Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

Module No.

08
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO Week 13
Lesson Title Iba’t Ibang Sitwasyon ng Paggamit ng Filipino
Lesson Target  Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga kalagayang
pangwika sa kulturang Pilipino
 Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika na ginagamit sa
iba’t ibang sitwasyon (Halimbawa: Medisina, Abogasya, Media, Social
Media, Enhinyerya, Negosyo, at iba pa) sa pamamagitan ng pagtatala ng
mga terminong ginamit sa mga larangang ito.
 Nakagagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa pagsusuri at
pagsulat ng mga tekstong nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon
ng
paggamit sa wika.
References Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Diwa. 2016
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. C&E. 2016
Sidhaya 11. C&E. 2016
Daloy ng Wika. Brilliant Creations Publishing, Inc. 2016

Panimula

Ang isang salita ay may tiyak na tungkuling ginagampanan sa pahayag. Ang mga salitang bumubuo sa
daloy ng diskurso ay kumakatawan sa kalagayan ng wika sa kulturang Pilipino o larangang
pinaggagamitan nito. Ang bawat larangan ay may kani-kaniyang mga terminolohiyang tumutugon sa
pangangailangan ng mga taong gumagamit nito. May mga salita sa Medisina na hindi ginagamit sa
Abogasya gayundin sa pamilihan at paaralan. May mga terminolohiyang naiiba ang kahulugan
depende sa larangang kinabibilangan nito.

Sa modyul na ito, masusuri ang register ng wika na magpapakita ng kalagayang pangwika sa kulturang
Pilipino.

Ang Baryasyon ng Wika

 Sa sosyolinggwistika, ito ay salita para sa pagkakaiba iba ng porma ng wika.

 Kadalasan ding ginagamit ng mga linggwista ang barayti/baryasyon ng wika para sa


pagkakategorya ng wikang mula sa iisang sanga.

a. Heyograpikal – Pagbabago ng wika sa lugar. (Ilokano sa La Union, Pangasinan, Ilocos, sa


ilang bahagi ng Baguio)

b. Sosyal – Pagbabago ng wika sa kahingian ng sitwasyon at taong kasangkot. (kaswal sa


kapamilya, kaibigan o kakilala at pormal naman sa pagtitipon, pagpupulong o
kasiyahan)

c. Okupasyunal – Pagbabago ng wika sa kahingian ng propesyon o hanapbuhay. (Literatura,


Korte, Simbahan, Medisina)

 Sa mga pag-aaral, napatunayan ang kahalagahan ng relasyong sosyal sa pagpapayaman at


pagpapaunlad ng wika.

 Tinatawag na convergence ang pagkakataon na ang nagsasalita ay iniiba ang pananalita ayon
o batay sa kaangkupan nito sa kanyang kausap upang higit na makapalagayang loob.
Samantala, tinatawag namang divergence ang sapilitang pagbabago ng pananalita ng isang tao
upang mapansin ang kanyang kaibahan, di-pakikiisa o pagpapaalam ng kanyang sariling
identidad. (Teoryang Akomodasyon, Howard Giles)
 Nagkakaroon ng barayti ng wika dahil sa etnograpiya ng komunikasyon na tumutukoy kung
pormal o impormal ang estilo ng usapan batay sa kalahok sa komunikasyong sitwasyon o
paksa sa isyung pinag-uusapan (Hymes, 1972).

 Ang pisikal na lugar na kinaroroonan ng mga tao at ang klase ng komunidad na nalikha nila
ay malaking impluwensya sa wika.

 Ang istadardisasyon ng wika ang ideyal na barayti ng wika upang maging pangkalahatan,
nangangahulugan ito na wala ng magiging pagkakaiba sa pagbigkas, baybay at
pagpapakahulugan sa bawat salita.

 Ang istandardisasyon ang inaasahang unipormeng magagamit sa gobyerno, akademiya,


media, komersyo, at iba pang malaganap na larang upang magtuloy-tuloy ang unawaan at
mawala ang balakid sa diskurso.

 Halimbawa ng implikasyon sa istandardisasyon ng wika ay sa salitang "urong", sa Tagalog-


Rizal/Bulacan ito ay nangangahulugan ng paghuhugas ng pinggan, samantalang sa mga taga-
Maynila, ito ay pag-uusog ng isang bagay. Gayundin ang salitang yumao, sa ilang Katagalugan,
ang yao ay nangangahulugan ng alis o umlis, samantalang sa iba naman, ito ay pagpanay o
pagkamatay.

 Ang sosyolek o Social Dialect ay kolektibiong wikang gamit ng partikular na grupo ng mga tao
ayon sa kanilang propesyon o komunidad. Maaaring ito ay bunga ng natamong edukasyon,
trabaho, grupo sosyo-ekonimiko, kaanak, kasarian at iba pa.

 Dahil sa dimensyong sosyal ng wika, nagbubunsod din ito sa barayti/rehistro ng wika na may
kinalaman sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika.

 Ang rehistro ng wika ay nakikita o ginagamit sa isang partikular na disiplina, gaya ng


jargon para sa mga doctor, abogado, call center agent at iba pa.

Rehistro ng Wika

 Static Register – Bibihirang istilo ng wika dahil piling sitwasyon lamang ang ginagamitan. Hindi
nagbabago o matagal ang pagbabago. (Panunumpa sa Husgado, Mga Pagsasabatas,
Pananalita ng mga Magsisipagtapos, atbp.)

 Formal Register – Ang wikang ginagamit sa ganitong sitwasyon ay isahang-daan na daluyan


lamang (one-way). Ito rin ay wikang ginagamit sa paarfalan at pamantasan. Kadalasang
impersonal. (Pagtatalumpati, Homilya, Deklarasyon atbp.)

 Consultative Register – Wikang may pamantayan. Ang mga gumagamit ng wikang nasa
ganitong sitwasyon ay katanggap-tanggap para sa magkabilang panig ng struktura ng
komunikasyon. Ito rin ang wikang ginagamit sa negosasyon, pulong, at pagtitipon. (sa pag-
uusap sa pagitan ng doktor at pasyente, guro at mag-aaral, abogado at kliyente, atbp.)

 Casual Register – Impormal na wika na kadalasang ginagamit sa malalapit na kakilala o


kaibigan. Ang pagbibiro at paglolokohan o paggamit ng mga koda / pananagisag ay normal. Ito
ay wika ng isang pangkat, kinakailangang kabilang ka sa grupo upang makakonekta sa usapan.
Ito rin ay ginagamit da berbal na talstasan sa bahay, lansangan, kwentuhan, huntahan at iba
pa.
 Intimate Register – Pangpribadong pakikipag-usap. Ito ay limitado lamang sa mga matatalik
na kasama sa bahay o espesyal na tao sa buhay. (Usapang mag-asawa, magkasintahan,
magkapatid, mag-ina o mag-ama, atbp.)

Gabay sa Rehistro ng Wika


(International Organization for Standardization, Language Registers, 1998)

URI KAHULUGAN HALIMBAWA


Neutral Karaniwang ginagamit ng lahat sa maraming Agham, buhay, Matemetika,
sitwasyon, larangan at pagkakataon. makina, sistema, mapa
Teknikal Nakaayon ang kahulugan sa partikular na larangan Dextrose, turbo engine, power
at propesyon. drill,flashdrive, lesson plan
In-house Ginagamit at nagmumula lamang sa isang Lapad – pera sa Japan at taguri
kompanya, grupo o lugar. ng mga OFW doon.
Bench-level Terminong kadalasan ay tumutukoy sa isang Bling-bling, Android, Grab, Uber
gadget o aplikasyon sa kompyuter at iba pa at
gamit ng mga nagtataglay nito.
Slang Taguri rin sa balbal na wika, impormal na termino Datung, ermat, utol, yosi, chika
para sa impormal na sitwasyon
Vulgar Hindi dapat gamitin sa publiko o pormal na usapan Pagmumura, mga salitang
dahil sa implikasyong moralidad, kagandahang- tumutukoy sa maseselang
asal at kultura. bahagi ng katawan

Module No. 09
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA Week 14-15
AT KULTURANG PILIPINO
Lesson Title Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino
 Kakayahang linggwistiko/istruktural/gramatikal
 Kakayahang sosyolingwistik: pag-unawa batay sa pagtukoy sa sino,
paano, kailan, saan, bakit nangyari ang sitwasyong kumunikatibo
Lesson Target  Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto
ng paksang napakinggan sa mga balita sa radyo at telebisyon
 Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan.
 Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga
usapan o talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon,
layunin, at grupong kinabibilangan.
References Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Diwa. 2016
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. C&E. 2016
Sidhaya 11. C&E. 2016
Daloy ng Wika. Brilliant Creations Publishing, Inc. 2016

Panimula

Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, sa anyong berbal man o sa anyong di-berbal, ang kanyang


kakayahan sa larangan ng pagpapahayag ay lagi ng nasasangkot. Sa kahusayan niya sa
pagpapahayag nakasalalay ang linaw ng mensaheng nais niyang iparating sa kanyang kapwa.

Upang ang tao ay mag-angkin ng isang mabisa at maayos na paraan ng pagpapahayag tungo sa isang
matagumpay na pakikipagkomunikasyon, nararapat na paunlarin niya ang kasanayang pangwika. Ang
kasanayang pangwikang ito ang magiging tuntungang kaalaman ng isang tao upang mabisa niyang
maipahayag ang mensaheng nais niyang ipaabot.

Sa modyul na ito, masusuri ang wastong gamit ng mga salita sa pakikipagkomunikasyon.

Kakayahan ng Wika

 Komunikatibo – kakayahan sa paglalapat ng mga kaalamang lampas sa gramatika, ang layon


nito ay para sa pagkakaunawaan.

 Lingguwistika – siyentipikong pag-aaral ng wika. Pagsusuri sa istruktura, katangian, pag-unlad, at


iba pang may kaugnayan sa wika.

 Upang masabi na maykakayahang komunikatibo,kailangang tinataglay niya ang kakayahang


panlingguwistika at gramatika (Tiongan, 2011).

Istruktura ng Wika

 Ang ponema, morpema at sintaks ang tutugon sa pagsusuri ng istruktura ng wika.

Ponema

 ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog na nagbibigay kahulugan sa isang wika.

 hango sa salitang Griyego na phonema (tunog)


 Ponolohiya -- ang tawag sa maagham na pag-aaral ng tunog -- pinag-aaralan ang wastong
bigkas ng mga tunog.

 Tatlong Salik sa Pagsasalita

1. Enerhiya (Energy) - nilikhang presyon ng papalabas na hiningang galing sa baga

2. Artikulador (Articulator) - nagpapakatal sa mga babagtingang pantinig (Vocal)

3. Resonador (Resonator) - nagmomodipika ng tunog. Ang bibig at guwang ng ilong ang itinuturing
na resonador.
 Ang wikang Filipino ay may 21 ponema : 15 ang katinig, 5 ang patinig at ang impit na tunog /’/
sa dulo ng salita.

Mga katinig:

Panlabi (sounds produced by the lips) - B, P, M

Pangipin (sounds produced by the teeth) - D, N, T

Panggilagid (sounds produced by the gums) - L, R, S

Pangngalangala (sounds produced by the throat) - K, G, Ng, W

Pasutsot (sounds produced by exhaling) – H, /‘/

Mga Patinig:

A, E, I, O, U

Dagdag na walong kating na salita na may dalal-dala ring tunog.

C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z

 ang bawat ponema ay maaaring makapagbago ng kahulugan ng isang salita (kontrast)

Hal. nasa - pasa – nangangahulugan na ang /n/ at /p/ ay makabuluhang tunog

 maaari ring di makapagpabago (malayang nagpapalitan)

Hal. babae-babai ; lalake-lalaki


 Diptonggo/ Malapatinig - alin man patinig na sinusundan ng malapatinig na w at y.

Halimbawa :

aw, iw, ay, ey, iy, oy at uy. (bahaw, bahay, okoy, baliw)

 Klaster- kambal na magkaibang katinig sa isang

pantig Hal: tra-ba-ho, kla-se, bra-so, swel-do

 Pares Minimal – ang tawag naman sa dalawang magkaibang ponema na nasa magkatulad na
posisyon, may parehong pagbigkas, ngunit magkaiba ang kahulugan.

Hal: pala – bala: sulat – sukat: tubo - kubo

 Ponemang Suprasegmental – tono, haba, diin, antala

Hal: (patanong) pon? (pasalaysay) ha

Ka (3) Ka (3)

(2) ha (2) pon.

(1) (1)

taLa – list BAsa – read

Tala – star baSA – wet

Morpema

 Ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan.

 Maaaring isang salitang-ugat, isang ponema o isang panlapi

 Istem/ Salitang- ugat – ay ang payak na salitang walang panlapi. Ang mga ito ay maaring
pangngalan, pang-uri at pandiwa. (ina, dilaw, takbo)

 Morpemang binubuo ng isang ponema -Matatagpuan ito sa mga salitang buhat sa Kastila–
senado/ senadora; kusinero/ kusinera, sa mga salitang nagtatapos sa o na nangangahulugan
ng lalaki at sa mga salitang nagtatapos sa a na nangunguhulugang babae— barbero/
barbera; Aurelio/ Aurelia at iba pa.

 Panlapi– tinatawag na di- malaya sapagkat nalalaman lamang ang kahulugan nito kapag
naisama na ito sa istem/salitang-ugat. Tinatawag na panlaping makangalan, kapag ang
nabubuong salita ay pangngalan; panlaping makauri, kapag ang nabubuong salita ay pang-uri
at panlaping makadiwa, kapag ang nabubuong salita’y pandiwa. (masaya, kinulayan, umawit)

 Bukod sa mga istem at mga panlapi , nakabubuo rin ng mga bagong salita sa pamamagitan ng
pag-uulit at pagtatambal ng mga salita .

 Pag-uulit - - may tatlong paraan

a. Parsyal o di-ganap na pag-uulit – unang pantig lamang ang inuulit . Hal. babasa , susulat ,
aawit

b. Ganap na pag-uulit – buong salitang-ugat ang inuulit . Hal. Araw-araw , gabi-gabi

c. Kumbinasyon ng parsyal at ganap na pag-uulit hal . Tutulog-tulog , sasayaw-sayaw , aalis-


alis
 Pagtatambal – pinagsasama sa isang pahayag ang dalawang salitang pinagtambal para
makabuo ng isang salita .

a. Malatambalan -- hal . Tsaang-gubat , bahay-ampunan

b. Tambalang-ganap — hal . Bahag+hari =rainbow; balat+sibuyas = maramdamin

Pagbabagong Morpoponemiko

 Anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya ng mga


katabing ponema.

Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko

 Asimilasyon - / ŋ/ o / ng / ; napapalitang ang / ŋ/ ng /m/ kung ang tatabihan nito ay /p/ o /b/
sa inisyal na pusisyon at papalitan naman ng /n/ kung /d/, /l/, /r/, /s/, /t/ ang tatabihan nito.

a . Asimilasyong di - ganap / parsyal

hal . Pampalengke, pambayad, pandama, pangkahoy

b. Asimilasyong ganap (nawawala ang isang ponema)

hal . Pamalengke , panalo, pamahay ,panabing, pangahoy

 Pagpapalit ng Ponema

a. /d/-- /r/ ≈ madami ≈ marami –pag patinig ang hulihan ng unlapi.

b. /d/ -- /r/ ≈ lipad+ -in ≈ lipadin ≈ liparin [-in/ -an] ,pahid+ -an ≈ pahidan ≈ pahiran

c. /h/ -- /n/ ≈ kuha+han ≈ kuhahan ≈ kuhanan

d. /o/ -- /u/ ≈ laro+an ≈ laruan , dugo ≈ duguan

 Metatesis/ Maylipat

a. Nagkakapalit ng pusisyon ang /l/ o /y/ ng salitang-ugat kapag ginigitlapian ng [-in] ang mga
ito.

hal. -in- + laro ≈ nilaro, -in- + yari ≈ niyari, -in- + regalo + an ≈ rinegaluhan ≈ niregaluhan

b. Pagkakaltas ng ganap

hal. silid + an ≈ silidan ≈ sidlan, atip + an ≈ atipan ≈ aptan

 Pagkakaltas ng Ponema -- kung ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay


nawawala sa paghuhulapi nito.

hal. Bukas + an ≈ bukasan ≈ buksan, asin + an ≈ asinan ≈ asnan

 Paglilipat- diin -- kapag nilalapian ang mga salita, nagbabago ang diin nito.

hal. BAsa + -hin ≈ baSAhin , takBO+ -han ≈ takBUhan, uWI + -an ≈ uWIan
Sintaks

 Ang pagkakaalam kung paano pinagsasama-sama ang mga salita para bumuo ng mga
parirala at mga sugnay.

 Ito ay may kinalaman sa sistema ng mga tuntunin at mga kategorya na siyang batayan
ng pagbubuo ng mga pangungusap.

 Pag-aaral ng istruktura ng mga pangungusap.

 Tinatawag ding palaugnayan na may kinalaman sa sistema ng pag-uugnay-ugnay ng mga


salita upang bumuo ng pangungusap.

Parirala - lipon ng salita na walang paksa o simuno at panaguri at wala ring buong diwa o kaisipan.

Halimbawa: mag-aral magmaneho; hinggil sa pagpapabahay sa mahihirap

Sugnay – Ito ay lipon din ng mga salita na maaring may diwa at maari ring wala. Maari rin itong
magkaroon ng paksa at panaguri at maari ring wala.

Sugnay na Makapag-iisa/Malayang Sugnay/ Punong Sugnay- nagtataglay ng buong diwa o


kaisipan . (payak na pangungusap)

Halimbawa: Ako ay nakahiga. ; Ang batang matalino. ; Samahan mo kami sa sine!

Sugnay na di-makapag-iisa/Pantulong na Sugnay - Wala itong diwa kung di isasama sa isang


punong sugnay. Nagsisimula ito sa isang pangatnig.

Halimbawa: Ako ay nakahiga nang siya ay dumating. ; Kung aalis ka, iwanan mo ang susi.

Pangungusap

 Isang sambitlang may patapos na himig sa dulo na may buong diwa.

 Lipon ng mga salita na binubuo ng paksa at panaguri upang maipabatid ang mensahe.

 Paksa- pinag-uusapan sa pangungusap; Panaguri-nagbibigay turing sa paksa.

Karaniwang Ayos ng Pangungusap- nauuna ang panaguri kaysa paksa.

Halimbawa: Taunang ipinagdiriwang sa Kalibo, Aklan ang Ati-atihan.

Di-Karaniwang Ayos ng Pangungusap- nauuna ang paksa kaysa panaguri at idinaragdag ang
panandang ay.

Halimabawa: Ang Ati-atihan ay taunang ipinagdiriwang sa Kalibo, Aklan.

Anyo ng Pangungusap:

 Payak na pangungusap – binubuo ng isang paksa at isang panaguri na may iisang diwa.
May payak na paksa at payak na panaguri . Hal. Pinsan ko po siya . May tambalang paksa
at payak na panaguri . hal . Nagsusulat ng komposisyon ang guro at ang mga mag-aaral .
May payak na paksa at tambalang panaguri hal . Ang mga bata ay nagsasayaw at umaawit
. May tambalang panaguri at tambalang paksa . hal . Namimili ng paninda sa ibang bansa at
nagbebenta sa Pilipinas sina Aling Nena at Menchie.

 Tambalang Pangungusap - binubuo ng dalawang magkatimbang na payak na


pangungusap, dapat magkaugnay ang mga ito at nagkakaisa sa kahulugan . Pandugtong =
pangatnig = at, o, pero , ngunit , subalit o datapwat Hal. Pumunta kami sa Mall of Asia at
nakita naming lahat si Alden Richards.

 Hugnayang Pangungusap - Binubuo naman ito ng dalawang sugnay. Buo ang diwa ng
isang sugnay , habang ang isang sugnay ay hind. Pandugtong =
dahil,kung,kapag,nang,sapagkat,upang at iba pa. Hal. Magiting na ipinagtanggol ni Bob
ang kanyang kakayahang sumayaw nang siya’y pagtawanan ng buong klase.

 Langkapang Pangungusap – Dalawa o higit pang punong sugnay at dalawa o higit pang
pantulong na kaisipan. Hal. Nagalit si Sir Hilario at pinagsabihan kami dahil maingay kami at
hindi nakikinig.

Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa

 Pangungusap na eksistensiyal – ito ay pagpapahayag ng pagka- mayroon o wala.

Hal: May mga raliyista ngayon sa Edsa.


Wala na.
 Pangungusap na Pahanga – Ito ay nagpapahayag ng damdamin ng paghanga.

Hal: Kayganda talaga ng tanawin sa Boracay!


Ang galing mo!
 Maikling sambitla – mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding
damdamin.

Hal: Ay!
Aray!
 Pangungusap na Pamanahon – nagsasaad ng oras o uri ng panahon ang mga ganitong
pangungusap.

Hal: Maulan na naman.


Napakainit!
 Mga Pormulasyong Panlipunan – ito ay mga pagbati, pagbibigay-galang at iba pa na
nakagawian na sa Wikang Filipino.

Hal: Mano po.


Salamat po.
 Modal – Nangangahulugan ng gusto/nais/ ibig.

Hal: Nais kong makapag-aral.


Ha’ gusto kong mahiga.

 Penomenal – nagsasaad ng mga pangyayari sa kalikasan, walang simuno o panaguri


ang mga sumusunod na pangungusap.

Hal: Babaha na naman sa Maynila.


Niyanig ng lindol ang Japan.
 Pautos – sinusundan ng panghalip na mo at o pang- abay.

Hal: Dalian mo.


Sige pa.
Alis.
 Pagyaya- nagsasaad ng pagyaya o pagyakag.

Hal: Tayo na.


Halika na.
 Ka-Pandiwa – nagsasaad ng katatapos na kilos.

Hal: Kaaalis lang niya.


Kakakain ko lang.
 Panawag – panawag na pangkamag-anak.

Hal: Hoy!
Psst!

Mga Pampalawak ng Pangungusap

 Mga Paningit Bilang Pampalawak

Mga paningit o ingklitik ang tawag natin sa mga katagang isinasama sa pangungusap
upang higit na maging malinaw ang kahulugan nito.

Hal. ba, na, pa, lamang, muna, kasi, naman, din/rin, lang, sana, kaya, nga, ho, po, man,
tuloy, yata , daw/raw,

 Mga Panuring Pampalawak

Dalawang kategorya na mga salita ang magagamit na panuring, ang pang-uri na panuring
at ang pang-abay.
Hal. Ang matalinong mag-aaral ay iskolar.
Ang bata ay iskolar ng pamahalaan sa pamantasan.
Umalis agad ang mag-anak.
Patalilis na umalis agad ang mag-anak.

 Mga Kaganapan ng Pandiwa Bilang Pampalawak

Ang iba’t ibang uri ng kaganapan ng pandiwa ay mga pampalawak.


Hal. Tumakbo ang tao patungo sa liblib na lugar. (ganapan)
Sinugpo niya ang peste sa pamamagitan ng gamot. (kagamitan)
Nagtanong si Alyssa kay May. (direksyunal)
Umunlad ang kanilang pamumuhay dahil sa pagtitiyaga. (sanhi)
Pinagalitan ni Janna ang kanyang kapatid. (tagaganap)
Namili ng mga paninda si Alice. (layon)
Nagluto kami para sa mga bata. (tagatanggap)
Wastong gamit ng salita

Nang
- Bilang pangatnig: Nagsimula na ang laro nang kami ay dumating
- Pinagtambal na NA at NG: Nagaral nang mabuti ang mga bata.
- Panggitna sa salitang-ugat na inuulit: basa nang basa; magtiyaga nang magtiyaga
- Bilang pang-ugnay: Inihain ni Ella ang pagkain nang buong ingat.
- Bilang kasingkahulugan ng upang: Magpatawad sa kapwa nang tayo ay patawarin rin.
Ng
- Bilang pantukoy na palayon: Namimili siya ng mga pangregalo.
- Bilang pananda sa tagaganap: Nilinaw ng guro ang aralin sa Filipino.
- Nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay: Ang tahanan ng pamilya Mallari ay maayos.
- Katumbas ng with ng Ingles: Ako ay tinanggap niya ng masayang puso.

May
- Pag sinusundan ng pangngalan: May kasama siyang umuwi.
- Pag sinusundan ng pandiwa: May gagawin ka ba sa mga susunod na araw?
- Pag sinusundan ng pang-uri: Si Jing ay may magandang kalooban.
- Sinusundan ng pnghalip panao: Bawat isa ay may kani-kaniyang suliranin.
- Sinusundan ng pantukoy na MGA: May mga tao p asa kanila.
- Sinusundan ng pang-ukol na SA: Ang mga manlalaro ay may sa palos ang pagkilos.

Mayroon

- Kapag may napasingit na kataga: Mayroon daw malaking pagpupulong ngayon.


- Ginagamit sa panagot sa tanong: May hinihintay ka ba? Mayroon.
- Tumutukoy sa pagka-maykaya sa buhay: Isa siya sa mayroon sa kanilang lugar.
Din/Daw
- Kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig: bawal din; bakit daw?
Rin/Raw
- Kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at malapatunug na y o w: tayo rin;
sino raw?; lilitaw rin; sabay-sabay raw
Pinto
- Bahagi ng bahay/gusali na binubuksan: Kumatok ka sa pinto bago ka pumasok.
Pintuan
- Daanan : Masikip ang kanilang pintuan.
Ipunas
- Tumutukoy sa paglalagay: Ipunas mo iyan sa iyong mukha.
Punasan
- Tunmutukoy sa pag-aalis: Punasan mo ang iyong maruming mukha.
Konteksto ng Diskurso (Dell Hymes)

S – setting, ang lugar at panahon na kinaganapan ng diskurso


P – participants, ang tao o mga taong kasangkot sa diskurso
E – ends, layunin o goal ng diskurso, maaaring upang mang-aliw, manghikayat, pumuna,
at iba pa.
A – act sequence, ang pagkakasunod sunod ng pagbuo ng diskurso na minsan kung ito’y
pasalita ay naaantala
K – keys, ang susi na makatutulong sa mabisang diskurso, kasama ang tono, ekspresyon at
pamamaraan sa pagpapahayag
I – instrumentalities, ano ang gamit ng wika pati na rin ang porma at antas nito sa paggamit sa
dikurso.
N – norms, kaugalian, tradisyon at kulturang kinasangkutan ng diskurso
G – genre, anyo ng diskurso, sa pasulat, maaaring ito ay sanaysay, maikling kwento, awit, tula,
at iba pa; kung ito naman ay diskursong pasalita, maaaring nagbabalita, nasasalaysay,
nagpapaliwanag, nagbababala, at iba pa.

Module No. 10
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA Week 16
AT KULTURANG PILIPINO
Lesson Title Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino
 Kakayahang pragmatik: pagtukoy sa kahulugan ng sitwasyong sinasabi,
di-sinasabi, ikinikilos ng taong kausap.
 Kakayahang diskorsal: pagtiyak sa kahulugang ipinapahayag ng
teksto/sitwasyon ayon sa konteksto.
Lesson Target  Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga
salita at paraan ng pagsasalita.
 Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng
paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas.
References Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Diwa. 2016
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. C&E. 2016
Sidhaya 11. C&E. 2016
Daloy ng Wika. Brilliant Creations Publishing, Inc. 2016

Panimula

Nalilinang ang kasanayang pangwika sa palagiang pag-iisip na ang kasanayang sa paggamit ng wika
ay nasa mga arena ng komunikasyon. Ang pagkatuto ng wika ay nagiging mabisa kung mabibigyan
nang maraming pagkakataon ang mga mag-aaral na makipagtalastasan sa kanilang mga kaklase.
Samakatuwid, ang isang klasrum na nakapagpapayaman sa pag-unlad ng wika ay iyong kung saan
ang mga mag-aaral ay aktibong nagbabahagi ng kanilang mga personal na ideya at karanasan at
nagagawang maisaalang-alang ang mga ideya at kaisipan ng ibang tao tulad ng kanilang mga kaklase,
mga guro , mga awtor at mga tauhang nakakatagpo nila sa mga aklat.
(http://www.ppt2txt.com/r/e239b172/)

Sa modyul na ito, mapaghuhusay ang kasanayan sa paghihinuha ng layunin ng isang kausap batay sa
paggamit ng niya ng mga salita at kanyang paraan ng pagsasalita.

Mga Teoryang Pandiskurso

Ethnography of Communication

 Pinasimulan ni Dell Hymes noong 1962, isang sosyolinggwist na nagsulong sa kahalagahan ng


antropolohiya sa linggwistika.
 Unang tinawag na “ethnography of speaking”
 Ang teoryang ito ay nakatuon sa kakayahang komunikatibo ng tagapagsalita higit sa kakayang
gramatika ng wika na ginagamit sa diskurso.
 Mahalagang salik dito ang pakikiangkop sa kultura, tradisyon, at kinaugalian ng mga taong
kasangkot sa diskurso.

…that the study of language must concern itself with


describing and analyzing the ability of the native speakers to use
language for communication in real situations (communicative
competence) rather than limiting itself to describing the potential
ability of the ideal speaker/listener to produce grammatically correct
sentences (linguistic competence). Speakers of a language in
particular communities are able to communicate with each other in a
manner which is not only correct but also appropriate to the
sociocultural context. This ability involves a shared knowledge of the
linguistic code as well as of the socio-cultural rules, norms and
values which guide the conduct and interpretation of speech and
other channels of communication in a community … The
ethnography of communication ... is concerned with the questions
of what a person knows about appropriate patterns of language use
in his or her community and how he or she learns about it. (Farah,
1998: 125)

Variationist Theory

 Pinangunahan ni William Labov (1971), isang Amerikanong linggwista na nag-impluwensya sa


mga metadolohiya sa linggwistika.
 Ang teoryang ito ay naniniwala na ang madalas na pagbigkas ng isang tiyak na salita o mga
salita ay tumutugon sa pokus ng diskurso.
 Binibilang ang dalas na gamit sa wika upang masuri ang kalikasan ng diskurso.
 Ang “gamit” ng salita ay nababago sa “porma” nito, halimbawa, sa tuntunin ng wikang Filipino,
ang panghalip na kayo ay ginagamit na panghalili sa maramihang ngalan; ngunit mapapansin
na sa pakikipag-usap sa isang matanda ay nagagamit ang kayo, “Kumusta po kayo?” ,
“Pasok po kayo.”

…investigates the actual usage of spoken language. The goal of


this theory is to provide patterns of occurrence of a particular
variable and to lay out the hierarchical structure when this
variable can occur. Thus, it does not only indicate the
occurrence of variants, but also shows the relative frequency of
occurrence of each possible variant.

Pragmatic Theory

 Pinangunahan ni Paul Grice (1967), pilosopo ng wika na may impluwensya sa pag-aaral ng


semantika sa dulog pilosopikal.
 Teoryang tutukoy sa kakayahan ng tagapagsalita na magamit ang wika sa diskurso na
mauunawaan agad ng tagapakinig o tagatanggap.
 May iba’t ibang salik pa na dapat isa-alang alang sa pag-unawa, kasama na rito ang intelektwal
na kalagayan ng decoder, kalinawan ng encoder at ang pagtatagpo ng kani-kanilang
interpretasyon.
 Nililinaw ang relasyon sa pagitan ng intensyon at kahulugan.

When a diplomat says yes, he means ‘perhaps’;

When he says perhaps, he means ‘no’;

When he says no, he is not a diplomat.

Voltaire (Quoted, in Spanish, in Escandell 1993.)

…a fundamental distinction of what a speaker says and what


he implicates;

…a set of rules or principles, derived from general principles of


rationality, cooperation and/or cognition, that guide, constrain or govern
human linguistic communication; and
… a notion of communicative intention (called M(eaning)-intention by
Grice) whose fulfillment consists in being recognized by the addressee.

Speech Act Theory

 Isinulong ni John Langshaw Austin (1962) at pinalawig ni John Rogers Searle, pilosopo ng
wika sa Britanya na nakilala sa kanilang paniniwala na kayang mabago ng salita ang realidad.
 ang pananalita o diskurso ay kaugnay ng aksyon.

 Aktong Locutionary pagsasabi ng mga tiyak na kahulugan sa tradisyunal na paraan.


 Aktong Illocutionary may tiyak na "pwersa" tulad ng pagpapabatid, pag-uutos o pagbababala
atbp
 Aktong Prelocutionary Nagtatamo o nagpapalabas ng isang bagay tulad ng paghihikayat,
pagkumbinse at pagbabawal.

Speech acts are a staple of everyday communicative life, but only became a topic of
sustained investigation, at least in the English-speaking world, in the middle of the
Twentieth Century. Since that time “speech act theory” has been influential not only
within philosophy, but also in linguistics, psychology, legal theory, artificial intelligence,
literary theory and many other scholarly disciplines. Recognition of the importance of
speech acts has illuminated the ability of language to do other things than describe
reality.

Pragmatiks

 Isang sangay sa lingguwistika na tumutukoy sa ugnayan ng mga anyong lingguwistiko at anyo


nito.

 Nakatuon ito sa komunikatibong aksyon sa loob ng kontekstong sosyo-kultural at binigyang-


pansin ang kaangkupan ng gamit ng wika sa isang partikular na sitwasyon.

 Ayon kay Badayos, ito ay kinapalolooban ng tatlong kakayahan: Una, gamit ng iba’t ibang
layunin gaya ng pagbati, pagbibigay impormasyon, paghiling at iba pa; panglawa, pagbabago
ng ginagamit na wika ayon sa pangangailangan o inaasahan ng kasusap; pangatlo, paggamit
ng tuntunin sa isang naratibong pahayag gaya ng pagkukuwento, pagbabalita at iba pa.

 Kakayahang pragmatik ang kakayahang maiparating ang isang tukoy na mensahe, at ito ang
pagtatagpo ng intension at pagpapakahulugan.

Diskurso

 Mula sa Latin na discursus na nangangahulugan ng pagtutuloy tuloy.


 Pakikipagtalastasang pasalita at pasulat.
 Paraan ng pagbuo ng kaalaman, kaisipan, o pangangatwiran para sa masining
na pagpapahayag.
 Tumutukoy sa berbal na kakayahan ng tao sa komunikasyon.
 Kakayahan ng tao sa pakikipag-usap, pagkukuwento, pagbabalita o anumang proseso ng taong
makipag-ugnayan.
 Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng ugnayan sa pagitan ng tagapagsalita at
tagapakinig, at ng manunulat at mambabasa.

Diskorsal

 Nagbibigay-pansin sa kakayahang bigyan ng interpretasyon ang isang serye ng


pangungusap na napakinggan upang makabuo ng makabuluhang kahulugan.
 Teksto ang inilalarawang wika o ideyang itinatawid samantalang ang kahulugang matatagpuan
ay tinatawag na konteksto.

Module No. 11
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO Week 17-18
Lesson Title Introduksyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Lesson Target  Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at
kulturang Pilipino
 Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang
pananaliksik
 Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-
ugnay-ugnay ang mga ideya sa isang sulatin.
References Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Diwa. 2016
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. C&E. 2016
Sidhaya 11. C&E. 2016
Daloy ng Wika. Brilliant Creations Publishing, Inc. 2016

Panimula

Tingnan ang paligid. Anu-anong mga bagay ang masasabi mong bunga ng malikhaing pag-iisip? Ano
ang gamit ng mga bagay o produktong ito? Paano kaya naisakatuparan ang mga ideya ng mga
taong nasa likod ng mga produkto o gamit na ito?

Sa modyul na ito, maipaliliwanag ang mga batayang konsepto ukol sa pananaliksik.

Pangunahing Kaalaman sa Pananaliksik


Ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba’t – ibang
teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at /o
resolusyon nito. (Good, 1963)

Layunin ng Pananaliksik (Calderon at Gonzales,1993)


 Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang preserbasyon at pagpapabuti ng kalidad
ng pamumuhay ng tao.
 Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang penomena.
 Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral
na metodo at impormasyon.
 Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makalinang ng mga bagong instrumento o produkto.
 Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements.
 Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang substances at elements.
 Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan
at iba pang larangan.
 Makasapat sa kamalayan ng mananaliksik.
 Mapalawak o maberipika ang mga umiiral na kaalaman.
Katangian ng Mabuting Pananaliksik
 Sistematiko. May sinusunod itong proseso o magkakasunud ‐ sunod na mga hakbang tungo
sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon sa pananaliksik.
 Kontrolado. Lahat ng mga variable na sinusuri ay kailangang mapanatiling konstant.
 Emperikal. Kailangang maging katanggap tanggap ang mga pamamaraang ginagamit
sa pananaliksik maging ang mga datos na nakalap.
 Mapanuri. Ang mga datos na nakalap ay kailangang suriin nang kritikal upang hindi
magkamali ang mananaliksik sa paglapat ng interpretsayon sa mga datos na kanyang nakalap.
 Obhektibo, lohikal at walang pagkiling
 Gumagamit ng istatikal na metodo
 Orihinal na akda at pinagsisikapan
Etika ng Mananaliksik (Atienza, et al. 1996)

 pagiging masipag sa pagdukal ng datos at pagsisiyasat sa lahat ng anggulo at panig ng paksa;

 pagiging tapat sa kanyang datos at pinagkunan ng datos. Katapatan ang


pinakamahalagang katangian ng mananaliksik; at

 pagtiyak na mapapanindigan niya ang interpretasyon at∙ pananaw na kanyang binuo batay sa
kanyang masinop at maingat na pagsusuri ng kanyang nakalap na datos.

Mga Pananagutan ng Isang Mananaliksik

 Kinikilala ang lahat ng pinagkunan niya ng datos

 Ginagawan ng tala ang bawat termino at ideya na kanyang hiniram

 Hindi nagnanakaw ng ideya ng iba kundi sinisipi at binibigyan ng sapat na pagkilala

 Hindi nagkukubli ng datos para lamang palakasin o pagtibayin ang kanyang argumento
o walang pagkiling sa isang partikular na pananaw

 Mapaninindigan ang lahat ng interpretasyon na kanyang binuo batay sa masinop at maingat


anyang mga datos.

PAGSULAT

 isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa pamamagitan
ng mga simbolo.
 paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang iba’t ibang ideya na pumapasok sa ating
isipan.
 kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa iba dala na rin ng mahigpit na
kompetisyon sa ngayon.
 Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na
pasanaysay, pagbibigay ng ulat, pagtatala ng
resulta ng mga eksperimentasyon at paglikha
ng mga papel pananaliksik dahil ito ay bahagi
ng pananagumpay.
 Sa daigdig ng edukasyon,kailangang
sumulat tayo ng liham ng aplikasyon,
paggawa ng balangkas pangkaunlaran,
gumawa ng anunsyo, umapila sa paglilikom
ng pondo, sumagot sa pakiusap ng mga
kliyente at maramipang iba.
 isang paglalarawan ng wika sa tekstuwal na
tagapamagitan sa pamamagitan ng
paggamit ng isang pangkat ng mga tanda o
sagisag
 Masining ang pagsulat kung ito ay nagtataglay
ng estetika, sa porma at kayarian; sa paggamit ng mga salita; sa tayog ng kaisipan; sa
paggamit ng mga talinghaga at tayutay, at iba pang elemento ng akda.
 Ang mabuting pagsulat ay nakukuha sa pamamagitan ng pagsasanay, ng maraming
pagtatangka at pag-uulit ng manuskrito. Proseso ng pre-writing, actual writing at
rewriting.
Ugnayan ng Manunulat at Mambabasa

- sentro ng paksa

Mga Layunin ng Pagsulat

 Magbigay aliw sa mambabasa.


 Makapagbigay ng mahahalagang impormasyon
 Luminang ng kaisipan.

Pamamaraan ng Pagsulat

 Pag-asinta (Triggering) Kailangang may isang bagasy na magsisilbing daan upang tayo’y
sumulat. Kung tayo’y may paniniwala sa ating sarili, matutuklasan natin ang mga paraan upang
magtagumpay sa pagsulat. Makalilikha ng mabuting sulatin ang sinuman kung nailalagay niya
ang kanyang sarili sa paksa.
 Pagtipon (Gathering ) Anumang paksang napili, kasilangan pa ring magdaan sa masusing
pagsasaliksik at pagtuklas. Kailangang makapangalap ng sapat na materyales at ebidensyag
magpapatunay. Bukod sa ating sariling karanasan, maaari tayong magsaliksik sa dyornal,
magazine, ensayklopedya, pahayagan, interbyu at maging sa panonood ng sine at
telebisyon.
 Paghugis (Shaping) Habang nangangalap tayo ng mga materyales, binbigyan na natin ng
hugis ang ating paksang susulatin. Maaari na nating sulatin ang burador na maaari ring
maging batayan sa pangangalap ng mga kagamitan. Kailangan Makita natin ang pokus n
gating paksa sa pamamagitan ng pagtatanong sa sarili kung ano ang tunay na paksa.
 Pagrebisa (Revising) Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang upuan lamang. Ang isang
mabuting papel ay nagdadaan ng ilang yugto ng pag-unlad mula sa mga di-formal na tala tungo
sa unang burador, hanggang sa paynal na papel. Karamihan sa mga nalathalang sulatin ay
dumaan ng mga pagbabago at muling pagsulat hanggang sa maabot nito ang pinakawasto at
tumpak na pamaraan ng pagsulat.

Pagsulat ng Simula
 paggamit ng retorikal na tanong
 paggamit ng mga sipi
 paggamit ng mga hiram na elemento mula sa panitikan
 paggamit ng mga hiram na elemento mula sa pamamahayag
 mas mainam na ihayag ang “thesis statement “ sa simula upang mabigyang pokus ang
argumento at mensaheng nais ipahayag.
 maari ding gumamit ng tema

Pagsulat ng Katawan
 Isang ideya isang talata lamang.
 Ang huling pangungusap ng isang talata ay maaring magsilibing transisyon. Maari
ding tumayo ang isang pangungusap na talatang transisyon.
 Ang mga sumusuportang ideya ay maaring ihiwalay bilang isang talatang pangungusap.
Dapat lamang tiyaking ang susunod na talata pagkatapos nito ay talatang nagpapaliwanag sa
ideya ng sinundang talatang pangungusap.

Pagsulat ng Wakas
 Ang kongklusyon ay hindi lamang paglalagom ng kabuuan ng sulatin.
 Dapat maitanim sa isipan ng mambabasa ang mensahe ng buong sulatin.

Uri ng mga Gawain sa Pagsulat

 Pormal – pili ang mga salitang ginagamit, may himig ng pagkaseryoso at limitado ang
mga salita, may pormal na ayos at wasto ang gramatika.
 Di-Pormal- magaan ang mga salitang ginagamit, may mababaw na kahulugan, kadalasang
may kakatwang paksa at minsan ay mababasa ang mga salitang balbal.

Anyo ng mga Sulatin

 Sanaysay –pagsulat ng damdamin, saloobin, pananaw ukol sa isang paksa. Tinatayang isa
sa pinakanaabusong uri ng sulatin ang sanaysay dahil halos walang limitasyon ang istilong
maaring gamitin sa pagsulat nito.
 Tula – pagsulat na may himig o indayog, gumagamit ng mga tayutay, minsan may sukat at
tugma.
 Maikling Kwento – pagsasalaysay ng mga pangyayaring nagaganap sa tunay na buhay.
May payak na tagpuan, tauhan, banghay at paksa.
 Nobela – salaysay na higit na mahaba sa maikling kwento, nagpapakita rin ng mga
pangyayari sa tunay na buhay. May kawil-kawil na pangyayari, maraming tauhan at tagpuan at
kadalasang di-natatapos agad ang pagbabasa sa isang upuan lamang.
 Dula – sulatin na may layuning maitanghal sa tanghalan. Layuning maipakita sa
tanghalan ang karanasan ng tao. Kailangang isaalang-alang ang dayalogo, balangkas at
kagamitaqng pantanghalan.
 Sulating Pananaliksik – resulta ng isinagawang pananaliksik o pag-aaral kaugnay ng
napiling paksa. Inihahanda ito upang tasahin o pag-aralan ang isang problemang inilahad.
 Sulating Naratibo (nagkukuwento), Expository (naglalahad), Deskriptibo (naglalarawan) – mga
anyo sulatin ayon sa layunin.
Analitikal na Pagsulat

 karaniwang kinakailangan sa akademikong pagsulat upang ipakita ang mga relasyon sa


pagitan ng mga piraso ng impormasyon. Ito ay ginagamit upang ihambing at kaibahan, masuri
o suriin
 Sa pagsulat nito, malinaw ang dahilan at halaga ng nilalaman ng sulatin.
 Kakikitaan ng paghahambing, pagsusuri at resulta ng isang pag-aaral.

Kririkal na Pagsulat

 Pagtitimbang ng magkaibang naglalabang disposisyon ukol sa isang paksa.


 Naglalahad ng mga impormasyon na may batayan at nagtatangkang bigyan ng
kongklusyon ang mga umiiral na ideya o kaalaman.
 Bunga ito ng mga pagbabasa ng mga materyales na may kaugnayan sa pinapaksa ng
sinusulat.
“Upang matamo ang kakayahang komunikatibo kailangang pantay na
isaalang-alaang ang pagtalakay sa mensaheng nakapaloob sa teksto at
sa porma o kayarian (gramatika) ng wikang ginamit sa teksto.”

- David Wilkins (Higgs at Clifford 1992)

Pagsulat ng pinal na pananaliksik

1. Pagsulat ng Panimula.
• Gawin itong maikli lamang dahil tiyak na may pagbabagong isasagawa rito habang isinusulat
ang kabuuan ng papel.
2. Pagsulat ng Katawan ng Pananaliksik.
• ipaliwanag sa bahaging ito ng papel ang mga konsepto o teknikal na katawagang maaaring
hindi pamilyar sa target na tagabasa.
3. Pagsulat ng Kongklusyon.
• Ito ay maaaring buod ng pangunahing ideya na nilinang sa katawan ng papel.
Module No. 12
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO Week 19-20
Lesson Title Final Output
Lesson Target Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan
sa bansa
References Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Diwa. 2016
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. C&E. 2016
Sidhaya 11. C&E. 2016
Daloy ng Wika. Brilliant Creations Publishing, Inc. 2016

Panimula

Ano ang pinakamainit na isyu sa kasalukuyan na may kaugnayan sa kalagayang kultural at panlipunan
ng bansa? Ano ang mga ideyang nakapaloob sa mga isyung ito?

Gabay sa Pananaliksik

A. Pagtukoy ng Paksa
 Ano ang paksang nais pag-aralan?
B. Panimulang Tanong at Layunin
 Sa lawak ng iyong interes o dami ng natutuhang kaalaman ukol sa penomenang
pangkultura at panlipunan, ilimita ang paksa sa paghahain ng isang tiyak na
tanong. Tiyakin na ang paksa ay ukol sa kultura at lipunang Pilipino.
 Tukuyin kung ang tiyak na tanong na ito ay nakapaloob sa praktikal, pilosopikal,
tentatibo, imbestigatibo o disiplinal na tanong.
 Ilahad ang layunin ng pag-aaral.
C. Tentatibong bibliyograpiya
 Tiyakin na mayroong inihandang tala ng mga sanggunian
 Isulat ito sa magkakahiwalay na indeks kard- para sa aklat, sa pahayagan, sa
websites at iba pa.
 Sipiin nang buo ang orihinal na teksto kung sa palagay mo ay higit
na magpapalinaw sa puntong nais bigyang-diin.
 Ang talasanggunian ay tala ng mga pinaghanguan ng mga impormasyong
nabanggit sa kabuuan ng sulatin, samantalang ang bibliyograpiya ay lista rin
ng mga sanggunian na ginamit lamang na batayan sa nilalaman ng sulatin.
 Ang talababa-bibliyograpiya, isang nakalimbag na tandaan na nakalagay
sa ibaba ng teksto sa isang nakalimbag na pahina
 Parentetikal-Sanggunian isa pa ring paraan ng pagkilala na kung saan ay
parsyal lamang, nakapaloob sa mga panaklong () ang pagkilala sa awtor
na maaaring makita sa loob o hulihan ng pangungusap.
D. Paglalatag ng Iba pang Tanong at Pagbabalangkas ng Paksa
 Mula sa tiyak na tanong, maglaan ng maliliit na tanong kaugnay nito.
 Isulat ang balangkas ayon sa mga tanong na inilatag.
E. Pangangalap ng Datos at Interpretasyon nito
 Tiyakin na angkop ang metodo sa pangangalap ng datos
 Masinop na tipunin at suriin ang datos na nakuha
 Talakayin ang mga konsepto o ideya na gagabay sa pag-unawa ng datos.
F. Pinal na Balangkas
 Ayusin ang balangkas ng iyong paksa sa karagdagang impormasyon at
detalyeng nakuha.
 Magdagdag ng mga sub-topics kung kinakailangan
 Sikaping nakatuon sa orihinal na tanong at nakaayon pa rin sa paksa ang pulidong
pagsulat ng pinal na balangkas.

You might also like