Kankanaey

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

ng mga 

Kankanaey, binabaybay ding Kankana-ey, Kankanai, o Kankanay, ay


naninirahan sa kanlurang bahagi ng Lalawigang Bulubundukin o hilagang bahagi
ng Benguet sa Pilipinas. Wikang Kankanaey ang tawag sa kanilang lenggwahe.

Pinagmulan
Ang mga Kankanaey ay ang mga pinag-apuhan ng mga semi-literate na Malay na dumayo
sa Pilipinas sa pamamagitan ng Lingayen gulf. [2]

Lokasyon
Katulad ng ibang [1] , ang mga Kankanaey ay kasama sa mga gumawa ng mga
[patay na link]

nakakiling na sakahan upang mapalawak ang lupain ng Cordillera. Ang mga Kankanaey ng
kanlurang Mountain Province mula sa munisipalidad ng Sagada at Besao ay kinikilala ang
kanilang mga sarili bilang parte ng tribong tinatawag na Applai o Aplai. Dalawang sikat na
institusyon ng mga Kankanaey ng Mountain Province ay ang dap-ay, ang dormitory ng mga
kalalakihan at isang civic center; at ang began, ang dormitory ng mga babae kung saan
nagaganap ang ligawan ng mga dalaga’t binata. [3]

Ang mga purong Kankanaey ay matatagpuan sa kanluran, hilaga, at silangang bahagi ng


Benguet. Ngunit dahil na rin sa intermarriages ay umuunti ang mga namamalagi sa lugar na
ito.
[2]

Kultura
Wika
Pangunahing lathalain: Wikang Kankanaey

Kankanaey din ang tawag maging sa wika ng mga Kankanaey. Ito ay malimit na gamitin ng
mga Cordillerans partikular ng mga taga-kanlurang bahagi sa Mountain Province at sa
hilagang Benguet.  Ang Igorot ng Hilagang Benguet (at halos lahat ng namamalagi sa
[4]

Amburayan at timog Lepanto) ay nagsasalita ng parehong diyalekto, parehong adwana at


tinatawag ang kanilang sarili bilang Kakanay o Kankanay. Ang kultura ng grupong ito ay
walang mahalagang pinagkaiba sa cultural features ng mga Nabaloi. Lingguwistika ang isa
sa maaaring basehan ng kanilang pagkakaiba. [5]

Pagkakakilanlan
Ang mayorya sa mga Kankanay ay kawangis ng mga Nabaloi. Ang pinagkaiba ng mga
babaing Kankanay sa mga Nabaloi ay matutunghayan sa kanilang pananamit. [5]

Pisikal
Pananamit
Ang mga Kankanaey ay nagkakaiba sa kanilang pananamit. Ang tradisyunal na damit
naman ng mga babae ay tinatawag na palingay o tapis. [6]

Ang mga kababaihan na soft-speaking ay may kombinasyon ng mga kulay puti, itim at pula.
Ang disenyo ng pantaas na damit ay criss-crossed style ng puti, itim at pula. Ang pang-
ibaba naman ay (tapis) ay kombinasyon ng stripes ng itim, puti at pula. Ang mga
kababaihang hard-speaking naman ay nagsusuot ng pang-itaas na mas pansin ang pula at
itim, at saka kaunting puting istayl. Ang kanilang palda o tapis ay tinatawag na bakget at
gating. Ang mga kalalakihan naman ay nagsusuot ng bahag at tinatawag itong wanes. [3]

Ayon kay David Barrows, ang mga kalalakihan ay nagpapahaba ng buhok at nagpapatubo
ng bigote. Kung sila ay nagluluksa, ang mga kalalakihan ay nagsusuot ng amoso
(headband). Ngunit, sa paglipas ng panahon, ito ay nabago rin (maliban sa mga
nakakatanda). Kung sila ay nagtatanim, hindi sila nagsusuot ng pang-itaas na damit. Kung
nasa bahay naman, sila ay nagsusuot ng kaba. [6]

Pagtatatu
Unti-unting nawala ang tradisyon ng pagtatatu at pagsusuot ng leglet (pulseras sa binti).
Ang kanilang palamuti – mga palamuti sa buhok at kwintas – ay karaniwang gawa sa
beads.[7]

Karakter
Ang mga Kankanay ay mahiyain at mapagsarili ngunit konserbatibo sa kanilang mga
kaugalian, tradisyon, at pamamaraan. (Igualdo, 1989) Kultura

Ang kultura ay ginagamit ng tao upang masanay sa kanyang kapaligiran at magkaroon ng


komunikasyon sa iba pang miyembro ng lipunan, nang sa gano’n ay kaniyang maka-
istratehiya at organisa ang mga ito. Hindi taliwas ang Hilagang Kankanaey sa ganitong uri
ng pagsasanay sa kanilang mga paniniwala at ritwal. Isa sa laganap na gawain ng Hilagang
Kankanaey ay ang pag-aalay ng mga hayop.

Relihiyon
Bawat pangyayari sa isang buhay ng tao na kabilang sa Kankanaey at Ibaloi ng Benguet ay
may kani-kaniyang ritwal: mula pagbubuntis at panganganak hanggang sa kamatayan at
maging ang mga okasyon tulad ng kagalingan ng isang tao at pagpapasalamat ng buong
komunidad. Pinaniniwalaang nakaka-apekto ang relihiyon at tradisyon sa kanilang mga
pananim, na siya ring paniniwala sa iba pang grupong etniko sa Cordillera. Mayroon ding
kritisismo sa mga tribo ng hilaga lalo na noong panahon ng kolonisasyon ng Espanya. [8]

Ang mga ritwal ng mga Kankanaey ay maaaring mahati sa dalawa: Ang pagbibigay
pasasalamat o ang prestehiyosong sida (Cañao) at ang mga ritwal na panggamot. [2]

Musika
Ang kagamitang pang-musika ay mga tambol at gong na may iba’t-ibang tawag. Ginagamit
nila ang mga ito upang tumugtog sa mga ritwal na ipinagdiriwang. Ang kanilang mga sayaw
at kanta ay sinasabayan nila ng tugtog ng mga instrumento. Ang solibao (drums) at ang
gangsa, pinsak, katlo, kap-at, kalima (gongs), at ang tak-ik (a piece of elongated iron) ay
ginagamit pa rin ng mga Kankanaey. Mayroon ding mga instrumenting gawa sa kahoy: ang
tal-lak. Ang tunog ng silibao at gongs ay nagpapahiwatig na mayroong sida (cañao) na
nagaganap. [2]

Istruktura ng Bahay
Ang istruktura ng kanilang bahay ay simple lamang, ang bubong ay gawa sa cogon at ang
loob ay apat na sulok lamang. Ito na ang nagsisilbing tulugan, lutuan at tanggapan ng
kanilang mga bisita.[2

Ekonomiks
Ang kanilang ikinabubuhay ay ang pagtatanim, pag-aalaga ng hayop, at paggugubat; ito ay dahil
na rin sa kanilang kapaligirang ginagalawan. (Igualdo, 1989) Pareho ang naging pag-unlad ng
industriyal na pamumuhay ng mga Kankanay at Nabaloi. Ang inilamang lamang ng Nabaloi ay
mas marami silang pananim na bigas. Parehas rin ang kanilang mga kagamitan. [5]

Organisasyon sa paggawa
Ang organisasyon sa paggawa sa mga Kankanay ay nababagay sa edad at kasarian. Pagsasaka
ang karaniwang trabaho. Ang mga batang nasa edad siyam pataas ay naaatasang alagaan ang
kanilang mga kapatid.[6]

Paghahayop
Ang mga inaalagaang hayop ng mga Kankanay ay manok, aso, baboy, at kalabaw. Mayroon ding
kakaunting kambing at baka.[6]

Agrikultura
Rice terraces ang pangunahing napagyabong ng mga Kankanay. [6]

Lupain
Bihirang aminin ng mga Kankanay ang tutal na sukat ng kanilang mga lupain dahil sa takot
na madagdagan ang kanilang binabayarang buwis. [6]

Pangangaso at Pangingisda
Ang pangangaso ng mga Kankanay ay ginagawa lamang kung may malayang oras. Ang
pangingisda naman ay bihira dahil maunti lamang ang anyong tubig sa kabundukan.

Kalakalan
Gumagamit na ang mga Kankanay ng salapi ng Pililipinas bago pa man ang digmaan. [6]

Pagtetela
Naglaho din ang industriya ng paghahabi ng tela dahil sa mas magandang kalidad ng
pagtetela sa Baguio City, Bontoc at baybaying Ilocos. [6]

Politika
Ipinaliwanag ng NEDA-CAR na ang lipunan sa Cordillera ay base sa pagkakamag-anakan. Ito
ang naging haligi ng pagkakaisa sa pagitan ng bawat pamilya. Sa usapang pampolitika,
demokrasya ang paraan sa pagpili ng mga pinuno sa pamamagitan ng tradisyunal na grupo ng
konseho tulad ng ato, dap-ay, tongtong at papagat.
[8]

Custom Laws
Pagmamana
Katulad ng sa mga Nabaloi, ang tradisyon ng mana sa mga Kankanay (sa timog na parte ng
Benguet) ay ang pagpapasa sa susunod na henerasyon: ang mga magulang, kapatid na lalaki at
tiyuhin ang may karapatan na humawak sa yaman. Isa pang prinsipyong parehas pinapairal ng
dalawang pangkat sa Benguet ay ang pagkakaroon ng mga kamag-anak ng pantay-pantay na hati
sa mana.[5]
Kasal
Ang mga Kankanay (timog) at ang mga Nabaloi ay mayroon ring parehas na paniniwala
patungkol sa kasal. Ang mga anak ay katipan ng mga magulang. Samanatala, sa mga Kankanay
namang taga-hilaga, mayroon silang kalayaan kung sino ang kanilang mapapangasawa. [5]

Diborsiyo
Ang paghihiwalay o divorce sa Kankanay ay madalas kahit na sinasabi nilang hindi sila
naghihiwalay kung may anak na ang mag-asawa. [5]

Krimen
Sa mga kaso naman ng krimen o pagkakasala, mas malaki ang porsiyento ng mga kaso na
nasusolusyonan ng mga Kankanay kaysa sa mga Nabaloi dahil mas nauna silang makadiskubre
ng listahan ng patakaran at batas.
[5]

Literatura
Ang panitikan ng Kankanay ay may apat na klase ng folktales. Una, ang Märchen. Ang
Märchen ay maihahalintulad sa mga fairytales ng Amerika. Ang istory ay kadalasang
umiinog sa kaguluhan ng iba’t-ibang bahagi ng kuwento na nagpapakita ng tulungan sa
mga karakter. Ang pangalawa naman ay tinatawag na trickster tale: nagpapakita ito ng bida
na may pabagu-bagong ugali at mapaglaro. Kadalasan ay siya rin ang nabibiktima ng
kanyang mga panlilinlang. Animal stories ang pangatlo, ang mga karakter sa kuwentong ito
ay mga hayop. At ang pang-apat, ang mga narrative songs (day-eng). Ang mga ito ay
pangkaraniwang maikli at padayalogo. [9]
1. Ang Cordillera ay nahahati sa anim na probinsya, ito ang Apayao,Abra, Kalinga,
Mt. Province, Ifugao at Benguet kung saan naman matatagpuan ang “chartered
city” ng Baguio. Ang mga tribung kankanaey ay matatagpuan sa mga
probinsyang Mt. Province at Benguet
2. 2. • Ang Kankanaey ay isang wikang sinasalita sa Luzon, partikular sa mga
lalawigan ng Benguet at sa lalawigan ng Mt. Dito rin hinango ang pangalan sa
mga tribong gumagamit nito. • “Applai” - Ang Applai ay mga tribong matatagpuan
sa kanlurang bahagi ng lalawigan ng Mt. Halimbawa: ang Kankanaey ng mga
taong Sagada at Besao ay mas malalim kaysa Kankanaey ng Bauko.
3. 3. • Ang mga kankanaey naman ng Benguet ay nagmula sa mga taga Bauko.
Sila ay nag migrate at nanirahan sa probinsya ng Mankayan. Mula Mankayan ay
may mga nagmigrate naman sa mga probinsya ng Kibungan, Bakun at Buguias,
particular sa hilagang kanluran ng probinsyang Benguet. Dahil sa pangangalakal
ay may mga kankanaey na napadpad sa katimogang bahagi ng Benguet. Dahil
dito ay nagkaroon ng ibat ibang uri o “ayog”/”accent” ang lenggwaheng
kankanaey depende sa naging impluwensya ng ibat iba ring mga tribung
nakasalamuha ng mga orihinal na applai sa kanilang paglalakbay.
4. 4. Mt. Province •Sagada •Besao •Bontoc •Sabangan •Bauko •Tadian Benguet
•Mankayan •Kibungan/Kapangan •Bakun •Buguias •La Trinidad/Itogon
5. 5. MGA PAGKAKAKILANLAN NG KULTURANG KANKANAEY/IGOROT
6. 6. Tayaw – Isang katutubong sayaw ng mga kankanaey. Mt. Province at
Benguet, karaniwang sinasayaw ito tuwing may mga espesyal na okasyon
katulad ng kasal, pista o kasiyahan.
7. 7. Gangsa at Solibao – Mga katutubong musical na instrumento. Ginagamit
tuwing sasayaw ng tayaw, ito ay sagrado at hindi basta bastang tinutugtug ng
mga ibang tribung kankanaey. Gangsa Solibao
8. 8. 9. Pasiking – Ang north face ng mga igorot. JK. Sisidlang gawa sa rattan,
ginagamit na lagayan ng watwat, moma o betel nut.pwede ring gamiting back
pack sa eskwela.
9. 10. Watwat – Karneng baboy, baka, kalabaw na pinakuluan. Inihahanda tuwing
may espesyal na okasyon gaya ng Canao, Kasal. Etag – Karneng binabad sa
asin at pinatuyo para mapreserba, karaniwang dinadagdag sa sabaw, lalo na sa
pinikpikan. Tapey/Tapuey – Rice wine ng mga Igorot.
10. 11. Mga sinaunang Igorot
11. 12. Mummification – Sinaunang tradisyon ng mga Igorot para bigyan respeto ang
kanilang mga yumaong kamag anak lalo na sa mga prominenteng tao ng
lipunan. Halimbawa nito ang Kabayan Mummies nabibilang din dito ang Hanging
Coffins ng Sagada.
12. 13. Paghahabi o Weaving
13. 14. •Alam nyo ba na ang sinaunang pangalan ng syudad ng Baguio ay
KAFAGWAY na ang ibig sabihin sa salitang Ibaloi ay malawak na lupain o “wide
open space” at ito ay orihinal na tahanan ng mga tribung Ibaloi at ito ay dating
pastulan ng mga baka at kalabaw bago pa man dumating ang mga mananakop
na dayuhan.
▸ Ang Cordillera ay nahahati sa anim na probinsya, ito ang
Apayao,Abra, Kalinga, Mt. Province, Ifugao at Benguet. Ang mga
kankanaey, o tinatawag din sa baybayin na kankana-ey, kankani,
kankanay, ay naninirahan sa kanlurang bahagi ng Benguet at ilang
bahagi ng Mt. Province.

. Ang Kankanaey ay isang wikang sinasalita sa Luzon, partikular sa


mga lalawigan ng Benguet at sa lalawigan ng Mt Province. Dito rin
hinango ang pangalan sa mga tribong gumagamit nito. partikular ng
mga taga-kanlurang bahagi sa Mountain Province at sa hilagang
Benguet.[4] Ang Igorot ng Hilagang Benguet.

You might also like