Pagsusuri Pamilya Ordinaryo

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

“PAMILA ORDINARYO”

Gabay sa Pagsusuri:

1. Pamagat
“Pamilya Ordinaryo”

2. Paksa
Kahirapan

3. Tauhan
Ronwaldo Martin bilang Aries
Hasmine Kilip bilang Jane Ordinaryo
John Kenji Montoro bilang Baby Arjan
Raymond Lee bilang Ertha
Maria Isabel Lopez bilang Cess/Ina ni Jane

m
Erlinda Villalobos bilang Helen / Nagsabing ina ni Ertha

er as
Sue Prado bilang Alma

co
Bon Andrew Lenteias bilang Edong

eH w
Rian Magtaan bilang Kilay

o.
John Vincent Servilla bilang Happy
Ruby Ruiz bilang Ale rs e
ou urc
Menggie Cobarrubias bilang Vergara
Lao Rodriguez bilang Head Guard
Karl Medina bilang Male Announcer
o

Alora Sasam bilang Female Announcer


aC s

Ferdinand Lapuz bilang Pari


vi y re

Ruth Alferez bilang Yaya


Myla monido bilang Abby
Jerould Aceron bilang Docu Actor
ed d

Star Orjaliza bilang Kapitana


ar stu

Hannalee Narra bilang Ella


Janzhed Negrite bilang Baklang Sampaguita
Jim Bergado bilang Kagawad
MJ A. Hernandez bilang PA
is

Rowena Concepcion bilang Labandera


Th

Jude Matthew Servilla bilang Batang nakakulong


Rosalie Tan bilang Jennifer
May-Anne Concepcion bilang Yolly
Red Musni bilang Guard
sh

Arlendino Mayor bilang Police 1


Reynaldo Irinco bilang Police 2 (as Reynald Irinco)
Alon Martinez bilang Guard
Benjie Belena bilang Guard 1 (as Benjie Bellena)
Annie Nasam bilang Bata 1 (4 Years Old)

This study source was downloaded by 100000788304985 from CourseHero.com on 12-01-2021 05:32:24 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/91225920/PAGSUSURI-PAMILYA-ORDINARYOdocx/
Nicole Mendoza bilang Bata 2 (Female 4 Years Old)
Janette Dela Rosa bilang Ina ng Bata
Amadeo Ricaforte bilang Saksi
Betina Esteban bilang Vendor (10 Years Old)
Jun Deo Amorante bilang Matandang Lalake
Grace Quiambao bilang Nanay 1
Mary Jane Nieva bilang Nanay 2
Dan Pilares bilang Lalake
Edwin Bartolome bilang Taxi Driver
Patricia Belan bilang Babae
Michelle Gonzalesa bilang Cashier
Janna Ordonez bilang Ale with Anak
Neng Saspa bilang Mommy
Carmela Danao bilang Babaeng naholdap
Arjay Lambino bilang Tumulong sa hinoldap

m
Jun Ramirez bilang Tumulong sa hinoldap

er as
Giselle Ballesta bilang Nurse

co
Jude Maningo bilang Audio Man

eH w
Anthony Navarra bilang Batang barker

o.
Jay Ballicud bilang Batang binatukan
rs e
ou urc
4. Simula
Sa simula makikita ang karaniwang pangyayari sa Quiapo. Habang nakikipaglaro
ang isang bata sa kalsada bigla na lamng itong nabundol ng isang sasakyan. Si Jane, karga
o

ang anak na wala pang tatlumpung araw ay naglakad papalayo sa pangyayari nang
aC s

makasalubong niya ang asawang si Aries at nakipagbati dito.


vi y re

Isang transgender ang lumapit kay Jane na kung saan inalok siya ito na bilhan si
Baby Arjan ng diaper sa supermarket. Sa pag-aakalang may mabuti itong kalooban
sumunod naman ito kay Ertha subalit nung magbabayad na sila sinabing baka kukulangin
ang kanilang pambayad kaya magwi-withdraw muna siya ng pera, at umalis si Ertha na
ed d

karga-karga ang anak ni Jane.


ar stu

5. Tunggalian - (Tao laban sa tao/Lipunan)


Ginabi na sila Jane at Aries sa paghahanap ngunit hindi na nila nakita pa sina
is

Ertha at baby Arjan. Ngunit nagpursigi pa rin sila sa paghahanap dito. Nanghingi ng
tulong sa kapitana, nanawagan sa radyo at patuloy na naghanap sa kung saan mang lugar
Th

na hindi na nila alam. Nang humungi ng tulong si Jane sa mga pulis makikitang hindi
angkop/mabuti ang ginawa ng pulis kay Jane nang siya ay tinatanong nito.
May nag-alok naman sa kanila na gawan ng dokumentasyon ang paghahanap nila
sh

kay Baby Arjan na ipalalabas sa telebisyon upang mas maraming makapanood at


makatulong sa kanila. Subali’t hindi naging kaaya-aya ang naging reaksiyon ng mga
nakapanuod nito. At marami rin ang may gustong tumulong subali’t panloloko lang pala
ang balak ng mga ito.

This study source was downloaded by 100000788304985 from CourseHero.com on 12-01-2021 05:32:24 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/91225920/PAGSUSURI-PAMILYA-ORDINARYOdocx/
6. Kakalasan
Sa paghihintay ng balita mula sa nagpakilalang ina ni Ertha, may dumating na text
sa kanila na nagsasabing nasa pamilya Duque daw napunta ang anak nito. Kahit sa
malayo man napunta ang anak pilit pa rin nila itong pinuntahan. Dahil sa subdibisyon ito
nakatira hindi sila napayagang pumasok kaya patagong kinuha ni Aries ang bata sa bahay
ng pamilya Duque subalit nang nahawakan na ni Jane ang bata napagtanto nilang hindi
pala si Baby Arjan iyon kaya minabuti na lang nila itong ibalik sa totoo niyang pamilya.

7. Wakas
Sa pagaakalang nasa pamilya Duque napunta ang kanilang anak, lumuwas pa sila
papunta sa ibang lugar upang mahanap ang kanilang anak. Subalit sila’y nabigo sa
paghahanap kay Baby Arjan. Umuwing bigo sina Jane at Aries, at hindi na alam kung
mahahanap pa ba nila ang kanilang anak o hindi na.

8. Buod

m
Makikitang nakikipaglaro ang isang bata sa kalsada nang siya ay bigla nalang

er as
nabundol ng isang sasakyan. Karga ni Jane ang isang buwan niyang anak ng mangyari

co
iyon. Naglakad na si Jane papalayo sa pangyayaring iyon nang makasalubong si Aries na

eH w
gusting makipagbati sa kaniya.

o.
Sa lamayan ng nabundol na bata nakilala ni Jane si Ertha. Pagkalipas ng ilang
rs e
araw nagpakita si Ertha kay Jane at nag-alok itong bilhan si Babay Arjan ng diapers sa
ou urc
supermarket. Habang kumukuha si Jane ng diaper kinuha ni Ertha ang bata kay Jane
upang kargahin ito. Nang magbabayad na sila sinabi ni Ertha na parang kulang daw ang
pambayad kaya kailangan niya daw mag-withdraw sa ATM kaya lumabas naman ito at
o

karga-karga ang anak ni Jane. Hindi namamalayan ni Jane tinangay na pala ni Ertha ang
aC s

bata kaya ng malaman niya ito mabilis siyang tumakbo palabas upang hanapin ang
vi y re

kasama subalit hindi na niya ito nakita.


Ginabi na sila Jane at Aries sa paghahanap ngunit hindi na nila nakita pa sina
Ertha at baby Arjan. Ngunit nagpursigi pa rin sila sa paghahanap dito. Nanghingi ng
tulong sa kapitana, nanawagan sa radyo at patuloy na naghanap sa kung saan mang lugar
ed d

na hindi na nila alam.


ar stu

Humungi rin ng tulong si Jane sa mga pulis pero makikitang hindi mabuti ang
ginawa kay Jane ng pulis nang sila ay kumakalap ng impormasyon tungkol sa nangyari.
May nag-alok naman sa kanila na gawan ng dokumentasyon ang paghahanap nila kay
is

Baby Arjan na ipalalabas sa telebisyon upang mas maraming makapanood at makatulong


sa kanila. Subali’t hindi naging kaaya-aya ang naging reaksiyon ng mga nakapanuod nito.
Th

Niloko rin sila ng nagpakilalang nanay ni Ertha, si Helen, sinabi nitong


kukumbinsihin niya ang anak na ibalik si Baby Arjan ngunit kailangan niyang makauwi
sa Romblon dahil nandoon ang anak. Humihingi siya ng sampung libo kina Aries at Jane,
sh

na imposible naman nilang maibigay. Ngunit nagnakaw pa rin si Aries para lang may
makuhang pera, gayundin si Jane.
Sa paghihintay ng balita mula sa nagpakilalang ina ni Ertha, may dumating na text
sa kanila na nagsasabing nasa pamilya Duque daw napunta ang anak nito. Kahit sa
malayo man napunta ang anak pilit pa rin nila itong pinuntahan. Dahil sa subdibisyon ito
nakatira hindi sila napayagang pumasok kaya patagong kinuha ni Aries ang bata sa bahay

This study source was downloaded by 100000788304985 from CourseHero.com on 12-01-2021 05:32:24 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/91225920/PAGSUSURI-PAMILYA-ORDINARYOdocx/
ng pamilya Duque subalit nang nahawakan na ni Jane ang bata napagtanto nilang hindi
pala si Baby Arjan iyon kaya minabuti na lang nila itong ibalik sa totoo niyang pamilya.
At sa huli umuwing bigo sa paghahanap sina Jane at Aries.

9. Tema/mensahe -
Nais ng pelikula na mamulat ang mga tao lalo na sa mga kabataan na mahirap ang
buhay. Mahirap ang maging batang magulang lalong-lalo na kung nasa pinakababa ka ng
“socio-economic status” dahil hindi lahat ng tao ay pinagtutuunan ng pansin o
pinapahalagahan ng mga nasa taas.
Nais din ipahiwatig ng pelikula na lahat ng bagay na nakakamtan ay dapat
pahalagahan, maliit man yan o malaki dahil tulad ng makikita sa pelikula kahit bigas at
pagkain hirap na nilang kunin pati pagligo araw-araw di nila kayang gawin dahil na rin sa
wala silang pambili ng sabon at shampoo.
Mas mapagtuunan pa sana ng pansin ang mga taong tulad nila dahil karapatan din
nila ang itrato ng mabuti tulad ng ibang tao. Ang katulad nila ay hindi dapat

m
ipinagsasawalang-bahala ng mga institusyong dapat nangangalaga sa kanilang kapakanan.

er as
co
Mga Teorya: Paano ang pagsipat sa pelikula ang mga sumusunod na teorya?

eH w
o.
Marxismo
rs e
• Anu-ano uring panlipunan (social class) ang nasa pelikula?
ou urc
Sa pelikulang “Pamilya Ordinaryo” naipakita ang buhay ng mga tao mula sa
mataas, gitna at mababang uri ng lipunan.
o

• Paano nagtunggalian ang mga uri ng panlipunan sa pelikula?


aC s

Tulad ng makikita sa pelikula maraming pagkakataon na parang mababa ang


vi y re

tingin ng mga tao sa tulad nila Jane at Aries na mahirap lamang at walang pinag-aralan.
Ginamit ni Ertha ang sitwasyon nila Jane upang makuha si baby Arjan sa pamamagitan
ng pagkuha ng loob niya at pagpapakita na siya ay may mabuting puso.
Ginamit naman ng pulis ang kanyang kapangyarihan at awtoridad upang pasundin
ed d

at bastusin si Jane dahil alam niyang makakatulong ito sa paghahanap sa nawawalang


ar stu

anak.
Linoko rin ni Helen sila Jane at Aries, nagpakilala siya bilang ina ng kumuha sa
kanilang anak at humingi ng malaking pera kahit na alam nitong wala silang pera na
is

ganun kalaki. Dahil sa kahirapan at dahil na rin sa gusto nila Jane at Aries na mahanap
ang kanilang anak ginawa nila ang lahat ng makakaya nila sa pamamagitan ng
Th

pagnanakaw sa mga taong makikitaan nila ng pagkakataong pagnakawan para lang may
maibigay sa matandang ang balak lang ay ang manloko.
sh

• Sino ang nang-api at inapi; nagsamantala at pinagsamantalahan?


Sa pelikulang Pamilya Ordinaryo mababatid na sina Jane at Aries ay inapi dahil
tulad ng mapapanood sa pelikula matapos ipalabas sa telibisyon ang kanilang kwento
may mga taong nanghusga sa kanila.

This study source was downloaded by 100000788304985 from CourseHero.com on 12-01-2021 05:32:24 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/91225920/PAGSUSURI-PAMILYA-ORDINARYOdocx/
Pinagsamantalahan ng mga nasa mataas at gitnang uri ng panlipunan ang nasa
baba nila, tulad nalang ng nangyaring pang-momolestya ng pulis kay jane at ang
panloloko ng mga tao sa kanila porke’t wala silang pinag-aralan at mahirap lang ang
kanilang buhay.

• Paano inilarawan ang mga karakter: bida ba o kontrabida ang nang-api o inapi, ang
nagsamantala o pinagsamantalahan?
Talaga ngang napakaganda ang pagkakagawa ng pelikulang “Pamilya
Ordinaryo.” Magaling din ang naging pagganap ng mga artistang kasama sa pagbuo nito.
Masasabing naipakita din dito ang mga emosyon ng maayos. Sa pelikulang ito, makikita
na ang bida na sina Aries at Jane ay inapi at pinagsamantalahan ng mga kotrabida.

• Paano bumangon sa kaapihan o sitwasyong mapagsamantala ang mga karakter?


Kahit mahirap ang kanilang sitwasyon ginawa pa rin nila ang makakaya nila para
lang mahanap ang anak. Kahit na may mga taong nang-aapi sa kanila hindi nila ito

m
pinapansin. At kahit lokohin man sila ng tao sige parin sila sa paghahanap dahil nga

er as
importante sa kanila ang anak at mahal na mahal nila ito. Dahil diyan kayang-kaya nilang

co
gawin ang lahat, magnakaw man sila gagawin nila para makita lang ulit ang kanilang

eH w
anak.

o.
rs e
• Paano nagsamantala sa iba ang ilang karakter?
ou urc
Talaga ngang napakagaling ng pagkakagawa ng pelikula dahil talagang naipakita
dito ang mga pangyayaring maaari mo ring makita sa totoong buhay. Tulad na lamang sa
isang sitwasyon na nakita sa pelikula na kung saan isang bata ay nakikipaglalaro sa
o

kalsada at bigla na lamang itong nabundol subali’t ang nakabundol sa kaniya ay umalis na
aC s

lamang nang hindi man lang humingi ng tawad sa nagawa. Marami ring mga bata na
vi y re

nakatira sa mga kalsada at dahil sa kahirapan nagagawa nilang magnakaw para lang may
maipangbili ng makakain.
ed d

• Aling uri ang nagtagumpay sa huli?


Hindi tulad ng ibang mga pelikula na kung saan kadalasan dito ay may masayang
ar stu

wakas at nasosolusyunan ang problema sa pelikula. Dito sa pelikulang ito maraming


tanong ang maiiwan sa mga manonood dahil sa “open-ended” na wakas nito. Sa
pelikulang ito ang mga kontrabida ang nagtagumpay. Nagtagumpay ang mga nasa taas na
is

uri ng lipunan laban sa mababang uri ng lipunan na tulad nila Jane at Aries.
Th

Feminismo
• Sinu-sino o anu-anong pwersa ang humahadlang sa plano o pagtatagumpay ng babaeng
karakter?
sh

Maraming pagsubok ang hinarap ng babaeng bida at marami ring tao at pwersa
ang humahadlang sa pagtatagumpay nitong makita ang anak. Ang mga may awtoridad at
mga taong nasa mataas at gitnang uri ng lipunan ang siyang dapat nangangalaga sa kanila
subalit sila pa mismo ang nagpapahirap sa buhay nila.

This study source was downloaded by 100000788304985 from CourseHero.com on 12-01-2021 05:32:24 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/91225920/PAGSUSURI-PAMILYA-ORDINARYOdocx/
• Paano inilarawan ang mga babaeng karakter: bida ba o kontrabida ang nang-api o inapi, ang
nagsamantala o pinagsamantalahan?
Sa pelikulang ito, inilarawang ang bida na si Jane bilang isang inapi at
pinagsamantalahan ng mga kontrabida. Ang kontrabida naman na si Helen ang
nagsamantala kay Jane na kung saan niloko niya ito na siya ang ina ng kontrabidang
kumuha sa anak nila. Masasabi kong kontrabida ang naging karakter ng isang babaeng
announcer na nag-interview sa kanila sa isang radio station na kung saan inapi nito ang
bida, nagtanong at pinagsabihan nito ng mga salitang maaaring makasakit sa damdamin
nila at parang iba ang pakikitungo niya sa kanila hindi tulad ng pagtrato sa mga normal o
special guest nila. Isa rin sa kontrabida ang babaeng nag-interview sa kanila para sa isang
documentasiyon, pinagsamantalahan niya ang mga bida dito. Ginamit nila ang kanilang
kwento para sa tv ratings at hindi manlang nila ito tinulungan sa paghahanap. Ang gusto
lang nila ay ang makuha at gamitin ang kwento ng buhay nila.

• Paano bumangon sa kaapihan o sitwasyong mapagsamantala ang mga babaeng karakter?

m
Dahil sa pagmamahal sa anak malakas ang kaniyang loob at kaya niyang lagpasan

er as
ang anumang mga pagsubok na kaniyang haharapin. Kahit na pinagsamantalahan pa siya

co
ng pulis tiniis niya iyon dahil gusto niyang tulungan siya nila sa paghahanap sa anak.

eH w
Kahit na may mga nanghuhusga sa kanila di nalang niya ito pinapansin. At kahit lokohin

o.
man sila patuloy parin itong lalaban dahil importante na mahanap nila ang bata kahit
rs e
anong paraan man ang kanilang gawin.
ou urc
• Paano nila sinalansang ang sistemang patyarkal?
Sinalansang ng bidang babae ang sistemang patyarkal sa pamamagitan ng pagtutol
o

sa ideyang lalaki lang ang may kakayahan sa pagtataguyod ng isang pamilya.


aC s

Pinatunayan niya sa pelikula na kaya niyang buhayin at kaya niyang gumawa ng paraan
vi y re

para maresolba ang kanilang mga problema.

• Mapagpalaya ba sa aspektong pangkasarian ang pelikula? Mapagpalaya sa aspektong


ed d

pangkasarian ang pelikulang “Pamilya Ordinaryo.” Tulad ng isang lalaki pinatunayan niya na
kaya niya ring gawan ng paraan ang problemang kinakaharap nilang magkasintahan.
ar stu

Realismo
is

• Paano inilarawan ng pelikula ang mga pangyayari sa totoong buhay?


Th

Nailarawan ng pelikula ang mga pangyayari sa totoong buhay sa pamamagitan ng


pagtalakay sa mga isyung kadalasang nangsyayari sa lipunan. Naipakita rin dito ang mga
pangyayaring madalas mangyari sa mga kapaligiran lalong-lalo na sa mga mataong lugar
tulad ng Quiapo.
sh

• Matapat ba ito o subersibo sa realidad?


Matapat ang pelikula sa realidad dahil ang mga pangyayari dito ay makikita sa
karaniwang buhay ng isang tipikal na pamilyang Pilipino.

This study source was downloaded by 100000788304985 from CourseHero.com on 12-01-2021 05:32:24 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/91225920/PAGSUSURI-PAMILYA-ORDINARYOdocx/
• Paano nito “hinubog” o “minolde” o “iprinisenta” ang realidad?
Sa rami ng problema at isyu na tinalakay sa pelikulang ito mababatid ko na
mamumulat ang mga tao sa realidad ng bansang kanilang tinitirhan. Maraming mensahe
na nais ipahiwatig ng pelikula na sanay nakuhanan nito ng mga aral.

• Dulog 1: realismo = kapani-paniwala ang mga karakter at pangyayari (parang totoo, pwedeng
totoo)
Sa estilong ginamit sa pagkakagawa ng pelikula makikita mo talagang parang
totoo ang iyong napapanood. Maiuugnay ang pelikulang ito sa realidad.

• Dulog 2: realismo = totoo ang nirereprodyus na imahe sa kamera (realistiko, makatotohanan


ang pagsalamin o paglalarawan sa realidad)
Sa paraan ng pagkuha ng mga pangyayari at paggamit ng tunog mula lamang sa
kapaligiran masasabing totoo ang nireprodyus na imahe sa kamera, realistiko at
makatotohanan ang paglalarawan sa realidad.

m
er as
Formalismo

co
• Paano nakatulong o nakasama ang liwanag/ilaw, tunog/sound track, presentasyon ng mga

eH w
eksena (shot composition), disenyo ng set, (mga) kulay ng eksena, editing ng mga eksena sa

o.
kasiningan ng pelikula?
rs e
Ang pelikulang ito ay hindi ordinaryo. Ginamit ng direktor ng pelikula ng
ou urc
makatotohanang tunog na nagmumula lamang sa paligid upang mas lalong maibigay ang
haplos-ng-katotohanan, hindi ito gumamit ng kung anumang soundtrack o anumang
special effects. Gumamit din ito ng mga clips mula sa CCTV na nagbigay ng
o

makatotohanang haplos dito. Talagang authentic ang pagkakagawa sa pelikulang ito.


aC s
vi y re

• Paano nakapukaw ng damdamin (o hindi nakapukaw ng damdamin) ang liwanag/ilaw,


tunog/sound track, presentasyon ng mga eksena (shot composition), disenyo ng set, (mga)
kulay ng eksena, editing ng mga eksena sa kasiningan ng pelikula?
Mula sa salitang ordinary, ang pelikula ay maaaring iugnay sa ordinaryong buhay
ed d

ng isang tipikal na pamilyang Pilipino. Mapupukaw ka talaga sa pelikulang ito dahil


ar stu

kumpara sa mga mataas na klidad na pelikula ito ay kakaiba. Hindi mo ito masyadong
makikita sa mga pelikula na kadalasang napapanood ng mga tao. Magaling ang pagganap
ng mga artista sa karaker na kanilang ginampanan. Dahil madalas nakatutok ang kamera
is

sa mga mukha ng mga tauhan naipakita nila ng maayoos ang emosyong nais ipahiwatig
ng pelikulang ito. Dahil sa paraang ginamit ng director sa pagkakagawa ng pelikulang ito
Th

para ka lang nanonood ng “realiy show” dahil mukha talaga itong makatotohanan.

• Paano nagko-complement o nag-aaway-away ang mga nabanggit na elemento?


sh

Ang pelikulang ito ay authentic ang pagkakagawa. Hindi ito ginamitan ng kung
anumang special effects na maaaring mas makakapagpaganda nito. Kumbaga parang
hilaw ang mga kuha na ginamit dito na nagpakita ng makatotohanang kwento. Sa
pagkakagamit ng ilaw, presentasyon at editing ng eksena, at disenyo ay maayos na
nagamit. Talagang maiuugnay mo ito sa realidad, dahil sinadyang ganun ang

This study source was downloaded by 100000788304985 from CourseHero.com on 12-01-2021 05:32:24 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/91225920/PAGSUSURI-PAMILYA-ORDINARYOdocx/
pagkakagawa. Mula sa paggamit ng mga kuha sa CCTV’s at paggamit ng tunog na
nagmumula sa paligid. Para ka lang nanonood sa iyong harapan na kumbaga ito’y totoo
mong nakita.

m
er as
co
eH w
o.
rs e
ou urc
o
aC s
vi y re
ed d
ar stu
is
Th
sh

This study source was downloaded by 100000788304985 from CourseHero.com on 12-01-2021 05:32:24 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/91225920/PAGSUSURI-PAMILYA-ORDINARYOdocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like