Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

PANGALAN:_____________________________________

BAITANG/SEKSYON:___________________________
____
11
KOMUNIKASYON
AT PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO
1
Kwarter I – Linggo 5
Sitwasyong Pangwika

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Baitang 11
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter I – Linggo 5: Sitwasyong Pangwika
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa

Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets


Manunulat: Josie Lyn C. Estrada

Pangnilalamang Patnugot: Marichel Miraflores at Angie Lyka L. Galaroza


Editor: Marilyn C. Villon at Vilma R. Cabansag
Tagawasto: Marichel V. Miraflores
Tagasuri: Luis R. Mationg, Enrile O. Abrigo Jr.

Tagaguhit: Angie Lyka L. Galaroza


Tagalapat: Naphtalie M. Andre-e at Angie Lyka L. Galaroza

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD, ASDS
Cyril C. Serador PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR:


Ronald B. Brillantes Mary Jane D. Parcon
Ronald N. Fragata Joseph D. Aurello

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1

Sitwasyong Pangwika
MELC: Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng
gamit ng wika sa lipunan. (F11EP-le-31).

Mga Layunin:
1. Nagagamit ang mga tungkulin ng wika sa lipunan.
2. Naipaliliwanag ang mga tungkulin ng wika sa lipunan kaugnay sa mga
sitwasyon.
3. Nakapagsaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamit
ng wika sa lipunan.

Subukin Natin
Panuto: Piliin sa kahon ang tungkulin ng wika na tumutukoy sa mga pahayag o
sitwasyon sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

A. Instrumental C. Interaksyunal E. Personal


B. Regulatoryo D. Impormatibo F. Heuristiko

____1. “Anak diligan mo ang mga halaman,” utos ng ina kay bunso.

____2. Ang guro ay nagsulat sa pisara upang ibigay ang inyong takdang-aralin.

____3. Ang isang doktor na nagbibigay ng direksyon kung paano makaiiwas sa


sakit dulot ng virus.

____4. Ang mga magkakaibigan na nag–uusap tungkol sa kanilang paboritong


artista na si Maja Salvador na na-lockdown sa lungsod ng Puerto Princesa.

____5. Isang mananaliksik na patuloy na nangangalap ng mga impormasyon para


sa ginagawang pananaliksik kaugnay sa nakamamatay na Covid-19.

____6. Ang tagapagbalita sa Brigada News Palawan na nagbabahagi ng


impormasyon patungkol sa pagdami ng kaso ng Covid-19 sa lungsod ng
Puerto Princesa at probinsya ng Palawan.

____7. Isang dalagita na nagsusulat sa kaniyang journal tungkol sa hinahangaang


guro sa Palawan National School.

____8. Isang mag-aaral na tumungo sa aklatan upang mangalap ng impormasyon


kaugnay sa Corona Virus o Covid-19.

____9. Isang patalastas sa video sa youtube ng isang sikat na vlogger na ginawa sa


El Nido Palawan.

____10. Direksyong-papel kung paano mabubuo ang isang laruang lego blocks.

1
Ating Alamin at Tuklasin

Bawat indibidwal ay may sapat nakakayahang


magamit ang isang wika na kailangang pagtuunan ng
Binhi pansin upang sanayin ang sarili sa bawat tungkulin.
ng May mga pagkakataong kinakailangang gamitin ang
Kaalaman isang tungkulin sa iisang sitwasyon at may pagkakataon
din na kailangang gamitin ang dalawa o higit pang
tungkuling pangwika sa iisang sitwasyon.
Ang sitwasyong
Inilahad ni Halliday sa kanyang Explorations in
pangwika sa Pilipinas sa
the Functions of Language na ang mga tungkuling gina-
Telebisyon ang itinu-
gampanan ng wika sa ating buhay ay kinategorya.
turing na pinakamaka-
Ginagamit nang pasalita at pasulat ang nasabing tung-
pangyarihang midya sa
kulin. Isang katangian ng wika ay nakasandig sa
kasalukuyan at wikang
kultura.
Filipino ang nangu-
ngunang midyum.

Ating ipagpatuloy na
talakayin ang ”Gamit ng Wika
sa Lipunan” sa pamamagitan
ng paggamit ng wika sa iba’t
ibang sitwasyon.

Natatandaan mo pa ba ang nakalipas na aralin? Ngayon ay bibigyan kita ng


pahapyaw na pagtalakay sa mga mahalagang nilalaman nito. Nabanggit sa
nakaraang modyul/CLAS ang mahalagang gamit ng wika sa lipunan, kung
saan malaki ang tungkuling ginagampanan ng magulang at mga taong kasama
sa bahay para sa paghubog ng isang bata. Nasa kanilang paggabay ang
ikahuhusay nito sa pakikipagtalastasan.

2
Gamit ng Wika sa Iba’t Ibang Sitwasyon

1. Sitwasyong Pangwika sa Text


Tinagurian ang Pilipinas na ”Texting Capital of the World” dahil sa humigit-
kumulang apat na bilyong text ang ipinapadala at natatanggap sa ating bansa
araw-araw. Ang pagpapadala o pagtanggap ng mensahe SMS (short messaging
system) na kilala sa tawag na text message o text ay isang mahalagang paraan ng
komunikasyon sa ating bansa. Higit itong popular kaysa sa pagtawag sa telepono
o cell phone dahil bukod sa mura ang mag-text kaysa tumawag ay may
pagkakataong mas komportable magparating ng mensaheng nakasulat kaysa
sabihin ito nang harapan o sa pamamagitan ng tawag sa telepono.

2. Sitwasyong Pangwika sa Social Media at sa Internet


Sa panahong ito na nakararanas ng matinding suliranin ang bansa dahil sa
COVID-19. Ang social media ang naghahatid ng impormasyon at updates tulad ng
mga news portal sa twitter at FB page. Maaari ring nagbibigay ito ng aliw o
libangan sa tiktok o pinterest dulot ng quarantine. Marami ang magandang hatid
nito gaya na lamang ng mas mapadadali ang mga transaksyon sa opisina at
bangko.

Sa pagganap sa trabaho ngayon na ”Work From Home” kailangan ang internet


koneksyon at gadget upang maisagawa ang trabaho. Sa pag-aaral, saang sulok ka
man ng mundo ay maaari kang mag-enroll sa online. Sa pakikipagkomunikasyon
sa mga mahal sa buhay sa ibang bansa ay ito lang din ang gamit. Sa pagbili ng
mga pangangailangan sa bahay pati mga pagkain ay mapapabilis na rin. Kaya
hindi maikakaila ang matinding pagkagusto o matuturing na pangangailangan na
ng ibang Pilipino ang paggamit ng mga social media account.

Marami ang magandang hatid nito gaya na lamang ng mas mapapadali ang
komunikasyon. Ito rin ay kailangan na sa pagtatrabaho, pagnenegosyo, at pag-
aaral. Katulad sa pag-text, karaniwan na ang code switching o pagpapalit-palit ng
Ingles sa Filipino sa pagpapahayag gayundin sa pagpapaikli ng salita o paggamit
ng daglat sa mga post at komento.

3. Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan


Wikang Ingles ang ginagamit sa mga boardroom ng mga malalaking kompanya
at korporasyon lalo na sa mga pag-aari o pinamuhunan ng mga dayuhan at
tinatawag na multinational companies. Ito rin ang wika sa mga Business Process
Outsourcing (BPO) o mga call center lalo na iyong mga kompanyang nakabase sa
Pilipinas subalit ang sineserbisyuhan ay mga dayuhang kustomer. Ang mga
dokumentong nakasulat tulad ng memo, kautusan, kontrata, at iba pa ay
gumagamit din ng wikang Ingles. Ang mga website ng malalaking mangangalakal
na ito ay sa Ingles din nakasulat gayundin ang kanilang mga press release lalo na
kung ito ay sa mga broadsheet o magazine nalalathala.

Gayunman mananatiling Filipino at iba’t ibang barayti nito ang wika sa mga
pagawaan o production line, mga mall, mga restoran, mga pamilihan, mga
palengke at maging sa direct selling. Ito rin ang gamit sa mga komersiyal o
patalastas pantelebisyon o panradyo na umaakit sa mga mamimili upang bilhin
ang mga produkto o tangkilikin ang serbisyo nila.

3
4. Sitwasyong pangwika sa Pamahalaan
Sa bisa ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988 na ”nag-aatas sa
lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensya, at instrumentaliti ng
pamahalaan na magsasagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning
magamit ang Filipino na opisyal sa mga transaksyon, komunikasyon, at
korespondensya maging ang paggamit ng wika sa iba’t ibang antas at sangay ng
pamahalaan. Malaki ang kontribusyon ni dating Pangulo Cory Aquino sa
paggamit ng wikang Filipino sa pamahalaan dahil sa kaniyang mga inisyatibo sa
paggamit ng wika. Gayundin pinatunayan ng dating Pangulo Benigno Aquino ang
pagsuporta at pagmamahal sa wikang Filipino sa kaniyang mga State of the Nation
Address o SONA. Sa buong panahon ng kaniyang panunungkulan ay wikang
Filipino ang kaniyang ginagamit.

5. Sitwasyong pangwika sa Edukasyon


Ang wikang Filipino ay kabilang sa itinadhana ng K to 12 Basic Education
Curriculum. Sa mababang paaralan (Kindergarten hanggang Baitang 3) ay Unang
Wika ang gamit bilang wikang panturo at bilang hiwalay na asignatura,
samantalang ang wikang Filipino at Ingles naman ay itinuturo bilang
magkahiwalay na asignaturang pangwika. Sa matataas na antas ay nananatiling
bilingguwal kung saan ginagamit ang wikang Ingles bilang wikang panturo. Hindi
man lubusang tinatanggap ang sitwasyong ito, ang pagkakaroon ng batas at
pamantayang sinusunod ng paaralan, pribado man o pampubliko ay
nakatutulong upang higit na malinang at lumaganap ang Unang Wika ng mga
mag-aaral gayundin ang wikang Filipino at pagkatuto ng Ingles.

Suring-Basa!

Basahin at unawaing mabuti ang mga tungkulin ng


wika na inilahad nina M.A.K Halliday kaugnay sa anim
na paraan ng pagbabahagi ng wika sa iba’t ibang paraan
at layunin.

Paraan at Gamit ng Wika


Ang wika ay nagagamit sa iba’t ibang paraan at
layunin. Maari itong gamitin upang magtakda ng isang
kautusan, magpalaganap ng kaalaman, manghikayat ng
kapuwa upang gawin o paniwalaan ang isang bagay, bumuo at sumira ng
relasyon, kumalinga sa nga nahihirapan at nasisiphayo, at sa marami pang
kaparaanan. Ayon nga sa Australyanong lingguwista na si M.A.K. Halliday, may
iba’t ibang gamit ng wika. Tinalakay niya ang mga ito sa kanyang “systematic
functional linguistic model”.

Mayroong angkop na paraan sa pagpapahayag para sa iba’t ibang sitwasyon at


konteksto. Sa paggamit ng wikang Filipino, iba’t ibang paraan ng pagpapahayag
ang ating ginagamit. Halimbawa, magkakaiba ang paraan ng pagpapahayag na
angkop at karaniwan sa mga panayam o interbyu, balita, radyo, blog, vlog, at
social media. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga sitwasyong pangwika
na akma sa konteksto ng mga mamamayang Pilipino. Makikita sa mga
sumusunod na sitwasyon ang pagkakaiba – iba ng paraan ng pagpapahayag
partikular sa pormalidad (o kawalan nito) ng wika.

4
➢ Wika sa mga Panayam

➢ Wika sa Balita

➢ Wika sa Iba Pang Programa sa Radyo

➢ Wika sa Iba Pang Programa sa Telebisyon

➢ Wika sa Social Media, Blogs at Vlogs.

Gamit ng Wika Halimbawa


Ang instrumental na gamit ng Isang patalastas tungkol sa pag-iiwas ng tao
wika ay nakatuon sa sa nakahahawang sakit na COVID -19.
pangangailangan ng tao sa
pakikipag-ugnayan sa iba.
Ang regulatori o regulatoryo Pagpapakita ng paggawa ng mga lalagyan ng
naman ay nakapokus sa paggamit halaman gamit ang mga recycle material na
ng wika sa pagbibigay ng utos o kinawiwilihan ng marami habang naka-
pagbibigay ng gabay sa posibleng quarantine.
gagawin ng ibang tao.
Ang interaksyunal na gamit ng Isang liham ng OFW para sa kanyang
wika ay nagbibigay – pansin sa pamilya na pumanaw dahil sa COVID-19.
pagpapahayag kaugnay ng pagbuo
ng ugnayan o relasyon o anumang
gawain ng pakikisalamuha sa ibang
tao.
Ang personal na gamit ay Isang madamdaming kanta ang inialay ng
tumutukoy naman sa lalaki sa kanyang yumaong frontliner na
pagpapahayag ng damdain, opinyon asawa.
at indibidwal na identidad o
pagkakakilanlan.
Sa gamit na heuristiko, ang Panonood sa telebisyon o cellphone para sa
pagpapahayag ay nakatuon sa pagkuha ng impormasyon sa paggawa ng
pangangalap ng impormasyon o sariling video.
kaalaman tungkol sa kapaligiran ng
nagsasalita.
Ang impormatibo naman ay Lunes hanggang Biyernes Hulyo 6-10 ay
kabaliktaran ng heuristiko dahil ito nakatakda ang pagsasara ng New Market sa
naman ay may kinalaman sa San Jose upang madisinfect at malinisan ito.
pagbibigay ng impormasyon sa Ito ay para sa kaligtasan at ikabubuti ng lahat.
paraang maaaring pasalita o
pasulat.

(Pinagkunan: Magdalena O. Jocson, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino-Batayang Aklat. Quezon City: Department of Education-Vibal Group, Inc.,
2016, 80)

5
Tayo’y Magsanay

Panuto: Tukuyin ang mga sitwasyong pangwika na ginamit sa bawat pangungusap.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang. Pumili ng sagot sa loob
ng kahon na nasa ibaba.

A. Text C. Kalakalan E. Social Media


B. Edukasyon D. Pamahalaan

____1. Pagpapadala at pagtanggap ng mensahe bilang bahagi ng komunikasyon.


____2. Ang Wikang Ingles ang ginagamit sa mga boardroom ng malalaking
kompanya at korporasyon lalo na sa mga pag-aari at pinamunuan ng mga
dayuhan.
____3. Ang paggamit ng unang wika sa paaralan mula sa Kinder hanggang
Ikatlong baitang ayon sa itinakda ng K to12 Curriculum.
____4. Kinawiwilihan ng kabataan at matatanda ang pagkakaroon ng account
tulad ng facebook, Twitter, Instagram, Pinterest at iba pa.
____5. Ang paggamit ng Wikang Filipino sa mga opisina, panayam, at talumpati
gaya ng SONA para sa bayan.

Panuto: Sumulat ng maikli at napapanahong balita mula sa inyong barangay batay sa


totoong pangyayari. Tiyakin na ang mga mahahalagang datos ay nakapaloob sa
isinulat mong balita.

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
___________________________________

6
Ating Pagyamanin

Panuto: Basahin ang isang talumpati ni Pangulong Duterte patungkol sa kaniyang


mga anunsyo sa COVID – 19. Ipaliwanag ang kaniyang mga pahayag at tukuyin kung
alin sa mga gamit ng wika ang kaniyang isinakatuparan.

Bahagi ng Talumpati ni Pangulong Duterte

Mga kababayan kong Pilipino, I am addressing you once again about the problem of
COVID pandemic. It is getting worse. So once again I’m telling you the seriousness of the
problem and that you must listen.
We are awaiting for God’s blessing na magkaroon tayo ng vaccine either from sino
diyan na bright boy: China, Russia, America. I’m sure na kung meron na sila, they will
share it with the rest of the world.
In the meantime, habang naghihintay tayo, marami hong problema na pumuputok na.
Hirap na nga tayo, wala ng trabaho, walang negosyo, and there are people really — you
know you… You try to mess up with ‘yong kakaunti nating…
Ang ating suplay hanggang diyan lang ‘yan ‘yong inabot kasi hindi natin alam ganun
kabilis. In two days’ time, patay ka. So, we are trying to manage na lahat magkaroon
equally. Equally is equally, pera pati pagkain. Ano ‘yung parte ko, parte mo ‘yan.
Pero maghintay kayo. Huwag ninyong gamitin ang pwersa. I am addressing the left na
‘yung pambabastos ninyo ‘yung slamming about the distribution. Remember kayong mga
left: You are not the government. Naintindihan ninyo ‘yan? Hindi kayo nasa gobyerno and
you cannot be a part of what we are planning to do for the nation. Intindihin ninyo ‘yan.
Kaya huwag kayong gumawa ng kalokohan at mag-riot-riot diyan because I will order you
detained at bibitawan ko kayo pagkatapos na wala na itong COVID.

(Pinagkunan: “Nation Address of Pres. Rodrigo Roa Duterte on Corona Virus Disease
2019 (COVID-19) pandemic”, June 23, 2020, pcoo.gov.ph)

__________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
______________________________________________________.

7
Panuto: Mula sa iyong mga sariling karanasan ay mag-isip ng isang sitwasyon na
nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan. Ilahad ang karanasang ito at gumawa ng
reaksyon ukol dito. Ito ay dapat naglalaman ng mga datos upang pagtibayin ang
gagawin mong sulat-reaksyon. Gamiting gabay ang rubrik sa ibaba.

Halimbawa: Gamit ng wika-(Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon)


Sumulat ka ng reaksyon kung paano mo nagagamit ang iyong wika sa pag-aaral at
pagkatuto lalo na sa panahon ng ”New Normal on Education.”

Paksa: Epektibo ba ang Online Learning para sa mga Mag-aaral na Pilipino?


Pamagat

Panimula

Katawan

Wakas

Rekomendasyon

Sanggunian

Rubrik para sa Gawain


Pananaliksik 5 Napakahusay 4 Mahusay 3 May kakulangan
Nakapagsaliksik ng Nakapagsaliksik ng Nakapagsaliksik ngunit
angkop na halimbawang may sangguniang
Paraan ng halimbawang sitwasyon na may kaduda-duda
paglalahad sitwasyon na sangnguniang
ng nasaliksik pinatunayan ng inilahad
mapagkakatiwalaang
sanggunian.

Paraan ng Malinaw na malinaw Malinaw na nailahad Hindi malinaw na


paglalahad ang paglalahad nailahad

May halimbawang May halimbawang May halimbawang


kapani-paniwala at hango sa totoong hindi kapani-
Nilalaman hango sa totoong pangyayari sa kapaniwala at
pangyayari sa buhay. buhay. mistulang kathang-isip
lamang.
8
Ang Aking Natutuhan

Dudugtungan Ko

Ang wika ay nagagamit sa iba’t ibang paraan at layunin. Maari itong


gamitin upang magtakda ng isang kautusan, magpalaganap ng kaalaman,
manghikayat ng kapuwa upang gawin o paniwalaan ang isang bagay, bumuo at
sumira ng relasyon, kumalinga sa nga nahihirapan at nasisiphayo, at sa marami
pang kaparaanan.

Ang (1)_________________________ nakapokus sa paggamit ng wika sa


pagbibigay ng utos o pagbibigay ng gabay sa posibleng gagawin ng ibang tao. Ang
(2)_________________________ naman ay kabaliktaran ng heuristiko dahil ito naman
ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang maaaring pasalita o
pasulat. Ang (3)__________________________ na gamit ng wika ay nagbibigay – pansin
sa pagpapahayag kaugnay ng pagbuo ng ugnayan o relasyon o anumang gawain
ng pakikisalamuha sa ibang tao. Ang (4)_________________________ na gamit ay
tumutukoy naman sa pagpapahayag ng damdamin, opinyon at indibidwal na
identidad o pagkakakilanlan. Sa gamit na (5)_______________________ ang
pagpapahayag ay nakatuon sa pangangalap ng impormasyon o kaalaman tungkol
sa kapaligiran ng nagsasalita.

9
Ating Tayahin
Panuto: Piliin sa kahon ang tungkulin ng wika na tumutukoy sa mga pahayag o
situwasyon sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

A. Instrumental D. Impormatibo
B. Regulatoryo E. Personal
C. Interaksyunal F. Heuristiko

____1. Ang mga magkakaibigan na nag – uusap tungkol sa kanilang paboritong artista na
si Maja Salvador na na-lockdown sa lungsod ng Puerto Princesa.

____2. Isang mananaliksik na patuloy na nangangalap ng mga impormasyon para sa


ginagawang pananaliksik kaugnay sa nakamamatay na COVID-19.

____3. Ang tagapagbalita sa Brigada News Palawan na nagbabahagi ng impormasyon


patungkol sa pagdami ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Puerto Princesa at
probinsya ng Palawan.

____4. Isang dalagita na nagsusulat sa kaniyang journal tungkol sa hinahangaang guro sa


Palawan National School.

____5. Isang mag-aaral na tumungo sa aklatan upang mangalap ng impormasyon


kaugnay sa Corona Virus o COVID-19.

____6. Isang patalastas sa video sa youtube ng isang sikat na vlogger na ginawa sa El


Nido, Palawan.

____7. Direksyong – papel kung paano mabubuo ang isang laruang lego blocks.

____8. “Anak diligan mo ang mga halaman,” utos ng ina kay bunso.

____9. Ang guro ay nagsulat sa pisara upang ibigay ang inyong takdang – aralin.

____10. Ang isang doktor na nagbibigay ng direksyon kung paano makaiiwas sa sakit
dulot ng virus.

10
SanggunianSubukin Natin
Aklat
Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino-Batayang Aklat. Quezon City: Department of Education-Vibal Group,
Inc., 2016.

Website
”Ang Sakit na Coronavirus 2019.” binigyang diin Minnesota Department of
Health, June 21, 2020, https://www.health.state.mn.us.

“Nation Address of Pres. Rodrigo Roa Duterte on Corona Virus


Disease 2019 (Covid 19) pandemic.” June 23, 2020. pcoo.gov.ph.

11
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong
pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na


serbisyo at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng Telepono : __________________________________

PANGALAN NG MAG-AARAL:

Lagda ng Magulang o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

Lagda ng Guro:

12

You might also like