Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

Ang Buhay sa

Panahon ng
Pandemya
Pinal na proyekto
Panimula
Ipinapakita ang mga buhay natin sa panahon sa
pandemya. Ang COVID-19 ay unang iniulat sa
World Health Organization (WHO) noong
Disyembre 31, 2019. At dineklarang
pandaigdigang pandemya noong Marso 11, 2020.
Kung ating babalikan ang nakaraan noong wala
pang pandemya, tayo’y ibang-iba sa nakaraan
nating buhay. Tayo ay malaya sa gusto nating
gawin sa labas ng bahay, kung saan tayo ay
nagdiriwang tuwing may
Panimula
okasyon na walang pangamba sa nagkakalat na
virus. Ating ipinapakita sa ating aralin na
nagbago na ang lahat ng ito noong kumalat ang
virus sa pilipinas. Lahat ng tao ay nag-adjust
dahil sa ating kinahaharap. Madaming naghirap
at nawalan ng trabaho dahil rito. Ang face-to-
face na klase ay naging online class. Sa ating
kasalukuyan ay tayo ay nasa recovering phase o
nasa yugto ng pagbawi sa ating nakaraang
Kalayaan.
Larawan
Caption
Ito ay nagpapakita ng isang malaking pagbabago
simula noong nagka pandemya sa ating bansa.
Sapagkat ang mga taong bayan noon malayang
nakakalabas at nakakagala nang hindi nag-aalala sa
kanilang mga kalusugan. Ngayo’y malaki ang nabago
dahil sa nangyaring pandemya sa buong mundo.
Maraming tao ang mas pinili na manatili sa kani-
kanilang mga bahay at protektahan ang kanilang sarili.
Larawan
Caption
Simula ng natamaan tayo ng pandemya maraming
kabataan ang hindi na lumabas at di na pinapayagan
makapaglaro. Mahigpit na pinagbabawal ng mga
barangay captain na maglaro sa anumang court at
labas ng kalsada sapagkat maaaring matamaan o
magkaroon ng sakit.
Larawan
Caption
Sa panahon ng pandemya humina ang benta ng mga
tindero at maraming nawalan ng trabaho dahil sa mga
nagsara na kompanya. Kaya ang iba ay gumawa ng
paraan upang kumita parin sila kahit na mayroong
pandemya at kahit mahirap kumita, sapagkat unti na
lang ang mga tao na lumalabas.
Larawan
Caption
Ito ay tungkol sa protocol na ipinatupad ng
gobyerno upang mapanatili ang kaligtasan
sa ating bansa. Bawat lugar at pasyalan ay
kailangan malaman ang temperatura at
mag alcohol bago pumasok sa mga lugar na
nais mong puntahan.
Larawan
Caption
Nang mag-sara ang mga paaralan nagsagawa ng Online Class
at Modular ang DepEd at CHED upang mapanatili ang pag-
aaral ng mga kabataan kahit na mayroong pandemya. Dahil
sa new normal na ito maraming kabataan ang nahinto sa
pag-aaral sapagkat hindi nila kayang bumili ng mga
kagamitan sa online class na ito dahil isa rin sila sa mga
kabataan na nag-aaral sa pampublikong paaralan at ang
ibang kabataan ay mas pinili na lang magtrabaho upang
makatulong sa pamilya kesa mag-aral.
konklusyon
Ang pandemya ay napakali ng epekto sa ating lipunan
madaming mga negosyo ang napilitang magsara ng mga
kompanya sapagkat kailangan sumunod na ipinapatupad na
batas kasabay ng pandemya ay nabuo ang new normal at
nabuo ang online class ng sagayon ay maipagpatuloy ng mga
kabataan ang kanilang pag- aaral sa gitna ng pandemya.
Marami sa mga mag aaral ang hihirapan sapagkat
nagsasabay ang gawaing bahay at kanilang mga gawain sa
paaralan. Ang new normal na ang isa sa malaking nagpabago
sa ikot ng ating bansa. Lumaki ang presyo ng mga bilihin at
pamasahe sa mga pampublikong transportasyon.
konklusyon
Maraming nawalan ng trabaho at mas dumami ang mga
naghihirap sa panahon ngayon dahil sa kahirapan kumita ng
pera at kahirapan maghanap ng trabaho. Maraming tao ang
nahihirapan ngayon ngunit pilit nilang sinasanay ang sarili
nila sa new normal sapagkat mas mabuting ligtas at malusog
ang ating pamilya. Maraming nawalan ng pamilya dahil sa
pandemya na ito ngunit pinipilit nilang mabuhay at kinakaya
nila araw-araw para sa anak nila at ibang kamag anak.

You might also like