Professional Documents
Culture Documents
Invitation Letter ST Joseph
Invitation Letter ST Joseph
Oktubre 6, 2021
Isang malaking biyaya sa ating parokya ang magkaroon ng mga bagong imahen ng mga
Apostol at ng mga Banal na Mag-anak. Nagpapasalamat ako sa patuloy na biyaya ng
Diyos at sa gabay ng Banal na Mag-anak at para sa inyo na naging katuwang ng ating
parokya para sa adhikaing ito. Hindi ito maisasakatuparan kung hindi rin dahil sa
inyong mga panalanagin at taos-pusong na pagtulong at suportang pinansyal.
Dahil dito, isang malaking karangalan ang maanyayahan namin kayo na makiisa sa
gaganaping pagbabasbas ng mga bagong gawang imaheng matatagpuan sa labas ng
ating pamparokyang simbahan sa darating na Martes, ika-19 ng Oktubre, 2021 sa ika-5
at kalahati ng hapon. Pagkatapos ng pagbabasbas at sama-sama tayong magpasalamat
sa Diyos sa gaganaping Pang-diyosesis na pagdiriwang ng Banal na Misa sa karangalan
ni San Jose sa ika-6 ng gabi na gaganapin sa loob ng ating pamparokyang simbahan.