Professional Documents
Culture Documents
Sulat para Sa Ofw Bilang Mukha NG Globalisasyon
Sulat para Sa Ofw Bilang Mukha NG Globalisasyon
Sulat para Sa Ofw Bilang Mukha NG Globalisasyon
Malaki ang aming pasasalamat sa inyo dahil sa inyong sakripisyo, hindi lamang para sa
ikauunlad ng inyong pamilya ngunit para na rin sa kabuting dulot nito sa ating bansa.
Sa inyong tiyaga at pakikipagsapalaran ay nabibigyan niyo ng mas mabuting buhay ang ilan
sa ating mga mamamayan. Nawa’y kayo lagi ay mag-iingat at magiging ligtas, bagkus kayo
sa nasa ibang lupain.
Kayo po ay mga mukha nga globalisasyon dahil nakakarating kayo sa iba’t ibang
destinasyon. Ang pangingibang-bayan ninyo po ay isang malaking tulong sa ating bansa na
nagsimula sa administrasyong marcos bilang panandaliang tugon sa budget deficit .
Naging matagumpay ang stop gap measure na ito. Nang makita ng pamahalaan
angmalaking kapakinabangang makukuha dito’y pinaigting pa ang pagpapadala ng mga
manggagawa sa ibang bansa.Kaya naman nagpapatuloy ito hanggang sa kasalukuyan.
At aming ipinapangako naman na kami ang proprotekta sa naiwan ninyong pamilya rito sa
bansa. Nawa’y kayo ay bumalik ng ligtas at malusog, at huwag makakalimot sa lupang
sinilangan. Mahal kayo ng sambayanang Pilipino.
Lubos na gumagalang,
Isang mamamayang pilipino