Aktibidad Sa Pananaliksik

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

NICOLE ANNE N.

MANGAHAS
11-KEATS
PAGGANYAK
Sagutin ang mga tanong para sa isang impormal na sarbey. Lagyan ng marka ang
kahon ng iyong sagot o isulat ang sagot mo sa linya.
1. Kailan ka hulíng pumunta sa aklatan ng inyong paaralan upang manghiram ng
aklat o magbasá ng anumang aklat ná naroroon'?
__Kahapon
__Sa kasalukuyang linggo
/ Noong isang taon
__Noong isang buwan
2. Ano ang ginawa mo sa aklatan nang magpunta ka roon?
_/_Nagbasá o nanghiram ng aklat, magasin, o diyaryo
__Nakipagkita sa kaibigan
__Natulog
__Gumamit ng Internet
3. Ilang aklat ang nababasa mo sa loob ng isang taon?
__1-3
__6-9
__4-5
_/_10 o higit pa
4. Ano ang pamagat ng huling aklat na nabása mo mula sa inyong aklatan?
- Ang pamagat ng huling aklat na nabasa ko mula sa aklatan ay “RECLAIM THE
GAME”. Ito ay napakagandang basahin sapagkat ito ay reyalistik at makakarelate
tayo sa aklat na ito. Mapanakit man ngunit maraming aral na matututunan sa aklat
na ito.

5. Tungkol saan ang aklat na ito?


- Ang aklat na “RECLAIM THE GAME” ay tungkol sa mag-asawa na unti-
unting nasisira ang relasyon sapagkat ayaw ng asawang babae na magka-anak dahil
siya ay natatakot sa magiging buhay ng bata sa hinaharap. Isang araw sumuko na
talaga ang lalaki sa relasyon nila at ang babae naman ay uuwi na sa probinsya nila
ngunit naaksidente ang babae at nawalan ng ala-ala sa lahat ng bagay. Nawala ang
babae nang 4 na taon at inakala ng asawa niya na patay na siya at nagpakasal sa iba
at nag-kaanak. Sa puntong ito natagpuan ng isa pang lalaking may gusto sa babae
simula pa lang noong collage sila at tinulungan niya ang babae na makabalik sa
asawa niya ngunit hindi na gusto ng babae na magbalikan sila ng asawa niya at
humihingi siya ng Deborsiyo mula sa asawa niya ngunit ayaw ng lalaki sapagkat
mahal niya ang kanyang asawa. Hanggang sa napagod na kakasuyo sa babae ang
kanyang asawa at ibinigay na niya ang Deborsiyong hinihingi ng babae. Sa
kalagitnaan ng proseso ng deborsiyo nila, ang babae ay nagkaroon ng relasyon sa
lalaking tumulong sakanyang makabalik at siya ay nabuntis, ito ay hindi
matanggap ng lalaki at pinaghiwalay sila at ang babae naman ay umalis at
pumuntang ibang bansa at doon nanirahan ng 20 taon hanngang sa bumalik sila ng
pilipinas at hinanap ang ama ng bata. Nahanap nila ang ama ng bata ngunit amg
pagmamahalang nabuo noon ay hanggang sa nakaraan na lamang.
Sa istoryang ito marami akong natutunan. Mapanakit man ngunit mababanaag mo
na ito talaga ang reyalidad ng buhay na hindi lahat ng pagmamahalan ay natatapos
sa masayang dulo ngunit sa masalimuot na hangganan dahil susubukin ang inyong
pagmamahalan hanggang sa hindi ninyo na kaya at parehas na kayong sumuko.

PAGLALAPAT AT PAGTATAYA
PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang panuto sa
bawat gawain. Isulat ng maayos at malinaw ang mga kasagutan sa isang buo at
malinis na papel.
A. Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Ano ang sulating pananaliksik? Bakit mahalagang mahasa kasanayan ng isang
mag-aaral sa pananaliksiK at sa pagsulat ng sulating pananaliksik?
- Ang sulating pananaliksik ay ang paghahanap ng impormasyon o kasagutan
sa isang paksa na inyong tatalakayin. Mahalagang mahasa ang kasanayan ng isang
mag-aaral sa pananaliksik at sa pagsulat ng sulating pananaliksik sapagkat ito ay
mayroong mga aral na madadala natin hanggang sa tayo ay tumanda at para narin
maibahagi natin ito sa iba.

2. Bakit nahihirapan ang ibang mag-aaral Sa pagbuo ng isang sulating


pananaliksik? Ano-ano ang dapat nilang gawin upang mas maging madali ang
gawang ito sa kanila?
- Nahihirapan ang ibang mag-aaral sa pagbuo ng isang sulating pananaliksik
dahil sila ay walang sapat na kaalaman hinggil sa paksang kanilang tinalakay o
pinili o minsan naman ang iba nilang kasama ay hindi tumutulong sa pagbuo ng
kanilang pananaliksik. Ang dapat nilang gawin ay araling mabuti ang paksang
kanilang napili at dapat magtungan para sa ikabubuti ng lahat sa pangkat.

3. Bakit mahalagang maging interesado ka sa paksang iyong susulatin?


- Mahalagang maging intresado ka sa paksang iyong susulatin dahil maraming
magiging problema sa pagbuo nito at dapat ikaw ay mayroong sapat na kaalaman
at para na rin masagot ang iba pang katanungan hinggil sa paksa na mapili mo.
4. Ano-ano ang mga tanong na nararapat mong itanong sa iyong sarili bago ka
magpasiya sa paksang susulatin?
- Ito ang mga katanungan na dapat mong itanong sa iyong sarili bago magpasiya
sa paksang susulatin:
 Interesado ba akó sa paksang ito? Magiging kawili-wili kayâ sa akin ang
pananaliksik at pagsulat ng ukol dito?
 Angkop, makabuluhan, at napapanahon ba ang paksang ito? Magiging
kapaki-pakinabang ba ang magiging bunga nito sa akin o sa ibang babasa
partikular sa mga kaklase ko?
 Masyado bang malawak o masaklaw ang paksa? Masyado ba itong limitado?
 Káya ko kayang tapusin ang paksang ito sa loob ng panahong ibinigay sa
amin?
 Marami kayang sangguniang nasusulat na maaari kong pagkunan ng
impormasyon upang mapalawak ang paksang napili ko?

5. Bakit mahalagang malinaw sa iyo ang layunin ng iyong gagawin at batid mo


kung Sino ang iyong magiging mga mambabasa?
- Dapat malinaw saiyo ang layunin ng iyong gagawin at kung sino ang iyong
magiging mga mambabasa dahil para makapaghanda ka sa ibabato nilang mga
katanungan at para narin maganda ang kalabasan ng iyong pananaliksik.

6. Bakit mahalagang maiangkop ang susulatin sa uri ng iyong mga mambabasa?


- Mahalagang maiangkop ang susulatin sa uri ng iyong mga mambabasa para
magkainteres sila sa iyong bubuoing pananaliksik.

7. Alin-aling sanggunian ang gagamitin mo para sa pagsulat: Bakit mahalagang


matiyak mo muna kung maayos, tama, kompleto, beripikado ang impormasyong
isasama mo sa bubuoing sulating pananaliksik?
- Ang sanggunian na gagamitin mo para sa pagsulat ang dapat magagamit mo sa
pagpapatunay ng pahayag sa iyong pananaliksik at kung saan mo mahahanap ang
mga ito. Mahalang maayos, tama, kompleto, beripikado ang impormasyong
isasama mo sa bubuoing sulating pananaliksik sapagkat para malinaw at
naiintindihan ang susulatin mong pananaliksik.

8. Ano-ano ang maaaring gawin upang higit na maging organisado ang


pangangalap ng talâ o note taking?
- Maaaring gumamit ng tatlong uri ng tala: ang tuwirang sinipi, hawig at buod.
Ito ay makakatulong saiyo sa pangangalap ng tala o note taking.

You might also like