Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ikalawang Markahan sa Filipino 10

PERFORMANCE TASK

Panuto: Nakatala dito ang dalawang uri ng performance task na maaari ninyong gawin. Pumili
lamang ng isa at basahing mabuti ang mga nakalaang pamantayan.

1. Bumuo ng tula gamit ang mga elemento nito tulad ng tugma, sukat, saknong, larawang diwa,
simbolismo at kariktan gayundin ang matatalinhagang pananalita upang lumutang ang
kagandahan ng iyong tula. Pumili ng alinman sa mga paksang nakalahad sa ibaba.
Kinakailangang ito ay binubuo ng hindi bababa sa limang saknong at may lalabindalawahing
pantig sa bawat taludtod.
Mga Paksang Pagpipilian:
1. Pag-iral ng Kapayapaan
2. Pagsisimula ng Kapayapaan sa Mismong Tahanan
3. Pagpigil sa Korupsyon Sa Ating Bayan

Pamantayan:
1. Sukat at Tugma 7 puntos
2. Mensahe o Kahulugan 10 puntos
3. Gamit ng Matatalinhagang Salita 8 puntos

Kabuoan: 25 puntos

2. Panoorin ang isang buod ng mitolohiyang may pamagat na “Cupid and Psyche.” Makikita ang
maikling videoclip sa link na ito https://www.youtube.com/watch?v=R1_QRNqXfrE.
Pagkatapos mapanuod ay buoin ang balangkas nito. Isulat ang inyong sagot sa malinis na papel
pagkatapos ay kuhanan ito ng larawan at i-submit dito sa inyong portal.
Banghay ng Maikling Kwento:
Simula
-Tauhan
-Tagpuan
-Saglit na Kasiglahan

Gitna
-Tunggalian
-Kasukdulan
-Kakalasan

Wakas

PAMANTAYAN:
1. Naibigay ng ayos ang mga impormasyon na kinakailangan sa 15 puntos
bawat elemento.

2. Malinis ang pagkakagawa 5 puntos

3. Naipasa sa takdang panahon ang nilikhang pagbabanghay 5 puntos

KABUOAN 25 puntos

You might also like