Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

KABANATA III

PAMAMARAAN AT METODOLOHIYA

Ang bahaging ito ng pananaliksik ay naglalaman ng Teoretikal na Gabay at Konseptwal na


Balangkas, Depinisyong Operesyona, Lokal ng Pag - aaral, Disenyo ng Pananaliksik, Populasyon
ng Pananaliksik, Sistema ng Pagkuha ng Sampol, Kasangkapan sa Paglikom ng Datos, Paraan ng
Paglikom ng Datos, Paraan ng Pagsusuri ng Datos. Ang kabanatang ito ay nagsasaad ng proseso
ng pangkalahatang estratehiya na magagamit sa susunod na kabanatan. Ito rin ang magsisilbing
gabay upang maging mabisa ang gagawing paglikom at pag aanalisa ng mga datos na
magmumula sa mga totoong saloobin o opinyon ng mga respondante na masinsinang pinag-
aralan ng mga mananaliksik upang maging mabisa at sapat ang datos na makukuha. Ang
kabanatang ito ay makatutulong sa pag-aaral ng pananaliksik na isinasagawa ng mga
mananaliksik na pinamagatang, “ Epekto ng salitang Balbal sa Relasyong Pormal at Di-pormal ng
mag-aaral ng baitang labing dalawa sa Porais National Highschool”.

TEORETIKAL NA BALANGKAS

INTERLANGUAGE THEORY. Sa pagkatuto at pagsasalita ng pangalawang wika, malaki ang naging


epekto nito sa unang wika ng mag-aaral sapagkat nadadala nila ang mga katangian ng kanilang
unang wika. Sa pagkatuto ng pangalawang wika kadalasan ay nagmumula ang mga kamalian sa
pagsasalita nito. Sa kasalukuyan, mangilan-ngilan o wala pang naisasagawang pag-aaral
patungkol sa mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang filipino at
ang epekto nito sa kanilang pag-aaral ng mga asignaturang filipino. (Selinker & Douglas, 1985).

INDIVIDUATION THEORY. Ito ay hinggil sa pagkawala ng indibidwal na kakayahan at


pagkakakilanlan dahil ang mga salitang nakaugalian ng mga Pilipino ay napapalitan ng mga
pagkakakilanlan sa salita na nangangailangan sa isang grupo ng lipunan o mas kilala sa
tinatawag na mga salitang Balbal. Ang teoryang ito ay nagpapahiwatig na sa pagadating ng
bagong henersaryon ang bawat isa ay lumilikha na ng mga salitang Balbal, at gumagawa sila ng
mga bagong salita na may kaugnayan parin sa wikang Filipino. Nagpapalit sila ng mga salita na
kinukuha nila mula sa wikang Filipino (Syque, 2010)

KONSEPTWAL NA BALANGKAS
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang mga epekto ng salitang Balbal sa Relasyong
Pormal at Di-pormal ng mag-aaral ng Baitang Labing Dalawa sa Porais National Highschool. Ito
ay ginamitan ng Input-Process-Output Model. Sa Input frame, inilahad dito ang mga
kwalipikado sa pagtugon sa sarbey na nagmula sa Ikalabindalawang baitang na mag-aaral sa
Porais National Highschool. Samantala, ang makikita naman sa Process frame ay ang mga
hakbang na gagawin ng mga mananaliksik ukol sa pagkuha ng mga datos saklaw ang sarbey o
talatanungan na gagamitin. At ang panghuli ay ang Output Frame na naglalaman ng mga
nakalap na datos ukol sa epekto ng salitang Balbal sa Relasyong Pormal at Di-pormal ng mga
mag-aaral.

Input Process Output

Mga mag-aaral mula sa -Paggawa ng talatanungan Mga epekto ng salitang Balbal


Ikalabindalawang Baitang sa sa Relasyong Pormal at Di-
-Sarbey
Porais National Highschool. Pormal ng mag-aaral ng
-Pag aanalisa o pagsusuri ng baitang labing dalawa sa
mga datos Porais National Highschool.

Talahanayan 1.

LOKAL NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa Porais National Highschool matatagpuan sa barangay ng


Porais, bayan ng San Jose at Probinsiya ng Nueva Ecija. Gumamit ng Simple Random Sampling
ang mga mananaliksik. Sapagkat hindi lahat ng mga mag-aaral ay may sapat na oras upang
paunlakan ang sarbey na gaganapin. Pinili ng mga mananaliksik ang Porais National Highschool
sapagkat maraming mag-aaral dito ang nakararanas ng iba't ibang maling interpretasyon dahil
sa lumalawak na paggamit ng mga Balbal na salita na kung saan kadalasan ay nagiging sanhi ng
hindi pagkakaintindihan.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang isinagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Sa


maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ang Descriptive Survey Research Design ang
angkop na napili ng mga mananaliksik. Ang nasabing uri ay ginagamitan ng mga survey
questionnaires o talatanungan na pupunan ng mga respondante at siyang pagmumulan ng mga
datos. Ang disenyong ito ang pinakaangkop na gamitin sapagkat mas madaling kumuha ng mga
kinakailangang datos mula sa maraming bilang ng mga respondante.

POPULASYON NG PANANALIKSIK

Ang target na populasyon ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral mula sa Ikalabindalawang
baitang sa Porais National Highschool. Ang mga mag-aaral na maaaring magsagot sa
talatanungang inihanda ng mga mananaliksik ay 50. Sila ay karaniwang nakararanas ng epekto
ng paggamit ng salitang Balbal na maaaring may malaking epekto sa pakikipatalastasan sa ibang
tao sapagkat nawawala'y sa tunay na tono ng pakikipagkomunikasyon, ito ay ang pormal at di-
pormal.

SISTEMA NG PAGKUHA NG SAMPOL

Sa pananaliksik na, "Epekto ng salitang Balbal sa Relasyong Pormal at Di-pormal ng mag-aaral


ng Baitang Labing Dalawa sa Porais National Highschool" ay gumamit ng Simple Random
Sampling dahil mas madali makakalap ng mga datos sa ganitong sistema ng pagkuha ng sampol
sa isang pananaliksik. Sa maraming bilang ng mga mag-aaral, ang mga mananaliksik ay
gumamit ng sistema ng pagkuha ng sampol na kung saan ang lahat ng mag-aaral ay may
pagkakataon na makapagsagot sa talatanungan hanggang sa umabot sa itinakdang bilang ng
mga respondante.

KASANGKAPAN SA PAGLIKOM NG DATOS

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng sarbey o talatanungan bilang kasangkapan sa paglikom


ng mga datos na magmumula sa mga kasagutan ng mga mag-aaral o sampol ng pananaliksik.
Narito ang mga talatanungang inihanda ng mga mananaliksik upang malaman ang Epekto ng
Paggamit ng Salitang Balbal sa Relasyong Pormal at Di-pormal ng mga mag-aaral: (1) Nagsasalita
ako ng mga salitang Balbal sa mga pampublikong lugar tulad ng Palengke, Paaralan, Simbahan
at iba pa., (2) Naiimpluwensiyahan ako ng mga tao sa aking paligid., (3) Sa tuwing nakaririnig
ako ng mga salitang hindi kanais-nais ngunit madalas ginagamit ng nakararami, nais ko rin itong
gamitin., (4) Nasasabi ko na ang mga salitang Balbal araw- araw., (5) Sa pamamagitan ng
pagsasalita ng Balbal, gumagaan ang aking pakiramdam sa tuwing ako’y nag sasalita., (6) Sa
tingin ko ay astig ako kapag sinasabi ko ang mga Balbal na salita., (7) Gusto kong makisabay sa
uso sa pagsasalita ng salitang Balbal., (8) Ang pagsasalita ko ng Balbal ay nagiging sagabal sa
aking pakikipagkomunikasyon.
PARAAN NG PAGLIKOM NG DATOS

Ang mananaliksik ay naghanda ng isang pahintulot sapagkat sa bahaging ito ay isa rin sa
mahahalagang bagay na dapat taglayin ng mga mananaliksik upang talagang ang kanilang
ginawang pananaliksik ay maging makatotohanan. Ginawa ito ng mga mananaliksik upang
maipabatid nila ang kanilang pagrespeto sa mga taong naging partisipante dito. Ang liham
pahintulot na ito ay ibinigay ng mga mananaliksik sa mga magiging kalahok nang sa ganoon ang
kanilang pagsang-ayon ay makuha ng mga mananaliksik bago nila gawin ang pananaliksik na ito.
Alinsunod dito ay isang kasulatan na naglalaman ng pangako ng mga mananaliksik ukol sa
kompidensyal na bahagi ng respondante na hindi ito ilalabas at gagamitin sa iba pang ibang
bagay na hindi kailangan sa pag-aaral. Kasunod nito ay ang pagbibigay ng talatanungan sa mga
respondante at kung mayroong katanungan tungkol sa kanilang pananaliksik ay may kababaang
loob nila itong sasagutin at ipaliliwanag upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan.

PARAAN SA PAGSUSURI NG DATOS

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Descriptive Quantitative Research Design na kung saan ay
angkop sa pasusuri ng mga nakuhang datos mula sa mga respondanteng sumagot sa
talatanungan o sarbey. Ang mga nalikom na datos ay susuriin gamit ang estadikal na
pamamaraan at ito ay ipaliliwanag gamit ang iba't ibang mga graphs at charts upang mas
mapadali ang pagintindi rito.

You might also like