Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pagsusuri ng Pelikula

Pamagat ng pelikula:
Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon?
Mga pangunahing tauhan sa pelikula:
Christopher De Leon- Nicolas Ocampo “Kulas
Gloria Diaz- Matilde “Diding” Diaz Pastor
Eddie Garcia - Don Tibor
Leopoldo Salcedo- Atong
Rosemarie Gil - Concordia
E.A.Rocha - Padre Gil
Dranreb - Bindoy
Jimmy Fabregas - komandante
Johnny Vicar - Onofre "kidlat" Biltao
Tsing Tong Tsai - Lim
Teresita Non – Leonor

Buod ng mahalagang pangyayari sa pelikula:


Ang kwento ay nagsimula sa pagkasawi ng ina ni Kulas. Mapapansin na kakaiba na ang
kanilang tradisyon sa paglibing, tila ang musika ay hindi gaanong kalungkutan at habang sa
paglalakad ng mga tao ay parang sila sumasayaw habang naglalakad. Ngayon naiwan nalang
siyang mag-isa sa mundo kaya pinagpasyahan niya nalang umalis at maglakbay. Sa kaniyang
paglalakbay, may nakilala siyang isang ligaw na Padre at ng kausapin niya ito agad siyang
natakot dahil inakala na isa siyang kastila. Tinulungan ito ni Kulas at tinanaw ito ng padre, si
padre Gil, na isang utang ng loob. Dahil sa pagtitiwala ni padre Gil kay kulas, humingi ito ng
pabor upang hanapin ang anak niyang si Bindoy sa Santa Rosa. Sa paglalakbay ni Kulas
kasama ang anak ni padre Gil na si Bindoy papuntang Maynila, mayroon siyang nakilalang
isang grupo ng mga manananghal na sinabayan nila upang makapuntang maynila. Dito na
din niya nakilala ang kanyang unang pag-ibig na si Diding. Di rin nagtagal ang pagsasama nila
papuntang maynila at sila ay nagkalayo din. Sa pagpapatuloy, nakilala niya ang isang mabait
na Tsino na nagngangalang Lin, na tumulong sa kanila upang makarating sa Maynila at
mapuntahan si Padre Gil. Nagampanan ni Kulas ang kaniyang misyon kay Padre Gil. Bilang
kapalit, pinamana ni Padre Gil ang lahat ng kaniyang ari-arian kay Kulas, at pinapunta si Don
Tibor upang alalayan si Kulas. Naging mas mabuting tao si Kulas sa tulong ni Concordia at
Don Tibor. Nakamtam man niya ang ginhawa ng mayroong malaki at may mga tao nagsisilbi
para sa kanya makikita na hindi siya masaya sa kanyang natanggap at tila ito pa nga ang
nagging sanhi ng mga problema niya. Sa kaniyang mga pinagdaanan, lagi niyang tinatanong
kung siya ba talaga ay isang Pilipino. Sa huli, nalaman din naman niya ang sagot sa kanyang
mga katanungan ito.
Tukuyin ang isang tiyak na eksena sa pelikula na nakapukaw ng atensyon at ipaliwanag
kung bakit:
Madaming bahagi ng pelikula ang pumukaw sa aming pansin. Ilan sa mga ito ay ang mga
tagpo kung saan tinatanong ni Kulas kung ano o sino ba ang mga Pilipino. Napukaw nito ang
aming atensyon sa pagkat kung ating mapapansin hanggang sa ngayon sariwa at kapansin-
pansin pa din na marami pa din sa mga Pilipino ay di malinaw kung ano ng aba ang Pilipino.
Bukod dito, napukaw din ang aming pansin sa tagpong hinatid ni Kulas si Diding sa kanilang
tahanan kung saan ayaw niyang magpahatid sapagkat marahil nahihiya si diding sa katayuan
nila sa buhay. Aming hinangaan ang pagiging mapag kumbaba ni Kulas sa tagpong ito. Huli
ay ang pang aabuso sa mga Pilipino dulot ng pagkakaiba-iba ng wika. Dahil sa tagpong ito
sinasariwa nito ang pang aalipin sa ng mga banyaga.

Tukuyin ang mahahalagang isyung panlipunan na lumutang sa pelikula at ilahad ang


kabuluhan ng mga ito sa pagbuo o paghubog ng bayan:

Isa sa mga isyung panlipunan na aming napansin ay ang kawalan ng edukasyon lalong lalo na
sa labas ng Maynila. Sa simula pa lamang ng pelikula ang kakulangan sa kaalaman ang
naging daan sa mga pang aabuso, nabigyang diin ito ng pinilit ni Kulas na mag aral si Bindoy
upang siya ay magkahalaga sa kapwa. Marahil ang kapwang tinutukoy ni Kulas sa tagpong
ito ay ang mga Kapwa niyang mga Pilipino. Pangalawa, Kawalan ng hustisya, ang mga pang
aabuso at pag kulong sa mga Pilipino ang nag paalab ng apoy upang mag himagsik ang mga
tao.

Pangalan ng/mga nagpasa:


Bernardo, Louie I.
Carpio, Bernard Allan R.
Conde, Rosalinda D.C.
Cortes, Carlo Manuel H.

Taon at Pangkat: BSEE 3D Petsa ng pagpasa: Nov 15, 2021

You might also like