na tumatama
sa kanyang pisngi ay hindi nakaligtas sa kanyang pandama.
Nasaan ba ako? Bahagya siyang lumingap sa paligid. Josh! Para lang magulat nang
matuklasang katabi niya sa higaan si Joshua. Mahimbing itong natutulog habang
nakaunan ang mukha sa balikat niya at nakayakap ang isang braso sa kanyang tiyan.
Ang hudyong ito! Pagdaka ay parang gustong mag-alsa ng kanyang galit. Josh! Pero
nang muli niyang sulyapan ang katabi, may fondness na sumungaw sa kanyang mga mata
nang matitigan ang guwapo nitong mukha.
Ah, ilang araw na ba niyang tinitikis ang lalaking ito? Ilang araw na niyang
sinasabi sa kanyang sarili na hindi na niya kailangan ang nakasanayang mga halik at
yakap mula rito?
Pero ngayong katabi na niya ang binata�
Josh� Ganoon na lang ang kanyang pagpipigil na haplusin ang pisngi nito, nakawan ng
halik ang mga labing nakatikom�
Marahang nagmulat ng mga mata si Joshua, marahil ay naramdaman nito na may mga
matang nagmamasid dito.
�Jean��
�H-ha?� Napaawang ang kanyang bibig, huling-huli siya sa ginagawang pagtitig dito.
�Hayup ka!� At kailangan niyang �magalit�, cover-up sa pagkapahiya. �Anong ginawa
mo sa akin? Bakit narito ako?� Galit na pinagbabayo niya sa dibdib ang binata.
�Jean, sandali!� maagap naman nitong nahuli ang mga kamay niya. Pagkuwa�y walang
anumang itinaas iyon sa kanyang ulunan at idinagan ang katawan sa kanya.
�Hayup ka! Anong ginawa mo sa akin?�
�Wala! Anong gagawin ko sa iyo?�
�Hudyo ka! Nagtatanong ka pa, hayan at nararamdaman ko, nakahubad ka! At nakahubad
din ako!� kandaiyak na wika niya.
�Pero wala akong ginawa sa iyo� wala pa,� namimilyo nang wika ng binata na marahang
humagod ang paningin sa kanyang mukha, patungo sa leeg, hanggang sa dibdib na
ngayon ay nalantad na sa paningin nito dahil naalis ang kumot na nakatakip sa
kanilang katawan.
�Damn you! At ano pa ba ang dapat mong gawin sa akin? Wala ka ng karapatan na ��
�Sshh!� Saka nito inangkin ang mga labi niya.
No! sigaw ng kanyang utak habang pilit na iniiwas ang mukha sa mukha nito.
Ngunit masigasig si Joshua. Binitiwan nito ang mga kamay niya at ang mukha niya ang
inipit ng mga palad. Tuloy ay sakop na sakop ng mga labi nito ang mga labi niya.
Hindi! Ayoko! Pilit pa ring nagwawala si Jean kahit damang-dama niya na tuluyan
nang nakapasok sa loob ng kanyang bibig ang humahalihaw nitong dila.
Gayunpaman, hindi naman niya magawang kagatin iyon.
Baka masaktan si Joshua.
Isa pa, bakit bigla yata ay gusto niyang aminin sa sarili, she missed his kissses,
his hug�?
Iyong pakiramdam na nanghihina na ang lahat ng depensa niya sa katawan ay damang-
dama niya. Hanggang tuluyan siyang manlata sa panlalaban.
Hanggang hinayaan na lang niyang magpakasawa ito sa pag-angkin sa mga labi niya�
hanggang aminin niya sa sarili� gusto na niyang tugunin ang mapusok nitong halik.
Josh� napasinghap siya, kasabay niyon ay nagsimulang gumalaw ang mga labi niya,
gumagagad, nanggagaya sa galaw ng mga labi nito.
Jean� At hindi nakaligtas iyon sa pakiramdam ng binata. Kaya ang mapusok nitong
halik ay naging marubdob.
Mayamaya pa ay nagsimula nang dumama ang palad nito sa kanyang kabuuan.
Pamilyar na kay Jean ang init na hatid ng mga palad nito. Ang mga kiliti at
sensasyong ipinadarama sa kanya sa tuwing sasambahin nito ang kanyang katawan�
At noon at ngayon, walang pagkakaiba ang epekto niyon sa kanya�
Hindi niya napigilang mapasinghap� kasunod niyon ay napasunod ang kanyang katawan
sa galaw ng katawan nito� napapaigtad siya, napapabaling-baling ang ulo.
Mayamaya ay naging mas mapangahas na naman si Joshua. Iniwan nito ang mga labi
niya, kasunod ay dahan-dahang nagpadausdos pababa.
Alam ni Jean ang balak nitong gawin, kagaya noon� at ayaw sana niya�
Lalo siyang ipagkakanulo ng kanyang kahinaan�
Pero gusto niyang muling madama ang kapangahasang iyon ni Joshua.
Mariin na lang niyang ipinikit ang mga mata, kasabay nang mariing pagkagat sa
kanyang mga labi.
Josh� Hanggang maramdaman niya na tila na siya nababaliw dahil sa kaluwalhatiang
hatid ng ginagawa nito sa kanyang katawan.
Hanggang tuluyan siyang sumuko�
Ang tanga niya!
Dahil sa mga sandaling iyon, alam niyang batid na ni Joshua na ito pa rin ang may
kapangyarihan sa buo niyang pagkatao.
But who cares? Ang mahalaga, walang salaping maaaring itapat sa kaligayahang
ipinalalasap sa kanya ni Joshua ngayon�
IMPIT na hikbi na lang ang maririnig sa silid na iyon, habang marahang hinahaplos
ni Joshua ang kanyang buhok.
�Jean, please stop it. Wala namang namatay, ah. Bakit ka ba iyak nang iyak?�
Mahigpit nitong yakap ang dalaga na nakasubsob sa dibdib nito.
�Nagtatanong ka pa?� asik niya gayung hindi naman umaalis sa pagkakasiksik sa
dibdib nito. �Pinaglaruan mo na naman ako!�
�Sweetheart, hindi totoo �yan. Hindi kita pinaglalaruan, okay?� Masuyo nitong
itinaas ang baba niya upang magtama ang mga mata nila.
�At anong tawag mo sa ginawa mong ito? Pinatunayan mo na naman na kayang-kaya mo
akong paglaruan sa mga palad mo! N-na kaya mo akong pasunurin sa lahat ng sasabihin
mo! Na kaya mo akong ��
�Sshh!� Iniharang nito ang isang daliri sa mga labi niya. �Hindi kita
pinaglalaruan, okay? Ako ang napaglaruan mo, Jean.� Malamlam ang mga matang tumitig
ito sa kanya.
�Aba�t ako pa ang ��
�At anong tawag mo sa nangyari sa akin sa ilang araw na pag-iwas mo? God! Para
akong mababaliw sa tuwing maiisip ko na baka mapasagot ka na ng Norman na �yon.
Baka sumama ka na sa kanya at mawalan na ako ng pagkakataong makapagpaliwanag sa
iyo. Kung puwede nga lang na lunurin ko na ang lalaking iyon tuwing lalapit sa iyo,
ginawa ko na. Pero ang mas higit na parusang nadarama ko ay kapag naiisip kong
hahawakan ka niya. Nobody can touch you, can hold you and kissed you except me.
Dahil kapag nagkaroon, papatayin ko sila.�
�Hmp! Ang OA mo, ha?� Inirapan niya ito. Pero ang totoo, unti-unti na namang
nalulusaw ng mga salita nito ang pagdaramdam sa kanyang puso.
�Siguro nga. At tama ang sabi nina Francis, tulingag ang mga lalaking Fuentebella
kapag natutong magmahal. At mahal na mahal kita, Jean. Wala na akong pakialam kung
mayaman ang gusto mo para lang mahalin mo rin. Ang mahalaga, akin ka lang. Sabihin
mo lang kung ano ang gusto mo, ibibigay ko sa iyo.�
�Tse! Hindi ko kailangan ang pera mo!�
�At anong kailangan mo?�
Dahan-dahan niya itong sinulyapan, in a seductive way.
�Ikaw�� malambing niyang anas. �Ang pag-ibig mo, ang mga yakap mo, ang halik mo.
Kahit magdildil ako ng asin, basta mahal kita.�
�Talaga? Naniniwala ka na sa akin na hindi ko sinasadyang magpanggap sa iyo? Na
kaya ko lang itinuloy iyon dahil akala ko�y hindi mo pansin ang ��
�Kiss me more, Josh, make love to me again, saka mo sagutin ang sarili mong
tanong.�
Napangiti si Joshua. Isa iyong kahilingan na hindi nito ipagdadamot na ibigay sa
kanya.
Lalo pa at damang-dama nito ang pangangailangan niya�
�Oo ba. By all means, Sweetheart�� Pagkuwa�y muli silang natahimik.
Sa labas ng yate kung saan tinangay ni Joshua ang dalaga, unti-unting lumakas ang
pag-alog ng yate, hindi dahil sa lumakas ang alon, kundi dahil sa�
WAKAS

You might also like