Professional Documents
Culture Documents
Noli Me Tangere Kabanata 1 13
Noli Me Tangere Kabanata 1 13
Tauhan:
Don Santiago Delos Santos – Mas kilala sa pangalang Kapitan Tiago, siya ay
matulungin sa mahihirap, at ang nagsimula ng piging.
Tiya Isabel – Ang pinsan ni Kapitan Tiago at ang nag-aasikaso sa mga bisita.
Padre Damaso – Dating kura paroko ng San Diego. Siya ay madaldal magsalita.
Padre Sibyla – Isang kura paroko at ang nagsiwalat tungkol sa pagkakaalis ni Padre
Damaso sa pagiging kura paroko.
Tinyente Guevarra – Isang tinyente ng gwardiya sibil. Ang nakipagtalo kay Padre
Damaso.
Dr. ed Espadaña – Asawa ni Donya Victorina at bisita ni Kapitan Tiago.
Donya Victorina – Asawa ni Dr. ed Espadaña at bisita ni Kapitan Tiago.
Kapitan Heneral – Ang kinakatawan ng hari ng bansa.
Ang dalawang paisano – Isa sa mga kinakatawan ng simbahan at bisita ni Kapitan
Tiago.
Tagpuan:
Talasalitaan:
Bantog – kilala
Piging – pagtitipon
Pulutong – karamihan o pangkat ng mga tao
Pangungutya – panlilibak
Hamak – walang kuwenta o ‘di mahalaga
Indio – katutubo
Erehe – rebelde (sa simbahan at gobyerno)
Sa Kalye Anluwage, si Don Santiago Delos Santos o mas bantog bilang si Kapitan Tiago
ay nagkaroon ng piging sa kanilang bahay upang salubongin ang binatang anak ng
kaniyang matalik na kaibigan na kagagaling lamang sa Europa. Habang dumating ang
iba pang mga bisita, inaasikaso naman ito ng pinsan ni Kapitan na si Tiya Isabel.
Dumating din ang magkabiyak na sina Dr. de Espadaña at Donya Victorina. Hindi naman
nagpahuli ang mga kinatawan ng simbahan na sina Padre Sibyla at si Padre Damaso,
ang dalawang paisano, at si Tinyente Guevarra.
Bawat pulutong ng mga panauhin ay may kanya-kanyang paksa upang ilabas ang
kanilang mga saloobin, makipag-tagisan ng mga opinyon, at humanap ng papuri. Hindi
pinalagpas ni Padre Damaso ang kaniyang pangungutya sa mga Indio, at tingin niya sa
mga ito ay hamak at mababa.
Si Padre Sibyla naman ang nagsalita at nilabas niya ang pagkakaalis ni Padre Damaso
bilang kura paroko sa loob ng parokya ng San Diego kahit na dalawampung taon na
siya nagsisilbi roon. Nagpapaliwanag si Padre Damaso na hindi naman daw nararapat
makialam ang hari ng Espanya na parusahin ang mga erehe. Tinutulan naman ng
tinyente ito at sinabi na may karapatan ang Kapitan Heneral sapagkat ito ang kinatawan
ng hari ng bansa.
Ipinaliwanag ng tinyente kung bakit nilipat si Padre Damaso ay dahil pinahukay nito ang
bangkay ng isang marangal na lalaki na pinagbintangang erehe dahil lamang sa hindi
pangungumpisal. Matapos ipinaliwanang ng tinyente iyon, pinakalma ni Padre Sibyla
ang nagagalit na Padre Damaso.
Kabanata 4: Erehe at Pilibustero
Tauhan:
Kastila – Isang artilyero o kolektor. Sinaktan niya ang bata dahil pinagtatawanan siya
nito.
Crisostomo Ibarra - Si Crisostomo Ibarra ang anak ni Don Rafael at nais na matuklasan
ang buong pangyayari sapagkamatay ng kaniyang ama.
Don Rafael Ibarra - Si Don Rafael Ibarra ay ang ama ni Crisostomo Ibarra at isang
mabait ang matulunging tao.
Groupo ng mga bata - Ang grupo ng mga bata ang nakaalitan ng artilyero na kanyang
pinalo ng hawak na baston at pinagsisipa nang mabuwal ang isa sa kanila.
Padre Damaso – Isa siya sa mga nainggit kay Don Rafael.
Tinyente Guevarra – Siya ang nagkuwento tungkol sa nangyari ni Don Rafael kay
Ibarra. Siya lamang ang kakampi ni Don Rafael at ang humanap ng Kastilang abugado.
Tagpuan:
Sa plasa ng Binondo
Talasalitaan:
Kapanalig – kaanib
Karalitaan – kahirapan
Masalimuot – magulo
Habang naglalakad si Ibarra sa plasa ng Binondo, napansin niya na wala man lang
pinagbabago o wala man lang ipinag-unlad ang kaniyang bayan. Kinuwento ni Tinyente
Guevarra ang lahat ng nangyari sa kaniyang ama nung wala si Ibarra sa Pilipinas.
Kahit mabait at matulunging tao ang pakikipagtungo ni Don Rafael sa mga tao ay
marami rin ang naiinggit nito, at isa na rito si Padre Damaso. Isang walang kaalam-alam
at palaboy na Kastila artilyero o tinatawag nilang kolektor ang pinagtatawanan ng lahat.
Isang araw, sinaktan ng Kastila ang isa sa mga bata dahil sa pagtatawa nito sa kaniya.
Nakita ito ni Don Rafael at tinulungan ang pinagpapalo at pinagsisipa na bata. Ayon sa
mga sabi-sabi, sinaktan daw ni Don Rafael ang Kastila hanggang sa tumama ang ulo
nito sa malaking bato, sumuka ng dugo, at natuluyang mamatay.
Ikinulong si Don Rafael at nagsilabasan ang mga lihim niyang kaaway. Pinaratangan siya
ng pagiging erehe at pilibustero, pangangamkam ng lupain at iba pang ilegal na paraan
sa pagpapayaman, ang pagbabasa ng El Correo de Ultramar at iba pang ipinagbabawal
na babasahin, pagtatago diumano ng mga sulat at larawan mula sa isang binitay na pari,
pakikipagkaibigan at pagkupkop sa mga tulisan, at ang pagsusuot ng Barong Tagalog.
Si Tinyente Guevarra lamang ang naging kapanalig ni Don Rafael at ang humanap ng
Kastilang abugado para dito. Sa kabila ng kahusayan ng abogado ay tumagal at naging
masalimuot ang kaso dahil na rin sa pagsulputan ng mga kalaban ng Don. Dahil dito,
nakulong si Don Rafael at nagdanas ng karalitaan sa loob ng rehas hanggang siya’y
nagkasakit at namatay.
Kabanata 10: Ang San Diego
Tauhan:
Matandang Kastila - Siya ang dumating sa San Diego at binili ang gubat gamit ang
damit, alahas, at salapi.
Don Saturnino - Ang ama ni Don Rafael, ang anak ng matandang Kastila, dumating siya
sa bayan ng San Diego upang hanapin ang kanyang ama.
Don Rafael - Siya ang naging bunga ng pagiibigan ng kaniyang ina at ng kaniyang ama
na si Don Saturnino.
Asawa – Asawa ni Don Saturnino at ang ina ni Don Rafael.
Tagpuan:
Talasalitaan:
Baybayin – tabi
Masigasig – masipag o pagsusumikap
Matatas – malinaw o mahusay magsalita
Nakabitin – nakabitay
Padre Damaso - Nang makita ng pari na dumating ang kasama ni Kapitan Tiyago,
nagpahayag ito ng pagtataka, sinabing hindi kailanman naging matalik na kaibigan ni
Don Rafael Ibarra.
Crisostomo Ibarra - Pumasok sa bulwagan kasama si Kapitan Tiyago, ang kaisa-isang
anak ni Don Rafael Ibarra na nag-aral sa Europa, na nakadamit ng pagdadalamhati.
Kapitan Tinong - Ang naging matalik na kaibigan ni Don Rafael Ibarra ang nag aya kay
Crisostomo Ibarra na mananghali sa bahay nito.
Tinyente Guevarra - Ang taong sumalubong sa pagdating ni Ibarra at nagpasalamat sa
ligtas niyang pagdating at pinahayag ang kanyang ama ay isang marangal at tapat na
tao na dapat igalang.
Tagpuan:
Tala-salitaan:
Nagmamatyag - pinagmasdan
Nakaluksa - nakaitim
Napatigagal - natigilan o natahimik
Napawi – nawala
Binati ni Kapitan Tiyago ang mga bisita at kasama niya ang isang binata na tila
nakaluksa base sa kanyang pananamit. Agad naman niyang binati at hinalikan ang mga
kamay ng mga pari.
Nang makilala ng mga pari ang binata, lalo na si Padre Damaso, napatigagal sila.
Ipinakilala ng Kapitan ang binata bilang anak sa kanyang napawi kaibigan na si Don
Rafael Ibarra. Nagpakilala si Ibarra bilang si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin at
pinalawig ang kanyang pakikipagkamay, na natutunan niya sa bansang Alemanya.
Tagpuan:
Tala-salitaan:
Hidwaan - di pagkakaunwaan
Kakarampot - kakaunti
Nagbabando - nagagalit
Paghahambalos - paghahampas
Pinagsakitan – pinaghirapan
Sa bayan ng San Diego, kakarampot lamang ang mga tao na kilala na
makapangyarihan o casique. Sa mainit na kompetisyon para sa awtoridad sa bansa,
pinaniniwalaan na ito ay kahalintulad sa Roma at Italya. Hindi kasama sina Don Rafael,
Kapitan Tiyago, at ilang opisyal ng pamahalaan.
Kahit na si Don Rafael ang pinakamayaman, pinakagusto, at may utang sa marami, wala
siyang kapangyarihan sa komunidad na iyon. Walang lugar si Kapitan Tiyago sa mga
makapangyarihan na nagmamay-ari din ng mga estate, kabilang sa itaas na bahagi ng
lipunan, at sinasalubong ng banda at nag-aalok ng masasarap na lutuin. Madalas na
ikinagalit ng alkalde ang pagbili ng posisyon sa gobyerno gaya ng gobernadorcillo o
kapitan ng bayan sa halagang P5,000.
Pagdating sa kapangyarihan sa San Diego, ang kura paroko sa simbahan at ang Alperes
na may kontrol sa mga guwardiya sibil ang tanging makakasagot. Si Padre Damaso ay
hinalinhan ni Padre Salvi, ang kura paroko at isang batang Pransiskano na may sakit.
Hindi kasing bait niya si Padre Damaso.
Tagpuan:
Talasalitaan:
Nasisilayan – kakikitaan
Nahihimlay – nakahiga
Nauulinigan – naririnig
Nang araw na iyon, nagpunta si Ibarra sa Maynila at doon nanuluyan sa Fonda de Lala.
Doon din siya nagmuni-muni sa nangyari sa kanyang ama. Sa kabila ng ilog, natanaw ng
binata ang bahay ni Kapitan Tiago. Nauulinigan niya ang kasayahan, ang tugtog ng
mga orchestra, at ang kalansingan ng mga pinggan at kubyertos.
Mahilig sa magagandang dilag si Padre Salvi kung kaya’t may lihim itong pagtingin kay
Maria Clara. Nahihimlay at madaling nakatulog si Ibarra ng gabing iyon, ngunit si Padre
Salvi naman ay hindi mawala sa kaniyang isipan ang magandang dalaga na si Maria
Clara.
Tagapuan:
Tala-salitaan:
Kabisera – panguluhan
Pabalat-bunga – nabanggit
Binatikos – pumuna
Piging – pagtitipon
Binahagi ni Ibarra ang kaniyang pamumuhay sa Europa, ang pag-aaral sa ibang bansa
ng kasaysayan, pagsasalita ng iba’t ibang wika, at ang hindi pagkaka-alam sa tunay na
Kabanata 12: Araw ng mga Patay
Tauhan:
Padre Garrote – kilala bilang si Padre Damaso at ang nag-utos na ipahukay ang
bangkay.
Sepulturero – Ang kasama ni Padrea Damaso sa paghuhukay ng bangay.
Tagpuan:
Kalakip – kasama
Sepulturero – tiga-araro
Umaalingasaw – paglabas ng baho
Malakas ang ulan noong gabing iyon. Isang sepulturero ang nandoon kalakip ang
isang katulong ang abala sa paghuhukay ng bangkay na dalawampung araw pa lamang
ay nailibing na mula ng mamatay. Pagkatapos ay iniahon nila ito ay umaalingasaw pa
ito. Utos nito ay ilipat ang bangkay sa libingan ng mga Intsik. Ngunit dahil malakas nga
ang buhos ng ulan at mabigat ang bangkay, tinapon nalang nila ito sa lawa.
Ito ay dahil sa utos ng malaking kura na si Padre Garrote o walang iba kung si Padre
Damaso.
Tagpuan:
Sa Maynila
Tala-salitaan:
Nakalulan – nakasakay
Binabagtas – napadaan
Walang pinagbago ang puno ng talisay sa San Gabriel samantalang imbes na umunlad
ay pumangit naman ang Escolta. Doon nakita niya rin si Kapitan Tinong na binati si
Padre Damaso. Sa kalye naman ng Arroceros, naalala niya na minsa’y nahihilo siya sa
nakapasamang amoy ng tabako doon. Naikumpara rin niya ang hardin sa Europa at ang
hardin ng Botaniko.
Ang buong Maynila para sa kanya ay walang pinag-unlad, bagkus ang mga gusali ay
nilulumot lamang ng panahon. Dahil dito, sumagi sa isipan ni Ibarra ang sinabi ng
kanyang gurong pari.
Una: Ang karunungan ay para sa tao, ngunit ito ay natatamo lamang ng mga may
puso.
Pangalawa: Kailangan pagyamanin ang karunungan upang maisalin ito sa mga
susunod na henerasyon.
Pangatlo: Dapat lamang na magkaroon ng pakinabangan – kung ang mga kastila
ay nanatili dito upang kuhanin ang yaman ng bansa, marapat lamang na ibigay
naman ng bansang dayuhan ang karunungan at edukasyon.