Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Of Navotas City
Kaunlaran High School
North Bay Boulevard South – Kaunlaran, Navotas City
Teksto 3
Pagbibigay-kahulugan
En Passant
Ni Ariel Dim. Borlongan

Mag-iingat ka, Mahal na Reyna,


Ipit na ipit na ang iyong hari.
Ang tore ay marupok na puwersa
Kapag nanaig ang Sundalo’t Pari.
Manalig ka sa nagkaisang piyon
Kahit maliliit,sila’y makapangyarihan
At anumang oras ay handang humamon
Sa lalapastangan sa kaharian.
Nagtataksil na ang Sundalo.
Naglilihim na ang Pari. Depensa
Ng Tore’y malapit nang isakripisyo,
Mag-iingat ka, Mahal na Reyna.
Ang bawat sulong, ang bawat sulok,
Ang bawat hanay ay mahalaga ngayon.
Ang maliliit ay muli mong masusubok
Manalig ka sa nagkakaisang piyon.

1. Ano ang mahihinuhang paksa mula sa binasang teksto?


A. Digmaan C. sayaw
B. Laro D. dula

PBB Na!Pagpapabasang Bubuo sa mga Bidang Navoteño


Senior High School
2. Ang tekstong binasa ay nasa anyong akdang pampanitikan na ano?
A. Dagli C. Maikling Kuwento
B. Dula D. Tula

3. Ang binasang teksto ay may tonong ano ?


A. Nagbibigay ng impormasyon C. Nagbabala
B. Naglalarawan D. Nang-uuyam

4. Sa iyong palagay, anong larangan na tumutukoy sa paksa ng tula?


A. Awit C. makata
B. Isports D. sining

5. Anong bahagi ng pananalita ang higit na ginamit ng may-akda sa kanyang paglalahad ng


teksto?
A. Pangngalan C. Pang-uri
B. Pang-abay D. Panghalip

6. Alin sa mga sumusunod na teksto ang may katangiang naglalarawan ?


A. Argumentatibo C. Impormatibo
B. Deskriptibo D. Persuweysib

7. Sa anong larangan ng paglalaro maihahambing ang paglalarawan ng kaisipan ng may-akda?


A. Chess C. Luksong-tinik
B. Basketball D. Patintero

8. Ano ang nais ilarawan ng may-akda sa taludtod na ito?


Manalig ka sa nagkaisang piyon
Kahit maliliit,sila’y makapangyarihan
At anumang oras ay handang humamon

A. Maliit man nakakapuwing rin C. magsama-sama ang mga maliliit

PBB Na!Pagpapabasang Bubuo sa mga Bidang Navoteño


Senior High School
B. Maliit laban sa malakas D. pagkakaisa ng mga maliliit

9. Alin sa mga sumusunod na salitang naglalarawang teknikal?


Mag-iingat ka, Mahal na Reyna,
Ipit na ipit na ang iyong hari.
Ang tore ay marupok na puwersa
Kapag nanaig ang Sundalo’t Pari.

A. Ipit na Ipit C. mag-ingat


B. Marupok na puwersa D. nanaig

10. Alin sa mga sumusunod na pandama ang ginamit sa paglalarawan ng may-akda?


A. Pandama C. pang-amoy
B. Paningin D. panlasa

Inihanda ni:

Jemaima M. Alvarez
Kaunlaran High School

PBB Na!Pagpapabasang Bubuo sa mga Bidang Navoteño


Senior High School

You might also like