Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PRAYER OF THE FAITHFUL JULY 25, 2021

ADDITIONAL PETITIONS

 For all the elderly and grandparents: that even in their twilight years they may not
cease being witnesses of Christian values and strength of character which are the
firm foundations of every society, we pray to the Lord.

 For all those who are hurting and abandoned among our elderly, those who are
lonely and sick: that they may find healing and care, consolation and forgiveness,
peace and companionship, through us in the Church, we pray to the Lord.

 For all of us: that we may deepen our conviction on the value of every human life
from conception to death and be resolute in effectively shunning the “throw-away”
culture that sees and treats the old and the weak as objects that have outlived their
usefulness, we pray to the Lord.

PANALANGIN NG BAYAN HULYO 25, 2021


KARAGDAGANG MGA KAHILINGAN

 Para sa mga nakatatanda, mga lolo at lola: nawa, sa pagtatakipsilim ng kanilang


buhay, sila’y manatiling maging mga saksi ng mga maka-Kristiyanong
pagpapahalaga at lakas ng pagkatao na mga metatag na sandigan ng lipunan,
manalangin tayo sa Panginoon.

 Para sa lahat ng nasaktan at mga tinalikurang nakatatanda, ang mga nalulungkot at


may-sakit: nawa’y kanilang masumpungan ang kagalingan at pagkalinga, aliw at
kapatawaran, kapayapaan at pagiging kasama sa pamamagitan ng Simbahan,
manalangin tayo sa Panginoon.

 Para sa ating lahat: nawa’y mapalalim natin ang ating paninindigan sa


pagpapahalaga ng baway buhay ng tao mula sa paglilihi hanggang natural na
kamatayan, at magpasiya sa mabisang pagsasantabi ng “palatapon” na kultura na
tumuturing sa mga nakatatanda at mahihina bilang mga bagay na hindi na
mapapakinabangan, manalangin tayo sa Panginoon.
PANALANGIN PARA SA MGA NAKATATANDA
AT MGA LOLO AT LOLA

Ama naming mapagmahal,


Bukal ka ng buhay at lahat ng biyaya.
Buong pagkalinga mo kaming itinataguyod
Sa bawat yugto ng aming buhay
at binibigyan mo ito ng kaganapan
kay Hesus na iyong anak at aming kapatid.
Nagpapasalamat kami sa pagbibigay mo ng aming mga lolo at lola at mga nakatatanda
upang maging aming gabay sa pagbabahagi nila ng kanilang mayamang karanasan
at karunungang natamo sa pagdaraan ng mga taon.
Pinasasalamatan ka namin sa kanilang patotoo
ng iyong pananatili at pagkalinga sa bawat kaganapan at pagbabago sa aming buhay.
Basbasan mo sila ng tuwa at kapanatagan,
ng kasiyahan sa mga bunga ng kanilang pagpapagal,
at ng tapat na pagmamahal ng kanilang pamilya.
Patatagin mo sila sa pagtitiwala sa iyong mapagpagaling na awa
sa harap ng mga pagkakamali at kasalanan ng panahong nagdaan.
Maging maligaya nawa sila sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay at mga kaibigan.
Ipag-adya mo sila sa lahat ng panganib at kasamaan
na magkukubli sa walang hanggang kapayapaaan at galak sa iyong kaharian.
Pagkalooban mo sila ng tiyaga at katatagan
na pasanin ang krus ng sakit at kahinaan ng katawan.
Tulungan mo silang tingnan ang kanilang mga hirap at pagtitiis
bilang pakikiisa sa Misteryo Paskwal ni Kristo.
Ipagkaloob mo sa aming kanilang mag-anak at mga kaibigan
ang matatag na paninindigan at pananalig
sa halaga at karangalan ng bawat tao na nilikha na iyong kalarawan
at tinubos ng sakrispisyo ng iyong Anak sa krus.
Makatulong nawa ito na lagi namin silang alalayan, igalang, at mahalin.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo
Kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

You might also like