Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 7

(Anchor) Sharmaine Llorente:

Magandang Araw mga Kababayan!

; Bagong Araw nanaman! Araw ngayong Lunes Ika- 11 ng Mayo, 2020

; Mula sa Pambalitaan ng MMZS 99.9

(*sound Radyo ng masa MMZS Special coverage )

; Ito po si Sharmaine Llorente ng Radyo ng Masa

:Sa ulo ng mga nagbabagang balita

(Headlines Balita)

: NTC, pinatigil na ang ABS-CBN na mag operate dahil napaso na ang prankisa.

:Iuulat ni Mae Velasco, Magandang hapon, Mae.

(Field Reporter)Mae Velasco

: Inutusan nga ng National Telecommunications Commission nitong Martes ang ABS-


CBN na itigil na ang operasyon sa kanilang TV at radio station sa buong bansa matapos
mapaso ang kanilang legislative franchise.

:Sa kautusan na may petsang Mayo 05, 2020, sinabi ng NTC na hindi puwedeng mag-
operate ang ABS-CBN dahil sa kawalan ng balidong congressional franchise na napaso
noting Mayo 4, 2020. "Upon the expiration of RA 7966, ABS-CBN no longer has a valid
and subsisting Congressional franchise as required by Act No. 3846," saad ng NTC sa
pahayag.

:Binigyan nga NTC ng araw ang ABS-CBN na tumugon sa ibinigay nilang direktiba at
magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat patigilin sa operasyon.

(Anchor) Sharmaine Llorente:


: Ilan Mae ang binigay na araw ng NTC sa ABS. CBN para tumugun?
(Field Reporter)Mae Velasco

: Ah oo sharmaine , binanggit na 10 araw nga daw dapat tumugon ang Abs. Cbn sa
pagpaliwanag kung bakit hindi sila dapat patigilin sa operasyon.

:Una rito, nagsavi ang NTC na handa silang nagbigay ng provisional authority (PA) sa
ABS-CBN para patuloy na makapag- operate habang hinihintay na maipasa sa kongreso
ang kanilang prangkisa.
(Anchor) Sharmaine Llorente:
:Mabuti Mae at nagbigay ang NTC na pahintulutan pa makapag-operate ang ABS-CBN
habang hinihintay ang kanilang prangkisa.

(Field Reporter)Mae Velasco

:Oo sharmaine ,Pero kamakailan lang, nagbabala ang office of Solicitor General na
maaaring makasuhan ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang NTC kapag itinuloy ang
pagbibigay ng PA.

:Ang pananaw ng Solgen ay taliwas naman sa posisyon ng Department of Justice na


nagsabing maaari pa ring mag-operate ang ABS-CBN habang nakabinbin sa Kongreso
ang kanilang franchise renewal.

:Nitong nakaraan nga Sharmaine ng Pebrero, nagpadala ng sulat ang House of


Committee on Legislative Franchises sa pamamagitan ni House Speaker Alan Peter
Cayetano at panel chair Franz Alvarez upang hilingin sa NTC na bigyan ng PA ang ABS-
CBN.

:Kasabay nito, iginiit ni Cayetano ma tutol siya na ipasara ang naturang network.

:Nitong Lunes, sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na ang NTC ang may pasya
kung makapag ooperate pa ang ABS-CBN habang walang prangkisa mula sa Kongreso.

(Anchor) Sharmaine Llorente:


:EH di Mae kung ano ang pasya ng NTC ay iyon ang masusunod kung makakapag operate
pa ang Abs-cbn?
(Field Reporter)Mae Velasco

: Oo sharmaine, kung ano ang pasya ng NTC ay yun lamang an gating hinihintay.

:"Ang solicitor General ay alter ego ng ating Presidente, at sumulat nga sya sa NTC. This
must be dealt with by the NTC as a quasi-judicial body." ayong kay Roque.

:"Aantayin natin ang sagot ng NTC. Ang desisyon po ng NTC ANG ipapatupad ng
Presidente. Hindi puwedeng impluwensyahan ng Presidente ang NTC," dagdag niya.

(Anchor) Sharmaine Llorente:

:Pwede bang iapela ito sa korte ng ABS-CBN ? Mae.


(Field Reporter)Mae Velasco:

: Oo Sharmaine,nito lamang Martes, sinabi ni DOJ Secretary Mendri Guevarra na kaagad


ipapatupad ang kautusan ng NTC pero maaaring iapela ng ABS-CBN sa korte.

:"A CDO (Cease and desist order) immediately executory but still appealable to the
courts," saad ni Guevarra sa kanyang mensahe sa mga mamamahayag.

:Noong nakaraang Marso, inayunan ng NTC ang posisyon ng DOJ na puwedeng mag-
operate ang ABS-CBN kahit napaso na ang prangkisa nito at nakabinbin sa kongreso ang
renewal.

:Naniwala naman si Guevarra na mayroong magandang dahilan ang NTC sa pagbabago


ng desisyon."The NTC issued a cease-and-desist order instead. It must have a very good
reason for doing so. Let's wait for it's explanation," anang kalihim.

: Balik sayo Sharmaine

(Anchor) Sharmaine Llorente:


:diyan lamang kayo at kami ay babalik,
(*sound-Radyo ng masa MMZS Special coverage )

(*patalastas - patugtog Rude song)

(*patalastas-
(*sound-Radyo ng masa MMZS Special coverage )

(Anchor) Sharmaine Llorente:

:Bumabalik nga kami , Sa mga taga Bacon jan oras ay alas tres na ng hapon
(*sound-Radyo ng masa MMZS Special coverage )

(Anchor) Sharmaine Llorente:

:dumako naman tayo sa Senado, mga kawani ng Senado nagpositibo sa Covid-19

:Ibabalita ni Jezza Regidor ,Jezza

(Field Reporter) Jezza Regidor

: Yes, Sharmaine ,12 ngang kawani ng Senado, nagpositibo sa COVID-19 nang


isailalim sa rapid test bago ang sesyon

:Samantala Sharmaine, ayon kay Senate President Vicente Sotto lll, dalawa sa
mga kawani ay tauhan ng mga senador, isa ang waiter, isa ang "page' ng session
hall at ang natitira ay muka sa office of the Sergeant-at-Arms.
:"Sent them already to hospital with Swab test then quarantine," ayon kay
Sotto.

(Anchor) Sharmaine Llorente:

: Kelan nakatakdang simulan ang sesyon,Jezza?


(Field Reporter) Jezza Regidor

: Nakatakdang magsimula ang sesyon ngayong hapon ng 3:00 pm Sharmaine .

(Anchor) Sharmaine Llorente:

:Salamat Jezza .
: Sa panahon ngayon wala talagang inaatrasan ang Covid-19.
: Ang Covid-19 pandemic ay patuloy pa rin mga kababayan kung lumaganap sa ating
bansa. Kaya marami parin ang dumaranas ng krisis dahil hindi lahat ay nabibigyan ng
SAP. Hindi pa rin bumababa ang kaso ng may Covid-19 ngunit sa kabila nito may mga
kababayan tayong lumalaban sa sakit na ito at gumagaling. At gaano man kahirap ang
nararanasan natin mga kababayan,nariyan pa rin ang bayanihan na handing tumulong sa
mga nangangailangan. Mag-ingat mga kababayan at manatili lamang sa ating mga
bahay.

: Oras , Alas kwatro na ng hapon. Tayo’y babalik maya-maya.


(*sound Radyo ng masa MMZS Special coverage )

(*patalastas)
(*patalastas)

(Anchor) Sharmaine Llorente:


: At muli (*sound Radyo ng masa MMZS Special coverage )

:DepEd: Pasukan ng klase sa Aug. 24.Inihayag ni Education Secretary Leonor Briones na


magsisimula ang school year 2020-2021 sa Agosto 24.

: Alamin kay, Mae Velasco

(Field Reporter)Mae Velasco:

:"Ang Napili nating school opening date ay August 24," saad yan Sharmaine ni Briones sa
Laging Handa Public briefing nitong Martes.

:Pero dahil sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) at general community


quarantine (GCQ) sa iba't ibang bahagi ng bansa dahil sa COVID-19, maaari umanong
simulan ang klase sa pamamagitan ng pisikal na pagpasok ng mga mag- aaral o via
online.

: Una sa lahat Ang pinakamalaking konsiderasyon natin dito ay 'to protect the health and
safety and well-being of learner.' yan ang pinakaunang priority natin," ayon kay Briones.

(Anchor) Sharmaine Llorente:

: Kailan naman dapat matatapos ang klase kung sa gayon ay August24 ang simula ng
klase, Mae ?

(Field Reporter)Mae Velasco:

:Idinagdag nga ng kalihim na matatapos ang klase sa April 30, 2021, Sharmaine.

(Anchor) Sharmaine Llorente:


: Salamat Mae, Ano naman ang reaksiyon ng Malacanang dito?

(Field Reporter)Mae Velasco:

:Sa Malacañang, sinabi ni Presidential spokes person Harry Roque na iginagalang ng


pamahalaan ang desisyon ng DepEd sa pagbubukas ng klase.

:"We respect the decision of DepEd to open some of the Schools on the 24th [of
August]. Wala na ping ibang desisyon any IATF(Inter-Agency Task Force) diyan," sabi ni
Roque.

:Ayon kay Briones, magiging malaking pagsubok sa Department of Education (DepEd)


ang bagong sistema ng pagtuturo para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Kabilang sa
bagong sistema ang Flexible Learning Options (FLOs).

:" May mga schools na handa na daw silaagbukas magbukas ng online, public o private
ng kanilang school lessons. Madami ring through the cellphone. Nagsurvey kami
puwede ding sa telebisyon at saka sa radyo," ayon kay Briones.

"Napansin namin na yung pikamalaki para sa mga malalayong lugar ay sa radyo,"


patuloy niya.

:Kanselado na rin umano ang ilang school related activities na dinadaluhan ng madami
tulad ng Palarong Pambansa, talent contests at Brigada Eskwela. Kanselado rin ang
science fair, trade fairs, campus journalism at job fairs, lalo na sa mga lugar na umiiral
ang ECQ.

:Inatasan naman ni Briones ang mga guro na dumalo-physically or virtually-mula june1


hanggang June 30, para sumailalim sa capacity building para sa bagong lessons kabilang
na ang "DepEd commons."
:Samantala Sharmaine , maghahain ng panukalang batas si Senate President Vicente
Sotto lll para bigyan ng kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na magtakda mg
pagbubukas ng klase. Sharmaine

(Anchor) Sharmaine Llorente:


: Salamat , Mae Velasco.
: Tayo’y ating tutukan ang atleta na si Heidelyn handa na niyang represinta ang Pilipinas
sa larong Weightlifting.

:tinutukan Jezza Regidor. Jezza

:Yes Sharmaine,Inaabangan ngayon si Heidelyn Diaz ng kanyang mga taga hanga at taga suporta dito sa
Pilipinas ang kanyang laban sa susunod na buwan sa America ang kompetisyon sa weightlifting, na labis
ding ipinapasalamat ng manlalaro, Sabi niya pa sa kanyang mga panayam handa na raw syang
irepresinta ang ating bansa at lakas loob niyang ipapanalo ang laban. Makakasama niyang pumunta roon
ang kanyang asawa't anak na todo suporta din. Lahat ay nag aabang at umaasa sakanyang panalo.

:Balik sayo Sharmaine

Anchor : Ang mga Pinoy ay talagang mahuhusay at hindi nagpapahuli sa usaping kompetisyon. Salamat
sa magandang balita Jezza.

(* patalastas )

Ang Proleaf Shampoo "Tints of Nature"

Ito ay nagpapalakas sa inyong buhok sa loob lamang ng limang araw!

Mawawala ang mga balakubak sa buhok ninyo at magkakaroon ito ng malakas na proteksyon mula dito!

Ito rin ay hindi nakaiirita sa mata.

Mananatili rin ang mahalimuyak na amoy sa inyong buhok hanggang beintikuwatrong oras!

Ito ay gawa sa mga natural na mga kagamitan kaya hindi nakasisira sa kalikasan!

Ang lahat ng mga benepisyong ito ay makukuha ninyo sa mababang presyo!

Kaya ano pa ang hinihintay niyo?Bili na!


Anchor:

ANCHOR:At yan ang mga lehitimong mga balitang aming nakalap sa araw na ito na dito lamang sa
estasyong ito maririnig.

:Muli ito po ang MMZS 99.9, Radyo ng Masa

Na nagsasabing "Balita nyo! Sagot ko! Tunay na Balita at Serbisyo.

At yan an gang latest

You might also like